Happy Birthday!
Psalm 137:13
May kwento tungkol isang bata, ang pangalan niya ay Gian, siya ay grade 6 at may kaibigan siyang pastor.
Minsan pumunta si Gian sa kapilya upang imbitahan ang pastor sa kanyang laro na marathon. Bago ang paligsahan, wika ng bata sa pastor, “Pastor, nakikita po ba ninyo yung relo na naka-display doon sa salamin? Yun po yung premyo sa mananalo sa palarong ito. Mananalo po ako at magiging akin yun!” “Sige manonood ako. Give your best shot Gian.” sabi ng pastor.
Nagsimula ang palaro at ang resulta...third place lamang si Gian. Umuwi sila na walang himik, hanggang dumating ang araw ng Linggo.
Sa oras ng pagsamba malungkot pa rin si Gian. bagamat ang araw na iyon ay birthday niya. Pagkatapos ng pagsamba, nagmano si Gian sa kaibigan niyang pastor, at masaya namang ibinigay ng pastor ang kanyang kamay sa bata.
Pagkatapos magmano, dinukot ng pastor ang kanyang nakahandang regalo sa birthday ng kanyang kaibigan. Kinuha ng bata ang regalo at masiglang binuksan niya ito. At nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita! Isang relo na katulad ng premyo sa palaro! halos maiyak ang bata sa kanyang regalong tinanggap.
Kaya sinabi ng pastor, “Anak, ang relong iyan ay regalo ko sa iyong kaarawan, hindi mo iyan, pinagpaguran, hindi ka kailangang tumakbo upang makuha iyan.”
Tulad ng relong iyon, ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay, sa totoo lang ay hindi natin binili o pinagpaguran. Sila ay pawang regalo gn Diyos sa atin.
Pagmasdan ninyo ang mga regalong ito.
1. Ang regalo ng buhay.
Ang ating buhay ay regalong mula sa Diyos. Ito ang pinaka-mahalagang regalo na tinanggap natin mula sa Diyos. Hindi ito binili o pinagpaguran, kusa itong pinagkaloob ng Diyos sa atin. Sa araw ng ating unang kapanganakan, pinagkalooban tayo ng Diyos ng buhay.
Ang ating buhay ay regalo ng Diyos sa atin at ibang tao. Regalo tayo para sa ating pamilya. Para sa ating mga kapatid.
2. Ang regalo ng mga taon (patuloy na buhay).
Ang bawat birthday celebration ay regalo ng Diyos. Ang totoo, bawat umaga na gigising tayo na may buhay ito ay regalo ng Diyos! Hindi ko maaring kalimutan ang karanasan namin sa pamilya. Noong maliit ako at pitong tao pa lamang, magkatabi kaming natulog ng aking ama. pagka-umaga - nagising ako at ang aking ama ay hindi na nagising. Iyon na ang oras ng kanyang pagpanaw, kinuha na siya ng Diyos.
Kaya mula noon, ang bawat paggising para sa akin ay tanda ng patuloy na biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos araw-araw. Ang bawat segundo, minuto at oras ng ating buhay ay regalo ng Diyos! Lalo ang mga tao na lumalakad, mga mahabang taon ng buhay na tanging ang Diyos ang makapagkakaloob. Salamat po Panginoon sa aming buhay.
3. Ang regalo ng isa pang pagkakataon.
Tuwing nakikita nating binibigyan tayo ng Diyos ng dagdag na taon sa ating buhay, pinagkakalooban din tayo ng Diyos ng mga sumusunod;
a. isa pang pagkakataon upang maituwid natin ang ating pagkakamali. May mga tao na kailangan nilang ituwid ang kanilang buhay, ang kanilang mga pagkakamali sa nakalipas.
b. isa pang pagkakataon upang matapos natin ang mga bagay na dapat nating tapusin sa ating buhay habang nandito pa tayo sa mundo. Baka may pangako ka na hindi mo pa natutupad sa iyong pamilya o sa Diyos? Ang bawat birthday ay isa pang pagkakataon upang magawa mo ito.
c. (isa pang) pagkakataon upang magkaroon tayo ng pagkakataong maligtas (kung hindi pa). Isipin nating muli yung bata sa ating kwento. Pinilit niyang makuha ang relo sa pamamagitan ng kanyang lakas, ensayo at bilis. Ngunit bigo siya. Gayun man, ang relo ay ibinigay sa kanya bilang regalo. Gayun din ang kaligtasan, ang pinaka mahalagang regalo ng Diyos para sa iyo kapatid na nag-cecelebrate. Sabi ng Biblia, maliligtas tayo sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng ating mga gawa.
Ang pinakamahalagang regalo ay nasa harapan nating lahat ngayon. Sa iyo kapatid, at para sa lahat ng naririto. Nawa’y tanggapin ninyo ang pinakamahalagang regalo ng Panginoon, ang ating kaligtasan. Buksan ninyo ang iyong mga puso at tanggapin Siya sa ating buhay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Mali po ata yung text na paslm 137:13 kasi wala nmn pong 13
TumugonBurahinWLa verse13
TumugonBurahinKong hindi akon nagkamali Psalms 139:13 po yan salamat
TumugonBurahinPero pano po yong Faith without works is dead?
TumugonBurahinHuwad kang mangangaral
TumugonBurahinAng sinasabi po ng Biblya ay
TumugonBurahinFAITH WITHOUT WORKS IS DEAD.
Huwag ka lang manampalataya, gumawa ka din.
What is faith if you do not help others that are in need. pakainin mo ang nagugutom, bihisan mo ang walang damit. Maraming kahulugan ang sinabi, na maraming kristianong may faith nga pero patay. Ang regalo ay binigay na walang kapalit basta magtiwala lang sa Diyos na nag bigay nang buhay sa atin, at huwag nang pahirapan ang iyong sarili, gumawa tayo nang may masayang puso na nag bigay sa atin nang mahabang buhay na ibinigay nang Diyos sa ating Amen.
TumugonBurahinAng txt ay makikita sa Awit 139:13,15-16
TumugonBurahinFaith without works is dead, but salvation without faith is futile..
TumugonBurahinfor us to be save we should have faith, and righteousness & good works are the manifistation of being saved.You cannot claim that you are in the light when you do is darness. We must be balanced and guided by the HOlY Spirit.