Biyernes, Agosto 12, 2016

Lectionary Bible Study: Ang Magagawa ng Pananampalataya (Aug. 14, 2016)


Hebrews 11:29–12:2

Maraming pambihirang kwento tungkol sa ginagawa ng Diyos bilang tugon sa mga tunay na sumasampalataya.

Isang halimbawa si George Mueller, siya ay dakilang pastor na nagmula sa Prussia (Germany) noong 1800's , ngunit ginamit ng Diyos sa Bristol, England sa maraming lugar sa buong mundo bilang mangangaral. Si Mueller ay nagtatag din ng mga paaralan at bahay-ampunan.

Isang araw, handa na ang mga bata sa ampunan upang mag-aral. Ngunit wala pang nag-almusal ---dahil wala pang makakain. Inutusan ni Ptr. Mueller na umupo ang lahat ng mga bata sa mesa, at siya ay nanalangin ng pasasalamat. At pagkatapos sila ay naghintay. Tulad ng dati, alam ng pastor na magpapadala ang Diyos ng kanilang kailangan para sa araw na iyon.

Di nagtagal, isang katok sa pinto ang kanilang narinig. Isang panadero ang nasa pinto, at ang sabi niya, "Ginoong Mueller, hindi ako makatulog kagabi, naisip ko kailangan ninyo ang tinapay para sa mga bata, nagluto ako ng almusal ninyo."

Isang sandali pa, may kumatok uli. Isang ginoo ang maydala ng gatas. Wika ng lalaki, "Nasiraan po ako ng sasakyan dito sa harapan ng bahay-ampunan. Ako ay dapat magdeliver ng gatas sa kabilang bayan. Mapapanis ang gatas na dala ko, bago maayos itong sasakyan. Mas makabubuti kung iinumin na po ito ng mga bata sa ampunan. Gusto po ba ninyo ang gatas para sa mga bata?"

Ngumiti lamang si Ptr. George Mueller. Ang gatas ay sampung malalaking lata, na sakto para sa 300 bata sa ampunan.

Ang Pananampalataya

Ang pananampalataya ay bunga ng malalim na pagkilala sa Diyos, sa gitna ng sitwasyong hindi natin kabisado. Ang mga Israelita ay naglakbay sa mga lugar na hindi nila alam. Hinamon nila ang mga kaaway na hindi pa nila nilabanan. Hindi ito dahil sa kanilang lakas at talino - ito ay gawa ng kanilang pananampalataya sa Diyos.
1. Faith Brings Results (Bunga ng Pananalig)

Sa isang group dynamics, ang leader ay nagbibigay ng direction samantalang ang ibang miembro ng grupo ay nakapiring (blindfolded). Ang mga miembro ng grupo ay tagasunod at tagapakinig sa kanilang leader. Ang unang grupo na makakarating sa Finish Line ay ang panalo. Ang pananalig ay tulad ng larong ito. Hindi natin maipaliwanag ang lahat ng nararanasan natin sa buhay (para tayong nakapiring) ngunit nariyan ang tinig ng Diyos na gumagabay sa atin. Ang kailangan lamang ay ang ating pagtitiwala sa Diyos na gumagabay sa atin.

Ang paglalakbay sa pananampalataya ng mga Judio ay malaking hamon. Matatag ang moog ng Jericho, malalim ang Dagat na Pula, malalaki ang mga kalaban sa Canaan at mababangis ang mga ahas sa disyerto. Kailangan nila itong malampasan at mapagtagumpayan.

Hindi man sila nakakita ng lakas sa sarili nilang bisig, nakikita ng mga Israelita ang presensya ng Diyos na patuloy na umaagapay sa kanila - araw at gabi. Sa isang banda - hindi nila nakikita ang kanilang patutunguhan, sa kabilang banda - naririnig nila ang tinig ng Diyos. Madalas, ang hamon ng pananalig ay pagtitiwala sa munting tinig ng Diyos sa gitna ng isang madilim na landas ng buhay. Wala silang nakikita, nasa gitna sila ng disyerto. Ang tanging sandigan nila, ang tanging alam nila-kasama mo ang Diyos.

Sa kabila ng mga pagsubok na ito, nakita ng mga Israelita ang bunga ng kanilang pananalig. Sila ay sinamahan ng Diyos hanggang sila ay nakarating sa Lupang Pangako. Ang pananalig nila ay nagbunga ng tagumpay sa kanilang buhay bilang isang bayang pinili.

2. Faith Has It's Rewards (Gantimpala ng Pananampalataya, v.31-40)

"Dahil sa pananampalataya sa Diyos, si Rahab, ang babaing may maruming pamumuhay, ay hindi napahamak na kasama ng mga ayaw pasakop sa Diyos, sapagkat malugod niyang pinatuloy ang mga espiyang Israelita." (v.31)

Dahil sa pananalig, maging ang isang makasalanang katulad ni Rahab ay nagkaroon ng puwang sa lipunan ng mga pinili ng Diyos. Siya ay nanalig dahil nakita niya ang ginagawa ng Diyos para sa mga Israelita.

a.) faith gave her the opportunity to be saved - nakita niya ang isang pagkakataon upang maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos.

b.) faith gave her the opportunity to act on her faith - kumilos si Rahab at nakibahagi siya sa kasaysayan ng Israel. Itinago niya ang mga tiktik na Judio.

c.) she received her rewards - hindi naging sagabal ang kanyang maruming buhay dahil tinanggap niya ang Diyos. Ang pananalig ni Rahab, ay karanasan ng mga dating makasalanan. Ito ay may dalawang bahagi: karanasan na tayo ay tinanggap ng Diyos at pangalawa, karanasan na tayo ay binago ng Diyos.

- she experienced what it feels to be accepted because of faith in God. Napabilang siya sa mga pinili ng Diyos, sa kabila ng uri ng buhay mayroon siya (dati).

- she experienced the transforming power of God. Mula sa pagiging prostitute, siya ay naging pinili ng Diyos. Napabilang siya sa banal na bayan ng Panginoon.

Sa verses 32-40, mas maraming halimbawa ng mga bayani ng pananampalataya ang binabanggit. Ang iba ay nagtagumpay dito sa lupa at ang iba naman ay nakaranas ng kalupitan. Ngunit pareho silang naging bahagi "ng isang kasaysayang hindi malilimutan kailanman" (v.39).

3. The Challenge of Faith (Hamon ng Pananampalataya)

Ang mga talatang 12:1-2, ay nagsisilbing hamon sa mga Kristianong sinusulatan ng aklat. Pagkatapos silang bigyan ng mga halimbawa mula sa kasaysayan, sila naman ang hinamon ng tagasulat. May tatlong basehan ang kanyang hamon upang tayo ay magsumikap sa pananampalataya;

a. Una, kailangan tayong magsumikap dahil "napapaligiran tayo ng napakaraming saksi" o ng mga bayani ng pananampalataya na makamasid sa atin.

b. Pangalawa, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin.

c. Pangatlo, Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang simula at magbibigay kaganapan sa ating pananampalataya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...