Exodo 20:4-5
Ang mga idolo ay mga bagay o tao na kukuha sa lugar ng Diyos sa ating buhay. Sila ang mga bagay na minamahal natin at inuuna bago ang Panginoon. Ano mang bagay na nagiging karibal ng Diyos sa ating buhay, kahit ito pa ay mabuti - ito ay idol! Ang mga idolo ay nanghihikayat sa atin upang mawala ang ating focus sa Diyos. Ang pangalawang utos ay nagsasabing, “Hindi mo kailangan ang mga idolo, sambahin mo lamang ay ang Diyos.”
Ano ang mga idolo?*
Sa Lumang Tipan ay may tatlong idolo o diyus-diyusan. Si Baal ang idolo ng sex, si Mammon, ang idolo ng pera, at si Molech ang idolo ng kaguluhan o violence. Ang mga ito ay mga metal images, nililok mula sa kahoy, bato o bakal, at pagkatapos bigyan ng hugis, sila ay sinasamba.
Sa ating panahon, ang mga idolo ay hindi na metal images, kundi mental images o mga bagay na nasa isip ng mga tao. Mga bagay na inaasam, tulad ng pagnanais na maging sexually attractive (pagsamba kay Baal), sambahin ang pera (pagsamba kay Mammon) at ang pagka-uhaw sa kapangyarihan (power) para masakop ang kapwa (pagsamba kay Molech). Ang kapangyarihan ng mga idolo ay makikita araw-araw. Nandiyan ang produkto na humihikayat sa atin, para “habulin ka ng mga babae”, o programa sa TV na magpapayaman sa iyo, o mga tao
Mapapansin na kahit sa ating pahanon, pumapasok ang mga diyus-diyusang ito sa ating buhay na hindi natin namamalayan. Sabi ng Biblia, mapanganib sila dahil;
1. Nagbibigay sila ng kabiguan. Ang mga idolo ay may mga mensahe ng pangako na hindi natutupad. Mga bagay na binibili natin, o pinagtutuunan natin ng pansin o maraming pera, para gumanda tayo at maging sexy, yumaman o magkaroon ng kapangyarihan. Sabi sa Jeremiah 10:14, “Ang bawat tao ay hangal at walang kaalaman; bawat platero ay inilalagay sa kahihiyan ng
kanyang mga diyus-diyosan.”
2. Sila ang magpapatakbo ng iyong buhay at kokontrol sa buhay mo. Ang katumbas ng idolatry sa ating panahon ay “addiction”! Addiction sa sex, droga, bisyo, sa sugal, sa sports, sa pelikula sa mga palabas sa TV, concerts performers, internet games, etc. Sila ang mga bagay unti-unting naglalayo sa atin mula sa Diyos at sa pananampalataya.
3. Ipapahamak nila tayo! Binabago nila ang takbo ng ating buhay, mula sa routine ng ating pagtulog, pagggamit ng pera, hihigupin nila ang ating lakas, at panahon. Bago, sila ang uukitin natin, pero sa huli, ang mga idolo ang uukit sa ating buhay hanggang nakikita na lamang natin ang ating sarili na nawawasak, bumabagsak na grades, nasisirang relasyon sa pamilya at papalayo na pala tayo sa Diyos.
Sambahin lamang ang Diyos!
Sabi ng Diyos, “Ako lamang ang inyong sasambahin!” Ang pagsamba ay pagbibigay ng pinakamataas na devotion and love. Ang Diyos ang karapat-dapat bigyan ng ating pinakamataas na loyalty.
May dalawang motibo kung bakit mas gusto ng mga tao ang mga idols;
1. to limit the location of their god. Ang tunay na Diyos hindi limitado, pero ang idol, limitado siya at ito ang gusto ng marami. Ayaw ng maraming tao na laging nandiyan ang Diyos na nakakakita ng lahat ng kanilang ginagawa. Mas gusto nila ang isang diyus-diyosan na nasa simbahan lang, at sasambahin nila siya kapag gusto lang nila.
2. to limit the power and size of their god. Ang gusto ng tao ay isang diyos na kontrolado ng tao. Mas gusto nila ang diyos na sumusunod sa gusto nila, kaysa sa tunay na Diyos na susundin natin.
MABUTI ANG SUMUNOD SA DIYOS!
1. Nagdudulot ito ng tunay na kagalakan.
Sabi sa Awit 37:4, “Seek your hapiness in the Lord and He will give you the desires of your heart.” Pero siyempre, ang mga gusto natin ay dapat na naaayon sa kanyang kalooban.
2. Ito ang magpapalaya sa atin
Sabi ng Panginoong Jesus, “Sundin ninyo ang aking mga utos, dahil ito ang katotohanan. At ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa inyo.”
“Ang pinalaya ng Anak ng Diyos ay tunay na malaya.”
Ang kalayaang ito ay tunay. Sa ating pag-focus sa Diyos, para Diyos lang ang mapasaya, hindi na natin kailangang i-please ang ibang tao. Ang mahalaga ngayon ay ang sasabihin ng Diyos at hindi ang sasabihin ng ibang tao.
Malaya na tayo sa ating nakalipas. Hindi na tayo alipin ng aking nakaraan. Hindi natin mababago ang ating nakalipas, pero babaguhin ng Diyos ang ating kasalukuyan at ang ating hinaharap sa buhay.
PERSONAL NA KILALANIN ANG DIYOS
Walang kapalit ang Diyos. Siya ang pinagmulan ng ating buhay at siya ating hukom.
Maari lamang siyang sambahin sa pamamagitan ng pagkilala kay Jesus, dahil si Jesus ang, “Larawan ng Diyos na hindi nakikita” - ayon sa Colosas 1:15.
Gawing sentro ng iyong buhay si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Siya lang ang ating sambahin, dahil Siya lamang ang Diyos---ang ibang idols ay mga ...FAKE!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento