Biyernes, Agosto 2, 2019

Lectionary Sermons for August 2019

YEAR C

 August 4, Sunday - Luke 12:13-21; Psalm 107:1-9; Colossians 3:1-11
Pamagat: Tamang Pananaw sa Buhay at Kayamanan

“Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.””‭‭(Lucas‬ ‭12:21‬ ‭MBB05‬)

Ang buhay ng tao ay may maraming bahagi.  May bahaging material at pisikal.  Ito rin ay may bahaging espiritual.  Ang tao ay may kaugnayan sa kanyang Lumikha, ang Diyos.

Ngunit madalaas mabaling ang tao sa pagpapayaman. Madaling makuha ng kamunduhan ang kanyang pansin. Marahil, dahil narito pa tayo sa lupa. Ang kamunduhan at ang hilig ng laman, ang kumukuha sa atensyon ng tao.

Gusto Kong Yumaman

May kasabihan na: Ang pera ay mabuting alipin ngunit masamang panginoon.

Kaya sinasabi rin ng Panginoong Jesus, "Hindi maaring maging panginoon ng sabay ang Diyos at ang kayamanan." (Matt.6:24).

Ang kayamanan ay maaring maging panginoon ng isang tao. Ang labis na pag-ibig sa salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan (1Tim. 6:10)

Gayunman, ang pag-ibig sa salapi ay hindi makapagbibigay ng kasiyahan sa tao. Ang maibibigay nito ay pansamatalang kasiyahan.

Ayon din sa Mangangaral 5:10, "“Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.”

Ang mensahe ngayon ng Diyos sa mga iglesia ay tungkol sa "Tamang Pananaw sa Buhay at Kayamanan".

Dahil kung mali ang ating pananaw sa buhay at kayamanan, maari tayong maging alipin ng pagpapayaman at kayamanan mismo.

Maari tayong mapalayo sa Diyos dahil lamang sa pera.

Ang ating panahon at ang kamunduhan ay nagsasabi na ang tagumpay ay nasusukat sa kayamanang nakakamit ng isang tao. Ang buhay ay sinusukat ng marami ayon sa laki ng kinikita. Nasa laki ng sweldo yan! Tama po ba?

Tapatang pag-uusap lang po.
Siyempre, gusto natin ang malaking kita.
Gusto nating yumaman.
At ito ay gusto ng Diyos para sa ating lahat.

Sabi ng Panginoong Jesus, sa Juan 10:10b,
"Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.”
Kaya nga sabi ni John Wesley, ang founder ng Iglesia Metodista, "Work all you can, and save all you can."

Gusto ng Diyos yumaman ka.
Kaya magsikap ka!
Mag-impok ka! Magkayaman ka.
Huwag kang maging batugan.

Nais ng Diyos ang pagpalain ka. 

Nais ng Diyos na magkaroon ka ng magandang buhay.
Sabihin mo sa sarili mo, "Mahal ako ng Diyos. Pagpapalain niya ako. Yayaman ako. Kaya mula ngayon magsisikap ako at magpapakasipag. Dahil yayaman ako."

Palakpakan natin ang Panginoon.

Sa ating kwento, may isang magsasaka na yumaman. Sa Pilipinas, madalang yung magsasaka na yumayaman. Ang mga karaniwang magsasaka ay nababaon sa utang.

Ang ating magsasaka sa kwento ay pinalad sa pagtatanim at yumaman.
Kung ito ang nais ng Diyos, ano ang naging problema?

1. Una, nakalimot siya sa Diyos sa kanyang pagyaman.

Ni minsan, hindi niya nabanggit ang Diyos.

May panalanging mababasa Kawikaan 30:9a,
“Panginoon, huwag mo po akong payamanin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan."

Ang kayamanan ay mabuti, ngunit kung ito naman ang maglalayo sa iyo sa Diyos. Huwag na lang.

Kung ito pa yung magiging dahilan
para makalimot ka sa Diyos,
Mabuti pang huwag ka na lang yumaman.

Pakinggan ninyo ang sinasabi pa ng Biblia,

“Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”‭‭(1 Timoteo‬ ‭6:9-10‬)

Ang gusto ng Diyos, yumaman ka at gumanda ang buhay mo, para lalo kang mapalapit sa Kanya. Kaya ngayon pa lang, mahirap ka man o mayaman; maging malapit ka nawa sa Diyos.

Hindi man lang nagpasalamat sa Diyos ang taong ito. Inisip niya na ang kanyang kayamanan ay gawa ng kanyang "sariling" pagsisikap. Pagmasdan ang mga salitang "ako" ay maraming beses na nasabi sa kwentong ito, ngunit hindi nabanggit ang Diyos.

2. Pangalawa, sa kanyang pagyaman, nakalimot siya sa kanyang tungkulin sa kapwa.

Ang pagyaman ay hindi ang ating layunin o goal natin sa buhay. Ito ay paraan (means) sa buhay para magampanan natin ang ating tungkulin sa Diyos at kapwa. Ang layunin natin ay ang mapapurihan at mapaglingkuran ang Diyos at kapwa.

Pakinggan natin ang sinasabi ng Biblia,

“Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.”
‭‭(1 Juan‬ ‭3:17-18‬).

Ang pangalawang pagkakamali ng mayamang ito ay ang paglimot niya sa kapwa.

3. Pangatlo, nakalimot siya sa espiritual na pangangailangan ng kanyang sarili.

Ang buhay sa lupa ay pansamantala at may hangganan. Hindi po tayo permanente dito sa lupa. Kung yayaman ka man dito sa lupa, mabuti yun.

Pero kung iniisip mong dito na lahat sa lupa ang magiging buhay mo, nagkakamali ka.
Ang kahulugan ng buhay ay hindi base sa kayamanan. Mayroon din tayong buhay espiritual na dapat pangalagaan.

Ang Kristianong pag-iimpok ay dalawa. Pagpapayaman sa lupa at doon sa langit.
Wika ng Panginoong Jesus,

“Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.” (Mateo‬ ‭6:20‬)

Conclusion
Ang iniisip ng magsasakang yumaman upang mabuo ang kanyang buhay gamit ang kayamanan at nagresulta sa pagkasira ng kanyang buong buhay. Nauwi ang lahat sa wala.  Nghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. 

Dalangin ko po na magkaroon po tayo lahat ng magandang buhay. Dagdag pa rito, magkaroon din nawa tayo ng malusog na buhay espiritual. Upang sa pagwawakas ng ating buhay, masumpungan din natin ang walang hanggang buhay sa piling Diyos at masabi natin na tayo ay naging matagumpay. Dito sa lupa hanggang sa langit.

Panghuli, pinapa-alala sa atin ng pagbasa sa Colosas na napakabuti ng Diyos sa atin at naligtas tayo dahil sa biyayang kaloob ni Cristo Jesus. Kaya dapat nating isipin, hindi lamang ang mga kamundong bagay.  Kundi pa naman ang  mga maka-langit na bagay.  Mga bagay na magbibigay sa atin ng tunay na kahulugan ng buhay.

At ito ay mangyayari kung isusuot natin ang bagong pagkatao na kalarawan ni Cristo.

________________________________________________________________________   


Year C

SERMON TITLE: TRUE FAITH 
August 11, 2019
REFERENCES : Isaiah 1:1, 10-20; Psalm 33:12-22; Hebrews 11:1-3, 8-16; Luke 12:32-40


Ang ating panahon ay kakaiba. Noong bata kami, walang cellphone at internet.  Sulat lang ang paraan ng pakikipagtalastasan, at TV.  At hindi lamang ito!  Ngayon ikinakasal na ang lalaki sa kapwa lalaki!  Ngayon lantaran ang mga malalaswang panoorin sa web!
Ito na yata ang panahon na 'palabo ng palabo"  ang kalagayan ng daigdig.  
Ang mga dating katotohanan na alam natin ay pinabubulahanan na ng iba.  Nagbago na rin ang paniniwala natin sa mga dating mali na ngayon ay tama na.  At ano nga ba ang batayan ng katotohanan? 
Mababasa sa 1 Tim. 4:1-3 ang ganito tungkol sa paglayo ng iba sa tunay na pananampalataya: 
Now xthe Spirit expressly says that yin later times some will depart from the faith by devoting themselves to zdeceitful spirits and teachings of demons, through the insincerity of aliars whose consciences are seared, bwho forbid marriage and crequire abstinence from foods dthat God created eto be received with thanksgiving by those who believe and know the truth.
Sa mga pagbabagong ito, apektado ang simbahan.  
Ano nga ba ang tunay na pananampalataya sa Diyos? 

Ang Maling Pananampalataya (False Faith)


Minsan na ring nalito ang mga Isrealita tungkol sa kanilang pakikitungo sa Diyos.  Nanatili silang sumasamba sa Diyos habang namumuhay sa  maling katuruan at makasalanang gawain.  Ito ang relihiyon ng Sodoma at Gomorah! 


Kaya kung ikaw ay tapat na nagsisimba, ngunit namumuhay ng taliwas sa kalooban ng Diyos.  Iba ang relihiyon mo kapatid! Hindi ka miembro ng Iglesia Metodista!  Malamang ang relihiyon  mo ay Sodom and Gomorrah Fellowship! 


Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”
 at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan. 

(Ang Relihiyon ng Sodoma at Gomorrah)


Ganito ang sama ng loob ng Diyos sa kanila; 

12Sinong nag-utos sa inyo na maghandog sa harap ko?Huwag na ninyong lapastanganin ang aking templo.13Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga;nasusuklam ako sa usok ng insenso.Nababagot na ako sa inyong mga pagtitipon,kung Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga;ang mga ito'y walang saysay dahil sa inyong mga kasalanan.(Isaias 1:12-13)


Ang tunay na pananampalataya ay madaling ilarawan.  Ang pagiging tunay na Kristiano ay buhay ng isang makasalanang nagnanais umalis sa kasalanan. Kung kaya, seryoso siyang nagsisisi.  Lahat ay gagawin ng taong ito upang makamit niya ang pagpapatawad ng Diyos. Siya ay magpapakumbaba sa Diyos. Mananalig na tanging ang habag ng Diyos ang kanyang pag-asa. Pagkatapos ay sa tulong Espiritu Santo, ang taong ito ay nagbabagong buhay, dahil sa kanyang pakikipag-isa kay Cristo. Alam niyang hindi niya kayang baguhin ang kanyang sarili.  Ngunit naniniwala siyang kaya siyang baguhin ng Diyos.   Kaya tinatanggap niya ang pagbabagong buhay na mula sa Diyos. 

Ngayong anak na siya ng Diyos, dahil sumasampalataya na siya kay Cristo, siya ngayon ay nagsisikap umunlad sa kabanalan. 

Sa mga tunay na Kristiano, ang ganitong karanasan ay walang halong kaplastikan. Walang halong pagkukunwari sa buhay ng isang taong tunay na naghahanap sa Diyos,

Ang problema ng mga Israelita, gusto nila ng relihiyon, pero ayaw nila sa totoong pagsisisi at pagbabagong buhay. 

Kaya nagsawa ang Diyos sa kanilang pakunwaring pagpupuri at pagsamba. 

Sabi ng Diyos, "TAMA NA!" Mantakin mo kapatid, nagsisimba pero ayaw magbagong buhay? Wow!
Nanalangin pero nagmumura. Wow!
Nagbubukas ng Biblia, pero magaling din sa baraha. Wow!

Magkahalong kabanalan at kasalanan.  Dumi, kanin at ulam, sa isang pinggan? Wow!

Ang gusto ni Lord, kung marumi, marumi, kung malinis, e di malinis.  Pero huwag paghaluin ng dumi at malinis. 


"A true Methodist desires God and holiness to be saved."  Inaawit natin, "Nothing but the blood of Jesus."

Ngayon po, gusto ko kayong anyayahang magbukas ng Biblia sa Lucas 12:32-40 at dadako po tayo sa mga Tatak ng Tunay na Pananampalataya. 


1. Una ang tatak ng tunay na pananampalataya ay Kasiguruhan ng Kaligtasan. 

“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 

Ito ay pangako ng kasiguruhan.  
Sinumang mananalig  ay maliligtas. 
Siya ay pag-haharian ng Diyos. 
Siya ay may buhay na walang hanggan. 

Hindi ito dahil sa inyong mga gawa.  Ito ay biyaya ng Diyos. 
Ito ay tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. 

 Ang tunay na mananampalataya, ang kanyang kayamanan ay ang kanyang kaligtasan. 

Narinig na ba ninyo yung interview kay Paquiao? 
Tanong sa kanya, "What do you consider to be your greatest accomplishment in life?" 
Sagot ni Manny, "My greatest accomplishment in life is: I was able to know Jesus."

Kaya sabi ng Panginoon, "34
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”

Sa buwan na ito ng Agosto, inaalala ng buong daigdig ang Hiroshima Bombing.  Ang unang pagbagsak ng atomic bomb noong 1945. Dahil sa pangyayaring ito, marami ang natakot sa maaring mangyari kung isa pa , o dalawang atomic ang sasabog sa ibang panig ng mundo. 

Hindi maikakaila na natakot din ang mga taong binabanggit sa Hebreo 11.  Si Abraham ay naglakbay na walang kaalaman kung saan siya dinadala ng Panginoon.  Si Rahab ay naniwala na siya ay tatanggapin ng mga Isrealita ayon sa pangakong binitawan ni Joshua. 


Ngunit, dahil sa pananalig sa Diyos, ang kanilang takot ay nabalutan ng pagtitiwala na hindi sila pababayaan ng Diyos. Ganito ang pananampalatayang nakapagliligtas. 


2. Pangalawang katangian ng tunay na pananampalataya ay ang pagiging handa sa muling pagdating ng Panginoon. 

v.3a“Maging handa kayong lagi


Ang pagiging handa ay katibayan ng pananampalataya.  Sa panalanging "Ama Namin"  nasasaad doon ang salitang "dumating nawa ang kaharian Mo".   Ito ay paghihintay sa pagdating ng paghahari ng Diyos. Ang pagdating ng Messias ay ating hinihintay ngunit hindi pa naman nagaganap.  Ano ito?


Ang kahulugan nito mga kapatid ay paniniwala na si Jesus ay muling darating ngunit dapat tayong maghintay. 

Ngunit hindi po ito, paghihintay na walang ginagawa o idle waiting. Ang mga Judio ay naniniwalang darating ang Messias.  Kaya sila ay aktibong gumagawa habang naghihintay. Ito rin ang paniniwalang Kristiano. Habang naghihintay tayo sa muling pagdating ng Panginoong Jesus, tayo kumikilos, gumagawa ng kabutihan bilang paglilingkod sa Panginoon. 

Hindi po tayo naghihintay habang nagtatamad-tamaran. Hindi po gawaing Kristiano ang katamaran.


Dahil alam natin si Jesus ay muling darating, at ang kanyang paghahari ay tiyak na magaganap, tayo ngayon ay dapat mamuhay sa pagpapalaganap ng katiyakang ito.  Mamumuhay tayo sa pananampalataya.  Na kahit wala pa ang kaharian ng langit sa lupa, namumuhay na tayo sa paghahari ng Diyos. 


At kung nabubuhay na tayo sa paghahari ng Diyos, handa na tayo sa literal na pagdating nito.



3. Pangatlong katangian ay ang pagiging ilaw, upang magliwanag ang ating ilaw. 

v. 35b
Bilang mga manampalataya, nakikila tayo sa ating ilaw. Sa mabuting paraan ng ating pamumuhay.
Kapag ang ating pananampalataya at gawa magka-ugnay, at hindi magka-salungat.

Kung nais ninyo ang maligtas at talagang gusto nating maging tunay na Kristiano, maglingkod na tayo sa Diyos at talikuran na ang mga bisyo, maruruming pananalita at maling gawa.

Paliwanagin natin ang ating ilaw.

Marami ang nagtatanong, "Bakit hindi yata dumarami ang mga Kristiano sa ating lugar?"

Ibang ilaw yata ang dumarami.

Sa aming lugar, kapag gabi po, dumarami ang mga ilaw na patay-sindi!  Dumarami ang kasalanan.  Dumarami ang nasisirang tahanan.  Dumarami ang nagkaka sakit dahil sa mga prostitutes.

Hindi po ito ang ilaw na sinasabi ng Panginoon na paliwanagin natin.

May kwento tungkol sa nasunog na bahay sa harap ng isang kapilyang Kristiano. 

Nagdiwang ang kapilya ng kanilang anibersaryo at nagkaroon ng handaan.  Napansin ng guest speaker na mayroong mga miembro na kumukuha ng pagkain. Ibinabalot nila ang pagkain, pagkatapos ay aalis.  

Dahil inaakala ng guet speaker na ini-uuwi ng mga miembro ang pagkain, nasabi niya sa sarili, "Sobra naman ang mga kaanib na ito! Matatakaw!"

Napansin ng pastor sa iglesia ang guest speaker kaya nagpaliwanag. 

"Pastor, ang mga pagkaing ibinalot ng mga kaanib ay para po sa mga nasunugan.  Hindi po nila makain ang handa, dahil alam nila na may nagugutom sa mga nasunugan." 

Naliwanagan ang guest speaker. 
Naunawaan ng pastor na ang mga miembro sa iglesiang iyon ay nagdadala ng kanilang liwanag sa kanilang kapwa. 

Ipakita ninyo ang inyong ilaw mga kapatid. 
Darami ang maliliwanagan. 
Darami ang aanib sa ating iglesia. 

Ipamuhay natin ang ating pananampalataya. 


_________________________________________________________________________



Year C

SERMON TITLE:  

August 18, 2019
Luke 12:49-53

49 "I have come to bring fire on the earth, and how I wish it were already kindled! 50 But I have a baptism to undergo, and how distressed I am until it is completed! 51 Do you think I came to bring peace on earth? No, I tell you, but division. 52 From now on there will be five in one family divided against each other, three against two and two against three. 53 They will be divided, father against son and son against father, mother against daughter and daughter against mother, mother-in-law against daughter-in-law and daughter-in-law against mother-in-law." 

Ang pananampalatayang Kristiano ay para sa pagkakaisa. Ganito ang sabi ng Panginoong Jesus, "Mapalad ang gumagawa para sa kapayapaan, sila ay tatawaging mga anak ng Diyos."

Kahit ang mga Kristiano mismo ay inuutusan ng Panginoon upang mag-kaisa, "Malalaman nilang kayo ay mga alagad ko kung kayo ay nag-iibigan."


____________________________   

Touch of Christ
Luke 13:10-17

August 25, 2019


18 years.  Marami na ang mababago after 18 years. Yung dating walang bahay at establisimiento, ngayon, puno na ng mga gusali. 

Ngunit sa babaeng ito, walang nabago sa kanyang kalagayan.  Dati na siyang ukot, baluktot ang likod.   Sa kabila ng kanyang kalagayan, siya ay palagi pa ring nagsisimba, ngunit walang nagbabago sa kanyang kalagayan.

Ganun ka rin ba? 

Sana may nagbabago naman sa iyo...na habag nagsisimba ka, nawa’y umunlad ang iyong pananampalataya.  Sana, nagbabago ang relasyon mo sa Panginoon.  Sana, umuunlad din ang paglilingkod mo sa Diyos. 

Ang babae ay nagsisimba ngunit nananatili siyang “nakatali” sa kanyang kalagayan. 

Madalas siyag magsimba, ngunit sa araw na iyon ay may guest speaker.  Pagkatapos ng sermon, biglang tumawag ng altar call ang speaker at pinalapit ang mga gustong magamot.  Pinalapit ang mga maysakit. 

Nahihiyang lumapit ang babae, ngunit sinubukan niyang pumunta sa harap.  Inawakan siya ng guest speaker at siya’y gumaling.  Iba ang araw na iyon.  Yung 18 years na nakaraan ay biglang nagbago. Magaling na siya. 

Ang mga nagsisimba ay sari-sari.  Iba-iba ang dahilan ng ma tao kung bakit sila nagpupunta sa simbahan. 

1. yung iba, nakasanayan lang. 
2. yung iba, obligasyon lang.
3. pero yung iba, may kailangan lang sa Diyos. 

Maaring ang babae ay kabilang sa mga nabanggit. O maari nating sabihin na may kailangan siya sa Panginoon, pero hindi siya sigurado, baka sakaling gagaling siya. 

Ngunit iba yung araw na iyon. 
Dahil gumaling siya. 
Dahil may kakaibang nangyari sa kanyang katawan. 
Ang ukot niya sa likod ay gumaling. 
Ano ang nangyari?
1. Una, si Jesus ang guest speaker sa araw na iyon. 

Ang pagsamba na makakatagpo kay Jesus ay iba sa nagsisimba na hindi nakakaranas ng presensya ng Dios. 

Marami ang mga nagsisimba na walang inaasahang kakaiba. Marami ang hindi naman interesado sa Panginoon.  Maaring inaantabayanan nila ang magandang sermon o awit ng choir, pero hindi si Jesus. 

Pero ito ang makikita natin sa kwento.  Ang babaing ukot ay nakaranas ng kakaibang karanasan dahil naroon si Jesus. 

Kahit ngayon sa ating pagsamba, kung bukas sana ang ating mga puso para sa presensya ng Diyos, naniniwala ako na may kakaibang mangyayari sa ating pagsamba ngayong araw na ito. 

2. Tinawag siya ng Panginoong Jesus. 

Kapag ang Panginoon ay present, may kakaibang nagyayari dahil dumarating si Jesus hindi para sa sarili. Lagi siyang gumagawa para ikabubuti ng iba. 

Kung kailangan mo ng bagay na ikabubuti mo, ikagagaling mo, ikasasaya mo...pumunta ka kay Jesus. 

3. Lumapit siya at pinabayaan niyang kumilos si Jesus para sa kanyang kagalingan. 

Pinabayaan siyang hawakan ni Jesus ang kanyang kapansanan. Sabi ng Panginoon sa Pahayag 3:20, “ako’y kumakatok sa pintuan ng inyong puso.”

Kahit ang mga bulag ay nagsabing, “Nais naming makakita Panginoon.” At sila ay nakakita.

Maging ang mga ketongin ay nagsabing, “Maawa ka sa amin.” Bago sila pinagaling. 

Nais din ng Diyos na lumapit tayo sa kanya.

Narito ang Panginoon.
Tinatawag ka niya. 
Lumapit ka.
Pabayaan mong hawakan niya ang buhay mo. 
May mabuting mangyayari sa buhay mo ngayon. 













4 (na) komento:

  1. salamat po sa mga Mensahe DS, pagpalain po ang inyong miniesteryo.

    TumugonBurahin
  2. Grace and Peace! Thank you for sharing your message Ptr Jess! More empowerment and blessings po sa inyo.

    TumugonBurahin
  3. Ipagpatuloy niyo po ito D.S nakaka bless po d,s favor po puede ba namin ereftroduce itong Sunday materials po nyo.salamat po

    TumugonBurahin

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...