Ang Ating Patotoo ng Pag-ibig - Juan 14:15-21
(Our Testimony of Love) May 14, 2023
__________________________________________________________
Ayon sa US Attorneys Office, may mga paraan upang
maging effective court witness. Ilan sa
mga payo nila:
·
Refresh Your
Memory, be exact and avoid estimates about the incident.
·
Speak In Your Own
Words. Speak clearly. Be convincing.
·
Be A Responsible
Witness. Sincerely and seriously talk about the incident as you recall it. Tell
the truth. Do not exaggerate.
·
Think before you
speak. Explain your answer. Be positive and confident.
·
Follow court
rules.
Ang isang napaka-halagang tungkulin nating mga Kristiano ay ang ang pagiging saksi o witness for Christ sa mundong ito na ayaw maniwala sa Salita ng Panginoon. Last Sunday, napag-usapan natin, na marami ang nagsasabing sila ay mga naniniwala sa Diyos, ngunit hindi nakikita sa kanilang buhay ang katibayan ng kanilang pananampalataya. Faith without works is dead! Faith without works of love is a failure to testify about Christ.
Kapag tayong mga Kristiano sa ating panahon, ay hindi na po tayo naninindigan para sa katotohanan ng ating pananampalataya, hindi na rin magiging mabisa ang ating patotoo. Hindi ito magiging convincing.
1. LOVE JESUS
Kaya sabi ng Panginoong Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung mahal ninyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos.”
Ang ating patotoo ay dapat mag-ugat sa ating pag-ibig kay Cristo. Sabi ng Panginoon, “Kung…kung, mahal ninyo ako.” Maari tayong bumagsak sa usapang ito. Baka hindi pagmamahal sa Diyos ang ating dahilan kung kaya nandito tayo ngayon.
May kabataan na nagsisimba at tinanong siya ng pastor, “Bakit ka nandito anak?” Sagot ng kabataan, “Nandito po ako kasi nandito ang crush ko.” Hindi pag-ibig sa Diyos ang dahilan. Bakit ka nandito bilang pastor, “Wala po akong makitang trabaho, kaya nagpastor na lang ako.” Pera pala ang dahilan, hindi pag-mamahal sa Diyos. Some may have more narcissistic reasons, gustong maging tanyag, at ang iba may gustong patunayan sa kanilang galing.
May kwento, (just to further illustrate my point) tungkol sa isang pastor na naghahangad sa tungkulin bilang Bishop, sabi ng pastor – “I believe I am the most qualified.” His reason is not to serve God and people, but his pride. Beware mga kapatid. Baka hindi na pag-ibig sa Diyos ang ating dahilan ng paglilingkod.
Gayundin po sa bawat miembro ng iglesia. Sabi ng Panginoon, “If you love me…” You can only be my disciples, if you love Jesus with all your heart, soul, mind and strength.
2. 2. OBEY CHRIST'S COMMANDMENTS
Ang mga Pariseo sa panahon ni Jesus, ay sumusunod sa 10 Commandments, at extra 613 na mg utos. At may extra 1,500 pang kadugtong ang mga 613. Mga utos na bawal, bawal, bawal. Tulad ng – Bawal maghakot ng damit mula sa nasusunog na bahay tuwing Sabbath. Huwag magsalamin tuwing Sabbath, baka makita mo ang puting buhok sa iyong ulo at baka matukso kang bunutin mo ito. Bawal kumain na hindi naghuhugas ng kamay. Bawal, bawal, bawal.
Ang Panginoong Jesus, ay may apat (4) lang specific Commandments sa mga alagad, mula sa Chapters 13-14. Una yung “love me” na napag-usapan na natin. Tatlo pang ayon sa Gospel of John ay ang mga sumusunod.
a.
Utos ng
pag-ibig upang paglingkuran ng mga alagad ang isa’t isa. “If I then,
the Lord and the Teacher, have washed your feet, you also ought to wash one
another’s feet. For I have given you an example, that you also should do as I
have done to you” (13:14-15).
Isang paghuhugas sa paa, ng ating kapwa alagad ay yung
– ingatan natin ang dangal o refutation ng ating kapwa Kristiano. Huwag tayong
magsiraan. Linisin po natin ang image ng ating kapwa, at huwag itong dudumihan.
b.
Utos ng
pag-ibig upang mahalin ng mga alagad ang isa’t isa. • “A new
commandment I give to you, that you love (agapate—from agape) one another, just
like I have loved you; that you also love one another. By this everyone will
know that you are my disciples, if you have love for one another” (13:34-35). Ang
agape love na iniutos ni Jesus ay hindi lang pagmamahal sa damdamin, kundi sa
gawa. Dahil ang pag-ibig ay matiyaga, at
mabait. Maraming tao ang maari lamang
mahalin, kung pagtitiyagaan mo silang mahalin.
c.
Utos na magtiwala sa Diyos, lalo sa panahon na nahihirapan ka at naguguluhan. “Don’t let your heart be troubled. Believe in God.
Believe also in me” (14:1). Trust in God and be still. Sabi sa Exodo 14:14, “God
will fight your battles. Be still.” Cool
ka lang kapatid, mahal ka ng Diyos.
3. HABANG TAYO AY NAGPAPATOTOO, KASAMA NATIN ANG HOLY SPIRIT
Sa ating pagbasa ngayon
(Chapter 14), may pagbabago sa tawag sa Holy Spirit. Dahil mula sa Chapter 1-6,
ang ginamit na salita ng Book of John ay pneuma. Samantalang sa Chapter
14, ang ginamit na term ay parakletos.
·
Bumaba ang
Espiritu (pneuma) kay Jesus tulad ng isang kalapati (1.32)
·
Kailangang
maipanganak na muli ang isang tao sa tubig at Espiritu (pneuma), upang
pagharian ng Diyos (3:32-33)
·
Ang Espiritu (pneuma)
ang nagbibigay buhay (6:63)
Kapag sinabing pneuma, dito, ang tinutukoy ay ang Espiritu Santo na makapangyarihan at nagbibigay ng buhay at bagong buhay. Hindi pwedeng ma-born again ang isang tao, kung hindi ito gawa ng Diyos. Oo, pwedeng baguhin ng isang tao ang kanyang sarili. Pero ang pagbabagong ito ay hindi gawa ng Diyos, kaya hindi ito makapagliligtas. Iba ang pagbabagong gawa ng Espiritu Santo sa buhay ng isang tunay na alagad. “Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu.” (John 3:6).
Sa ating pagbasa, nagsimulang tawagin ang Holy Spirit, bilang parakletos. Ano ang ibig sabihin nito?
Parakletos, ang ibig sabihin, ay abogado o lawyer, na magtatanggol at magpapatotoo para sa iyo. Isang tao na magpapalakas ng loob, magpapayo, at kasama mo sa oras ng panganib o pangangailangan. (Barclay, 194).
Ito ngayon ang susi sa mabisang patotoong Kristiano. Hindi lamang ito patotoo natin. Kundi ito ay magiging patotoo pati ng Diyos na nasa atin.
Dahil ang pneuma, ay - power of the Holy Spirit at work in us. Gumagawa ang Diyos sa ating kalooban.
Ngunit ang parakletos, ay - power of God testifying for us. God at work with us.
Conclusion:
Una,
siguraduhin natin na tunay ang ating pag-ibig sa Panginoong Jesus.
Pangalawa,
siguraduhin natin na sinusunod natin ang ang mga utos ni Cristo tungkol sa pag-ibig
sa kapwa alagad at ibang tao.
Kung gagawin natin ang mga ito, siguradong sasamahan tayo ng
Espiritu Santo sa ating pagpapatotoo.
__________________________________________
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento