Huwebes, Agosto 27, 2015

Mga Tatak ng PagigingTunay na Metodista.Ayon Kay John Wesley


(Sinulat ni John Wesley, Marks of a True Methodist)

Ang isang Metodista ay may pag-ibig ng Diyos sa kanyang puso na ipinagkaloob ng banal na Espiritu. Isa siyang umiibig sa kanyang Panginoon na kanyang Diyos ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas.  Mayroon siyang walang hanggang kaligayahan, walang tigil sa pananalangin at nagpapasalamat sa lahat ng bagay.

Ang kanyang puso ay puno ng pagmamahal sa lahat ng tao, at nilinis na mula sa inggit, galit, karumihan at lahat ng mga bagay na walang idudulot na mabuti. Ang tanging hangarin niya at ang tanging pagnanais sa buhay ay hindi ang gawin ang sariling kagustuhan kundi ang kagustuhan Niya ng nagsugo sa kanya.  Sinusunod niya ang lahat ng utos ng Diyos mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

Hindi niya sinusunod ang kamunduhan, dahil ang masamang bisyo ay hindi kailanman makabubuti kahit ito'y uso. Hindi siya kailanman nagpapabaya.  Hindi siya nag-iipon ng kayamanan dito sa lupa, ni hindi niya ginaganyakan ang sarili ng sari-saring alahas at mamahaling kasuotan.  Hindi rin siya sumasali sa anumang bisyo, gaano man kaunti ang idudulot na sama nito.  

Hindi siya nagsasalita ng laban sa kapwa o magpapahayag ng kasinungalingan. Hindi siya nangungusap ng nakakasakit sa kapwa o ng kasamaan.  Gumagawa siya ng kabutihan sa lahat ng tao, sa kapwa, estranghero, kaibigan o maging sa kaaway.

Ito ang mga prinsipyo at kasanayan sa ating pananampalataya. Ito ang mga tatak ng isang tunay na Metodista.   Sa mga ito maipakilala ng bawat Metodista na siya ay may kakaibang pamumuhay sa mga hindi mananampalataya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...