Real Humbleness, True Blessedness (Sept. 1, 2019)
Luke 14:1, 7-14
Isang pambihirang sekreto ng buhay Kristiano ang sinabi Pablo, “Iam crucified with Christ and therefore I no longer live.”(Gal.2:20).
Ito ang tunay na kapakumbabaan. Ang maitaas si Cristo at hindi ang sarili kapakanan. Mahalagang turo ng Panginoon ang pagtalikod sa sarili at unahin ang sa Diyos.
May kwento tungkol kay dakilang mangangaral na si Dwight Moody. Sa isang preaching conference, naka-ugalian ng mga guest ang iwan nila ang kanilang sapatos sa labas ng kwarto ng hotel upang pakintabin ng mga naglilingkod sa hotel. Kaya iniwan nga ng mga pastor ang mga sapatos nila sa hallways. Ngunit walang hotel attendants na nag-shine sa mga sapatos nila. Napansin ito ni Ptr. Moody, kung kaya siya na mismo ang nag-shine sa mga sapatos ng kanyang mga bisita.
Pagka-morning, hangang-hanga ang mga bisita sa kintab ng kanilang mga sapatos. Gustong bigyan ng ng mga pastors ng tip ang mga hotel attendants. Pero sabi ng lecturer na si Ptr. Moody, siya na ang bahalang magpapasalamat sa nag-shine ng sapatos.
Ito ay halimbawa ng kapakumbabaan. Isang taos pusong paglilingkod.
Ganito ang turo ng Panginoon.
1. Huwag maghangad ng parangal ng tao.
Dahil, ang nagmamataas ay ibababa, ngunit ang nagpapakumbaba ay itataas.
May kwento tungkol sa isang kapitan ng mga sundalo ang nagnanais magpaturo sa isang master.
“Master, turuan mo po ako tungkol sa impierno at langit.”
Sabi ng master, “Isa kang ulol! Wala kang alam! Umalis ka dito!”
Tumaas ang pride ng kapitan. Gigil na gigil, sumabog ang galit ng kapitan. Binunot nito ang kanyang espada at handang tagain ang master. Tumitig ang master sa kapitan at sinabi, “Iyan ang impierno.”
Natigilan ang kapitan. Ibinaba ang kanyang espada at yumuko sa master.
Tinitigan siya ulit ng master at sinabi, “Iyan ang langit.”
HUMBLENESS
Maraming tao ang bigo sa buhay dahil ayaw nilang magpakumbaba.
1. ang humble - mas madaling turuan, mas madaling matuto
2. ang humble - masayang naglilingkod
3. ang humble - kinikilala ang sariling kamalian
4. ang humble - inuuna ang iba bago ang sarili
ang humbleness ay pagiging maka-diyos. Ito ay bunga ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya.
5. ang mga humble ay may matibay na pagkatao - para silang matandang kawayan. Nakakayuko pero hindi sila nababali.
6. ang mga humble - sila ay itinataas ng Diyos.
BLESSEDNESS
Isa pang katangian na nais ng Panginoon para sa atin ay ang pagiging pagpapala sa iba.
1. Huwag maghahangad ng bayad o kapalit kapag gumagawa ng kabutihan.
2. gumawa ng mabuti para sa kapurihan ng Diyos.
Kapag sumunod k kay Jesus, magbabago ang pagkatao mo. Ugali, pananalita at gawa. Mawawala ang kagaspangan ng ugali.
Nagbubunga ng mabuting pagkatao ang pagsunod sa Diyos. Kapakumbabaan at pagiging pagpapala sa iba.
_______________________________________
All the good that we may do for GOD (Sept.8, 2019)
Deuteronomy 30:15-20; Luke 14:25-33
Kapansin-pansin na ang mga hayop tulad ng aso ay may loyalty o katapatan. Ngunit di tulad ng tao, gaano man katapat ang isang hayop sa kanyang amo, hindi pa rin marunong mangako ang hayop upang gumawa ng pagtatalaga o committment.
Ang promises o pangako ay nagagawa lamang ng tao.
4Ito ay pagtatalaga sa sarili sa mga tungkulin (committment to service), o kaya ay sa 4pagkatalaga sa kaugnayan (commitment to relationship), tulad ng asawa, at pamilya.
4pagtatalaga sa Diyos na sinasampalatayanan (commitment of faith to God)
Ang anomang commitment na ginagawa ng tao ay bunsod ng isang desisyon upang italaga ang sarili sa nais niyang tuparing tungkulin.
Ang Pinakamabuting Magagawa Natin Para sa Diyos
1. Piliin ang Diyos Upang Paglingkuran
(Deut. 3:15-20)
Sa ating pagbasa sa Lumang Tipan, mapapansin natin na nanawagan ang Diyos upang siya ang piliin ng Israel at paglingkuran. Hindi sapat na ang Diyos ay pinaniniwalaan. Dahil maaring maniwala ang isang tao sa Diyos, ngunit ayaw naman niyang piliin ang Diyos upang paglingkuran.
Nais ng Diyos na siya ay piliin natin. Kung ito ay gagawin ng Israel at natin, pansinin ang mga pangako ng Diyos sa atin. Tayo ay mabubuhay ng matiwasay at pagpapalain.
2. Piliin ang Diyos Upang Pakamahalin Higit Kaninuman. (Lucas 14:26)
Hinihiling ng Diyos na huwag tayong magmamahal ng sinuman o anuman ng higit sa kanya. Nais ng Diyos na siya ang maging pangunahin sa ating puso.
Ayaw ng Diyos ng karibal sa ating buhay.
Nais niyang masolo ang ating committment.
Tandaan na anomang pinaka-mahalaga sa ating buhay ay ginagawa nating diyos. Kung kaya dapat mauna ang Diyos pagdating sa ating pagmamahal. Pangalawa lamang ang pamilya at sarili.
3. Pangatlo sa ating talaan, ay ang pagpili upang pasanin ang ating krus (Lucas 14:27).
Bilang Kristiano, tayo ay pinili ng Diyos upang maging responsible at maging useful. Habang sinasabi ng mga evolution scientists na ang pangunahing characteristic at purpose ng buhay ay “survival” at “self-protection”, tayong mga sumusunod kay Jesus ay nakahandang magbuwis ng buhay para sa Diyos, para sa iglesia at para sa mga mahal natin sa buhay.
Hindi pagpapahalaga sa sarili ang ating layunin. Kundi pa naman, pagpapahalaga sa nais ipagawang kabutihan ng Diyos kahit ito magbunga ng paghihirap at sakripisyo sa atin.
4. Pang-apat ay ang pagpili upang sumunod kay Jesus (Lucas 14:27b).
Kapag pinili mo si Jesus, hindi ka lamang niniwala sa kanya, kundi ibinibigay mo ang buo mong buhay sa kanyang kamay.
Kapag pinili mo ang Panginoon, ikaw ay magiging lingkod niya, at mabubuhay ka lamang para sa kanya. Hindi mo na susundin yung gusto mo, kundi yung gusto niya.
Madalas natin sundin ang gusto natin. Pero hindi na gagawin ito ng isang pumili kay Jesus bilang Panginoon.
Sa ating pagsamba ngayon, tinatawagan tayo ng Diyos upang piliin siya, mahalin siya, paglingkura at sundin. Ano ang pasya mo?
________________________________
Jesus: Tagapamagitan Natin sa Diyos (Saturday, Sept. 14, 2019)
Numbers 21:4b-9; 1 Corinthians 1:18-24; John 3:13-17 (Feast of the Holy Cross)
Ang salitang tagapamagitan ay mahalaga sa ating mga Pilipino. Mahilig tayo sa mga patron o mga tagapamagitan. Gumagamit tayo ng mga tao upang makalapit sa mga nakatataas ang tungkulin upang makuha natin ang ating nais o interest.
Madalas gawin ito kahit sa relasyon sa Diyos. Hindi man tayo nagdarasal sa mga santo, marami pa rin sa mga Metodista ang nakadepende sa pastor upang sila ay ipanalangin. Ang pastor ay nagsisilbing tagapamagitan. Na para bang hindi tayo makalapit sa Diyos kung walang pastor. Totoo na tungkulin ng pastor ang manguna sa pagsamba at pananalangin sa hayagang paglilingkod sa Diyos, ngunit tungkulin natin sa personal na pakiki-ugnay sa Panginoon ang ilapit ng personal ang ating sarili sa Diyos.
Tagapamagitan sa Biblia
1. Ang unang halimbawa natin ay si Moises, bilang tagapamagitan. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises kaya sila pinarusahan.
Habang natutuklaw ang mga tao ng mga ahas, nanalangin si Moises upang iligtas ang mga Israelita. Sa pamamagitan ng isang tansong ahas na ipinagawa ng Diyos, naligtas ang mga tao.
Ang nagligtas dito ay ang pananalig ng mga tao sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagtitig nila sa ahas ay dumaloy ang kapangyarihan ng Diyos upang magligtas. Si Moises ay nagsilbing tagapamagitan sa pagliligtas na ito ng Diyos dahil sa kanyang panalangin.
2. Ang pangalawang halimbawa natin na tagapamagitan ay ang Panginoong Jesus. Tulad ng ahas na tanso, si Jesus ay itinaas sa krus upang ang sinumang mananalig sa kanya ay maliligtas.
Ngunit ang paraan ni Jesus upang maging Tagapamagitan ay hindi lamang panalangin tulad ni Moises. Ang ginamit ng Panginoong Jesus ay ang pagbubuwis ng kanyang sariling buhay para sa ikaliligtas ng lahat ng tao. Kung kaya sinasabi ng 1 Timoteo 2:5,6,
For there is one God and one mediator between God and men, the man Christ Jesus, who gave himself as a ransom for all men — the testimony given in its proper time. (NIV)
Ang Pagiging Tagapamagitan ni Cristo ay May Bunga
1. Ito ay nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Kung ikukumpara ito sa ginawa ni Moises, pansamantalang buhay ang ibinunga ng tansong ahas.
Kaya nga ang tansong ahas ay simbolo ng medisina ngayon. Ibig sabihin, kapag napagaling ka ng medisina, magpapatuloy ang pansamantalang buhay mo.
Pero kapag nanalig ka sa Panginoong Jesus, buhay na walang hanggan ang tatanggapin mo.
2. Isa pa, ito ay magbubunga ng kaligtasan mula sa kapahamakan o kaparusahan. Madalas ay napapahamak po tayo dahil din sa sarili nating kagagawan. Minsan, dahil din sa kagagawan ng iba.
Ang pagiging Tagapamagitan ni Cristo ay nagbubunga ng walang hanggang pag-iingat ng Diyos sa ating buhay mula sa kapahakan. Kaya kumpait ka lang sa Diyos at protektado ka.
3. Dahil sa pamamagitan ng Panginoong Jesus hindi na tayo hahatulan.
There is no condemnation for those who are in Christ Jesus (Romans 8:1)
Si Cristo ngayon ang tanging patron natin, na namamagitan sa atin at sa Diyos. Hindi na natin kailangan ang ibang tagapamagitan, kundi siya lamang. Si Jesus ay sapat na. Sa kanya lamang tayo manalangin at magtiwala, at tutulungan niya tayo.
______________________________
Pagliligtas ng Diyos sa Kabila ng Kamalian ng Tao
Exodus 32:7-14; 1 Timothy 1:12-17; Luke 15:1-10
May kasabihan tayo: “No one is perfect. Everybody may commit mistakes.” Ngunit kapag alam mo na ang isang bagay, ay ulit-ulit pa natin itong nagagawa, ito ay matatawag ng kamang-mangan o foolishness.
Masakit na aminin ang salitang kamang-mangan. Ito ay nagaganap kapag alam na natin ang ibubunga ng masamang gawa ngunit patuloy pa natin itong ginagawa. Alam na natin na mali, ngunit patuloy pa rin tayo, na para bang walang masamang mangyayari. Yung alam na, pero sasabihin pa rin na hindi alam. Yung halata na, pero sasabihing hindi napansin. Obvious na, pero hindi nakita. Ganyan ang kamangmangan.
May isang kabataan na inutusan gsindihan ang stove. Kumuha ng posporo ang kabataan, sinindihan ang isang kandila, na pinansindi niya sa stove. Sumindi ang stove. At ito pala at automatic na sumisindi.
Ang Kamangmangan ng Pagsamba sa Gawa ng Tao
Wika ng Panginoong Yahweh kay Moises, “Bumaba ka agad. Gumawa ng gintong guya ang mga Israelita...” Ito ang kamangmangang ginawa ng mga Israelita ng ipagpalit nila ang Diyos sa isang bagay.
Dapat sambahin ng tao ang Diyos dahil ang Diyos ang gumawa sa tao. Samantalang ang mga imahen ay gawa ng tao na kanyang sinasamba.
May dahilan ang tao na sumasamba sa imahen na gawa niya. Upang sambahin ang “gawa” niya. Ang pagsamba sa imahen ay pagsamba sa gawa ng tao. Ito ay larawan ng pagpaparangal sa sarili. Itinataas ng tao ang sarili bilang lumikha sa kanyang diyos-diyusan.
Kaya sahalip na sambahin ang Diyos na Lumikha sa tao, ang nilikha ng tao ang kanyang sinasamba at ginagawang diyos.
Sabi Roma 1:22-23,
“Although they claimed to be wise, they became fools and exchanged the glory of the immortal God for images made to look like mortal man and birds and animals and reptiles.”
Ang Kamangmangan ni Pablo Noong Una
Inamin ni Pablo ang naging pagkakamali niya noong una. Lumaban siya sa Diyos ng usigin niya si Jesus at ang mga alagad ni Cristo.
Ito ay ginawa niya sa ngalan ng kanyang relihiyong Judio.
Ang Kamangmangan ng mga Pariseo
Ang pagkakamali ni Pablo noong una ay siya ring kamaliang nagawa ng mga Pariseo. Binatikos nila ang gawain ni Jesus na makisalamuha sa mga makasalanan. Hindi nila naunawaan ang biyaya at malasakit ng Diyos sa mga taong nagkakasala. Inisip nila na sila ay mabuti at wala silang ginawa upang tulungan ang mga nalayo sa Diyos. Alam nila ang mali ng iba, ngunit hindi nila namamalayan na hindi nila nagagawa ang tama sa mata ng Diyos.
Matalinong Gawa
Ang paghatol o pang-huhusga sa gawang kamalian ng tao ay kulang kung wala itong pagwawasto. Pagmasdan ang gawang mabuti sa ating pagbasa;
1. Una, idinalangin ni Moises ang mga nagkasalang Israelita upang sila ay hindi parusahan ng Diyos (Exodo 32:11-14).
2. Kinilala ni Pablo ang biyaya ng Diyos sa kabila ng kanyang kamangmangan ng labanan niya ang Panginoong Jesus.
3. Hinanap ng pastol ang nawawalang tupa. Hinanap ng ginang ang kanyang nawawalang salapi.
Ang mga nawawala ang hinahanap. Ang napapahamak ay inililigtas.
____________________________
MATALINONG PASYA
Jeremiah 8:18-9:1; 1 Timothy 2:1-7; Luke 16:1-13
Kung mayroong mabuting bagay na nagagawa ang panalangin, ito ay ang proteksyon na ibinibigay ng Diyos sa atin upang sa buong araw, hindi tayo makagagawa ng maling pasya. Nakakapanlumo kapag nagkamali tayo, at wala na tayong magagawa upang iwasto ang nangyari na.
Ganito ang panlulumo ng Propeta Jeremias ng makita niyang nagkasala ang Israel. Dahil sa kamaliang ito, nasakop ang bayan at binusabos ng mga dayuhan. Ito ay maling desisyon na hindi na maitutuwid pa. Huli na ang pagsisisi.
May tatlong bagay akong nais ibahagi sa inyo kung ano ang tamang pasya kapag tayo ay nagkamali;
1. Ang Pasya Upang Iiyak sa Diyos ang Ating Damdamin
Lahat tayo ay nagkakamali at alam natin kung gaano kapait ang ibinubunga ng ating kamalian. Minsan nga, sapat na yung iiyak na lamang tayo dahil wala na tayong magagawa pa.
Ang pag-iyak sa Diyos ay ginawa ni Propeta Jeremias. Kaya tinawag siyang “Crying Prophet”. Alam niya na kung nasasaktan tayo, nasasaktan din ang Diyos dahil sa ating gawang kamalian. Wala siyang sinabing panalangin. Ang alam lamang niya ay ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata.
Ang malungkot na awiting “What a Friend We Have in Jesus’ ay sinulat ni Joseph Scriven sa panahon ng kasawian dahil pumanaw ang babaeng mapapangasawa niya bago sila ikinasal. Sa awitin, ibinuhos ng sumulat ang kanyang lungkot sa pagtitiwalang mabuting kaibigan si Jesus, sa gitna ng kanyang nararamdaman.
2. Pangalawa ay ang pasya upang Dumalangin sa Diyos. Ito ang payo ni Pablo sa Sulat niya kay Timoteo.
Sa panahon ng pangangailangan, ang panalanign ay mabuting gawain. Totoo na may limitasyon tayo. May mga bagay na hindi natin magagawa. Ngunit ang Diyos ay walang limitasyon, at magagawa niya ang lahat ng bagay.
Idulog natin sa Diyos ang ating pangangailangan. May mga apat na bagay na maari nating idalangain sa Diyos.
a. Pamanhik o supplications, - ito ay ang mga gusto natin o mga paki-usap natin sa Diyos. At iniiwan natin sa Diyos ang pagpapasya.
b. Panalangin o prayers - ang mga ito ay mga kalooban ng Diyos na hinihiling nating matupad. Ito ang nasasakop sa panalanging “Mangyari nawa ang kalooban mo.”
c. Panalangin ng pamamagitan o intercessions, ito ay mga panalangin para sa ibang tao.
d. Panalangin ng Pasasalamat o thanksgivings. Naniniwala tayo na mabuti ang Diyos. At tuwing nakikita natin ito, ang tanging nasasabi natin ay “Salamat po Panginoon.”
3. Ang Pangatlong Magagawa Natin Kapag May Pagkakamali ay ang Ituwid ang Ating Sarili
(Gospel - Luke 16:19-31)
Sa Ebanghelyong nabasa, ang katiwala ay nagkamali. Nawalan ng tiwala ang kanyang amo sa kanya. Ngunit ginawa niya ang dapat gawin;
a. Una, inako niya ang kanyang pagkakamali.
Tinanggap niya ang kanyang responsibilidadd sa nangyari.
Wala siyang sinising ibang tao.
b. Pangalawa, siya ay nagmuni-muni. Inaral niya ang kanyang sariling kalagayan at maaring mangyari.
c. Pangatlo, ginawa niyang ituwid ang sariling pagkakamali.
- pinuntahan niya ang mga umutang sa kanyang amo, upang magbayad ang mga ito kasama ang discount.
- sa ginawa niyang ito, napanatili niya ang mga suki ng kanyang amo, na bibili ulit sa kanilang produkto.
-natulungan niya ang kanyang amo upang hindi ito lubusang malugi.
Ito ay larawan ng pagsisi.
Kung may kamalian tayo ay may panahon pa para ituwid natin ang ating pagkakamali, gawin po natin ito.
Sa atin buhay espiritual, kung nagkasala man tayo, hindi to huli. May panahon pa para maligtas. May panahon pa para magbalik loob sa Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento