Lesson 3: Samson: Ang Lalaking Malakas Ngunit Mahina
Judges 13:1-5
Tinatalo ba ng iyong kalakasan ang iyong kahinaan? O Baka natatalo ng iyong kahinaan ang iyong kalakasan? Si Samson, na dating malakas ay natalo dahil sa kanyang sariling kahinaan.
Mayroong ilang magigiting na lalaki ang bumagsak sa matinding pagsubok: Si Jim , isang pastor, si Bill, dating pangulo ng isang bansa at si Mike, dating world champion sa boxing. Ano ang ikinabagsak ng tatlong ito? Babae ba kamo?
May Plano ng Diyos Para sa mga Tunay na Lalaki
May dahilan ang Diyos kung bakit tayo ay ginawa niyang lalaki. Hindi tayo ang pumipili sa ating magiging kasarian. HIndi sakop ng ating "freewill" ang pagpili para sa ating kasarian, Diyos ang may takda nito. At may plano ang Diyos para sa bawat kalalakihan. Mula pa sa pagkabata, ipinaliwanag na ng Diyos ang plano niya sa buhay ni Samson, dahil siya isang Nazareno;
1. nakatalaga siya sa Diyos
2. mamuhay siya na may kalinisan
3. hindi siya gugupitin bilang isang Nazareno (Basahin ang Book of Num bers 6), kapag natupad na ang kanyang mga tungkulin, gugupitin lamang ang kanyang buhok ng isang pari, upang ialay ang buhok para sa Diyos!
4. Ililigtas niya ang Israel mula sa mga kaaway.
Ito ang mga tuntunin ng Diyos para sa mga Nazareno. Sila ay nakatalaga sa Diyos upang gumanap ng espesyal na tungkulin . Bilang mga lalaki ng Diyos, hindi ba’t tayo rin ay pinili upang italaga ang sarili sa Diyos? Upang mamuhay na may kalinisan, gamitin lamang ang atin katawan bilang templo ng Banal na Espiritu at gumawa ayon sa layunin ng Panginoon sa ating buhay?
Si Samson: Ang Malakas
Ang pagkatalaga ni Samson sa Diyos ay nagbunga ng kakaibang kalakasan. Dagdag pa rito ang kakisigan at talino na kaiinggitan ng ibang kalalakihan. Sa murang edad, naging lider na ang binatang si Samson. Pero, paano ginamit si Samson ang kanyang kalakasan?
Ginamit ni Samson ang kanyang kalakasan sa maling paraan. Sa halip na ipaglingkod niya ito sa Diyos, pinili niyang gamitin ito sa pansariling kapakanan. Ang pakahulugan niya sa pagiging tunay na lalaki ay hindi ayon sa panukala ng Diyos, kundi ng mundo.
Sino ang Tunay na Lalaki?
Ayon kay Samson (Worldy Standards) o ayan sa Pamantayan ng Diyos?
1. magaling sa babae (Judgers 14:1; 16:4) o tapat sa pamilya / asawa?
2. magaling sa sugal at bisyo (Judges 14:10-14) o malinis na buhay?
3. lapastangan sa magulang (Judges 14:3) o may paggalang sa magulang?
4. paggawa ng bawal ng palihim (14:8-9) o may katapatan?
5. kayabangan / overconfidence humility o may tiwala sa Diyos?
Ganyan si Samson, pasaway sa magulang, mayabang, at gumagawa ng palihim na pagsalansang sa mga utos ng Diyos. Halimbawa rito ang paghawak niya sa patay na leon, ang pagkain niya ng pulot sa bungo nito, na isang pagsalansang sa patakaran ng pagiging nakatalaga sa Diyos o Nazareno.
Resulta sa Buhay ni Samson
1. magulong pamilya
Nanatiling hindi kakasundo ni Samson ang sariling ama. Ang asawa niya ay hiniwalay sa kanya. Ang asawa niya at biyenan ay kapwa sinunog ng mga Palestino.
2. Bumagsak siya sa kamay ng kaaway
Ito ang pinakamasaklap! Mula ng iwanan siya ng Diyos, ang kanyang pagyayabang, at pagmamataas ay nagbunga ng matinding pagbagsak!
Si Samson, Ang Mahina
Ang inisip na kalakasan ni Samson ay naging kahinaan. Madali siyang nabitag ni Delilah dahil din sa kanyang kayabangan at sobrang tiwala sa sarili, sa halip na magtiwala sa Diyos.
Nang mahuli ng kaaway, higit sa kalahati ng kanyang buhay ay nagugol lamang sa bilangguan. Siya ay binulag ng mga kaaway at ang wakas ng kanyang buhay ay isang trahedya.
Ang Una at Huling Panalangin ni Samson
Sa isang pagdiriwang, naisipang paglaruan si Samson ng mga kaaway. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, nanalangin si Samson. Ito ang una at huling paghingi ni Samson ng saklolo sa Diyos. Humingi siya ng muling kalakasan at tinugon siya ng Diyos. Muling tinaglay ang lakas na kailangan, winasak ni Samson ang pinatitipunan ng mga kaaway at kasama siyang nasawi.
Pagbubulay:
Malinaw ang plano ng Diyos para sa ating mga Kristianong kalalakihan o UMM. Ang ating buhay, lakas at talino ay ibinigay sa atin upang gamitin natin sa kabutihan at hindi sa pagsasamantala. Tayo ay mga tagapagtanggol ng mga kababahian at mga bata. Pinili tayo upang maging leader ng tahanan, simbahan at pamayanan.
Huwag nating pababayaan na mahila tayo ng ating mga kahinaan, ang kalakasan natin ay nasa Diyos. Ang buhay ni Samson ay humantong lamang sa kasawian, walang pagtatagumpay at walang kasiyahan. Wika nga, "Nauna ang sarap, humantong sa hirap". Inuna niya ang kalayawan at pagsuway sa Diyos, at nagwakas ang kanyang buhay sa kawalan.
Mga Dagdag na Tanong sa Pagbubulay:
1. Sa paanong paraan mo nais magwakas ang kwento ng iyong buhay?
2. Ano ang panukat ng mundo sa pagiging tunay na lalaki at ikumpara ang mga ito sa mga panukat ng Diyos. Ano ang pinagkaiba ng dalawa?
3. Ano ang ibig sabihin ng nakatalaga sa Diyos bilang isang lalaki?
Ano ang halaga nito sa pagiging Kristiano?
4. Sa iyong palagay, bakit binigyan pa ng pangalawang pagkakataon si Samson ng Diyos sa kabila kanyang pagkakasala?
5. Basahin ang Isaias 1:18; 1 Juan 1:9 at kilalanin ang Diyos.
Ano ang katangian ng Panginoon na makikita sa mga talatang ito?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento