ANO ANG IBIG SABIHIN NG “SUMAMPALATAYA SA DIYOS?
(What Does It Mean to Believe in God?)
John 14:1-10; Gawa 7:54-60
“Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa
Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.
Panimula:
Ang dakilang preacher na si George Whitefield ay
nagtanong sa isang sa isang nagsisimba,“Ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa Diyos?” Sumagot ang lalaki, “Kapareho lang ng pinaniniwalaan
ng aking simbahan.”“Ano ba ang paniniwala ng iyong simbahan?” Sagot ng lalaki, “Pareho lang siguro ng aking
paniniwala.”Tanong ulit ng pastor, “Ano ang paniniwala ng iyong
simbahan at ikaw?”
Sagot ng lalaki, “Pareho lang.”
Si C.H. Spurgeon ay nagtanong sa maraming tao kung
sila ay naniniwala sa Diyos? Sagot nila, "Opo." Naniniwala rin sila na si Cristo ay namatay para
sa kanilang katubusan. Ngunit napansin
ng pastor na sila ay namumuhay sa kasalanan. Ang kanilang paniniwala ay hindi
nakikita sa kanilang buhay at gawa.
Sabi ni C.S. Lewis, “Hindi mo talagang malalaman, kung
ikaw ay tunay na sumasampalataya, hanggang hindi nagiging usapin ng buhay o
kamatayan ang iyong pananampalataya. Paano mo malalaman kung matibay nga ang
isang lubid? Kung itatali mo dito ang
isang mamahalin at mabigat na bagay, kailangan, na ito ay matibay at
mapagkakatiwalaan.” Gayundin ang
pananampalatayang Kristiano, kailangan mo itong alamin, kung ito ay
katotohanan. Dahil dito nakasalalay ang
iyong kaligtasan.
Sumampalataya Kayo sa Diyos
Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi sa isip lamang. Malinaw
sa halimbawa ni Stephen sa Acts 7, na ang pananampalataya ay lubusang desisyon
ng pagkakaloob ng buong buhay sa Diyos hanggang kamatayan.
Ano ngayon ang kawalan ng pananalig? Unbelief in the
Bible is the conscious rejection of God and his Word, which makes him a liar.
Maaring sasabihin ng isang tao na siya ay naniniwala sa Diyos, kung ang taong
ito naman ay namumuhay sa kasinungalingan, o panig sa kabaligtaran ng
katotohanan – ang taong ito ay walang pananalig sa Diyos.
Do not let your actions deny your faith. We better
believe and live according to our Christian faith. Abraham believed and obeyed
God. Kabaligtaran ng Diablo, naniniwala ang demonyo sa Diyos, ngunit hindi niya
iginagalang ang Diyos. Kaya, kung tayo ay naniniwala sa Diyos, ngunit ayaw
nating sumunod sa Diyos – our faith is the faith of the devil. Ito ay
paniniwala sa Diyos na walang pagsisisi. Paniniwala na walang pagbabagong
buhay. Ito ay paniniwala na hindi makapagliligtas.
Sumampalataya kay Jesu-Cristo.
Wika ng Panginoong Jesus, “Sumampalataya kayo sa
akin.” Dito, makikita natin na ipinapantay ni Jesus ang sarili sa Diyos. Sabi
pa ng Panginoong Jesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Kaya, kung sumasampalataya tayo sa Diyos Ama,
dapat din tayong sumampalataya sa Diyos Anak. At siyempre, dapat din tayong
sumampalataya sa Diyos Espiritu Santo.
Ang pagsampalataya kay Jesu-Cristo bilang panginoon ay
nagbibigay sa atin ng;
1.
Una, kapatawaran
ng kasalanan tungo sa ganap na pagbabagong buhay. Si Jesus ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng
ating mga kasalanan (Juan 1:29). Ang tunay na pananalig kay Cristo ay
nagreresulta sa ganap na pagtalikod mula sa kasalanan. May nagsusugal pa ba sa atin? May lugar pa ba
ang pagsisinungaling? Ang kayabangan o pagmamalaki? Ang kagaspangan ugali at
paninibugho?
2. 2. Pangalawa, ang
pananalig kay Jesu-Cristo ay nagbubunga ng buhay na walang hanggan (1 Juan
5:13).
3. 3. Pangatlo, ang
pananalig sa panginoong Jesus ay nagbubunga ng ganap na kaligtasan John 3:16).
Sa ating mga teksto, mababasa ang mga sumusunod:
1.
Wala tayong dapat
ikabalisa, kahit harapin man tayo ng kamatayan, kung tayo ay lubos na
sumasampalataya sa Diyos at sa Panginoong Jesus. Somehow, we may be tempted to
lose our faith by worrying and complaining.
As if we can not put our trust in God. But we are invited by Jesus to be
still. Exodus 14:14 says, “The Lord will
fight for you; you need only to be still.”
2. 2. Isa pa, sabi ng
Panginoong Jesus, “Ipaghahanda ko kayo ng lugar sa bahay ng aking Ama. Sa bahay
ng aking Ama ay may maraming silid. Sa
Greek, ang silid na tinutukoy ay monai.
Dito galing ang salitang monastery.
Ibig sabihin, lugar ng pahingihan o resting place. Dito maari tayong
magpahinga dahil kasama natin ang Panginoon.
May
kwento tungkol sa isang anak na ampon, kaya ng namimigay na ng mana ang
magulang sa kanyang mga anak, medyo nag-aalala ang ang anak na ampon. Baka hindi siya bibigyan ng lugar na
pagtitirikan ng bahay. Napansin ng
tatay ang restless na kilos ng kanyang anak.
Nilapitan ito at binigyan ng kasiguruhan na tatanggap ito ng manang
lupain, dahil siya ay anak din.
Tayo rin
po ay tinanggap ng Diyos bilang mga ampon dahil kay Cristo (Efeso 1:5). Hindi po tayo mga original na anak ng Diyos
gawa ng ating mga kasalanan (Efeso 2:1). Sa pamamagitan ng pananalig sa Anak ng
Diyos, tayo ay itinuring na mga anak ng kaitasasan.
3.
3. Ang
pinaka-mahalaga, sa buhay na walang hanggan, kasama natin ang panginoong
Jesus. Sabi niya, “Kukunin ko kayo,
upang kung nasaan ako, doon din kayo.”
A Ang tunay na pananampalataya ay nagbibigay na tunay na kasiguruhan. Dahil ang Diyos ay tapat at banal, ang kanyang pangako ay kanyang tutuparin sa sinumang mananalig. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento