May 17, 2015
Bible Text for the Week: Ascension Sunday
1 John 5:9-13
9 Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 10 Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang Diyos ay ginagawang sinungaling ng sinumang hindi sumampalataya sa Diyos, sapagkat hindi ito naniniwala sa patotoo niya tungkol sa kanyang Anak. 11 At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12 Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroong buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi makakaranas ng buhay na walang hanggan.
13 Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.
ANG PATOTOO NG DIYOS
Sa ating panahon, dahil sa internet, sobrang dami na ng mga informations ang ating nababasa at naririnig. At minsan, mahirap ng sabihin kung alin ang totoo.
Ang Biblia ay balitang mula sa Diyos. Ang sabi ng ating aralin, ang aral ng mga apostol tungkol sa Panginoong Jesus ay patotoo ng Diyos.
Ano ang Patotoo?
Ang salitang ito ay isang "legal word", na tumutukoy sa sasabihin ng isang testigo sa korte. Ang nilalaman nito ay "pawang katotohanan lamang". Ang anumang mapatunayang kasinungalingan sa testomonyo ng testigo ay maari niyang ikakulong. Kung sinasabi ni Apostol Juan na ito "patotoo ng Diyos", para na rin niyang inilalarawan ang pag-upo ng Diyos bilang testigo sa husgado. Nakahanda ang Diyos na sabihin ang katotohanan para ating ikabubuti.
Ang patotoo ng Diyos ay hindi dapat pinagduduhan.
May kwento tungkol sa isang pamilya. Isang ama ang nagkaroon ng isang anak at isang ampon. Dumating ang oras upang ipagkaloob ng ama ang mana ng kanyang mga anak. Mahina na kasi ang katawan ng ama at alam niyang malapit na siyang pumanaw. Pinatawag ng matanda ang abogado nito at gayun din ang mga anak niya.
Sa panawagan, hindi tumugon ang ampon. Duda siya sa tawag ng kanyang ama. Inisip niya na baka hindi naman siya bibigyan ng mana dahil ampon lang siya. Hindi siya makapaniwala na kabilang siya sa mga minamahal na anak. Kaya, pinili ng ampon na hindi niya tatanggapin ang anumang balita na nagsasaad na siya ay tagapagmana.
Maraming tao ang dapat sana ay maliligtas ngunit dahil hindi sila nananalig sa pagliligtas ng Diyos, hindi nila tinatanggap ang kaloob ng Diyos.
Aralin natin ang ating teksto.
1. Ang Patotoo ng Diyos Tungkol kay Cristo (v.11)
Sa patotoong ito, itinataya ng Diyos ang kanyang buong karangalan bilang Diyos. Anumang bahid ng kasinungalingan sa balitang ito ay sisira sa kabanalan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil ito ay "pawang katotohanan", alam ng Diyos na hindi mabibigo ang sinumang maniniwala sa kanyang sinasabi.
Ang hamon ngayon ay nasa panig na ng tao na nakakarinig ng balitang ito mula sa Diyos. Nasa atin ang tungkulin ng pagpili kung paniniwalaan ba natin ito o hindi. Ngunit sa panig ng Diyos, pawang katotohanan lamang ang sinasabi ng Panginoon tungkol kay Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas.
2. Ang Paraan ng Diyos Upang Tayo ay Maligtas (v.12)
Ang paraan ng Kaligtasan ay "paniniwala sa balitang mula sa Diyos".
Sa mga tao noong unang siglo na nakarinig at nakabasa sa sulat na ito ng Biblia, kapag sinabing "maniwala sa balita" tumutukoy ito sa;
a. Paniniwala kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos, na dapat sambahin. Ang mga tagapakinig ay mga Judio, na sumasamba lamang sa Diyos na nasa langit at ang mga pagano na sumasamaba sa mga diyus-diyosan. Kung maniniwala sila sa balitang ito, kailangan ilipat ang kanilang pagsamba kay Jesus-Cristo.
b. At kung ito ay kanilang gagawin, kailangan silang pabautismo, upang ipahayag ang kanilang pagsapi sa mga Kristiano na inuusig sa panahon na iyon.
c. Pangatlo, kapag nagpahayag sila ng paniniwala sa Balitang ito, kailangan silang sumunod sa mga patakaran ng samahang Kristiano tulad ng pagmamahal sa kapwa Kristiano bilang tunay na kapatid, hindi pagihiganti sa mga umuusig sa kanila, at tapat na pagsunod sa mga turo ng Panginoong Jesus na ibinabahagi ng mga apostol.
Ang "paniniwalang" ito sa Panginoong Jesus ay isinasabuhay at hindi
pinaniniwalaan sa isipan o salita lamang.
3. Ang Kasiguruhan ng Kaligtasan sa Pamamagitan ng Pananalig (v.13)
Ang pagtanggap sa Balitang ito ay nagbubunga ng kaligtasan. Ang pagiging Kristiano ay hindi lamang pagkakaroon ng sekta o pangalan ng isang kinaaanibang grupo ng relihiyon.
Ito ay may importanteng katangian na dapat natin hanapin sa ating buhay upang mapatunayan natin na tayo nga ay totoong kabilang sa mga tunay na sumasampalataya sa Panginoon.
a. Kapatawaran - ang tunay na Kristiano ay pinatawad na at wala na siyang bahagi sa dating masamang pagkatao. Nilinis na tayo at inalis na sa dating pamumuhay. Sa pahayag ng Biblia, tayo ay mga "inampon o adopted" ng Diyos (Efeso 1:5) at tayo ay dating napapailalim sa kapangyarihan ng kasamaan. Sabi s Efeso 1: 1-3
1 Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. 2 Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. 3 Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.
Dahil sa pahayag na ito, maasahan ng sinumang maniniwala sa Balitang mula sa Diyos na hindi na aalungkatin pa ng Diyos ang nakalipas. Mawawala na ngayon ang anumang gapos ng masamang nakalipas sa buhay ng isang pinatawad.
b. Bagong Buhay
Ang bangungot ng nakaraan ay wala ng lugar sa bagong buhay na kaloob ng Diyos. Ang anino ng nakalipas ay mawawala sa liwanag ng Diyos. Ang tanging makikita ngayon ay isang bagong pagkatao na kalarawan ni Cristo.
c. Panghuli, kapag pinakikinggan ito ng sinaunang Kristiano at pinaniwalaan ang Balitang mula sa Diyos, ito ay kasabay nilang sinasampalatayanan na sila tatanggap ng buhay na walang hanggan.
Maraming Judio ang hindi naniniwala sa buhay na walang hanggan noong panahon ng Panginoong Jesus. Sa paniwala nila, dito lang sa lupa ang buhay ng tao. Ang mga pagano naman ay naniniwala sa Hades o lugar ng mga patay, kung saan nanatili lamang silang bilanggo doon.
Ngunit ang buhay na walang hanggan na sinasabi ng Balitang mula sa Diyos ay buhay na nagsisimula dito sa lupa (buhay nasagana at kasiya-siya ayon Juan 10:10) at aabot hanggang sa kabilang buhay. Ito ay hindi katulad ng paniniwala ng pagano sa lugar ng Hades at kabaligtaran naman ito ng paniniwala ng mga Judio.
Sa mga unang nakarinig nitong Balita, para sa kanila ito ay bagong pananampalataya! Kaya ang hamon ng Kristianismo sa kanila ay isang bagong paniniwala, dahil winawasak nito ang paniniwala sa dati nilang relihiyon.
MGA TANONG SA TALAKAYAN
1. Bakit hindi kumpleto ang maniwala sa Ebanghelyo sa isip at salita lamang? Paano kinukumpleto ng gawa ang pananampalataya?
2. Kung ang bagong buhay na kaloob ng Diyos ay bunga ng ganap na pagpapatawad, paano natutulungan sa iglesia ang mga dating nagkasala upang lubusan silang lumaya sa kanilang masamang nakalipas?
3. Paano naliligtas ang isang tao sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo? Paano naliligtas ang tao mula sa kasalanan at kasamaan? Ano ang mga halimbawa ng kasamaan ang sumisira sa buhay ng tao na dapat nating gapiin?
Biyernes, Mayo 15, 2015
Banal na Komunyon
Sa Banal na Komunyon: Kasama Natin Si Jesus!
Luke 24:13–35
Ang ating kwento mula Biblia ay salaysay ng dalawang alagad na pauwi sa kanilang tahanan. Pagkatapos nilang makita si Jesus na namatay at inilibing, ang tanging hangarin nila ngayon ay bumalik na lamang sa kanilang tahanan sa Emaus.
Noong sumunod sila sa panawagan ng Panginoon upang maging alagad, iniwan nila ang kanilang tahanan at pamilya. Ngayong wala na ang Panginoon, marahil nga, ang pinaka magandang magagawa nila ay ang umuwi.
Sa Daan Pauwi
Masarap umuwi lalo kapag may sasalubong sa iyo tulad ng halik ng asawa at yakap ng mga anak. Masaya rin sila kung may pasalubong na dala ang isang uuwi ng tahanan. Sa tahanan maririnig ang mga halakhak, tawanan at mga pagbabawal ng magulang sa kakulitan ng mga bata. Walang lugar na katulad ng tahanan.
Ngunit ang pag-uwi na iyon nina Cleopas at ng kasama nila ay isang malungkot na pag-uwi. Naaalala ko po ang mga kwento ng mga biktima ng mga illegal recruiter noong bata pa kami sa aming baryo.
Isang pamilya ang nagbenta ng kanilang nag-iisang kalabaw at maliit na lupang sinasaka upang makapunta sa Saudi Arabia ang ama ng tahanan. Sa pamamagitan ng pangingibang bansa, inasahan ng pamilya na sila ay uunlad na sa kabuhayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng ama, siya ay biktima pala ng illegal recruitment. Inihatid pa naman siya sa airport ng buong pamilya. Pagdating sa airport ng Maynila, wala siyang passport, wala siyang ticket at wala rin ang recruiter. Umuwi ang buong pamilya na malungkot at bigo.
Malungkot at bigo, ito rin ang damdamin nina Cleopas. Umasa sila na si Jesus ay ang Messias. Umasa sila na magbabago na ang takbo ng buhay ng bawat Judio na lalahok sa kilusan ng Panginoong Jesus. Ngunit ngayong patay na si Jesus, patay na rin ang kanilang pag-asa.
Pauwi sila sa Emaus dala ang malungkot na balita, patay na ang inaasahang nilang Tagapagligtas. Ang dala nila ay kwento ng kabiguan. Marahil nahihiya nga silang uuwi sa kanilang bayan ng Emaus.
Sinamahan Sila Ni Jesus sa Pag-uwi
Sa kanilang paglalakbay pauwi, nakisabay ang Panginoong Jesus sa kanila. Kasama nila ang Panginoong Jesus pero hindi nila alam na siya yun. Buhay na muli ang Panginoong Jesus ngunit hindi ito namalayan.
May kwento ang dakilang mangangaral na si Charles Spurgeon tungkol sa isang katulong na naglingkod sa isang lalaking mayaman. Namatay ang mayaman at ang tanging iniwan niya sa katulong ay isang sulat. Dahil hindi marunong bumasa ang katulong, umuwi siya at itinabi ang nasabing sulat sa isang sulok ng kanyang barung-barong. Nasadlak sa lungkot ang katulong dahil napamahal siya sa kanyang amo na parang ama niya ito. Bumalik siya sa kanyang dating bahay, sa lalong mahirap na buhay dahil wala na siyang alam na kabuhayan kundi ang maging katulong.
Isang araw, binisita siya ng kanyang pastor. Pinabasa niya ang nilalaman ng sulat ng kanyang dating amo. At laking gulat ng pastorng mabasa ang sulat. Ito pala ay isang testamento na nagsasaad na ang lahat ng ari-arian ng kanyang pumanaw na amo ay pinamamana sa kanya!
Kasama niya ang sulat pero hindi niya alam...na siya pala ay tagapagmana. Na siya ngayon ay isang napakayamang tao salupain na iyon!
Ang mga alagad, kasama na nila si Jesus pero hindi pa nila alam!
Alam ninyo mga kapatid, kahit ngayon baka mayroon kayong pag-papala sa buhay na hindi ninyo nalalaman. Life is full of unrecognized blessings. For so many times, God is just beside us, ready to bless us, ready to journey with us, but we may just not recognize Him.
Bakit kaya?
Bakit hindi nila nakilala si Jesus? Ang dahilan, nakapako na sila sa maling kaisipan na patay na si Jesus.
Sa bahay namin dati, ay may manequin. Ito ay nasa sala at iniwan namin itong nakatayo sa loob ng bahay. Ilang buwan din itong walang nakalagay doon na walang t-shirt (may shorts naman). Minsan, una akong umuwi sa bahay at naisipan kong tumayo sa lugar ng manequin. Tinakpan ko siya ng kumot at doon ako tumayo sa lugar niya. Inalis ko ang t-shirt ko at nag-pose ako na parang ako yung manequin. Dumating si misis at ang aking anak, at hindi nila napansin na nandoon ako sa bahay. Padaan-daan sila sa aking harapan ko ng mahabang sandali at hindi nila alam na nandoon ako!
Kaya ng ako ay kumilos, nabigla po sila. Nandoon lang ako, pero hindi nila alam.
Nakapako kasi ang kanilang kaisipan na manequin ang naroon, kaya hindi nila ako pansin habang ako ay naroon lamang.
Nandoon lang si Jesus, pero hindi nila alam na Siya na pala ang kasama nila.
Hindi kaya ganyan din tayo mga kapatid? Nandiyan lang ang Panginoon pero hindi natin alam? Na ang turing natin sa Diyos ay isang estranghero?
Gayun pa man, matiyaga parin silang tinuruan ng Panginoon. Pina-alala ng Pagninoong sa kanlila ang mga hula sa Lumang Tipan. Sa kanilang mahabang lakaran, marami rin ang naibahagi ng Panginoon sa kanila, ngunit isa lang ang alam nilang kwento, nakapako pa rin sila sa maling kaisapang "Patay na si Jesus.".
Nang Makauwi na Sila
Pagdating sa Emaus, pinatuloy nila ang Panginoon sa kanilang tahanan. At ito ang pinaka magandang bahagi ng kwento. Hindi man nila naunawaan ang mga sinasabi ng Panginoon, hindi man nila nakilala si Jesus, pinatuloy nila ang "estranghero ito" sa kanilang tahanan.
May kwento tungkol sa isang pamilyang hindi mananampalataya. Isang araw nakipanuluyan ang isang pastor sa kanilang bahay at tinanggap naman nila ang pastor. Sa una nilang pagharap sa hapag kainan, hiniling ng pastor na manalangin sila, at ito ay nakabigla sa pamilya dahil hindi naman sila sanay manalangin. Ngunit sa unang pagtanggap nila sa pastor na iyon, sa unang panalangin nila, nakadama ang pamilya ng kakaibang diwa. Nakaramdam sila ng presensya ng Diyos. Karanasan na hind nila maunawaan, pero totoo. Mula noon, hinahanap-hanap nila ang panalangin ng pastor, hanggang sila ay naging mananampalataya.
Nang nasa hapag na sila, kumuha ng tinapay ang Panginoong Jesus at hinati tio, matapos magpasalamat, ibinigay niya ito sa mga alagad.
Bigla nabuksan ang kanilang mga mata! Kasama pala nila si Jesus!
Banal na Komunyon, Paraan ng Diyos Upang Buksan ang Ating mga Mata
1. Binubuksan ng Banal na Komunyon ang mata natin upang malaman natin na kasama pala natin si Jesus sa ating paglalakbay sa buhay. At kahit sa gitna ng mga kabiguan, sa gitna ng lungkot, God is journeying with us. Hindi po tayo tinalikuran ng Diyos.
2. Pangalawa, binubuksan ng Pangiinoon ang ating mga mata sa pamamagitan ng Banal na Komunyon sa katotohanang handa siyang pumasok sa ating buhay, Handa siyang manuluyan sa ating mga tahanan upang makasalo natin siya.
3. Pangatlo, ang banal na Komunyon ay katibayan na ipinagkaloob na sa atin ang pinaka-mahalagang pagpapala ng buhay at kaligtasan. Ibinigay ng Ama ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sasampalataya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Ilang beses na po akong nakarinig ng mga kwento ng mga nagpapatiwakal na tao. At kadalasan, ang iniiwan nilang sulat ay magkakahawig. Sabi nila, "Walang nagmamahal sa akin.."
Sayang ano po.
Hindi nila alam mahal sila ng Diyos.
Kayo, alam na po ba ninyo na mahal kayo ng Diyos?
Na dahil sa pagmamahal niya sa atin Siya ay kusang namatay para sa ating kaligtasan?
Hinati niya ang tinapay at ibinigay sa kanila...at nabuksan ang kanilang mga mata. Halina po sa hapag ng Panginoon at makisalo.

Salvation from God
Kaligtasang Kaloob ng Diyos
1 Peter 1:3–9
Kung paano makaaabot sa Diyos ang tao ang matagal ng usapin. Maraming relihiyon ang nagsasabi na ang paraan ng kaligtasan ay sa pamamagitan ng mabuting gawa ng tao. At ang kaligtasan ay itinuturing na gantimpala sa mabuting gawa.
Ngunit sa Biblia at tamang katuruang Kristiano, malinaw na sinasabi ni Apostol Pablo na ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos. At ito ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesu-Cristo lamang (Efeso 2:8-9).
Ang mga apostol ay nagkakaisa sa doktrinang ito ng kaligtasan. Ang mabuting gawa naman ay inaasahang bunga ng pananalig sa Panginoong Jesus.
Ang Kaloob ng Diyos
Ang mga kaloob ng Diyos na mga biyaya ay "sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo". Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ni Apostol Pablo na ang kanyang pinakahahangad ay,
"Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay... (Fil. 3:10a)."
Sa ating aralin, may apat na kaloob ang Diyos na bunga ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Dahil sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo;
a. Tayo ay binigyan ng Bagong Buhay (v.3)
Ang pagiging Kristiano ay pagkakaroon ng bagong buhay. Ganito ang sabi ng Roma 6:4, "Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay."
Maliban na ang isang tao ay magkaroon ng bagong buhay o ipanganak na muli, ang taong ito ay hindi tunay na sumampalataya at hindi maliligtas.
Ang bisa ng muling pagbuhay ni Cristo ay inaasahang makikita sa buhay ng bawat Kristiano sa pamamagitan ng ating pgbabagong buhay.
b. Tayo ay Pinagkalooban ng Isang Buhay na may Pag-asa (v.3)
Ang pag-asa (hope) ay pagkakaroon ng positibong pananaw sa kasalukuyang buhay dahil sa mga magagandang. mangyayari sa hinaharap. Dahil sa muling pagkabuhay, makakaasa tayo sa dakilang pag-iingat ng Diyos, mga dakilang pagpapala para sa ating mga pangangailangan, at sa ating makakamit na buhay na walang hanggan. Ang pag-asang ito ay nasa atin na, bagamat ang kaganapan nito ay sa hanaharap pa (Roma 8:24).
c. Tayo ay Pinagkalooban ng Kaligtasan
Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ay batayan ng pananampalataya sa Biblia na inaasahang sasampalatayanan ng isang nagnanais maligtas. Ang bunga ng tunay na pananampalataya ay kaligtasan (v.9).
Sa Roma 10:9 ay mababasa ang ganito,
"Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka."
d. Tayo ay Pinagkalooban ng Kagalakan
Ang tinutukoy dito ay hindi lamang masayang damdamin. Kahit ang mga namumuhay pa sa kasalanan ay maaring maging masaya. Ngunit ang mga nagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos nakakaranas ng tunay na pagpapala sa kabuoan ng kanilang buhay espiritual, emosyonal at material na kalagayan.
Ang mga nasa Panginoon ay may kapayapaan. Ang mga nasa kasalanan ay mayroong kasiyahang pagsamantala, ngunit wala silang kapayapaan (shalom). Ang isang tunay na Kristiano ay payapang makakaharap sa mga sakit, pagsubok o maging sa kamatayan, dahil alam niya na may nakalaang buhay na walang hanggan para sa kanya.
Ang isang makasalanan ay takot sa kahatulan ng Diyos, samantalang ang isang tunay na nakiisa kay Cristo ay hindi na hahatulan (Roma 8:1).

New Life in Christ
Ang Ating Bagong Pagkatao
1 Peter 1:17–23
Ang ating bagong pagkatao ay isang bagong puso, bagong pag-uugali, at pag-ayaw sa kasalanan. Ito ay buhay na may bagong direksyon. Dati, ito ay naghahanap ng sariling kapakanan. Ngayon, ang ating buhay ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos.
Ang isang tunay na Kristiano ay nakadarama ng pagbabago sa sariling buhay. Mayroon siyang kauhawan sa Diyos, sa kanyang Salita, sa pananalangin at pagsamba. Ang nais niya ngayon ay ang masunod ang kalooban ng Diyos.
Ang paliwanag ng apostol Pedro ay kung saan naguugat ang ganitong pagbabago na nakikita sa mga Kristiano.
1. Una ito ay naguugat sa ating bagong kaugnayan sa Diyos bilang ating Ama (v.17). At dahil siya ang ating Ama, namumuhay tayo na may malalim na takot at paggalang sa kanya (reverence). Ito ay kung paano natin seryosong sinusunod ang bawat kalooban ng Diyos pagdating sa mga ginagawa natin sa ating buhay. At habang patuloy tayo sa pagsunod, ang ating pagkatao ay nahuhubog ayon sa ninanais ng Diyos para sa atin.
2. Pangalawa, dahil tinubos tayo sa dugo ni Cristo (v.19). Ang katubusang ito ay higit pa sa lahat ng kayamanan ng buong daigdig. Ang ginamit na salita dito (lutrooo sa Greek) ay tumutukoy sa bayad upang palayain ang isang alipin o ang bihag sa digmaan. Tayo naman, ay mga dating bihag ng "walang saysay na pamumuhay" (worthless manner of life), na namana pa natin mula sa ating mga ninuno. At ngayon, tayo ay pinalaya na ng Panginoon. Sa ganitong paraan nagkaroon ng saysay ang ating buhay.
Sa dati nating buhay, ang kaligayahang nadarama noon ay pawang pansamantala. Masaya ka ng ilang sandali at pagkatapos ay babalik ka rin sa lungkot. Ang ibang damdamin sa buhay makasalanan ay mga pagkukunwaring kaligayahan. Mga ngiti sa labi ng isang nagdurugong puso.
Ang isang tinubos ay masaya dahil totoo siyang malaya mula sa kasalanan.
3. Pangatlong pinaguugatan ng ating pagbabagong buhay ay ang ating pagsampalataya sa Diyos (v. 21). Hindi maaring paghiwalayin ang pananampalaya sa Diyos sa pagbabagong buhay. At kung walang pagbabagong buhay, ito ay nangangahulugan ng kawalan ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay pagtitiwala sa ginagawa ng Diyos para sa atin.
4. Pang-apat, ay ang pagsunod natin sa katotohanan (v. 22). Dahil dito, nasasabi natin na nilinis na tayo ng Diyos. Nagiging pagkukusa na ngayon ang ating pagtalima sa kalooban ng Diyos. Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang pagbabago sa panlabas na anyo. Ito ay naguugat sa pagbabago ng kalooban ng tao, upang ibigin ang Diyos ng buong puso. Ang pagsunod sa Diyos ay hindi pasanin kahit gaano ito kahirap. Sa halip ito ay nagbibigay ng kagalakan sa mga Kristiano.
May mahalagang doktrina na nakapaloob sa ating aralin.
Ang pagtubos (redemption) at pagbabagong buhay (transformation) ay gawa ng Diyos sa ating buhay (God's work in us). Ngunit ang pagsunod natin sa kalooban ng Diyos ay katibayan ng pagkilos ng Diyos sa ating buhay (God's work through us). Ang pagiging masunurin sa Diyos ay resulta ng sinasabi ni Apostol Pablo na "si Cristo na ang nabubuhay sa akin". Ang kanyang mabubuting gawa ay parangal sa Panginoon at hindi niya itinuturing na sariling karangalan.
Ang saligan natin sa katotohanan ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Ito ay itinuturing nating mga nakasulat na kalooban ng Diyos.
Ayon sa talatang 23, "Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buhay at di nagbabagong salita ng Diyos."
Ang Bungang Inaasahan Mula sa Pagbabago
Ang inaasahang bunga ayon sa talatang 22, ay kapag "naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan."
Ang pagbabago sa buhay ng isang Kristiano ay hindi lamang isang personal na pagbabago. Lalo itong mapapatunayan kung ito ay magbubunga ng maayos na kaugnayan sa loob ng iglesia. Ang pag-ibig sa kapatiran ay ang inaasahang bunga ng tunay na pagbabago dahil ito ang layunin ng Diyos para sa atin.
Sabi ng Panginoong Jesus, "Malalaman ng mga tao na kayo ay alagad ko, kung nagmamahalan kayo."
Mga Tanong sa Talakayan
1. Ano ang mga halimbawa ng mga "walang saysay na pamumuhay" na dating nagagawa natin at namana pa mula sa ating mga ninuno, na ngayon ay inalis na ng Panginoon?
2. Paano malalaman ng isang tao na siya ay binago na nga ng kanyang pananampalataya sa Diyos?

Christian Suffering
Makabuluhang Pagtitiis
1 Peter 2:19-25
Noong tayo ay tawagin ng Panginoon ang mga alagad upang sumunod sa Kanya, sinabi niya na kailangan nilang talikuran ang sarili at pasanin ang kanilang krus (Lucas 9:23). Tulad ng mga unang alagad, tayo rin ay tinawag ng Panginoon at mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng makabuluhang pagtitiis.
May mga pagtitiis na bunga ng parusa sa nagawang kasalanan. Ngunit may uri ng pagtitiis na bunga ng ginagawang kabutihan. Ang pagtiis ng mga bayani ay halimbawan nito. Sila ay pinarusahan dahil sa paggawa ng mabuti.
Ang Kalagayan ng Mga Kristiano Noon
Ang mga Kristiano sa panahon na isinulat ang 1 Pedro, ay kakaunti sa bilang ng populasyon (minority). Marami sa kanila ang alipin na pinahihirapan ng kanilang mga amo dahil sila ay mananampalataya sa Panginoong Jesus. Sa ganitong kalagayan sila sinulatan ng Apostol Pedro.
Bahagi ng sistema ng lipunan ang ganitong kaugnayan ng amo at mga alipin. Ang mga mayayamang Hentil ay karaniwang malupit sa mga alipin nila. Dahil kakaunti lamang ang mga Kristiano, hindi pa naging usapin kung dapat nga bang baguhin ang sistema ng lipunan noon.
Mabuting Pagtitiis
1. Pagtitiis Upang Magkapagpatotoo (v. 19)
Ang mga unang alagad ay nakaranas ng mga hindi makatarungang parusa mula sa kanilang mga amo. Ang kanilang pagtitiis ay upang maipakita nila na tunay silang alagad ni Cristo, at ng sa gayon ay mahikayat din nila ang kanilang mga amo sa pananampalataya.
Sa kanilang kalagayan, sa halip na ituring nilang pagdurusa ang paghihirap, hinihikayat ng apostol na ituring ng mga Kristiano ang paghihirap (unjust suffering) bilang pagkakataon upang maipakita nila na sila ay mga tunay na naniniwala sa Diyos.
2. Pagtitiis bunga ng paggawa ng Kabutihan (v. 20)
Ang paggawa ng kabutihan ay higit sa pagbibigay ng mga bagay na hindi na natin kailangan, o pagkakaloob ng mga gamit na napaglumaan na. Ang paggawa ng mabuti ay may kaakibat na
sakripisyo. Ang layunin ay para sa ikabubuti ng higit na nakakarami.
Sa kalagayan ng mga Kristiano sa panahong iyon, hindi madali ang gumawa ng mabuti sa mga taong nagpapahirap sa kanila. Ngunit sa halip na gumanti, nakikita ng apostol na ito ay pagkakataon pa rin upang magliwanag sila bilang mga alagad ni Cristo.
Ang paggawa ng kabutihan sa gitna ng paghihirap ay ang dahilan kung bakit nahikayat na maging Kristiano ang mga Romano. Dahil habang pinahihirapan nila at pinagpapatay ang mga Kristiano, lalong nakikita ang kanilang katapatan sa pananampalataya sa Diyos.
Ang pananatiling tapat sa Diyos hanggang kamatayan ang siyang pinakamabisang patotoo sa mga hindi sumasampalataya.
3. Pagtitiis tulad ng ginawa ni Cristo (v. 21-23)
Kung mananatili sila sa pananalig, sa gitna ng pagsubok, sila ay lalong pinadadalisay ng Diyos sa kanilang kaugnayan sa Panginoon.
Sila rin lalong nagiging katulad na Cristo na dumanas din ng paghihirap upang makamit ang lalong mabuti para sa nakararami.

Pentecost Sermon2
Day of Pentecost
Acts 2:1-21
1 Corinthians 12:3b-13
Kapangyarihan Mula sa Kalangitan
Ang Diyos ay makapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit maari lamang siyang katagpuin na may takot at paggalang. Siya ang hahatol sa ating lahat at siya ang may hawak ng buhay ng lahat.
Ngunit ang Diyos ay pag-ibig. Ang paraan niya ng pagkakaloob ng buhay ay pagkakaloob ng kanyang sariling buhay. Sa paglikha, nabuhay si Adan dahil ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang sariling hininga. Sa ating pagkahulog sa kasalanan, ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang buong buhay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus. Upang tayo ay lumago sa kabanalan, muling ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ibig sabihin, ang Banal na Trinidad ay ang patuloy na gawain ng Diyos tungkol sa pagkakaloob ng kanyang sarili.
Apoy at Hangin
Dumating ang Banal na Espiritu ayon sa sinabi ng Panginoong Jesus. Sa anyo ng apoy, ang Espiritu Santo ay dumadalisay (purging) at sa anyong malakas na hangin, ito ay nagbibigay buhay at nagpapakilos ng kanyang dinadaanan. Ang hangin ding ito ang anyo ng Espiritu sa paglikha. Sa kanyang pagkilos, lumilikha siya ng bagong bagay.
Sa Pentecostes kung gayun, ang Diyos ay lumilikha ng panibago. Ito ay bagong simula ng kasaysayan.
Kung sa paglikha, gumawa ang Diyos ng tao, na kanyang hinngahan sa ilong upang mabuhay. Ngayon, muli siyang nagtitindig ng panibagong uri ng tao. Sila ang mga bagong anak ng Diyos na lalakad sa mundo. Sila ang mga Kristinong, hingahan ng Diyos, upang taglayin ang Espiritu ng Panginoon!
Epekto ng Petecostes
1. Nagkaroon ng Tapang at Kapangyarihang Magpahayag ang mga Alagad
Noong ipako sa krus ang Panginoon at namatay, namatay din ang pag-asa ng mga alagad. Noong muling nabuhay ang Panginoon, muli rin silang nabuhayan ng loob! Ngunit nang dumating ang Banal na Espiritu, nagkaroon sila ng tunay na lakas ng loob!
Ang pagdating ng BAnal na Espiritu kasi ang katuparan ng mga pangako ng Panginoong Jesus na;
a. Hindi sila iiwan ng. Panginoon ni pbabayaan man hanggang sa wakas ng panahon,
b. pangalawa, na darating ang Espiritu ni Cristo sa kanila upang magbigay kapangyarihang magpatotoo (Gawa 1:8).
2. Ang Mensahe ng Kaligtasan ay Naipahayag at Naunawaan sa Kabila ng Pagkakaiba ng Wika ng mga Tao
Sa pagdating ng Espiritu, nagunawaan ang mga tao habang ipinapahayag ang Salita ng Diyos. Hindi naging isa ang kanilang salita. kundi pa naman, nauunawaan ng mga kagapakinig ang Mensahe ng Kaligtasan ayon sa kani-kanilang sariling wika! Ibig sabihin, sa presensya ng Espiritu, makapangyarihang naipapahayag sa Salita, at ito ay nakakarating ng malinaw sa mga nakikinig.
3. Nagbunga ng Malawakang Pag-ani ng mga Kaluluwa
Panghuli, ang presensya ng Espiritu ay nagbubunga ng mabungang ani ng mga kaluluwang naliligtas! Tunay na kapangyarihan ng Diyos ang nakapagliligtas at hindi talino, kabutihan o galing ng tao!
Sa unang sermon ni Pedro, tatlong libo ang sumampalataya! Marami ang lumaya sa kasalanan at gumagaling sa mga sakit hanggang ngayon! Purihin ang Panginoon! Hindi Siya nagbabago!

Mother's Day
Araw ng mga Ina
Romans 16:13
Maraming taon na ang nagdaan, may isang tunay na pangyayari tungkol sa isang ina na naglakbay sa bulubunduking bahagi ng South Wales, England. Dala niya ang kanyang anak at sila ay naglakbay, ngunit sinalubong sila ng malakas na bagyo ng yelo. Sa lakas ng pag-ulan ng snow, halos hindi na makita ng ina ang daraanan. Dahil sa tindi ng lamig, namatay ang babae. Noong mahukay ang kanyang bangkay sa ilalim ng yelo, nakita na buhay pa rin ang kanyang anak. Hinubad pala ng ina ang kanyang mga damit at ibinalot sa bata. At saka niya niyakap ng mahigpit ang bata, sa gayung paraan nailigtas niya ang kanyang anak. Ang batang ito ay nakilala bilang si David Lloyd George, na sa kanyang pagtanda ay naging prime minister of Great Britain. Isa sa mga dakilang leader ng Inglatera.
Ang kabanatang 16 ng aklat ng Roma ay talaan ng mga mahahalagang tao sa ministeryo ni Pablo. At isa sa kanyang binanggit ay ang ina ni Rufo. Siya ay isang mabuting ina para sa kanyang anak, at gayun din kay Pablo na nagturing sa kanya na "para na rin niyang ina."
Sa buhay ng mga pastor, totoo na may mga miembro ang ating iglesia na inilalagay ng Diyos bilang mga "ina" sa simbahan. Sila ay parang ina ng mga pastor at mga deakonesa. Sila minsan ay nagluluto, naglalaba, at nagpaplantsa ng barong ng manggagawa bago dumating ang Linggo. Sila ay kabilang sa mga mahirap kalimutan sa mga destino.
Kung inyong itinatanong kung sino si Rufo, siya ay anak ni Simon na taga-Cirene. Si Simon ay ang lalaking nagbuhat ng krus ng Panginoong Jesus patungong kalbaryo. Ang ina na tinutukoy ni Pablo na para na rin niyang ina ay asawa ni Simon taga Cirene. Ang kanilang pamilya ay may kaugnayan sa nakita at naranasan ng kanilang ama. Saksi si Simon na taga-Cirene sa pagdurusa at kamatayan ng Panginoong Jesus. At nasaksihan din niya ang muling pagkabuhay ng Panginoon. At sa nasaksihan niyang ito - siya ay naging mananampalataya.
At ang pananampalatayang ito ay ibinahagi niya sa kanyang asawa at mga anak.
Sa araw na ito, samahan natin si Apostol Pablo na parangalan ang isang ina. At gayun din, parangalan natin ang mga ina, ang bawat ina ng mga pamilya.
1. Una, parangalan natin sila dahil sa kanilang pagmamahal.
May maari bang magmahal ng higit sa isang ina? Mula sa paglilihi, pagdadalantao, panganganak, at pagpapalaki ng anak, ang ina ang nagbubuhat ng isang napaka-laking responsibilidad. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya hindi lamang bilang isang tungkulin, kundi bunga ng pagmamahal sa kanyang supling. Ang bawat nanay ay sibol ng pagmamahal sa kanyang pamilya. Sila ay mga balon ng paglingap, modelo ng paglilingkod.
Ngunit madalas sila ay hindi pinapansin. Hindi sila napapasalamatan ng kanilang asawa at ng mga anak. Madalas pa ngang mapintasan dahil kulang sa alat ang niluluto o kaya ay hindi sila nakapag-laba agad ng uniporma ng anak na nag-aaral. Sila ay madalas namumuhay na parang katulong, kung hindi man alipin. Naiiwan mag-isa sa tahanan, upang maghanada ulit sa pagdating ng kanyang pamilya upang maghain ulit ng makakain sa hapunan. Talagang walang katulad ang mga nanay. Pwede bang palakpakan natin sila?
2. Pangalawa, parangalan natin sila sa tindi ng kanilang impluensya sa buhay ng kanilang mga anak.
Alam ba ninyo na si Thomas Edison ay hindi tinanggap sa paaralan noong siya ay bata pa? Sabi ng guro niya, "Bobo ang anak ninyo at wala na kaming magagawa para matulungan siya." Sumagot ang ina ni Thomas, "Hindi lamang ninyo kilala ang aking anak, ako na lamang ang magtuturo sa kanya." At lumaki si Thomas Edison na isa sa masasabing pinakamatalinong tao na nabuhay sa mundo.
Hindi maaring tawaran ang impluensya ng isang ina sa kanyang mga supling. Sinasabi na si St. Agustine ay naging Kristiano sa impluensya ng kanyang ina. Dahil sa kanya, naging matatag ang theologiya ng Christian Church. Kung ano tayo ngayon ay utang natin sa ating mga nanay.
3. Pangatlo, parangalan natin sila dahil sila ang ilaw ng ating mga tahanan.
May kasabihan ang mga Judio. Sabi nila, “Ang naulila ng tatay ay ulila sa ama, ngunit ang naulila sa nanay ay para naring ulilang lubos.” Sa sinapupunan ng nanay nagsisimula ang buhay ng isang bata. At ang buong pamilya ay umaasa sa patnubay at gabay ng nanay hanggang sa paglaki ng mga anak.
Ang nanay ay ang bumabalansse sa lakas at disiplina ng mga tatay. Habang ang mga tatay ay nagtatrabaho, ang mga nanay ang nag-aaruga sa mga anak, nag-aayos ng mga material at emotional na pangangailangan ng mga anak.
Napalaka-dilim ng isang tahanang walang ina. Ang mga magulang ang pinag-uugutan ng lakas ng loob ng mga anak. Ngunti marami ang mga kabataan na hindi nila nakakasama ang kanilang mga anak. Ang mga kabataan ay nasisikap makakita ng pamilya sa pamamagitan ng kanilang mga barkada. Ngunit walang maaring maging kapalit ang mga magulang.
Ang bawat ina ay regalo ng Diyos sa mundo at sa buhay ng bawat isa sa atin. Parangalan natin sila at pasalamatan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Sermons August 2026
AUGUST SERMONS and SUNDAY SCHOOL LESSONS BASED ON LECTIONARY READINGS ___________________ Sermon 1: Feeding Ministry ni Jesus ...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...