Pagiging Kaanib sa UMC
Ang Nagkaisang Iglesia Metodista ay bukas para sa lahat na nagnanais maging kaanib. Isa itong inklusibong iglesia na hindi nagtatangi sa mga tao batay sa kanilang lahi, kulay, kasarian, edad o relihiyon. Ang sinuman ay maaring dumalo sa mga gawaing pagsamba, pag-aaral, paglilingkod at sakramento ng iglesia. Tinatanggap ng iglesia ang, sinumang nagnanais maging kaanib sa katawan ni Kristo na sumasampalataya sa Diyos, ang Amang makapangyarihan sa lahat, na Siyang lumikha ng langit at ng lupa, at kay Jesu-Kristo na bugtong Niyang Anak, at sa Espiritu Santo.
Sa kalagayan ng mga bata na hindi pa maaring mangako para sa kanilang sarili, ang kanilang mga magulang, ninang at ninong o iba pang tagapag-alaga ang kakatawan para sa kanila upang maging kaanib ng iglesia.
PAGKALINGA SA MGA KAANIB
Tungkulin ng iglesia na pangalagaan ang mga kaanib, na sila'y gabayan sa pamamagitan ng pagtuturo, pagsasanay at pangangaral ng Salita ng Diyos hanggang sa lubusang maihanda ang bawat kaanib sa pagka-alagad. Tungkulin ng iglesia ang bisitahin at ipanalangin ang mga kaanib, ang pangunahan sila sa matuwid na pamumuhay, at sanayin sa paglilingkod sa Diyos at kapwa tao.
Pangako Bilang Kaanib
Inaasahan sa bawat kaanib ang ipangako niya sa Diyos at sa mga kapatid:
1. Na lalabanan niya ang lahat ng kapangyarihan ng kasamaan, na itatakwil niya ang kasamaang naghahari dito sa mundo, at magsisisi sa kanyang mga kasalanan,
2. Na tatangapin niya ang kalayaan at kapangyarihang galing sa Diyos upang labanan ang kasamaan, kawalan ng katarungan at pangaabuso.
3. Ang ikukumpisal niya si Jesu-Kristo bilang kanyang Tagapagligtas, at lubusang magtitiwala sa biyaya ng Diyos, at mangangakong maglilingkod kay Jesus bilang Panginoon.
4. Na siya'y mananatiling tapat na kaanib ng banal na iglesia ni Kristo at maglilingkod bilang kinatawan ni Kristo sa mundo.
5. Na mananatili siyang tapat sa Nagkaisang Iglesia Metodista at gawin ang lahat sa abot ng makakaya upang palakasin ang ministeryo ng iglesia.
6. Ang tapat na pakikibahagi sa mga ministeryo sa pamamagitan ng panalangin, pagdalo sa mga gawain, pagkakaloob at paglilingkod;
7. Ang tanggapin at ipahayag ang Ebanghelyo ayon sa pagkasulat nito sa Salita ng Diyos. Ang magpatotoo sa mga ginawa ng Diyos sa kanyang buhay, lalo't tungkol sa kanyang kaligtasan.
Ang Ating Misyon
Ang iglesia ay may iisang misyon: ang tuparin ang utos ng Panginoong Jesus na gawing alagad ang mga bansa, ang bautismuhan sila sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at ituro sa lahat ang ipinaguutos ng Panginoong Jesus.
Pinatotohanan ng ating pananampalataya na,
“Kapag nagiging malinaw sa iglesia ang kanyang misyon, ginagamit ng Diyos ang ating iglesia sa pagliligtas ng mga kaluluwa, sa paghilom ng mga relasyon sa pagitan ng mga tao, nababago ang mga lipunan, at naikakalat ang kabanalang ayon sa Biblia, tungo sa pagbabago ng sanlibutan.(p. 88, Discipline)
Sa pangunguna ng Banal na Espiritu, ang bawat Metodista ay dapat maging saksi ng Panginoon (Gawa 1: 8). Ang bawat Kristiano ay ilaw at asin ng sanlibutan, mga instrumento ng Diyos sa kanyang pagliligtas. Ang Iglesia Metodista, bilang bahagi ng katawan ni Kristo ay inatasang magpapatuloy sa gawain ni Kristo. Ang ating misyon ay ang magpahayag sa katotohanan na iniibig ng Diyos ang sanlibutan, maging ang mga makasalanan, at nais niyang iligtas ang lahat (1Tesalonica 5.9, Juan 3:16).
Bilang mga saksi ng Panginoon, ang ating katibayan sa pagpapatotoo ay ang ating sariling buhay. Ano ang ginawa ni Kristo para sa atin? Paano tayo naligtas? Paano binago ng Panginoon ang ating buhay? Bakit tayo naglilingkod sa ating Diyos?
Ang Paraan ng Pagtupad sa Ating Misyon
Sa paragraph 122 ng Aklat ng Disiplina, mababasa na ang ating iglesia ay may mungkahing paraan ng pagmimisyon;
1. ipahayag ang ebanghelyo, hanapin, tanggapin at tipunan ang mga tao upang mapabilang sa katawan ni Cristo.
2. gabayan ang mga tao upang italaga ang kanilang mga buhay sa Diyos sa pamamagitan ng bautismo at pangungumpisal ng pananampalataya kay Cristo.
3. turuan ang mga tao ng pamumuhay Kristiano sa pamamagitan ng pagsamba, mga sakramento, disiplinang espiritual at iba pang paraan ng paraan.
4. suguin ang mga kaanib sa mundo upang mamuhay na puno ng pag-ibig at katuwiran bilang mga lingkod ni Cristo sa pamamagitan ng pagpapagaling ng mga sakit, pagbibigay pagkain sa mga nagugutom, pagmamalasakit sa kapwa, pagpapalaya sa mga pinahihirapan, gumawa para sa ikauunlad ng mga pamayanan ayon sa pamantayan ng Biblia, ipagpatuloy ang misyon ng paghahanap, pagtanggap at pagtipon ng mga tao upang maging kabahagi ng katawan ni Cristo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento