Ang Pananampalataya
Hebrews 11:1-3, 8-16
May kwento tungkol sa isang bahay na nasunog. Ang isang bata ay umakyat sa bubong upang makaligtas. Lalong lumakas ang apoy, at malubha ang pag-usok. Mula sa ibaba, narinig ng bata ang boses ng kanyang tatay -"Lundag anak! Sasaluin kita!"
"Tatay! Hindi po ako makalundag. Hindi ko po nakikita ang ibaba! Hindi ko po kayo nakikita!" sagot ng bata. Sumagot ang ama, "Lundag anak! Nakikita kita, huwag kang matakot, nakikita kita! Iyon ang mas mahalaga!" Lumundag nga ang bata at nakaligtas.
Hindi man niya alam kung ano ang kanyang babagsakan, nagtiwala ang bata sa salita ng kanyang ama.
Ano ang Pananampalataya?
Ang pananampalataya ay naka-ugat sa paniniwala na may Diyos. Pagtitiwala ito sa sinasabi ng Diyos. Pagtitiwala ito sa kayang gawin ng Diyos na ating pinaniniwalaan.
Hindi ito gawa ng kaisipan ng tao, upang bumuo ng mga haka-haka sa mga hindi makatotohanang pag-asa (false hope) o maling paniniwala (false beliefs). Minsang pinaratangan ni Karl Marx ang relihiyon na ito raw ay "opium of the society". Sinasabi niya na ang pananampalataya sa Diyos ay nagsisilbing droga na gumagawa ng peke at pansamantalang gamot sa mga masasakit na pangyayari sa buhay ng tao at lipunan, at nagbibigay daw ito ng hindi makatotohanang lunas.
Ang pananampalataya ay "katibayan" ng mga bagay na hindi nakikita. Ito ay may ebidensya na maaring masubukan at maranasan. Sinisikap niyang ipakita na ang pananalig sa Diyos ay tamang desisyon. Tatlong bagay ang sinasabi ng ating aralin tungkol sa pananampalataya;
1. Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan,
2. Katiyakan ito tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Ito ang paraan upang maunawaan natin ang mga bagay na hindi natin nakita tulad ng kung paano nilikha ang sanlibutan.
3. Paraan ito upang kalugdan tayo ng Diyos. Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
Ayon sa talatang 3, "Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay mula sa mga hindi nakikita."
Ang Ebidensya sa Karanasan ni Abraham
Upang patunayan na ang pananampalataya ay tunay, ipinakita ng sumulat sa Aklat ng Hebreo na naranasan na ito ng mga sinaunang tao sa Biblia. Ito ang paraan niya ng pagpapakita ng katibayan sa kanyang argumento. Halimbawa ang "ebidensya" sa buhay ni Abraham;
1. Una, sumunod si Abraham sa tinig ng Diyos.
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos (v.. Noong una, wala pang nakikita si Abraham kung ano ang kanyang madadatnan sa lugar kung saan siya inuutusan ng Diyos. Ang tanging alam niya ay ang Diyos na nag-uutos sa kanya.
Ito ang ugat ng pananampalataya ni Abraham, naniniwala siya sa Diyos, at nagtitiwala siya sa sinasabi ng Diyos.
2. Pangalawa, binigyan si Abraham ng anak.
Ayon sa verse 11, hindi naman nagkamali ng pinaniwalaan si Abraham. Dahil sa kanyang karanasan, hindi naman siya binigo ng Diyos dahil binigyan siya ng anak!
"Dahil din sa pananampalataya, si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama, kahit na siya'y matanda na at kahit si Sara ay hindi na maaaring magkaanak pa. Nanalig siyang tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako."
3. Pangatlo, ang mga Hebreo, bilang lipi ni Isaac, ay malinaw na katibayan na totoo ang pananampalataya ni Abraham. Sila mismo bilang isang lipi ay bunga ng pananampalataya ni Abraham. Ang pananampalataya sa Diyos kung gayon ay hindi lamang paniniwala, kundi isang karanasan ng isang lipi tulad ng mga Israelita!
Ang pananampalataya ay napapatunayan sa karanasan. At ipinakita ng Hebreo 11 na ang pananampalataya sa Diyos ay may matibay na ebidensya dahil ang mga Isrealita mismo ay buhay na katibayan ng pananampalataya ni Abraham! Sila mismo ay bunga ng pananalig ni Abraham.
Pananalig sa Diyos sa Ating Panahon
May mga nagsasabi na ang ating panahon ay kamatayan na ng pananampalataya (death of faith). Ito raw ay dahil sa nagagawa ng siyensya. Para sa iba, ang siyensya daw ang nauuna sa pagtuklas ng katotohanan at hindi ang pananampalataya sa Diyos. Ngunit hindi ito totoo. Pag-aralan ang ilang halimbawa;
1. Nauna ang Biblia na nagsabi na bilog ang mundo at hindi ang science!
Bilog ang daigdig ayon Isaias 40:22 (NIV); at Job 26:7. Samantalang nalaman lamang ng science na bilog ang mundo sa panahon ni Copernicus (1475). Nauna ang Biblia ng 1,000 taon sa science.
2. Naunang ipinaliwanag ng Biblia ang cycle ng tubig, ang proseso ng evaporation at pagbagsak nito bilang ulan, ayon sa Job 36:27-28, (NIV)
"He draws up the drops of water, which distill as rain to the streams; the clouds pour down their moisture and abundant showers fall on mankind" .
Naunawaan lamang ito ng science noong 1600 BC.
3. Sinasabi ng Biblia na ang paglikha ng Diyos ay may kanya-kanyang "species". Ang unggoy ay hindi nagiging tao, at nananatili tayong tao.
Samantalang pilit na pinapaliwanag sa atin ang sinasabi ng Evolution Theory na ang tao daw ay nagmula sa isda na naging unggoy at naging tao. Gayun man wala pa ring makitang ebidensya sa theoryang ito. At wala pa ring unggoy na nagiging tao hanggang ngayon.
Ibahagi Natin ang Ating Pananampalataya
Ang pananampalataya ay pinaniniwalaan kahit walang nakikita sa una, ngunit bandang huli, nakikita pa rin ang ebidensya na ito ay totoo. We believe then we see the evidence. Sa ating panahon, kailangang maging kapani-paniwala ang ating pananampalataya upang marami pa ang ating maakay sa katotohanan.
Ang utos ng Biblia ay ang mamuhay tayo sa pananampalataya - at pagkatapos ay ipakita natin ito sa iba upang sila ay manampalataya din.
1. Patunayan natin na tayo ay tunay na anak ng Diyos. Hindi man tayo perfecto, pero tayo ay totoo sa ating pananampalataya.
2. Ipakita ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig sa kapwa. Ang pananampalatayang walang gawa ay patay (Santiago 2:17).
3. Ibahagi natin ang Ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus. Ang sasampalataya ay maliligtas (Jn. 3:16).
"God delights to increase the faith of His children...I say, and say it deliberately--trials, difficulties and sometimes defeat, are the very food of faith...We should take them out of His hands as evidences of His love and care for us in developing more and more that faith which He is seeking to strengthen in us." (George Mueller.)
"Faith enables the believing soul to treat the future as present and the invisible as seen."- (Dr. J. Oswald Sanders)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento