Surprise Sermon ng Panginoong Jesus
4th Epiphany: Luke 4:21-30
Sa isang kapilya, laging nagrereklamo ang mga miembro sa haba ng sermon ng pastor. Ayaw nilang makinig sa sermon ng pastor sa mga paalala upang alisin na nila ang mga bisyong sugal at paglalasing. Isang Linggo, naghanda ng isang surpresang sermon ang pastor. Wika niya sa sermon, “Maigsi lamang po ang message natin ngayon.” Siya ay sumandaling yumuko para manalangin. Pagtaas ng kanyang ulo ay nagpatuloy siya, “Mga kapatid…” sabay sumigaw ng malakas sa mikropono, “MAGBAGONG BUHAY NA KAYO!!!” At saka siya umupo. Noon ding araw na iyon, pinatanggal ng mga miembro ang nasabing pastor.
Noong makaranas ng Spiritual Revival si John Wesley, ayaw tanggapin ng ibang paring Anglicano ang kanyang pangangaral. Ang mga bagong himno na likha ng kanyang kapatid na si Charles ay itinuring na ‘wordly’ o makamundo. Ang pangangaral nila sa open fields, sa mga palengke at bilangguan ay hindi naging katanggap-tanggap na pagbabago para sa mga taga-simbahan. Naging malaking surpresa ang Methodist Revival para sa tradisyonal na Anglican Church!
Alam po ba ninyo na ang dakilang pastor na si Jonathan Edwards ay nakaranas din ng rejection sa kanyang church assignment? Siya ay pina-alis ng mga miembro ng kanyang iglesia dahil sa paraan ng kanyang pangangaral at hindi siya palagiang nagbibisita sa mga kaanib. Dahil dito, napilitan siyang umalis at nagmisyon sa United States. Sa ganitong paraan, ginamit siya ng Panginoon upang magkaroon ng Revival sa United States at sa Europa.
Surpresa ni Jesus
Bagama’t naghihintay ang mga Judio sa pagsilang ng Mesiyas, dumating si Jesus sa paraang hindi nila inaasahan, ipinanganak si Jesus sa sabsaban at hindi sa simbahan. (Ito ang dahilan kung bakit hindi na-impress ang High Priest o ang mga Escriba kay Jesus.) Una siyang nakilala ng mga paganong pantas (o Wise Men) at mga mahihirap na pastol! Nagsimula ang kanyang ministeryo sa isang bahay sa Cana at hindi sa sinagoga (Juan 2:1-11). Ang pinakamalaking surpresa ng Diyos ay ang hindi niya pag-sangayon sa iniisip at tradisyon ng mga nasa templo! naging radical sa halip na tradisyunal ang dating ng Panginoong. Ito ang dahilan kung bakit offensive si Jesus sa mga religious people katulad ng mga Pariseo.
Sa ating lesson sa araw na ito, tandaan na tayo mismong mga taong simbahan ay may maaring mahulog sa ganitong pagkakamali. Idalangin natin na hindi po tayo maging biktima ng pagkabulag na espiritual, na nangyari sa mga Pariseo ng panahon ng Panginoong Jesus.
Ang maling pananaw sa religion ang dahilan ng spiritual blindness. Sa ganitong paraan nahulog ang mga Pariseo. Maaring mag-aakala ako na napakalapit ko sa Diyos, yun pala napakalayo ko sa Kanya! Maaring itinuturing kong banal ang aking sarili, yun pala ang tingin sa akin ng Panginoong Jesus, isa akong madungis sa kanyang harapan! At kung itutuwid ako ng Panginoon, maaring maging malaking surpresa ito sa akin.
Jesus’ Surprise Sermon
Ang surpresa sa mensahe ng Panginoon ay nasa pangalawang bahagi. Sa unang bahagi, nagustuhan nila ang sinabi ng Panginoon. Ngunit sa pangalawang bahagi, nag-alab ang kanilang damdamin laban sa Panginoon.
Sa sukatan ng mabuting sermon, marahil ito na ang isang ‘pinakapangit’ na sermon sa pulpito. Dahil matapos magsalita ng preacher, lahat ay nagalit! Lahat gustong patayin ang preacher. Parang si Jesus iyong pastor na hinabol ng mga miembro. Hindi para manatili sa destino! Nais nilang patayin ang Panginoon!
Bakit Ginawa Iyon ni Jesus?
1. Alam ng Panginoon ang nilalaman ng puso ng mga taong nagsisimba.
Totoo na pinuri siya ng mga tao sa unang bahagi ng mensahe(v. 22), subalit hindi ito tunay na papuri. Idinugtong agad nila ang tanong na, “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?” Marahil kilala nga nila si Jesus, at ang kanyang "family background".
Ang layunin ng pagsamba ay ang itaas si Jesus! Anumang maruming motibo at makasariling hangarin ay alam ni Jesus.
2. Alam ng Panginoong Jesus na hindi sila nararapat pagpalain.
Interesado sila sa maaring gawin ni Jesus, tulad ng pagpapagaling sa Capernaum, subali’t alam niya na wala silang pinagkaiba sa mga unang Israelita na hindi tumanggap ng kagalingan mula sa Diyos noong panahon ni Elijah. Ayon kay Jesus, mas karapat-dapat pang pagpalain ang balong pagano na taga-Serepta sa Sidon at si Naaman na taga-Syria!
Para bang sinasabi ni Jesus, mas karapat-dapat pang pagpalain ang mga nasa labas ng simbahan kaysa doon sa mga nasa loob nito.
Galit na galit ang mga tao sa sermong iyon ng Panginoon. Tama nga si Jesus, dumating sila roon para sa sarili nilang kapakanan at hindi upang makinig ng salita ng Diyos. Ikinagalit nila ng matindi ang pagwawasto ni Jesus sa kanilang pananaw sa relihiyon at sa Diyos.
Tandaan, the poor worship of a repentant sinner is far more acceptable than an excellent worship of a pretending saint.
Sa bawat pagsamba, nais tayong katagpuin ng Panginoon upang tayo ay pagpalain. Ang bawat pagsamba ay pagkakataon natin upang mapapurihan natin ang Diyos. Naway mapangiti natin ang Panginoon sa araw na ito.
Biyernes, Hunyo 26, 2015
Huwebes, Hunyo 25, 2015
Pagbubulay Tungkol sa Panalangin
Pagbubulay Tungkol sa Panalangin
Mateo 7:7-8
7"Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.
Ang panalangin ay mahalaga dahil ito ay isang mahalagang dugtungan ng ating kaugnayan sa Diyos. Ang lahat ng sangkap nito tulad ng pasasalamat, pagpupuri, pagtatanong sa kalooban ng Diyos at iba pa, ay kapahayagan na tayo ay nakadepende sa Diyos. Kinikilala natin sa pananalangin na wala nga tayong magagawa kung hindi tayo tutulungan ng Diyos.
Ang panalangin ay may mga antas.
ANTAS NG PANALANGING HUMIHINGI
Ang unang antas ay ang paghingi (ask). Ito ang pinakamadaling antas ng panalangin. Sa paghingi, hinihiling natin na gawaran nawa tayo ng Diyos ng mga bagay na malaya niyang ipinagkakaloob. Ang mga hinihingi ay mga biyayang kaloob ng Diyos ng libre para sa lahat.
Sino nga ba ang mga humihingi sa Diyos ng biyaya? Ang mga matuwid at mga makasalanan ay parehong dumadalangin ng ganitong uri ng panalangin. Kung ang mga ibon nga ay pinakakain ng Diyos araw-araw, maging para sa mga makasalanan ay pinasisikat ng Diyos ang araw. Malayang makakalapit ang mga humingi sa Diyos, at hindi sila mabibigo sa kanilang paghingi ng biyaya sa Diyos.
ANTAS NG PANALANGING NAGHAHANAP
Ang panalanging ito ay panalanging may paghahanap dahil ang idinadalangin ay hindi mahanap. Kailangan dito ang dagdag na paggawa. Ito ay mga pananalangin na may kasamang pagkilos.
Halimbawa, idinadalangin mo ba sa Diyos na mapuno sana ang mga upuan ng inyong iglesia dahil wala ang mga miembro? Maganda iyan! Ngunit katulong ka ba ng inyong pastor upang hanapin sila?
May mga panalangin talaga na pagkatapos mong dumulog sa Diyos, hindi niya agad-agad ipapakita ang sagot. Dahil ikaw ang maghahanap sa tugon. Ang kasagutan ay ipinagkaloob na. Ngunit katulad ito ng isang regalo, na nakabalot nang ibigay sa iyo. Kailangan mong kumilos upang makita mo ang sagot ng Diyos.
Marami pang bagay ang nangangailangan ng panalanging naghahanap. Tulad ng pagkakaisa at pag-unlad ng iglesia, panalangin para sa kaligtasang espiritual ng iyong pamilya at mga kapitbahay.
May kwento tungkol sa isang Kristianong babae na laging nananalangin para sa kaligtasang espiritual ng kanyang asawa. Lagi siyang umiiyak sa paglapit sa altar upang makakilala sa Panginoon ang asawa niya. Sa loob ng ilang buwan ng pananalangin, hindi niya nakita ang sagot, kaya nagtanong siya sa Diyos. "Panginoon, bakit hangga ngayon hindi pa rin ma-SAVE ang asawa ko? Bakit naglalasing parin? Bakit hindi mo ako pakinggan Lord?"
Tumugon daw si Lord, "Anak, matagal na akong sumagot sa panalangin mo. Ang hinihintay ko naman ay ikaw, kung kailan mo ibabahagi ang ebanghelyo sa asawa mo!!?? Kailan mo ba siya isasama sa church???"
Ito ay katulad ng minsang sinabi ni Martin Luther, "Pray as if everything depends on God, then work as if everything depends on you."
ANTAS NG PANALANGING KUMAKATOK
Ang kinakatok na pinto ay sarado na. Ang tawag ng iba sa uri ng panalanging ito ay "persevering prayer". Ito ay uri ng panalangin para sa mga sitwasyong nangangailangan ng sakrispisyo. Minsan, matinding sakrispisyo. Hindi ito dahil matigas ang puso ng Diyos. Kundi dahil sa tindi ng pangangailangan dapat tugunan ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagkilos. Tandaan na tayo ang kamay at paa ng Diyos sa mundo.
May kwento ang Panginoong Jesus, tungkol sa isang lalaki na may dumating na bisita ng hatinggabi. Dahil wala itong maipakain sa bisita, lumapit siya sa kanyang kaibigan upang humingi ng tinapay. Ngunit sarado na ang pinto at tulog na ang pamilya ng kanyang kaibigan.
Ang isa pang kwento ng Panginoon ay tungkol sa isang abogado na hindi tinantanan ng isang ginang. Hindi rin tumigil ang babae sa pagkatok hanggang nakuha niya ang katugunan sa kanyang kahilingan.
May kwento tungkol sa isang babae mula sa South Korea na dumadalangin para maipagawa ang kanilang simbahan. Ngunit wala ng pondong salapi ang simbahan, kung kaya hindi naipagpatuloy ang pagawain. Ang ginawa ng babae, ibinenta niya ang kanyang mga mata sa isang hospital! Dahil ang halaga ng kanyang mga mata ay sapat upang matapos ang pagpapagawa ng simbahan. Nang tanungin siya ng doctor kung bakit ibinebenta niya ang kanyang mga mata, sinasabi niya sa doctor na ito ay para sa kanilang simbahan. Naantig ang damdamin ng doctor sa ginawa ng babae at hindi na natuloy ang operasyon upang kunin ang mga mata ng babae. Ang doctor na ang sumagot sa pangangailangan ng simbahan upang matapos ang pagawain. Miembro din pala ang doctor sa simbahang iyon.
May pagkakataon na ang ating kahandaan upang magsakripisyo, upang matupad ang kalooban ng Diyos, ang siyang katuparan ng ating sariling panalangin. May panalanging nangangailangan ng matinding pag-aayuno (Marcos 9:29). Maraming bayani ang humiling ng kalayaan ng kanilang bansa, at kinailangan silang magbuwis ng buhay para sa katuparan nito. Ang pagkatok ay maaaring ulit-ulit na sakrispisyo ng mga Kristiano upang mangyari ang kalooban ng Diyos dito sa lupa na para ng sa langit.
Anong antas na ang iyong pananalangin?
Nananatili ka ba sa antas ng paghingi? Magtiwala na ipagkakaloob ng Diyos ang iyong mga kailangan. Marunong ka na bang maghanap? Kumikilos ka na ba para makita mo ang nakatagong bunga ng iyong mga panalangin? Kaya mo na bang kumatok? Handa ka bang kalimutan ang sarili, makita mo lamang ang kasagutan ng iyong panalangin?
Humingi, maghanap, kumatok. nakahandang tumugon ang Diyos sa panalangin.

Miyerkules, Hunyo 24, 2015
Marunong Maghintay sa Diyos
Halaga ng Marunong Maghintay
Isaiah 40:31 but those who hope in the LORD will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.
Ang marunong maghintay ay isang mabuting katangian na dapat nating aralin sa sarili. Madali tayong mabagot. Ayaw natin ang naghihintay. Ngunit ang paghihintay ay katangian ng mga nagtitiwala sa Diyos.
Isang minero ang bumili ng lupa upang pagminaan ng langis. Humukay ng humukay ang minero ngunit wala itong nakulkol na langis sa kanyang lupain. Dumaan ang isang taon, wala itong nakitang langis. Nakaukay ang kanyang mga tauhan ng malalim, hanggang sumuko na sila.
Ibinenta ng minero ang lupa sa ibang minero dahil hindi na siya makapaghintay. Hindi na siya nagtiyagang humukay pa.
Ang nakabili naman ay nagpatuloy sa paghukay. Pagkatapos ng isang araw lamang, bumulwak ang langis! Ilang dipa na lamang pala, naroon na ang kayamanan!
Ang mga marunong maghintay sa Diyos ay pagpapalain.
1. They will renew their strength.
Ang ating buhay sa araw-araw ay nakakahapo. Nakakapagod ang buhay sa mundo. Isa sa mga nakamamatay sa tao ngayon ay stress related deseases. Maraming tao ngayon ang hindi makatulog
ng mahimbing. Ngunit kung marunong tayong maghintay sa Panginoon, hindi natin kailangang ma-stress.
Ang mga naghihintay sa Panginoon ay mga taong stress free, dahil ang Diyos mismo ang nagkakaloob sa kanila ng lakas. Pakinggan po ninyo ang sabi sa Awit 23:1 and verse 3,
"the Lord is my shepherd, he restores my soul." Ibinabalik ng Diyos ang kalakasan ng mga nagtitiwala at naghihintay sa kanya. Ibig sabihin nito, totoo na napapagod tayo, ngunit ibinabalik ng Diyos ang ating nawawalang lakas.
Pagmasdan natin ang ating mga cell phone, nauubusan sila ng baterry charge. Ngunit kapag ikinabit natin sila sa electric outlet, muli silang narere-charge. Ang ating pananalangin, ang ating pagsamba ay mga paraan ng Diyos to recharge our soul, to renew our spirit. Sa ganitong paraan - we are being
restored.
2. They will soar like eagles. Mataas ang nararating ng mga nagtitiwala sa "timing" ng Diyos. Hindi sariling lakas ang kanilang gamit kundi ang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga agila ay hindi kumakampay kapag sila ay pumapailanlang sa himpapawid. They simply glide on the air current. Sumasakay lamang sila sa agos ng hangin. At gayundin sa mga naghihintay sa Diyos. Sumasabay sila sa agos ng kapangyarihan ng Diyos at sila ay itinataas ng Panginoon!
Subukan mong magtiwala sa Diyos. Kung hindi pa dumarating ang iyong panahon upang maitaas ka, maghintay ka muna. Kahit ang mga alagad ay hindi nagmisyon at nangaral. Bakit? Dahil sabi ng Panginoon, "Maghintay muna kayo sa Banal na Espiritu, at kayo ay bibigyan ng kapangyarihan." Naghintay sila at nanalangin - at dumating ang Espiritu Santo, at napuspos sila ng kapangyarihan ng Diyos! Kaya nabago nila ang buong daigdig sa kapangyarihan ng Panginoon!
3. Hindi sila mapapagod. They will not get weary. They will walk, they will run, but they will not faint.
Hindi madali ang maging Kristiano. Marami ang gawain. Marami ang aaniin. Sa mga tunay na naglilingkod, wala pong "burnout" experience. Ang mga nakakaranas ng burnout ay gumagamit ng sariling lakas. Ngunit ang mga naglilingkod sa Diyos ay gumagamit ng lakas ng Diyos. Hindi sila nauubusan ng lakas.
Una, dahil marunong silang magpahinga sa piling ng Diyos. God gives them rests. Sabi ng Awit 23, "he gives me rests. He leads beside the still waters."
Learn to wait. Wait for God's time. Do not force things according to your will you will just get disappointed. Trust in God's timing.

Lunes, Hunyo 15, 2015
Susi sa Mabisang Pananalangin
SUSI SA MABISANG PANALANGIN
(Sermon from "River Gathering" - June 14, 2015, @ Aldersgate UMC, Angeles City)
Whenever Jesus prays, he never receive a "no" or a "wait" answers like we do. Lahat ng panalangin ng Panginoong Jesus ay may sagot na "YES!" mula sa Diyos Ama. Kaya request ng mga alagad, "Panginoon, turuan mo kaming manalangin."
Tayo rin ay dapat mag-aral sa Panginoong Jesus kung paano ang tamang pananalangin.
Sabi niya, ganito kayo manalangin. "Ama namin..."
Ano ang mga susi sa mabisang panalangin?
1. Ama namin - Panalangin na dumadaloy sa tamang kaugnayan sa Diyos bilang ating Ama.
Kung wala kang wastong kaugnayan sa Diyos, wala kang karapatang humingi sa Diyos. Kailangan muna ang makiugnay sa Diyos, bilang Ama. At upang maging anak ng Diyos, kailangan muna nating tanggapin si Cristo na may pananalig, at kikilalanin tayo ng Ama bilang kanyang anak (Jn. 1:12). At bilang kanyang mga anak, hindi tayo bibiguin ng Diyos. Wika ng Panginoong Jesus, "Anuman ang hilingin ninyo sa panalangin sa aking pangalan, ito ay ipagkakaloob ng Ama sa inyo."
2. Sambahin ang Ngalan Mo - ang mabisang panalangin ay dumadaloy sa buhay nga isang tao na sumasamba sa Diyos. Ang Diyos ay hindi inuutusan sa panalangin, siya ay sinusunod. Ang Diyos ay hindi nakukuha sa bola at mabulaklak na salita. Ang sinumang nananalangin ay nagsisikap na maabot ang puso ng Diyos. At magagawa lamang natin ito kung mayroon tayong puso na nagpapakumbaba at sumasamba sa banal niyang pangalan.
3. Sundin ang kalooban Mo - ang mabisang panalangin ay binibigkas ng isang nagpapasakop sa Diyos. Ang kahandaan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay kailangan upang igawad ng Panginoon ang ating kahilingan. Hindi tutugon ang Diyos sa anumang kahilingan na labag sa kanyang kalooban.
4. Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw.
Ang mabisang panalangin ay bunga ng ganap na pagtitiwala sa Diyos (dependence on God's provisions). Ito ay kabaligtaran ng pagtitiwala sa sarili.
Sa panalangin, tinuturuan tayo ng Diyos na lubusan tayong umasa sa kanya - sa araw-araw. Sa ganitong paraan, lagi nating nakakatagpo ang Diyos, upang ipagkatiwala sa kanya ang ating mga pangangailangan.
5. Patawarin mo kami, gaya ng pagpapatawad namin -
Ang mabisang panalangin ay nanggagaling sa malinis na puso. Kung nais mong magbukas ng puso ang Diyos para sa iyo, buksan mo rin ang iyong puso para sa kanya. Ang galit, hinanakit at paghihiganti ay nagpaparumi sa puso. Sinasaliksik ng Diyos ang puso ng isang nananalangin. At nais niya na magkaroon tayo ng pusong malinis at may kapayapaan.
Magpatawad at magsisi ka upang makamit mo ang katugunan sa iyong panalangin.
6. Ilayo mo kami sa tukso at iligtas mo kami sa masama.
Kung nais mo ang katugunan sa panalangin, kailangan mo ang matatag na desisyon, upang piliin Diyos at itakwil mo na ang Diablo.
Sino ba talaga ang kakampi mo - ang Diyos o ang Diablo? Maraming tao ang pinaghahalo pa rin nila ang mabuti at masama sa kanilang buhay. Mahal pa rin nila ang tukso at ang masama kasabay ng kanilang pagmamahal sa Diyos.
Kung nais mong tugunin ng Diyos ang iyong panalangin, gawin mo ang kalooban ng Diyos - kamuhian mo ang masama.
Wika ng Panginoon, "Ganito kayo manalangin..." Tinuturuan tayo ng Dakilang Guro. Manalangin po tayo.

Martes, Hunyo 2, 2015
Pagsasabi ng Katotohanan (Ten Commandments)
Pagsasabi ng Katotohanan
Exodo 20:16
Si Dr. Leonard Keeler, ang nakaimbento ng lie detector test machine at sinubukan niya ito sa 25,000 katao. At napatunayan niya na mas marami ang nagsisinungaling kaysa nagsasabi ng katotohanan. Sa isang pag-aaral na ginawa, sa malawak na gawain sa buhay, mula politika hanggang karaniwang buhay, napatunayan na ang pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa ng maraming tao.
May isang bata ang minsang nagsinungaling, at sabi ng kanyang tatay, “Anak, hindi tatanggapin sa heaven ang mga sinungaling!” Nag-isip ang bata at nagtanong sa kanyang ama, “Daddy, ikaw ba nagsinungaling ka na rin?” “Oo naman.” wika ng ama. Sabi ng bata, “Ibig sabihin daddy, pareho tayong hindi papapasukin sa heaven?”
Bilang Kristiano, kailangan tayong matutong magsabi ng katotohanan, at pawang katotohanan lamang. Paano natin ito gagawin?
1. Ipahayag ang katotohanan sa mahinahon na paraan.
Akala ng iba, ang pagsasabi ng katotohanan ay dapat na maging matalas at nakakasakit. Maari nating sabihan ang isang tao ng katotohanan na hindi natin siya inaaway. Mahalaga ito sa mag-asawa, kapatid o ibang tao. Sabi sa Kawikaan 16:23, “Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin.”
Magplano kung gayon kapag may sasabihing katotohanan at huwag magmamadali. Siguraduhing makakatulong ang sasabihin, gawin ito sa tamang pagkakataon, at gawin ito sa tamang paraan. Hindi po tayo kailangang maging brutal para lang makapagsabi tayo ng katotohanan. Hindi rin kailangan na makasira pa tayo ng reputasyon o buhay ng ibang tao para lang mag-tsismis ng katotohanan. Paalala ng Biblia sa Efeso 4:15,
“Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.”
2. Sabihin ang katotohanan ng walang dagdag at bawas.
Ano mang intensyon na iligaw ang kausap sa pamamagitan ng pagsasabi ng binawasan o dinadagdagang katotohanan ay paraan ng pagsisinungaling. Ayon sa Kawikaan 28:23,
“Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.”
3. Laging isapuso ang pagsasabi ng tapat.
Laging magsimula sa pagiging totoo sa sarili. Ayon sa Kawikaan 11:3, “Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.” Ang kasinungalingan ay balakid sa tagumpay. Ang anumang relasyon o samahan ay tumatatag sa lumalagong tiwala sa isa’t isa. Kung mawawala ang tiwala, mawawala ang pag-kakaisa.
Pagsasabi ng Katotohanan sa Diwa ng Pag-ibig
Sakaling nais nating makatulong upang magbago ang isang tao, tandaan na magsasalita lang tayo na puno ng malasakit. Isaalang-alang ang mga sumusunod;
1. ang taong sinasabihan na may pag-ibig ay siyang nakikinig sa pagtutuwid.
2. ang taong sinasabihan na walang pag-ibig ay nakakaramdam ng pag-atake sa kanyang pagkatao (character attack). Siguradong lalaban siya at ipagtatanggol ang sarili.
Sabi ng isang kasabihan, “Kung kailangan mong tumudla ng pana ng katotohanan, ibabad mo muna sa pulot ang palaso. Upang malasahan ng tatamaan ang tamis nito.”
Maging maingat sa ganitong gawain kahit nais pa nating makatulong. At kung talagang hindi naman makatutulong ang ating sasabihin, piliin na manahimik na lamang po tayo kaysa makasira pa tayo ng buhay at dangal ng ibang tao.
Pero bakit nga ba tayo nagsisinungaling?
1. Ito ay bunga kadalasan ng takot. Sa ganitong paraan nais nating ingatan ang ating sarili mula sa ating sariling kahinaan. Gamit ang pagsisinungaling, napagtatakpan natin ang ating mga insecurities, fears and weaknesses.
2. Maaring sinasadya o hindi, ito ay isang defensive mechanism natin, upang makaganti o makasakit tayo ng ibang tao na inaakala nating mananakit sa atin. Inuunahan natin sila gamit ang mga exagerated words, o hindi totoong paratang laban sa kanila.
3. Para magyabang, at para magustuhan tayo ng iba, maari nating dagdagan ang mga kwento o salita. Sa ganitong paraan maaring nais nating itaas ang ating bangko, upang hanggaan tayo.
4. Kapag gusto natin mag-manipulate ng ibang tao, tulad ng pambobola sa kapwa, halimbawa dito ang mga hindi naman totoong pangako ng isang politiko na naghahanp ng boto ng mga tao.
5. Minsan, ang pagsisinungaling ay mas madaling gawin kaysa pagsasabi ng katotohanan. Maraming katotohanan ang mahirap ilahad lalo kapag ang isang tao ay takot at ayaw mapahamak. May mga tao na mas pipiliin talaga nila ang maggsinungaling para lang iligtas ang sariling kapakanan kahit iapahamak pa ng iba.
Bilang Kristiano, kailangan tayong mamuhay sa katotohanan at magsalita ng katotohanan. Ayon sa Utos ng Diyos, “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa kapwa.”

Maging Kuntento sa Buhay (Ten Commandments)
Maging Kuntento sa Buhay
Exodo 20:17
Kapansin-pansin na dumadagsa ang mga tao kapag panahon ng mga “Mall Sales” at inaabot ng ilang oras ang pila bago makapagbayad. Ang ganitong karanasan ay tanda minsan ng ating maling paghahangad na makamit ang isang bagay na “bago” at “uso.” Hindi natin maikakaila na ang mga patalastas sa TV ay nagtuturo sa atin na maging mabilis upang mamili, maging sa mga bagay na hindi naman natin kailangan, o mga pagkain na hindi naman totoong masustansya.
Ang salitang “covetousness” sa English ay tumutukoy sa walang control na paghahangad para makuha ang gusto. Hindi tuwirang masama ang maghangad. Nais ng Diyos na gumanda ang ating buhay, at makakain tayo ng masarap dahil mahal niya tayo. Ngunit ang maghangad ng sobra ng walang pagpipigil sa sarili, ay madalas magresulta ng kapahamakan sa halip na pakinabang. Anumang wala sa control ay mapanganib.
May ilang masasamang binubunga ang maling paghahangad;
1. Kapaguran. Sa panahong ito, marami ang nagmamadali upang yumaman. Kaya ang marami ay pagod at nawawalan ng oras ng pahinga. Kahit ang Biblia ay may paalala sa Kawikaan 23:4-5, “Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.”
Maraming tao ang naghahanap-buhay at sinasakripisyo ang kalusugan, nasisira ang sariling katawan, at pagkatapos ay nauubos din ang kinita sa pagamutan.
2. Pagkabaon sa Utang. Sabi ng Mangangaral 5:11, “Kung kailan dumarami ang iyong pera, gayun din dumarami ang pagnanais na gumasta.”
Sa pagnanais na magmukhang mayaman, maraming tao ang nababaon sa utang, kahit hindi kailangan. Tandaan kahit gaano karami ang hawak na pera, kung ito ay inutang, ito ay pananagutan na iyong babayaran at hindi mo ito kayamanan. Ang paghawak ng pera na hindi naman sa iyo ay nagbibigay ng “hindi makatotohanang damdamin” na “feeling mo rich ka.”
3. Nagbubunga ito ng pag-aaway. Maraming mag-asawa, magkapatid at magkaibigan na ang mga nag-away dahil sa sobrang paghahangad. Kaya sabi ng Biblia, sa Santiago 4:1,
“Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban?”
4. Pagkabalisa. Magulong isip at buhay ang dala ng hindi pagiging kuntento sa buhay. Ang taong naghahangad ng labis ay kadalasang ma “unrealistic perception in life”. Niyayakap niya ang hindi niya kayang yakapin. Dahil dito nawawala ang kapayapaan ng isip at nagkukulang siya ng pahinga ng katawan.
5. Hindi makuntento. Ang kawalan ng satisfaction, ay nagdudulot ng sakit ng kalooban. Hindi ka makukuntento kung ang nais mo ay labis na kayamanan. Kahit yumaman pa ang isang tao, makikita niya na may kulang lagi sa kanyang buhay. Maalas ito ay nagreresulta rin ng kalungkutan.
Paano natin pipigilan ang maling paghahangad?
1. Maging kuntento, huwag ikukumpara ang sarili sa iba. Hindi mo kailangang magselos dahil higit na tinatangkilik ang iba kaysa sa iyo. Ituon mo ang isip sa mga pagpapalang pangwalang hanggan na kaloob ng Diyos. Higit silang mahalaga kaysa material na bagay tulad ng salapi.
2. Maging mapagpasalamat, at matuwa kung ano mayroon ka. Ang paghahangad na maangkin ang hindi atin, na ugaling sakim, ay magreresulta lamang ng kapahamakan.
3. Gamitin ang sariling pera sa matalinong paraan at matutong mag-ipon at magbudget. Ang pagyaman ay bunga ng sipag, tiyaga at pag-iipon ng kinikita. Kung mas malaki ang ating gastos kaysa ating kinikita, ito ay magbubunga ng hindi balanseng buhay. Kahit malaki ang iyong kinikita, kung hindi ka naman nag-iipon, ay hindi ka rin yayaman.
Sundin ang payo ni John Wesley, “Work all you can, save all you can, give all you can.”
4. Tumulong din sa kapwa at magkaloob sa Diyos ng pasasalamat. Ang pagpapala pa rin ng Diyos ang ating sandigan sa buhay.
Ang tunay na sukatan ng buhay ay wala sa yaman kundi sa kalidad ng buhay. Ang tunay na kapayapaan at kaligayahan ay hindi nabibili ng salapi. Ang pera ay isa lamang sa maraming aspeto ng buhay.
Sa simula ng Sampung Utos, nababasa na ang sinabi ni Yahweh sa mga Israelita ay tungkol sa kaugnayan ng ng bayan sa Diyos. Wika ng Panginoon, “Ako ang Diyos na naglabas sa inyo mula sa pagka-alipin.” Makakamit natin kung gayon ang katuparan ng mga utos na ito, kung wasto ang ating kaugnayan sa Diyos. Ang mga panuntunang ito ay malinaw na ipinagkaloob ng Diyos upang mapabuti ang ating kalagayan sa buhay. Hindi sila utos na mabigat tupdin, kundi mga paraan ng Diyos upang ingatan tayo at gabayan tungo sa buhay na sagana at kasiya-siya.

Unang Utos (Ten Commandments)
Diyos Muna!
Memory Verses: Matthew 6:33; Exodo 20:1-3
Alam mo ba ang Sampung Utos? Kabisado mo ba ang mga ito? Itinuturo mo ba ang mga ito sa iyong mga anak? Pinamumuhay mo ba ang mga ito? Ang serye ng mga aralin ngayong susunod na dalawang buwan ay tungkol sa Sampung Utos ng Diyos.
“Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin.”
Kailan nagiging diyus-syusan ang isang bagay?
Ano mang inuuna natin o pangunahin (highest priority or ultimate concern) na pinakamahalaga sa ating buhay ay siyang dinidiyos natin. Ang isang dinidiyos ay hindi lamang sinasamba sa paraang pangrelihiyon, kundi siya ang napagkakalooban natin ng ating pinakamahalagang oras, kayamanan at lakas.
Ang Mga Utos ng Diyos
Ang mga utos ng Diyos ay hindi ibinigay para pabigatan at pahirapan tayo kundi para tulungan tayo ng Diyos tungo sa magaan, maayos at matagumpay na buhay. Ang mga ito ay batas ng Diyos. Ang mga batas, tulad ng “Law of Gravity” ay hindi pweding baliin. Halimbawa, gusto mong lumundag mula sa 10th floor, siguradong hindi ka lulutang, at hindi mo mababali ang law of gravity sa iyong paglundag. Ikaw ang magkakabali-bali! Tuwing sinusuway natin ang mga utos ng Diyos, sinasaktan lamang natin ang ating sarili.
Ang unang utos ay “huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin”, wika ng Panginoon. Binabawalan tayong magkaroon ng “ibang” diyos dahil maari tayong gumawa ng ibang diyos sa ating buhay. Hindi lamang rebulto ang tinutukoy dito, kundi kasama ang mga “ultimate concerns” o mahahalagang bagay sa ating buhay na inuuna natin bago ang Diyos.
PAANO GAGAWING UNA ANG DIYOS SA BUHAY?
May acrostic na ginawa si Rick Warren, F-I-R-S-T sa isa niyang mensahe tungkol sa araling ito.
F- finances, unahin mo ang Diyos sa mga paglalaanan mo ng iyong salapi. Sinasabi sa Malakias 3:10 na dapat bigyan ng prioridad ang ikapu sa ating paggastos. Unahin ang pagpapasalamat sa Diyos bago gamitin ang ating kayamanan sa ibang layunin. May pangako ang Diyos kung susundin natin ito, ayon sa Kawikaan 3:9-11
Honor the Lord with your wealth,
with the firstfruits of all your crops;
then your barns will be filled to overflowing,
and your vats will brim over with new wine.(NIV)
I - interests, unahin ang Diyos sa mga interests mo sa buhay. Maraming tao na makikita ang kanilang interest sa kaligayahan, bisyo o libangan. Hindi masama ang mga ito. Ngunit, kapag ang mga interest natin ang nangunguna sa ating buhay at naisasantabi ang Diyos, ang mga ito ay nagiging diyus-diyusan. Lalo kung magiging mababa ang ating pagpapahalaga sa mga bagay para sa Diyos.
sabi sa 1 Corinto 10:31;
So whether you eat or drink or whatever you do,
do it all for the glory of God. (NIV)
R -relationships. Ang kaugnayan natin sa ating kapwa, lalo sa ating pamilya ay mahalaga. Pero, dapat pa ring mauna ang relasyon natin sa Diyos. Hinihiling ng Diyos na unahin natin siyang mahalin ng buong puso, lakas, isipan at kaluluwa. Pumapangalawa ang pag-ibig sa kapwa. Maari kasing maging diyus-diyusan ang kapwa tao, na minamahal ng higit sa Diyos. Ayon sa Lucas 14:26,
"Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.”
S- schedule. Sa ating panahon, paggising pa lang sa umaga, marami na tayong ginagawa at nakalatag na kaagad sa isip natin ang ating mga gagawin para sa maghapon. Pero sa gitna ng ating mga busy days, at pagmamadali, may oras ba tayo para sa Diyos? Ang Diyos ay maaring magtampo kapag siya ay nakakalimutan. Ayon sa Jer 3:21-22
“A cry is heard on the barren heights,
the weeping and pleading of the people of Israel,
because they have perverted their ways
and have forgotten the Lord their God.” (NIV).
a. kailangang isama ang pananalangin at pagbabasa ng Bible sa ating daily routine.
b. Isang oras sa buong linggo ay sumali sa
Small Group Bible Study o cell group.
c.Magsimba tuwing Linggo.
T- troubles. Sa mga kabalisahan natin, Inuutusan tayo ng Diyos na ilagak natin sa kanya ang ating mga pasanin.
Sabi sa Awit 50:10,
“Call upon me in your days of your trouble,
and I will deliver you and you will honor me.”
Mahalagang isipin din natin kung kanino tayo tumatakbo tuwing kailangan natin ang tulong. Sa ganitong paraan binibigyan natin ng pagpapahalaga ang Diyos kapag sa kanya tayo bumabaling sa oras ng pangangailangan.
Mga Pagtalakay:
1. Kailan nagiging kapalit ng Diyos ang isang bagay o tao sa ating buhay?
2. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagiging seloso ng Diyos?
3. Alam natin na hindi “insecure” ang Diyos. Pero bakit gusto niya na siya ang laging inuuna? Paanong nakabubuti para sa ating kapakanan ang unahin ang Diyos?

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...