Panimula:
Tema: "Magbunga ng Marami Ngayong Pasko"
Mga Taga-Galacia 5:22-23
Sermon Topics: Mga Bunga ng Espiritu, sa Halimbawa ng mga Tauhan ng Pasko
1. pag-ibig, ng Diyos (Juan 3:16) (Dec. 17, Ptr. Jess)
2. kagalakan, ng mga pastol, (Dec 16, Ptr. Jess)
3. kapayapaan, ng mga angel (Dec. 18, Ptr. Sam)
4. katiyagaan, ni Simeon (Dec. 19, Sis. Elsie)
5. kabaitan ni Jose
6. kabutihan, ni Hana
7. katapatan, Maria, Dss. (Dec. Grace)
8. kahinahunan, Mga Matatalinong Mago at
9. pagpipigil sa sarili. Ang Pagkukulang ni Herodes
Ang pagbubunga ng isang puno ay nakasalalay sa kalusugan ng puno, ng kanyang mga ugat, sa halaman, tangkay at mga dahon. Ang panloob na kalusugan ng puno ay ang susi upang maging mabunga.
Gayundin ang isang Kristiano. Ang ating pagbubunga ay nakabatay sa ating kalusugang espiritual. At ito ay nakikita sa bunga ng ating karakter o pagkatao.
Sa Paskong ito ng 2018, aaralin natin ang mga bunga ng Espiritu, sa buhay ng mga tauhan ng Pasko.
Umani nawa ang Diyos ng maraming bunga mula sa ating pagkatao ngayong Pasko. Maging mabunga nawa tayong sanga ng ating puno, ang Panginoong Jesus na nagsabing, “Ako ang puno, kayo ang mga sanga. Magbunga kayo ng marami.”
_____________________
Sermon 1. Ang Bunga ng Pag-ibig Ngayong Pasko
Mababasa mula sa Juan 3:16, ang dakilang pahayag tungkol sa pag-ibig ng Diyos.
“Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak.”
A. Ito ang ugat ng lahat ng kabutihan: ang pag-ibig ng Diyos.
Kapag wala ng pag-ibig, maging ang pinakamahalagang relasyon ay nawawalan ng kabuluhan. Pag-ibig ang ugat ng katapatan. Kahit ang gawang kabutihan ay nagiging pagkukunwari kapag walang pag-ibig.
“Kahit tumulong ako sa mahihirap, at ibigay ko pa ang sarili ko bilang handog na susunugin, kung wala akong pag-ibig, ito ay walang saysay.” (1 Cor. 13:3).
Ibig sabihin, kahit ang pagkakaloob ng pinakamahal na regalo ngayong Pasko, kung hindi ito bunsod ng tunay na pag-ibig, ito ay walang kabuluhan.
Kung kaya, maging ang Pasko ay magiging totoo lamang kung dadaloy ang pag-ibig na mula sa Diyos, tungo sa ating mga buhay papunta sa buhay ng ibang tao.
B. Ano ang Kabaligtaran ng Pag-ibig?
Ang pagkagalit (hatred) ay kabaligtaran ng pag-ibig. Ang galit ay nararamdamn kapag mayroon tayong nais, ngunit hindi nasunod. Kapag ang ating kalooban ay binale-wala. Dahil dito, ang isang nakatataas (maykapangyarihan, magulang o ang Diyos), ay nagpaparusa sa nagkasala. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay nagpaparusa ng kasalanan. At ang bayad ng kasalanan ay kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit ang unang mensahe ng Pasko ay isang babala o warning mula kay Juan Bautista,
Mababasa sa Mateo 3:10, ang ganito,
“Ngayon pa lamang ay nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
Ito ay tungkol sa poot ng Diyos sa taong makasalanan.
Ang dahilan kung bakit napopoot ang Diyos ay kapag ang “puno ay hindi mabuti”.
Kapag ang sanga sa puno ay walang bungang pakinabang.
Kaya nga sabi ni John Wesley, “upang maligtas, dapat nating takasan ang poot na ito ng Diyos” (to escape this wrath that is to come).
Ang pagtanggap sa galit ng Diyos ay karapat-dapat sa atin, dahil, “tayo ay mga kaaway ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan.” (Efeso 2:1).
Nagkasala tayong lahat at karapat-dapat parusahan. Hindi tayo nararapat tumanggap ng pag-ibig ng Diyos.
ANG PAG-IBIG NG DIYOS
Tayo ay inilarawan ng Biblia bilang mga alibughang anak. Nagkasala tayo at lumayo. Hindi na tayo karapat-dapat sa paningin ng Diyos upang maging anak ng Banal na Panginoon. Ngunit, sa ating paglayo tayo ay,
tinawag ng Diyos,
tayo hinanap.
Sa sinumang magbabalik loob sa Diyos,
hindi sampal, hindi suntok
hindi parusa ang tatanggapin, kundi pagpapatawad.
pag-ibig, hindi poot ang ipagkakaloob ng Diyos.
ANG DIYOS AY PAG-IBIG
Ito ang dahilan kung bakit iniligtas tayo ng Diyos sa kanyang sariling poot. Dahil mas higit ang kanyang pag-ibig kaysa kanyang galit. Laging nangingibabaw ang pag-ibig ng Diyos, kahit karapat-dapat ang kanyang poot sa atin.
Magbunga ng Pag-ibig: Practice Loving People
a. Upang maging mabunga ang ating Pasko, tumulad tayo sa Diyos na umii-ibig kahit sa mga hindi dapat ibigin na tulad natin.
b. Magpatawad gaya ng Diyos na nagpatawad sa ating mga kasalanan.
c. Magbigay
Magbunga tayo ng pag-ibig, hindi poot, gaya ng ating sinasambang Diyos na dumating upang iligtas ang kanyang mga kaaway na nagkasala laban sa kanya. Tayo po iyon.
_________________
Sermon 2
Ang Bunga ng Kagalakan
Lucas 2:20
“Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.”
Ang pinaka-masaklap sa buhay ay ang karanasan ng matinding kalungkutan. Kahit nabubuhay ka pa na may laksa-laksang kayamanan, kung malungkot naman ang buhay mo, wala rin itong kabuluhan.
Ang pagkakaroon ng kagalakan sa buhay ay hindi nabibili ng salapi.
Ito ay bunga ng Espiritu sa ating buhay bilang mga Kristiano.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Apostol Pablo,
“Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!” - (Filipos 4:40)
Ang susunod na bunga na inaasahan mula sa atin na tumanggap na sa Cristo ng Pasko ay ang kagalakan.
Kalungkutan, Kabaligtaran ng Kagalakan
Mga sanhi ng depression o malalim na kalungkutan. Ayon Article na Depression (www.webmd.com)
1. Karanasan ng pang-aabuso, Ang mga na-abusong tao ay malungkutin.
2. Ilang mga gamot na iniinom. Tulad ng isotretinoin, gamot sa taghiyawat
3. Away o pangyayari sa buhay tulad ng kamatayan ng isang mahal sa buhay.
4. Sakit, o mga pangyayari sa buhay tulad ng paghihiwalay, retirement, pagkakasakit, kahirapan o stress.
5. Maari ring genetic. May mga taong sadyang malungkutin o kahit walang dahilan.
Anuman ang sanhi ng kalungkutan, hindi ito mabuting damdamin. Ang ating Diyos ay Diyos ng kasiyahan, ng tuwa at galak. Hindi niya nais na manatili tayo sa kalungkutan.
Isa pa, ang kalungkutan ay nagbubunga ng pagkawala ng gana sa buhay. Ito rin ay nakakahawa o contagious. Kapag malungkot tayo, apekto yung mga kasama natin at natatangay ng ating negatibong damdamin.
Ang Kalungkutan ng mga Pastol
Ang mga pastol ay mahihirap,
nakikipag-trabaho sila ng gabi, para maka-rahos sa kanilang kahirapan.
Hindi sila mga relihiyosong tao, kaya hindi sila kinikilala sa lipunan.
Madalas pa silang mapagbintangang mga magnanakaw, dahil sa kanilang antas ng buhay.
Dumating ang mga angel sa mga pastol sa gitna ng madilim na gabi. Sa parang habang nagbabantay ng mga tupa na hindi naman kanila. Hindi nila kasama ang kanilang mga anak na maaring naiwan sa bahay. Para silang mga guardiya na nagbabantay sa bahay ng iba, at hindi nababantayan ang sariling tahanan. Malungkot ang kanilang buhay.
Sa pagdating ng mga angel, ang kanilang balita ay: "Kapayapaan sa inyo." (v10)
Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao."
May tugon ang Diyos upang mapawi ang kalungkutan ng tao.
Dahilan ng Kagalakan ng mga Pastol
1. Ang mabuting balita ay para sa lahat ng tao, kasama ang mga pastol. May mabuting balita na para lang sa iilan. Nagbigay ng scholarship sa taga baryo. Ngunit dumating ang taga ibang baryo. Sabi ng teacher, “Hindi po kayo kasali sa scholarship. Taga ibang baryo po kasi kayo.”
2. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
“Inyo” - ibig sabihin, kasama sila sa ililigtas ng Panginoon. Para sa kanila ang balitang ito.
3. sa verse12, “Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
Mararanasan nila ng malapitan ang ebidensya na totoo ang balita.
Dalawang paraan para makapanood ng , basketball game sa PBA, concert o boxing. Pwede sa broadcast sa TV, o manood ng live. Bakit po may nagbabayad ng mahal, makapanood lang ng live? Gusto kasi nila, makita nila ng personal yung laban ni Pacquiao. Sabi nila, “Sulit kapag nandoon ka ng personal.”
Kapag ang panonood ay personal, ito ay isang mas malalim na karanasan. Hindi lamang ito balita.
May dalawang applications ang sermon na ito para sa atin:
1. Kung personal mong kakatagpuin si Jesus ngayong Pasko, mauunawaan mo kung ano ang masayang pakiramdam ng mga pastol. Umalis tayo sa kalungkutan at tanggapin ang kagalakang kaloob ni Jesus.
2. Pangalawa, magdala tayo ng kagalakan sa puso ng ibang tao na malungkot. May kakilala ka bang tao na maaring malungkot siya ngayong Pasko? Bakit hindi mo siya dalawin at ipanalangin? Bigyan mo kaya siya ng regalo?
_______________________
Sermon 3
Bunga ng Kapayapaan (Angel at mga Pastol)
Lucas 2:8-20
Ang pangatlong bunga ng Espiritu sa ating buhay Kristiano ay Kapayapaan. Ang mga angel ay dumating dala ito kay Maria, kay Jose na naguguluhan, at sa mga pastol sa kadiliman.
“Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!” (Lucas 2:13-14)
Ang awiting ”It is Well” ay mabuting paglalarawan ng isang taong may mabigat na suliranin, ngunit mayroon parin siyang kapayapaan sa kalooban. Ngunit ang tanong: Posible ba talaga ang maging payapa kahit may mabigat na problema sa buhay?
*Nang malaman ni Maria na siya ay magbubuntis - naguluhan siya.
*nang malaman ni Jose na may sanggol sa sinapupunan ni Maria - naguluhan din siya. Sino naman ang hinde?
*ang mga pastol ay hindi natutulog ng gabi, hindi nila nababantayan ang kanilang sariling pamilya sa panahon pa na may digmaan sa bansang Israel. Sakop sila ng mga Romano. Wala silang kapayapaan.
Ngunit sinasabing mga angel na, “darating ang kapayapaan sa lupa”. At ito ay magaganap dahil sa paghahari ng Diyos sa langit.
Posible ito ayon sa mga angel. Ngunit paano?
Una nating tingnan, Ano ba ang kabaligtaran ng kapayapaan? What are the causes of lack of peace?
: takot o fear on certain things, like danger, alam mong may kasalanan kang ginawa o may utang ka at alam mong sisingilin ka na. Kapag alam mong may panganib at kailangan mong puntahan ang isang lugar.
: insecurity, people may compare themselves to others at alam nilang may mas magaling sa kanila.
: uncertainty, kapag wala kang idea kung ano ang mangyayari. Example ay kapag wala kang control sa mga nangyayari sa buhay mo.
ANG MGA ANGEL.
Gusto kong sabihin na ang mga angel ay mga ambasador ng Diyos. Sila ay mga kumakatawan sa Panginoon dito sa lupa. Ang kanilang trabaho ay ang pagtagpuin ang lupa at langit. Dinadala nila ang presensya ng Diyos sa lupa.
Kahit tayong mga tao, kapag dinadala natin ang presensya ng Diyos sa ating kapwa tao, tayo nagiging parang angel na rin sa mga taong natutulungan natin. Aralin natin isa-isa ang mga dahilan kung paano dumarating ang Kapayapaan ng Diyos sa kwentong ito ng mga angel at mga pastol. Narito ang mga outline natin;
1. Nagkaroon ng Connection ang Kalangitan sa Kalagayan ng mga Pastol.
2. Nagkaroon ng Pag-pupuri sa Diyos.
3. May Mensahe ng Kapayapaan.
Isa-iahin natin ang mga ito, at idalangin natin na patnubayan tayo ng Diyos habang tayo ay nagbubulay.
1. Una, sa pagdating ng mga angel, nagkaroon ng Connection ang Kalangitan sa Kalagayan ng mga Pastol.
Ang kawalan ng kapayapaan ay nagaganap kapag sa pakiramdamn ng mga tao, wala na silang masasandigan. Kapag sa kanilang pakiwari, ang Diyos ay wala. Katulad ng Awit 13:1-2,
1Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin? Gaano katagal kang magtatago sa akin? 2Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin? Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?
Ang kapayapaan ay nagaganap kapag nagkakaroon ng tulay o hagdan na nag-uugnay sa lupa at langit. Isa sa mga halimbawa ay noong si Jacob ay gulong-gulo dahil sa takot na siya ay papatayin ni Esau. Nais makipag-kita ni Jacob kay Esau noong siya natulog na nangangamba. At nanaginip siya ng mga angel na manhik-manaog sa langit.
Ang kapayapaang kaloob ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kasiguruhan na hindi tayo tinalikuran ng Diyos. Ang kapayapaang ito ay katibayan ng katapatan ng Diyos sa ating buhay kanyang mga anak. Ang Diyos ay mabuti, tapat at mapagkakatiwalaan.
2. Pangalawa, mula sa langit ay nagkaroon ng pag-aawitan ng papuri sa Diyos.
Kapag walang kapayapaan, napakahirap umawit ng papuri.
Nasubukan mo na ba ang pagkakaroon ng awayan sa inyong tahanan, at pagkatapos ay sinubukan mong umawit. Dahil sa lungkot na nararamdaman, makikita mo na hirap kang umawit ng masaya. Lalo na kapag ang aawitin ay papuri sa Diyos. Kaya noong ang mga Israelita ay binihag ay pina-awit ng papuri sa Diyos, ganito ang kanilang malungkot na inawit:
"Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin? Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem; di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin. (Awit 137:4-6)
Hindi madali ang umawit ng papuri kung walang kapayapaan. Ang mga Israelita noon ay sakop ng malulupit na mga Romano. Wala silang kapayapaan.
Ngunit umawit ang mga angel ng tungkol sa kapayapaan dahil may dalang kapayapaan ang Diyos sa mga pastol.
Ang awit ng pagpupuri ay nakabatay sa nangyayari sa ating buhay.
*nagpupuri tayo dahil tayo ay pinagpala.
*nagpupuri tayo dahil tayo iniligtas.
*tayo ay nagpupuri dahil tinupad ng Diyos ang kanyang pangako.
May malalim na dahilan kung bakit nagpupuri ang bawat Kristiano sa Diyos. Ang pag-awit ng mga angel ay tanda na may gagawin ang Diyos sa kanilang buhay.
Ang pagpupuri ay hindi lamang boses na lumalabas sa bibig. Ito ay panlabas na larawan kung ano ang nasa ating mga puso. Inaawit natin ang ginawa ng Diyos sa ating buhay.
Umawit ang mga angel dahil may magaganap na kapayapaan.
3. Ang Mensahe ng Kapayapaan.
Pangatlo, ang mensahe ng awitin ng mga angel ay kapayapaan.
Ang kapayapaang tinutukoy dito ay hindi lamang damdamin o feelings. Hindi ito yung pagkukunwaring masaya kahit malungkot. May mga tao kasi na magaling magtago ng lungkot. Umiiyak sa loob pero nakangiti pa rin kahit durog na ang puso sa kulungkutan.
Ang awitin ng mga angel ay imbitasyon upang maranasan ng mga pastol ang kapayapaan ng Diyos.
a. imbitasyon upang huwag nang matakot, v. 10.
b. imbitasyon upang magdiwang, v.10b
c. imbitasyon upang makita si Jesus na ipinanganak, v. 12
Ang kapayapaang kaloob ng Diyos ay para sa lahat.
Ito ay maari nating maranasan kung hahapin natin sa ating buhay ang ipinanganak na Principe ng Kapayapaan.
Ang pangatlong bunga ng Espiritu ay Kapayapaan. Ito ang sagot ng Diyos upang hindi na tayo mamuhay sa pagkabalisa, takot at kawalan ng kasiguruhan.
Paano magkaroon ng tunay na kapayapaan?
a. Magtiwala sa Diyos palagi.
Ayon sa 1 Pedro 5:7, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”
b. Papaghariin ang Kapayapaan ng Diyos sa puso at kalooban.
Sabi sa Filipos 4:7, “At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”
Colosas 3:15, “Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.”
c. Ibahagi ang kapayapaang kaloob ng Diyos.
Sabi sa Santiago 3:18,
“Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.”
______________________________
Sermon 4
Katiyagaan ni Simeon
Lucas 2:25-35
Kwento:
Noong ako ay nagsisimulang magmaneho, ang habilin sa akin ay, “Ang aksidente ay madalas mangyari sa mga nagmamadali, sa mga walang pasensya at hindi marunong maghintay.” Natutunan kona hindi lamang ito sa pagmamaneho nangyayari. Maging sa lahat ng larangan ng buhay, totoo pa rin ang kasabihang, “Ang may tiyaga, may nilaga.”
Ang kwento ni Simeon ay halimbawa ng katiyagaan.
Ayon sa ating talata,
a. Katiyagaan sa paghihintay.
Siya ay naghihintay sa katubusan ng Israel, v. 25
Alam ninyo, mahirap yung naghihintay. Lalo kapag ang hinihintay mo ay “indianero”, o laging late. Ang mga Isrealita ay naghintay ng matagal bago natupad ang kapanganakan ni Jesus. Isinulat ang Aklat ni Isaias, ng 800 years bago ito natupad.
Alam ba ninyo na namatay si Jose Rizal noong 1896 na umaasang lalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop? Pero kinilala lamang tayong malayang bansa noong July 4, 1946 at si Roxas ang unang pangulo ng ating malayang republika. At ito ay matagal na hinintay ng ating mga ninuno na nakipaglaban para sa kalayaan.
Si Simeon ay matagal na naghintay para sa pagsilang ng Messias.
b. Katiyagaan sa pananalig.
Ang ginawang pananalig ni Simeon sa pangako ng Diyos ay pambihira. Naghintay siya dahil siya ay naniniwala sa pangako ng Diyos. Tandaan na ang pananalig ay "paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita".
Ang Biblia ay puno ng kwento ng mga taong matiyagang naghintay sa Diyos at hindi sila nabigo.
Halimbawa si Abraham ayon sa Hebreo 6:13-15;
v13Nang mangako ang Diyos kay Abraham, siya'y nanumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako. Dahil wala nang nakakahigit pa sa kanya, nanumpa siya sa sarili niyang pangalan. v14Sinabi niya, "Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at ang lahing magmumula sa iyo ay aking pararamihin." v15Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya.
c. Katiyagaan na hindi siya namatay agad bagama't matanda na siya.
Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Cristo na ipinangako ng Panginoon. v.26.
At hindi lamang siya basta lang naghintay, dahil tumatanda siya sa edad, humihina ang kanyang katawan. Pero hindi siya mamatay hangga’t hindi niya nakikita ang sanggol na si Jesus.
May mga nagsasawang maghintay, at sabi nila, “Gusto ko nang mamatay!”
Pero si Simeon, “Ayaw kong mamatay, hangga’t hindi ko nakikita si Jesus!”
Malaking katiyagaan ito!
Maging Matiyaga
Mabuting halimbawa si Jacob pagdating sa tiyaga sa panliligaw. Ang ibang kabataan sa ating panahon, isang text lang napapasagot na sila ng mga nanliligaw. Totoo po ba ito mga kabataan? Pero si Rachel ay niligawan ng pitong taon! At matiyaga namang nanligaw si Jacob.
Ang Katiyagaan ng Diyos
Alam ba ninyo na matiyaga rin ang Diyos? Basahin natin sa Biblia,
Ayon sa 2 Pedro 3:9, “Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, siya ay matiyagang nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.”
Paano Maging Matiyaga?
Sa tulong ng Banal na Espiritu, tayo ay dapat maging matiyaga. Paano?
a. Maging Matiyaga sa Paghihintay sa Diyos.
May mga pagkakataon na tayo ay naghihintay sa katuparan ng mga pangako ng Diyos, at minsan, matagal bago ito mangyari. Ngunit tulad ng Diyos, dapat din tayong maging matiyaga.
Ayon sa Psalm 27:14 (ESV),
“Wait for the Lord; be strong,
and let your heart take courage; wait for the Lord!”
Tutuparin ng Diyos ang kanyang mga pangako sa kanyang panahon at hindi sa oras na gusto natin.
b. Maging Matiyaga Alang-alang sa mga kapatid sa Panginoon
Sabi sa Efeso 4:2, “Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.”
Huwag nating iisipin na mas mabuti tayo kaysa iba. Ito ay masamang ugali kung kaya nagiging “judgemental” ang iba. Tandaan na kung nagkakamali ang iba, ay gayun din tayo. Maging matiyaga sa pagpapatawad sa iba, gaya ng sabi sa Biblia, (Galacia 6:9)
“Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.”
Ang katiyagaan sa kapwa tao ay katibayan ng tunay na pag-ibig natin sa kapwa.
Ayon sa 1 Corinto 13:4, "Ang pag-ibig ay matiyaga."
c. Maging Matiyaga sa Pananalangin
Ang katugunan sa ating mga hiniling sa Diyos ay hindi dapat minamadali. Tayo humuhiling sa Diyos, at hindi tayo nagbibigay utos sa Diyos. may kalayaan ang Diyos kung kailan at kung paano niya tutugunan ang ating mga panalangin.
Ayon sa Mga Awit 27:14, “Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!”
Ang pagitityagang Kristiano ay pananalig na naghihintay.
d. Panghuli, upang maging mabunga tayong mga anak ng Diyos, maging matiyaga tayo sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos.
Hindi madali ang magbahagi ng Salita ng Diyos, at lalong hindi madali ang pagbabago sa isang tao. Ang kaligtasan ay hindi minamadali, dahil ito ay proseso ng paglago. Ito ay gawain ng Diyos ayon sa oras at panahon na kanyang itinakda. Ang bahagi natin ay magtanim at maghintay.
Ang ika-apat na bunga ng Espiritu ay Katiyagaan.
Nakita natin ito sa halimbawa si Simeon, nawa’y magbunga rin ang ating pananampalataya ng ganitong bunga hanggang dumating na muli ang Panginoon.
Sa ngayon, mag-hintay muna tayo, hanggang sa muli niyang pagdating. Amen.
_________________________
Sermon 5
v.19, “Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim.”
Ito ay pambihirang talata para sa akin.
Ayon sa kulturang Pinoy, si Jose ay mapapahiya at maaring pagtawanan sa kalagayang ito. Siya ay magiging biktima ng pang-insulto ng ibang tao.
Ngunit sa halip na iligtas ang sarili sa pag-alipusta ng mga tao, si Maria pa ang nais niyang iligtas? Parang mahirap maging mabait sa ganitong kalagayan?
Isang mabuting aral ang ating maririnig ngayong gabi. Ito ay tungkol sa bunga ng Espiritu, ang pagiging mabait.
Ang kabaitan ay ang Tagalog equivalent ng “kindness”.
Sa Griego, kung paano ito ginamit sa Galatia 5:22, ay
Tulungan nawa tayo ng Diyos habang tayo ay nakikinig ng kanyang salita.
Ang χρηστότης (chrēstotēs) ay pagiging mabuti (goodness) , magaling (excellence) at pagiging matuwid (righteousness).
Kung napansin ninyo, ang paraan ng aking pagtalakay ay paggamit ng "contrast" sa mga topiko. Tinatalakay ko ang kabaligtaran ng tema. Sa sermong ito, aking muling itatanong
Ano ang Kabaligtaran ng Pagiging Mabait?
1. ang kabaligtaran ng goodness ay selfishness, at destructiveness.
2. excellence, ang kabaligtaran nito ay pagiging karaniwan (average), having no or low standards (o kahit paano pwede na)
3. ang righteouness naman, ang kabaligtaran ay evil, chaotic at ungodly.
Mapapansin mga kapatid, na ang goodness, excellence at uprightness ay mga description ng character o mabuting pagkatao. Hindi sila tulad ng salitang mapagbigay, matulungin at iba pa.
Maaring magkunwari sa pamamagitan ng pagbibigay, ngunit hindi sa pagiging mabait.
Ang pagbibigay ay maaring maging pagkukunwaring ugali, ngunit, pagkakaroon ng mabuting kalooban ay sumisibol na kabutihan sa pusong tao.
Ang Kabaitan ni Jose
Sinasabi ng Biblia na si Jose ay, matuwid o righteous person.
Paano niya ito ipinakita?
1. Una, mabait siya dahil ayaw niyang mapahiya si Maria. Sa biglang tingin, maaring isipin ni Jose na nagtaksil si Maria. Ngunit sa tagpong ito, halata na awa ang nararamdaman ni Jose at hindi galit.
Madaling isipin na galit ang mararamdaman ni Jose. Dahil siya ay "Nagmahal - pinagtaksilan - nasaktan ! "
Maaring ganito ang sasabihin ng iba. "Mag-iganti ka Jose, kailangang parusahan mo si Maria!"
Maaring nasaktan siya, ngunit kapakanan ni Maria ang kanyang inuuna, bago ang sarili.
Sa totoo lang, maari niyang ipapatay si Maria.
Ayon Lumang Tipan, sa Leviticus 20:10 "If a man commits adultery with another man's wife--with the wife of his neighbor--both the adulterer and the adulteress must be put to death."
Ngunit pinili ni Jose na hiwalayan na lamang si Maria.
2. Pangalawa, masasabing mabait si Jose dahil sa kanyang pagiging matuwid na tao (righteousness). Mapapansin na si Jose ay kinakausap ng Diyos. Ito ay patunay na siya ay isang mabuting tao. Nakaugnay siya sa Diyos na banal.
3. Pangatlo, mayroon siyang pusong nakahandang sumunod sa utos ng Diyos. Hindi madali ang sumunod sa paraan ng Diyos, lalo na kapag ang utos ay nangangailangan ng sakrispisyo ng pagtalikod sa sarili.
Maging Mabait Tayo
Ang pagiging mabait ay hindi lamang isang damdamin. Ito ay nararapat sa kalooban bilang bunga ng Espiritu Santo sa ating mga Kristiano. Paano natin ito gagawin?
a. Maging mabait kahit may nagkasala laban sa iyo.
b. Maging mabait sa mga nakasakit sa iyo.
c. Maging mabait - maging generous sa pagbibigay papuri at pasasalamat sa halip na batikos o criticismo.
d. Maging mapagbigay at matulungin.
Maging ilaw tayo sa iba sa pamamagitan ng paggawa ng kabaitan. Tulad ng habilin ng Panginoon,
"16 Let your light so shine before men, that they may see your good works and glorify your Father in heaven." (Matthew 5:16).
____________________________
Sermon 6: Ang Kabutihan ni Hana (Goodness)
Luke 2:36-37; Galatians 5:22
Ang bunga ng Espiritu na ating tatalakayin ngayon ay "kabutihan" o goodness.
Minsang narinig ko na sinabi, "Mahirap maging mabuti palagi, aabusuhin ka ng mga tao mapagsamantala."
Ito marahil ang iniiwasan ng iba, kung kaya ayaw nilang maging mabuti sa lahat ng oras.
Gayunman, ang Diyos ng kabutihan ang nagsasabi sa atin na maging mabuti tayo sa lahat ng pagkakataon.
Ang Kabutihan
1. Ang Kabutihan ng Diyos
Lagi nating sinasabi na "ang Diyos ay mabuti o God is good". Ngunit ano ang ibig sabihin nito?
Ang kabutihan ng Diyos ay ang kanyang kabanalan. Purong kabutihan ang Diyos. Walang masama na nanggagaling sa Diyos. Pawang mabuti ang kanyang binabalak, ginagawa at ang kanyang nais.
2. Ang kabutihan ng tao.
Kapag sinasabi nating mabuti ang isang tao, siya ay gumagawa ng tamang gawain sa tamang pagkakataon. Halimbawa dito ang pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan. Hindi tayo banal tulad ng Diyos. Ngunit may pagkakataon tayo na gumawa ng kabutihan ayon sa pangangailangan.
Una, ang kabanalan ng tao ay hiram sa Diyos. Ang ating pagiging banal ay kaloob ng Diyos sa atin bilang mga anak ng Diyos. Ang bunga ng Espiritu ay paraan ng ating pamumuhay a Espiritu na tumatahan sa atin. Ang Kabutihan ay Bunga ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay.
Pangalawa, ang kabutihang gawa ng tao ay nagbibigay lugod sa Diyos (acts pleasing to God). Ang Diyos lamang ang nakakasukat kung ano ang mabuti. Anumang nakalulugod sa Diyos ay pasado sa pamantayan ng kabutihan ng Diyos. Nasasabi natin na mabuti ang isang gawa kapag ito ay nakalulugod sa Panginoon.
1. Mabuting halimbawa si Hana sa tapat niyang paglilingkod bilang propeta.
Si Hana ay isang matandang propeta ng Diyos. 84 years na siyang balo, nagsama sila ng kanyang asawa ng 7 years. Kung nag-asawa siya ng ng 20 years old, siya ay 85 + 7+ 20 = 112 years old.
Siya ay lingkod ng Diyos hanggang sa panahon ng kanyang katandaan. Pumuti na ang buhok niya sa paglilingkod sa Panginoon.
Ito ang dapat nating tandaan, "Walang retirement sa paglilingkod sa Diyos!" Ang iglesia ay may lugar palagi para sa mga matatandang naglilingkod sa Diyos.
Kahit ang iglesiang ito ay hindi titindig kung wala ang mga matatandang miembro. O matatandang pastor at deakonesa. Sinasabi sa Kawikaan 16:31,
"Ang mga uban (puting buhok) ay putong ng karangalan,
ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay."
Ang tinutukoy dito ay mga taong pumuti ang buhok, hindi dahil sa pagtanda sa edad, kundi pa naman, sa pagtanda sa pamumuhay na matuwid. Tumanda sila sa pamumuhay sa kabanalan.
2. Halimbawa si Hana sa Kabutihan sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapatuloy sa Minanang Pananampalataya. (He continued the faith legacy of his father, Phenuel)
Binanggit ang pangalan ni Phenuel sa talatang ito. Ibig sabihin, siya ay kilalang tao sa panahon ng mga unang Kristiano. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay mahalaga rin. Phenuel - ibig sabihin, "isang nakakita sa mukha ng Diyos". Si Phenuel, ay isang maka-diyos na ama, ay nagkaroon ng isang anak na maka-diyos din.
May pagkakataon na ang ating kabutihan ay minanang kabutihan na natutunan natin sa mga mabuting halimbawa ng ating mga magulang.
3. Binanggit din ang pangalang Asher na kanyang ninuno.
Si Asher ay pangalan ng isang tribu sa Israel na naging alipin sa ibang bansa, ngunit kasamang bumalik sa Lupang Pangako. Sila ay tribu na nanirahan sa lawak ng Galilea.
Marihing sinasabi ng mga taga Isreal na: "Walang propetang manggagaling sa Galilea." (Juan 7:52)
Maaring ito ay pagmamaliit sa mga taga-Galilea. Dahil sila ay rebeldeng tribu. Mas kilala sila sa pagiging makabayan. Kung baga sa ating panahon, pugad sila ng mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit ito ay isang prejudice statement, dahil si Propeta Jonah ay nanggaling sa Gath-epher sa Galilea (2 Kings 14:25).
Tema: "Magbunga ng Marami Ngayong Pasko"
Mga Taga-Galacia 5:22-23
Sermon Topics: Mga Bunga ng Espiritu, sa Halimbawa ng mga Tauhan ng Pasko
1. pag-ibig, ng Diyos (Juan 3:16) (Dec. 17, Ptr. Jess)
2. kagalakan, ng mga pastol, (Dec 16, Ptr. Jess)
3. kapayapaan, ng mga angel (Dec. 18, Ptr. Sam)
4. katiyagaan, ni Simeon (Dec. 19, Sis. Elsie)
5. kabaitan ni Jose
6. kabutihan, ni Hana
7. katapatan, Maria, Dss. (Dec. Grace)
8. kahinahunan, Mga Matatalinong Mago at
9. pagpipigil sa sarili. Ang Pagkukulang ni Herodes
Ang pagbubunga ng isang puno ay nakasalalay sa kalusugan ng puno, ng kanyang mga ugat, sa halaman, tangkay at mga dahon. Ang panloob na kalusugan ng puno ay ang susi upang maging mabunga.
Gayundin ang isang Kristiano. Ang ating pagbubunga ay nakabatay sa ating kalusugang espiritual. At ito ay nakikita sa bunga ng ating karakter o pagkatao.
Sa Paskong ito ng 2018, aaralin natin ang mga bunga ng Espiritu, sa buhay ng mga tauhan ng Pasko.
Umani nawa ang Diyos ng maraming bunga mula sa ating pagkatao ngayong Pasko. Maging mabunga nawa tayong sanga ng ating puno, ang Panginoong Jesus na nagsabing, “Ako ang puno, kayo ang mga sanga. Magbunga kayo ng marami.”
_____________________
Sermon 1. Ang Bunga ng Pag-ibig Ngayong Pasko
Galatia 5:22; John 3:16
Illustration:
Isa sa mga pinaka-kilalang awit pambata ay ang “Jesus Loves Me”.
Jesus loves me this I know
For the bible tells me so
Little ones to him belong
They are weak but he is strong
Ang awitin ay likha para sa novelang , "Say and Seal", na published noong 1860.
Tungkol ito sa kwento ng isang bata, si Johnny na may sakit at agaw buhay. Siya ay kalong ng kanyang Sunday School teacher na si John Linden. Nakiusap si John, ang teacher na kantahan siya ni Johnny. Inawit ni Johnny ang “Jesus Loves Me”.
“Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak.”
A. Ito ang ugat ng lahat ng kabutihan: ang pag-ibig ng Diyos.
Kapag wala ng pag-ibig, maging ang pinakamahalagang relasyon ay nawawalan ng kabuluhan. Pag-ibig ang ugat ng katapatan. Kahit ang gawang kabutihan ay nagiging pagkukunwari kapag walang pag-ibig.
“Kahit tumulong ako sa mahihirap, at ibigay ko pa ang sarili ko bilang handog na susunugin, kung wala akong pag-ibig, ito ay walang saysay.” (1 Cor. 13:3).
Ibig sabihin, kahit ang pagkakaloob ng pinakamahal na regalo ngayong Pasko, kung hindi ito bunsod ng tunay na pag-ibig, ito ay walang kabuluhan.
Kung kaya, maging ang Pasko ay magiging totoo lamang kung dadaloy ang pag-ibig na mula sa Diyos, tungo sa ating mga buhay papunta sa buhay ng ibang tao.
B. Ano ang Kabaligtaran ng Pag-ibig?
Ang pagkagalit (hatred) ay kabaligtaran ng pag-ibig. Ang galit ay nararamdamn kapag mayroon tayong nais, ngunit hindi nasunod. Kapag ang ating kalooban ay binale-wala. Dahil dito, ang isang nakatataas (maykapangyarihan, magulang o ang Diyos), ay nagpaparusa sa nagkasala. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay nagpaparusa ng kasalanan. At ang bayad ng kasalanan ay kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit ang unang mensahe ng Pasko ay isang babala o warning mula kay Juan Bautista,
Mababasa sa Mateo 3:10, ang ganito,
“Ngayon pa lamang ay nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
Ito ay tungkol sa poot ng Diyos sa taong makasalanan.
Ang dahilan kung bakit napopoot ang Diyos ay kapag ang “puno ay hindi mabuti”.
Kapag ang sanga sa puno ay walang bungang pakinabang.
Kaya nga sabi ni John Wesley, “upang maligtas, dapat nating takasan ang poot na ito ng Diyos” (to escape this wrath that is to come).
Ang pagtanggap sa galit ng Diyos ay karapat-dapat sa atin, dahil, “tayo ay mga kaaway ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan.” (Efeso 2:1).
Nagkasala tayong lahat at karapat-dapat parusahan. Hindi tayo nararapat tumanggap ng pag-ibig ng Diyos.
ANG PAG-IBIG NG DIYOS
Tayo ay inilarawan ng Biblia bilang mga alibughang anak. Nagkasala tayo at lumayo. Hindi na tayo karapat-dapat sa paningin ng Diyos upang maging anak ng Banal na Panginoon. Ngunit, sa ating paglayo tayo ay,
tinawag ng Diyos,
tayo hinanap.
Sa sinumang magbabalik loob sa Diyos,
hindi sampal, hindi suntok
hindi parusa ang tatanggapin, kundi pagpapatawad.
pag-ibig, hindi poot ang ipagkakaloob ng Diyos.
ANG DIYOS AY PAG-IBIG
Ito ang dahilan kung bakit iniligtas tayo ng Diyos sa kanyang sariling poot. Dahil mas higit ang kanyang pag-ibig kaysa kanyang galit. Laging nangingibabaw ang pag-ibig ng Diyos, kahit karapat-dapat ang kanyang poot sa atin.
Magbunga ng Pag-ibig: Practice Loving People
a. Upang maging mabunga ang ating Pasko, tumulad tayo sa Diyos na umii-ibig kahit sa mga hindi dapat ibigin na tulad natin.
b. Magpatawad gaya ng Diyos na nagpatawad sa ating mga kasalanan.
c. Magbigay
Magbunga tayo ng pag-ibig, hindi poot, gaya ng ating sinasambang Diyos na dumating upang iligtas ang kanyang mga kaaway na nagkasala laban sa kanya. Tayo po iyon.
_________________
Sermon 2
Ang Bunga ng Kagalakan
Lucas 2:20
“Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.”
Ang pinaka-masaklap sa buhay ay ang karanasan ng matinding kalungkutan. Kahit nabubuhay ka pa na may laksa-laksang kayamanan, kung malungkot naman ang buhay mo, wala rin itong kabuluhan.
Ang pagkakaroon ng kagalakan sa buhay ay hindi nabibili ng salapi.
Ito ay bunga ng Espiritu sa ating buhay bilang mga Kristiano.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Apostol Pablo,
“Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!” - (Filipos 4:40)
Ang susunod na bunga na inaasahan mula sa atin na tumanggap na sa Cristo ng Pasko ay ang kagalakan.
Kalungkutan, Kabaligtaran ng Kagalakan
Mga sanhi ng depression o malalim na kalungkutan. Ayon Article na Depression (www.webmd.com)
1. Karanasan ng pang-aabuso, Ang mga na-abusong tao ay malungkutin.
2. Ilang mga gamot na iniinom. Tulad ng isotretinoin, gamot sa taghiyawat
3. Away o pangyayari sa buhay tulad ng kamatayan ng isang mahal sa buhay.
4. Sakit, o mga pangyayari sa buhay tulad ng paghihiwalay, retirement, pagkakasakit, kahirapan o stress.
5. Maari ring genetic. May mga taong sadyang malungkutin o kahit walang dahilan.
Anuman ang sanhi ng kalungkutan, hindi ito mabuting damdamin. Ang ating Diyos ay Diyos ng kasiyahan, ng tuwa at galak. Hindi niya nais na manatili tayo sa kalungkutan.
Isa pa, ang kalungkutan ay nagbubunga ng pagkawala ng gana sa buhay. Ito rin ay nakakahawa o contagious. Kapag malungkot tayo, apekto yung mga kasama natin at natatangay ng ating negatibong damdamin.
Ang Kalungkutan ng mga Pastol
Ang mga pastol ay mahihirap,
nakikipag-trabaho sila ng gabi, para maka-rahos sa kanilang kahirapan.
Hindi sila mga relihiyosong tao, kaya hindi sila kinikilala sa lipunan.
Madalas pa silang mapagbintangang mga magnanakaw, dahil sa kanilang antas ng buhay.
Dumating ang mga angel sa mga pastol sa gitna ng madilim na gabi. Sa parang habang nagbabantay ng mga tupa na hindi naman kanila. Hindi nila kasama ang kanilang mga anak na maaring naiwan sa bahay. Para silang mga guardiya na nagbabantay sa bahay ng iba, at hindi nababantayan ang sariling tahanan. Malungkot ang kanilang buhay.
Sa pagdating ng mga angel, ang kanilang balita ay: "Kapayapaan sa inyo." (v10)
Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao."
May tugon ang Diyos upang mapawi ang kalungkutan ng tao.
Dahilan ng Kagalakan ng mga Pastol
1. Ang mabuting balita ay para sa lahat ng tao, kasama ang mga pastol. May mabuting balita na para lang sa iilan. Nagbigay ng scholarship sa taga baryo. Ngunit dumating ang taga ibang baryo. Sabi ng teacher, “Hindi po kayo kasali sa scholarship. Taga ibang baryo po kasi kayo.”
2. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
“Inyo” - ibig sabihin, kasama sila sa ililigtas ng Panginoon. Para sa kanila ang balitang ito.
3. sa verse12, “Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
Mararanasan nila ng malapitan ang ebidensya na totoo ang balita.
Dalawang paraan para makapanood ng , basketball game sa PBA, concert o boxing. Pwede sa broadcast sa TV, o manood ng live. Bakit po may nagbabayad ng mahal, makapanood lang ng live? Gusto kasi nila, makita nila ng personal yung laban ni Pacquiao. Sabi nila, “Sulit kapag nandoon ka ng personal.”
Kapag ang panonood ay personal, ito ay isang mas malalim na karanasan. Hindi lamang ito balita.
May dalawang applications ang sermon na ito para sa atin:
1. Kung personal mong kakatagpuin si Jesus ngayong Pasko, mauunawaan mo kung ano ang masayang pakiramdam ng mga pastol. Umalis tayo sa kalungkutan at tanggapin ang kagalakang kaloob ni Jesus.
2. Pangalawa, magdala tayo ng kagalakan sa puso ng ibang tao na malungkot. May kakilala ka bang tao na maaring malungkot siya ngayong Pasko? Bakit hindi mo siya dalawin at ipanalangin? Bigyan mo kaya siya ng regalo?
_______________________
Sermon 3
Bunga ng Kapayapaan (Angel at mga Pastol)
Lucas 2:8-20
Ang pangatlong bunga ng Espiritu sa ating buhay Kristiano ay Kapayapaan. Ang mga angel ay dumating dala ito kay Maria, kay Jose na naguguluhan, at sa mga pastol sa kadiliman.
“Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!” (Lucas 2:13-14)
Ang awiting ”It is Well” ay mabuting paglalarawan ng isang taong may mabigat na suliranin, ngunit mayroon parin siyang kapayapaan sa kalooban. Ngunit ang tanong: Posible ba talaga ang maging payapa kahit may mabigat na problema sa buhay?
*Nang malaman ni Maria na siya ay magbubuntis - naguluhan siya.
*nang malaman ni Jose na may sanggol sa sinapupunan ni Maria - naguluhan din siya. Sino naman ang hinde?
*ang mga pastol ay hindi natutulog ng gabi, hindi nila nababantayan ang kanilang sariling pamilya sa panahon pa na may digmaan sa bansang Israel. Sakop sila ng mga Romano. Wala silang kapayapaan.
Ngunit sinasabing mga angel na, “darating ang kapayapaan sa lupa”. At ito ay magaganap dahil sa paghahari ng Diyos sa langit.
Posible ito ayon sa mga angel. Ngunit paano?
Una nating tingnan, Ano ba ang kabaligtaran ng kapayapaan? What are the causes of lack of peace?
: takot o fear on certain things, like danger, alam mong may kasalanan kang ginawa o may utang ka at alam mong sisingilin ka na. Kapag alam mong may panganib at kailangan mong puntahan ang isang lugar.
: insecurity, people may compare themselves to others at alam nilang may mas magaling sa kanila.
: uncertainty, kapag wala kang idea kung ano ang mangyayari. Example ay kapag wala kang control sa mga nangyayari sa buhay mo.
ANG MGA ANGEL.
Gusto kong sabihin na ang mga angel ay mga ambasador ng Diyos. Sila ay mga kumakatawan sa Panginoon dito sa lupa. Ang kanilang trabaho ay ang pagtagpuin ang lupa at langit. Dinadala nila ang presensya ng Diyos sa lupa.
Kahit tayong mga tao, kapag dinadala natin ang presensya ng Diyos sa ating kapwa tao, tayo nagiging parang angel na rin sa mga taong natutulungan natin. Aralin natin isa-isa ang mga dahilan kung paano dumarating ang Kapayapaan ng Diyos sa kwentong ito ng mga angel at mga pastol. Narito ang mga outline natin;
1. Nagkaroon ng Connection ang Kalangitan sa Kalagayan ng mga Pastol.
2. Nagkaroon ng Pag-pupuri sa Diyos.
3. May Mensahe ng Kapayapaan.
Isa-iahin natin ang mga ito, at idalangin natin na patnubayan tayo ng Diyos habang tayo ay nagbubulay.
1. Una, sa pagdating ng mga angel, nagkaroon ng Connection ang Kalangitan sa Kalagayan ng mga Pastol.
Ang kawalan ng kapayapaan ay nagaganap kapag sa pakiramdamn ng mga tao, wala na silang masasandigan. Kapag sa kanilang pakiwari, ang Diyos ay wala. Katulad ng Awit 13:1-2,
1Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin? Gaano katagal kang magtatago sa akin? 2Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin? Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?
Ang kapayapaan ay nagaganap kapag nagkakaroon ng tulay o hagdan na nag-uugnay sa lupa at langit. Isa sa mga halimbawa ay noong si Jacob ay gulong-gulo dahil sa takot na siya ay papatayin ni Esau. Nais makipag-kita ni Jacob kay Esau noong siya natulog na nangangamba. At nanaginip siya ng mga angel na manhik-manaog sa langit.
Ang kapayapaang kaloob ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kasiguruhan na hindi tayo tinalikuran ng Diyos. Ang kapayapaang ito ay katibayan ng katapatan ng Diyos sa ating buhay kanyang mga anak. Ang Diyos ay mabuti, tapat at mapagkakatiwalaan.
2. Pangalawa, mula sa langit ay nagkaroon ng pag-aawitan ng papuri sa Diyos.
Kapag walang kapayapaan, napakahirap umawit ng papuri.
Nasubukan mo na ba ang pagkakaroon ng awayan sa inyong tahanan, at pagkatapos ay sinubukan mong umawit. Dahil sa lungkot na nararamdaman, makikita mo na hirap kang umawit ng masaya. Lalo na kapag ang aawitin ay papuri sa Diyos. Kaya noong ang mga Israelita ay binihag ay pina-awit ng papuri sa Diyos, ganito ang kanilang malungkot na inawit:
"Ang awit para kay Yahweh, pa'no namin aawitin, samantalang kami'y bihag sa lupaing hindi amin? Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem; di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin. (Awit 137:4-6)
Hindi madali ang umawit ng papuri kung walang kapayapaan. Ang mga Israelita noon ay sakop ng malulupit na mga Romano. Wala silang kapayapaan.
Ngunit umawit ang mga angel ng tungkol sa kapayapaan dahil may dalang kapayapaan ang Diyos sa mga pastol.
Ang awit ng pagpupuri ay nakabatay sa nangyayari sa ating buhay.
*nagpupuri tayo dahil tayo ay pinagpala.
*nagpupuri tayo dahil tayo iniligtas.
*tayo ay nagpupuri dahil tinupad ng Diyos ang kanyang pangako.
May malalim na dahilan kung bakit nagpupuri ang bawat Kristiano sa Diyos. Ang pag-awit ng mga angel ay tanda na may gagawin ang Diyos sa kanilang buhay.
Ang pagpupuri ay hindi lamang boses na lumalabas sa bibig. Ito ay panlabas na larawan kung ano ang nasa ating mga puso. Inaawit natin ang ginawa ng Diyos sa ating buhay.
Umawit ang mga angel dahil may magaganap na kapayapaan.
3. Ang Mensahe ng Kapayapaan.
Pangatlo, ang mensahe ng awitin ng mga angel ay kapayapaan.
Ang kapayapaang tinutukoy dito ay hindi lamang damdamin o feelings. Hindi ito yung pagkukunwaring masaya kahit malungkot. May mga tao kasi na magaling magtago ng lungkot. Umiiyak sa loob pero nakangiti pa rin kahit durog na ang puso sa kulungkutan.
Ang awitin ng mga angel ay imbitasyon upang maranasan ng mga pastol ang kapayapaan ng Diyos.
a. imbitasyon upang huwag nang matakot, v. 10.
b. imbitasyon upang magdiwang, v.10b
c. imbitasyon upang makita si Jesus na ipinanganak, v. 12
Ang kapayapaang kaloob ng Diyos ay para sa lahat.
Ito ay maari nating maranasan kung hahapin natin sa ating buhay ang ipinanganak na Principe ng Kapayapaan.
Ang pangatlong bunga ng Espiritu ay Kapayapaan. Ito ang sagot ng Diyos upang hindi na tayo mamuhay sa pagkabalisa, takot at kawalan ng kasiguruhan.
Paano magkaroon ng tunay na kapayapaan?
a. Magtiwala sa Diyos palagi.
Ayon sa 1 Pedro 5:7, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”
b. Papaghariin ang Kapayapaan ng Diyos sa puso at kalooban.
Sabi sa Filipos 4:7, “At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”
Colosas 3:15, “Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.”
c. Ibahagi ang kapayapaang kaloob ng Diyos.
Sabi sa Santiago 3:18,
“Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.”
______________________________
Sermon 4
Katiyagaan ni Simeon
Lucas 2:25-35
Kwento:
Noong Second World War, natalo ang mga US Army laban sa mga Hapon. Maraming sundalo ang nahuli sa Bataan, at lumakad sa nakakapangilabot na 70 miles Bataan Death March. Ang hindi lalakad ng maayos ay pinapatay. Samantalang alam na ang mga nabihag ay mahihina ang katawan dahil sa pagod, gutom, uhaw at sakit. Ang mga nakaligtas ay ikinulong sa war camps sa Cabanatuan prison Camps ng mga Hapon.
Taong 1945, sa Liberation, mayroong 513 na sundalong Amerikano ang natagpuang buhay. Halos wala na silang pag-asa pa na maghintay na ililigtas sila ng mga kapwa Americanong sundalo. Lalo silang natakot noong mabalitaan nila na papatayin silang lahat ng mga Hapon.
Isa sa pinka-pambihirang kwento sa kasaysayan ng digmaan, Dahil naligtas ang mga bihag ng mga pwersang 120 Amerikano at 200 na Pilipino na sumagupa sa napakaraming Hapones maligtas lamang ang mga bihag na 513.
Ang nagkwento ay si Alvie Robbins, isa sa mga rescuers. Inilarawan niya kung ano ang pinagdaanan ng mga bihag sa k amay ng mga Hapones.

Wika ng isang sundalong bihag, “I thought we’d been forgotten,”
Sagot ni Robins, “No, you’re not forgotten, you’re heroes. We’ve come for you.”
Minsan, naiisip natin na wala nang pag-asa. Inaakala natin na nakalimutan na tayo ng Diyos.
Ngunit ang Pasko ay paalala sa atin, na "hindi tayo nakalimutan ng Diyos."
Wika ni Jesus, "Dumating ako para sa iyo."

(Source: The story of the Death March and Alvie Robbins is found in Hampton Sides, Ghost Soldiers: The Forgotten Epic Story of World War II’s Most Dramatic Mission)
Ang pagtitiyaga ay mabuting ugali. Ito ay isa sa mga bunga ng Espiritu Santo.
Noong ako ay nagsisimulang magmaneho, ang habilin sa akin ay, “Ang aksidente ay madalas mangyari sa mga nagmamadali, sa mga walang pasensya at hindi marunong maghintay.” Natutunan kona hindi lamang ito sa pagmamaneho nangyayari. Maging sa lahat ng larangan ng buhay, totoo pa rin ang kasabihang, “Ang may tiyaga, may nilaga.”
Ang kwento ni Simeon ay halimbawa ng katiyagaan.
Ayon sa ating talata,
a. Katiyagaan sa paghihintay.
Siya ay naghihintay sa katubusan ng Israel, v. 25
Alam ninyo, mahirap yung naghihintay. Lalo kapag ang hinihintay mo ay “indianero”, o laging late. Ang mga Isrealita ay naghintay ng matagal bago natupad ang kapanganakan ni Jesus. Isinulat ang Aklat ni Isaias, ng 800 years bago ito natupad.
Alam ba ninyo na namatay si Jose Rizal noong 1896 na umaasang lalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop? Pero kinilala lamang tayong malayang bansa noong July 4, 1946 at si Roxas ang unang pangulo ng ating malayang republika. At ito ay matagal na hinintay ng ating mga ninuno na nakipaglaban para sa kalayaan.
Si Simeon ay matagal na naghintay para sa pagsilang ng Messias.
b. Katiyagaan sa pananalig.
Ang ginawang pananalig ni Simeon sa pangako ng Diyos ay pambihira. Naghintay siya dahil siya ay naniniwala sa pangako ng Diyos. Tandaan na ang pananalig ay "paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita".
Ang Biblia ay puno ng kwento ng mga taong matiyagang naghintay sa Diyos at hindi sila nabigo.
Halimbawa si Abraham ayon sa Hebreo 6:13-15;
v13Nang mangako ang Diyos kay Abraham, siya'y nanumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako. Dahil wala nang nakakahigit pa sa kanya, nanumpa siya sa sarili niyang pangalan. v14Sinabi niya, "Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at ang lahing magmumula sa iyo ay aking pararamihin." v15Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya.
c. Katiyagaan na hindi siya namatay agad bagama't matanda na siya.
Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Cristo na ipinangako ng Panginoon. v.26.
At hindi lamang siya basta lang naghintay, dahil tumatanda siya sa edad, humihina ang kanyang katawan. Pero hindi siya mamatay hangga’t hindi niya nakikita ang sanggol na si Jesus.
May mga nagsasawang maghintay, at sabi nila, “Gusto ko nang mamatay!”
Pero si Simeon, “Ayaw kong mamatay, hangga’t hindi ko nakikita si Jesus!”
Malaking katiyagaan ito!
Maging Matiyaga
Mabuting halimbawa si Jacob pagdating sa tiyaga sa panliligaw. Ang ibang kabataan sa ating panahon, isang text lang napapasagot na sila ng mga nanliligaw. Totoo po ba ito mga kabataan? Pero si Rachel ay niligawan ng pitong taon! At matiyaga namang nanligaw si Jacob.
Ang Katiyagaan ng Diyos
Alam ba ninyo na matiyaga rin ang Diyos? Basahin natin sa Biblia,
Ayon sa 2 Pedro 3:9, “Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, siya ay matiyagang nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.”
Paano Maging Matiyaga?
Sa tulong ng Banal na Espiritu, tayo ay dapat maging matiyaga. Paano?
a. Maging Matiyaga sa Paghihintay sa Diyos.
May mga pagkakataon na tayo ay naghihintay sa katuparan ng mga pangako ng Diyos, at minsan, matagal bago ito mangyari. Ngunit tulad ng Diyos, dapat din tayong maging matiyaga.
Ayon sa Psalm 27:14 (ESV),
“Wait for the Lord; be strong,
and let your heart take courage; wait for the Lord!”
Tutuparin ng Diyos ang kanyang mga pangako sa kanyang panahon at hindi sa oras na gusto natin.
b. Maging Matiyaga Alang-alang sa mga kapatid sa Panginoon
Sabi sa Efeso 4:2, “Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.”
Huwag nating iisipin na mas mabuti tayo kaysa iba. Ito ay masamang ugali kung kaya nagiging “judgemental” ang iba. Tandaan na kung nagkakamali ang iba, ay gayun din tayo. Maging matiyaga sa pagpapatawad sa iba, gaya ng sabi sa Biblia, (Galacia 6:9)
“Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.”
Ang katiyagaan sa kapwa tao ay katibayan ng tunay na pag-ibig natin sa kapwa.
Ayon sa 1 Corinto 13:4, "Ang pag-ibig ay matiyaga."
c. Maging Matiyaga sa Pananalangin
Ang katugunan sa ating mga hiniling sa Diyos ay hindi dapat minamadali. Tayo humuhiling sa Diyos, at hindi tayo nagbibigay utos sa Diyos. may kalayaan ang Diyos kung kailan at kung paano niya tutugunan ang ating mga panalangin.
Ayon sa Mga Awit 27:14, “Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!”
Ang pagitityagang Kristiano ay pananalig na naghihintay.
d. Panghuli, upang maging mabunga tayong mga anak ng Diyos, maging matiyaga tayo sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos.
Hindi madali ang magbahagi ng Salita ng Diyos, at lalong hindi madali ang pagbabago sa isang tao. Ang kaligtasan ay hindi minamadali, dahil ito ay proseso ng paglago. Ito ay gawain ng Diyos ayon sa oras at panahon na kanyang itinakda. Ang bahagi natin ay magtanim at maghintay.
Ang ika-apat na bunga ng Espiritu ay Katiyagaan.
Nakita natin ito sa halimbawa si Simeon, nawa’y magbunga rin ang ating pananampalataya ng ganitong bunga hanggang dumating na muli ang Panginoon.
Sa ngayon, mag-hintay muna tayo, hanggang sa muli niyang pagdating. Amen.
_________________________
Sermon 5
Ang Pagiging Mabait ni Jose
Mateo 1:18-25v.19, “Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim.”
Ito ay pambihirang talata para sa akin.
Ayon sa kulturang Pinoy, si Jose ay mapapahiya at maaring pagtawanan sa kalagayang ito. Siya ay magiging biktima ng pang-insulto ng ibang tao.
Ngunit sa halip na iligtas ang sarili sa pag-alipusta ng mga tao, si Maria pa ang nais niyang iligtas? Parang mahirap maging mabait sa ganitong kalagayan?
Isang mabuting aral ang ating maririnig ngayong gabi. Ito ay tungkol sa bunga ng Espiritu, ang pagiging mabait.
Ang kabaitan ay ang Tagalog equivalent ng “kindness”.
Sa Griego, kung paano ito ginamit sa Galatia 5:22, ay
χρηστότης (chrēstotēs) | Ibig sabihin ay : goodness, excellence, uprightness |
Tulungan nawa tayo ng Diyos habang tayo ay nakikinig ng kanyang salita.
Ang χρηστότης (chrēstotēs) ay pagiging mabuti (goodness) , magaling (excellence) at pagiging matuwid (righteousness).
Kung napansin ninyo, ang paraan ng aking pagtalakay ay paggamit ng "contrast" sa mga topiko. Tinatalakay ko ang kabaligtaran ng tema. Sa sermong ito, aking muling itatanong
Ano ang Kabaligtaran ng Pagiging Mabait?
1. ang kabaligtaran ng goodness ay selfishness, at destructiveness.
2. excellence, ang kabaligtaran nito ay pagiging karaniwan (average), having no or low standards (o kahit paano pwede na)
3. ang righteouness naman, ang kabaligtaran ay evil, chaotic at ungodly.
Mapapansin mga kapatid, na ang goodness, excellence at uprightness ay mga description ng character o mabuting pagkatao. Hindi sila tulad ng salitang mapagbigay, matulungin at iba pa.
Maaring magkunwari sa pamamagitan ng pagbibigay, ngunit hindi sa pagiging mabait.
Ang pagbibigay ay maaring maging pagkukunwaring ugali, ngunit, pagkakaroon ng mabuting kalooban ay sumisibol na kabutihan sa pusong tao.
Ang Kabaitan ni Jose
Sinasabi ng Biblia na si Jose ay, matuwid o righteous person.
Paano niya ito ipinakita?
1. Una, mabait siya dahil ayaw niyang mapahiya si Maria. Sa biglang tingin, maaring isipin ni Jose na nagtaksil si Maria. Ngunit sa tagpong ito, halata na awa ang nararamdaman ni Jose at hindi galit.
Madaling isipin na galit ang mararamdaman ni Jose. Dahil siya ay "Nagmahal - pinagtaksilan - nasaktan ! "
Maaring ganito ang sasabihin ng iba. "Mag-iganti ka Jose, kailangang parusahan mo si Maria!"
Maaring nasaktan siya, ngunit kapakanan ni Maria ang kanyang inuuna, bago ang sarili.
Sa totoo lang, maari niyang ipapatay si Maria.
Ayon Lumang Tipan, sa Leviticus 20:10 "If a man commits adultery with another man's wife--with the wife of his neighbor--both the adulterer and the adulteress must be put to death."
Ngunit pinili ni Jose na hiwalayan na lamang si Maria.
2. Pangalawa, masasabing mabait si Jose dahil sa kanyang pagiging matuwid na tao (righteousness). Mapapansin na si Jose ay kinakausap ng Diyos. Ito ay patunay na siya ay isang mabuting tao. Nakaugnay siya sa Diyos na banal.
3. Pangatlo, mayroon siyang pusong nakahandang sumunod sa utos ng Diyos. Hindi madali ang sumunod sa paraan ng Diyos, lalo na kapag ang utos ay nangangailangan ng sakrispisyo ng pagtalikod sa sarili.
Maging Mabait Tayo
Ang pagiging mabait ay hindi lamang isang damdamin. Ito ay nararapat sa kalooban bilang bunga ng Espiritu Santo sa ating mga Kristiano. Paano natin ito gagawin?
a. Maging mabait kahit may nagkasala laban sa iyo.
b. Maging mabait sa mga nakasakit sa iyo.
c. Maging mabait - maging generous sa pagbibigay papuri at pasasalamat sa halip na batikos o criticismo.
d. Maging mapagbigay at matulungin.
Maging ilaw tayo sa iba sa pamamagitan ng paggawa ng kabaitan. Tulad ng habilin ng Panginoon,
"16 Let your light so shine before men, that they may see your good works and glorify your Father in heaven." (Matthew 5:16).
____________________________
Sermon 6: Ang Kabutihan ni Hana (Goodness)
Luke 2:36-37; Galatians 5:22
Ang bunga ng Espiritu na ating tatalakayin ngayon ay "kabutihan" o goodness.
Minsang narinig ko na sinabi, "Mahirap maging mabuti palagi, aabusuhin ka ng mga tao mapagsamantala."
Ito marahil ang iniiwasan ng iba, kung kaya ayaw nilang maging mabuti sa lahat ng oras.
Gayunman, ang Diyos ng kabutihan ang nagsasabi sa atin na maging mabuti tayo sa lahat ng pagkakataon.
Ang Kabutihan
1. Ang Kabutihan ng Diyos
Lagi nating sinasabi na "ang Diyos ay mabuti o God is good". Ngunit ano ang ibig sabihin nito?
Ang kabutihan ng Diyos ay ang kanyang kabanalan. Purong kabutihan ang Diyos. Walang masama na nanggagaling sa Diyos. Pawang mabuti ang kanyang binabalak, ginagawa at ang kanyang nais.
2. Ang kabutihan ng tao.
Kapag sinasabi nating mabuti ang isang tao, siya ay gumagawa ng tamang gawain sa tamang pagkakataon. Halimbawa dito ang pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan. Hindi tayo banal tulad ng Diyos. Ngunit may pagkakataon tayo na gumawa ng kabutihan ayon sa pangangailangan.
Una, ang kabanalan ng tao ay hiram sa Diyos. Ang ating pagiging banal ay kaloob ng Diyos sa atin bilang mga anak ng Diyos. Ang bunga ng Espiritu ay paraan ng ating pamumuhay a Espiritu na tumatahan sa atin. Ang Kabutihan ay Bunga ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay.
Pangalawa, ang kabutihang gawa ng tao ay nagbibigay lugod sa Diyos (acts pleasing to God). Ang Diyos lamang ang nakakasukat kung ano ang mabuti. Anumang nakalulugod sa Diyos ay pasado sa pamantayan ng kabutihan ng Diyos. Nasasabi natin na mabuti ang isang gawa kapag ito ay nakalulugod sa Panginoon.
Ang Kabutihan sa Halimbawa ni Hana
1. Mabuting halimbawa si Hana sa tapat niyang paglilingkod bilang propeta.
Si Hana ay isang matandang propeta ng Diyos. 84 years na siyang balo, nagsama sila ng kanyang asawa ng 7 years. Kung nag-asawa siya ng ng 20 years old, siya ay 85 + 7+ 20 = 112 years old.
Siya ay lingkod ng Diyos hanggang sa panahon ng kanyang katandaan. Pumuti na ang buhok niya sa paglilingkod sa Panginoon.
Ito ang dapat nating tandaan, "Walang retirement sa paglilingkod sa Diyos!" Ang iglesia ay may lugar palagi para sa mga matatandang naglilingkod sa Diyos.
Kahit ang iglesiang ito ay hindi titindig kung wala ang mga matatandang miembro. O matatandang pastor at deakonesa. Sinasabi sa Kawikaan 16:31,
"Ang mga uban (puting buhok) ay putong ng karangalan,
ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay."
Ang tinutukoy dito ay mga taong pumuti ang buhok, hindi dahil sa pagtanda sa edad, kundi pa naman, sa pagtanda sa pamumuhay na matuwid. Tumanda sila sa pamumuhay sa kabanalan.
2. Halimbawa si Hana sa Kabutihan sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapatuloy sa Minanang Pananampalataya. (He continued the faith legacy of his father, Phenuel)
Binanggit ang pangalan ni Phenuel sa talatang ito. Ibig sabihin, siya ay kilalang tao sa panahon ng mga unang Kristiano. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay mahalaga rin. Phenuel - ibig sabihin, "isang nakakita sa mukha ng Diyos". Si Phenuel, ay isang maka-diyos na ama, ay nagkaroon ng isang anak na maka-diyos din.
May pagkakataon na ang ating kabutihan ay minanang kabutihan na natutunan natin sa mga mabuting halimbawa ng ating mga magulang.
3. Binanggit din ang pangalang Asher na kanyang ninuno.
Si Asher ay pangalan ng isang tribu sa Israel na naging alipin sa ibang bansa, ngunit kasamang bumalik sa Lupang Pangako. Sila ay tribu na nanirahan sa lawak ng Galilea.
Marihing sinasabi ng mga taga Isreal na: "Walang propetang manggagaling sa Galilea." (Juan 7:52)
Maaring ito ay pagmamaliit sa mga taga-Galilea. Dahil sila ay rebeldeng tribu. Mas kilala sila sa pagiging makabayan. Kung baga sa ating panahon, pugad sila ng mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit ito ay isang prejudice statement, dahil si Propeta Jonah ay nanggaling sa Gath-epher sa Galilea (2 Kings 14:25).
Ang mga taga-Galilea ay mga minamaliit sa panahon na iyon.
Ngunit ito ang mabuting halimbawa ng isang babae, na dapat nating tularan.
Kapag minamaliit ka, huwag mong mamaliitin ang sarili mo.
Ang babaeng ito ay tinawag ng Diyos sa malaking gawain ng mga propeta. Hindi niya minaliit ang kanyang pagkatawag. Taas noo siyang naglingkod sa Diyos. Hindi siya apektado sa mga mayayabang na bayan na nagsasabing "probinsyano ka lang".
Bilang mga anak ng Diyos, manguna tayo, kahit taga baryo ka lang. Kahit mahirap ka lang. Kahit babae ka lang sa tingin ng iba. Kahit taga-Galilea ka lang.
4. Pang-apat na mabuting halimbawa ni Hana.
Ayon sa v. 37, " Lagi siya sa Templo, at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagaayuno at pananalangin."
Ito ay pamumuhay na malapit sa Diyos. Gumagawa siya ng gawain espiritual.
Isang kabataan ang nagkwento tungkol sa kanyang kapatid na pambato sa Bible Quiz ng kanilang iglesia. Palabasa sa Biblia ang nakababatang kapatid na ito. Marunong siya sa maraming bagay. Pambato rin siya sa mga National contests sa kanyang paaralan. Palabasa siya ng mga aklat. Ngunit lalong namangha ang kanyang ate sa kanyang nakita gawain ng kapatid.
Sabi ng ate sa akin, "Pastor, nakikita ko ang aking kapatid na nakaluod na nananalangin ng taimtim sa kanyang kwarto." Ang kabataan ay hindi lamang marunong, siya ay tunay na maka-diyos.
Ang binabanggit na pananalangin at pag-aayun o ni Hana ay gawaing kabanalan sa kanyang pribadong buhay. Ang kanyang kaugnayan sa Diyos ay hindi lamang yung bulalag na pagka-relihiyoso. Sa kanyang personal na buhay siya ay nabubuhay na maka-diyos.
Maging Mabunga sa Paggawa ng Kabutihan
Tatlong halimbawa ang anakita natin sa buhay ni Hana, na gawang kabutihan.
1. Maglingkod tayo upang malugod ang Diyos, habang tayo ay nabubuhay.
2. Pagyamanin natin ang ating minanang pananampalataya mula sa ating mga ninuno.
3. Huwag nating mamaliitin ang sarili, kahit minamaliit tayo ng iba.
4. Maging mabuti tayong lingkod ng Diyos sa ating panlabas at pribadong buhay.
__________________________
Sermon 7. Ang Katapatan, ni Maria
Lucas 1:26-38, Galatia 5:22
Ayon sa v38, "Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi." Pagkatapos, umalis na ang anghel."
Ang Katapatan o Faithfulness na ating tinutukoy
1. Ang katapatan ay tumutukoy sa allegiance o loyalty. Halimbawa ay ang tapat sa pamilya o sa bansa. Hindi sila nagtataksil.
2. Ang katapatan ay nakikita rin sa consistency o hindi nagbabagong pamantayan ng isang tao. Matatag ang kanilang prinsipyo sa tama, at hindi sila basta-basta nagbabago ng prinsipyo.
3. Ang katapatan ay pagkakaroon ng matatag na paninindigan (steadfastness).
Ang mga binibitawang pangako ay tinutupad. Ang sinasabi ay ginagawa.
Ang mga taong tapat ay maasahan, at mapagkakatiwalaan.
Ang katapatan ay bunga ng Espiritu Santo dahil ito ay katangian ng Diyos.
Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga pangako.
Hindi nagbabago ang kanyang mga gawa.
Hindi rin nagbabago ang kanyang mga pamantayan.
(Illustration)

Natatandaan ba ninyo si Gary Hart? Siya ay tumakbong presidente sa USA noong 1980’s.
Ngunit umurong dahil napatunayang siya ay may extra-marital affair.
Noong decada 80, siguradong hindi mananalo si Hart dahil hindi siya iboboto ng mga tao.
Ngayon, nasabi ni Gary Hart na naging "matured" na ang mga tao. "Pwede na ang extra-marital affair at tanggap na ito ng mga tao." wika ng nasabing politiko.
Ang singer na si Dolly Parton ay minsan nagsabi, "Marital unfaithfulness is okay as long as no one gets hurt."
Mga kapatid sa Panginoon, ang standards ng Diyos sa tama at mali ay hindi nagbabago.
"Magpakabanal kayo sapagkat ako ay banal." wika ng Panginoon (1 Peter 1:15). Ang kabanalan ng Diyos ang batayan ng ating pamantayan kung ano ang puro at , banal. Ang pamantayang ito ay hindi nagbabago ayon sa panahon.
The Faithfulness of Mary
1. The Faithfulness of Mary is Found in the Presence of God in Her Life
"Ang Diyos ay sumasa-iyo."
Ang katapatan sa Diyos ay nagbubunga ng lalong makapal na presensya ng Diyos sa ating buhay. Si Maria ay nabuhay sa presensya ng Diyos. At ang presensyang ito ay bunga ng pamumuhay kasama ang Diyos sa bawat sandali.
Unawain natin ang presensya ng Panginoon. Ang tawag sa Biblia nito ay Shekinah o "weight of God". Ito ay mailalarawan sa tubig na ibinubuhos, at nararagdagan. O kumakapal na presensya. Habang tumatagal ito ay bumibigat. Nararagdagan ang presensya ng Diyos sa buhay ng isang tao.
We are in a growing relationship with God, as we host his presence.
Kaya ang tanong sa atin ay, gaano na kakapal ang presensya ng Diyos sa buhay mo?
Ikaw ba ay lumalago sa kabanalan araw-araw upang lalong kumapal ang presensya ng Diyos sa iyo?
Ang Diyos ba ang nasa iyo? O baka wala man kahit kaunti?
2. The Faithfulness of Mary is Found in the Presence of God's Grace in Her Life.
Ang unang halimbawang Katapatan ni Maria ay ang mismong sinabi ng angel.
"Maria, napupuno ka ng biyaya."
God approved her faith. This is the testimony of God about her faith. Ito yung sinasabi ni John Wesley tungkol sa Romans 8:16,
v16: "Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos."
Ang pagiging tapat sa Diyos ay ayon sa patotoo ng Diyos tungkol sa atin. Hindi sasapat na sasabihin natin natayo ay anak ng Diyos. Ang Diyos ang magsasabi kung anak niya tayo.
Narinig ni Maria ang sabi ng angel tungkol sa patotoo ng Diyos sa kanya, "Napupuno ka ng biyaya."
Grace is having favor in the eyes of God. Si Noah ay nakitang matuwid ng Diyos. Si Haring David ay biniyayaan ng pagpili ng Diyos. Gayundin sina Jacob at ang maraming tao sa Biblia.
Pinili sila hindi dahil sila ay mabuti. Sila ay pinili ayon a biyaya, ayon sa kabutihan ng Diyos.
Gayundin si Maria, napuno siya ng biyaya ayon sa kabutihan ng Diyos.
Hindi ito human achievement. Ito ay bunga ng malalim na katapatan sa Diyos.
c. The Faithfulness of Mary is Found in Her Obedience to God
Ito yung pangatlo at panghuli. Ayon sa verse 38,
"Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi." Pagkatapos, umalis na ang anghel."
Umalis ang angel, hindi dahil naasiwa ito. Hindi siya umalis na dissapointed.
Umalis ang Espiritu ng Diyos kay Samson, matapos itong maputulan ng buhok at iniwan siya ng Diyos.
Umalis ang Espiritu ng Diyos at tumalikod kay Saulo, ang unang hari ng Israel. Iniwan siya ng Diyos dahil sa pagkakasala.
Iniwan ng Diyos si Eli at ang kanyang mga anak dahil sa pagsuway sa Diyos.
Umalis ang angel kay Maria dahil babalik ito na masaya sa langit. Dahil sumunod si Maria sa utos ng Diyos na tanggapin niya ang sanggol na Tagapagligtas.
Application
Naniniwala pa rin ako sa pagdating ng mga angel sa ating panahon.
Habang tayo ay sumsamba, naririto sila at nag-aayaya sa atin na tanggapin natin ang Tagapagligtas.
Pagkatapos ng pagsamba, aalis na rin sila, at babalik sa langit.
Aalis ba silang malungkot o masaya?
Sabi ng Panginoong, "Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi." (Luke 15:7)
Tulad ni Maria, pasayahing natin ang buong kalangitan. Tanggapin natin ang pagdating ng Messias sa ating mga buhay.
_____________________________
8. Kapakumbabaan ng Mga Matatalinong Mago

Mateo 2:1-12, Galatia 5:22
Galatians5v22But the Spirit produces love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, v23humility, and self-control. There is no law against such things as these.
_____
Note: ang "humility" sa TEV Bible ay isinalin na "gentleness sa ibang salin.
Sa sermong ito, nais kong gamitin pareho sa reflection ang dalawang salita: humility at gentleness.
_____
Madalas tayong mag-akala na ang kapakumbabaan ay kahinaan, o pagiging malambot.
Ngunit noong World War 1, napatunayan na ang malambot na sutla (silk fabric) ay higit na matibay laban sa bubog ng granada. Ang hinabing sutla (woven silk) ay matibay pa sa bakal.
Kaya ang mg asundalo noong WW1, naglalagay sila ng silk sa loob ng kanilang helmet. Ang malambot na telang ito ay panangga sa sabog ng dinamita, granada o sa bala sa kanilang ulo.
Ang kapakumbabaan ay hindi kahinaan. Ito ay mahalagang bunga ng Espiritu Santo sa ating buhay.
Tignan ninyo kung gaano kalakas ang impluensya ng mga taong mahinahon o mababang loob. Mga nanay na banayad kung magsalita, pero sinusunod ng mga anak.
May isang kabataan ang humahatak ng kanyang kabayo, ngunit ayaw sumunod ng kabayo papuntang kulungan. Dumating ang kanyang tatay, at pinalo ang kabayo, habang hatak ng kabataan ang hayop.
Hindi nila napasunod ang kabayo.
Lumapit ang nanay, dala ang isang pirasong carrot. Pina-amoy ng nanay ang carrot sa kabayo.
Sinundan ng kabayo ang carrot - hanggang maipasok ng nanay ang alagang hayop sa kulungan.
Nagtanong ang kabataan kung paano nagawa iyon ng kanyang nanay. Sagot ni mommy, "With gentleness and care, napalaki kita anak. Ito pa kayang kabayong ito?" Napangiti ang tatay.
Ang kahinahunan ay katangian ng mga matatalinong anak ng Diyos.
Sa Galatians 5:22, ang kahinahunan ay gentleness o meekness. Sa ibang salin, ito ay humbleness o kababaan ng loob. Sa Biblia, ang literal na kahulugan nito ay, "pagsuko ng sariling lakas, sa pamamagitan ng mapagpakumbabang pagyuko" (a posture of meekness).
Sa isang Seminar on Human Relations, tinanong ng speaker kung kakayanin ng mga audience ang huwag magsalita ng nakasasakit sa kapwa sa loob ng isang araw.
Magbigay papuri sa halip na cristicisms.
Huwag mambubulyaw. HUWAG MANG-IINSULTO.
Huwag pagtatawanan ang kahinahan ng iba.
May nagtaas ng kamay na kaya nila, at mayroong hindi.
Ang mga hindi nagtaas ng kamay ay tahimik na nagsasabing: hindi nila kayang manahimik kapag may nagkamali, bubulyawin nila at itutuwid ang mga ito. Pagagalitan kung kinakailangan. Kaya sabi ng speaker,
"Kung sa loob ng isang araw, hindi mo mapigilan ang pag-inom, lasenggo ka.
Kung sa loob ng isang araw, hindi mo mapigilan ang paninigarilyo, chain smoker ka.
Kung hindi mo mapigilan ang sarili na magsugal sa loob ng isang araw...addict ka na sa sugal.
Kung sa loob ng isang araw, hindi mo maiwasang makapanakit ng damdamin ng iba...malupit ka."
Ang sakit ng ganitong tao ay KALUPITAN.
Ang salitang ating pinag-uusapan ngayon ay may dalawang kahulugan: Kahinahunan at kababaan ng loob. (Gentleness and humbleness).
A. Pagiging Mahinahon, Bilang Bunga ng Espiritu
1. Ang mahinahon ay hindi padalos-dalos sa desisyon, pananalita at kilos.
2. Nag-iisip muna bago kikilos o magsasalita. Pinag-aaralan muna ang mga bagay bago gagawa.
3. Ang mga mahinahon ay hindi napapasubo sa pabigla-biglang pananalita o kilos.
B. Kababaan ng Loob, Bunga ng Espiritu
1. Ang pagpapakumbaba ay kailangan upang tayo ay matuto at maligtas. Ayon sa James 1:21,
"Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyong taimtim sa inyong puso ang salita ng Diyos sapagkat ang salitang ito ang makakapagligtas sa inyo."
Ang Salita ng Diyos ay maari lamang tanggapin kung may kapakumbabaan. Dahil ang Diyos ay nag-uutos sa atin.
Wika ni John Wesley, "Ang Diyos ay Panginoon lamang ng mga sumusunod sa kanyang mga utos."
Inuutusan tayo na kalimutan natin ang sarili. Paano mo kakalimutan ang sarili kung wala kang mababang kalooban? Imposible!
2. Ang kapakumbabaan ay nagpapa-alala sa atin na tayo ay mula sa lupa (humus), galing sa lupa at babalik sa lupa.
Tayo ay lupa. Hindi tayo maaring magmataas.
Ang Kapakumbabaan ng mga Mago
1. Ang mga Mago ay May Kababaan Dahil Sumusunod sila sa Gabay ng Diyos.
a. Ang pagsunod nila sa bituin ay naging pagsunod nila sa gabay ng Diyos.
b. Sumusnod sila sa tinig ng Diyos.
2. Ang mga Mago ay May kababaan ng loob Dahil sa Pagkakaloob nila ng Handog sa Messias.
a. Kung sila ay mga Hari, ang kanilang ginawa ay malaking kapakumbabaan, dahil sila ay yumuko sa kapwa nila Hari. Hindi natin makikilala si Jesus bilang Hari kung tayo ay hindi nag-aasal alipin ng Diyos.
b. Ang kanilang pag-hahandog ay pagkilala sa mataas na kalagayan ni Jesus.
3. Sila ay Sumamba.
Ang pagsamba ay ginagamit lamang sa Diyos.
Inuutusan tayo ng Diyos na siya lamang ang ating sambahin, igalang, luhuran at dalanginan.
Subalit kinilala nila ang pagka-diyos ni Jesus.
_____________________________
Sermon : Pagpipigil Sa Sarili
Galatia 5:22, Mateo 1:1
Kawikaan 25:28, "Ang taong walang pagpipigil ay tulad ng lunsod na walang tanggulan, madaling masakop ng mga kaaway."

Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
TumugonBurahin