Exodo 20:12
Ang mga batas ay tuntunin ng Diyos para sa maayosl na daloy ng buhay. At kapag nilalabag natin ang mga batas ng Diyos, ito ay ikapapahamak natin. Maraming tahanan ang napapahamak dahil sa hindi pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sa atin panahon maraming mag-asawa ang naghihiwalay at maraming bata ang nasasaktan. Ang mga batas ng Diyos ay solusyon sa marami nating suliranin. Kung susundin lamang natin ang mga ito.
Ang ating aralin ay ang ika-limang utos ng Diyos. Ito ay utos para sa mga anak.
“Igalang mo ang iyong ama’t ina. Sa gayo’y mabubuhay kayo ng matagal sa lupaing
ibibigay ko sa inyo.”(MBB)
Bakit Ibinigay Ito ng Diyos Bilang Utos?
1. Una dahil, walang perfectong magulang.
Dahil ang lahat ay nagkakamali at nagkakasala. Ang pagrespeto ay dapat gawin bagamat hindi perfecto ang mga magulang. May tatlong bagay na pinaglalagakan ng respeto; ang pamilya, simbahan at ang pamahalaan. Ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay ng tao para sa kaayusan ng lipunan. Ang paggalang sa magulang ay dapat gawin, kahit nagkakamali ang mga magulang.
2. Ang pagrespeto sa kapangyarihan ay dapat magsimula sa tahanan.
May mga utos na sa ayaw natin o hindi, ay kailangan nating sundin. Sa trabaho, kailangan tayong sumunod sa nakatataas. Sa mga batas trapiko, o sa gobyerno, may mga maykapangyarihan na dapat sundin. Ang natutong sumunod at gumalang sa loob ng tahanan ay magiging mabuting mamamayan.
3. Ang pagtrato natin sa ating mga magulang ay may epekto sa ating pakikitungo sa ibang tao.
Marami ang nawawasak na tahanan dahil sa mga nag-aasawa na may sirang relasyon sa kanilang magulang. “Katulad ka lang ng aking tatay.” wika ng isang babae habang nag-aaway sila ng kanyang asawa. Hindi alam ng babae na ang galit niya sa kanyang magulang ang ibinubunton niya sa kanyang asawa.
4. Ang paggalang ay paraan ng Diyos upang mabigyan niya tayo ng mapagpalang buhay.
Nais ng Diyos na maging puno ng pagpapala ang ating buhay. Subalit kung ayaw nating igalang ang ating mga magulang, ay sumusuway tayo sa Diyos. Tayo mismo ang humahadlang sa mga pagpapala ng Diyos sa atin.
Paano Natin Igagalang ang Ating mga Magulang?
Depende sa ating edad, iba-iba ang stages ng paggalang sa magulang.
1. Kapag bata at kabataan pa, ang paggalang sa magulang ay lubusang pagsunod, o total obedience.
Gaya ng sabi sa Efeso 6:1; “Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat.”
Sa puntong ito ng buhay, sila ang masusunod. Sila kasi ang nagpapakain sa iyo, nagpapa-aral sa iyo, bumubuhay sa iyo. Kaya kapag bata pa, sumunod sa magulang ng walang pasaway.
2. Bilang young adult, igagalang mo sila. Sa puntong ito, magsisimula mo nang mapuna ang mga kamalian ng iyong magulang. At sa kabila ang kanilang mga pagkakamali, kailangan mo silang igalang at tanggapin. Huwag mo sanang sasabihin na wala kang magagawa kundi tanggapin sila. Mga magulang din, they have no choice but accept you as their child. Accepting our parents doesn’t mean that you will pretend that they are perfect. Lalong hindi ito nangangahulugan na hindi mo na titignan ang kanilang kamalian. Hindi hinihingi sa iyo na susunod ka sa lahat ng gusto nila, dahil may sarili ka nang isipan sa puntong ito at baka may trabaho ka na. Alam ng iyong magulang na naghahanap ka na ng kalayaan. Pero hindi mo kailangan ang pagrerebelde para makamit mo ang kalayaang ito. Paano sila tatangapin at igagalang?
a. tandaan mo na sila ang nagbigay sa iyo ng buhay at nagpalaki sa iyo. Anumang uri ng magulang sila, sila lang ang nakagawa nito para sa iyo.
b. makinig ka sa kanilang sinasabi. Igalang mo ang kanilang opinyon. Ayon ito sa Kawikaan 23:22,
“Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag mong hahamakin ang iyong ina sa kanyang katandaan.”
c. ang pagtanggap at paggalang sa magulang ay mangangailangan ng pagpapatawad sa kanilang mga pagkakamali o pagkukulang sa iyo.
3. Bilang adult, igalang mo ang iyong magulang, huwag mo silang pababayaan kapag sila ay matanda na.
Sabi sa Kawikaan 3:27, “Ang kagandahang loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ikaw ay may kakayahan na ito ay magawa.” Hindi dapat ipagkait sa magulang ang pag-aruga sa panahon ng kanilang katandaan.
Para sa mga magulang may paalala rin ang Biblia.
Sa Efeso 6:4, “Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa labis na kahigpitan, sa halip palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon.”
a. mamuhay po tayo ng kagalang-galang sa ating mga anak. Magpakita tayo ng mabuting halimbawa na maari nilang tularan sa kanilang pagtanda.
b. The key to good parenting is loving discipline.
c. Ipakilala sa kanila ang Diyos. Palakihin sila na sumasamba at naglilingkod sa Panginoon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento