Biyernes, Mayo 15, 2015

Mother's Day

Araw ng mga Ina
Romans 16:13

Maraming taon na ang nagdaan, may isang tunay na pangyayari tungkol sa isang ina na naglakbay sa bulubunduking bahagi ng South Wales, England. Dala niya ang kanyang anak at sila ay naglakbay, ngunit sinalubong sila ng malakas na bagyo ng yelo. Sa lakas ng pag-ulan ng snow, halos hindi na makita ng ina ang daraanan. Dahil sa tindi ng lamig, namatay ang babae. Noong mahukay ang kanyang bangkay sa ilalim ng yelo, nakita na buhay pa rin ang kanyang anak. Hinubad pala ng ina ang kanyang mga damit at ibinalot sa bata. At saka niya niyakap ng mahigpit ang bata, sa gayung paraan nailigtas niya ang kanyang anak. Ang batang ito ay nakilala bilang si David Lloyd George, na sa kanyang pagtanda ay naging prime minister of Great Britain. Isa sa mga dakilang leader ng Inglatera.  

Ang kabanatang 16 ng aklat ng Roma ay talaan ng mga mahahalagang tao sa ministeryo ni Pablo.  At isa sa kanyang binanggit ay ang ina ni Rufo.  Siya ay isang mabuting ina para sa kanyang anak, at gayun din kay Pablo na nagturing sa kanya na  "para na rin niyang ina."

Sa buhay ng mga pastor,  totoo na may mga miembro ang ating iglesia na inilalagay ng Diyos bilang mga "ina" sa simbahan. Sila ay parang ina ng mga pastor at mga deakonesa. Sila minsan ay nagluluto, naglalaba, at nagpaplantsa ng barong ng manggagawa bago dumating ang Linggo. Sila ay kabilang sa mga mahirap kalimutan sa mga destino. 

Kung inyong itinatanong kung sino si Rufo, siya ay anak ni Simon na taga-Cirene. Si Simon ay ang lalaking nagbuhat ng krus ng Panginoong Jesus patungong kalbaryo. Ang ina na tinutukoy ni Pablo na para na rin niyang ina ay asawa ni Simon taga Cirene. Ang kanilang pamilya ay may kaugnayan sa nakita at naranasan ng kanilang ama. Saksi si Simon na taga-Cirene sa pagdurusa at kamatayan ng Panginoong Jesus. At nasaksihan din niya ang muling pagkabuhay ng Panginoon.   At sa nasaksihan niyang ito - siya ay naging mananampalataya. 

At ang pananampalatayang ito ay ibinahagi niya sa kanyang asawa at mga anak.

Sa araw na ito, samahan natin si Apostol Pablo na parangalan ang isang ina. At gayun din, parangalan natin ang mga ina, ang bawat ina ng mga pamilya. 

1. Una, parangalan natin sila dahil sa kanilang pagmamahal. 
May maari bang magmahal ng higit sa isang ina?  Mula sa paglilihi, pagdadalantao, panganganak, at pagpapalaki ng anak, ang ina ang nagbubuhat ng isang napaka-laking responsibilidad.  Ang lahat ng ito ay ginagawa niya hindi lamang bilang isang tungkulin, kundi bunga ng pagmamahal sa kanyang supling.  Ang bawat nanay ay sibol ng pagmamahal sa kanyang pamilya.  Sila ay mga balon ng paglingap, modelo ng paglilingkod. 

Ngunit madalas sila ay hindi pinapansin.  Hindi sila napapasalamatan ng kanilang asawa at ng mga anak.  Madalas pa ngang mapintasan dahil kulang sa alat ang niluluto o kaya ay hindi sila nakapag-laba agad ng uniporma ng anak na nag-aaral.  Sila ay madalas namumuhay na parang katulong, kung hindi man alipin.  Naiiwan mag-isa sa tahanan, upang maghanada ulit sa pagdating ng kanyang pamilya upang maghain ulit ng makakain sa hapunan.  Talagang walang katulad ang mga nanay. Pwede bang palakpakan natin sila?

2. Pangalawa, parangalan natin sila sa tindi ng kanilang impluensya sa buhay ng kanilang mga anak. 
Alam ba ninyo na si Thomas Edison ay hindi tinanggap sa paaralan noong siya ay bata pa? Sabi ng guro niya, "Bobo ang anak ninyo at wala na kaming magagawa para matulungan siya." Sumagot ang ina ni Thomas, "Hindi lamang ninyo kilala ang aking anak, ako na lamang ang magtuturo sa kanya." At lumaki si Thomas Edison na isa sa masasabing pinakamatalinong tao na nabuhay sa mundo.

Hindi maaring tawaran ang impluensya ng isang ina sa kanyang mga supling.  Sinasabi na si St. Agustine ay naging Kristiano sa impluensya ng kanyang ina.  Dahil sa kanya, naging matatag ang theologiya ng Christian Church.  Kung ano tayo ngayon ay utang natin sa ating mga nanay.  

3. Pangatlo, parangalan natin sila dahil sila ang ilaw ng ating mga tahanan.
May kasabihan ang mga Judio.  Sabi nila, “Ang naulila ng tatay ay ulila sa ama, ngunit ang naulila sa nanay ay para naring ulilang lubos.”   Sa sinapupunan ng nanay nagsisimula ang buhay ng isang bata.  At ang buong pamilya ay umaasa sa patnubay at gabay ng nanay hanggang sa paglaki ng mga anak.  

Ang nanay ay ang bumabalansse sa lakas at disiplina ng mga tatay.   Habang ang mga tatay ay nagtatrabaho, ang mga nanay ang nag-aaruga sa mga anak, nag-aayos ng mga material at emotional na pangangailangan ng mga anak.  

Napalaka-dilim ng isang tahanang walang ina.  Ang mga magulang ang pinag-uugutan ng lakas ng loob ng mga anak.  Ngunti marami ang mga kabataan na hindi nila nakakasama ang kanilang mga anak.  Ang mga kabataan ay nasisikap makakita ng pamilya sa pamamagitan ng kanilang mga barkada.  Ngunit walang maaring maging kapalit ang mga magulang.  

Ang bawat ina ay regalo ng Diyos sa mundo at sa buhay ng bawat isa sa atin.  Parangalan natin sila at pasalamatan.

Imitating God

Imitating God
Matthew 5:38-48
"Be perfect, therefore, as your heavenly Father is perfect."

Sa aking muling pagbasa sa ating Gospel Reading, inaamin ko na ako ay nahikayat na muling tanungin ang aking sarili ng ganito: "Hanggang saan ko kayang sundin ang mga utos ng aking Panginoon bilang isang Kristiano?"

Ang pagiging totoong Kristiano ay sukatan ng ating katapatan sa Panginoon. At ang katapatan ay napapatunayan sa pagsunod. Ang Kristianismong puro salita na walang gawa ay pananampalatayang patay. Ang ating binasang Kasulatan ngayong umaga na batayan din ng ating mensahe ay hindi parabola o dating kwento ng Panginoon na palaisipan na may ibang kahulugan. Ang ating pagbasa ngayon ay mga tuwirang utos. Maliwanag na ang mga ito ay utos na hahamon sa ating pagkatao. 

May kwento tungkol sa isang military training camp, habang itunuro ng isang sargeant ang kasabihang, "Obey first before you complain." 

Ang sargeant ay nag-utos na kainin ng mga sundalo ang mga bulate. At kanila itong kinain. Nag-ihaw ng daga ang sargeant at ipinakain ang mga ito sa mga trainees - at kinain naman ito ng mga trainees. Panghuli, kumatay ng ahas ang sargeant at inihaw nito ang ahas at ipinakain ito sa mga trainees. Marami sa mga trainess ang umayaw, dahil hindi matanggap ng kanilang sikmura ang kinatay na ahas.

Pagkatapos mapansin ng sargeant ang pagsuway ng mga trainees, tinipon niya ang mga ito. At nagpaliwanag siya, "Ipinakita ninyo na may hangganan ang inyong pagsunod sa mga utos ko. Sinasanay ko kayong kumain ng ganito dahil survival ang susunod na mission natin. Maari tayong mawalan ng baong pagkain, kailangan kayong matutong kumain ng mga hayop sa gubat, upang manatiling buhay." 

Pagkatapos ng munting paliwanag, isa-isang kumuha ang mga sundalo ng kinatay na ahas at kumain. Napag-isip nila na ang utos ng sargeant ay para sa kanilang ikaliligtas. 

Sa biglang tingin, ang mga utos ng Panginoon ay mahirap. Marahil kung kasama tayo sa mga nakikinig sa Panginoon sa tagpong iyon, nagtaas din tayo ng kilay at maaring sa saloobin natin ay ating nasabi, "Anong uri ng mga utos ito? Ako na ang inabuso, ako pa ang magpaparaya. Paano ko mamahalin ang aking kaaway na kumuha ng aking balabal? Bakit ko ihaharap ang aking kabilang pisngi pagkatapos akong sampalin ng masamang taong iyon?"

Pagkatapos kong balik-balikan ang ating teksto, nabasa ko ang huling bahagi nito na nagsasaad na, "Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit."

Bakit nga ba pinagagawa ng Panginoon ang ganitong kabigat na utos?

1. Una, ito lamang ang paraan upang matularan natin ang Diyos bilang ating Ama. 

Inaaral natin ang Biblia upang makilala ang Diyos. At habang tumatagal, nakikita natin ang mga katangian ng Diyos ay pag-ibig, mapagpatawad at puno siya ng biyaya (grace). Nakikilala natin siya bilang Tagapagpatawad ng ating mga kasalanan. At sa kanyang biyaya tayo ay naligtas. Sa napaka-personal na paraan, nakikilala natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating sariling karanasan. Nakikilala natin siya dahil sa kanyang pagbibigay ng sariling buhay para sa ating kaligtasan. 

Hindi po natin makikilala ang Diyos sa pamamagitan ng kwento ng ibang tao. Makikilala lang natin siya kung magiging bahagi siya ng ating personal na buhay. Kung kaya, ang tanging paraan upang matularan natin siya ay ang sumunod tayo sa kanyang mga utos at halimbawa. 

Minahal niya ang mga makasalanang tulad natin na sumuway at kaaway ng Diyos. Maaring sasabihin natin na, "Hindi ko naman inaway ang Diyos. Naging mahina lamang ako sa mga tukso." 

Ngunit ang anumang kasalanan ay pagsuway at paghamon sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang bayad ng kasalanan ay kamatayan. Dahil ang pagsuway sa kalooban ng Panginoong Diyos ay tutumbasan ng parusang kamatayan.

Gayuman, nanaig ang pag-ibig ng Panginoon. Tayong mga kaaway ay hinamon niya upang maging kakampi. Tayong mga anak ng kasalanan ay tinawag niya upang maging anak ng Diyos. 

Sa halimbawang ito ng Diyos, kailangan natin siyang tularan.

2. Pangalawa, ito ang tanging paraan upang maging ganap tayo sa ating pagka-Kristiano. 

Dapat nating hangarin ang pagiging ganap na Kristiano. 

Noong kami ay nasa boyscout pa, tinuruan kami ng, "Work half done is work undone." Anumang trabaho na hindi tapos ay hindi trabaho. Na dahil hindi mo natapos ang iyong gawain, isipin mo na wala ka pang ginawa. Kung kaya, ang anumang trabaho ay dapat na tinatapos upang matawag na totoong trabaho. 

Sa paalala ni Apostol Pedro sinasabi niya ang ganito, "Magpakabanal kayo tulad ng inyogn Ama sa langit." (1 Pet. 1:15). 

Ang pagiging Kristiano ay hindi maaring maging bantilaw na pakikitungo sa Diyos. Ito ay magagawa lamang ng mga buong pusong nagmamahal sa Diyos, gamit ang buo nilang lakas, isip at buong kaluluwa. 

Kung ibig nating maging ganap ang ating pagiging anak ng Diyos, kailangan po nating gawin lubos ang ating pagsunod sa mga utos ng Panginoon. 

3. Pangatlo, dito natin nasusukat ang ating sarili sa ating pagsunod sa Diyos. Ang mga utos ng Panginoon ay dalawang uri. May magaan at mabigat. May mga utos na kapag ginawa natin tayo ay mapupuno ng pagpapala at hahangaan tayo sa lipunan. Ngunit may utos na maaring sisira ng ating reputasyon. May utos ang Panginoon na maaring maglagay sa atin sa kapahamakan o kamatayan. 

Ngunit hanggang saan nga ba ating pagsunod sa Panginoon? Banggitin natin isa-isa ang mga utos na ito at tignan natin kung ang mga ito ay nagagawa natin;

a. huwag maghihiganti sa mga masasamang tao at ipanalangin mo ang mga umuusig sa iyo. 
b. kung sinampal ka...magparaya ka at tanggapin ang dagdag pang sakrispisyo upang makamit mo ang kalooban ng Diyos. 
c. magbigay ka ng higit pa kung kinakailangan.
d. Kung pilitin ka ng manlulupig na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, e pasanin mo iyon ng dalawang milya. 
e. Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.

Tularan po natin ang ating Panginoong Diyos. Ginawa niya ang mga pinagagawa niya sa atin. Tayo po ang unang nakinabang sa ginawang pagmamahal ng Diyos sa mga makasalanan. At ngayon, tayo naman ang inuutusan ng Panginoon na gumawa nito. 

Susunod ka ba kapatid?

__________________________________
*Following God is not necessarily opening ourselves to abuses. Christian sufferings are for peace and to put an end to the cycle of vengeance. Meaningful sufferings are sacrifices made by Christians to bless even the offenders and abusers. By this we can evidence God's unconditional love. This love can only be felt if modeled by imitating God.

*The Christian way of defeating evil is not by repaying evil with evil. We are commanded by God to confront evil deeds by repaying it with good.

Makadiyos na Pamumuhay

Ang Makadiyos na Pamumuhay sa Gitna ng Pagsubok
1 Peter 4:12–14; 5:6–11

Ang mga sinaunang Kristiano ay nakaranas ng mga pagsubok dahil kakaunti pa sila at karamihan sa kanila ay mga alipin ng mga mayayamang pagano.  Ang emperyo ng Roma ay pinamumunuan pa ng mga Hentil.  Ang may mga emperador pa na nag-uutos sa mga tao upang sila ay sambahin na parang diyos. 

Ang pagkakaroon ng ibang hari ay ipinagbabawal. Ang marinig ng mga Hentil na ang Panginoong Jesus ay kinikilalang Hari ng mga hari ng mga Kristiano, ay dahilan upang kamuhian ng mga Hentil ang mga mananampalataya. 

Sa kabila ng mga pagsubok na ito, tinuruan ng apostol ang mga Kristiano na manatili sa tamang asal bilang mga tagasunod ng Panginoon. kanilang paghihirap bilang Kristiano ay dapat ituring na pakikibahagi nila sa paghihirap ng Panginoong Jesus.  Sa gitna ng ganitong kalagayan, inutusan ng apostol ang mga Kristiano na;

1. una ay manatiling nagpapakumbaba (5:6)

Ang kapakumbabaan ay malaking hamon kahit sa mga Kristiano.  At lalong mabigat ay ang paghihirap dahil sa paggawa ng mabuti o dahil sa pagsunod sa Diyos. Sa halip na gumanti, ayon sa apostol, ang tamang pagharap sa ganitong pagsubok ay pagpapakumbaba. Dahil ang bawat Kristiano ay makaka-asa na itataas siya ng Panginoon sa tamang panahon.

2.  Pangalawa, sabi ng apostol Pedro sa talatang 7, "Cast all your anxiety on him because he cares for you." Ang lahat ng pasanin natin ay dapat nating ibigay sa Panginoon dahil siya ay nagmamalasakit sa atin. Sa gitna ng mga pagsubok, dapat tayong manatiling nagtitiwala sa Panginoon. 

3. Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng pagpipigil sa sarili at pagiging listo (v.8 ). Dahil, "Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour." Ang mapagpigil sa sarili ay mabuting katangian na angkop sa nagnanais maging makadiyos. Marami ang napapahamak dahil sa init ng ulo at pagnanais na makaganti.  Habang ang galit na walang pagpipigil ay paraan ng diablo upang ipahamak tayo, ang pagpipigil sa sarili ay bunga ng Espiritu sa ating buhay. Ito ay ebidensya na ang Banal na Espiritu ay sumasaatin. 

Kakambal ng pagpipigil sa sarili ay ang pagiging listo. Marami ang nagtatagumpay sa labanan ng buhay dahil alam nila ang mga kilos ng kaaway. Ang regular na pananalangin, pagbasa sa Biblia, pananambahan at pakikisalamuha sa kapwa Kristiano ay mabisang paraan upang manatiling listo sa mga maaring gawin ng kaaway.

4. Ang ikaapat na makadiyos na pagharap sa pagsubok ay ang paglaban sa mga gawa ng diablo. Sabi nga ng kasabihan, "A part time Christian will not defeat a full time demon." Ang bawat Kristiano ay nasa gitna ng labanan sa kasamaan. Ang hindi paglaban sa kasamaan ay malinaw na pagayon dito. At marami ang mga Kristianong nakikag-kompromiso sa masama dahil ayaw nilang labanan ang mga baluktot at mali. Ang pananahimik sa mali ay pangungunsinti. 

5. Panglima, ang bawat Kristiano ay dapat manatiling matatag sa pananampalataya. Ang pagiging Kristiano ay kakambal ng pagsubok. Kaya nga krus ang ating simbulo.  Ang pagsunod sa Panginoon ay magagawa lamang kung tatalikuran natin ang sarili, kung papasanin natin ang ating krus at susundin natin ang Panginoon sa kabila man ng mga mabibigat na pagsubok.

Father's Day Sermon 2

Pagpaparangal sa mga Ama
Efeso 6:2

Being honored is not just something we desire. It is also something we need.  God designed us in his image, so we are longing to be honored by our own children like him.

That is the reason why God is commanding every child to honor his/her parents. 

Paano ba dapat parangalan ang mga ama? 

1. Wives, it is your obligation to honor your husbands. 

The apostle Peter made Sarah an example sa 1 Peter 3:6. Bilang isang banal na babae, si Sarah ay magalang sa kanyang asawang si Abraham.  

Ayon kay apostol Pedro, maaring maakit ng isang Kristianong babae ang kanyang asawa sa pananampalataya sa ganitong paraan.  Na kapag nakikita ng asawang lalaki ang mabuting asal at respeto ng asawa, maakit siya sa Panginoong Jesus. 

2. Pangalawa, siyempre, tungkulin ng mga anak na igalang ang kanilang ama.  Aminin natin, sa kulturang machismo ng mga Pilipino, maraming ama ang nagkakasala sa kanilang pamilya dahil sa kawalan ng katapatan. 

Pero hindi ito dahilan para hindi natin igalang ang ating mga ama.  Walang perpektong magulang.  At wala ring perfectong anak.  Gayunman, ang hamon sa atin ay ito - maging tapat nawa tayo sa ating mga anak bilang ama. Umaamin tayo at humingi ng tawad kapag tayo ay nagkamali. 

Pero para sa ating lahat na mayroon pang ama, igalang natin ang ating mga ama at pasalamatan sila.  Ito ay habang nandiyan pa sila.  Ibig kong sabihin, (di tulad namin na wala ng ama, dahil kami ay mga ulila na sa ama), habang nandiyan pa sila, patuloy natin silang igalang at paglingkuran. 

3. Dapat igalang ng mga ama ang kanilang sarili.  We as Christian men should keep out intergrity. Sa ating lipunan ngayon, marami ang nalilito dahil maraming senator ngayon ang nasasangkot sa matinding krimen.  Mas marami ang kalalakihan ang nasa bilangguan. Mas maraming ama ang sumisira ng sariling dangal. 

I believe we should learn to honor ourselves by keeping ourselves honorable.  Now, never mind our pasts.  We all made mistakes in the past.  But now that we are in Christ, it is our duty to protect the image of God in us. 

So let set good examples for our children to imitate. 
Let us respect our wives, as they ought to respect us. 

4. The church should honor fathers. 

Kailangang bigyang pansin ng simbahan ang mga ama ng tahanan.  Napatunayan ngayon sa mga pag- aaral na ang maraming simbahan ay pambabae ang dating at hindi ito nakakaakit sa mga kalalakihan.

Sa ating panahon kailangan nating bigyan ng pansin ang ministeryo para sa mga kalalakihan.  Kailangan silang ilapit sa Diyos, tulad ng mga kabataan at kababaihan.  Ngunit madalas makalimutan ng simbahan ang mga kalalakihan at nagkukulang tayo ng mga ministeryo na angkop sa kanila. 

Sa araw na ito, dapat parangalan ng simbahan ang mga ama dahil sila ang mga imahen ng Diyos, dahil ang Diyos ay ama nating lahat. 

Sa inyong mga ama ng tahanan, kayong lahat na ama ng iglesia - pinararangalan po namin kayo sa ngalan ng Panginoong Jesus, Amen!

Birthday Sermon

Birthday's Bible Text

Best Gifts
(a birthday service honoring a 50 year old christian man) Psalm 139:13

May isang anak na nagpunta sa Sm para bilhin ang pinakamahalagang regalo na maaring ibigay sa kanyang ama na nagdiriwang ng 50th birhtday.  Sa daan, nakasaksi ang anak ng isang aksidente, at may punanaw.  Sa kanyang sariling pagmumuni-muni naisip ng anak na mayroong regalo ang Diyos para sa sinumang nagdiriwang ng birhtday na dapat nating bigyan ng pansin.

1. Regalo ng Diyos ang ating buhay.

Walang makakahigit sa regalo ng Diyos para sa iyo, na higit sa buhay mo.

Ito ay nag-iisa.  
Ito ay walang katulad. 
Ito ay buhay na binayaran ng Diyos ng buhay ng Panginoong Jesus. 

Ito ay ang iyong buhay na dinudugtungan ng Diyos araw-araw.

At ngayon, isa pang taon ang ipinagkaloob sa iyo. Limampung taon ka ng pinagpapala ng Diyos.

2. Regalo ng Diyos ang iyong pamilya sa iyo. 

Do you appreeciate your family? Sa totoo lang, napaka laking pagpapala ng pagkakaroon ng pamilya.  Mula pa sa ating pagsilang, kinakalinga na tayo ng ating magulang.  Binigyan din tayo ng mga kapatid at mga kaibigan. Regalo sila ng Diyos sa iyo. 

Bilang tugon, dapat tayong;

1. Manatili ka nawang Regalo ng Diyos sa iyong pamilya at sa iba. 

Ang bawat tao ay regalong kaloob ng Diyos lalo sa kanyang pamilya. Binigyan tayo ng Diyos upang maging pagpapala sa iba. 

2. Ibalik natin ang pasasalamat sa Diyos dahil sa iyong kaarawan. At mayroon akong suggestions,

a. Una, subukan mong bilangin ang kabutihan ng Diyos iyo. 
b. Pangalawa, ipagkaloob mo sa Diyos ang pinakamabuting pasasalamat na maari mong ipagkaloob, bilang tugon sa kanyang kabutihan. Ipagkaloob mo sa Diyos ang iyong buhay.  

c. Maari mo bang ipangako na paglilingkuran mo ang Diyos, kasama ng iyong buong pamilya na mula ngayon, kayo ay magsisimba at mabubuhay lamang para sa kanya?

Father's Day Sermon

Father's Day
(Luke 15:20-24)

Ang Diyos ang dapat tularan ng lahat ng ama.  Siya ang pinakamabuting ama sa lahat! Sa kwento ng. Panginoong Jesus, inilarawan niya ang kabutihan ng ating Diyos bilang magulang. 

1. Siya ay matiyaga sa pag-asang babalik na muli ang kanyang anak (patient father). Being a father is a blessing.  But it is also a great challenge. Lalo ang pagpapalaki ng mga anak.  

Kapag maliliit pa ang ating mga anak, tinuturuan natin silang magsalita at lumakad.  Kapag kabataan na sila, nais natin silang turuan na tumahimik at umupo! Mahirap talagang magpalaki ng kabataan, lalo kapag malaki na sila!

Nang lumaki na ang kabataang ito sa kwento, kinuha niya ang kanyang mana at nilustay ang pera ng kanyang ama sa walang kwentang uri ng pamumuhay. Sa ganitong kalagayan, naging matiyaga ang ama. 

Hindi siya nagsawa sa paghihintay sa muling pagdating ng kanyang anak. Maraming kabataan ang nakita kong nalulong sa droga at hindi tumigil na umaasa ang kanilang mga magulang na magbabago buhay ang kanilang mga anak. 

Mga ama, gaano ba tayo katiyaga sa ating mga anak kapag sila ay nagkakamali? 

2. Siya ay mapagmahal na ama (a loving father). Noong bumalik ang kanyang anak, hinalikan niya ito.  Hindi niya sinalubong ng buntal o sampal ang kanyang anak na nagkamali.  

Mga ama, mas kailangan ng ating mga anak ang ating pagmamahal kapag sila ay nagkakamali o nagkakasala.  Sa kwento, nagselos pa ang mabuting anak sa masamang anak.  

Minsang tinanong ang isang tatay kung sino ang mas mahal niya sa kanyang mga anak.  Sabi niya, "kung sino ang higit na nangangailangan ng aking pagmamahal ang siyang higit kong mamahalin." At madalas, ang isang kabataang naliligaw ng landas ang higit na nangangailangan ng pagmamahal. 

At ang alibughang anak nga ang pinagkatay ng baka, siya ang hinandugan ng pagdiriwang at binigyan ng pansin. Dahil kailangan niyang makita ang pag-ibig ng ama. 

3. Pangatlo, siya ay amang mapagpatawad (forgiving father). Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Kristianong Metodista.  At ang pinakamagandang doctrina mayroon tayo ay ang "prevenient grace".  At dito po makikita ang kahulugan ng doktrinang ito.  

Hindi pa lubusang nakahingi ng tawad ang anak, ay lubusan na siyang pinatawad ng ama. Sa talatang 18-19, inaral ng anak kung paano siya hihingi ng tawad sa ama, ngunit sa verse 21-22, hindi man natapos ng anak ang kanyang sasabihin, agad na siyang pinasuotan ng ama ng singsing at sandalyas, bilang pagpaparangal sa anak, at pinaghanda siya nito ng piging! 

He was totally restored in his status as a son, even before he asked for forgiveness. That is exactly the meaning of prevenient grace. God is willing and ready to forgive even before we repent. 

4. Ama na higit na nagpapahalaga sa kanyang mga anak. 

Hindi na binaggit sa kwento ang sakit ng kanyang damdamin noong abusuhin ng kanyang anak ang kanyang kabutihan.  Hindi na naging mahalaga kung gaano katagal ang kanyang paghihintay o paghahanap sa kanyang anak. Hindi na binaggit kung magkano ang nilustay na kayamanan ng kanyang bunso.

Iisa lang ang mahalaga sa kanya bilang ama, buhay na bumalik ang kanyang anak sa kanyang piling. 

May kwento tungkol sa mga bangkero na binayaran upang mag deliver ng mga kargamento sa kabilang ibayo ng dagat.  Ngunit ang dalawang banka ay nagkarerahan.  Nang makita ng isa na nauunahan na siya, itinapon ng bangkero ang mga kahon na nagpapabigat sa kanyang bangka. At gayun din ang ginawa ng isa pa.  Ginawa nila ito para manalo. Nang matapos ang paligsahan, noon pa lamang nila natanto, itinapon pala nila ang mga kahon na ipinagkatiwala sa kanila upang dalhin sa kabilang ibayo. Itinapon nila ang mas mahalaga- para lang manalo sa paligsahan. 

Maraming ama ang nagnanais magtagumpay sa trabaho, at sa ibang karera ng buhay. Ngunit madalas silang makalimot sa pamilya.  Nagkukulang sila ng panahon para sa pamilya na siyang pinakamahalaga.  

Para sa Diyos ama, ang pinakamahalaga ay ang pagbabalik ng kanyang anak.

Sa lahat ng ama, nais namin kayong parangalan sa araw na ito.  Happy father's day po!

Sermon: New Life in Christ

June 22, 2014 Sunday School
Romans 6:1-11

Patay sa Kasalanan Ngunit Buhay Dahil kay Cristo

               1 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2 Hinding-hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? 3 Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? 4 Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.

               5 Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. 6 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. 7 Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. 8 Kung tayo'y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama niya. 9 Alam nating si Cristo nang muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. 10 Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan dahil sa kasalanan; at ang buhay niya ngayon ay dahil sa Diyos. 11 Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buhay naman dahil sa Diyos, sapagkat kayo'y nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

______________________ 
Binago ng Lubusan

Ang pagiging Kristiano ay may KKB - Kapatawaran, Kaligtasan at Bagong Buhay! Hindi maaring mawala ang isa sa mga ito sa buhay ng isang tunay namananampalataya. 

Minsan, may isang pastor ang na-invite magsermon sa isang kapilya. Habang naghihintay sa pananambahan, nagtanong ang host pastor sa dalaw na tagapagsalita kung paano niya nakilala ang Panginoon. Wika ng guest preacher, "Lumaki po ako sa isang pamilyang Kristiano at lumaki akong laman ng iglesia."  At nagtanong din ang guest preacher sa host pastor, "Kayo po, paano ninyo nakilala ang Panginoon?"

"Sa Muntinglupa po." sagot ng pastor. 
Patuloy na usisa ng guest, "Bakit po sa Munti?"
"Nakapatay ako ng dalawang tao....nakulong at doon ko nakilala ang Panginoon." tugon ng pastor. 

Hindi na nagtanong pa ang guest pastor,  (siguro natakot) ngunit nagpatuloy sa kwento ang pastor ng nasabing kapilya. "Napakabuti ng Diyos, di po ba pastor? Pinatawad ako sa aking masamang nakalipas, iniligtas ako sa kasalanan, at binago ako ng lubusan." 

Tumango ang guest preacher.  Oo nga, napakabuti ng Diyos sa ating lahat. Bagamat tayong lahat ay nagkasala. 

Sa lahat ng apostol, si San Pablo ang may pinakamasamang nakalipas - dati siyang mamamatay tao at harapan niyang nilalapastangan ang pangalan ng Panginoong Jesus. Sa kabila nito, siya ay pinatawad, iniligtas at binago ng Panginoon. 

Madali para sa atin ang tanggapin ang pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos.  Ngunit ang pagbabagong buhay ay hindi karaniwang napagtatagumpayan ng maraming Kristiano.  Mayroong, tumatanggap sa Panginoon, lumalapit sa altar -  nangangakong magbabago, magbabago ng ilang buwan at bumabalik din  sa dating bisyo at dating masamang ugali.  Dahil dito, hindi sila nagtatagumpay sa totohanang pagbabagong buhay.  

Batayan ng Pagbabagong Buhay sa Mga Kristiano

1, Napakasagana ng Kagandahang-loob ng Diyos
2. Patay na Tayo sa Kasalanan
3. Nabautismuhan na Tayo Kay Jesu-Cristo
4. Hindi na Tayo Alipin ng Kasalanan
5. Umaasa Tayo sa Ating Muling Pagkabuhay

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...