Pagsasabi ng Katotohanan
Exodo 20:16
Si Dr. Leonard Keeler, ang nakaimbento ng lie detector test machine at sinubukan niya ito sa 25,000 katao. At napatunayan niya na mas marami ang nagsisinungaling kaysa nagsasabi ng katotohanan. Sa isang pag-aaral na ginawa, sa malawak na gawain sa buhay, mula politika hanggang karaniwang buhay, napatunayan na ang pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa ng maraming tao.
May isang bata ang minsang nagsinungaling, at sabi ng kanyang tatay, “Anak, hindi tatanggapin sa heaven ang mga sinungaling!” Nag-isip ang bata at nagtanong sa kanyang ama, “Daddy, ikaw ba nagsinungaling ka na rin?” “Oo naman.” wika ng ama. Sabi ng bata, “Ibig sabihin daddy, pareho tayong hindi papapasukin sa heaven?”
Bilang Kristiano, kailangan tayong matutong magsabi ng katotohanan, at pawang katotohanan lamang. Paano natin ito gagawin?
1. Ipahayag ang katotohanan sa mahinahon na paraan.
Akala ng iba, ang pagsasabi ng katotohanan ay dapat na maging matalas at nakakasakit. Maari nating sabihan ang isang tao ng katotohanan na hindi natin siya inaaway. Mahalaga ito sa mag-asawa, kapatid o ibang tao. Sabi sa Kawikaan 16:23, “Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin.”
Magplano kung gayon kapag may sasabihing katotohanan at huwag magmamadali. Siguraduhing makakatulong ang sasabihin, gawin ito sa tamang pagkakataon, at gawin ito sa tamang paraan. Hindi po tayo kailangang maging brutal para lang makapagsabi tayo ng katotohanan. Hindi rin kailangan na makasira pa tayo ng reputasyon o buhay ng ibang tao para lang mag-tsismis ng katotohanan. Paalala ng Biblia sa Efeso 4:15,
“Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.”
2. Sabihin ang katotohanan ng walang dagdag at bawas.
Ano mang intensyon na iligaw ang kausap sa pamamagitan ng pagsasabi ng binawasan o dinadagdagang katotohanan ay paraan ng pagsisinungaling. Ayon sa Kawikaan 28:23,
“Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.”
3. Laging isapuso ang pagsasabi ng tapat.
Laging magsimula sa pagiging totoo sa sarili. Ayon sa Kawikaan 11:3, “Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.” Ang kasinungalingan ay balakid sa tagumpay. Ang anumang relasyon o samahan ay tumatatag sa lumalagong tiwala sa isa’t isa. Kung mawawala ang tiwala, mawawala ang pag-kakaisa.
Pagsasabi ng Katotohanan sa Diwa ng Pag-ibig
Sakaling nais nating makatulong upang magbago ang isang tao, tandaan na magsasalita lang tayo na puno ng malasakit. Isaalang-alang ang mga sumusunod;
1. ang taong sinasabihan na may pag-ibig ay siyang nakikinig sa pagtutuwid.
2. ang taong sinasabihan na walang pag-ibig ay nakakaramdam ng pag-atake sa kanyang pagkatao (character attack). Siguradong lalaban siya at ipagtatanggol ang sarili.
Sabi ng isang kasabihan, “Kung kailangan mong tumudla ng pana ng katotohanan, ibabad mo muna sa pulot ang palaso. Upang malasahan ng tatamaan ang tamis nito.”
Maging maingat sa ganitong gawain kahit nais pa nating makatulong. At kung talagang hindi naman makatutulong ang ating sasabihin, piliin na manahimik na lamang po tayo kaysa makasira pa tayo ng buhay at dangal ng ibang tao.
Pero bakit nga ba tayo nagsisinungaling?
1. Ito ay bunga kadalasan ng takot. Sa ganitong paraan nais nating ingatan ang ating sarili mula sa ating sariling kahinaan. Gamit ang pagsisinungaling, napagtatakpan natin ang ating mga insecurities, fears and weaknesses.
2. Maaring sinasadya o hindi, ito ay isang defensive mechanism natin, upang makaganti o makasakit tayo ng ibang tao na inaakala nating mananakit sa atin. Inuunahan natin sila gamit ang mga exagerated words, o hindi totoong paratang laban sa kanila.
3. Para magyabang, at para magustuhan tayo ng iba, maari nating dagdagan ang mga kwento o salita. Sa ganitong paraan maaring nais nating itaas ang ating bangko, upang hanggaan tayo.
4. Kapag gusto natin mag-manipulate ng ibang tao, tulad ng pambobola sa kapwa, halimbawa dito ang mga hindi naman totoong pangako ng isang politiko na naghahanp ng boto ng mga tao.
5. Minsan, ang pagsisinungaling ay mas madaling gawin kaysa pagsasabi ng katotohanan. Maraming katotohanan ang mahirap ilahad lalo kapag ang isang tao ay takot at ayaw mapahamak. May mga tao na mas pipiliin talaga nila ang maggsinungaling para lang iligtas ang sariling kapakanan kahit iapahamak pa ng iba.
Bilang Kristiano, kailangan tayong mamuhay sa katotohanan at magsalita ng katotohanan. Ayon sa Utos ng Diyos, “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa kapwa.”
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento