Miyerkules, Mayo 31, 2023

Disciples, Jesus Had No Other Plan, (Trinity Sunday), June 4, 2023

 

Mga Alagad, Wala ng Ibang Plano si Jesus

(Disciples, Jesus Had No Other Plan), Trinity Sunday, June 4, 2023

Matthew 28:16-20

 Isang pastor ang nangangarap na umunlad sa kanyang vocation. Nag-apply siya for ordination. Tinanong siya ng Board of Ordained Ministry, “Ano ang ginagawa mo para umunlad ka bilang pastor?” Na-realize ng pastor na wala siyang plano.  Dahil dito, nagsimulang mag-aral muli ang pastor, nagbasa at nag-attend ng mga seminars. Nagsaliksik ng mga pamamaraan sa ministry. Nakakita siya ng bagong pamamaraan. Bandang huli, siya ay ginamit ng Diyos sa mabisang paraan. Lumago ang iglesia, at nagtagumpay ang misyon.  

 Kahit hindi ka pastor, o deakonesa, dapat nating maunawaan na may plano ang Diyos para sa ating buhay.

 Ayon sa Gospel of Matthew, alam ni Jesus na may mahalagang plano ang Diyos Ama, para sa kanya.

 Malinaw kay Jesus na siya ay itatanghal na hari.   

 • Dahil ang kanyang salinlahi (genealogy) ay sa pamilya ni King David (1:6), at hinanap siya ng  mga pantas “bilang hari ng mga Judio” (2:2).

• Ang hula ni Zechariah ay, “tignan ninyo, ang inyong hari ay dumarating, maamo at nakasakay sa isang asno.” (21:5).

• Tanong ni Pilate, “Are you the King of the Jews?” (27:11).

• Hinamak siya ng mga sundalo, “Hail, King of the Jews!” (27:29).

• Ang hatol sa kanya ay, “SIYA SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO!” (27:37).

• Hinamak din siya ng mga tao habang nakabayubay sa krus, sinasabing “siya ang hari ng Israel.” (27:42).

• Sa kanyang muling pagkabuhay, naging ganap na ang paghahari ni Jesus.

 

A.      Ang Paghahari ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.  Jesus knew, “All authority has been given to me in heaven and on earth.”

·         Ito ay kapangyarihan sa langit at lupa.  

·         His authority is from God and not from the devil (Note: the devil tempted Jesus in Matthew 4:8-10, promising all authority in earth, which is a worldly promise).

 

Ang araw na ito ay Trinity Sunday. Ito ay Linggo ng pagpapakilala ng Diyos sa atin. Ito ay Linggo ng pagsamba upang itanghal natin ang Diyos bilang hari at Panginoon ng ating buhay.  Siya ay Ama, Anak at Espiritu Santo na nais maghari sa ating buhay. Siya na ba ang iyong Panginoon na sinusunod?

 Kahit ang unang instructions ni Jesus sa mga alagad ay katibayan ng kanyang pagiging Panginoon. Siya ay nagpakita sa mga babaeng alagad (Mateo 28:7,10), at sinabihan sila na utusan ang mga alagad na pumunta sa Galilea.

·         Mga babae ang mag-uutos.
·         Alam nilang namatay sa krus ang nag-uutos.
·         Malayo ang Jerusalem sa Galilea.  Mahabang lakbayin ito.

 Kaya kahit sumunod sila, may mga nagdududa. Kaya may plano si Jesus.

         B.      Plano ni Jesus na Magtrabaho Kasama ang Labing-isa.

1.      About his disciples. Jesus knew he was dealing with the 11 less-than-perfect disciples.

Judas even dropped-out!

·         God uses ordinary people to do extra-ordinary ministry.

·         Mas mapanganib pa yata kapag tayo ay masyadong tiwala sa sarili habang naglilingkod sa ministeryo, baka maging hadlang pa ang kataasan at pagmamalaki, sa halip na parangalan ang Diyos.  

 

 Kahit sa Mark 16:14, nasusulat,  “Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.”

 

Pero sila ay patuloy na pinagkatiwalaan ng Panginoong Jesus upang humayo.

Kaya:

 

Kahit may duda ka, humayo ka parin.

Kahit  may nagawa kang kasalanan? Magsisi ka at hhumayo ka parin. May isa akong nakilala, siya ay Kristiano.  Pero siya ay nakulong. Sa loob  ng selda, patuloy siyang nangaral at marami ang tumanggap sa Panginoon sa kanyang ministeryo.

May kahinaan ka? Humayo ka parin.

 

Ipinagkakatiwala ng Panginoon ang Ebanghelyo sa mga mahinang tulad natin.

At tayo naman, palibhasa may kahinaan po tayo, magtiwala lang tayo sa kanya.


C.      Jesus’ Plan: Ano ang Gagawin?

·         Humayo (Go)

·         Gawing alagad ni Cristo ang mga tao. Ipagkatiwala rin natin sa iba ang ministeryo ni Cristo (kahit may kahinaan din sila.)

·         Bautismuhan sila sa Ngalan ng Diyos. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo.  Tatakan natin sila ng Sakramento at ikintal ito sa kanilang buhay – upang matandaan nil ana sila ay sa Diyos.

·         Turuan ninyo silang sumunod (para alam nila ang kanilang gagawin) sa lahat ng iniutos ko sa inyo.



D.     Pangako ni Jesus: Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon. 

 Kasama natin ang Diyos. Ang gusto ko sa Kristianismo, hindi lamang tayo naniniwala namay Diyos. Tayo ay nabubuhay kasama ang ating Diyos.

 Magtatagumpay tayo, hindi dahil perfect tayo, kundi dahil perfect ang ating Diyos na kasama.

At pangako niya, hindi niya tayo iiwan.  Kaya magtatagumpay tayo sa ating misyon.

Humayo tayo.

 _________________   

Recommended Hymns: 

Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin

(Many Gifts One Spirit)

 

Diyos ng pagbabago, kami'y akayin.  Sa aming lakbayin lakas ka namin;

Tanggulan kang matatag, magbago man ang lahat.

Koro:

Aming Diyos, Di-wa ng pag-ibig at biyaya,

Balon ka ng pagpapala, O banal na Lumikha,

Ikaw ang ngayon, bukas, kahapon

Salitang Mahal at Diyos na Banal. Salamat sa kaloob, "Purihin"!

 

Diyos ng mga lahi, bayan at bansa, nagpapasalamat, iyong nilikha

Kanlungan kang matatag, pag-asa ka ng lahat.

 

Sa bawat umaga, laging sagana, ang iyong pag-ibig at pagpapala,

Kaloob mo sa amin, sa 'yo'y iaalay din.

Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin

_________________________  

 

Humayo at Maglingkod 

(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)

 

Humayo at maglingkod, at gawing alagad,

Sa buong daigdigan balita’y ihayag,

Luhod sa panalangin, sa Dios ay dumulog;

Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.

 

Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,

Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,

Ama, Anak  at Banal, Espiritung mahal;

At turuang sumunod sa banal na aral.

 

Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,

Atin silang akayin patungo kay Cristo,

Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,

Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.


Juan 20:19-31 - Pentecost May, 2023

Absent si Tomas Last Sunday

Juan 20:19-31

Isang experiment ang ginawa sa mga estudyante sa Germany. Hinati ang grupo sa dalawa. Ang isang grupo ay binigyan ng simpleng puzzle. Ang ibang grupo ay binigyan ng puzzle na walang solution. Pero hindi sinabi ng examiner na walang solution ang  mga puzzle sa second group. 

 Inulit-ulit ang procedure, at ang mga estudyante sa easy puzzle ay nakadevelop ng confidence, samantalang ang grupo na may unsolved puzzles, ay nagdevelop ng shame o hiya, galit at matinding frustrations.

 

1.     Mapapansin na ang mga alagad sa ating Bible Reading ay frustrated, maaring nahihiya at takot. Patay ang kanilang leader – hindi natin sila masisisi. Kaya nga sila nasa nagtatago…sila ay takot.

 

Tayong mga Kristiano ay hindi exempted sa mga ganitong karanasan.  Ang totoo, marami ang disappointed, at frustrated sa atin. Marami rin ang nasasaktan sa atin.  Maaring, dumating ka dito kapatid, at nag-away kayong mag-asawa, o baka may tampuhan kayong mag-nanay o mag tatay.  Marami sa panahong ito ang mga kabataan na may sama ng loob.

 Marami sa mga nagsisimba ang hindi natutulungan ng simbahan, dahil darating na luhaan ang miembro, uuwi rin itong sawi.  Kaya mayroong mga…ayaw ng magsimba. 

 Ganun din si Thomas, na sa unang gabi sa Linggong iyon- absent siya meeting ng mga alagad. Parang sinasabi niya…”pare-pareho lang yan, present ako o absent, walang namang pinagka-iba.”

 Saliksikin po natin ang sarili bilang simbahan.  Ang pagpunta po ba natin sa ating church ay nagbubunga ng pagbabago sa ting buhay? Ito ba ay nagdadala ng bagong pag-asa, para maging matatag ang ating pamilya, ang ating pagkatao? Nagbubunga bai to ng tagumpay sa buhay ng ating mga anak?

 O baka, lalo lang itong nagdaragdag sa ating frustrations at disappointments? 

 Dumating si Thomas sa gabing iyon (second Sunday evening)– expecting nothing! Gayunman, dumating siya, upang makiisa sa mga alagad na takot, malungkot at nagtatago. 

 

2.       Absent si Tomas Noong First Sunday

Pero, hindi alam ni Tomas, na may nangyari habang wala siya sa first Sunday evening. Sa First Sunday evening, ang sabi sa ating pagbasa sa verse 19, “Kinagabihan ng araw ng Linggo, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya.”

 

Hindi alam ni Tomas, na may nangyaring maganda noong absent siya. He missed that great Sunday! Because something special happened while he was absent. Kaya sabihin mo sa katabi mo, “Huwag kang aabsent kapatid every Sunday! Baka hindi mo makita ang ginagawa ng Diyos sa ating church!”

 

Sa isang church, marami ang absent… isang Sunday.  Pero may dumating na bisita at nag-offering sila ng 100k. Sila ay miembro na nakatira sa US.  Sa susunod na Sunday, ako yung speaker sa church. Napansin ko, lahat ng naka-attend sa pervious Sunday, nakangiti.  Ang pastor…naku…binigyan ng kape! “DS, kung nandito ka last Sunday, may pasalubong ka rin sigurado!” But I missed that Sunday!

Pero si Tomas, he missed that day…hindi niya nakita ang dumating na muling nabuhay na Jesus.

3.    3. Present na si Tomas  

 Ang mga absent, laging talo. They will miss the joy of fellowship.  Thomas missed the presence of the resurrected Christ.  The presence of God dwells in the praises of his people. Sabi sa Hebreo 10:25,

“Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.”

 

Dumating si Tomas, at nag-iba na ang mga kasama niya.  Pagmasdan ninyo ang ating mga talata, sa verse 19, sinasabi, “takot sila at nagkakatipon”.  Sa verse 26, “nagkatipon ang mga alagad”. May pinagka-iba ang First Sunday sa Second Sunday! Ano po? Sa 1st Sunday, takot sila.  Sa second Sunday, nagkakatipon sila pero, wala na ang salitang “takot ang mga alagad”!

 

Subukan nating lumagay sa katayuan ni Tomas. Dumating ka sa bahay na pinagtitipunan.  Dati, lahat ay malungkot, ngayon, lahat nakangiti.  Dati, lahat ay takot, ngayon, lahat ay masaya. At ikaw na lang ang takot at malungkot.   Gets mo? Anyare?!

 

Umaawit ang mga kasama mo, “He lives! He lives!”.  Teka, sinong buhay?  Wala kang idea?  At sinabi nila, buhay si Jesus.  Pero ayaw maniwala ni Tomas. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.”

 

a.       Every Sunday is the Day of our Testimony.

Alam po ba ninyo kung bakit Sunday tayo sumasamba? Ang mga Moslems, sumasamba ng Friday.  Ang mga Judio, tuwing Saturday.

Sumasamba po tayo ng Sunday, to proclaim that Jesus rose from the dead on this day – SUNDAY! We do not worship the sun.  We worship the Son of God!

 

b.      Every Sunday we meet Jesus.

I would like to confess. May panalangin po ako sa bawat worship, “Panginoon, dumating ka sa aming pagsamba.  Walang silbi ang aming gagawin kung hindi ka darating Holy Spirit.  Patawarin mo kami, kaawaan mo kami, please come Lord.” Gusto ko po kayong makita tuwing Sunday.  But I do not want to go to church, without meeting the presence of Jesus.  Our worship is useless, without God’s presence.

 

4.       Thomas met Jesus again. But this time, Jesus is alive!

Sabi ni Lord, “At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan (Gk.apistos) pa, sa halip ay maniwala ka (Gk.pistos).” Nagduda si Thomas, pero hindi nawala ang kanyang paniniwala (apistos).  May duda lang. At gusto niya ay pananampalatayang na may katibayan. Tulad ni Thomas, hanapin natin ang katibayan ng ating pananampalataya.  Katagpuin natin si Jesus.  Hawakan natin siya at yakapin. Tanggapin natin ang kanyang pagpapatawad.  Siguraduhin natin na si Jesus nga tumawag sa atin. Patunayan natin na totoo ang ating pananampalataya at ibahagi natin ito sa iba. Alam po ninyo, namatay si St. Thomas sa India.  Siya ay pinatay habang siya ay nangangaral.

 

Katagpuin natin ang Panginoon ngayon.  May takot ka ba? May pangamba ka? May problema ka? See the difference, and let this worship be your encounter with Jesus, again. Like Thomas, our lives will never be the same again, if only we will meet Jesus.

Huwebes, Mayo 25, 2023

PAGTATALAGA NG MGA PINUNO NG IGLESIA (Church Council o Officers ng mga Lay Organizations)

 PAGTATALAGA NG MGA PINUNO NG IGLESIA (Church Council o Officers ng mga Lay Organizations)

(Salin mula sa Book of Worship ni Ptr. Jestril Alvarado)

Sasabihin ng Pastor:

Mga kapatid sa Panginoon, kayo po ay tinawag ng Diyos, at pinili ng kalipunan ng Diyos upang manguna sa iglesia. Ang ministeryo ay isang probilehiyo, at tungkulin. Napili po kayo bilang pagkilala sa inyong kakayanan at tinawag kayo upang gumawa kasama namin para sa kapakanan ng iglesia. Pinasasalamatan namin kayo dahil sa pagtanggap ninyo sa tungkulin, kasama ng aming hamon na ibigay ninyo ang pinaka-mainam na gawa para sa Panginoon, para sa iglesia at sa ating ministeryo para sa mundo. 

Mamuhay po kayo para sa Panginoon, at itanghal ninyo Siya sa inyong patotoo at gawa. 

Sa araw na ito, kinikilala natin si__________ (pangalan). 

Sa araw na ito, kinikilala mo ba ang iyong sarili bilang tapat na alagad ni Cristo? 

Opo. 

Itatalaga mo ba ang sarili sa paglilingkod sa Diyos para sa mundo? 

Siya pong aking gagawin.  

Ikaw ba ay nangangakong mamumuhay, upang ating iglesia ay maging kalipunan ng pag-ibig at kapayapaan? 

Siya pong aming gagawin. 

Gagawin mo ba ang lahat, ayon sa iyong buong kakayanan, upang tumupad sa tungkulin na iyong tinatanggap? 

Opo. 

(Haharap sa Kapulungan ang pastor at sasabihin: 

Kinikilala natin ngayon ang mga binotong kapatid na napili sa mga tungkulin bilang Officers ng Church Council / UMM / UMW / UMYF / UMYAF o UMCF). 

Tayo po ay manalangin

Makapangyarihang Diyos, ibuhos po ninyo ang inyong pagpapala sa inyong mga lingkod na ngayon ay tumatanggap  ng kanilang mga tungkulin sa iyong iglesia.

Igawad po ninyo ang inyong biyaya upang makapaglingkod sila ng buong kalakasan, galing at katapatan. 

Hayaan mong maglingkod kami ayon sa halimbawa ng aming Panginoong Jesus, na naglingkod sa iba bago ang sariling kapakanan. At kanyang ini-alay ang sarili sa amin. 

Ngayon ay maglilingkod po ang iyong mga anak sa ministeryo ng Panginoong Jesus, italaga mo ang iyong mga lingkod sa halimbawa ni Cristo upang sila rin ay pagkalooban din ng kanyang kagalakan. 

Gabayab mo po sila sa kanilang paggawa. 

Gantimpalaan mo po ang kanilang katapatan, habang ginaganap nila ang iyong kalooban. Sa pamamagitan ni Cristo na aming Panginoon. Amen. 

Sasabihin ng pastor sa Kapulungan: 

Mga kapatid, magdiwang tayo dahil tumawag ang Diyos ng mga manggagawa sa kanyang ubasan. 

Gagawin po ba ninyo ang inyong makakaya upang alalayan at bigyang inspirasyon ang ating mga Officers, upang ibigay sa kanila ang ating pakiki-isa, payo at mga panalangin? 

Sagot ng Kapulungan: 

Siya pong aming gagawin.

Awitin ang Koro ng "Here I am Lord" sa Tagalog. 

Narito ako, suguin Mo, 

Narinig ko O Dios ang tawag Mo,

Susundin ko ang utos Mo,

Bayan Mo'y mahal sa puso ko.

RITUAL NG CONFIRMATION / PAGTANGGAP NG BAGONG KAANIB / BAUTISMO SA MAY EDAD

RITUAL NG CONFIRMATION / PAGTANGGAP NG BAGONG KAANIB / BAUTISMO SA MAY EDAD

Mga kapatid sa Panginoon, tayo ay nagkatipon upang pasalamatan ang Diyos, sa biyaya niyang nagliligtas, sa buhay ng mga nananalig kay Cristo Jesus. Ang sino mang sumasampalataya ay nagiging kabahagi ng katawan ni Cristo, ang iglesia. 

Ngayon ay ating tatanggapin sa kapulungan ang mga kapatid na si ____________upang maging kaanib ng iglesia, bilang kapatid natin sa pananampalataya, at katuwang sa paglilingkod. 

HIMNO: 

Sasabihin ng Pastor: 

Ang iglesia ay sa Diyos,

At iingatan ito ng Panginoon hanggang wakas, para sa gawain ng pagsamba at pagbabahagi ng Salita ng Diyos at mga Sakramento, ang pagpapatatag ng samahang Kristiano at disiplinang espiritual, ang pag-unlad ng mga mananampalataya, at ang pagtanggap ng buong sanlibutan kay Cristo. 

Lahat, ano mang edad o kalagayan, ay maliligtas lamang ng biyaya ng Diyos, na siyang ibinabahagi ng simbahan. 

Panalangin para sa Tatanggaping Kaanib

Sasabihin ng Pastor: Yamang ang lahat ay nagkasala at walang karapat-dapat sa kaluwalhatian ng Diyos, wika ng Panginoong Jesus, "Maliban na maipanganak na muli ang isang tao sa tubig at Espiritu ay hindi siya tatanggapin sa kaharian ng Diyos."

PANALANGIN PARA SA BAUTISMO

Manalangin po tayo. 

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, kami ay nagsusumamo alang-alang sa (mga) kapatid na ________, na iyong tinawag upang maglingkod sa iyo, sa pagdulog niya (nila) sa Banal na Bautismo, 

ay maranasan niya (nila) kapatawaran ng kasalanan, 

ang kapusposan ng Banal na Espiritu. 

Kung kaya, tanggapin mo siya/sila Panginoon, tulad ng iyong pangako sa pamamagitan ng iyong anak na si Jesus,  at igawad na sila ay gawing tapat sa iyo, habang sila ay nabubuhay, hanggang sapitin nila ang walang hanggang kaharian na iyong pangako sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesus. Amen. 

PAGTALIKOD SA KASALANAN AT PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Sasabihin ng Pastor sa mga tatanggaping ganap na kaanib:

Kapatid na _________, sa harapan ng Diyos at ng kapulungang ito, ikaw ba ay tapat na nagtatalaga ayon sa mga pangako sa iyong bautismo?

Opo. 

Ikaw  ba ay tunay nagsisisi sa inyong mga kasalanan? 

Opo. 

Sumasampalataya ka ba sa Diyos Ama?

Sumasampalataya ako sa Amang makapangyarihan sa lahat, ang lumalang ng langit at lupa.

Sumasampalataya ka ba kay Jesu-Cristo?

Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang kanyang bugtong na Anak, Panginoon natin, ipinanganak ng Birhen Maria, nagdusa sa utos ni Poncio Pilato,

Ipinako sa krus, namatay at inilibing,

Bumaba siya sa kinaroroonan ng mga patay. Sa ikatlong araw, Siya ay muling nabuhay, umakyat sa kalangitan at umupo sa kanan ng Diyos. Siya ay muling babalik upang hukuman ang mga buhay at namatay. 

Sumasampalataya ka ba sa Banal na Espiritu? 

Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu, sa banal na iglesiang laganap,

sa kapisanan ng mga banal, 

sa kapatawaran ng kasalanan, 

sa muling pagkabuhay ng katawan, 

at buhay na walang hanggan. Amen. 

Itatanong ng Pastor: 

Tinatanggap mo ba at ipamumuhay ang pananampalatayang Kristiano ayon sa pagkakasulat nito sa Kasulatan mula sa Luma at Bagong Tipan? 

Opo. 

Nais mo bang mabautismuhan sa pananampalataya? 

Opo. 

(Bautismo sa tubig.)


PAGPATONG NG KAMAY

Ipapatong ng pastor ang kanyang kamay sa ulo ng tatanggaping kaanib at sasabihin: 

Kapatid na __________, ipagsasanggalang ka ng Diyos sa kanyang makalangit na biyaya, 

sa ngalan ng Ama, Anak, at Banal Espiritu, ikaw ay tinatanggap namin sa pananampalataya at sa samahang ito ng mga tunay na alagad ni Cristo. Amen. 

(Ang bagong kaanib ay papahiran ng langis sa noo, at sasabihin ng pastor, "Sumaiyo ang Banal na Espiritu. Amen" at bibigyan ng Biblia). 

PAGTANGGAP SA NAGKAISANG IGLESIA METODISTA

Itatanong ng Pastor:

Nangangako ka ba na magiging tapat ka bilang kaanib ng Nagkaisang Iglesia Metodista sa pamamagitan ng iyong 

Panalangin

Pagdalo 

Pagkakaloob 

at Paglilingkod? 

Opo. 

PAGTANGGAP

(Tatayo ang Kapulungan)

Sasabihin ng pastor: 

Mga kapatid sa Panginoon, 

Inihahabilin ko sa inyo ng buong pag-ibig si kapatid na ________, na ating tinanggap bilang ating kapatid sa pananampalataya. Gabayan ninyo siya upang lumago sa pananampalataya, tumatag sa pag-asa, hanggang maging ganap siya sa pag-ibig. 

Sasagot ang Kapulungan: 

Buong puso at kagalakan, na ikaw ay kinikilala namin bilang kasapi ng Nagkaisang iglesia Metodista. Kaisa mo kami tungkulin ng pananalangin, pagdalo, pagkakaloob, at paglilingkod. 

Sa tulong ng Diyos, mamuhay tayo na may kaayusan at katapatan ayon sa halimbawa ng Panginoong Jesus. 

Tumatag nawa tayo sa pag-ibig,

at mag-ugat sa pananampalataya,

at maging tiyak na matamo ang buhay na walang hanggan. 


HIMNO

PAGPAPALA

Ang Diyos Ama, 

ang Diyos Anak,  

At ang Diyos Espiritu Santo, 

ang magpapala, magpapanatili at mag-iingat sa inyo, ngayon at magpakailanman. Amen.

Buod ng 21 Irrefutable Laws of Leadership ni John Maxwell.

 Buod ng 21 Irrefutable Laws of Leadership ni John Maxwell.

 1.       Ang Batas ng Suklob (The Law of the Lid). Sa batas na ito nasusubok kung gaano ka-epektibo ang isang leader. Ang bawat leader ay may kakayahan (potential) at limitasyon, na sinisimbolo ng takip (lid), ayon sa kanyang abilidad, kaalaman at pagkatao. Habang umuunlad ang lider, lumalawak ang kanyang kakayanan (abilities), karunungan (wisdom) at ang ating mabuting pagkatao (character) – parang lalagyanan na dumarami ang nilalaman, at lumalawak na naitutulong sa marami.  Sa kabaligtaran naman, ang taong hindi lumalago sa kakayanan (stagnant), karunungan at mabuting pagkatao, ay hindi lalago bilang isang lider. Mas susundin ng mga tao ang lider na may tumataas na lid o abilidad, kaalaman at mabuting pagkatao.

2.       Batas ng Impluensya (The Law of Influence). Ang tinutukoy na “Influence” ay ang kakayanan ng lider na mapangyari ang inaasahang resulta (power or capacity to produce a desired result). Ito ang sukatan ng tunay na lider at wala ng iba. Ang “Influence” ay paraan upang makamit ang mga kabuoang layunin (collective goals) at pangarap (dreams) ng nakakarami, at ito ay nauunawaan ng lider.  Alam ng lider ang pangangailangan at nais ng kanyang nasasakupan, kaya sinusunod nila ito. May malalim na malasakit at pagmamahal ang lider sa mga kasama sa organisasyon. Ang leadership ay hindi  tulad ng “management, entrepreneurship, knowledge, pioneer-ship, or position.”  Ang mga ito ay pagsunod para mapanatili ang  mga Sistema, o standard procedures, samantalang ang leadership ay tungo sa radical na pagbabago ng direction, sistema at procedures. Ang katibayan ng leadership, ay makikita sa impluensya sa mga tagasunod.

3.       Batas ng Proseso (The Law of Process). Ang mga Leaders ay may kakayanang matuto (learners), kung kaya ang kanilang pag-unlad ay napapansin ng mga sumusunod sa kanila.   Ang proseso ng kanilang paglago sa kakayanan, karunungan at pagkatao ay bunga ng disiplina at pasisikap.  Sabi ni Maxwell, “Kapag nais kong  maging inspirado, dumadalo ako sa mga pagtitipon. Kapag gusto kong matuto, at kailangan kong mag-improve, ako ay nag-aaral, at tinatapos ko ang kailangang proseso.” Ano ang iyong ginagawa upang umunlad ka sa iyong trabaho? Ano ang ginagawa mo para sa iyong personal skills development?

4.       Batas ng Paglalayag. (The Law of Navigation.) Alam ng marami kung paano humawak ng manibela, ngunit alam ng leader kung saan ang dapat pupuntahan, at kung paano makakarating sa pupuntahan at kung ano ang epektibong paraan para makarating doon.   Sabi niya, “Kung ang lider, hindi niya kayang ilipat ang mga tao sa maalon na tubig, mananagot siya sa paglubog ng bangka.”

5.       Batas ng Pagdagdag (The Law of Addition). Ang batas na ito ng leadership ay para sa ika-uunlad ng iba, hindi para sa ikatataas ng sarili.  Dahil ang Leadership ay gawain ng paglilingkod, pagpapahalaga at pagbibigay ito ng pagkakataon para umunlad ang iba.  Tuwing tayo ay naglilingkod, mas pinapahalagahan natin ang iba.  Ang mga leaders, hindi sila insecure na malampasan ng iba na mas magaling.  Hindi sila nababahala na mas mapansin, at mas appreciated ang iba. Lagi nilang tinatanong, “How can I serve?” They focus in serving.   They add value to others. And because they add value to others, they also add value to themselves.

6.    Ang Batas ng Matatag na Pundasyon (The Law of Solid Ground.) The solid ground ay solid character, pamumuhay na may integridad, pagiging totoo at discipline. Ang pundasyon ng leadership ay tiwala. Ang tiwala ay nakakamit o nasisira. Ang tiwala ay bunga ng mabuting pagkatao na nakikita sa leader.   Ang mabuting character ay bunga ng pagpapakatotoo (honesty), kahit sa panahon na ang lider ay nahihirapan (o sinisiran).  Maging totoo, sa sarili (self awareness) at sa iba (awareness on how others see you), hindi nagkukunwari, o nag-iisip ng higit sa sarili. May tunay na disiplina, dahil sa paggawa ng bagay na kailangang gawin (kahit nabibigatan pa.)

7.       Batas ng Paggalang (The Law of Respect). Ang leader ay kailangang maging matatag, marangal at kagalang-galang, dahil nais niya na igalang siya ng iba, sinisikap niya ang makamit ang marangal na pagtingin ng iba upang paniwalaan at sundin. Dahil natural na sinusunod ng iba ang taong mas may leadership skills at may mga katangian na higit sa mayroon sila. Ang anomang pagsunod ay hindi aksidente.  Laging sinusunod ng mga tao ang may katangiang manguna, nirerespeto, o hinahangahan, at pinaniniwalaan nilang karapat-dapat sundin.  May anim na bagay na dapat mayroon ang leadr para repetuhin: 1.) Natural leadership ability. If you possess natural leadership ability, people will want to follow you. “Some people are born with greater skills and ability to lead than others. All leaders are not created equal. 2.) Respect for others. “When leaders show respect for others-especially for people who have less power or a lower position than theirs–they gain respect from others.”  3.) Courage. 4.) Success. “People respect others’ accomplishments. And it’s hard to argue with a good track record.” 5.) Loyalty. 6.) Value added to others.

8.       Batas ng Sapantaha (The Law of Intuition). Sa mabilisang desisyon, ginagamit ng leader ang sariling pasya (personal bias).  Ito ay talas ng leader, sa pagka-unawa at kaalaman upang gumawa ng mabilis na pasya, sino ang itatalaga, kung ano ang gagawin, at kung saan tutungo. Ang sapantaha, (discernment ability) ay kakayanan upang kilalanin ang mga tao, sitwasyon, hadlang at posibilidad.  Tulad ng ibang katangian ng leadership, ito ay maaring aralin.  Ang sapantaha ng pangunguna, ay kakayanang magbulay ng malalim, pagkakaroon ng malinaw na pananaw sa kasalukuyang kalagayan, maaring patunguhan ng organisasyon, at pagtugon sa mga hamon ng kasalukuyang nangyayari, Ang totoo, ito ay bunga ng matagal ng pinag-iisipan at pinag-aralan ng leader, kaya alam niya ang gagawin kapag biglaan.  Kaya tiwala ang leader sa sariling pasya (pero hindi mayabang o nagmamagaling lamang), alam niya ang alam niya at hindi niya alam, at siya ay confident, kahit sa biglaang pasya. 

9.       Ang Batas ng Batobalani (The Law of Magnetism.) Ang mga leaders ay batobalani. Naaakit nila ang mga tagasunod, at gayundin ang mga namumuno na pagmasdan sila, at pakinggan sila.  Dahil ang mga magnetic leaders ay may nagagawang mabuti at beneficial sa organization. May nakikitang mabuting pagbabago, o pag-unlad. Kaya kung nais mong maging batobalani, gumawa ka ng mga dakilang bagay na kapansin-pansin sa mga pinuno at mga ibang nagmamasid.

10.   Ang Batas ng Ugnayan (The Law of Connection).  Ang ugnayan ay kailaangan upang magtagpo ang isa sa iba, dahil pareho ang katangian, interes o pamamaraan (same wavelength).  Ang pagkakaroon ng connection sa iba ay napakahalaga sa leadership. Kapag ang leader ay hindi “emotionally connected” sa iba, ang mga subordinates hindi tututol.  Kailangan, makuha muna ang puso, bago makuha ang kamay.

11.   Batas Tungkol sa mga Malapit na Kasama (The Law of the Inner Circle). Sinasabi na kung sino ang mga malapit at lagi mong kasama, sila ang kasama mo sa iyong pangunguna.  Kaya sila dapat ay may malasakit sa organisasyon para ito ay magtagumpay, at hindi lamang para makamit ang sariling interest.  Tutulungan nila ang leader at ang pantay na karapatan ng lahat, wala silang inaapakang paa ng iba. Sila ay mga taong may pananagutan sa lahat.  Ang leader ay nagsisimula muna sa nalalaman niya, ngunit lumalakas ang organisasyon sa team leadership na nabubuo. Kadalasan, ang inner circle ay mga taong malalapitan upang humingi ng payo ang leader.  Kaya, kailangan, maingat na pipiliin ang mga ito, para umunlad ang tagapanguna at buong samahan.  Sa pagpili ng inner circle sa leadership: Itanong muna ang mga sumusunod;

• Sila ba ay may mabuti at malakas na impluensya sa iba?

• Nakakatulong ba ang kanilang presensya sa kapulungan?

• Sila ba ay may makabuluhang tungkulin at nagagawa sa organisasyon?

• Nakakaragdag ba sila sa pakinabang ng leader at organisasyon?

• May mabuti ba silang relasyon sa iba para sa ikauunlad ng organisasyon?

Maging maingat sa pagpili at pakilatis sa makakasama sa inner circle. Alamin kung sila ay excellent, mature, at may mabuting kalooban.  Hindi magtatagumpay ang leader na nag-iisa. Wala sa isang tao lamang ang lahat ng galing at talino. Inilalarawan ni Mother Teresa ang team leadership, sabi niya “You can do what I can’t do. I can do what you can’t do. Together we can do great things.”

Birds of the same feathers flock together.  Si Hitler ay strong leader, ngunit masama.  Kaya naakit din niya ang masasamang tao, na sumuporta sa kanyang leadership. Kung ano ang iyong adhikain, pamamaraan, estilo at ugali, ganito ring tao ang iyong aakitin sa iyong pangunguna.

12.   Batas ng Pagbibigay-lakas. (The Law of Empowerment). Maraming leaders ang mabagal sa pag-unlad dahil mas nais nilang tumanggap kaysa magbigay, sinasarili ang galing at karunungan, sa halip na magbahagi.   Ang totoo, nais nilang masarili ang magandang pwesto, tumututol sila sa pagbabago, at lumalabas ang kanilang mababang tiwala sa sarili, at insecurities.  Samantalang ang Empowerment, ay pagbibigay ng pagkakataon sa iba upang umunlad.  Upang palakasin ang iba, siguraduing may tiwala ka sa sarili mong kakayanan, gumagawa ng buong katapatan, upang magtiwala ang iba na nagmamasid, nakikinig at sumusunod sa iyo, habang ginagawa mo ang iyong tungkulin sa abot ng iyong makakaya.

13.   Batas ng paglalarawan (The Law of the Picture). Ang mga tao ay laging nakatingin. Bibihira ang nakikinig. Ang halimbawa ng leader ay mahalaga. Leaders lead by example. Kaya kailangang ilarawan ng ating pangunguna ang ating pangitain (vision), direction at strategies.

14.   Batas ng Pagtanggap (The Law of Buy-In). Bago tatanggapin ng iba ang ideas, vision at strategies ng leader, kailangan munang tanggapin ng mga followers ang leader mismo.  Ayon kay General H. Norman Schwarzkopf, “Mahalaga sa Leadership ang kumbinasyon ng strategy at character. Ngunit, kung pipili ka lamang ng isa, huwag mong piliin mo strategy.” Sa batas ng pagtanggap, madalas gawin ng mga tao ang sumusunod: Maghahanap sila ng bagong leader kapag, hindi nila tanggap ang leader o ang kanyang vision.  Maghahanap din sila ng bagong leader kapag hindi nila tanggap ang leader, kahit na gusto nila sa vision. Pero kapag gusto nila sa leader, kahit ayaw sa vision, gusto nilang mapalitan ang vision at susuporta ang mga ito sa leader. 

15.   Batas ng Tagumpay (The Law of Victory). Ang mga tunay na leader ay tagumpay ng organisasyon ang hanap.  Tagumpay ang nagpapatibok sa puso ng mga tunay na leaders.  Si Winston Churchill, ay hindi tumanggap ng pagkatalo kay Hitler, kahit halos winasak na ng Germany ang England.   Sa mga talumpati ni Churchill, umalingawngaw ang mga salitang, ”Never, Never, Never Give Up.” Ayon kay Maxwell, may tatlong sangkap ang tagumpay -  a. nagkakaisag pangarap, (unified vision), b. kumpleto, ngunit magkakaibang kakayanan (diverse skills), at c. tamang pangunguna (right leadership).

16.   Batas ng Pagdagsa (The Law of Big Mo). Ang pagdagsa o momentum ay isang patuloy na pagdaloy ng pwersa, na sinimulan, nagpapatuloy at lalo pang lumalakas.  Ang dagsa o momentum ay kaibigan ng mga leaders.   Nagsisimula ang dagsa sa maliliit na pagkilos na magbibigay ng mga munting tagumpay. Sa pagpapatuloy, ang mga hadlang ay nagiging munting suliranin, hanggang patuloy na nakakamit ang tagumpay.  Kapag mayroon ng momentum, maliwanag ang bukas, at puno ng pag-asa ang lahat. Upang makalikha ng pagdagsa, kailangan ang malinaw na vision, magaling at mabisang teamwork ng inner circle at tamang motivation ng mga kasama.  Kapag naramdaman ng mga tao ang lakas nila sa pagkakaisa at kasiyahan sa paggawa, nagsisimula sila ng mga malilit na tagumpay, at bandang huli, nagkakaroon sila ng matinding lakas, at nakakagawa na sila ng malalaking tagumpay!

17.   Batas ng Pagpili ng Higit na Mahalaga (The Law of Priorities). May mga organisasyong abala sa maraming activities, ngunit walang matagumpay na resulta.  They confuse activity with accomplishments. Sila ay walang focus sa mga bagay na higit na mahalaga.   Focusing on what is most important is so much more effective than being busy.  Once we understand our focus, we can prioritize our to-do list and make things happen faster.  Tinuturo ni Maxwell ang Pareto Principle, mas kilala sa 80/20% principle. Sa pag-aaral na ginawa ni Maxwell, may mga bagay na pinakamahalaga, mahalaga at walang gaanong halaga.  Madalas, mapapansin na ang pinakamahalaga ay nasa 20% lamang ng ating gawain, subalit dapat ibuhos dito ang ating panahon, dahil ito ang magbibigay sa atin ng tagumpay na nananatili. Ang ibang mahalaga, ay maaring I delegate sa ibang kasama, at ang hindi gaanong mahalaga ay maaring isantabi o i-delegate din.

18.   Batas ng Pagpapakasakit (The Law of Sacrifice). A leader must give up to go up. Inuuna ng tunay na leader ang tungkulin, bago ang sariling karapatan, kalayaan at pakinabang. Maxwell says and I quote “It is easier to go from failure to success than it is to go from excuses to success.” Without sacrifice, there is no improvement.  Ang tunay at mabisang leadership ay hindi para sa magkamit ng pansariling kalayaan, kapangyarihan at kayamanan. Ito ay pag-hahandog ng sakripisyo, kapalit ang karapatan, kayamanan, minsan ay buhay ng isang tao para makamit ang mahalagang bagay na magiging pakinabang sa marami.   May pagkakataon na hindi makikita ng Leader ang bunga ng kanyang sakripisyo, dahil ito ay para sa mga susunod na salinlahi.

19.   Batas ng Tamang Pagkakataon (The Law of Timing). Hindi pare-pareho ang mga pagkakataon. Ang mabisang pangunguna ay may tamang panahon at pagkakataon.  Alam ng mga epektibong leaders kung kailan sasamantalahin ang pagkakataon, kung alin ang dapat aralin at pagbutihin, kung kailan uurong, at kung kailan kikilos.  Tanging ang tamang aksyon, sa wastong pagkakataon ang magbibigay ng tagumpay.   Alam ng mga mabisang leaders ang mga opportunities, at mga posibleng panganib.  Sa kanilang pagpaplano, nakikita nila ang mas maraming pagpipilian (options), kabilang ang mga short at long term plans.

20.   Batas ng Sumasabog na Paglago (The Law of Explosive Growth). Alam ng malakas na leader, na ang  paghubog ng iba pang leaders (training leaders by multiplication) , ay ang tanging paraan upang makagawa ng malaking paglago sa organisasyon.  Ang Law of Explosive Growth ay nagsasaad na: ang leader na sinusunod ng ibang leader ay lumalago “by addition”, samantalang ang leader na nagsasanay ng mas maraming leaders ay dumarami gamit ang “multiplication”. Tinatawag ito ni Maxwell na “Leader’s Math”. To add growth, lead followers. To multiply, lead leaders. Why develop leaders?  Maxwell summarizes it as such:

“If you develop yourself, you can experience personal success.                                                                   If you develop a team, your organization can experience growth.

 If you develop leaders, your organization can achieve explosive growth”

Batas ng Pamana (The law of Legacy). Ang mga Leaders na nag-iiwan ng pamana, ay nag-iiwan ng tatak na mahirap burahin sa ating mga puso, bunga ng kanilang matinding adhikain sa bumago sa ating buhay at sa buong mundo.  Ayon kay Maxwell, bibihira ang ganitong mga tao.  Ang mga nakakaunawa sa Batas ng Pamana, ay kumikilos sa kasalukuyan para sa darating na panahon.  Kaya iniisip nila ang mga taong papalit sa kanilang tungkulin, maging kapamilya, kaibigan, o ibang tao.  Lumilikha sila ng kultura ng pangunguna (leadership culture), sa loob ng kanilang organisasyon, kaya ang impact ng kanilang leadership ay mas mahaba kaysa kanilang buhay. Mas mahalaga ang pagpapamana ng kanilang tungkulin, kaysa sariling tagumpay na kanilang nakakamit habang nabubuhay.  Alam nil ana ang tunay na tagumpay ay makikita, kapag patay ang leader ngunit buhay pa rin ang organisasyon. Ibig sabihin, para sa leader na may pamana, mas mahalaga na manatili ang kanyang sinimulan, kaysa sarili niyang buhay at pansariling tagumpay.  

Miyerkules, Mayo 24, 2023

Powerful Tagalog Funeral Sermons.

Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan

Juan 11:1-4

Panimula: 

May isang matanda sa isang iglesia na nagkasakit ng malubha.  Dinala sa hospital ang matanda, at na-confine ng ilang buwan.  Habang nasa hospital, nag-request ang matanda, na ibili siya ng cellphone upang may mapaglibangan.  Natuto itong mag-tiktok.  Nag-record din siya ng mga karanasan niya sa hospital, lalo tuwing nag-iisa.  

Bago pumanaw, mayroon siyang huling habilin. "Anak, sa aking burol...panoorin ninyo ang aking mga recorded video sa aking cellphone." At pumanaw ang matanda. 

Sa burol, ipinalabas ang video ng matanda.  Sa screen, lumabas ang kanyang masayang mukha, at bungad niya, "HELLO! SALAMAT PO SA LAHAT NG DUMALO SA AKING BUROL! SANA PO KASAMA KAYO HANGGANG SA AKING LIBING!" 

Ganun pala ang balak ng lola para sa kanyang libing. Habilin pa niya, "Bawal ang malungkot. At magsuot kayo lahat ng makulay na damit.  Bawal din ang KJ."

 Ano ang plano mo para sa sarili mong burol at libing? 

Napaka-hirap yatang magplano para sa sariling burol o libing.  Lalong hindi maaring iplano ang burol at libing ng isang mahal sa buhay. Hindi pwedeng sabihin sa asawa, "Sweetheart, ang plano ko sa libing mo..." Baka sampalin ka ng asawa mo!

Ang Plano ni Jesus Para sa Kamatayan ni Lazaro. 

1. Una, nagkasakit si Lazaro, kaya pinatawag ang Panginoong Jesus.  Ngunit hindi bumisita si Jesus sa malubhang kalagayan ng kaibigan niyang si Lazaro.  

3"nagpasabi kay Jesus ang magkapatid, “Panginoon, ang minamahal ninyong kaibigan ay may sakit.”Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito."

Malinaw na alam ng Panginoon ang kalagayan ng kanyang kaibigan.  Maysakit si Lazaro.  "Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito." wika ng Panginoon.  

Gayunman, nagpalipas pa siya doon ng dalawang araw mula nang mabalitaang may sakit si Lazaro.

2. Pangalawa ipina-alam sa Panginoon ang kalagayan ng kanyang kaibigan, namatay si Lazaro at inilibing. 

Ayon sa talatang 11-13, 

       11“Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”

12“Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad.
13Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog lamang ito.

Sadyang may pagkakataon na ang isang mahal natin sa buhay ay ating idinadalangin, ngunit hindi sila gumagaling.  Ayaw natin silang pumanaw, ngunit kahit anong gawin nating manalangin, may pumapanaw sa ating mga inilalapit sa Diyos. Bakit ito nangyayari? Ano ang plano ng Panginoon sa kamatayan ni Lazaro? 

Nais ko po kayong anyayahan na makinig sa tagpong ito, dahil kayo ay malungkot.  Nandito kami na inyong mga kapatid sa pananampalataya upang samahan kayo sa pananalangin.  Mula pa noong magkasakit si ________________, ay kasama na ninyo kaming lumalapit sa Diyos.  Nakatitiyak po ako na hindi nakalimutan ng Panginoon ang kanyang kaibigan. Hindi niya tinalikuran si Lazaro noong ito ay may sakit pa. At lalong hindi tinalikuran ng Panginoon ang kanyang kaibigan, noong ito ay pumanaw na. Ganito po ang sabi ng Biblia sa Psalm 116:15;

“Precious in the sight of the Lord is the death of his saints.”

1. Sa pagkakataon pong ito, nais kong sabihin sa inyo na mahal ng Panginoon ang yumaong si _______________.  Ang kanyang pangalan ay nakasulat sa palad ng Panginoon.  Hindi maaring kalimutan ng Diyos ang kanyang kaibigan.  Kung maging buhok natin ay bilang ng Diyos? Kung ang mga ibon sa himpapawid ay bilang ng Diyos? Paano pa kaya ang mga kaibigan ng Diyos na kilala niya sa pangalan at buhay. “Precious in the sight of the Lord is the death of his friends.”

2. Kaya dumating ang Panginoong Jesus. During the death of his friend, he offered his presence. 

Maramdaman nawa ninyo, tulad ni maria at Martha, na mahal ng Panginoon ang yumao.  At maramdaman din naa ninyo, na mahal po kayo ng Panginoon. Kayo na nagluluksa. At hindi lamang kami ang kasama ninyo ngayon sa inyong kalungkutan, narito rin po ang inyong mga kamag-anakan, mga kaibigan at kapatid sa iglesia. Ngunit higit sa aming presensya, kasama natin ngayon ang Panginoon.  Madama nawa ninyo ang pagyakap ng Diyos sa kabila ng inyong kalungkutan.  

3.  When Jesus came, he offered Martha and Mary words of assurance.  

Para sa akin, mukhang may hugot si Martha sa pasalubong niya sa Panginoong Jesus.  Sabi niya, "Panginoon, kung dumating ka lamang kaagad, hindi sana namatay ang kapatid ko."  Hindi po ba ito salita ng panunumbat?  Bakit hindi ka kaagad dumating? Ang dami mong pinagaling, bakit hinayaan mo ang kaibigan mo? 

Ngunit sa halip na pagsabihan si Martha, sabi ng Panginoon, "Martha, muling mabubuhay ang iyong kapatid."  At gayundin po ang dapat nating tandaan, tungkol sa yumaong _________________.  Siya ay muling mabubuhay.  Dahil sabi ng Panginoon, "Ang sinumang mananalig sa akin, bagamat mamamatay ay muling mabubuhay."   

May pinagkaiba ang mga kaibigan ng Panginoon. 

Ang sinumang mananalig sa Panginoon ay may buhay na walang hanggan (1 Juan 5:13). 

Kaya may balak ang Panginoon para kay Lazaro.  

4. Noon din, nagtuloy ang Panginoon sa libingan ng kanyang kaibigan.  Pinabukas ng Panginoon ang libingan at tinawag ang yumao.  "Lazaro, lumabas ka!" at lumbas si Lazaro, hindi isang patay. Kundi isang nabuhay na muli. 

Tayo ay manalangin. 

Sa kamatayan ng aming kapatid, nagpapailalim kami at nagpapasakop sa iyong kapangyarihan.  Ikaw ang Diyos na nagkakaloob ng buhay.  Kayo rin ang Diyos na kukuha nito.  Ngunit nangako ka Panginoon na may buhay sa kabila ng kamatayan.  Salamat po sa kasiguruhan na  may buhay na walang hanggan para sa sinumang mananalig sa iyo. 

Salamat sa buhay ng yumao. Pagpalain mo at lingapin ang kanyang mga naiwan. Bigyan mo po sila ng lakas at tagumpay upang magpatuloy sa buhay, kasama ka sa kanilang paglalakbay. Amen. 

____________________________________

Sermon 2: Kamatayan ng Isang Nagmamahal sa Diyos

Gawa 7:59-60

May isang kabataang dalaga ang pumanaw.  Nagkaroon ng gabi-gabing pananambahan sa tahanan ng yumao, ayon sa pakiusap ng nanay ng dalaga. Sa huling gabi bago ilibing ang yumao, nagkaloob ng 200k pesos ang nanay para sa pagawain ng iglesia.  Malaking halaga ito, kaya nabigla ang pastor.  

"Nanay" wika ng pastor, "napaka-laking halaga po ng inyong kaloob sa Diyos!  Di yata't, higit ninyo itong kailangan, dahil nag-iisa na kayo sa buhay mula ngayon na wala na ang inyong nag-iisang anak?" 

Sagot ng nanay, "Pastor, ang halagang iyan po ay inihahanda ko para sa kasal ng aking anak. Kapag mag-aasawa na siya, ito ay balak kong i regalo sa kanila. Eh, ni hindi siya nagkaroon ng kasintahan man lang.  Pero, alam po ninyo, ang Diyos ang kanyang pinakamamahal sa buong buhay niya. Mula noong bata siya hanggang ngayong kabataan niya...ginugol niya ang kanyang buhay at lakas, sa paglilingkod sa Diyos. Alam ko pong mahal na mahal ng aking anak ang Panginoon."

"Kaya sa kanyang pagkamatay, pakiramdam ko...para lang siyang ikinasal sa Diyos.  Kaya ibinibigay ko po sa Diyos ng buong puso ang aking anak, at ang regalo kong naipon, para sa mapapangasawa ng aking anak. "

A. Isang Nagmamahal sa Panginoon.

Si Stephen ay isang tapat na lingkod ng Panginoon. kabilang siya sa pitong piniling diakono o lingkod sa iglesia ayon sa Gawa 6:5, 

Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking lubusang nananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo. 

Pansinin po ninyo ang katangian ni Stephen. 

1. Lalaking lubusang nananampalataya sa Diyos. 

2. Puspos ng Espiritu Santo.  

Dagdag pa rito, 3. Ayon sa talatang 8

Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla.

Si Stephen ay gifted, annointed and faithful. God is working miracles through him. 

B.  Stephen Died. 

Pumanaw si Stephen sa paraang hindi kanais-nais. 

Some die of old age. 
Some die because of sicknesses. 
Some die of accidents. 
Some die as a punishment for their crimes. 
But Stephen died, because he was murdered as an innocent man. 

Ito na yata ang pinakamasakit na kamatayan.  Yung wala kang sakit, bata ka pa, wala ka namang krimeng ginawa.  But because you love God, pinatay si Stephen, a man of God. 

Sa pelikulang Last Samurai, may tanong tungkol sa bida (Tom Cruise).  Ang tanong ng Emperor, "How did he died?" Ang sagot ng mensahero, "Mahal na Hari, hindi ko isasalaysay kung paano siya namatay.  Ang aking isasalaysay ay kung paano siya nabuhay." 

Gayundin si Stephen ayon sa Aklat ng mga Gawa ng mga Apostol.  Si Stephen po ay nabuhay  na naglilingkod sa Diyos. Siya ay tapat sa Panginoon Jesus. Isipin po natin, kung tayo ay may ganitong miembro ng iglesia.  Isang banal na tao, na puno ng pananampalataya sa Diyos, at ang higit na minamahal ay walang iba kundi ang Diyos na kanyang sinasamba. 

Gumagawa para sa Panginoon!
Naglilingkod sa Panginoon!
Nabubuhay para lang sa Panginoon!

Iyan po si Stephen.  At hindi ako nahihiyang sabihin, na ganyan din ang ating yumaong kapatid na si _________________.   Sa aking ala-ala, siya ay nabuhay na naglilingkod sa Diyos sa ating iglesia. 

Sa palagay po ba ninyo, nasayang ang kanyang buhay dahil siya ngayon ay pumanaw na?
Sa palagay ko po, hindi naman. 

Paano namatay si Stephen? 

1.  He died while preaching. 

Siya ay nagangaral at naglilingkod sa Diyos noong siya ay patayin. Tulad ni Apostol Thomas, habang ito ay nangangaral sa India, tinarakan siya ng sibat sa likuran, tumagos ang sibat sa kanyang katawan.  Namatay siyang naglilingkod sa Diyos. Habang si Stepehn ay pinagbabato habang nangangaral. Imagine these servants of God, dying while standing on their pulpit. 

2. He died while praying. 

"At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ...” (v. 59).

May kwento tungkol sa isang tumawag sa pastor, "Hello po. Pastor Mabilisan, member po ninyo kami sa church.  Pakibisita po ang aking tatay na may sakit. Ang address po ay...." 

Itong si pastor Mabilisan ay mabilis! Hindi po siya tulad ng ibang pastor...mabagal!

Kaya mabilis na bumisita si Pastor Mabilisan kay tatay.  Sa kwentuhan, nasabi ng matandang may sakit na hindi siya marunong manalangin.  Mabilis ding nagpayo si Pastor Mabilisan.  Sabi niya, "Tay, madali lang po ang manalangin.  Kumuha po kayo ng isang upuan, at isipin ninyo na nakaupo si Jesus sa silya. Tapos po, kausapin ninyo ang Panginoon na para bang kausap lang ninyo ang inyong matalik na kaibigan."  Mabilis na nanalangin si Pastor Mabilisan, at mabilis din na nagpaalam.

Paglipas ng ilang araw, muling tumawag ang anak ng matandang binisita ng pastor. 

"Pastor, salamat po sa pagbisita ninyo sa aming tatay. Nais po naming ipaalam na pumanaw na po ang aming ama.  Pero, tanong ko lang po pastor, noong namatay si tatay, natagpuan po siyang wala ng hininga pero... nakayakap po siya sa isang upuan?!"    

Nasabi ni pastor sa sarili, "Pumanaw ang matanda na nananalangin."

Ang mga tao na pumapanaw na nananalangin ay mga taong nakaugnay sa Diyos.  ganyan po si St. Stepehn, pumanaw siyang nananalangin.

3.  He died trusting the Lord. 

Panalangin niya,  “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.”  

Lubos ang kanyang pananalig na sa kamay ng Diyos uuwi ang kanyang espiritu. Ayon sa Ecclesiastes 12:7, 


"Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating espiritu ay magbalik sa Diyos na may bigay nito." 

Isang mabuting bagay kung maipagkatiwala po natin ang ating espiritu sa Diyos, kahit habang tayo ay nabubuhay pa. Dahi tayo lahat naman ay hahantong sa kamatayan. Ang Diyos ang nagbigay ng buhay, Diyos din ang magsasabi kung kailan ito magwawakas. 

4. Panghuli, Stephen, a man of God, he died forgiving his own killers. 

Tulad ng panalangin ng Panginoong Jesus, "60 Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang pananagutin sa kasalanang ito!” 

May pakiusap po ako, lao sa pamilya ng yumao.  Kung may nagawa po siyang pagkukulang sa inyo na kanyang pamilya, pwede po bang patawarin ninyo ang yumao.  At kung nakagawa kayo ng pagkukulang sa kanya, maari po bang ihingi ninyo ng kapatawaran sa Diyos ang inyong naging pagkukulang? 

Sa kamatayan ni Stephen, siya ay nagpatawad.  Pumanaw siyang walang sama ng loob.  Pumanaw siyang may kapayapaan.  Walang galit, walang hinanakit. 

Hindi po exempted sa kamatayan ang mga taong malapit sa Diyos. 

Maari rin makaranas ang sinuman ng kamatayang tulad ni St. Stephen.  May isang mabuting pastor, habang ito ay nasa seminary pa, pauwi siya noon, naglalakad sa isang kalye sa Manila. Bigla siyang sinaksak ng isang hindi kilalang lalaki.  Pumanaw siyang at walang katarungang naigawad. 

But a man of God like Stephen, he died forgiving, praying, even preaching. Trusting God that his death will not be in vain. So is the death of any person who loves the Lord. 

_______________________   

Sermon 3: Masayang Pagpapaalam 1

2 Timothy 4:6-8, 16-18

Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot.  Ang paglisan ng isang tao ay nagdudulot ng dalamhati sa marami.  Ngunit tayong mga Kristiano ay may kakaibang pananaw sa kamatayan, kahit na ito ay itinuturing na permanenteng pamamaalam ng isang mahal sa buhay.  Ayon kay Apostol Pablo, “Para sa akin ang mabuhay ay kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang.” (Filipos 1:21).

I. Ano ang Kamatayan Para kay Pablo?

Ang kamatayan para kay Pablo sa ating aralin ay may dalawang paglalarawan: pagpanaw at inihahandog na.

A.  Sabi ni Apostol Pablo,  “Sapagkat dumating na ang panahon ng pagpanaw niya sa buhay na ito.”  Sa talatang ito, ang salitang pagpanaw ay figurative speech na katumbas ng departure sa English.  Ito ay naglalarawan ng ilang bagay;

  a.   pamamaalam ng isang maglalayag sa dagat

  b.  babagbagin na ang tolda, para maitayo na ang permanenteng tahanan

  c.  pagpapalaya ng isang bihag.

  d.  palayain ang isang nakataling baka

B. Ang kamatayan din ay katumbas ng inihahandog na,  naglalarawan sa alak na  ibinubuhos sa handog na susunuging hayop sa altar (Bilang 28:7).   Dito, ang buhay ni Pablo ay isang naihandog sa altar ng Diyos.  Kaya ang kamatayan para sa kanya ay hindi wakas ng buhay kundi isang pag-aalay sa Diyos.

Ang kamatayan ay tiyak, para sa lahat.  Walang hindi makakatikim ng karanasang ito.  Ngunit may kakaiba sa pahayag ni Pablo dahil sa kanyang kasiguruhan na, “Makakamtan ko na ang koronang nakalaan sa mga matuwid.” (v.6).  Mayroon siyang kasiguruhan ng kaligtasan.

Ang  mga ito ay ating aaralin.  Ang kasiguruhan ng kaligtasan ay katibayan na  ng ating pananampalataya ay nakasalig sa katotohanan at ito ay tunay na maghahatid sa atin sa buhay na walang hanggan.  Hindi ito isang “bakasakaling” paniniwala.  Ang sinumang sumasampalataya sa Panginoong Jesus ay may buhay na walang hanggan ayon sa pangako ng Salita ng Diyos.

II. May binanggit  na dahilan si Pablo sa kanyang kasiguruhan ng kaligtasan.

A. Una, sabi niya, “Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban. (v. 7)”.  Ang buhay Kristiano ay araw-araw na labanan ng buhay.    Tayo ay nasa panig ng Diyos laban sa kasamaan, kawalan ng katarungan at pang-aabuso.  Kalaban natin ang mga kasamaan na namamayani sa mundong ito (Efeso 6:12). Bilang Kristiano, kakampi natin ang mga mahihirap, mabubuti, balo at iba pang mahal sa Diyos.

B. Pangalawa, natapos ni Pablo ang kanyang takbuhin.

Gamit dito ni Pablo ang larawan ng isang mananakbo na tumatapos ng kanyang takbuhin (marathon).  Hindi usapin dito kung nauna siya o nahuli.  Ang mahalaga, natapos niya ang takbuhin, at ito ang dignidad ng kanyang buhay.  Hindi niya tinakasan ang kanyang tungkulin sa buhay dahil hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, patuloy siyang naglilingkod sa Diyos.

 C. Pangatlo, nanatili siyang tapat sa pananampalataya.

Ang tinutukoy na “pananampalataya” dito ay hindi pangkalahatang kahulugan ng paniniwala sa Diyos.  Marami kasi ang maling akala, na basta raw naniniwala na sila sa Diyos, may pananampalataya na sila.  Ito ay mali, dahil kahit si Satanas ay naniniwala na may Diyos (Santiago 2:19).

Ang sinasabing pananampalataya ni Pablo ay tungkol sa paninindigan sa;

  a. tamang doktrina, dahil hindi naman pare-pareho lang ang mga relihiyon.   Hindi tamang relihiyon ang kahit anong sekta. Kailangang sigurado ang bawat  isa na tama ang mga doktrina ng kanyang kinaaanibang sekta.

  b. tamang ministeryo, ang bawat isa ay may gawaing pinapagawa ng Diyos bilang misyon natin sa buhay.  Wala tayong karapatan gamitin ang ating buhay sa anumang nais nating paggamit.

4. Panghuli, may kasiguruhan ng kaligtasan si Pablo dahil sa kanyang pananalig sa Diyos.

Sabi niya, “Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.” (2Tim.4:18). 

Ang kaligtasang sinasabi ni Pablo ay pananampalatayang may gawa.  Sinabi niya na ang Diyos ang magliligtas sa kanya bagamat ginawa ng apostol ang kanyang tungkulin.  Hindi siya nagtitiwala lamang sa kanyang sariling kabutihan.   At ito ang nagbigay sa kanya ang kasiguruhan ng kaligtasan sa kanyang pamamaalam.

Ang paninindigan ito ng apostol ay mababasa rin sa Gawa 20:24, “Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawa ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao.”

Walang ibang inisip si Pablo kundi ang mabuhay para  maglingkod sa Panginoong Jesus.  At kung mamamatay na siya , paghahandog pa rin ang kahulugan ng kanyang paglisan sa mundo.

Panalo Tayo!

Ang buhay Kristiano ay buhay na walang talo.  Kamatayan man o buhay, iisa lang ang ating patutunguhan - buhay na walang hanggan kasama ang Diyos.  Para sa atin, walang masamang epekto ang kamatayan - dahil kay Cristo maging ang kamatayan ay nagiging pakinabang.

 _____________________________   

SERMON 4: Matagumpay na Pamamaalam (2)

 2 Timoteo 4:6-8

 Ang kamatayan ay isang karaniwang karanasan ng tao.  Bagamat ito ay karaniwan, hindi pa rin ito maituturing na kanais-nais na usapan tungkol sa buhay.  Ang pag-usapan ang kamatayan ay isang taboo o isang pangit na usapin para sa iba.  Sa ibang kultura, bawal ang pag-usapan ang tungkol sa posibleng kamatayan ng isang buhay pa.   Bawal ang sabihing, “Kung sakaling mamatay ka na...”.  At kung sakali ngang namatay ang taong sinasabihan, ang nagsabi ng “Kung sakaling mamamatay ka na..” ay papatawan ng parusang kamatayan.

Hindi rin karaniwan ang makarinig tayo ng isang buhay pa na nagkukwento tungkol sa kanyang sariling kamatayan.  Ngunit sa ating pagbubulay ngayon, isang tao, si Apostol Pablo ay nagsasalita tungkol sa kanyang parating na kamatayan.

Sa kabilang banda, ang mag-isip tungkol sa sariling kamatayan ay isang mabuting bagay.  Ayon sa Ecc. 7:2,     “It is better to go to a house of mourning  than to go to a house of feasting, for death is the destiny of every man; the living should take this to heart.”

Kahit si Stephen Covey ay nagsasabi na upang maging matagumpay daw ang isang tao, kailangan tayong mag-isip tungkol sa konklusyon ng ating ginagawa o kung ano ang kahihinatnan ng ating buhay. Sabi niya, “Start with the end in mind.”

Sa aking palagay, alam ni Apostol Pablo ang konsepto na sinasabi ni Stephen Covey.  Dahil habang buhay pa si San Pablo, alam na niya na siya ay magkakamit ng  korona ng buhay sa langit.  Siya ay may katiyakan tungkol sa kanyang kaligtasan. Alam niya na matagumpay ang lundo ng kanyang buhay dito sa lupa.

Tunay na napakaganda, kung tayo po mismo ngayon ay magbubulay sa ating sariling kamatayan, habang nakikiramay tayo sa  mga namatayan at pag-isipan din ang ating sarili sa ating pagharap sa Diyos kapag tayo ay pumanaw na.

Paano mo ba nakikita ang sarili mong pagpanaw?

Matagumpay ang pananaw ni Pablo sa kanyang sariling pagpanaw dahil sa tatlong dahilan;

1. Una, dahil alam niyang pinagbuti niya ang kanyang pakikipaglaban sa buhay. Ang buhay ay puno ng pakikipaglaban.  Maraming hamon sa buhay na dapat nating harapin, at kung hindi, matatalo tayo sa labanan.

Subukan mong bilangin ang pinagdadaanang pagsubok ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.  Pagmasdan mo ang mga pinagdadaanang pagsubok ng mga kabataan sa ating panahon.   Mga ama at ina na naghahanapbuhay sa ibang bansa habang ang kanilang mga anak ay nandito sa Pilipinas at wala ang kanilang mga magulang sa kanilang tabi.  Pinagmasdan mo na ba ang mga bata sa lansangan na nagtitinda upang buhayin ang kanyang maysakit na ina at pakainin ang kanyang mga kapatid na maliliit?   Matapos silang iwan ng kanilang ama, siya ngayon ang tumatayong taty ng tahanan sa edad na sampu? Tingnan mo ang mga taong nagsisimba, at makikita mo ang sari-saring tao na humaharap sa mga matitinding sagupaan ng buhay.  At iniisip ng marami, “Magtatagumpay kaya ako sa laban na ito?”

 St. Paul fought a good fight. Alam niya na hindi siya sumuko.  Nagtagumpay siya, hindi naman sa sarili niyang lakas.  Wika niya, “I can do all things through Christ who gives me strength.”(Filipos 4:13).

Maraming pagsubok sa buhay ang pinagdaanan ni Pablo.  Iniwan siya ng kanyang mga kaibigan. Nakulong  siya at pinarusahan ng walang kasalanan.   Sa kabila ng lahat ng ito, lumaban siya ng puspusan at nagtagumpay.

2. Pangalawa, sinasabi niya na tinapos niya ang labanan. May mga namamatay na masaya at may namamatay na malungkot.  May mga malungkot dahil alam nilang mamamatay na sila at marami pa ang hindi nila natatapos na tungkulin sa buhay.  Malapit na silang mawalan ng buhay pero hindi pa sila tapos sa kanilang mga dapat tapusin.

Paul never had such regrets in life.  May tatlong uri ng bagay na nagiging sanhi ng mga “regrets” sa buhay.  Promises na kept, unrepented sins, and callings from God not  heeded.  Mga pangako na hindi natupad, mga kasalanan na hindi napagsisihan habang may panahon pa, at mga tawag o nais ipagawa ng Diyos sa atin na hindi natin ginawa. Tinapos ni Pablo ang mga bagay na dapat niyang tapusin sa buhay kaya matagumpay siyang pumanaw.

3. Pangatlo, he kept the faith.  Hindi siya tumalikod sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Noong maging Kristiano si Pacquiao, tinanong siya ng isang TV host sa United States, “When you became a Christian, you gave up cock fighting, drinking and your other vices.  Then you lose a fight against to Bradley, on a fight everybody knows you won.  Then you lose your fight against Marquez. Are you not going to go back to your old  way of life?”  Malinaw na sinabi ni Manny, “No.  Never..”

Maraming sinasabing dahilan ang iba kung bakit iniwan nila ang kanilang pananampalataya sa Diyos.  Pero para kay Pablo, anuman ang mangyari, sa mabuhay o mamatay siya ay sa Panginoon.

Hindi na tayo magtataka kung bakit may katiyakan siya sa kanyang pagtanggap ng korona.  Lumaban siya ng puspusan, tinapos niya ang dapat tapusin at nanatili siya sa pananampalataya sa Panginoon.

 ___________________________________    

SERMON 5: To Die is Gain

 Filipos 1:21

 Bawat segundo ay may tatlong tao na pumapanaw sa mundo. Kaya gamit ang siyensya, pinipilit ng tao na pigilan ang kamatayan.  

So far, we are successful in prolonging life, but unsuccessful in erasing death.  

Nandiyan ang mga gamot at mga aparatong medikal na kahit papaano, ay nagpapahaba ng buhay.  Pero, tanggapin man natin o hindi. Hindi pa po tayo nagtagumpay ang tao sa pagpigil sa pagdating ng kamatayan.

Para sa marami ang kamatayan ay nakakatakot na katotohanan.   Sa iba, ito ay pagkalugi.  Ito ay nagreresulta sa pagkawala  ng mahal sa buhay, o ng kaibigan.  Ang kamatayan  o karaniwang tinatanggap ng marami bilang isang trahedya. Ito ay masakit na karanasan sa buhay, dahil sa pagkawala ng buhay ng isang tao.

Pero sa ating binasang talata mula sa Biblia, ang kamatayan ayon kay Apostol Pablo ay isang pakinabang at hindi isang pagkalugi. Marahil ito ay isang palaisipan sa atin, ngunit nais ko kayong anyayahang magbulay sa Salita ng Diyos.  At samahan nawa tayo ng Espiritung Banal upang mabusog ang ating mga kaluluwa.

Paano nagiging pakinabang ang kamatayan?

1. Una, pakinabang ang kamatayan para sa mga tunay na sumampalataya na sa ating Panginoong Jesus.  Nangako ang Panginoong Jesus ng ganito, “Sinumang sasampalataya sa akin, bagamat mamatay, siya ay muling mabubuhay at hindi na mamamatay kailanman.” Here is a promise that will never miss. Pangako ito na hindi mapapako.

Dahil dito, ang kamatayan, ay nagsisilbing tulay lamang sa ating pag-uwi sa ating tunay na tahanan sa langit.

2. Pangalawa, ang kamatayan ay pansamanatalang pagtulog sa balikat ng Diyos. Sa 1 Cor. 15:51, ang kamatayan ay sinasabing pagtulog lamang. Sa marami, ito ay nakakatakot na pagtulog.

Sa isang malayong lugar, may isang ama na nagyaya sa kanyang anak upang samahan siya sa pagpunta sa bayan.  Sa kanilang paglalakad, dadaan sila sa isang sira-sirang tulay na kahoy.  Takot ang bata sa paglipat sa tulay, kaya hinawakan ng ama ang kamay ng bata upang hindi ito matakot.  Kaya nakatawid nga sila sa tulay ng umagang iyon.

Sa daan pauwi, ginabi ang mag-ama.  Lalong natakot ang bata dahil alam niya na sila ay tatawid sa tulay sa gitna ng madilim na gabi. Alam ng ama ang nararamdaman ng bata.  Kay amalayo pa, kinarga na ng ama ang bata at pinatulog niya ito sa kanyang balikat.  Nakatulog ang bata habang inililipat siya ng ama sa tulay.  At ng siya ay magising - nasa bahay na sila ng kanyang ama.

Ang kamatayan ay pagtulog sa bisig ng Diyos, paggising isang pumanaw na anak ng Diyos, malalaman na lamang niya na siya ay nasa tahanan na ng Ama doon sa langit.

3. Pangatlo, ang kamatayan ay maituturing na pag-uwi sa ating permanenteng tahanan.  Sabi ng panginoon sa Juan 15:19, “Hindi kayo sa mundong ito.”  Hindi nga ito ang ating sadyang tirahan, tayo ay nilikha ng Diyos para siya ay ating makapiling.  At ang kamatayan ang tulay patungo roon.

Sabi ni Pablo, “For me, to live is Christ and to die is gain.”  Para sa kanya, ang kamatayan ay pagtanggap ng gantimpla mula sa Diyos.  Nabuhay si Pablo para sa Panginoon.  Walang nasayang na bahagi ang kanyang buhay mula ng makilala niya ang Panginoong Jesus.

May kwento ako, tungkol sa nakilala kong isang maysakit.  Malubha na ang kanyang karamdaman noong siya ay aking ipinanalangin bago siya pumanaw.  Halos hindi na siya makatayo sa panghihina.  Umiiyak ang kanyang mga anak sa sobrang lungkot.  Biglang  nagsalita itong maysakit ng ganito sa aming pagkabigla, “Umiiyak ba kayo dahil inggit kayo sa akin?”

Akala ng mga anak niya, siya ay naghihingalo.   At inulit niya ang kanyang sinabi, “Inggit ba kayo dahil  una kong makikita ang Panginoon kaysa inyo.  Huwag kayong mag-alala. Uuwi na ako sa aking Ama.”  Napangiti kaming lahat.  Uuwi na nga siya sa kanyang permanenteng tahanan.  Pagkatapos naming manalangin, pumikit siya ay nalagutan ng hininga. Umuwi na siya sa kanyang Ama sa langit.

Ang ating panananampalataya sa Diyos ay nag-aanyaya sa atin upang tignan natin sa kakaibang pananaw ang kamatayan.

Ang kamatayan ay hindi dapat katakutan dahil ito ay pansamantalang pagtulog upang tayo ay magising sa isang buhay kasama ang Diyos sa langit.

Ito ay pamamahinga natin sa mga pasanin sa mundo, upang lumipat tayo doon sa isang lugar na wala ng sakit, wala ng pighati, at wala ng kasamaang mararanasan pa.

Isang kapatid sa iglesia ang ayaw makiramay sa mga namatayan.  Takot siyang lumapit sa patay.  Kaya minsan tinanong siya ng kanyang pastor kung bakit takot siya sa patay.  Sabi niya, “Takot po akong mamatay pastor.  Hindi ko po kasi alam kung saan patutungo ang aking kaluluwa kung sakaling ako ay papanaw.”

Ipinakilala ng pastor ang Tagapagligtas sa nasabing lalaki.  Mula noon, naalis ang kanyang takot sa kamatayan.

 __________________________   

 

SERMON 6: Ang Halaga ng Buhay sa Mata ng Diyos

Awit 116:15

 "Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat."

Sa English, “Precious in the sight of the Lord, is the death of his saints.”

Mayroon na ngayong 7 billion population ang mundo at dumarami pa ang mga tao sa sanlibutan.

Ngunit sinabi ng Panginoon, "Bilang ko ang inyong buhok." Kung interesado ang Diyos sa ating buhok mas interesado siya sa bilang ng mga nabubuhay sa lupa. Kaya nga sinabi rin niya, "Gawin ninyong alagad ko ang lahat ng tao sa daigdig."

Dahil ang hininga nga bawat tao ay buhay sa hininga ng Diyos. Noong ginagawa pa ng Diyos ang tao mula sa putik, hiningahan niya ito upang magkaroon ng buhay. Dala-dala ng bawat tao ang hininga ng Diyos.  Mga, kapatid, napakahalaga mo sa Panginoon. Ikaw at ako ay bahagi ng kanyang buhay.

Mapalad tayo na nakakilala sa Panginoon. Dahil narinig natin ang kanyang Salita, sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay naligtas.  Nabilang tayo sa mga pinawalang sala - at tayo ay pinababanal ng Panginoon. By God's mercy, from being sinners we were turned into saints. 

Pagbalik natin sa ating binasa sa Kasulatan, ito ang paalala sa atin ng Diyos mula sa kanyang Salita.

1.    1. Even saints will experience death.  

      Lahat ay makakaranas ng kamatayan. At hindi exempted sa kamatayan ang mga mabubuting tao na pinabanal ng Diyos.

a. And being a saint means, when a person is able to have the best in life with God.  Maaring hindi siya yumaman, o sumikat, pero nasa kanya ang pinakamabuti- nasa kanya ang Diyos at ang kaligtasan ng buhay. Alam po ninyo, higit sa anumang maibibigay ng mundo, ay kayang ibigay ng Diyos. Ang mundo, maari ka niyang bigyan ng gamit, o gadget, o kayamanan, pero hindi ka niya kayang bigyan ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang mga pinabanal ng Diyos, they will receive the best in life, for they have in their hearts the Creator, God himself.

So be a saint. Take Jesus as your Saviour.  Tandaan mo kapatid, mayroon kang kaluluwang dapat maligtas. Seek for your God and receive your salvation from Jesus who died for your sake.

b. To be a saint, we must offer ourselves as living sacrifices for God.

Para mapabilang sa mga banal, kailangan tayong mabuhay at kung kinakailangan ay mamatay para sa Diyos.

2. Secondly, even though saints will experience death, the Saints will also be resurrected to eternity.   Ito na ngayon yung pinagkaiba ng taong pinabanal at ang taong walang Diyos. Ang buhay ng taong makadiyos ay mahalaga sa Panginoon. At gayun din, sabi ng Biblia, ang kanyang kamatayan ng isang banal ay lubhang mahalaga sa Diyos. Precious in the sight of the Lord is the death of his saints.

Kung kaya, huwag nating iisipin na hindi alam ng Diyos ang kamatayan ng isang tao. Bagamat napakarami na ng mga tao sa mundo, tinitignan ng Diyos ang bawat isa sa atin.

Kasama ang ating yumaong kapatid. Mahal siya ng Diyos.

Pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang naging buhay.

 _______________________________   


SERMON 7: Pakinabang sa Kamatayan

Filipos 1:21

 Si Fanny Crosby, ang sumulat sa mga awiting Blessed Assurance Jesus is Mine ay bulag sa buong buhay niya. Bagamat bulag, pinagkalooban siya ng galing sa paglikha ng mga awiting espiritual. Ito ang kanyang naging kabuhayan at pang araw-araw na gawain - ang purihin ang Diyos sa pamamagitan ng mga liriko na kanyang sinusulat.

Dahil bulag siya, minsan siyang tinanong: "Hindi ba siya nagtampo sa Diyos dahil siya ay bulag?"

Ang sagot ni Fanny, "Nagpapasalamat ako sa Diyos na ako ay bulag. Dahil pagdating ko sa langit ang pinaka- unang mukha na makikita ko ay ang mukha ng Diyos!"

Biglang tingin, ang kamatayan ay kawalan. 

Yakap mo ang isang mahal sa buhay, at bigla...darating ang kamatayan at... wala na ang mahal mo a buhay. 

Kausap mo lamang siya kahapon...ngayon...siyay nakalagak na sa kabaong. Wala na ang iyong kaibigan. 

Ganyan ang kamatayan, kinukuha nito ang ating mga mahal sa buhay.  Ang ating kasiyahan ay biglang mawawala. Para tayong kandilang naagnas sa harap ng kamatayan.  

Ang kamatayan ay kawalan, pagkalugi, pagkawala ng isang mahal sa buhay. 

ngunit...

Para sa isang tunay na Kristiano, ang kamatayan ay pakinabang.

1. Una, dahil ito ay pag-uwi sa ating permanenteng tahanan sa piling ng Diyos.

Tayo ay hindi mananatili sa mundo. Ito ay pansamantalang tahanan lamang. Ang ating permanenteng tahanan ay ang kalangitan.  Kung kaya, ang kamatayan para atin ay pakinabang.

2. Ang kamatayan para sa ating mga naligtas ay pakinabang dahil ito ay pagpasok natin sa buhay na walang hanggan. Mapalad na tayo kung ang ating edad sa mundo ay isang daang taon. Ngunit gaano man kahaba ang buhay ng isang tao, siya ay mamamatay din.  Sa langit, ang buhay ay walang hanggan kasama ang Diyos.

3. Ang kamatayan ay pakinabang dahil makakapiling na natin ang Diyos at makikita natin siya ng mukhaan. Nakakapiling natin ang Diyos dito sa lupa sa pamamagitan ng pananalig.  Hindi natin siya nakikita ngayon.  Ngunit makikita natin siya doon sa langit.

Tunay na wala ng gaganda pa sa mukha ng Diyos na ating mamamalas sa ating pagdating sa langit.

Isang matanda ang nagsisimba sa isang iglesia. Napapansin ng marami na kapag umaawit ng papuri sa Panginoon, si Mang Berting ay malakas umawit - ngunit siya ay sintudo! Wala sa tono ang kanyang boses. 

Kaya kinausap ng mga ibang kaanib ang pastor para pagbawalan si Mang Berting sa sobrang lakas nitong umawit. At gayun nga ang balak ng pastor, kaya bumisita siya kay Mang Berting.

"Mang Berting, napansin ko po na kapag umaawit ng mga himno, napakalakas ninyong umawit." - pasakalye ng pastor. Sagot ni Mang Berting,

"Alam po ninyo pastor, itong barong-barong kong ito, sabi po ng Biblia, ay papalitan ng Diyos ng mansyon sa langit. Itong suot kong ito na butas-butas, ito po ay papalitan ng Diyos ng telang ginto! At itong sumbrero kong luma na, ito ay papalitan ng koronang ginto ng Diyos doon sa langit....kaya pastor, sino naman ang hindi mapapasigaw sa tuwa!!!!????

Hindi nakasagot ang pastor.  Nagpatuloy sa malakas na pagpupuri si Mang Berting.

Kahit si John Wesley ay nagsabi, "Huwag ninyong ikahiya na lakasan ang inyong boses tuwing kayo ay umaawit ng himno para sa Panginoon."  

 

 _________________________   

 

SERMON 8: Paalala sa Bawat Tao

Genesis 2:7

 

Isang mabuting kwento na may aral ang tungkol kay Alexander the Great sa kamatayan.

Sinasabi na bago pumanaw ang dakilang conqueror, mayroon siyang habilin.

Una, kapag siya ay ililibing, siguraduing nakalawit ang kanyang mga kamay para makita ang kanyang mga palad.

Pangalawa, ang mga magdadala sa kanya sa libingan ay mga manggagamot.

 Nang tanungin kung bakit, ganito ang kanyang paliwanag.

Una, nais niyang nakalawit ang kanyang mga palad upang ipaalala sa lahat na bagamat siya ay napakayaman, wala ng dadalhin na anuman sa kanyang kamatayan.

Pangalawa, mga doctor ang magdadala sa kanya sa hukay upang ipaalala sa lahat na walang sinumang matalinong doctor ang makakapigil sa kamatayan ng sinumang tao.

Madalas tayong makalimot. Kaya nga sinulat ang Biblia upang ipaalala sa atin ng Diyos ang kanyang presensya at ang kanyang pagmamahal sa atin. Ipinapaalala rin ng Biblia ang ating mga sangkap sa ating katawan at ang ating espiritu, upang lalo natin makita ang pagpapahalaga ng Diyos sa atin.

Ang Genesis 2:7 ay paalala sa ating pinanggalingan - na siyang ating kahihinatnan...ang lupa.

·        1.  Una, galing sa alabok, tayo ay babalik sa alabok.

·        2.  Pangalawa, ang ating hininga ay mula sa Diyos, at ito ay babalik sa Diyos.

·        3.  Pangatlo, may simula ang buhay at ito ay may hangganan.

Aralin natin ito isa-isa.  Pagpalain nawa tayo ng Diyos sa pakikinig ng kanyang salita.

1. Una mga kapatid, kapag inalala natin ang kamatayan, ipinapaalala sa atin ang ating mababang kalagayan.  Alalahanin natin na tayo ay mula sa lupa kaya babalik tayo sa lupa. Ang ginamit ng Diyos sa paggawa ng katawan ng tao ay putik.  Kaya tandaan natin, sa ilalim ng hukay -lahat ay pantay-pantay.  Tulad ng sabi ng isang kasabihan;

Six feet under the ground, all are equal.

Hindi nararapat ang mang-agrabiyado ng kapwa tao dahil kapantay po natin ang isa't isa. Matalimo man o mayaman, hindi po tayo nakakahigit sa ating kapwa kung mahirap man sila o kulang sa pinag-aralan, dahil pagdating sa kamatayan - lahat tayo ay maaagnas.  Lahat tayo ay matutunaw. Lahat sa kamatayan ay babalik sa alabok.

2. Pangalawa, ipinapaalala ng  karanasan ng kamatayan  sa atin na ang ating hininga ay hininga ng Diyos. Ang buhay natin ay hiram sa Diyos.  Ito naman ang karangalan ng tao. Buhat sa Diyos ang ating buhay.

Kanina, nasabi natin na ang ating katawang mula sa lupa ay nagpapalala sa atin sa ating mababang pinagmulan, ito namang pangalawa ay nagsasabi na may sangkap tayo na banal, at mula sa Diyos.

Dala natin ang hininga ng Diyos.  Ayon sa Biblia, "Hiningahan ng Diyos ang tao, at ito ay nagkabuhay."

 Dala natin ang hininga ng Diyos sa bawat sandali ng ating buhay.

Nasa bawat tao ang wangis ng Diyos.  Nasa bawat tao ang hininga ng Panginoon.

Huwag na tayong magtataka kung bakit napakahalaga ng bawat tao sa Diyos.  Tayo ay bahagi ng buhay ng Panginoon.

At dahil hininga ng Diyos ang isa sa atin, mabuti ngang ingatan natin at pakamahalin ang ating buhay.  Panatilihin natin itong malinis at banal.  Dahil ibabalik mo yan sa may-ari.

3. Panghuli, ang kamatayan ay nagpapa-alala sa atin na may hangganan ang buhay.  Dahil dito, ituring nating isang maigsing pagkakataon ang buhay dahil pansamantala lamang ito.

Ngayong wala na akong magulang, lalo kong naunawaan ang halaga ng mga maikling sandali na nakakasama natin ang ating mahal sa buhay.  Kay ahabang kasama mo sila, samantalahin mo yung opportunity na  mapaglilingkuran natin sila.  Isang araw, makikit amo na lamang na wala na pala sila.

Mahalin natin ang ating mga kapatid.

Paglingkuran natin ang ating mga magulang habang nandiyan pa sila.

Maigsi lang ang buhay.  Huwag natin itong sasayangin.

Pinapakilala ng kamatayan ng tao na hindi natin hawak ang ating buhay. Gamitin natin ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.

 

 ____________________________    

SERMON 9.  Ang Ating Dalawang Tahanan

2 Corinthians 5:6-17

Ang bahaging ito ng mga sulat ni San Pablo ay naglalaman ng mga kaisipan ng apostol tungkol sa kamatayan at buhay ng isang mananampalataya. Ito ay ang kanyang mga pagbubulay sa pag-asang dala ng pananalig kay Cristo, at ang ibubunga nito sa buhay dito sa lupa, habang naghihintay tayo sa buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos.

Isang Buhay na May Dalawang Tahanan

Ang tunay na Kristiano ay may dalawang tahanan; panlupa (ang ating katawan) at may hinihintay tayong ipagkakaloob pang isa pang tahanan na panlangit. Sa kasalukuyan, tayo ngayon ay nasa (tahanan o) katawang panlupa. at kung paghahambingin ang dalawa;

1. ang pananatiling buhay sa katawang panlupa ay katulad ng sabi ng apostol sa Cor. 13:12, “Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin...” Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon.”

Sa ngayon, dumadaan pa tayo sa mga pagsubok, kapighatian, sakit at mga kahirapan. Hindi pa natin nakikita ng literal ang ating inaasam na buhay sa langit, kailangan tayong “mamuhay sa pananalig at hindi sa mga bagay na nakikita (v.7).

2. Ang inaasahan naman nating buhay o tahanan sa kalangitan ay sa piling ng Panginoon (v.8) paglisan natin sa buhay dito sa lupa.

Sa paglalarawan ng apostol sa Cor. 13:12, “... ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. ... darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.”

Sa ating pangalawang tahanan, doon magiging maliwanag ang lahat, kapag kapiling na natin ang Diyos.

Hindi dalawa ang buhay natin, sa halip dapat nating unawain na tayo ay may isang buhay na may dalawang yugto. Ang buhay natin sa lupa ay unang yugto, samantalang ang buhay natin sa langit ay ang pangalawa.

Ang buhay natin ay material at espiritual na kalagayan na nakaugnay kay Cristo. Hindi lamang sa mga material na bagay na nakikita sa lupa o maging sa ganda ng buhay dito sa mundo nakadepende ang ating buhay, mayroon pa doon sa langit. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng ating kaugnayan kay Cristo.

Ang kahulugan ng ating buhay Kristiano ay nakadepende sa kalidad nito ayon sa kaugnayan natin sa Diyos. Sabi nga ni San Pablo, “Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya (v.9).”

Ang Kalidad ng Ating Buhay Kay Cristo

Ang buhay Kristiano ay may sukatan, dahil ito ay dadaan sa paghuhukom ng Diyos (v.10). Upang pumasa, kailangan nito ang sumusunod na kalidad.

1. dapat itong maging kalugod-lugod sa Panginoon (v.9)

2. buhay ito na may takot sa Diyos (v.11)

3. buhay ito na gumagawa para sa ikaliligtas ng iba (v.11)

Kristianong Pananaw sa Kamatayan

Dahil sa pag-asa na mayroon pang isa pang katawang panlangit na naghihintay sa atin, ang kamatayan ngayon ay “isang pakinabang” (Filipos 1:21). Sa halip na maging literal na katapusan ng buhay, ang kamatayan ng isang tunay na Kristiano ay nagiging lagusan, tungo sa buhay kapiling ng Panginoon doon sa kalangitan.

Hindi ito nangangahulugan na mas mababang uri ang buhay dito sa lupa. Para sa apostol, dito ngayon sa tahanan natin lupa, tayo ay kay Cristo na, dahil,

“Namatay siya (ang Panginoong Jesus) para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.” -2 Cor. 5:15.

Kalidad ng Buhay Maka-diyos

Ang kalidad ng buhay Kristiano ay hindi nakukuha sa pagmamadali na makaalis sa kasalukuyang buhay para agad makamit ang buhay sa langit. Ang kailangan natin ay ang makamit ang kalidad ng bagong buhay na kasama ang Panginoon Jesus dito pa lamang sa lupa.

Habang naririto tayo sa kasalukuyang tahanan, gumawa tayo ng ayon sa ating pananampalataya, maglingkod tayo na puno ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, habang matiyaga nating inaasahan ang isa pang tahanan doon sa langit.

Ngayon pa, isuot na natin ang bagong pagkatao na kalarawan ng Panginoon, dahil, “Kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.”- 2Cor.5:17

“Kaya nga mula ngayon ay mamuhay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa nasa ng laman. Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, masasamang nasa ng laman, paglalasing, walang tigil na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.” wika ni apostol Pedro (1Pedro 4:2-3.)

Bilang mga Kristiano na nabubuhay sa lupa at umaasa ng buhay sa kalangitan, kailangan na nating iwan ang dati nating pagkatao na hindi maka-diyos. Kailangang makita sa atin na hindi lamang tayo panlupa, tayo rin ay panlangit.

 

 __________________________________    

 

SERMON 10. CHECK YOUR FAITH

Juan 11:17-27

 

Magandang araw po sa inyo. 

May mahalaga po akong tanong sa inyo,

Bago po ba kayo pumunta rito, nag-check po ba kayo ng presyon? 

Nagpa-BP po ba kayo? Kayo ba ay nag-check ng cholesterol at sugar?

 Napansin ko po kasi, ang lamay na ito ay parang pista.  Bakit po ang daming pagkain? Di ko po tuloy mawari kung tayo ba ay nakikiramay o nakiki-kain? Pero ang sadya po namin talaga rito ay makiramay sa pagpanaw ni Kapatid na _____________.  At ito ay taos puso naming ipinapahayag ngayon sa pamilyang ______________.

Tayo po ay sumandaling manalangin.

Pamlitan mo po ng kapayapaan ang o Diyos ang damdamin ng lungkot at pighati.  Kayo po ang Diyos na Lumikha ng buhay, kayo rin ang Diyos ng muling pagkabuhay.  Salamat po sa kasiguruhang ito na kaloob mo sa sinumang mananalig kay Cristo. Amen.

 May isang bagay na dapat nating i-check kapag tayo po ay pumupunta sa lamay o libing: CHECK YOUR FAITH. Ito po ang ating pagbubulay sa araw na ito.

 Sabi sa Mangangaral 7:2, “Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay.”

 Going to funerals will lead us to contemplate about our own death.  “Kapag ako kaya ang namatay, mayroon kayang makikipaglamay.  Para siguradong marami ang makikipag-lamay, maganda siguro, dagdagan ang ihahandang pagkain.”

 Pero ang mas mahalagang tanong, “Kung ako kaya ay papanaw, papapasukin kaya ako ng Diyos sa kanyang kaharian?” Pastor pa naman ako, paano kung sasabihin ng Diyos, “Hindi kita kilala, umalis ka dito!”

 Kung ako kaya ang pumanaw, saan kaya ang punta ng aking kaluluwa?

 Check your faith kapatid.  Is it a genuine faith? Because only genuine faith saves. Ayon sa Panginoong Jesus, “Anyone who believes in me, though he will die, yet he shall live.  And he will not die anymore.”

 a.       False faith, mga kapatid ay pananalig  sa sarili. Self-righteous people are deceived in believing on their own goodness. Sinsabi nila, “Maliligtas ako kasi hindi ako katulad ni ______________.  Marami akong ginawang Mabuti.  Siguradong maliligtas ako dahil ako ay may  maraming binigay sa Diyos.”

b.     b. True faith however, is directed to Jesus alone.  Dahil si Jesus lamang ang namatay, upang tayo ay iligtas mula sa kasalanan.  At ang kanyang kamatayan ay patunay ng grace o biyaya ng Diyos, at kung tayo ay tutugon na may pananalig…tayo maliligtas.  Iyan po ang tunay na pananalig.

Kaya, check your faith.  Tunay ba yan kapatid? Hindi ba yan, kunwari lang.  Because faith can be faked.  Minsan nang nakakita ng fake faith si Jesus,  kaya sabi niya, “ Kayong mga paimbabaw! Puti kayo sa labas, ngunit bulok naman sa loob.”

ANG PANANALIG NI MARTHA

 Ang pagtatagpo nina Martha at ng Panginoong Jesus ay hamon kay Martha upang tignan niya ang sarili pananalig. Dahil sa pagsalubong niya kay Jesus, may hugot agad si Martha,

 “Panginoon, kung dumating ka lang kaagad, hindi sana namatay ang aking kapatid!”

Ang mga salitang ito ay may halong panunumbat. “Late ka kasi! Bakit hindi ka agad dumating? Ba’t ganyan ka?”

 Mapapansin sa pananalitang ito na ang pagkilala ni Martha kay Jesus ay bilang mangagamot lamang. Ibig sabihin, mababaw ang pananalig ni Martha.  But do not judge her, instead, let me remind you to CHECK YOUR FAITH! Kasi po, baka ganyan din tayo.

We pray for people with sicknesses.  Ahh, Lord, heal him, in Jesus Name! But what if they die, instead of being healed? 

 Are we going to question God about it? Lord naman? Bakit hindi mo siya pinagaling?  Pinagaling ang marami, Lord, bakit ang kuya ko, pinabayaan mong mamatay?

BELIEVING IN THE POWER OF GOD

 Bakit ng aba kailangan pang magkasakit at mamatay si Lazaro? Balikan po natin ang ating pagbasa sa Biblia, sa Juan 11: 4, “Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi niya, “Hindi niya ikamamatay ang sakit na ito. Nangyari iyon upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito'y maparangalan ang Anak ng Diyos.”

Ayon sa Panginoong Jesus, dahil sa pagkakasakit at kamatayan ni Lazaro, God will be glorified. 

Sa tingin ng hindi sumasampalataya, maaring sasabihin niya, “Alam mo, iyang namatay nay an, sampung beses yan na ipinag-pray ng pastor nila, pero hindi siya gumaling.  Siguro, hindi totoong sa Diyos ang pastor na iyan. Fake healer siguro yan.”

 Sa dating ng pananalita ni Martha, parang sinasabi niya, “Lord, you came late.  Ayun tuloy namatay ang kapatid ko.”

 THEN JESUS SPOKE this famous line.

 “Martha, Martha, ang sinumang mananalig sa akin, kahit mamamatay, ay muling mabubuhay.”   Check your faith Martha, I am not only a healer, I can also raise the dead. Pagkatapos, sabi ni Lord, “Naniniwala ka ba?”   Ahh Martha, Martha, check your faith.

b.      Sumagot si Martha, “Opo Panginoon, alam kong sa huling araw, ay muling bubuhayin si Brother Lazarus, kasama ng mga patay.” Ibig sabihin, naniniwala si Martha, na muling bubuhayin ni Jesus ang mga patay, kaya lang sa future pa.  Sa second coming pa, BUT… NOT NOW!

c.       Then Jesus went to the tomb of Lazarus. Jesus called his friend.  And Lazarus was raised to life right then and there!

Palagay ko, when Martha, saw that Jesus raising his brother back to life, she realized Jesus was not just a healer, but he is the Lord of Life, when she checked her faith, siguro biglang na upgrade ang pananalig niya kay Jesus!  Dalangin ko, na lumalim din ang iyong pananalig ngayon.  Dahil ang pumanaw sa harapan natin ay muling bubuhayin ni Cristo.  At sana’y magkaroon ka rin ng pananalig, na ikaw din ay muling bubuhayin tulad ni Lazaro.  Kaya, CHECK YOUR FAITH kapatid. Amen!

Sabi sa Awit 16:10, “Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak,

sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.”

 

__________________________     


SERMON 11: Ang Panahon ng Pagsilang at Kamatayan

Mangangaral 3:1-2

 1Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

2Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.


 Ang yumao pala ay ipinanganak noong ________________ at pumanaw siya sa taong ____________.  Siya ay _____________taong gulang.  

Salamat na lamang at hindi nagtagpo ang kanyang kapanganakan at kamatayan sa iisang araw.   Kung hindi zero (0) ang kanyang buhay. May nangyayaring ganito, may ipinanganganak na bata at sa araw ding iyon sila ay namamatay.

 At dahil nabuhay siya ng ____taon, ibig sabihin , nakasama ninyo siya ng matagal.  Siya ay regalo ng Diyos sa inyo.  Kaya kung sa ating lahat na nagbibilang pa ng birthday, regalo ng Diyos ang ating mga buhay. Pasalamatan natin at paglingkuran ang Diyos, dahil may buhay pa tayo.  Ngunit kung hindi ka na magdiriwang ng birthday, tulad ng yumaong kapatid natin, dahil nakarating na siya sa dulo, ahh - next year, first death anniversary na ang ating aalalahanin sa kanya.

 May panahon ng kapanganakan, at may panahon ng kamatayan.  Sa pagitan ng kapanganakan at kamatayan ay ang tinatawag nating BUHAY. Kung baga sa pisi, ang simula ay ang kapanganakan, at ang dulo ay ang kamatayan.  Ang haba ng pisi ay ang ating buhay.

 Kung isa itong lalagyan, ang ibabaw ay maaring simbolo ng kapanganakan, at ang ilalim ay ang kamatayan. At ang katawan ng lalagyang ito ay ang sumisimbolo sa ating buhay.  Ang nilalaman ng ating buhay ay ang kaloob natin sa Diyos sa ating kamatayan. 

Kaya, huwag nating handugan ang Diyos ng isang hungkag na buhay. O isang buhay na walang laman. 

Minsan, binigyan po ako ng sobre pagkatapos kong mag preach sa isang pagtitipon. Excited ako na kunin ang laman ng sobre para ipagkarga ko ng diesel. Paubos na kasi ang aking fuel. Pagbukas ko sa sobre, parang nakalimutang lagyan ng laman. 

 a.       Kapag dumating na ang buhay sa dulo nito, tayo ay ihahandog na sa Diyos. Ito ang maka-Kristianong pananaw sa lundo ng buhay. Ang kamatayan ay sandali ng paghahandog ng buhay sa Diyos. Ganito ang sabi ni Apostol Pablo, “Ako ay ihahandog na.” wika niya kay Timoteo tungkol sa kanyang kamatayan.

Dahil ang buhay Kristiano ay hindi hungkag na buhay.  Ang ating buhay ay may laman at may kahulugan. Nariyan ang pananampalataya, at ang ating mabubuting gawa.  At gayun din ang ating pagpupuri at pagsamba, at paglilingkod sa Panginoon.  Maging ang mga maliliit na bagay na ginawa natin para sa Diyos ay hindi mawawalan ng kabuluhan. At ang saysay nito o nilalaman ng ating buhay ay mabangong handog sa Diyos.

b. Habang tayo ay nabubuhay pa, panatilihin nating malinis ang ating mga buhay dahil iyan ay ihahandog natin sa Diyos. Kailangan ang malinis na buhay upang maging katanggap-tanggap tayo sa Diyos. 

Ayon sa Biblia, "Without holiness, no one can see God."(Heb. 12:14). 

Ayon pa sa Kawikaan 10:1, 


"Ang isang boteng pabango ay mapababaho ng isang patay na langaw. Ang bahagyang kamangmangan ay nakakasira sa karunungan at karangalan."

 At gayundin ang kasalanan na maaring sumira ng magandang buhay.  

Kaya kung may magandang bagay na atin pang magagawa, ito ay ang pagpapalinis ng ating mga buhay sa dugo ni Cristo. Naisin natin ang pagpapatawad ng Diyos.  Sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, tanggapin natin ang ganap na pagpapatawad ng Diyos, ang bagong buhay sa Diyos na siyang magbibigay sa atin ng tunay na kaligtasan. 

At habang tayo ay nasa diwa ng panalangin at pagsamba, nawa makita ng Diyos ang buhay ng bawat isa sa atin, na may mabuting laman ang ating mga puso, isipan at buhay, na nagbibigay lugod sa Diyos. 

Maghangad tayo ng buhay na karapat-dapat na ihandog sa Diyos. 

___________________________________   

 

   





Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...