Luke 14:1, 7-14
Isang pambihirang sekreto ng buhay Kristiano ang sinabi Pablo, “I am crucified with Christ and therefore I no longer live.”(Gal.2:20).
Ito ang tunay na kapakumbabaan. Ang maitaas si Cristo at hindi ang sarili kapakanan. Mahalagang turo ng Panginoon ang pagtalikod sa sarili at unahin ang sa Diyos.
May kwento tungkol kay dakilang mangangaral na si Dwight Moody. Sa isang preaching conference, naka-ugalian ng mga guest ang iwan nila ang kanilang sapatos sa labas ng kwarto ng hotel upang pakintabin ng mga naglilingkod sa hotel. Kaya iniwan nga ng mga pastor ang mga sapatos nila sa hallways. Ngunit walang hotel attendants na nag-shine sa mga sapatos nila. Napansin ito ni Ptr. Moody, kung kaya siya na mismo ang nag-shine sa mga sapatos ng kanyang mga bisita.
Pagka-morning, hangang-hanga ang mga bisita sa kintab ng kanilang mga sapatos. Gustong bigyan ng ng mga pastors ng tip ang mga hotel attendants. Pero sabi ng lecturer na si Ptr. Moody, siya na ang bahalang magpapasalamat sa nag-shine ng sapatos.
Ito ay halimbawa ng kapakumbabaan. Isang taos pusong paglilingkod.
Ganito ang turo ng Panginoon.
1. Huwag maghangad ng parangal ng tao.
Dahil, ang nagmamataas ay ibababa, ngunit ang nagpapakumbaba ay itataas.
May kwento tungkol sa isang kapitan ng mga sundalo ang nagnanais magpaturo sa isang master.
“Master, turuan mo po ako tungkol sa impierno at langit.”
Sabi ng master, “Isa kang ulol! Wala kang alam! Umalis ka dito!”
Tumaas ang pride ng kapitan. Gigil na gigil, sumabog ang galit ng kapitan. Binunot nito ang kanyang espada at handang tagain ang master. Tumitig ang master sa kapitan at sinabi, “Iyan ang impierno.”
Natigilan ang kapitan. Ibinaba ang kanyang espada at yumuko sa master.
Tinitigan siya ulit ng master at sinabi, “Iyan ang langit.”
HUMBLENESS
Maraming tao ang bigo sa buhay dahil ayaw nilang magpakumbaba.
1. ang humble - mas madaling turuan, mas madaling matuto
2. ang humble - masayang naglilingkod
3. ang humble - kinikilala ang sariling kamalian
4. ang humble - inuuna ang iba bago ang sarili
Kaya ang humbleness ay pagiging maka-diyos. Ito ay bunga ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya.
5. ang mga humble ay may matibay na pagkatao - para silang matandang kawayan. Nakakayuko pero hindi sila nababali.
6. ang mga humble - sila ay itinataas ng Diyos.
BLESSEDNESS
Isa pang katangian na nais ng Panginoon para sa atin ay ang pagiging pagpapala sa iba.
1. Huwag maghahangad ng bayad o kapalit kapag gumagawa ng kabutihan.
2. gumawa ng mabuti para sa kapurihan ng Diyos.
Kapag sumunod k kay Jesus, magbabago ang pagkatao mo. Ugali, pananalita at gawa. Mawawala ang kagaspangan ng ugali.
Nagbubunga ng mabuting pagkatao ang pagsunod sa Diyos. Kapakumbabaan at pagiging pagpapala sa iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento