Diyos Muna!
Memory Verses: Matthew 6:33; Exodo 20:1-3
Alam mo ba ang Sampung Utos? Kabisado mo ba ang mga ito? Itinuturo mo ba ang mga ito sa iyong mga anak? Pinamumuhay mo ba ang mga ito? Ang serye ng mga aralin ngayong susunod na dalawang buwan ay tungkol sa Sampung Utos ng Diyos.
“Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin.”
Kailan nagiging diyus-syusan ang isang bagay?
Ano mang inuuna natin o pangunahin (highest priority or ultimate concern) na pinakamahalaga sa ating buhay ay siyang dinidiyos natin. Ang isang dinidiyos ay hindi lamang sinasamba sa paraang pangrelihiyon, kundi siya ang napagkakalooban natin ng ating pinakamahalagang oras, kayamanan at lakas.
Ang Mga Utos ng Diyos
Ang mga utos ng Diyos ay hindi ibinigay para pabigatan at pahirapan tayo kundi para tulungan tayo ng Diyos tungo sa magaan, maayos at matagumpay na buhay. Ang mga ito ay batas ng Diyos. Ang mga batas, tulad ng “Law of Gravity” ay hindi pweding baliin. Halimbawa, gusto mong lumundag mula sa 10th floor, siguradong hindi ka lulutang, at hindi mo mababali ang law of gravity sa iyong paglundag. Ikaw ang magkakabali-bali! Tuwing sinusuway natin ang mga utos ng Diyos, sinasaktan lamang natin ang ating sarili.
Ang unang utos ay “huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin”, wika ng Panginoon. Binabawalan tayong magkaroon ng “ibang” diyos dahil maari tayong gumawa ng ibang diyos sa ating buhay. Hindi lamang rebulto ang tinutukoy dito, kundi kasama ang mga “ultimate concerns” o mahahalagang bagay sa ating buhay na inuuna natin bago ang Diyos.
PAANO GAGAWING UNA ANG DIYOS SA BUHAY?
May acrostic na ginawa si Rick Warren, F-I-R-S-T sa isa niyang mensahe tungkol sa araling ito.
F- finances, unahin mo ang Diyos sa mga paglalaanan mo ng iyong salapi. Sinasabi sa Malakias 3:10 na dapat bigyan ng prioridad ang ikapu sa ating paggastos. Unahin ang pagpapasalamat sa Diyos bago gamitin ang ating kayamanan sa ibang layunin. May pangako ang Diyos kung susundin natin ito, ayon sa Kawikaan 3:9-11
Honor the Lord with your wealth,
with the firstfruits of all your crops;
then your barns will be filled to overflowing,
and your vats will brim over with new wine.(NIV)
I - interests, unahin ang Diyos sa mga interests mo sa buhay. Maraming tao na makikita ang kanilang interest sa kaligayahan, bisyo o libangan. Hindi masama ang mga ito. Ngunit, kapag ang mga interest natin ang nangunguna sa ating buhay at naisasantabi ang Diyos, ang mga ito ay nagiging diyus-diyusan. Lalo kung magiging mababa ang ating pagpapahalaga sa mga bagay para sa Diyos.
sabi sa 1 Corinto 10:31;
So whether you eat or drink or whatever you do,
do it all for the glory of God. (NIV)
R -relationships. Ang kaugnayan natin sa ating kapwa, lalo sa ating pamilya ay mahalaga. Pero, dapat pa ring mauna ang relasyon natin sa Diyos. Hinihiling ng Diyos na unahin natin siyang mahalin ng buong puso, lakas, isipan at kaluluwa. Pumapangalawa ang pag-ibig sa kapwa. Maari kasing maging diyus-diyusan ang kapwa tao, na minamahal ng higit sa Diyos. Ayon sa Lucas 14:26,
"Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.”
S- schedule. Sa ating panahon, paggising pa lang sa umaga, marami na tayong ginagawa at nakalatag na kaagad sa isip natin ang ating mga gagawin para sa maghapon. Pero sa gitna ng ating mga busy days, at pagmamadali, may oras ba tayo para sa Diyos? Ang Diyos ay maaring magtampo kapag siya ay nakakalimutan. Ayon sa Jer 3:21-22
“A cry is heard on the barren heights,
the weeping and pleading of the people of Israel,
because they have perverted their ways
and have forgotten the Lord their God.” (NIV).
a. kailangang isama ang pananalangin at pagbabasa ng Bible sa ating daily routine.
b. Isang oras sa buong linggo ay sumali sa
Small Group Bible Study o cell group.
c.Magsimba tuwing Linggo.
T- troubles. Sa mga kabalisahan natin, Inuutusan tayo ng Diyos na ilagak natin sa kanya ang ating mga pasanin.
Sabi sa Awit 50:10,
“Call upon me in your days of your trouble,
and I will deliver you and you will honor me.”
Mahalagang isipin din natin kung kanino tayo tumatakbo tuwing kailangan natin ang tulong. Sa ganitong paraan binibigyan natin ng pagpapahalaga ang Diyos kapag sa kanya tayo bumabaling sa oras ng pangangailangan.
Mga Pagtalakay:
1. Kailan nagiging kapalit ng Diyos ang isang bagay o tao sa ating buhay?
2. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagiging seloso ng Diyos?
3. Alam natin na hindi “insecure” ang Diyos. Pero bakit gusto niya na siya ang laging inuuna? Paanong nakabubuti para sa ating kapakanan ang unahin ang Diyos?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento