Sermon 1: Paglakad sa Liwanag ng Panginoon
Mateo 24:36-44; Isaias 2:1-5
May kwento kung paano naligtas ang isang pamilya noong WW2. Nasukol ng mga Hapones ang isang pamilya ng mga Pilipino at ikinulong sa isang liblib ng lugar.
Isang gabi, gumawa ng paraan ang pamilya upang makatakas. Sa pamumuno ng ama, nagawa nilang humukay sa lupa para makalabas sa bilangguan. Napakadilim ng gabi, halos walang maaninag sa gubat na kanilang dinaanan. Hawak ang isang gasera, unang lumakad ang ama at ang tanging sinusundan ng kanyang pamilya ay ang kilos ng munting ilaw. Hanggang nakarating ang pamilya sa isang yungib na kanilang pinagtaguan.
Paglipas ng gabi, pinagmasdan ng pamilya sa kanilang binagtas. Tinahak nila ay mga bangin sa malawak na kagubatan habang nasa dilim. Sa pangunguna ng ama, gamit ang isang munting ilawan, naakay niya sa ligtas na lugar ang kanyang buong sambahayan.
Ang pagiging Kristiano ay paglakad sa gabay ng liwanag ng Diyos. Ang tatlong Pantas ay ginabayan ng kalangitan sa pamamagitan ng liwanag ng bituin patungo sa tirahan ng Banal na Pamilya. Dumating ang mga angel at nagliwanag noong ibalita ang kapanganakan ng Tagapagligtas sa mga pastol. Ang Pasko ay tungkol sa liwanag ng Diyos na tatanglaw sa atin, kahit sa gitna ng dilim. Ito ay tulad ng wika ng Awit, “Ang Panginoon ang aking liwanag at Kaligtasan. Kanino ako matatakot?”
Pasko: Pag-alala at Paghahanda
Tayo ay may dalawang Pasko, ang una ay naganap na noong unang dumating ang Panginoon sa mundo upang makipamuhay sa atin. Siya ay nagkatawang tao, upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
At may ikalawang Pasko - ito ay ang muling pagdating ng Panginoon bilang Hukom ng sanlibutan. Sa ikalawang Pasko, ililigtas niya ang mga sumampalataya sa Kanya ngunit hahatulan niya sa kaparusahan ang mga hindi nanalig sa kanya. Tatanggapin ng Panginoon ang mga tumanggap sa kanya at tatanggihan niya ang mga tumanggi sa Kanya. Ang ikalawang Pasko ang ating hinihintay. At hindi natin alam kung kailan ito mangyayari.
Ang pagdiriwang natin ng Pasko, kung gayun ay may dalawang nilalaman. Ang una ay paggunita sa unang Pasko, dahil dumating ang Tagapagligtas. At ito rin ay paghahanda sa muling pagdating ng Panginoon bilang Hukom ng sanlibutan. Kung kaya, dapat po tayong maging handa sa pagdating ng Pasko. Paano?
1. Gumawa tayo ng espitual na paghahanda.
May paalala ang Panginoon para sa tamang paghahanda sa kanyang muling pagdating. Noong araw na bago lumubog ang mundo sa panahon ni Noe, ang mga tao ay naghanda rin. Sabi ng Panginoon sa talatang 38, “Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko.”
Marami ang katulad ng mga tao noong panahon ni Noe, naghahanda sila ng pagkain, palamuti, at nagsasaya , ngunit hindi sila gumagawa ng mga paghahandang espiritual. Abala ang marami sa pagsasaya, habang si Noe ay abala para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Maraming paghahanda ang ginagawa ng maraming tao. Para sa mga may maraming ina-anak, financial na paghahanda - kung may maraming pangregalo. Yung walang budget, naghahanda upang magtago sa mga ina-anak.
Yung may maraming kamag-anak na bibisita, naghahanda ng maraming pagkain, at ina-ayos ang bahay ng maraming palamuti. Kung walang budget, nagtatago rin.
Ngunit higit dito mga kapatid, kailangan po natin ang paghahanda ng ating buong pagkatao. Kailangan tayong maging handa upang maging karapat-dapat sa pagdating ng ating Panginoon.
2. Gumawa ng Pang-kapayapaang Paghahanda
Ang paghahandang hinihingi ng Panginoon ay hindi lamang espiritual na paghahanda. Inuutusan din ng Panginoon ang lahat ng bansa upang “magpairal ng katarungan” (v.4). Ang Pasko ay tungkol sa pagpapairal sa kapayapaan at kasaganaan ng Diyos para sa buong sanlibutan bunga ng katuwiran.
Sa ating panahon, marami pa rin ang mga taong hindi nagkakamit ng katarungan at kapayapaan. Ang sistema ng maraming gobyerno ay puno ng corruption. Ang mga mahihirap ay inaabuso at sinasamantala. At marami ring tao ang nagwawalang bahala sa mga ganitong katotohanan.
Ang Pasko ay nagdadala ng balita ng kapayapaan sa buong sanlibutan, mula sa Panginoon. Ang kapayaan ay hindi lamang pangarap na inilalagay ng Diyos sa ating mga puso- ito ay plano na nais ipatupad ng Diyos sa sanlibutan.
Sa Biblia, ang kapayapaan ay nagmula sa salitang shalom. Ito ay madalas ginagamit katumbas ng kapayapaan. Ngunit sa kabuoan, ito ay nangangahulugan din ng ganap na kaligtasan (salvation). Dahil ang kaligtasan dala ng Pasko ay kapayapaan at buhay na ganap dito sa lupa hanggang sa langit.
Sabi pa ni Propeta Isaias, “Kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay.”
3. Lumakad Tayo sa Liwanag ng Panginoon
Panghuli, ang paghahandang nararapat sa Pasko ay pagkakaroon ng buhay na lumalakad sa liwanag ng Diyos. Ito ay isang buhay na binago mula sa kadiliman tungo sa liwanag.
Hindi ito pansamantalang pagbabago dahil sa okasyon ng Pasko, kundi, dapat tayong magbago dahil sa ating pagtatalaga ng buhay sa Panginoon ng Pasko. Ang pagbabagong sinasabi ni Propeta Isaias ay hindi rin pagkukunwaring pagbabago. Ang pagbabagong dala ng Panginoong Jesus ay may malawakang resulta sa buhay ng mga individual, mga bansa at sa buong mundo.
Ang tunay na paghahanda sa Pasko ay pamumuhay sa liwanag ng Diyos ng walang humpay. Ito ay pagkakaroon ng bagong buhay na karapat-dapat ialay sa Panginoon ng mga panginoon, at Hari ng mga hari.
Ito ay pamumuhay sa katarungan ng Diyos. Ang mga tao ay hindi na magsasanay sa pakikidigma. Ang lahat ay mamumuhay sa kapayapaan ng Panginoon.
Ang Panginoon ay may malaking plano para sa Pasko. Nais niyang maging handa ang buong mundo para sa kanyang muling pagdating. Naghahanda ka na ba?
__________________________
Sermon 2: Tunay na Pagsisisi
Mateo 3:1-12, Isaias 11:1-10
Ang lahat ng tatlong aklat ng ebanghelyo nina Mateo, Lucas at Marcos ay nagsisimula sa mensahe ni Juan Bautista tungkol sa pagsisisi at bautismo. Ang mabuting balita ay tungkol sa biyaya ng Diyos na nagpapatawad ng kasalanan. Malinaw ito sa pahayag sa San Lucas 24:47,
“Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem.”
May kwento tungkol sa isang napariwara dahil namumuhay siya sa pagkakasala. Mayroong kaibigang Kristiano ang binatang ito at iinimbitahan siya sa kapilya. Nagsimba ang binata alang-alang sa pakikisama niya sa kaibigan. Ngunit habang nakikinig ng sermon, bumaon sa puso ng binata ang mensahe ng Diyos. Lumabas siya ng halos maluha sa kawawa niyang kalagayan bilang isang makasalanan. Pagkatapos ng pagsamba, nag-meryenda ang magkaibigan. Wika ng binata sa kanyang kaibigang nag-anyaya sa kanya, “Pare, kawawa ako... kawawa ang aking kaluluwa.” At sagot naman ng Kristianong binata, “Natutuwa ako pare, buti nga sa iyo.”
Nabigla ang binata sa sagot ng Kristianong kaibigan niya. “Pare, huwag kang magbiro. Alam kong pupunta ako ng impierno dahil sa mga kasalanan ko.”
Sagot ulit ng Kristiano, “Oo nga pare, buti nga sa iyo. Hindi kita inaasar pare. Pakinggan mo ang sabi ng Panginoong Jesus sa Biblia - “I came to seek and save the lost”, ibig sabihin pare, dumating si Cristo para iligtas ang mga nagsisising tulad mo at umaamin ng kasalanan. Nakahanda ang Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan pare.”
Sa halip na maasar, napangiti ang kabataan, at tinanggap niya ang Panginoon bilang kanyang Tagapagligtas.”
Sa ating mensahe ngayon, nais ko po kayong anyayahang makinig sa tatlong bagay; 1.) Ano ang pagsisi? 2.) Paano magsisi? at 3.) Bakit kailangang magsisi?
1. Ano ang Pagsisisi?
Una, ang pagsisi ay nagsisimula sa pag-kumpisal o pag-amin ng ating mga kasalanan. Sabi sa 1 Juan 1:9-10, “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid. Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita.”
Pangalawa, ayon kay apostol Pablo, ang pagisisi ay damdamin ng kalungkutan dahil sa nagawang kasalanan. Sabi sa 2 Corinto 7:9 -10, “Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para akayin kayo na pagsisihan at talikuran ang inyong pagkakasala, kaya't hindi kayo napasama dahil sa amin. Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan.”
2. Paano nga ba ang magsisi?
Totoo na nagsisimula ang pagsisi sa pamamagitan ng pag-amin ng kasalanan, at pagtanggap sa parusang kalakip nito, ngunit hindi ito dito nagtatapos. Ang pagsisisi ay pagtalikod sa kasalanan.
May kwento tungkol sa isang matanda, sa edad na halos 70 na - ay napatunayang nagnakaw noong siya ay kabataan pa. Ngunit dahil matagal na ang pangyayari, hindi na siya maaring patawan ng parusa. Gayunman, ang matanda ay nakakilala sa Panginoon. Bagamat hindi siya naparusahan sa kulungan, sinikap ng matanda na bayaran ang kanyang ninakaw.
Tumanggi ang husgado na tanggapin ang nais ibayad ng matanda. Wika ng judge, “Limampung taon na ang nakararaan, dapat ng kalimutan ang kaso laban sa iyo, wala kang dapat bayaran.”
Ngunit sumagot ang matanda, “Alam kong wala ng bisa ang kaso laban sa akin, ngunit nais kong patunayan na ako ay nagsisisi sa kasalanang iyon na aking nagawa noong ako ay kabataan pa.”
Mababasa natin na may lumapit ding mga Pariseo at Saduceo kay Juan upang magpabautismo, ngunit tinanggian sila ni Juan. “Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo'y talagang nagsisisi na” wika niya. Nais nilang pabautismo, ngunit dahil iniisip nilang sila ay mabubuting tao na walang kasalanang dapat pagsisihan, hindi sila naging karapat-dapat sa bautismo ni Juan. Alam din ni Juan na hindi nila tatanggapin ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, dahil ayaw nilang aminin na sila man ay makasalanang nangangailangan ng habag ng Diyos. Ang pagisisi ay pag-amin na may kasalanan tayong dapat talikuran.
Ang bautismo ay hindi tanda ng kabanalan. Ito ay kapahayagan ng pag-amin sa kasalanang pinagsisisihan upang makamit ang pagpapatawad ng Diyos.
3. Panghuli, sinasabi ni Juan na dumating na ang paghahari ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magsisi. Magiging ganap ang ating pagsisisi kung magpapasakop tayo sa paghahari ng Panginoon.
Ang kasalanan ay lantarang pagsuway sa Diyos. Naka-ilang kasalanan na po ba tayo? Ilang beses mo na bang nilabag ang mga batas ng Diyos? At ano ang napala natin sa ating pagsuway? Ano nga ba ang bunga nito? Pansamantalang kaligayahan na magbubulid sa atin ng walanghanggang kaparusahan.
Salamat sa Diyos ay mayroon pa tayong isa pang pagkakataon. Upang magsisi. Upang humingi ng tawad. Upang magkamit ng bagong buhay na nilinis sa dugo ni Cristo.
Nasubukan na po ba ninyong regaluhan ang inyong sarili kapag dumarating ang Pasko? Ang pagsisi ay magandang regalo sa sarili. Ang kapatarawan ng Diyos ay matagal ng ipinagkaloob ng Panginoon. Ito ay ibinigay na sa atin noong unang dumating ang Panginoong Jesus sa lupa.
Una siyang ipinakilala ni Juan Bautista, “Narito ang kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!”
Nag-aalis ng kasalanan. Ito po ang kayang gawin ng Panginoon para sa mga katulad nating makasalanan. Ngayong pasko, bilang regalo ng Diyos sa atin, at bilang regalo na rin sa ating sarili-talikuran na natin ang ating mga kasalanan at magpasakop na tayo sa Diyos.
Regaluhan mo naman ang sarili mo. Tanggapin mo ang kaloob ng Diyos para sa iyong kaligtasan.
________________________
Sermon 3: Siya na Nga Ba ang Messias?
Mateo 11:2-11
Ang Pagdatal (Advent) ay paghihintay sa biglaang muling pagdating ng Panginoon. At dahil hindi natin alam kung kailan Siya darating, dapat tayong manatiling gising sa ating pananampalataya, matalinong nagmamasid sa takbo ng panahon, at patuloy na gumagawa sa ating paglilingkod sa ating Diyos.
Sa ating paghihintay, kailangan tayong maging matiyaga. Maaring magsawa tayo sa kahihintay. Kailangan nating patatagin ang ating pananampalataya, upang hindi tayo manghinawa. Sa ating pagmamasid at pakikinig, kailangan tayong maging maingat. Marami ang magsasabi na dumating na ang kawakasan. May nagsasabi na dumating na nga muli ang Messias. At baka tayo madaya ng mga maling balita tungkol sa pagbabalik ng ating Tagapagligtas.
Kailangan po tayong maging matalino sa ating paghusga sa ating mga naririnig na balita, lalo sa muling pagdating ng Panginoon. Huwag tayong basta-basta naniniwala sa mga maling akala. Pag-aralan nating mabuti ang mga nagsasabi na dumating na ang Panginoon.
May kwento tungkol sa isang mayaman na naghanda ng masarap na hapunan para sa kanyang mga kaibigan. Kumuha siya ng magagaling na chef, upang magluto ng special beef steak. Nagpabili siya ng mamahaling mushrooms upang ilagay sa gravy. Dumating na ang araw ng piging, at napansin ng mayaman na umitim ang mga kabute, at wala ng panahon para bumili sila ng panibago.
Ang ginawa ng mayaman, nagpaluto siya ng ilang kabute at ipinakain ito sa aso. Sabi niya, “Kung walang mangyayaring masama sa aso, ayos lang ang mga mushrooms na ito.”
Sa handaan, kumakain na ang mga bisita, ng biglang lumapit ang isang katulong sa mayaman at bumulong, “Ma’am, namatay po si Doggie.”
Dahil sa narinig, agad-agad sumigaw ang mayaman, “Mga kaibigan, lahat kayo ay maaring nakakain ng sirang kabute, at maaring malason - takbo na kayo agad sa hospital!” Kaya ang lahat ng bisita ay kumaripas ng takbo sa pagamutan.
Ng wala ng bisita, tanong ulit ng mayaman, “Nasaan si Doggie? Bumula ba ang bibig? Paano siya nalason?”
Sabi ng katulong, “Nasa kalsada pa po siya Ma’am, nasagasaan po kasi siya ng kotse!”
Hindi muna nagtanong ang mayaman kung ano ang ikinamatay ng kanyang aso - dahil agad siyang gumawa ng konklusyon, naging malaking pagkakamali ang kanyang naging desisyon na pauwiin niya ang kanyang mga bisita. Wala palang lason ang mga kabute.
Tungkol sa Panginoong Jesus, marami ring tao ang gumagawa ng madaliang konklusyon ay madalas ay napapahamak!
Sa ating binasang kasulatan sa araw na ito, narinig nating nagpadala ng dalawang tao si John the Baptist, upang itanong sa Panginoon kung siya na nga ba ang Messias, o kung aasa pa sila sa pagdating ng ibang Tagapagligtas. Hindi nagmadaling gumawa ng sariling konklusyon si John, nagtanong muna siya.
Minsang sinabi ni Apostol Pablo sa Filipos 3:10,
“Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan upang ako man ay muling buhayin mula sa mga patay.”
Alam ninyo, ang mga matiyagang nagtatanong, ay hindi basta-basta naliligaw. Ang mga marunong makinig, ay mas madaling matuto. Ang gayun din ang mga tunay na naghahanap sa katotohanan. Ang paglalagak ng pananampalataya sa Diyos para sa ating kaligtasan ay lubhang mahalaga. Hindi ito minamadali at dapat, ito ay pinag-aaralang mabuti. Ang pananampalataya ay may epekto sa kahihinatnan ng ating kaluluwa. Kaya mabuti pang aralin natin mabuti ang ating pananampalataya. Ito nga ba ay katotohanan? Dadalhin ba ako nito sa buhay na walanghanggan? Sapat na ba ang aking nalalaman tungkol sa Panginoong Jesus?
Ang Tanong ni Juan
Nakaraang Linggo, narinig nating pinakilala ni Juan Bautista ang Panginoong Jesus. Taasan niyang sinabi tungkol sa Panginoon, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Ngunit ngayon, siya mismo ang nagpapatanong kung siya na nga ba ang inaasahang Tagapagligtas! Ano ba ang nilalaman ng tanong ni Juan?
1. Tanong ito upang lumalim ang pagkakilala ni Juan sa Panginoon sa oras ng pagsubok. Si Juan noon ay nakakulong dahil sa kanyang tapat na pagsunod sa utos ng Diyos. Pero, bakit? Nakarinig na ba kayo ng tanong ng isang tapat sa Diyos, “Bakit kung kailan ako naging tapat sa Panginoon, ngayon pa dumating ang mga pagsubok sa aking buhay?”
Sa mga ganitong panahon, ang tugon sa ating suliranin ay ang lalo nating kilalanin ang ating sinusunod na Panginoon.
2. Pangalawa, tanong ito kung tama ba ang direksyon ni Juan sa kanyang ministeryo. Si Juan Bautista ay nakulong at malapit ng pugutan ng ulo. Sa biglang tingin, hindi siya nagtagumpay. Ngunit, ano nga po ba ang sukatan ng tagumpay ng isang sumusunod sa Panginoon?
May isang naging pastor at naging tapat sa kanyang tungkulin. Ngunit mas dumami pa ang mga sakripisyo sa kanyang ministeryo. Kaya ang kanyang tanong, “Tama nga ba itong desisyon ko na maglingkod? Ikaw nga ba iyan Panginoon? Baka mali ang aking sinusunod?”
Ang tagumpay natin ay makikita sa malawakang epekto ng ating sakripisyo at ministeryo para sa kaligtasan ng maraming tao at hindi sa sariling pakinabang.
May isang paring Katoliko noong 1800’s, si Father Jozef De Veuster, - mas kilala bilang Saint Damien, ay nagmisyon sa Molokai, Hawaii. Ang Molokai noon ay tapunan ng mga taong leproso. Sa kanyang pangangaral, wala siyang nakitang tagumpay. Walang nagnais makinig sa kanyang pangangaral ng Salita ng Diyos. Madalang na makakita siya ng mga nagsisimba. Kaya minabuti na lamang niyang bumalik sa Belgium.
Ngunit bago siya nakasakay ng barko, napansin niya ang mga kakaibang sugat sa kanyang balat. Nahawa na pala siya sa sakit na ketong! Dahil dito, napilitan siyang bumalik sa Molokai, upang manatili na doon. Ngayon, hindi na siya misyonero lamang doon, isa na siya sa mga may ketong, na tulad ng marami.
Sa kanyang pagbabalik sa colony, napansin ni Father Josef na mas dumami ang nagsisimba at nagnanais makinig sa kanyang pangangaral. Mula noon, mas marami ang naligtas at tumanggap sa Panginoon. At sa pamamagitan ng kanyang sakripisyo, lalong nagpakilala ang Panginoon sa buhay ni Father Damien.
Ang mga pagsubok sa buhay ng mga naglilingkod sa ministeryo ay daan upang lalong lumalim ang ating pagkilala sa ating Panginoon. Kung kailan tayo nahihirapan, lalo tayong nagtatanong. At sa ating pagtatanong, lalong pinapakita ng Diyos ang kanyang kalooban. Sa ganitong paraan, lalo nating nakikilala ang Panginoong Jesus.
Nakita at Narinig
Ang sagot ng Panginoon sa kanila ay, “Sabihin ninyo kay Juan ang iyong nakita at narinig.Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.”
Hindi “Oo” o “Hindi” ang tugon ng Panginoon kundi paliwanag ayon sa naging karanasan ng mga alagad. Ang katotohanan ay nakita nila at narinig. Ang kalooban ng Diyos ay natupad sa kanilang harapan.
Tanging ang kanilang nasaksihan ang maari nilang ibalita sa kanilang gurong si Juan Bautista.
Tulad nila, wala tayong maaring ibahagi sa iba kundi ang ating sariling karanasan mula sa Panginoon. Ang tunay na karanasan sa Diyos ay hindi maaring itatwa o pabulahanan. Ito ay ebidensya na kanilang naranasan mula sa Panginoon.
___________________________
Sermon 4: Pagkabalisa ng Isang Taong Matuwid
Mateo 1:18-25
May isang kabataan ang may tatak ng “K” sa t-shirt. Nang tanungin ng kaibigan kung ano ang kahulugan ng tatak na “K”, ang sagot ng kabataan ay “K - for confused”. Ngunit ang sabi ng kaibigan, “Friend, naman! Ang “confused” ay nagsisimula sa letter “C” hindi letter “K”!
Sagot ng kabataan, “Friend naman! Hindi mo ba gets? Confused nga ako eh!”
In Love si Joseph, Pero Confused!
Masarap ang ma-inlove. Lalo kapag malapit na ang kasal. Sino ba dito ang nakaka-alala noong ma in-love kayo? At malapit na kayong ikasal, Wow! Handa na ang kakainin ng bisita. Ready na ang damit. Nakaayos na ang simbahan.
At biglang nagduwal ang mapapangasawa mo, mukhang naglilihi. Naiisip mo, “Buntis ba ‘to? Teka, hindi ko naman siya ginalaw ah. Niloloko ba ako nito?“
Napakasakit Kuya Eddie. Ganito nga ang nangyari kay Joseph. Ang kanyang mapapangasawa ay nagdadalang tao. At hindi siya ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.
Ang tiwala (trust) ay mahalaga sa relasyon ng mag-asawa. Kung hindi ka marunong magtiwala sa mga lalaki at lagi kang may duda, magpakatanda ka na lamang ng dalaga! Ngunit kung gusto mo talagang mag-asawa, kailangan kang matutong magtiwala.
Good relationships are founded on trust. However, trust can be destroyed in a moment, but it takes a lifetime to repair a damaged trust. Napakadaling sirain ng tiwala, pero habang buhay ang kailangan para ibalik ito.
Gayunman, nasira ang tiwala ni Joseph kay Mary sa una. Inisip nito na hiwalayan ang kanyang mapapangasawa.
An honest man's dilemma: -- Kahit ang mga mabubuting tao, maari pa rin silang magkaroon ng malaking problema. Maraming mabubuting tao ang nagdurusa sa mga bagay na hindi naman nila kasalanan.
Gayunman, alam natin na ang naging problema ni Joseph ay kalooban ng Diyos. Hindi ito madaling unawain at tanggapin, dahil ang isipan ng Diyos ay hindi natin isipan, ang paraan ng Diyos ay hindi natin paraan.
At sa pagkakataong ito, si Joseph ay inuutusang sumunod, sa bagay na mahirap unawain. Gayunman, nanatili siyang sumusunod at nagtiwala siya sa Diyos. Samahan po ninyo ako sa pagbubulay sa pakatao ni Joseph at pakinggan kung paano siya naging kaaya-aya sa Diyos sa panahon ng pagsilang ng Panginoong Jesus.
1. Una, he got Confused.
Believing in Jesus can always be confusing in the beginning. Maraming bagay ang nakakalito sa pananampalataya. Halimbawa dito ang Doctrine of Trinity, tatlong persona ng iisang Diyos. Ang paghihirap ng mga taong matuwid - why do good people suffer? Or why do God allow suffering if God is good?
Malapit na silang ikasal, at napatunayan na buntis si Maria. Teka, unfair yata iyon para kay Joseph, dahil hindi siya ang tatay ng bata. However, alam natin na ito ay masalimuot na paraan ng Diyos. God is challenging the faith of Joseph - to believe first before doubting.
I believe that we here are just like Joseph, marami po tayong tanong sa buhay. Ang mahirap dito, wala tayong makitang sagot sa marami nating tanong. Noong una kong makita yung resulta ng bagyong Yolanda, naluha ako at nagtanong din ako - “Lord bakit po?” Madalas kapag ganito ang kalagayan natin, tulad ni Joseph, ang tanging magagawa natin ay ipadala na lang sa panalangin ang ating tanong at maghintay na sagot. Life is full uncertain questions with uncertain answers.
Sabi ng Panginoon sa Isaiah 40:13, “3 Who has understood the mind of the Lord, or instructed him as his counselor?”
Faith is a challenge to believe on the things not seen. It can be confusing but we have to believe. May isang pastor na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay, at halos umalis na siya sa pagka-pastor dahil sa tindi ng hirap na kanyang pinagdaanan. Sa pakiwari ng pastor, siya ay parang hinahampas at dinudurog ng mga nagaganap sa kanyang buhay. Kaya nagtanong siya sa Diyos, “LORD! BAKIT PO?”
Sagot ni Lord, “Ang bawat hampas at pagdurog na nararamdaman mo ay paraan ko upang maalis ang iyong pagmamataas. Sa ganitong paraan, nais kitang hubugin bilang aking lingkod.”
Si Apostol Pablo man ay nagkaroon ng tinik sa laman. Maaring isang malubhang sakit ito. Hiniling niya sa Panginoon na alisin nawa ang tinik sa kanya, ngunit ang sagot ng Panginoon ay ganito, "My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness." (2 Cor 12:9).
Sa usapin ng pananampalataya sa Diyos, kailangan nating tapatan gn pananampalataya ang ating pagkalito at mga tanong, at asahan natin na aakayan tayo ng Diyos upang maunawaan din natin ang kanyang mga paraan.
2. Then Joseph got Convinced.
It is natural for faith to seek understanding. It is normal for us to search for meaning. Bakit ba ito nangyayari? Bakit kung kailan ako naging Christian, ngayun ako dinudumog ng mga pagsubok?
Natutunan ko sa aking pagsunod sa Panginoon na ang Diyos ay hindi lubusang nananahimik. Totoo na may pagkakataon na nananahimik ang Diyos, pero ang kanyang presensya ay nananatili sa mga taong kanyang minamahal. On times when God chooses to remain silent, His presence may still be felt. Para sa akin, hindi po ang sagot ng Diyos ang mahalaga kapag ako ay may tanong. Mas mahalaga ang kanyang presensya, na hindi niya ako iiwan.
However, during that confusing moment in the life of Joseph, God sent an angel, to assure Joseph that God is in control. He was given both the assurance of God’s presence and an answer to his question.
Isa pang pastor ang tapat naglilingkod sa Panginoon ang biglang nagkaroon ng cancer. Sa loob ng maramign taon, nagtatanogn siya ng “bakit” sa Diyos. At sumagot ang Panginoon sa kanya, “Hanggang saan mo ba ako maaring pagkatiwalaan?”
After hearing God’s voice, that pastor put her trust in God. Then she was healed. Then she understood, fully conviced that God knows what the Almighty is doing.
3. Then Joseph was Finally Convicted to Offer Himself fully to God.
Tulad ni Mary, lubusang nagpasakop sa plano ng Panginoon si Joseph. He soon realized that accepting Jesus is not a burden at all.
Accepting Mary and Jesus into his family was actually a mark of his total submission to the will of God.
Makikita natin na sa karanasan ni Joseph ang tunay na pananampalataya.
Pananampalataya na nagbunga ng pagtitiwala. Pagtitiwala nagbunga ng pagpapasakop. Pagpapasakop na nagbunga ng pagsunod.
Pagtitiwala sa Diyos
Minsan sinabi ni John Wesley na may mga Kristiano na maaring tatawagin ng Diyos sa isang napakahirap na ministeryo. Na maaring dadaan sila sa maraming pagtitiis at mga malupit na pagsubok upang magampanan nila ang kalooban ng Diyos.
Ngunit ang sakripisyong ito ay magbubunga ng malaking kabutihan sa pakinabang ng marami. Ang tawag ng mga theologians dito ay “meaningful suffering” - o paghihirap na may kahulugan. Ginagawa ito ng mga nagmamahal sa Diyos.
________________________
Sermon 5: Angel ng Buhay Ko!
Luke 2:1-20
Sa aking pagka-assign sa isang iglesia, maraming kwento ng mga angelic visitations ang aking narinig. Ang pinaka-pambihira ay yung kwento ni Tatay Benny Bengco, noong na-operahan siya ng kidney.
Ayon sa testimony ni tatay Benny, isang matangkad na doctor ang nag volunteer na tutulong sa kanya sa hospital.
Nagpakilala ang doctor at naging malapit ang loob nito sa matanda. Nangako pa ang doctor na dadalawin pa niya si tatay Benny araw-araw. Sa pananatili ni tatay Benny sa hospital, dinalaw naman siya ng doctor ng madalas. Kini-kwentuhan siya ng doctor at pinalalakas ang loob. Nag-uusap sila palagi tungkol sa kabutihan ng Diyos at nananalangin.
Noong gumaling na si tatay benny, bago umuwi sa Olongapo City, sinikap niyang hanapin ang nasabing doctor na nagpakilala sa kanya sa hospital. Una dahil paalis na sila upang magpaaalam at para makapag-pasalamat.
Ipnagtanong niya ang pangalan ng doctor at inilarawan ni tatay benny ang mukha nito at taas. Iisa ang sagot ng mga nasa hospital - walang ganung doctor sa nasabing hospital. Sabi ni Tatay Benny sa kanyang patotoo - para sa kanya, angel ang doctor na iyon.
Sa ating Gospel Reading, binisita ng mga angel ang mga pastol. Pambihira ang gabing iyon! Ang dilim ay napuno ng nakasisilaw na liwanag! Isang angel ang nagsalita - at mga angel ang mga umawit!
Nakaka-inggit naman ang mga pastol na iyon!
1. Angel ang nagdala ng balita.
Angel ang nag-sermon. Kung ganito ang sermon tuwing Linggo, ang dami yata ng mga magsisimba. Mala-angel na pastor - gwapo na - magaling pa! Naks naman!
Ang mensahe ng angel ay tungkol sa kapanganakan ng Panginoong Jesus. At hamon niya sa mga pastol, "Pumunta kayo sa Bethlehem at tignan ang sanggol."
2. Heto pa! Mga angel din ang choir!
Ang sarap talaga kapag ang choir ay napaka-galing umawit! Nagsimba ka palang ay parang nakapasyal ka na sa langit. Ang sarap kaya ng mga kasamang mala-angel na choir.
"Gloria in excellesis Deo!" - ito po ang awit nila.
Angel ng Buhay Ko.
Sa ating buhay Kristiano, mayroon talagang angel na sinusugo ang Panginoon. Minsan, hindi man literal na angel, may mga tao na ginagamit ang Diyos upang tulungan tayo. Sila ang mga mala-angel na kaibigan, pastor, deaconessa, magulang, kapatid at iba pa.
Sila ay mga tao na nagbibigay pag-asa at saya sa atin.
Sila ay mga tagapagdala ng mabuting balita sa atin.
At kapag nalulungkot tayo at nalulugmok sa buhay - hayyy salamat sa kanila, nabubuhayan tayo ng loob at nagkakaroon ng panibagong pag-asa.
Masarap po talaga ang may angel sa buhay. Kaya kung naghahanap ka ng angel - sikapin mo rin na maging blessing karin sa iba. Para ka na ring angel noon sa buhay ng ibang tao. Ang ibang tao - sa halip na maging angel ----- naku, makakakurot ka sa gigil, sa halip na may pakpak, sungay.....
Salamat po Panginoon sa mga angel! Dahil sa kanila lumiliwanag ang buhay!
Umalis ang mga Angel
Ngunit pagkatapos umawit - pagkatapos magsalita ng isa sa kanila, umalis na po sila lahat. At dumilim ulit! Naiwan ang mga pastol sa katahimikan ng gabi.
Masarap ang may angel sa buhay. May isang miembro, para kanya, ang angel niya sa buhay ay ang paborito niyang pastor. Inspired po talaga ang miembro basta si Pastor ang preacher. Kaya hindi uma-absent ng service ang member na ito. Makita lang niya ang kanyang angel pastor - ay naku! kumpleto na ang kanyang Linggo.
Pero minsan - sa Annual Conference, inilipat ng DS ang angel pastor. Pinalipad sa ibang destino. Nagbago tuloy ang tingin ng miembro sa DS (dati kasi, angel din ang tingin sa DS).
Pero mga kapatid, mga angel man ay umaalis din! Angel na kaibigan, angel na pastor, angel na deaconesa at kahit sino pa siya, umaalis din talaga ang mga sugo ng Diyos at dinadala po sila ng Panginoon sa ibang lugar.
Pero sa kanilang mensahe, iisa lang ang kanilang sinasabi - "Pumunta kayo sa Bethlehem, hanapin ninyo ang Panginoong isinilang sa sabsaban."
Heto po ang tanong para sa atin,
"Ano ang hinahanap ninyo sa loob ng iglesia, angel ba o ang Panginoon?" Hindi po masama kung mapamahal po tayo sa mga mala-angel na pastor, o deaconesa. Pero huwag po ninyo silang mamahalin ng higit sa Panginoon. May alam ako, umalis ang kanyang paboritong pastor, hindi na siya nagsimba.
Alam po ninyo, umaalis ang mga angel upang sa gitna ng dilim, hahanapin nawa natin ang Panginoon. Ang mga angel ay umaalis, ngunit ang Diyos ay nananatili.
Sa gitna ng dilim, nag-usap ang mga pastol. Wala na ang mga angel, paano ngayon? Ano ba ang dapat gawin?
Sabi ng isa sa mga pastol, "Tara sa Bethlehem, tignan natin kung totoo ang balita ng angel sa atin."
At nagpunta sila sa Bethlehem.
At nasilayan nila ang isang higit sa lahat ng mga angel.
At nakita nila ang bagong panganak na Tagapagligtas.
Umuwi sil ana nagdiriwang, dahil nakita nila si Jesus.
Tara at hanapin natin ang Diyos na nagkatawang tao.
Dalangin ko, uuwi ka rin ngayong gabi na nagdiriwang tulad ng mga pastol, dahil nakita mo ang Panginoong Jesus.
Panghuli, bayaan ninyong idagdag ko ang kwentong ito.
Mayroon daw isang pastol na nakakita at nakarinig din sa mga angel. Masaya siya sa kanyang nakita, pero hindi siya sumama sa mga pastol na nagpunta sa Bethlehem. Hindi niya nakita ang Panginoon.
Limampung tao ang nagdaan, ang pastol na ito na hindi sumama ay matanda na at marami na siyang apo.
Minsan, tinanong siya ng isa niyang apo, "Lolo, totoo po ba ang mga angel?" Sagot ng matanda, "Oo apo ko, magaganda sila at napaka-ganda ng boses!"
Patuloy ng bata, "Lolo, totoo po ba na ipinanganak ang Tagapagligtas?" Malungkot na sumagot ang matanda, "Ewan ko - apo, ewan ko. Hindi ako nagpunta upang makita siya. Mga angel lang ang nakita ko."
Huwag kang makuntento sa mga angel. Katagpuin mo ang Diyos. Tara na po sa Bethlehem at katagpuin si Jesus. AMEN!
__________________________
Sermon 6: "Akin ‘To!" - Sabi ng Panginoon
Lucas 2:36-38
May kwento tungkol sa isa pang pang-aasar na ginawa ni Satanas sa Panginoong Jesus. Sa kanilang usapan,
Devil: O ano Jesus? Parami ng parami ang sa akin. Nakikita mo yung mga taong nahihirapan dahil sa bagyong Yolanda, mga taong sinisisi ka dahil pinabayaan mo silang magdusa - ha ha ha ha - akin silang lahat!
Yun, yung mga tsimosong iyon - akin sila.
Yung mga nagsusugal na iyon, ang mga naglalasing - ha ha ha - akin yan.
Jesus: Alam mo Satanas, marami pa rin ang sa akin.
Dinala ni Jesus si Satanas sa simbahan. At patuloy ng Panginoon, "Ang mga nagsisimbang iyan, ngayung Simbang Gabi, lahat - akin yan."
Satanas: Pero yung natutulog na iyan sa simbahan, akin yan! Yung nagtsitsimisan na ayaw makinig sa iyong Salita - akin yun. Aminin mo na Jesus, hindi lahat ng nasa church ay sa iyo."
MGA KAPATID, UMAASA AKO NA ANG LAHAT NG NANDITO NGAYON AY SA PANGINOON! AMEN!
Tayo po ay manalangin.
Lahat kami Panginoon ay sa Iyo, tanggapin mo ang aming buhay na aming kaloob sa Iyo ngayong Pasko. Ang aming buong buhay, ang aming buong kalakasan ay sa iyo Panginoon. Amen.
Pumalakpak ang lahat ng nasa Panginoon! Pabayaan nating magsabi ang Panginoon, "Akin itong church na ito! Hallelujah!"
Sino si Ana?
May isang matandang babae sa kwento, ang pangalan po niya ay Ana - ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay "grace". Magandang pangalan.
Siya ay anak ni Fanuel - ibig sabihin nito ay "mukha ng Diyos".
Siya ay kabilang sa lahi ni Asher - ibig sabihin ng Asher ay "pinagpala".
Talagang sa Panginoon siya dahil ang kanyang pamilya ay sumasamba sa Panginoon. Ang mga nasa Panginoon ay mga taong naglilingkod sa Diyos. Mula pa sa kanyang mga ninuno, sila ay tapat sa Panginoon.
Ngunit si Ana ay nagkaroon ng problema sa buhay. Maaga siyang nabalo. Namatay agad ang kanyang asawa at hindi na siya nag-asawang muli.
Wala siyang tagapagtanggol. Nag-iisa siya sa buhay hanggang tumanda siya. Walumpu't apat na taon na siyang biyuda (84 years) at pitung taon silang nagsama ng namayapa niyang asawa (7 years). At kung iisapin nating siya ay nag-asawa ng maaga (15-20 years) old, ang kanyang edad ay nasa 106+ years old na! Napakatanda na niya noong makita niya ang Panginoong Jesus!
Hindi po simple ang mamuhay na nag-iisa sa ganito kahabang panahon. Ngunit ang lahat ng pinagdaanan niya sa buhay ay pinaglingkod niya sa Panginoon. Sabi ng Biblia,
"Lagi siya sa Templo, at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pagaayuno at pananalangin."
Tanda ng Isang Taong sa Panginoon
1. Dumaan siya sa mga pagsubok ngunit, pinili niyang patuloy na maglingkod sa Panginoon. Ang buhay niya na naglilingkod sa Panginoon ay kanyang pinagpatuloy kahit noong dumaan siya sa pagsubok sa buhay bilang balo.
2. Tumanda siyang naglilingkod sa Panginoon. Maaring maliliit na lamang ang hakbang ng kanyang mga paa. Ngunit patuloy sila sa paglilingkod. Napaka-palad ng ating iglesia dahil marami pa rin tayong mga lolo at lola na patuloy na sumasamba sa Panginoon. Sila ang mga Ana ng ating panahon. Hindi sila nagsasawa, hindi sila tumitigil sa pagsamba at pananalangin sa Diyos. Sa Panginoon pa rin po sila! Pwede bang palakpakan natin ang mga Senior Citizens ng iglesia?
3. Pangatlo, patuloy siyang nagsasalita tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas. Siya ay isang propeta, isang tagapagsalita ng Diyos. Sabi ng Kasulatan,
"Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem."
Walang duda, kapag nakikita ng Panginoon si Ana, sinasabi ng Panginoon, "AKIN ITO!"
Kapatid, kanino ka? Sa Panginoon ka ba?
Paka-isipin mo. Pinakaloob mo na ba ang iyong buhay sa Panginoon?
Kung hindi pa, hinihiling ko sa iyo, ipagkaloob mo ang sarili mo sa Diyos, at masasabi mo pagkatapos nito, "Sa Panginoon ako." Amen.
_____________________
Sermo 7: Hamon ng Pasko
Luke 3:1-6
Wala na yatang tatalo sa mga "Laging handa!" Iyan ang motto ng mga boyscouts at ng mga Deaconesang Harissians!
Sabi ni E. M. Foster - "Those who prepared for all the emergencies of life beforehand may equip themselves at the expense of joy."
Ang paghahanda para sa pagdating ng pasko ay maaring maging krisis at maging malaking sakit ng ulo (lalo kung marami kang ina-anak). Dumating si Juan Bautista upang ihanda ang mga tao sa pagdatal ng Panginoong Jesus. Ang paghahanda ay isang malaking hamon.
1. The Challenge of Starting All Over Again
Sa verses 2-3, ng Lukas 3, ganito ang nakasulat,
"Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, "Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos."
To accept that there is something wrong with yourself is a hard challenge. Kapag ang isang tao ay nag-sisisi, tinatanggap niya na may mali sa kanyang ginagawa na dapat ituwid.
Lalong matindi ang hamon ni Juan na magpabautismo ang Judio. Ang bautismo sa mga Judio ay para sa mga nagisisi, at para sa mga Gentiles na nagnanais maging Judio, at nagnanais magbago ng pananampalataya. That is to start anew in the Jewish faith. This challenge offended many in the Jewish faith, because they were called by John to start all over again in their faith in God. That means, they have to accept the truth that they fell short in being a Jew (as if they lived no better than the Gentiles), and they have to start all over again.
Parang isang bata sa paaralan na nutusan ng guro, pero pagkatapos ay sabi ng teacher, mali, at pinaulit na naman ang assignment. This is both a gift and an embarassment. Pero mas mabuti kung tatanggapin po natin ito bilang regalo. Dahil lahat tayo ay kailangang magsimula ulit. Marami na tayo mali sa buhay na kailangan nating ituwid.
2. The Challenge to be Open to Changes
Sa v. 5 "Matatambakan ang bawat libis,
at mapapatag ang bawat burol at bundok.
Matutuwid ang daang liku-liko,
at mapapatag ang daang baku-bako.”
Hindi madali ang maging bukas sa mga pagbabago. Marami ang mga pastor na naghahangad ng pagbabago, pero sa halip magkaroon ng pagbabago, pastor ang inaalis at binabago ng iglesia (ibig kong sabihin, papalitan ka kaagad ng PPR kapag gumawa ka ng pagbabago sa simbahan). Mag-ingat ka pastor. Huwag kang basta-basta gagawa ng pagbabago sa liturgy...eh eh eh.
Pero ang pagtambak sa libis at pagpatag ng bundok ay mga pagbabago. Malaking pagbabago na dapat gawin ng iglesia. Ngunit gaano kaya kahanda ang ating iglesia para sa mga pagbabago na nais ng Diyos para sa atin? Kapag ang Diyos ay may bagong pagkilos sa ating buhay, gaano tayo kabukas upang bigyan siya ng laya na kumilos?
Minsan, ang mga pagbabago ay masakit tanggapin, tulad ng "pagpatag ng bundok", ito ay pagbababa ng mga matataas. Marami ang nasa itaas na ayaw bumaba.
Gumawa kayo ng tuwid na daan! Paano kung may dapat ituwid sa ating mga ginagawa? Handa ba tayo na ituwid tayo ng Diyos kung kinakailangan?
3. The Challenge to Open for Divine Possibilities
Sa verse 6, ganito ang sabi "At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!"
Pagiging bukas sa gagawin ng Diyos. Maraming tao ang gumagawa sa simbahan at pagkatapos nais nilang itanyag ang kanilang pangalan para masabi nila, "GAWA KO IYAN!" At hindi ang Diyos ang napapurihan. Marahil, dahil hindi talaga ang Diyos ang maygawa...
Inahamon tayo ng ating Gospel Reading na maging bukas sa magagawa ng Diyos. Ang ating magagawa bilang tao ay limitado, ang magagawa ng Diyos ay walang limitasyon.
Ito ang mga hamon ni Juan Bautista, ang hamon ng pagiging handa sa pagdatal ng Diyos sa mundo.
____________________
Sermon 8: Answered Prayer Ni Zacarias
Lucas 1:12-13
Nasindak si Zacarias at natakot nang makita niya ito. Ngunit sinabi ng anghel sa kanya, "Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang iyong asawang si Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipapangalan mo sa bata.
Ang panalangin ay mahalagang sangkap ng pagiging Kristiano. Kung ang pagbabasa ng Biblia ay maituturing na pagkain ng ating kaluluwa, ang panalangin ay ang paghinga nito.
Pero minsan sa ating mga pastor (pari na tulad ni Zacarias) maaring ito ay parang trabaho lang. Maliban sa pangangaral, tayo ay tiga-panalangin ng ibang tao.
Nang mabunot si Zacarias para manalangin para sa buong Israel, hindi siya nanalangin para sa iba. Nanalangin siya para sa sarili niyang asawa, para sa kagustuhan nilang magka-anak. May pagkakataon na tayong mga pastor at deakonesa at lugmok sa problema ng ating sariling pamilya. Mayroon din tayong sitwasyon na minsan hindi na natin sinasabi sa ating mga miembro. May kalungkutan na ating sinasarili. Tulad ni Zacarias, dahil wala siyang anak - ang panalangin niya ay pansarili.
1. Dapat ipanalangin ng pastor ang sarili
Minsan habang ipinapanalangin namin kayong mga miembro o ang maraming tao - naiisip ko kung sino ang mananalangin para sa aming mga pastor at mga deakonesa. Siguro, dapat nga naming ipanalangin ang aming sarili tulad ng ginawa ni Zacarias.
Wika ng angel “Narining ng Diyos ang iyong panalangin, magkakaroon ka ng anak."
Pero kailangan po namin ang inyong suporta sa panalangin. Salamat po inyo na mapagmahal sa mga manggagawa. Higit sa mga regalo at kaloob na inyong bigay, nais ko pa pong hilingin na huwag ninyo kaming kalilimutan sa inyong panalangin.
May panahon na mahina kami. May panahon na inaatake kami ng lungkot. Ipanalangin po ninyo kaming mangggawa ninyo.
2. Ang panalangin ay mabisa.
Mabisa ang panalangin dahil ang Diyos ang hinaanyayahan nating kumilos sa halip na tayo lang ang kikilos. Higit na may magagawa ang Diyos, kung ikukumpara sa magagawa ng tao lamang.
Matanda na si Zacarias, at baog si Elizabeth. Sa panalangin, kumikilos ang Diyos para tumugon. At kapag kumikilos ang Diyos, ang imposible ay nagiging posible.
Ang Panalangin ni Zacarias
Alam niyang matanda na sila. Alam niyang imposible ang kanyang hinihiling. Subalit patuloy pa rin siyang nanalangin. Marami sa atin ang madaling tumigil sa pananalangin kapag nakita natin na imposible ang ating hinihiling. Marami rin ang sumusuko sa pagdulog sa Diyos, kapag hindi agad-agad pinagkakaloob ng Diyos ang katugunan. Nanalangin si Zacarias at dininig siya ng Diyos, kahit imposible ang kanyang kahilingan.
3. Ang panalangin ay mabisa kapag ito ay ayon sa plano ng Diyos.
Ang kapanganakan ni Juan Bautista ay plano ng Diyos. Hindi ito kagustuhan lamang ni Zacarias. Nangyayari ang katugunan sa panalangin kapag ito ay ayon sa plano ng Panginoon. Hindi sumusunod ang Diyos sa kalooban ng tao. Ang sinusunod ng Diyos ay ang tanging kalooban niya. Sinasabi ng Biblia na matuwid na tao si Zacarias. At ang mga matuwid na tao ay sumusunod sa kalooban ng Diyos at hindi lamang sa kanilang sariling hangarin.
Bakit hindi mo subukang manalangin para matupad ang kalooban ng Diyos. Halimbawa, kalooban ng Diyos na maitatag ang mga iglesia. Kalooban ng Diyos na mapaganda natin ang mga simbahan. Kung walang pera, bakit hindi tayo humingi sa Diyos at marubdob na manalangin? Ginagawa ng Diyos ang kanyang kalooban kahit mahirap ito sa paningin ng tao. Kalooban ng Diyos na magtagumpay tayo sa misyon at ebanghelismo! Hindi nagtatagumpay ang iglesia kapag, puro ito fellowship at maintenance ang mga activities. Ngunit kapag ginagawa ng iglesia ang kanyang misyon, Diyos ang mismong nagpupuno sa pangangailangan.
Kaya pagbulayan po natin, kapag tayo ay naghihirap bilang isang iglesia, tanungin natin ang ating sarili: "Ginagawa ba natin ang kalooban ng Diyos?" Isang iglesia ang nagdaraop. Mayayaman ang mga miembro, at hindi sila nag-iikapu. Tinitipid nila ang Diyos. Nanalangin sila na pagpalain ng Diyos ang kanilang iglesia, at sa palagay ninyo...tutugon ba ang Panginoon? Sa palagay ko po-HINDI! Ang paraan ng Diyos upang pagpalain ang kanilang iglesia ay ginawa na ng Diyos. Nasa kanila na ang katugunan sa kanilang panalangin, subalit hindi sila sumusunod sa nais ng Panginoon.
4. May kahilingan ka ba sa Panginoon?
Una, alamin mo muna kung ito ay ayon sa kalooban ng Panginoon. Huwag mong uutusan ang Diyos. Ikaw ang sumunod sa kanyang kalooban.
Pangalawa, kulitin mo ang Ama, upang mangyari ang kanyang kalooban (na iyong hinihiling).
Pangatlo, hanapin mo ang solusyon, at maghintay kung kinakailangan sa Kanyang panahon. Tignan mo palagi na baka, tumugon na ang Panginoon. Hindi nahuhuli sa pagtugon ang Diyos sa panalangin. lagi siyang "on time".
Maraming tao ang bigo sa panalangin dahil akala nila, maaring utusan ang Diyos.
Ang panalangin ay paghahanap ng kalooban ng Diyos para sa atin. Hindi ito pagpaparating ng ating kalooban upang sumunod ang Diyos. Hindi natin maaring mapasunod ang Diyos sa gusto natin.
Maging mapanalangin po tayo. Idalangin po ninyo kamiang mga manggagawa. Hanapin natin ang kalooban ng Diyos at buong puso tayong sumunod.
(Altar Call: Manalangin lalo sa mga may problema sa kanilang sariling sambahayan.)
_________________
Sermon 9: Ang Nasayang na Pasko ni Herodes
Mateo 2:7-8
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, "Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya."
Ang Pasko ay isang mabuting pagkakataon para sa lahat upang magbulay sa kapanganakan ng ating Panginoong Jesus. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang tao ay ang pinakadakilang karanasan para sa lahat. Ilang taon lang ang nakararaan, nagpunta sa Israel ang aking kapatid at mga anak niya at ikinuwento nila ang nakakapanindig balahibong karanasan nila sa pagpunta sa Israel.
Naisip ko, paano pa kaya ang pakiramdam ng mga taong tunay na nakaharap ng Panginoong Jesus noon? Kung mayroon akong kina-iingitan ay sila na nakakita sa Panginoon sa kanyang pagkakatawang tao.
Ang pagkakataong ito ay ipinagkaloob kay Herodes. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatagpo ang Cristo ng Pasko. May magandang bagay na dapat nating tularan kay Herodes;
1. He searched for Jesus.
Hinanap niya si Jesus. Mabuting hangarin ang hanapin ang Diyos. Marami na rin ang nagsisimba sa panahong ito pero ilan kaya ng tunay na naghahanap kay Jesus?
2. He declared his intention to worship Jesus.
Sa maraming nagpupunta sa mga simbahan ngayon, kailangan din nating pag-aralan kung tayo nga ay tunay na nagpunta rito sa simbahan upang sumamba.
Ganito ang sabi niya, "Upang ako'y sumamba rin sa Kanya." Nagpahayag siya ng pagnanais sumamba.
3. He searched the Scriptures to know more about Jesus. Madalas yata nakakalimot na ang marami sa atin sa pagbabasa ng Salita ng Diyos. Tama pa rin ang awitin ng mga bata, "Read your Bible and pray everyday, and you'll grow...grow...grow."
Mapalad ang mga taong tunay na naghahanap sa Diyos, dahil masusumpungan nila ang Diyos. Tignan ninyo si Zakeo. Hinanap niya at sinikap na makatagpo si Jesus. Ngunit nakita niya na sila rin pala ay hinahanap ng Panginoon.
Sa likod ng mga bagay na ito na sinabi ni Herodes tungkol kay Jesus, may nakita ang Diyos sa tunay na motibo ni Herodes.
Sa v. 13, ang sabi, "Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, "Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin."
UPANG PATAYIN SI JESUS?
Akala ko ba ay sasamba siya??? Akala ko ba mahal niya ang Panginoon??? Kasinungalingan ang lahat!! Pagsamba sa bibig, ngunit pagpatay ang ibig!
Kapag naging huwad na pagsamba, ito na yata ang pinakamasamang bagay na magagawa ng isang tao laban sa Diyos!
Mga kapatid, salamat sa ating bilang ngayong gabi. Salamat sa Diyos sa inyong taos pusong pagsamba. Ginagawa ninyo ang nais ng Diyos.
Umiwas po tayo sa huwad na pananambahan na ginawa ni Herodes.
Ang lumabas sa kanyang bibig ay kabaligtaran ng kanyang gawa.
Ang Pasko ay pagkakataon upang tunay nating hanapin ang Panginoon. Upang sambahin natin siya sa Espiritu at katotohanan. Kung ito ang tunay na layunin natin ngayong gabi, mapapasaya natin ang Diyos.
Ngunit ang ginawa ni Herodes...sayang...sinayang niya ang kanyang Pasko.
_________________________________
Sermon 10: Mga Lola ng Panginoong Jesus
Matthew 1:1-17
Isang kabataan ang nagreklamo sa kanyang pastor.
"Pastor, masama ang loob ko."
"Bakit naman, anak?"
"Nabusted po ako."
"Akala ko love karin ng nililigawan mo?"
"Gusto po niya ako, pero ang nanay niya, ayaw sa akin?"
"Bakit daw?"
"Pangit daw po ang aking family background. Pangit daw ang istorya ng aming pamilya."
Kung sa iyo mangyayari ito, marahil malulungkot ka rin. Pero napag-aralan na ba ninyo ang family background ng Panginoong Jesus?
Sa talaan ng mga ninuno ni Jesus may makikita tayong listahan ng mga babae, apat na babae na naging lola ng Panginoon.
Ang bawat tao ay hindi maaring pumili ng kanyang magulang, bago tayo ipinanganak. Tanging ang Panginoong Jesus lamang ang ipinanganak na maaring pumili ng pamilyang kanyang kabibilangan. Hindi tayo maaring pumili ng ating pamilya.
1. Ang unang lola ni Jesus ayon sa talaan ay si Lola Tamar, na ina ni Fares at Zara, at ang ama nila ay si Judah. Si Tamar ay manugang ni Judah. Nagka-anak ang biyenan sa manugang.
May mga sekreto minsan sa mga pamilya na nais sanang pagtakpan na lamang at kalimutan. Ngunit ang talaan sa Mateo 1 ay ang mismong naglantad ng ganitong katotohanan tungkol sa salinlahi ng Panginoon.
May mga bagay na mahirap tanggapin, ngunit salamat sa Diyos na nagbibigay ng bagong buhay. Binibigyan niya tayo ng pagkakataong makatindig muli mula sa ating pagkalugmok sa kasalanan.
2. Si Lola Rahab ang susunod na binanggit. Si Rahab ay isang dating prostitute.
May isang pastor na bumisita sa isang pamilya na hindi nagsisimba. Wika ng nanay ng pamilya, "Pastor, hindi po kami nagsisimba. Baka po kasi masunog kami kung kami ay papasok sa simbahan."
"Bakit naman po?", tanong ng pastor.
"Pastor, pang gabi po kami sa trabaho."
"Dancer po ang aking anak, at ako naman po ay nag-papa table."
Nang marinig ito ng pastor, ibinahagi niya ang pagmamahal ng Diyos sa mag-ina. Tumanggap ang pamilya sa Panginoon, at mula noon sila ay naging dancers na at singers sa iglesia ng Panginoon.
Si Rahab ay dating masamang babae. Siya ay lola ni Jesus.
3. Si Ruth na nanay ni Jesse, na ama ni Haring David ay naging asawa ni Boaz, dahil isang gabi, ayon sa payo ni Naomi, natulog si Ruth sa tulugan ni Boaz, upang magustuhan siya ng lalaki.
Palay na lumapit sa manok. At tinuka naman ng manok ang palay.
4. At siyempre, nabanggit din ang ina ni Solomon, si Bathsheba na (dating asawa ni Urias). Si David ay naakit kay Bathsheba habang ang babae ay naliligo. Pinatawag siya ng hari at sinipingan. Nagka-anak sila sa pagkakasala. Pinapatay ni David si Urias na asawa ng babae upang lubusan niyang maangkin si Bathsheba.
Pero bakit sila ang pinili ng Panginoon upangmaging lola niya sa pagkakatawang tao?
Si Jesus ay ipinanganak sa isang angkan ng mga tao. At dahil sa pagdating ng Panginoon sa sambahayan ng mga makasalanan, napatunayan na siya nga ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Ang tanging makapagliligtas sa kasalanan ng tao ay si Jesus. Wika niya, "Dumating ako para sa mga makasalanan at hindi para sa mga matuwid."
Maraming kasalanan ang nagaganap ngayon lalo sa loob ng pamilya. Dapat sana, ang pamilya ay maging lugar ng kapayapaan. Subalit sa loob pa ng pamilya nangyayari ang maraming kalupitan gawa ng kasalanan.
Ngayong pasko, maraming pamilya may reunions. Maraming pamilya ang nangangailangan ng pagpapatawad ng Diyos. Maraming pamilya ang nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos.
Ang pasko ay pagsilang ni Jesus sa pamilya.
Sana, sa ating pamilya ay maipanganak din si Jesus.
Nanghahanap pa rin ng lugar sa tahanan ang Panginoon.
Tanggapin natin siya sa ating mga tahanan.
"Sumampalataya ka kay Jesu-Cristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."
Ito ang pahayag ng Salita ng Diyos. Bigyan natin ng lugar si Jesus sa ating pamilya, ngayon.
________________________
Sermon 11: 11. Ang Simula ng Wakas
Mark 13:1-8
Parami ng parami ang mga balita na malapit na ang wakas ng panahon. Nandiyan ang mga kuro-kuro tungkol sa mga nakaraang taon, halimbawa December 21, 2012. Ayaw kong maniwala sa mga ganitong uri ng balita dahil gusto kong magpasko. Hindi lamang sa paskong darating kundi ng marami pang pasko na darating pa. Ang ating Biblia ay nagsasabi na may katapusan talaga, ang muling pagdating ng Panginoong Jesus sa paghuhukom. Dito magtatapos ang lahat ng bagay, ngunit magsisimula naman ang ganap na paghahari ng Diyos.
May dalawang pasko tayong mga Kristiano. Ang una ay noong ipanganak ang Panginoong Jesus sa Bethlehem. Naging tao ang Diyos at nakipamuhay sa ating mga tao.
Ang pangalawang pasko ay ang Kanyang muling pagdating. Tulad ng Israel noong una, ang paghihintay sa pagdating ng ating Messias o Tagapaligtas, ay puno ng excitement, puno ito ng pag-asa. Ang larawan sa belen ay isang magandang larawan, sentro dito si Jesus. Hindi na mahalaga kung nasaan sila, ang hanap nga mga pantas at karaniwang pastol ay iisa - si Jesus.
Kaya tandaan natin, tuwing darating ang pasko, ina-alala natin ang unang pasko, ngunit hinihintay pa natin ang parating na isa pang pasko, ang muling pagdatal ng Panginoon. Ito ang simula ng kawakasan. Inilalarawan nito ang pagkawasak ng maraming bagay, ngunit magtatayo naman ang Diyos ng kanyang kaharian. Ang pagtingin natin ay dapat na muling ituon sa Diyos, at hindi sa mga bagay na nagaganap sa sanlibutan. Ganyan ang pasko - muling kukunin ng Panginoon ang ating atensyon, upang sa kanya lamang tayo tumingin.
Ang Marcos 13:1-8 ay pananalita ng Panginoong Jesus kung paano tayo haharap sa mga huling panahon, kung paano tayo magiging matalino sa kabila ng mga pagdaraya ng diablo, sa kabila ng mga kahirapan at pagsubok namaaring dumating. Dahil ang Kristianong tunay ay matalinong haharap sa simula ng wakas ng sanlibutan. Kaya ayon sa Panginoon, gawin natin ang sumusunod;
1. Huwag ituon ang paningin sa mga gawa ng tao.
As he came out of the temple, one of his disciples said to him, "Look, Teacher, what large stones and what large buildings!" Then Jesus asked him, "Do you see these great buildings? Not one stone will be left here upon another; all will be thrown down."
Ang templo o anumang gawa ng tao para sa sarli o maging gawa para sa Diyos ay magwawakas. Ang nagiging "focus" ng tao ay madalas ang kanyang mga achievements. Ang mga narating ng tao gamit ang kanyang talino at kakayanan ay mawawalan ng kabuluhan pagdating ng paghahari ng Diyos. Inakala ng tao, na siya ang bida ng kasaysayan. Subalit ang Diyos ang sentro ng kasaysayan at panahon. Sa huling araw, mawawasak ang lahat ng gawa ng tao at ang lahat ng mata ay tititig na lamang sa Diyos. At si Jesus, tulad noong unang pasko, ang magiging sentro, lahat ay luluhod at sasamba sa kanya.
2. Mag-ingat sa Pandaraya ng Kaaway
13:5 Then Jesus began to say to them, "Beware that no one leads you astray. Many will come in my name and say, 'I am he!' and they will lead many astray.
Alam ng kaaway na hihigupin ng Panginoong Jesus ang lahat ng atensyon. Lahat ng tuhod ay luluhod sa Kanya. Sa Pahayag 22:3-5
“Wala roong makikitang anumang isinumpa ng Diyos. Makikita sa lunsod ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod. 4 Makikita nila ang kanyang mukha, at masusulat sa kanilang noo ang kanyang pangalan. 5 Doo'y wala nang gabi, kaya't hindi na sila mangangailangan pa ng mga ilaw o ng liwanag ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila, at maghahari sila magpakailanman.”
Kung kaya, ang kaaway ay magkukunwaring si Jesus, upang mailigaw niya ng marami. Gagawa rin siyang sariling tatak sa noo ng mga tao. Magkukunwari siya bilang ang Messias. Ano ang ating gagawin kung gayon?
Ang ating Panginoon mismo ang nagsabi, "Beware that no one leads you astray." Mag-ingat tayo upang hindi tayo madaya. Paano natin ito gagawin?
a. alamin natin ang katotohanan. Basahin at aralin po natin ang Salita ng Diyos. Huwag po sana tayong maging mangmang at sunod-sunuran na lamang sa mga mangararal. Mag-aral tayo at alamin ang katotohanan.
b. Laging manalangin at hilingin ang gabay ng Espiritu Santo.
c. Huwag liliban sa mga pagsamba at sama-samang pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Sa Hebreo 10:24-25, ganito ang paalala sa atin, "Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon."
d. Umiwas sa anumang uri ng kasamaan. Wika ni John Wesley sa General Rules for the People Called Methodists, umiwas tayo maging sa mga gawaing ipinapalagay na mabuti ng mundo, ngunit labag sa mga utos ng Diyos, kahit ito ay maging uso at nagiging kagalakan sa maraming tao.
e. huwag tayong magsasawa sa paggawa ng kabutihan.
Panghuli,
3. Magpatuloy tayo sa tamang pamumuhay.
Ito ay sa kabila ng mga masasamang bagay na magaganap sa ating kapaligiran. Wika ng Panginoon,
13:7 When you hear of wars and rumors of wars, do not be alarmed; this must take place, but the end is still to come.13:8 For nation will rise against nation, and kingdom against kingdom; there will be earthquakes in various places; there will be famines. This is but the beginning of the birthpangs.
Ang pagdating ng masamang panahon ay pagkakataon para sa ating mga Kristiano upang patunayan na tayo ay sa Diyos. Wika ng Pahayag 22:11-12,
Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti at ang banal sa pagpapakabanal."
12 At sinabi ni Jesus, "Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!
Ano pa ang maari nating gawin upang magtagumpay tayo sa pagharap sa Huling Araw ng Panginoon?
a. Tumulad tayo kay Hannah at ihandog sa Diyos ang pinakamabuti.
Ang pinakamabuti para kay Hannah ay ang ihandog ang kanyang anak na lalaki sa Diyos. Maaring ang pinaka-mainam na magagawa natin ay ang hubugin din natin ang susunod na henerasyon upang maglingkod sa Diyos tulad ni Samuel. Habang pasama ng pasama ang panahon, ang nagiging biktima kadalasan ay ang susunod na henerasyon. Bakit hindi natin sila (ang ating mga anak) ihandog sa Diyos?
b. Ilunsad natin ang paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapabuti sa antas ng buhay para sa mga mahihirap.
1Samuel 2:8; "He raises up the poor from the dust; he lifts the needy from the ash heap, to make them sit with princes and inherit a seat of honor. For the pillars of the earth are the Lord's, and on them he has set the world."
Ang paghahari ng Diyos ay paghahari ng mabubuting bagay para sa mga mahihirap. Upang bigyang kapangyarihan ang mga mahihina at pagkain sa nagugutom. Ito ay isang paraan ng paggawa ng mabuti at pagpapatupad ng kalooban ng Diyos.
c. Mamuhay tayo bilang matatalinong Kristiano at magliwanag tayo. Habang inililigaw ng Kaaway ang mga tao palayo sa Panginoon, akayin natin ang mga tao patungo sa Diyos.
Ayon sa Daniel 12:3 Those who are wise shall shine like the brightness of the sky, and those who lead many to righteousness, like the stars forever and ever.
__________________
Sermon 12: Paghahanda sa Paskong Darating
Luke 21:25-36
Ang paglalarawan sa pasko ay madali lamang; mga parol, patay-sinding ilaw, suman, puto bumbong, christmas tree, simbang gabi at iba pa. Sa ibang bansa, ang larawan ng pasko ay puting kapaligiran dahil sa snow, mga pamaskong awitin, mga ilaw at mga taong nagmamadali upang makabili ng mga regalo.
Ganito palagi ang larawan ng pasko. Sa mga mahihirap na bata, ang pasko ay panahon ng mga panaginip upang makatikim ng mga mansanas, peras at ubas. Kendi at ulam na hindi naihahain sa mga karaniwang petsa ng taon.
Ngunit ano nga ba ang tunay na larawan ng pasko? Tandaan na tayong mga Kristiano ay may dalawang pasko; una, noong ipanganak si Jesus, at pangalawa, ang muling pagdating ni Jesus sa huling panahon. Ang unang pasko ay mailalarawan tulad ng imahen ng isang belen, naroon si Jesus na tangan ni Maria at Jose, naroon ang mga angel, ang mga dalaw na pantas at ang mga pastol.
Ang ating teksto ay naglalarawan sa paskong darating o ikalawang pasko. Ito ay ang kaganapan ng pagsakop ng Panginoong Jesus sa panahon, at sa buong sangnilikha. Ang Panginoon na lamang ang magiging tampok sa kasaysayan, na panonoorin ng lahat ng tao, di tulad ng kasalukuyan, sa ngayon, ang kasaysayan ay ginagawa ng tao, at kabahagi lamang ang Diyos. Sa lundo ng kasaysayan, sasakupin ng Diyos ang lahat, tayong tao ay makikibahagi na lamang sa ginagawa ng Diyos. Noong unang pasko, ang Diyos ay suma-saatin, sa susunod na pasko, tayo ay sasa-Diyos.
Sa unang pasko, naging tampok si Jesus subalit sa isang maliit na sabsaban lamang, kasama ang ilang tao na nagmamasid sa pagdating ng Diyos sa sanlibutan. Sa pangalawang pasko, manonood ang lahat ng tao, maging ang mga namatay ay makakasaksi sa muling pagdating ni Cristo.
Ang unang pasko ay ina-alala, ang pangalawa ay pinaghahandaan. Ngunit paano nga ba natin paghahandaan ang pangalawang pasko?
1. Maging Handa sa mga Magaganap
21:25 “There will be signs in the sun, the moon, and the stars, and on the earth distress among nations confused by the roaring of the sea and the waves. 21:26 People will faint from fear and foreboding of what is coming upon the world, for the powers of the heavens will be shaken.
Ang bawat Kristiano ay dapat maging matalino sa panahong ito ng paghahanda, dahil maraming kahirapan ang magaganap. Habang ang mga hindi Kristiano ay nagsasamantala sa ganitong kahirapan, ang mga Kristiano naman ay dapat na gumagawa ng kanilang misyon upang tumulong sa kapwa at nahihirapan. Habang tayo ay naghihintay sa pagdating ni Jesus, dapat tayong gumawa at maglingkod sa iba.
2. Maging Handa sa Pagdating ni Cristo
21:27 Then they will see ‘the Son of Man coming in a cloud’ with power and great glory.
Ang tamang paghahanda sa pagdating ni Jesus ay pagpapasakop sa Kanyang kapangyarihan ngayon pa lamang.
3. Maging Handa sa Gagawing Pagliligtas ng Diyos
21:28 Now when these things begin to take place, stand up and raise your heads, because your redemption is drawing near.”
4. Magbantay at maging alerto sa Pagdating ng ating Panginoon
a.Magbantay - 21:34 “Be on guard so that your hearts are not weighed down with dissipation and drunkenness and the worries of this life, and that day catch you unexpectedly,
b. Maging Alerto- 21:36 Be alert at all times, praying that you may have the strength to escape all these things that will take place, and to stand before the Son of Man.”
Maraming ginagawang paghahanda ang mga tao sa pagdating ng pasko, subalit madalas nakakalimot sa pagdating ni Cristo.
Inihahanda ang mga pagkain at regalo. Ngunit nakakalimutan ang tunay na nagbigay nito.
Higit sa paghahandang material, nawa’y makapaghanda tayo sa paraang espiritual, upang salubungin si Cristo sa kanyang muling pagdating.
____________________________
Sermon 13: Sabik sa Diyos.
Lucas 3:15-17, 21-22
15 Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay. 16 Dahil dito sinabi niya sa kanila, "Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas. 17 Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin niya sa apoy na di mamamatay kailanman."
21 Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang narinig nila, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan."
Mula sa aking pagkabata, sa edad na 12, nagsimula na sa pamilya namin ang mag-abroad. Anim kaming magkakapatid, ako ang bunso at lahat ng aking mga kapatid naghahanap buhay sa ibang bansa.
Kung kaya ang aking buhay sa loob ng mahigit 30 taon, ay puno ng paghihintay sa pagdating ng aking mga kapatid, lalo na kapag pasko. Kapag may nagsabi sa kanila na sila ay darating ng pasko o bakasyon, lagi akong umaasa at naghihintay na sila ay darating. Kagalakan para sa akin ang makita ang isa man lang sa kanila hangga ngayon, kapag sila ay dumarating.
1. Katuparan ng Paghihintay
Ang Epifanio ay katuparan ng Diyos sa kanyang pangako na siya ay darating. At ang isang halimbawa ng katuparang ito ay ang bautismo ni Jesus, kung saan ipinahayag ang presensya ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.
At inilarawan ni Lucas ang tamang damdamin sa paghihintay sa pagdating ng Tagapagligtas, wika niya,
"Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo." (v.15)
Nanabik sila sa Diyos. Mapalad ang mga taong uhaw sa Panginoon, sila na naghahanap ng kanyang mukha. Tulad ng minsang pagkauhaw ni David sa Diyos, sa Awit 42:1-2,
As the deer pants for streams of water,
so my soul pants for you, O God.
2 My soul thirsts for God, for the living God.
When can I go and meet with God?
Sinasabi na sa South Korea ang mga nagsisimba ay tumatakbong papasok sa mga simbahan. Marahil sila ay sabik sa Diyos. Ngunit sa ating mga simbahan bakit laging huli ang mga nagsisimba? Bakit parang wala tayong kasabikan sa Diyos?
Ang kasabikan sa Diyos ay damdamin ng pagmamahal sa Panginoon. Nais ng Diyos na siya ay kinauuhawan at hinahanap. Ayon sa Deut 4:29-30, “But if from there you seek the Lord your God, you will find him if you look for him with all your heart and with all your soul.”
2. Mga Bagay na Aasahan sa Pagdating ni Jesus
Tuwing Pasko, sa aking paghihintay sa aking mga kapatid, umaasa ako sa kanilang pagdating may pasalubong akong tatanggapin. Wala akong pinagkaiba sa mga anak ng mga OFW na naghihintay ng pasalubong mula sa mg adarating na magulang nila. Hawig ito ang damdaming ito sa mga naghihintay sa pagdating ng Panginoon.
Ang mga taong umaasa sa Diyos ay nagkakaroon ng pag-asa. Ang mga may pag-asa ay nagkakaroon ng lakas. Ang ating pag-asa mula sa Diyos ay hindi lamang mga hungkag na panaginip kundi mga katotohanang aasahan natin na mangyayari dahil buhay ang ating Diyos. Ang lahat ng Kanyang mga pangako ay kanyang tutuparin.
May mga bagay na dapat nating asahan sa pagdating ng Cristo, ayon kay Juan Bautista,
a. Sa kanyang pagdating paghihiwalayin niya ang trigo (mga tunay na sumasampalataya) sa ipa (mga huwad at nananatili sa kasalanan). Wika ng Pahayag 22:11, sa pagdating ng huling panahon, makikita na,
"Magpatuloy sa pagpapakasama ang masasama, magpatuloy sa pagpapakarumi ang marurumi, ngunit ang mabubuti ay magpatuloy sa pagpapakabuti at ang banal sa pagpapakabanal."
Ang isang taong pinananahanan ng Diyos ay naka-aalam na siya ay hiniwalay na ng Diyos mula sa kasalanan. Tayo ay mga pinili ng Diyos mula sa karaniwan upang gawing mga anak ng kabanalan.
b. Sa Kanyang pagdating babautismuhan niya tayo ng Espiritu Santo at apoy. Isang dahilan marahil kung bakit kakaunti ang nasasabik sa Panginoon, ay dahil hindi nila alam kung ano ang pinakamahalagang aasahan nila mula sa Diyos. Karamihan sa atin ay umaasa ng mga pagpapalang material sa halip na mapuno ng mga pagpapalang espiritual. Kapuspusan sa Banal na Espiritu at pagiging mainit, nag-aapoy sa pananampalataya ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa mga Kristiano.
Huwag na tayong magtataka kung bakit parami ng parami ang nanlalamig sa ating pananampalataya. Huwag na tayong magtatanong kung bakit walang kapangyarihan ang Kristianismo sa ating panahon...Tulad ni Samson ang maraming Kristiano, dati, puno sila ng lakas at tapang, ngunit iniwan na sila ng Espiritu ng Diyos.
Ngunit kung babautismuhan tayo ng Diyos ng kanyang Espiritu, wika ng Panginoong Jesus,
"Magkakaroon kayo ng kapangyarihang magpahayag (Gawa 1:8)!"
c. Sa Kanyang pagdating maasahan natin ang pakiki-isa ng Diyos sa ating mga kahinaan at pagliligtas sa ating mga kasalanan. Siya ay nabatuismuan din, siya na walang kasalanan. Ang bautismo ay para lamang sa mga nagsisising makasalanan. Dahil wala siyang kasalanan, hindi niya kailangan ang bautismo, ngunit kailangan natin ang Tagapagligtas.
Ginawa niya ito, para sa ating ikaliligtas.
d. Sa Kanyang pagdating sa ating buhay, makakaasa tayo ng presensya ng Diyos sa ating buhay. Naranasan naba natin ang kaibahan ng tumanggap sa Panginoon sa hind pa? Alam na ba natin ang pagkakaiba ng isang taong tinatahanan ng presensya ng Diyos kumpara sa isang tao na wala sa kanya ang Diyos?
Ang Epifanio ay panahon upang alamin natin kung nasa ating nga ba ang presensya ng Panginoon. Minsang nasabi ni John Wesley,
"Hindi ako natatakot na nawala sa mundo ang mga Metodista,
ang kinatatakutan ko ay ang manatili sila sa mga bansa, sa America man o sa Europa, na wala namang kapangyarihan."
Totoo nga mga kapatid, kung ang ating pananampalatayang Metodista ay hindi na kinakikitaan ng presensya ng Diyos sa ating buhay, ano pa nga ba ang halaga nito?
Sa pagkakataong ito, buksan natin ang ating mga puso at damhin ang presensya ng Diyos sa ating buhay. Kasama natin ang Diyos.
__________________________
Sermon 15: Hinanap Si Jesus ng Matatalinong Tao
Matthew 2:1-12
Wise people are not only blessed, but also, they are blessings to other people. We can always enumerate genius people like Einstein or, Mother Teresa, who are so gifted and yet they learned to live for God and for other people. Sa ganitong paraan, hindi lang sila pinagpala, kundi pag-papala sila sa iba.
According to 1 Chron. 12:1&32, David needed to win the war against Saul, so he would be the king of Israel, he ask every tribe of Israel to send warriors to rally with him. Issachar, a very small tribe sent wise men, instead of warriors. According to verse 32: "Isaacar: 200 mga pinuno kasama ang mga angkang kanilang pinamumunuan. Ang mga ito'y marunong humula ng panahon at nagpapasya kung ano ang hakbang na gagawin ng bansang Israel".
Sa anumang sitwasyon ng bansa, ng personal na buhay o sa buhay man ng ating iglesia, ang mga may kakayanang mag-isip at magmungkahi na may talino na mula sa Diyos ay kailangang bigyan ng puwang upang marinig, upang tayo ay umunlad.
Kailangan natin ang mga "taga-Isaacar ng ating iglesia", mga tao na makakabasa sa takbo ng ating panahon upang tayo ay umunlad at makatulong sa pagbabago ng mundo sa pamamagitan ng pagdidisipulo para kay Kristo.
Tanging si Mateo lamang ang bumanggit tungkol sa mga Tatlong Mago. Kadalasan, ang "mago" ay binibigyan ng kahulugang "wise" o matatalino. Maaring sila ay mga astrologers* o nag-aaral sa takbo ng mga bituin at sila ay mula pa sa Iraq (silangan ng Israel).
Bakit natin nasasabi na sila nga ay matatalino?
1. Una, nauuwaan nila ang kahulugan bituin na siyang tanda o "sign"mula sa Diyos. Ang isang katangian nila na dapat nating tularan ay ang kanilang pagiging bukas at sensitibo sa mga pagkilos ng Diyos sa kanilang panahon. Ang kalooban ng Diyos ay hindi madaling makita. Kadalasan, bagamat sinasabi natin na nais nating malaman ang kalooban ng Diyos, ngunit dahil nakaharang ang ating sariling kalooban, hindi natin marinig ang kalooban ng Panginoon. Kadalasan, hindi natin makita ang mga plano ng Diyos, dahil may sarili na tayong plano para sa sarili. Madalas matakpan ang kalooban ang Diyos ng ating sariling kalooban.
Subalit ang mga mago ay may bukas na pananaw, at nakikita nila ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng bituin. Maraming tao ang hindi na nagagabayan ng Diyos dahil wala na silang panahon upang magmasid kung ano ang nais gawin ng Diyos.
2. Pangalawa, nauunawaan nila ang Epifanio o paglitaw ng Diyos sa buhay ng batang si Jesus. Ang kanilang paghahanap ay nauwi sa pagsamba. Ang pagsamba ay pagkilala sa pagiging Diyos ni Jesus. Kinilala nila na sa pamamagitan ni Jesus, ang Diyos ay buhay at aktibong kumikilos sa mundo.
Madaling magkamali ang marami. Akala nila, sapat na ang maniwala na may Diyos. Subalit sa babala ni Santiago, "kahit ang diablo man ay naniniwala na may Diyos"! Ang Epifanio ay paglitaw ng Diyos sa pamamagitan ng isang "aktibong presensya" sa mundo.
At nauwaan nila ang ikinikilos ng Diyos, bagama't sila ay mga pagano (hindi mga Judio).
3. Nauwaan nila (ayon sa kanilang mga kaloob ang plano ng Diyos sa buhay ni Jesus.
Ang isa ay nagbigay ng ginto - handog para sa isang hari.
Si Jesus ay dapat na kilalaning hari ng ating buhay. Maliban na kikilalanin natin siya bilang Panginoon, hindi tayo paghaharian ng Diyos. Wika ni Juan Wesley, "dapat nating tiyakin kung tunay nga na isinuko na natin ang ating buhay sa kanya". Ito ang kahulugan ng gintong handog, ang pagkilala sa paghahari ng Panginoong Jesus sa ating daigdig at personal na buhay.
Ang isa ay nagbigay ng kamanyang o incenso.
Ang incenso ay gamit ng pari (priest) sa templo bilang tagapamagitan sa tao at Diyos. Malinaw sa Biblia na si Jesus ay ang tanging Tagapamagitan sa tao at Diyos, at walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesus. Sabi sa 1 Tim. 2:4,
"Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos."
Ang kanyang pagkakatawang tao ay natatanging gawa ng Diyos upang mailigtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
At ang ikatlo ay nagbigay ng mira - pabango.
Ang mira ay iang uri ng dagta (sap) na ginagamit bilang pabango. Ang pabango ay hindi lamang sa mga buhay kundi para din sa mga patay (Mateo 26:6-13). Maalala na minsang binuhusan ng pabango si Jesus at kanyang sinabi ang ganito,
"Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin." - Mateo 26:12
Sa Marcos 16:1 ay ganito naman ang sinasabi,
"Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang sila ay magpunta sa libingan at lagyan ng pabango ang bangkay ni Jesus."
Ang pabango kung gayon ay pagkilala sa gagawing pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Jesus!
Ang pagiging matatalino ng mga mago kung gayon ay bunga ng kanilang malinaw na pagkakaunawa kung sino si Jesus ay kung ano ang plano ng Diyos sa buhay ng Panginoong Jesus. Ito ay malinaw na kaalaman nila sa "pagbasa sa mga tanda ng panahon", dahil nangungusap ang Diyos sa kanila.
Ganito rin ang pahayag ni San Pablo sa Efeso 3:3-4
"Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang hiwaga. 4 At habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa hiwaga tungkol kay Cristo." Ang Tatlong Mago ay nakakaunawa sa mga "hiwaga ng Diyos".
This is a New Year, a new challenge for all of us. But have we consulted God for our plans? Are we open for the epiphany, for the active actions of God? Kung may nais baguhin ang Diyos sa buhay natin, bibigyan ba natin ng kalayaan ang Diyos? Will Jesus be your KING, your PRIEST and your SAVIOR?
_____________
* Sa panahon ng NT, ang mga "magi" ay kinabibilangan ng mga astrologers, manghuhula, magicians.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento