Bagong Pagkilala Kay Cristo
Mark 9:2-9; 2 Kings 2:1-12
(Feb. 15, 2015)
Ang Diyos ay hindi nagbabago. Ang totoo, ang antas ng ating pagkilala sa kanya ang nagbabago. Dahil sa patuloy nating paglilingkod, lumalawig pa ang ating kaalaman tungkol sa kanya.
Sa ganitong paraan umuunlad ang ating pagkilala sa Diyos.
Bago ang pagpunta nila sa bundok, unang nagpakilala na ang ating Panginoong Jesus sa mga alagad.
Sinabi niya na siya ay ipapako sa krus, mamamatay, at muling mabubuhay. Ngunit hindi ito maunawaan ng mga alagad, lalo na si Pedro na humadlang pa sa sinasabi ng Panginoon.
Masasabi natin kung gayun, na kahit matagal na nilang kasama ang Panginoon, ay hindi pa nila lubusang nakilala ang Dakilang Guro.
Sabi ng 8:31, "He then began to teach them that the Son of Man must suffer many things and be rejected by the elders, chief priests and teachers of the law, and that he must be killed and after three days rise again."
Ito ay pagkilala sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtahak sa daan ng sakripisyo. Kailangan nating makilala ang Panginoon bilang Nagdurusang Alipin (Suffering Servant). Dahil ito ang kanyang misyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan siyang magkatawang tao. Upang iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan niya sa krus.
Mapapansin na hindi agad-agad naunawaan ng mga alagad ang nais ipabatid ng Panginoon nang magpakilala siya sa kanyang anyo bilang Nagdurusang Alipin (Suffering Servant). Tulad natin, kailangan pa nating makita ang Panginoon, sa isa pa niyang anyo. Ito ay upang lubusan natin siyang makilala.
Pagbabagong Anyo- A New Revelation
Sa ating teksto, isinama ng Panginoon ang tatlo, si Pedro, Juan at Santiago sa mataas na bundok. At doon nasaksihan nila ang pagbabagong anyo ng Panginoon.
Tulad ng sabi ni apostol sa Juan 1:14,
"The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth."
Seeing Christ through a Different Perspective
Bilang isang karaniwang tao, na nagsusuot ng kananiwang damit - ito ang dating pagkilala nila sa Panginoon. Ngunit noong araw na iyon, nakakita sila ng bagong anyo ng Messias.
1. Anyo ng kaluwalhatian (Glory)
2. Anyo ng kapangyarihan. (Power)
3. Anyo ng karangalan (Honor)
Kilalanin natin ang Panginoon sa mga anyong ito, upang maunawaan natin kung bakit kailangan siyang magdusa sa ibabaw ng krus.
Tulungan nawa tayo ng Espiritu Santo sa ting paglalahad ng kanyang Salita.
1. Una, ito ang anyo ng Kanyang Kaluwalhatian (Glory shekinah)
Ang Biblia (Filipos 2:7) ay nagsasabing hinubad o inalis ng Panginoon ang kanyang pagkadiyos (Tagalog Popular Version) ngunit hindi naman sinasabing nawala na ang kanyang kaluwalhatian.
Ibig sabihin nito, hindi nawala ang karangalan niya bilang Diyos. Kahit sa Juan 17:5, ay ipinapahayag ng Panginoong Jesus ang kanyang karangalan.
"And now, Father, glorify me in your presence with the glory I had with you before the world began."
Kung kaya, noong ipakita ng Panginoong Jesus ang kaluwalhatiang ito, pinatutunayan lamang na Siya pa rin ang Panginoon mula noong una, at hanggang ngayon Siya pa rin ang Panginoon!
Walang nagbago sa kanya kahit nagkatawang tao pa siya. Siya pa rin ang Diyos na puno ng kaluwalhatian!
2. Pangalawa, ang Transfiguration, o pagbabagong anyo ng Panginoong Jesus ay katibayan ng kanyang kapangyarihan.
Ayon sa Pahayag 12:10
"At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin."
3. Ang Transfiguration ay pagpapakita ng Panginoong Jesus ng kanyang karangalan (honor).
Sa Pahayag 5:12,
12Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, parangal, papuri at paggalang!”
Pagtatapos
Maraming paniniwala ngayon ang nagtatatwa sa pagiging Diyos ng Panginoong Jesus. Para sa mga unang Krisitino, ang kilalanin ang Panginoong Jesus bilang Diyos na dapat sambahin ay mapanganib at mapanghamon.
Ito ay isang bagong pananampalataya para sa mga Judio at kakaibang paniniwala para sa mga Hentil. Gayunman, nagbuwis sila ng buhay maipahayag lamang ito.
They knew him as a divine person. And so they declared him for who Jesus is.
What about you? Will you declare Him now as your God and Savior?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento