Huwebes, Mayo 11, 2023

Sermon: Nov 6, 2022 Faith Over Fear

 Nagagapi ng Pananampalataya ang Takot (November 6, 2022)

Haggai 1:15b-2:9 • Psalm 98    2 Thessalonians 2:1-5, 13-17    Luke 20:27-38

 

(Panimula: Kwentong Pulpito)

Magsimula tayo sa isang kwento tungkol sa isang pamilya na sumakay sa taxi.  Napansin ng tatay ng pamilya na cool ang driver ng taxi. Maingat itong magmaneho at masayahin ang driver.  Sa kanilang tahimik na paglalakabay, nais kausapin ng tatay ang driver, kaya tinapik niya ito sa balikat.  Nabigla ang driver! Kamuntik na niyang banggahin ang bus sa kabilang kalsada! Kaya nanginig sa takot ang lahat!

“Sorry, hindi ko akalain na mabibigla ka sa isang tapik lamang sa balikat.” – sabi ng tatay.

Sagot ng driver, “Hindi po ninyo kasalanan kuya.  Talaga po nakakaramdam ako ng takot, dahil…first time ko pong magmaneho ngayon.”

Good Sunday morning po sa lahat.  Ang topic po natin today ay tungkol sa pananampalataya sa Diyos.  Ang pananampalataya po ay ang pinakamabisang panlaban sa takot! Kahit pa first time magmaneho ng sinasakyan mong taxi!

Sa totoo lang, marami ang mga bagay na maari nating katakutan sa buhay.  Hindi po exempted ang mga Kristiano sa karanasan ng takot.  There are types of fear sa buhay, tulad ng fear of sicknesses, loneliness, uselessness na nararamdaman ng mga seniors.  Takot na, mawawalan ka na ng silbi sa buhay. Fear of rejection, o fear of failure sa mga kabataan, na hindi sila mahal ng sari nilang magulang o hindi sila magtagumpay.  Next year, 2023, marami ang natatakot, dahil sa padating na economic recession sa buong mundo. Ang climate change, nagbabanta ito ng takot ng paglubog, baha at pagkasira ng buhay dahil sa mga bagyo at ibang kalamidad.

Sa gitna ng lahat ng ito mga kapatid, mayroon tayong pananampalataya sa Diyos na buhay! Amen?!

Ayon sa Efeso 6:16, “Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.” Always wear your shield of faith.

Sa pagharap natin sa buhay, may tatlong kinatatakutan ang marami:

1.       Fear of Uncertain Future

2.       Fear of the Ultimate Evil

3.       Fear of Death

Harapin natin ang mga ito, gamit ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.

Faith Against Fear of Uncertain Future (Ang Karanasan ng mga Judio sa Haggai 1:15b-2:9)

Sa ating pagbasa sa Lumang Tipan, makikita natin ang pangamba ng mga Judio habang nagbabalak silang itayo muli ang templo.  Winasak ng ma Babylonians ang templo, pinatay ang maraming mamayan, at lugmok sa kahirapan ang Israel. Salamat na lamang, dahil pagkatapos ng mabagsik na pananakop ng Babylonia, ang mga Persians ang bagong empire.  Dahil kung mabagsik ang mga Babylonians, mababait ang mga Persians na sumakop sa Israel.  Sa pangunguna ni Cyrus at Darius ng Persia, ang mga Israelites ay pinabalik sa Israel upang itayo nilang muli ang kanilang bayan.

Kaya pag-uwi ng mga remnants, ang mga natirang buhay pa sa mga mamamayan, (dahil karamihan ay namatay), nakita nila ang nakalulunos na kalagayan ng wasak na templo, mga sirang bahay, at kawawang kalagayan ng bansa.  Kaya agad-agad na itinayo ng mga tao ang kanilang mga bahay.  Nagtanim silang muli, upang itayo muli ang kanilang kabuhayn.   Sa ganitong kalagayan nagbigay ng challenge si Prophet Haggai, upang isama ng mga tao ang pagtatayo sa templo sa kanilang plano.  Pero sabi ng mga mamamayan, “Sinasabi ng mga taong ito na diumano'y hindi pa napapanahon upang itayong muli ang Templo.”(Haggai 1:2). 

Discouraged ang mga tao na itayo ang templo, una, para unahin nilang itayo ang sari-sarili nilang bahay.

Pangalawa, dahil mahirap sila.  Ang unang templo, ay pinatayo ni Solomon, sa panahon na sobrang yaman ng Israel.  Ngayon, sobrang hirap nila. Wala silang kasiguruhan sa darating na bukas.

Nangaral si Propeta Haggai, upang manawagan sa Israel, na  magpakatatag ang Israel. Sabi ni Yahweh, “Patuloy ninyong gawin ang Templo sapagkat ako'y kasama ninyo.”(Haggai 2:4). Kaya kumilos na may pananampalataya ang mga bayan, gamit ang pagtitiwala sa Diyos, naitayo ng mga Israelita ang templo ng higit na maganda kaysa noong una. Sa muling pagtatayo ng templo, nakita ng mga Israelita ang kabutihan, at kapangyarihan ng Diyos.

Faith Against Fear of the Ultimate Evil (2 Thessalonians 2:1-5, 13-17)

Ang pagbasa sa Epistle of 2 Thessalonians 2:1-5, 13-17 ay nakapangingilabot.  Ito ay tungkol sa pagdating ng Suwail o anti-Christ. Ayon sa 2 Tessalonica 2:3-“Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan.   Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.” Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. (2:9).

Ito na ang paglaganap ng labis na kasamaan, dahil ang Masama ay papalakpakan, ito yung iboboto ng mga mamamayan, ito ang gagawin nilang bayani at leader – ang Masama. Ang Masama ang magpapakilalang Diyos. Kaya siguradong magdurusa, at paparusahan niya ang mga tunay at tapat na naglilingkod sa tunay na Diyos. Mangyayari ito mga kapatid.  Sa totoo lang, unti-unti na nating nakikita ang kaganapan nito. Tandaan, mapagtatagumpayan natin ito, sa pamamagitan ng pananatiling matatag sa pananampalataya.

Faith Against the Fear of Death (Luke 20:27-38)

Ang ating Gospel Reading ay pag-uusap sa pagitan ng Panginoong Jesus at mga Saducees.  Saducees do not believe in resurrection.  Para sa kanila, walang muling pagkabuhay. Para sa kanila, ang kamatayan ang magtatagumpay sa buhay. Para sa mga Saducees, kamatayan ang mga last say! Basta para sa kanila, mamamatay ako, ikaw at lahat tayo. PERIOD! For them, death is final conclusion of life! Kamatayan! Wala na! Yun na yun!

Ngunit sabi ng Panginoong Jesus sa John 11:25, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.” Pero marami pa rin ang may takot sa kamatayan.  Ayaw natin na may masamang mangyari sa atin, o sa ating mahal sa buhay. Maraming nasasaktan kapag may namamatay. Nagkaroon ng stampede sa Korea (Oct. 30, 2022), namatay ang 149. Araw-araw, nagpapasabog ng missiles ang Russia sa Ukkraine, marami ang namamatay.  Sa atin, wala mang digmaan. Pero may sakit at mga aksidente.  Walang makaka-iwas sa kamatayan.

Ang ating pananampalataya sa Diyos, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ang tanging panlaban natin sa kamatayan. Ito ang tanging paraan, upang makamit natin ang muling pagkabuhay, at buhay na walang hanggan.  Si St. Chrysostom, isang mangangaral sa Antioch, sa capital noon ng Roman Empire, ay binantaan, na ipapatapon siya ni Empress Eudoxia, dahil hindi nagustuhan ng reyna ang kanyang sermon.  Matapos mabalitaan, nagwika si St. Chrysostom: “Ano ang katatakutan ko? Kamatayan ba? Pero alam ninyo na nasa buhay ko si Cristo, ang kamatayan para sa akin ay pakinabang.  Itatapon ako? Ang buong daigdig ay sa Panginoon! Kahirapan ba? Ngunit wala tayong dalang dumating sa mundo, at wala rin tayong dadalhin pag-alis sa mundo.  Kaya ang lahat ng takot na mararanasan sa daigdig ay aking pinagmamasdan, at napapangiti ako dahil ang nakikita ko ay pawang kabutihan. Ang kahirapan ay hindi ko katatakutan. Hindi ko rin hinahanap ang karangyaan. Hindi ko kinatatakautan ang kamatayan.”

Mababasa sa Proverbs 29:25 “The fear of man bringeth a snare: but whoso putteth his trust in the LORD shall be safe.” Pagtagumpayan po natin, labanan natin ang takot, sa pamamagitan ng ating pananalig sa Diyos. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...