SUSI SA MABISANG PANALANGIN
(Sermon from "River Gathering" - June 14, 2015, @ Aldersgate UMC, Angeles City)
Whenever Jesus prays, he never receive a "no" or a "wait" answers like we do. Lahat ng panalangin ng Panginoong Jesus ay may sagot na "YES!" mula sa Diyos Ama. Kaya request ng mga alagad, "Panginoon, turuan mo kaming manalangin."
Tayo rin ay dapat mag-aral sa Panginoong Jesus kung paano ang tamang pananalangin.
Sabi niya, ganito kayo manalangin. "Ama namin..."
Ano ang mga susi sa mabisang panalangin?
1. Ama namin - Panalangin na dumadaloy sa tamang kaugnayan sa Diyos bilang ating Ama.
Kung wala kang wastong kaugnayan sa Diyos, wala kang karapatang humingi sa Diyos. Kailangan muna ang makiugnay sa Diyos, bilang Ama. At upang maging anak ng Diyos, kailangan muna nating tanggapin si Cristo na may pananalig, at kikilalanin tayo ng Ama bilang kanyang anak (Jn. 1:12). At bilang kanyang mga anak, hindi tayo bibiguin ng Diyos. Wika ng Panginoong Jesus, "Anuman ang hilingin ninyo sa panalangin sa aking pangalan, ito ay ipagkakaloob ng Ama sa inyo."
2. Sambahin ang Ngalan Mo - ang mabisang panalangin ay dumadaloy sa buhay nga isang tao na sumasamba sa Diyos. Ang Diyos ay hindi inuutusan sa panalangin, siya ay sinusunod. Ang Diyos ay hindi nakukuha sa bola at mabulaklak na salita. Ang sinumang nananalangin ay nagsisikap na maabot ang puso ng Diyos. At magagawa lamang natin ito kung mayroon tayong puso na nagpapakumbaba at sumasamba sa banal niyang pangalan.
3. Sundin ang kalooban Mo - ang mabisang panalangin ay binibigkas ng isang nagpapasakop sa Diyos. Ang kahandaan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay kailangan upang igawad ng Panginoon ang ating kahilingan. Hindi tutugon ang Diyos sa anumang kahilingan na labag sa kanyang kalooban.
4. Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw.
Ang mabisang panalangin ay bunga ng ganap na pagtitiwala sa Diyos (dependence on God's provisions). Ito ay kabaligtaran ng pagtitiwala sa sarili.
Sa panalangin, tinuturuan tayo ng Diyos na lubusan tayong umasa sa kanya - sa araw-araw. Sa ganitong paraan, lagi nating nakakatagpo ang Diyos, upang ipagkatiwala sa kanya ang ating mga pangangailangan.
5. Patawarin mo kami, gaya ng pagpapatawad namin -
Ang mabisang panalangin ay nanggagaling sa malinis na puso. Kung nais mong magbukas ng puso ang Diyos para sa iyo, buksan mo rin ang iyong puso para sa kanya. Ang galit, hinanakit at paghihiganti ay nagpaparumi sa puso. Sinasaliksik ng Diyos ang puso ng isang nananalangin. At nais niya na magkaroon tayo ng pusong malinis at may kapayapaan.
Magpatawad at magsisi ka upang makamit mo ang katugunan sa iyong panalangin.
6. Ilayo mo kami sa tukso at iligtas mo kami sa masama.
Kung nais mo ang katugunan sa panalangin, kailangan mo ang matatag na desisyon, upang piliin Diyos at itakwil mo na ang Diablo.
Sino ba talaga ang kakampi mo - ang Diyos o ang Diablo? Maraming tao ang pinaghahalo pa rin nila ang mabuti at masama sa kanilang buhay. Mahal pa rin nila ang tukso at ang masama kasabay ng kanilang pagmamahal sa Diyos.
Kung nais mong tugunin ng Diyos ang iyong panalangin, gawin mo ang kalooban ng Diyos - kamuhian mo ang masama.
Wika ng Panginoon, "Ganito kayo manalangin..." Tinuturuan tayo ng Dakilang Guro. Manalangin po tayo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento