Linggo, Setyembre 24, 2023

Kamatayan ng Isang Paslit

 Sermon: Kamatayan ng Isang Paslit

 

Psalm  34:18,

Tagalog: Ang Panginoon ay malapit sa mga taong nasa kalungkutan, at inililigtas niya ang mga nadurog ang puso.

Kapampangan: Ing Ginu, malapit ya kareng atyu king kagutgutan, at liligtas nala ding taung medaldak pusu.

English: CEB The LORD is close to the brokenhearted; he saves those whose spirits are crushed.

 

2 Samuel 12:15-23

 

Last week po, ay may inilibing na patay sa isang church.  Siya ay lola ng isang pastor. Sabi ng pastor, “Nagpapasalamat ang aming pamilya sa Diyos, sa pagpanaw ng aming lola, dahil matagal din siyang naratay. Ang kanyang pagpanaw ay isang form of relief.  Hindi na siya mahihirapan. Gayundin ang aking nanay na matagal nag-alaga sa kanya. Bagamat masaya na pinaglingkuran siya ng aming pamilya. Ngayon po, nasa piling na siya ng Panginoon.”

Kapag bata ang pumanaw, parang hindi angkop na sabihin ang ganitong pananalita.

Iba kapag bata ang namatay. Para inagawan tayo ng isang buhay na ayaw nating mawala.  Tunay na hindi pinasasalamatan sa Diyos ang ganitong karanasan. Kaya ang araw na ito ay araw ng matinding kalungkutan dahil pumanaw si_______________. At siya ay ating ililibing.

Dalanagin ko na bigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan sa gitna ng lungkot na inyong nararamdaman ngayon.

Sa ating pagbasa, isang bata, anak ni David ang pumanaw.  Pitong araw lamang ang itinagal ng bata.

Ang kamatayan, kapag nagbabadya – ito ay may ipina-aalala sa atin.

1. On the death of a child we are being reminded how short life is.

Hindi natin hawak ang haba ng ating buhay.  “Each man’s life is but a breath” (Psalms 39:5).

(Kapampangan: Makuyad yang tutu ing bie ku; balamu ala yang ulaga king arapan mu. Anti ya mung sakildap ing bie ning tau keti king yatu.)

(Tagalog: Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan.)

Kaya samantalahin natin ang bawat sandali ng buhay sa pag-ibig sa ating pamilya at kapwa. The death of a child is a reminder how short life is.  Let usa take every moment as opportunity.

2. On the death of a child, we are allowed to grieve.  Malungkot tayo dahil, ito ang tunay na damdamin natin.

Huwag nating ibaon ang ating kalungkutan. Ok lang na ilabas natin ito. 

Alam ng Diyos na bahagi ng ating buhay ang kalungkutan, lalo kapag pumanaw ang isang mahal natin sa buhay.

Sabi sa  Romans 12:15, “Rejoice with them that do rejoice, and weep with them that weep.” Yun nga lang, sa kwento ng kamatayan ng anak ni David, sinolo ni David ang kanyang lungkot. He grieved alone instead of sharing his loneliness. Nagkulong siya at ayaw niyang kumain. Gusto niya na mag-isa.

a.       kapag malungkot tayo – sinasabi ng Biblia, share your grief.

b.       At tayong mga kapatid sa church – makilungkot tayo sa mga nalulungkot.

3. On the death of a child, this is our opportunity activate our faith and hope.

Doon sa bahay namin, wala pa kaming kuryente. Kapag umuuwi ako doon, nagsisindi ako ng flashlight o minsan kandila. Madilim kasi sa amin.  Kaya yung matagal na hindi ginagamit na kandila o flashlights, nagagamit din, kahit matagal nan aka tabi lang.

Ang moment na ito ay madilim. Oras ito para magsindi tayo ng kandila ng pananampalataya at pag-asa na muling mabubuhay ang batang si_______________.

Dahil sa atoing pananampalataya, naniniwala tayo na muli nating maklikita ang batang ito sa piling ng Diyos. Dahil sinasabi ng ating pananampalataya na siya umuwi sa Diyos.  At ang daan minsan patungo sa Diyos, ang pag-uwi sa ating tunay na tahanan ay kamatayan. 

Isang bata ang palaging dmadaan sa sementeryo.  Tinanong siya ng kanyang mga classmates.  “Hindi ka ba natatakot dumaan sa semnteryo?” Hindi, dabi ng bata.  Ito lang ang daan pauwi sa bahay namin.”   

4. On the death of a child, this is our moment to offer the child to God. 

Para kay Apostle Paul, death is a form of offering. Ibigay natin siya sa Diyos.
Noong, ipinanganak siya, ibinigay siya ng Diyos sa inyo.  Ngayon kahit malungkot. Kahit nasasaktan tayo, tanggapin na siya ay aalis na. Uuwi na siya sa kanyang Lumikha.

 

 

Miyerkules, Agosto 30, 2023

Ang Tinig ng Diyos

 Exodo 3:1-15

“Moises, Moises.” Tinawag ng Diyos si Moises. “Narito po ako.” May takot na tugon ni Moises.

Tinig ng Diyos ang tumawag kay Moses habang siya ay nagpapastol ng tupa ng kanyang biyenan. 

Mahirap si Moses. Siya ay dayo sa Midian. Nakatago ang kanyang tunay na pagkatao sa kanyang bagong tahanan. Walang nakaka-alam na siya ay dating prinsipe sa Egypt. Maaring nasunog na sa disyerto ang dati niyang makinis na kutis. Magaspang na rin ang dating mukha niya na para lang sa mga mararangal na nakatira sa palasyo. Ang dati niyang marangal na kasuotan ay napalitan na ng mumurahing kasuotan. 

Ala-ala na lamang ng nakaraan ang Egypt.

1. Ang Pagtawag ng Diyos

Ang pagtawag ng Diyos ay may kaakibat na mabigat na tungkulin. Marami ang ayaw makinig sa tinig ng Diyos. Dahil kung susundin natin ang tinig ng Diyos, 

  • kailangan nating kalimutan ang sarili, 
  • kailangang talikuran ang masasarap na kasalanan, 
  • Kailangan nating pasanin ang ating krus. 

Pero hindi kilala ni Moises ang Diyos na si Yahweh. Kaya hindi kilala ni Moises ang tumatawag sa kanya sa pamamagitan ng nagliliyab na punungkahoy. Gayunman, sumagot si Moises sa tinig, “ Narito po ako.”

a. 


Biyernes, Agosto 25, 2023

PANANAMPALATAYA NG INA NI MOISES

 PANANAMPALATAYA NG INA NI MOISES

Old Testament Reading, 13th Sunday after Pentecost: Exodus 1:8-2:10

Nagising ng madaling araw ang dalawang batang magkapatid, dahil nakarinig sila ng pag-iyak. Boses ng kanilang ina ang kanilang naririnig na umiiyak. Mabilis na sumilip sa silid ng kanilang ina, at nakita nila ang nanay nila na nakaluhod, nakiki-usap sa Diyos ang ina.

Sa harap ng almusal, nagtanong ang isa sa mga anak, "Nay, narinig Ka naming umiiyak kanina habang kayo ay nananalangin. Ano po ang prayer ninyo?"
Sagot ng ina, "Idinadalangin ko kayo sa Diyos mga anak. Napakarami kasi ng masasamang bagay na maaring puminsala sa inyong buhay at kalusugan. Idinadalangin ko na gabayan kayo at ingatan ng Diyos."

Kahapon (Aug. 20) narinig natin ang kwento ng isa pang ina na lumapit sa Panginoong Jesus dahil nasapian ng masamang espiritu ang kanyang anak. Aktibong gumagawa ang Diablo sa buhay ng kanyang anak. Inilapit ng ina ang kanyang anak sa Panginoon at ito ay gumaling at lumaya.

Maaring masabi na hindi alam ng ina ni Moises ang susunod na mangyayari. Nasa panganib ang kanyang anak. Ngunit pilit siyang gumawa ng paraan.

1. Gumawa ng munting basket ang si Jochebed, ang ina ni Moises at pina-anod ito sa ilog. Maituturing na desperadong hakbang ito, ngunit ito ay hakbang ng pananampalataya.

Maging ang pagbibigay ng isang batang maliit ng dalawang isda at limang tinapay ay hakbang ng papanampalataya. Kahit ang mga munting gawa ay nagagamit ng Diyos tungo sa mas malaking pagkilos ng kapangyarihan ng Panginoon.

Tignan ninyo, ang maliit na gawa ng ina ni Moises, kaakibat ng malaking gawa ng Diyos ay nagbunga ng kaligtasan ni Moises at ng bansang Israel.

2. Kung may mabigat na pagsubok, ilagay ito sa mga kamay ng Diyos, sa halip na pasanin ito. Higit na may magagawa ang Diyos.

3. Magtiwala po tayo sa Diyos, lalo sa mga bagay na responsibilidad natin, ngunit alam nating hindi natin makakaya.

Ang Biblia ay patuloy na nagpapa-alala sa atin, mula sa Kawikaan 3:5-6,

"Trust in the Lord with all your heart,
and do not lean on your own understanding.
In all your ways acknowledge him,
and he will make straight your paths."

Miyerkules, Hulyo 5, 2023

Lectionary Sermon: July 9, 2023

 TAMANG DESISYON

Genesis 24:34-38, 42-49, 58-67; Psalm 45:10-17; Matthew 11:16-19, 25-30

 Ang paggawa ng desisyon sa buhay pananampalataya ay lubhang masalimuot (complicated). Dahil kung magkakamali tayo, malaking bagay ang masisira, kasama na dito ang ating patotoo, o ang ating paglago sa ministeryo.  Kaya ang paggawa ng desisyon minsan ay may kasamang risks. When we refuse to learn more however, we fail to grow. Kaya nga ang mga matagumpay na Kristiano ay mga RISKS TAKERS, mga “life long learners” at mga “lifelong seekers.”   Dahil lagi tayong naglalakbay upang hanapin ang kalooban ng Diyos.

 Isang larawan ng pagka-Kristiano ay ang butterfly.  Sa isang banda, comfortable ang caterpillar na manatiling uod.  Pero hindi siya lalago, kung mananatili siyang uod.  Kailangan siyang maging butterfly, upang magbago, lumaki at lumipad!

 Sa ating pagbasa sa ating Gospel, people were challenged by Jesus, “to play along with them” in a wedding and funeral games. Tumutukoy ito sa dalawang ministries na Nakita ng mga tao.  Ang una ay ang ministry ni John the Baptist.

 Ito yung funeral game, ay may iyakan at masakit na expressions. Dahil masyadong seryoso ang ministry ni John the Baptist.  Mabagsik mangaral si John the Baptist, umaapoy! Kung susunod ka sa kanya, pupunta ka ng disyerto! Kakain ka ng balang at pulot.

 Sa kabilang banda, mayroon ding wedding game o kasal-kasalan. Dito ay masaya, doon ay masaya, sa kasalan kahit saan ay masaya! Di bah? Maraming handa, saywan, at inuman! Ito naman ang laro ni Jesus!

Lagi siyang kumakain, o pumupunta sa kainan at inuman.  Cool lang ang ministry ni Jesus, kung ikukumpara sa ministry ni John the Baptist.

 Sino ngayon ang susundin mo sa kanila? Masaya o seryoso? Alin kaya ang gusto ng Diyos sa dalawa?

 

1.       SEEK WISDOM FROM GOD. Kapag ganito na sitwasyon, kailangan natin ng wisdom from God. Sumanguni sa Diyos. May mga bagay na hindi kayang gawin at unawain sa sarili nating galing.  Tulad ng alipin ni Abraham, siya ay nanalangin sa Diyos.  Tulad ni Apostol Pablo, na umamin, na may pagkakataon ng kahinaan.  Ang pag-asa ay ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

 

2.       BE LIKE A CHILD BEFORE GOD. Pangalawa, sa ganitong sitwasyon, be a child before God. Ang mga bata ay laging handang matuto.  Ang mga Pariseo at mga pari, ay hindi nakinig kay Jesus.  (Maliban sa iilang tao tulad ni Nicodemo, Jose ng Arimathea, at Pablo.)  Pero ang mga karaniwang tao, tulad ng 5 thousand, o four thousand, sila ay handing sumunod at maniwala, dahil sa kaunti nilang kaalaman.  Handa silang makinig at matuto.

 Kaya nasabi ni Jesus, “11:25 At that time Jesus said, "I thank you, Father, Lord of heaven and earth, because you have hidden these things from the wise and the intelligent and have revealed them to infants;”

 So let us check our attitudes.  Let us evaluate ourselves.  Tama ba ang pagsunod ko sa Diyos? Marunong ba akong makinig? Marunong ba akong mauhaw sa Salita ng Diyos? Handa ba akong matuto?

 Isang kwento tungkol sa mga Samurai warriors.  Isang estudyante ang pumunta sa isang master upang magpaturo.  Nagyabang ang batang samurai sa kanyang mga accomplishments.  Ipinakita niya kung gaano siya kagaling.

 Hindi tumugon ang master. Sa halip, binigyan niya ng baso ang estudyante. At sabi ng master, “Uminom ka muna ng tubig.” Kinuha ng estudyante ang baso. Binuhusan naman ito ng master, hanggang umapaw. “MASTER! Umaapaw na ang tubig!” sigaw ng estudyante. “Oo, parang ikaw. Umaapaw ka na sa kaalaman. Mukhang wala na akong maituturo sa iyo.”  Sagot ng Master.

 

3.       BE WEDDED TO CHRIST. Magpakasal tayo sa Panginoon. Bilang iglesia, tayo ay katawan ni Cristo. Tayo ikakasal sa Diyos. 

 Ito ang nilalaman ng Awit 45.

Sikaping gawin ang tama na nakalulugod sa Diyos. Let us remain pure to be worthy for our holy God.

 “The Church as the Bride in Ephesians 5:22-33: The Church is called the Bride of Christ and Christ is declared the Head of the Church, His Bride. As individual believers and as the Church we have an intimate relationship with Christ. This is a relationship that is closer than an earthly husband and wife relationship.”

 

1.       A wedding is the deepest commitment a person can dive into. With this kind of commitment, we can sincerely offer ourselves to the one we love.

2.       To be wedded with Christ is to love the Lord at all costs.

3.       It is the most important decision we can make.

 

Kaya, magpakasal ka muna sa Diyos. Pero, paka-isipin mo muna itong mabuti. Aralin mo itong mabuti.

Gawin mo ito.  Ito lamang ang magliligtas sa atin sa magulong buhay mayroon tayo.

Romans 7:24 Wretched man that I am! Who will rescue me from this body of death?

 7:25a Thanks be to God through Jesus Christ our Lord!

Si Jesus lang ang ating pag-asa. 

Linggo, Hunyo 25, 2023

Call of Abraham to Offer Isaac

 Tinawag Upang Maging Pagpapala

Scripture: Genesis 22:1-2

•1Dumating ang panahon na sinubukan ng Dios siAbraham. Tinawag niya siAbraham, at sumagot siAbraham sakanya. 2Pagkatapos, sinabi niya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na siIsaac, at pumunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog.”

Tinawag ng Diyos si Abraham, upang sumunod sa isang mabigat na utos. Sadyang may tinawag upang maglingkod sa pamamagitan ng mahirap na tungkulin. Hindi kasi natin katulad ang kaisipan ng Diyos. Iba ang kanyang pamamaraan.

Ngunit makabubuti palagi kung tayo ay sumusunod sa Diyos. Ang kanyang kalooban ay laging para sa ating ikabubuti.
  1. tinawag tayo para sumunod. 
  2. tinawag tayo upang magtiwala sa Diyos. May mahirap na bagay na nais ipagawa ang Diyos. Hindi natin ito magagawa sa ganang ating sariling lakas, ngunit sa tulong ng biyaya ng Diyos, magagawa natin ito.
  3. tinawag tayo upang maging pagpapala. Pinagpala si Abraham, pero hindi para sa sariling pakinabang. Ang sabi sa talatang 18, "Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang aking utos.”

Susunod tayo sa Diyos, kahit mahirap ang nais niyang ipagawa sa atin. Magtitiwala tayo sa paraan at layunin ng Diyos, at tatalikuran ang sarili, uunahin ang kalooban ng Diyos. Kung ito ang ating gagawin, hindi tayo magsisisi.

PRAYER
Ikaw ang aming Diyos, at ikaw ay tapat at mabuti. Turuan mo kaming magtiwala sa iyong kalooban. Sundin nawa ang kalooban mo Panginoon, Amen.

Miyerkules, Mayo 31, 2023

Disciples, Jesus Had No Other Plan, (Trinity Sunday), June 4, 2023

 

Mga Alagad, Wala ng Ibang Plano si Jesus

(Disciples, Jesus Had No Other Plan), Trinity Sunday, June 4, 2023

Matthew 28:16-20

 Isang pastor ang nangangarap na umunlad sa kanyang vocation. Nag-apply siya for ordination. Tinanong siya ng Board of Ordained Ministry, “Ano ang ginagawa mo para umunlad ka bilang pastor?” Na-realize ng pastor na wala siyang plano.  Dahil dito, nagsimulang mag-aral muli ang pastor, nagbasa at nag-attend ng mga seminars. Nagsaliksik ng mga pamamaraan sa ministry. Nakakita siya ng bagong pamamaraan. Bandang huli, siya ay ginamit ng Diyos sa mabisang paraan. Lumago ang iglesia, at nagtagumpay ang misyon.  

 Kahit hindi ka pastor, o deakonesa, dapat nating maunawaan na may plano ang Diyos para sa ating buhay.

 Ayon sa Gospel of Matthew, alam ni Jesus na may mahalagang plano ang Diyos Ama, para sa kanya.

 Malinaw kay Jesus na siya ay itatanghal na hari.   

 • Dahil ang kanyang salinlahi (genealogy) ay sa pamilya ni King David (1:6), at hinanap siya ng  mga pantas “bilang hari ng mga Judio” (2:2).

• Ang hula ni Zechariah ay, “tignan ninyo, ang inyong hari ay dumarating, maamo at nakasakay sa isang asno.” (21:5).

• Tanong ni Pilate, “Are you the King of the Jews?” (27:11).

• Hinamak siya ng mga sundalo, “Hail, King of the Jews!” (27:29).

• Ang hatol sa kanya ay, “SIYA SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO!” (27:37).

• Hinamak din siya ng mga tao habang nakabayubay sa krus, sinasabing “siya ang hari ng Israel.” (27:42).

• Sa kanyang muling pagkabuhay, naging ganap na ang paghahari ni Jesus.

 

A.      Ang Paghahari ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.  Jesus knew, “All authority has been given to me in heaven and on earth.”

·         Ito ay kapangyarihan sa langit at lupa.  

·         His authority is from God and not from the devil (Note: the devil tempted Jesus in Matthew 4:8-10, promising all authority in earth, which is a worldly promise).

 

Ang araw na ito ay Trinity Sunday. Ito ay Linggo ng pagpapakilala ng Diyos sa atin. Ito ay Linggo ng pagsamba upang itanghal natin ang Diyos bilang hari at Panginoon ng ating buhay.  Siya ay Ama, Anak at Espiritu Santo na nais maghari sa ating buhay. Siya na ba ang iyong Panginoon na sinusunod?

 Kahit ang unang instructions ni Jesus sa mga alagad ay katibayan ng kanyang pagiging Panginoon. Siya ay nagpakita sa mga babaeng alagad (Mateo 28:7,10), at sinabihan sila na utusan ang mga alagad na pumunta sa Galilea.

·         Mga babae ang mag-uutos.
·         Alam nilang namatay sa krus ang nag-uutos.
·         Malayo ang Jerusalem sa Galilea.  Mahabang lakbayin ito.

 Kaya kahit sumunod sila, may mga nagdududa. Kaya may plano si Jesus.

         B.      Plano ni Jesus na Magtrabaho Kasama ang Labing-isa.

1.      About his disciples. Jesus knew he was dealing with the 11 less-than-perfect disciples.

Judas even dropped-out!

·         God uses ordinary people to do extra-ordinary ministry.

·         Mas mapanganib pa yata kapag tayo ay masyadong tiwala sa sarili habang naglilingkod sa ministeryo, baka maging hadlang pa ang kataasan at pagmamalaki, sa halip na parangalan ang Diyos.  

 

 Kahit sa Mark 16:14, nasusulat,  “Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.”

 

Pero sila ay patuloy na pinagkatiwalaan ng Panginoong Jesus upang humayo.

Kaya:

 

Kahit may duda ka, humayo ka parin.

Kahit  may nagawa kang kasalanan? Magsisi ka at hhumayo ka parin. May isa akong nakilala, siya ay Kristiano.  Pero siya ay nakulong. Sa loob  ng selda, patuloy siyang nangaral at marami ang tumanggap sa Panginoon sa kanyang ministeryo.

May kahinaan ka? Humayo ka parin.

 

Ipinagkakatiwala ng Panginoon ang Ebanghelyo sa mga mahinang tulad natin.

At tayo naman, palibhasa may kahinaan po tayo, magtiwala lang tayo sa kanya.


C.      Jesus’ Plan: Ano ang Gagawin?

·         Humayo (Go)

·         Gawing alagad ni Cristo ang mga tao. Ipagkatiwala rin natin sa iba ang ministeryo ni Cristo (kahit may kahinaan din sila.)

·         Bautismuhan sila sa Ngalan ng Diyos. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo.  Tatakan natin sila ng Sakramento at ikintal ito sa kanilang buhay – upang matandaan nil ana sila ay sa Diyos.

·         Turuan ninyo silang sumunod (para alam nila ang kanilang gagawin) sa lahat ng iniutos ko sa inyo.



D.     Pangako ni Jesus: Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon. 

 Kasama natin ang Diyos. Ang gusto ko sa Kristianismo, hindi lamang tayo naniniwala namay Diyos. Tayo ay nabubuhay kasama ang ating Diyos.

 Magtatagumpay tayo, hindi dahil perfect tayo, kundi dahil perfect ang ating Diyos na kasama.

At pangako niya, hindi niya tayo iiwan.  Kaya magtatagumpay tayo sa ating misyon.

Humayo tayo.

 _________________   

Recommended Hymns: 

Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin

(Many Gifts One Spirit)

 

Diyos ng pagbabago, kami'y akayin.  Sa aming lakbayin lakas ka namin;

Tanggulan kang matatag, magbago man ang lahat.

Koro:

Aming Diyos, Di-wa ng pag-ibig at biyaya,

Balon ka ng pagpapala, O banal na Lumikha,

Ikaw ang ngayon, bukas, kahapon

Salitang Mahal at Diyos na Banal. Salamat sa kaloob, "Purihin"!

 

Diyos ng mga lahi, bayan at bansa, nagpapasalamat, iyong nilikha

Kanlungan kang matatag, pag-asa ka ng lahat.

 

Sa bawat umaga, laging sagana, ang iyong pag-ibig at pagpapala,

Kaloob mo sa amin, sa 'yo'y iaalay din.

Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin

_________________________  

 

Humayo at Maglingkod 

(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)

 

Humayo at maglingkod, at gawing alagad,

Sa buong daigdigan balita’y ihayag,

Luhod sa panalangin, sa Dios ay dumulog;

Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.

 

Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,

Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,

Ama, Anak  at Banal, Espiritung mahal;

At turuang sumunod sa banal na aral.

 

Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,

Atin silang akayin patungo kay Cristo,

Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,

Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.


Juan 20:19-31 - Pentecost May, 2023

Absent si Tomas Last Sunday

Juan 20:19-31

Isang experiment ang ginawa sa mga estudyante sa Germany. Hinati ang grupo sa dalawa. Ang isang grupo ay binigyan ng simpleng puzzle. Ang ibang grupo ay binigyan ng puzzle na walang solution. Pero hindi sinabi ng examiner na walang solution ang  mga puzzle sa second group. 

 Inulit-ulit ang procedure, at ang mga estudyante sa easy puzzle ay nakadevelop ng confidence, samantalang ang grupo na may unsolved puzzles, ay nagdevelop ng shame o hiya, galit at matinding frustrations.

 

1.     Mapapansin na ang mga alagad sa ating Bible Reading ay frustrated, maaring nahihiya at takot. Patay ang kanilang leader – hindi natin sila masisisi. Kaya nga sila nasa nagtatago…sila ay takot.

 

Tayong mga Kristiano ay hindi exempted sa mga ganitong karanasan.  Ang totoo, marami ang disappointed, at frustrated sa atin. Marami rin ang nasasaktan sa atin.  Maaring, dumating ka dito kapatid, at nag-away kayong mag-asawa, o baka may tampuhan kayong mag-nanay o mag tatay.  Marami sa panahong ito ang mga kabataan na may sama ng loob.

 Marami sa mga nagsisimba ang hindi natutulungan ng simbahan, dahil darating na luhaan ang miembro, uuwi rin itong sawi.  Kaya mayroong mga…ayaw ng magsimba. 

 Ganun din si Thomas, na sa unang gabi sa Linggong iyon- absent siya meeting ng mga alagad. Parang sinasabi niya…”pare-pareho lang yan, present ako o absent, walang namang pinagka-iba.”

 Saliksikin po natin ang sarili bilang simbahan.  Ang pagpunta po ba natin sa ating church ay nagbubunga ng pagbabago sa ting buhay? Ito ba ay nagdadala ng bagong pag-asa, para maging matatag ang ating pamilya, ang ating pagkatao? Nagbubunga bai to ng tagumpay sa buhay ng ating mga anak?

 O baka, lalo lang itong nagdaragdag sa ating frustrations at disappointments? 

 Dumating si Thomas sa gabing iyon (second Sunday evening)– expecting nothing! Gayunman, dumating siya, upang makiisa sa mga alagad na takot, malungkot at nagtatago. 

 

2.       Absent si Tomas Noong First Sunday

Pero, hindi alam ni Tomas, na may nangyari habang wala siya sa first Sunday evening. Sa First Sunday evening, ang sabi sa ating pagbasa sa verse 19, “Kinagabihan ng araw ng Linggo, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya.”

 

Hindi alam ni Tomas, na may nangyaring maganda noong absent siya. He missed that great Sunday! Because something special happened while he was absent. Kaya sabihin mo sa katabi mo, “Huwag kang aabsent kapatid every Sunday! Baka hindi mo makita ang ginagawa ng Diyos sa ating church!”

 

Sa isang church, marami ang absent… isang Sunday.  Pero may dumating na bisita at nag-offering sila ng 100k. Sila ay miembro na nakatira sa US.  Sa susunod na Sunday, ako yung speaker sa church. Napansin ko, lahat ng naka-attend sa pervious Sunday, nakangiti.  Ang pastor…naku…binigyan ng kape! “DS, kung nandito ka last Sunday, may pasalubong ka rin sigurado!” But I missed that Sunday!

Pero si Tomas, he missed that day…hindi niya nakita ang dumating na muling nabuhay na Jesus.

3.    3. Present na si Tomas  

 Ang mga absent, laging talo. They will miss the joy of fellowship.  Thomas missed the presence of the resurrected Christ.  The presence of God dwells in the praises of his people. Sabi sa Hebreo 10:25,

“Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.”

 

Dumating si Tomas, at nag-iba na ang mga kasama niya.  Pagmasdan ninyo ang ating mga talata, sa verse 19, sinasabi, “takot sila at nagkakatipon”.  Sa verse 26, “nagkatipon ang mga alagad”. May pinagka-iba ang First Sunday sa Second Sunday! Ano po? Sa 1st Sunday, takot sila.  Sa second Sunday, nagkakatipon sila pero, wala na ang salitang “takot ang mga alagad”!

 

Subukan nating lumagay sa katayuan ni Tomas. Dumating ka sa bahay na pinagtitipunan.  Dati, lahat ay malungkot, ngayon, lahat nakangiti.  Dati, lahat ay takot, ngayon, lahat ay masaya. At ikaw na lang ang takot at malungkot.   Gets mo? Anyare?!

 

Umaawit ang mga kasama mo, “He lives! He lives!”.  Teka, sinong buhay?  Wala kang idea?  At sinabi nila, buhay si Jesus.  Pero ayaw maniwala ni Tomas. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.”

 

a.       Every Sunday is the Day of our Testimony.

Alam po ba ninyo kung bakit Sunday tayo sumasamba? Ang mga Moslems, sumasamba ng Friday.  Ang mga Judio, tuwing Saturday.

Sumasamba po tayo ng Sunday, to proclaim that Jesus rose from the dead on this day – SUNDAY! We do not worship the sun.  We worship the Son of God!

 

b.      Every Sunday we meet Jesus.

I would like to confess. May panalangin po ako sa bawat worship, “Panginoon, dumating ka sa aming pagsamba.  Walang silbi ang aming gagawin kung hindi ka darating Holy Spirit.  Patawarin mo kami, kaawaan mo kami, please come Lord.” Gusto ko po kayong makita tuwing Sunday.  But I do not want to go to church, without meeting the presence of Jesus.  Our worship is useless, without God’s presence.

 

4.       Thomas met Jesus again. But this time, Jesus is alive!

Sabi ni Lord, “At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan (Gk.apistos) pa, sa halip ay maniwala ka (Gk.pistos).” Nagduda si Thomas, pero hindi nawala ang kanyang paniniwala (apistos).  May duda lang. At gusto niya ay pananampalatayang na may katibayan. Tulad ni Thomas, hanapin natin ang katibayan ng ating pananampalataya.  Katagpuin natin si Jesus.  Hawakan natin siya at yakapin. Tanggapin natin ang kanyang pagpapatawad.  Siguraduhin natin na si Jesus nga tumawag sa atin. Patunayan natin na totoo ang ating pananampalataya at ibahagi natin ito sa iba. Alam po ninyo, namatay si St. Thomas sa India.  Siya ay pinatay habang siya ay nangangaral.

 

Katagpuin natin ang Panginoon ngayon.  May takot ka ba? May pangamba ka? May problema ka? See the difference, and let this worship be your encounter with Jesus, again. Like Thomas, our lives will never be the same again, if only we will meet Jesus.

Sermons August 2026

AUGUST SERMONS and SUNDAY SCHOOL LESSONS BASED ON LECTIONARY READINGS  ___________________ Sermon 1: Feeding Ministry ni Jesus          ...