Huwebes, Pebrero 15, 2024

Touch of Christ

 Luke 13:10-17

18 years.  Marami na ang mababago after 18 years. Yung dating walang bahay at establisimiento, ngayon, puno na ng mga gusali. 

Ngunit sa babaeng ito, walang nabago sa kanyang kalagayan.  Dati na siyang ukot, baluktot ang likod.   Sa kabila ng kanyang kalagayan, siya ay palagi pa ring nagsisimba, ngunit walang nagbabago sa kanyang kalagayan.

Ganun ka rin ba? 

Sana may nagbabago naman sa iyo...na habang nagsisimba ka, nawa’y umunlad ang iyong pananampalataya.  Sana, nagbabago ang relasyon mo sa Panginoon.  Sana, umuunlad din ang paglilingkod mo sa Diyos. 

Ang babae ay nagsisimba ngunit nananatili siyang “nakatali” sa kanyang kalagayan. 

Madalas siyang magsimba, ngunit sa araw na iyon ng siya nagsimba, ay may guest speaker.  Pagkatapos ng sermon, biglang tumawag ng altar call ang speaker at pinalapit ang mga gustong magpagamot. 

 Pinalapit ang mga maysakit. 

Nahihiyang lumapit ang babae, ngunit sinubukan niyang pumunta sa harap. Hinawakan siya ng guest speaker at siya’y gumaling.  Iba ang araw na iyon.  Yung 18 years na nakaraan ay biglang nagbago. Magaling na siya. 

Ang mga nagsisimba ay sari-sari.  Iba-iba ang dahilan ng ma tao kung bakit sila nagpupunta sa simbahan. 

a.  yung iba, nakasanayan lang. 

b. yung iba, obligasyon lang.

c. pero yung iba, may kailangan lang sa Diyos. 

Maaring ang babae ay kabilang sa mga ikatlong nabanggit. O maari nating sabihin na may kailangan siya sa Panginoon, pero hindi siya sigurado, baka sakaling gagaling siya. 

Ngunit iba yung araw na iyon. 

Dahil gumaling siya. 

Dahil may kakaibang nangyari sa kanyang katawan. 

Ang ukot niya sa likod ay gumaling. 

Ano ang nangyari?

1. Una, si Jesus ang guest speaker sa araw na iyon. 

Ang pagsamba na makakatagpo kay Jesus ay iba sa nagsisimba na hindi nakakaranas ng presensya ng Dios. 

Marami ang mga nagsisimba na walang inaasahang kakaiba. Marami ang hindi naman interesado sa Panginoon.  Maaring hinihintay nila ang magandang sermon o awit ng choir, pero hindi si Jesus. 

Pero ito ang makikita natin sa kwento.  Ang babaing ukot ay nakaranas ng kakaibang karanasan dahil naroon si Jesus. 

Kahit ngayon sa ating pagsamba, kung bukas sana ang ating mga puso para sa presensya ng Diyos, naniniwala ako na may kakaibang mangyayari sa ating pagsamba ngayong araw na ito. 

2. Tinawag siya ng Panginoong Jesus. 

Kapag ang Panginoon ay present, may kakaibang nagyayari dahil dumarating si Jesus hindi para sa sarili. Lagi siyang gumagawa para ikabubuti ng iba. 

Kung kailangan mo ng bagay na ikabubuti mo, ikagagaling mo, ikasasaya mo...pumunta ka kay Jesus. 

 

3. Lumapit siya at pinabayaan niyang kumilos si Jesus para sa kanyang kagalingan. 

Pinabayaan niyang hawakan ni Jesus ang kanyang kapansanan. Sabi ng Panginoon sa Pahayag 3:20, “ako’y kumakatok sa pintuan ng inyong puso.”

Kahit ang mga bulag ay nagsabing, “Nais naming makakita Panginoon.” At sila ay nakakita.

Maging ang mga ketongin ay nagsabing, “Maawa ka sa amin.” Bago sila pinagaling. 

Nais din ng Diyos na lumapit tayo sa kanya.

Narito ang Panginoon.

Tinatawag ka niya. 

Lumapit ka.

Pabayaan mong hawakan niya ang buhay mo. 

May mabuting mangyayari sa buhay mo ngayon. 

 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...