Absent si Tomas Last Sunday
Juan 20:19-31
Isang experiment ang ginawa sa mga estudyante sa Germany. Hinati ang
grupo sa dalawa. Ang isang grupo ay binigyan ng simpleng puzzle. Ang ibang
grupo ay binigyan ng puzzle na walang solution. Pero hindi sinabi ng examiner
na walang solution ang mga puzzle sa
second group.
1. Mapapansin na ang mga alagad sa
ating Bible Reading ay frustrated, maaring nahihiya at takot. Patay ang
kanilang leader – hindi natin sila masisisi. Kaya nga sila nasa nagtatago…sila
ay takot.
Tayong mga Kristiano ay hindi exempted sa mga ganitong karanasan. Ang totoo, marami ang disappointed, at frustrated sa atin. Marami rin ang nasasaktan sa atin. Maaring, dumating ka dito kapatid, at nag-away kayong mag-asawa, o baka may tampuhan kayong mag-nanay o mag tatay. Marami sa panahong ito ang mga kabataan na may sama ng loob.
2.
Absent si Tomas Noong
First Sunday
Pero, hindi alam ni Tomas, na may nangyari habang wala siya sa first
Sunday evening. Sa First Sunday evening, ang sabi sa ating pagbasa sa verse 19,
“Kinagabihan ng araw ng Linggo, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang
mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila
sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. “Sumainyo
ang kapayapaan!” sabi niya.”
Hindi alam ni Tomas, na may nangyaring maganda noong absent siya. He
missed that great Sunday! Because something special happened while he was
absent. Kaya sabihin mo sa katabi mo, “Huwag kang aabsent kapatid every Sunday!
Baka hindi mo makita ang ginagawa ng Diyos sa ating church!”
Sa isang church, marami ang absent… isang Sunday. Pero may dumating na bisita at nag-offering
sila ng 100k. Sila ay miembro na nakatira sa US. Sa susunod na Sunday, ako yung speaker sa
church. Napansin ko, lahat ng naka-attend sa pervious Sunday, nakangiti. Ang pastor…naku…binigyan ng kape! “DS, kung
nandito ka last Sunday, may pasalubong ka rin sigurado!” But I missed that
Sunday!
Pero si Tomas, he missed that day…hindi niya nakita ang dumating na
muling nabuhay na Jesus.
3. 3. Present na si Tomas
“Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya
ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na
ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.”
Dumating
si Tomas, at nag-iba na ang mga kasama niya.
Pagmasdan ninyo ang ating mga talata, sa verse 19, sinasabi, “takot sila
at nagkakatipon”. Sa verse 26, “nagkatipon
ang mga alagad”. May pinagka-iba ang First Sunday sa Second Sunday! Ano po? Sa
1st Sunday, takot sila. Sa
second Sunday, nagkakatipon sila pero, wala na ang salitang “takot ang
mga alagad”!
Subukan
nating lumagay sa katayuan ni Tomas. Dumating ka sa bahay na
pinagtitipunan. Dati, lahat ay
malungkot, ngayon, lahat nakangiti. Dati,
lahat ay takot, ngayon, lahat ay masaya. At ikaw na lang ang takot at
malungkot. Gets mo? Anyare?!
Umaawit
ang mga kasama mo, “He lives! He lives!”.
Teka, sinong buhay? Wala kang
idea? At sinabi nila, buhay si
Jesus. Pero ayaw maniwala ni Tomas. Kaya't
sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si
Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang
butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang
aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.”
a.
Every Sunday is the Day
of our Testimony.
Alam po ba ninyo kung
bakit Sunday tayo sumasamba? Ang mga Moslems, sumasamba ng Friday. Ang mga Judio, tuwing Saturday.
Sumasamba po tayo ng
Sunday, to proclaim that Jesus rose from the dead on this day – SUNDAY! We do
not worship the sun. We worship the Son
of God!
b.
Every Sunday we meet
Jesus.
I would like to
confess. May panalangin po ako sa bawat worship, “Panginoon, dumating ka sa
aming pagsamba. Walang silbi ang aming
gagawin kung hindi ka darating Holy Spirit.
Patawarin mo kami, kaawaan mo kami, please come Lord.” Gusto ko po
kayong makita tuwing Sunday. But I do
not want to go to church, without meeting the presence of Jesus. Our worship is useless, without God’s
presence.
4.
Thomas met Jesus again. But
this time, Jesus is alive!
Sabi ni Lord, “At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga
kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang
mag-alinlangan (Gk.apistos) pa, sa halip ay maniwala ka (Gk.pistos).”
Nagduda si Thomas, pero hindi nawala ang kanyang paniniwala (apistos). May duda lang. At gusto niya ay
pananampalatayang na may katibayan. Tulad ni Thomas, hanapin natin ang
katibayan ng ating pananampalataya. Katagpuin
natin si Jesus. Hawakan natin siya at
yakapin. Tanggapin natin ang kanyang pagpapatawad. Siguraduhin natin na si Jesus nga tumawag sa
atin. Patunayan natin na totoo ang ating pananampalataya at ibahagi natin ito
sa iba. Alam po ninyo, namatay si St. Thomas sa India. Siya ay pinatay habang siya ay nangangaral.
Katagpuin natin ang Panginoon ngayon. May takot ka ba? May pangamba ka? May
problema ka? See the difference, and let this worship be your encounter with
Jesus, again. Like Thomas, our lives will never be the same again, if only we
will meet Jesus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento