TAMANG DESISYON
Genesis 24:34-38, 42-49, 58-67; Psalm 45:10-17; Matthew 11:16-19,
25-30
Ang paggawa ng desisyon sa buhay pananampalataya ay lubhang masalimuot
(complicated). Dahil kung magkakamali tayo, malaking bagay ang masisira, kasama
na dito ang ating patotoo, o ang ating paglago sa ministeryo. Kaya ang paggawa ng desisyon minsan ay may kasamang
risks. When we refuse to learn more however, we fail to grow. Kaya nga ang mga matagumpay
na Kristiano ay mga RISKS TAKERS, mga “life long learners” at mga “lifelong seekers.” Dahil lagi tayong naglalakbay upang hanapin
ang kalooban ng Diyos.
Isang larawan ng pagka-Kristiano ay ang butterfly. Sa isang banda, comfortable ang caterpillar
na manatiling uod. Pero hindi siya
lalago, kung mananatili siyang uod.
Kailangan siyang maging butterfly, upang magbago, lumaki at lumipad!
Sa ating pagbasa sa ating Gospel, people were challenged by Jesus, “to
play along with them” in a wedding and funeral games. Tumutukoy ito sa dalawang
ministries na Nakita ng mga tao. Ang una
ay ang ministry ni John the Baptist.
Ito yung funeral game, ay may iyakan at masakit na expressions. Dahil
masyadong seryoso ang ministry ni John the Baptist. Mabagsik mangaral si John the Baptist,
umaapoy! Kung susunod ka sa kanya, pupunta ka ng disyerto! Kakain ka ng balang
at pulot.
Sa kabilang banda, mayroon ding wedding game o kasal-kasalan. Dito
ay masaya, doon ay masaya, sa kasalan kahit saan ay masaya! Di bah? Maraming
handa, saywan, at inuman! Ito naman ang laro ni Jesus!
Lagi siyang kumakain, o pumupunta sa kainan at inuman. Cool lang ang ministry ni Jesus, kung
ikukumpara sa ministry ni John the Baptist.
Sino ngayon ang susundin mo sa kanila? Masaya o seryoso? Alin kaya
ang gusto ng Diyos sa dalawa?
1.
SEEK WISDOM FROM GOD. Kapag ganito
na sitwasyon, kailangan natin ng wisdom from God. Sumanguni sa Diyos. May mga
bagay na hindi kayang gawin at unawain sa sarili nating galing. Tulad ng alipin ni Abraham, siya ay nanalangin
sa Diyos. Tulad ni Apostol Pablo, na
umamin, na may pagkakataon ng kahinaan.
Ang pag-asa ay ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
2.
BE LIKE A CHILD BEFORE GOD. Pangalawa,
sa ganitong sitwasyon, be a child before God. Ang mga bata ay laging handang matuto. Ang mga Pariseo at mga pari, ay hindi nakinig
kay Jesus. (Maliban sa iilang tao tulad
ni Nicodemo, Jose ng Arimathea, at Pablo.)
Pero ang mga karaniwang tao, tulad ng 5 thousand, o four thousand, sila ay
handing sumunod at maniwala, dahil sa kaunti nilang kaalaman. Handa silang makinig at matuto.
Kaya nasabi ni Jesus, “11:25 At that
time Jesus said, "I thank you, Father, Lord of heaven and earth, because
you have hidden these things from the wise and the intelligent and have
revealed them to infants;”
So let us check our attitudes. Let us evaluate ourselves. Tama ba ang pagsunod ko sa Diyos? Marunong ba
akong makinig? Marunong ba akong mauhaw sa Salita ng Diyos? Handa ba akong
matuto?
Isang kwento tungkol sa mga Samurai
warriors. Isang estudyante ang pumunta
sa isang master upang magpaturo.
Nagyabang ang batang samurai sa kanyang mga accomplishments. Ipinakita niya kung gaano siya kagaling.
Hindi tumugon ang master. Sa halip,
binigyan niya ng baso ang estudyante. At sabi ng master, “Uminom ka muna ng
tubig.” Kinuha ng estudyante ang baso. Binuhusan naman ito ng master, hanggang
umapaw. “MASTER! Umaapaw na ang tubig!” sigaw ng estudyante. “Oo, parang ikaw.
Umaapaw ka na sa kaalaman. Mukhang wala na akong maituturo sa iyo.” Sagot ng Master.
3.
BE WEDDED TO CHRIST. Magpakasal
tayo sa Panginoon. Bilang iglesia, tayo ay katawan ni Cristo. Tayo ikakasal sa
Diyos.
Ito ang nilalaman ng Awit 45.
Sikaping gawin ang tama na nakalulugod
sa Diyos. Let us remain pure to be worthy for our holy God.
“The Church as the Bride in Ephesians
5:22-33: The Church is called the Bride of Christ and Christ is declared the
Head of the Church, His Bride. As individual believers and as the Church we
have an intimate relationship with Christ. This is a relationship that is
closer than an earthly husband and wife relationship.”
1.
A wedding is the deepest commitment
a person can dive into. With this kind of commitment, we can sincerely offer
ourselves to the one we love.
2.
To be wedded with Christ is to
love the Lord at all costs.
3.
It is the most important
decision we can make.
Kaya, magpakasal ka muna sa Diyos. Pero, paka-isipin mo muna itong mabuti.
Aralin mo itong mabuti.
Gawin mo ito. Ito lamang ang magliligtas
sa atin sa magulong buhay mayroon tayo.
Romans 7:24 Wretched man that I am! Who will rescue me from this body of death?
7:25a Thanks be to God through Jesus Christ our Lord!
Si Jesus lang ang ating pag-asa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento