Sabado, Pebrero 27, 2016

Tunay na Pagsisisi - Lucas 13:1-10

Maraming kwento ng pamamaril sa America, sa mga paaralan, mga simbahan at iba pang lugar.  May mga pangyayari na - bigla na lamang magpapapaputok ng baril ang isang kabataan at basta na lamang niyang papatayin ang sinumang makita niya.

*May nangyaring ganito sa Colorado Spring, USA.  Si Matthew Murray, 24 years old ay isang kabataan na pumasok na isang Youth with a Mission Headquarters at pinatay niya ang ilang mga tao soon. Pagkatapos ay pumunta siya sa isang simbahan at napatay niya ang dalawang kabataan sa simbahan.

Siya ay napatay ng security guard.

Pagkatapos ng mga pangyayari, sinubukang imbitahan ng pastor ang mga Murray upang magsimba sa church na iyon.  Nagatubili sila, ngunit bandang huli ay nagsimba rin ang mga magulang ni Matthew sa simbahan kung saan nakapatay at namatay ang kanilang anak.

Ang pangyayari sa office ng pastor ay kakaiba. Nagkita ang mga magulang ng mga napatay ni Matthew, at ang magulang ng pumatay. Nagkita rin ang security guard at ang magulang ni Matthew.  Sa office, nagyakapan sila, humingi ng tawad, nagpatawaran sila, at nanalangin.

(*http://www.foxnews.com/story/2007/12/10/colorado-church-gunman-had-grudge-against-christian-group-cops-say.html)

Ang Kwaresma ay imbitasyon sa atin upang magsisisi.

Ano ang pagsisisi? 

1. Ang pagsisisi ay kalungkutang ipinapahayag sa Diyos, dahil sa ating mga kasalanan.
2. Ang pagsisisi ay paghingi ng kapatawaran sa Diyos.
3. Ito ay pagkilala sa kabutihang loob ng Diyos.

Maling Pakahulugan ng Pagsisisi

1. Pagbabayad ng ating mga kasalanan gamit ang sarili nating mabuting gawa, tulad ng penitensya.  Dahil hindi natin maaring bayaran ang Diyos sa kanyang pagpapatawad.

Ang nagawang kasalanan ay hindi maaring takpan ng kabutihan. May nakita na ba kayong nagwalis na sa halip na alisin ang sukal, ay tinakpan lang ito ng ilang magagandang bagay.  Alam natin na ang dumi ay kusang babaho - dahil ito ay bulok na kusang mangangamoy bandang huli.

2. Pagsisisi sa salita lamang, na walang pagbabagong buhay.

Ano ang Pumipigil sa ating upang magsisisi? 

1. Pagkukumpara sa sarili sa kasalanan ng iba.
2. Spiritual superiority - ang paniniwalang mabuting tayong tao, at hindi na natin kailangan ang pagpapatawad ng Diyos.

Paano Magsisisi?

1. Kilalanin ang kamalian sa harap ng Diyos.
2. Tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos.
3. Sumamapalataya sa ginawang pagbayad ni Cristo sa ating mga kasalanan.
4. Magbagong buhay.

Sabado, Pebrero 20, 2016

Paul - Timothy: A Model in Disciple-making

Pablo at Timoteo sa Pagdisipulo
2 Timothy 1:1-14

Ice Breaker Question: “Sino ang nag-akay sa iyo upang makilala mo ang Tagapagligtas at paano ka naturuan upang maglingkod sa iglesia ng Panginoon?”

Ang pangunahing gawain ng bawat Kristiano ay ang “Ibahagi ang Mabuting Balita at gawing alagad ni Cristo ang lahat ng tao”.   Kung ito ay ating tutuparin, hindi lamang tayo basta miembro ng simbahan (members), kundi tayo ay magiging totoong alagad ni Cristo (true disciples).  At kapag tayo ay namumuhay bilang tunay na alagad, nagiging natural sa atin ang paggawa ng iba pang alagad (making disciples).

Paul: the Disciple of Christ (v.1)

Ganito ang pagkadisipulo ni Pablo.

1. Siya ay isang taong tunay na binago ng Panginoon.
Lubos ang pagbabagong buhay ni Pablo mula ng makilala niya ang Panginoong Jesus.  Nagbago ang kanyang ugali, at ang layunin niya sa buhay.

2. Siya naging lingkod ng Panginoon.  Naging gawain niya ang magbahagi ng kaligtasang mula sa Panginoon. Ipinagpatuloy niya ang misyon ni Cristo.

3. Nagsanay siya ng iba pang disipulo.  Hindi lamang siya nagtuturo sa marami - nagtuturo din siya at nagsasanay ng ilang alagad na makakasama niya sa gawain.

Paul: the Disciple-Maker 

Ang pagsasanay ng ibang alagad ay mahalagang gawaing Kristiano.  Tulad ng pagpapalaki ng isang magulang sa anak, hindi sapat na pinapakain lamang siya at inaalagaan.  Ang bata ay kailangan ding sanayin upang magkaroon siya ng mabunga at matagumpay na buhay.   Kailangan siyang matutong magtrabaho, at maging pakinabang para sa marami.

Ang isa sa sinanay ni Pablo ay si Timoteo na kanyang sinusulatan sa ating aralin.  At makikita natin ang paraan ni Pablo sa paggawa ng iba pang alagad.

1. Siya ay tumayo bilang ama sa pananampalataya (discipler). Mababasa sa talatang 2 na itinuring niyang “anak” si Timoteo. Mababakas din sa sulat na ito kung gaano kalapit ang kalooban ni Pablo kay Timoteo. Laging idinadalangin ni Pablo si Timoteo.

2.  Si Pablo ay nagsilbi bilang tagapag-sanay ni Timoteo (trainor). Mula pagkabata, tinuruan na si Timoteo ng kanyang nanay at lola sa pananampalataya (v. 5).   Pinili siya ni Pablo dahil kinakitaan siya ng mga kaloob (Spiritual Gifts).  Ang mga kaloob na ito ay mga biyayang mula sa Diyos na palatandaan ng mga pinili upang maging tagapaglingkod sa iglesia.

3. Si Pablo ay nanatiling nagpapalakas at nagbibigay inspirasyon kay Timoteo (encourager).

Si Timoteo: Ang Batang Disipulo

Bilang alagad, dumaan si Timoteo sa proseso ng pagiging tunay na alagad ni Cristo at hindi lamang siya basta isang kaanib sa iglesia.  Ang kaganapan ng pagiging alagad ni Timoteo ay bunga ng pagsusumikap ni Pablo:

1. ibinahagi ni Pablo ang pananampalataya at Salita ng Diyos kay Timoteo, at sa kanyang pamilya.
2. ibinilang ni Timoteo, ang kanyang mga magulang at lola ay naging aktibong kaanib ng iglesia.
3. sinanay si Timoteo bilang alagad.
4. sinugo si Timoteo upang magmisyon at manguna sa gawain ng iglesia.

Mga Payo ni Pablo sa Batang Disipulo

1. Huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon (v.8).
2. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos (v.8b-10).
3.  Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo (v.13a).
4. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus (v.13b).
5. Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang lahat ng magagandang bagay na ipinagkatiwala sa iyo (v.14)

Mga Tanong sa Talakayan:

1. Sino ang iyong modelo o mentor sa iyong paglilingkod sa Diyos? Gaano kalalim ang impluensya ng taong ito sa iyong buhay espiritual?

2. Ano ang pagkakaiba ng miembro lamang sa tunay na alagad ni Cristo? “Ang miembro ay tagapakinig lamang, subalit ang alagad ay nakikinig at sumusunod.  Ang miembro ay pinaglilingkuran, ang alagad ay naglilingkod. Ang miembro ay nagsisimba kapag gusto niya, ang alagad ay nakatalaga sa paglilingkod sa iglesia.”

3. Ano sa palagay mo ang pagkakaiba ng iglesiang may "discipleship training program" sa isang iglesiang nangangalaga lamang ng mga miembro (maintenance)?






Ang Pag-ibig ng Diyos - Lucas 13:31-35, Filipos 3:17-4:1; Genesis 15:1-12

May kwento tungkol sa isang sundalo sa Vietnam na nai-love sa isang dalagang Vietnamese.  Pagkatapos ng digmaan, bago umalis ang American soldier, nangako ito na babalikan niya ang dalaga para isama sa America.  Ang daan patungo sa tahanan ng dalaga ay isang ilog. Kung gagamit ng bangka ang sundalo balik sa village ng dalaga, siya ay madaling makikita ng mga sundalong Vietnamese ay madali siyang mapapatay.

Ang ginawa ng sundalo, nilakbay niya ang "ilalim ng ilog" gamit ang mga oxygen tanks, gumawa siya ng paraan para makalakad siya sa ilalim ng tubig hanggang marating niya ang tirahan ng dalaga.

Naglakbay din sila pabalik sa kampo ng mga Amerikano gamit ang mga oxygen tanks sa ilalim ng tubig, hanggang sila ay nakaalis ng ligtas.

Ahhh- O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok ka sa puso ninuman, gagawin ang lahat, makamit ka lamang!

Ang lundo ng paglalakbay ng Panginoong Jesus ay patungong Jerusalem.

Sa isang banda ang Jerusalem ay ang tahanan ng pananampalatayang Judio. Ito ay itinuturing na banal na lugar, sa paniniwalang ito ang tahanan ng Diyos.

Ito rin ang sentro ng kapangyarihang politikal ng mga Judio. Dito nagpupulong sanhedrin at naninirahan ang mga pinuno ng bayan.

Sa kabilang banda, ito ang Jerusalem na pumapatay ng mga propeta ng Diyos. Na dahil sa kabanalan ng lugar, inaakalan ng mga nasa lugar na ito na sila ay mga mas banal na tao, lalo at sila ay nasa kapangyarihan din sa lipunan.

Ito ang uri ng lugar na pupuntahan ng Panginoon. At makikita sa mga talatang ito ang

KATAPATAN
SAKRIPISYO at
DETERMINASYON

ng Panginoon upang tupdin ang layunin ng kanyang pagmamahal.

Ang bayan ng Jerusalem ay binigyan ng pagpapahalaga ng Diyos ng higit sa alinmang bayan. Ngunit ang mga pinuno ng templo at mga nasa politikal na kapangyarihan ay naging mapagmataas at nalunod sa kapangyarihan.

Dahil dito, hindi na nila naunawaan ng lubos ang layunin ng Diyos. Sa halip ang pansarili nilang layunin at kapakanan ang kanilang pinatutupad.  Isang halimbawa si Herodes, ang gobernador ng bayan, ay naging palalo at nakita niya ang mga katulad ni Juan Bautista at ang Panginoong Jesus bilang mga "threat" o panganib sa kanyang political career.

Kaya noong bigyan si Jesus ng babala na papatayin siya ni Herodes, sinabi niya na hindi siya titigil sa kanyang misyon.

Magbulay tayo sumandali.

1. Una, ang pag-ibig ng Diyos ay makikita sa katapatan ng Diyos sa kanyang pagtupad sa kanyang
Tipan at Pangako

Sa Lumang Tipan nabasa natin ang pagmamahal ng Diyos na kanyang ipinamalas sa kanyang
katapatan kay Abraham.

Si Abraham ay may espesyal na kaugnayan sa Diyos. Siya ay maituturing na kaibigan ng Diyos. What binds them is a covenant, isang tipan na pinatibay sa isa't isa.

May tatlong bahagi ang tipan ng Diyos kay Abraham:

PAGTAWAG
PANGAKO
PAGTUPAD.

a. Tinawag ng Diyos si Abraham upang maging kabahagi siya sa proyekto ng Diyos na magtatag ng isang piniling bansa.  Tumugon si Abraham upang magkaroon ito ng katuparan.

b. Nangako ang Diyos na pagpapalain niya si Abraham at magkakaroon ng anak si Abraham bulang simula ng isang lahi.

c. Tinupad ng Diyos ang kanyang pangako ayon sa kanilang tipan.

Tandaan na ang alinmang tipan ay walang silbi

kung wala itong pagtugon sa tawag ng Diyos

At ang bawat pagtugon ay pinatitibay ng mga pangako,

At ang mga pangako ay walang halaga kung hindi sila tutuparin.


Sinasabi ng Aklat ng Genesis na noong makita ni Abraham ang katapatan ng Diyos,

"naniwala si Abraham sa sinabi ni Yahweh". (Genesis 15:6).

2. Pangalawa, ang Pag-ibig ng Diyos ay makikita sa kanyang Kahandaang Isakripisyo ang Sarili Para ating Kapakanan.

(Illustration)

May isang Bible School student na nakikinig sa kanyang guro tungkol sa katapatan ng pag-ibig ng Diyos. Sabi ng teacher, naglakbay ang Diyos mula langit hanggang lupa, upang ipaabot niya ang kanyang pag-ibig sa atin."

Binago ng Diyos ang kabataang pastor, at nabuo sa isip niya ang pasalamatan ang kanyang teacher sa araw ng kanilang graduation. Isang Linggo bago ang pagtatapos, nagpa-alam ang kabataan.

After a week, dumating ang kabataan dala ang mga magagandang perlas at mga kabibe.

Sa araw ng graduation sa Bible School, malugod niya itong iniregalo sa kanyang mahal na guro.

Nang tanungin kung saan niya ito kinuha, paliwanag ng kabataan,

naglakad siya ng dalawang araw papunta at dalawang araw pabalik;
Sumisid siya ng buong araw at gabi sa ilalim ng dagat para makuha ang mga perlas at mga kabibe.

Sacrifice is God's proof of love for us.

Mababasa sa ating Epistle Reading na ang pag-ibig na ito ay naranasan ng mga Kristiano sa halimbawa ni Apostol Pablo;

a. Pangangaral na may kasamang pagluha - v. 18
b. Katapatan sa pagsalunga sa mga kaaway ng krus v. 18
c. Pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos, vv. 20-21

3. Panghuli, ang pag-ibig ng Diyos ay pinatunayan niya sa determinasyon ng ating Panginoon na ituloy ang kanyang misyon kahit ano pa ang mangyari.  Sa simula pa lamang ng kanyang pagyapak sa Jerusalem, tinapos na ni Jesus sa kanyang puso ang kanyang gagawin. At alam niyang wala ng makakapigil sa kanyang hangarin.

Alam ng Panginoon na hindi siya tanggap ng Jerusalem. Loving  despite of rejection is very hard.  Gayun man, hindi napigilan ng pagtanggi ng Jerusalem ang pag-ibig ni Cristo.

Aking kapatid, kung hindi mo pa alam, in-love sa iyo ang Diyos.

Maaring sabihin mo na desperado ang Diyos na mahalin  ka.

Pag-ibig ng buong

katapatan.
sakripisyo
at
determinasyon.

Sabado, Pebrero 13, 2016

Mga Hirit ng Diablo - First Sunday Lent - Luke 4:1-13

Mga Hirit ng Diablo
First Sunday in Lent :
Luke 4:1-13

Ayon kay Lukas, bago pa nagsimula si Jesus sa kanyang misyon, humihirit na ang Diablo upang sirain ang misyon ni Jesus at ang gamit niya ay mapandayang panunukso.  Banal na gawain ang pag-aayuno. Ito ay oras ng pananalangin sa Diyos Ama, pagsisiyasat sa sarili at pagtatanong tungkol sa layunin ng Diyos sa buhay ng nag-aayuno. Pagkakataon ito upang mapalapit sa Diyos, pero hindi pa rin ito pinalampas ni Satanas.  Ginamit din niya ang pagkakataong ito upang tuksuhin si Jesus.

Ayon sa 1 Peter 5:8,

“Be careful! Watch out for attacks from the Devil, your great enemy. He prowls around like a roaring lion, looking for some victim to devour.”

Sinasabi ng Biblia na ang Diablo ay masipag sa paghahanap ng biktima.  Maging si Jesus ay hindi niya tinantanan.  Ang mga lider simbahan ay madalas din  niyang inuusig at tinutukso. Ang nais niya ay masira ang buhay at ministeryo ng iglesia. Salamat na lamang at hindi nagkukulang  ang Diyos sa pagpapaalala sa atin sa gimik na ito ng Diablo.

Isa pang katangian ng Diablo ay ang kanyang pagiging matiyaga.  Sinasabi ng Kasulatan na pagkatapos niyang tuksuhin si Jesus, bagamat hindi siya nagtagumpay - "naghintay siya ng ibang pagkakataon" upang tuksuhin si Jesus.  Marunong siyang maghintay at matiyaga siyang naghahanap ng ibang pagkakataon upang masilo ang mga Kristiano.

Ayy Tukso!

Nagiging tukso maging ang masama kapag ito ay ‘evil in disguise’.  Ito ay masama sa anyong mabuti o nakakaakit. Kung mayroon man itong idudulot na mabuti, ito ay pansamantala lamang.  Pagkatapos ng saglit na mabuti, mapapahamak ang biktima nito. Nahuhulog sa bitag ng Diablo ang mga tao sa tukso dahil sa maling desisyon, mahinang pananampalataya at kakulangan sa kaalaman sa Salita ng Diyos.

Unang Hirit ng Diablo: Gawing Tinapay ang Bato

Sa biglang tingin wala namang masama sa tinapay. Kung gagawin ito ni Jesus, madali niyang maaakit ang mga tao sa kanyang ministeryo.  Sa kabilang banda, ang nais ipagawa ng Diablo kay Jesus ay paggamit ng kapangyarihan upang madaliin ang panghihikayat ng mga tao.   Sumagot si Jesus,

“But Jesus told him, “No! The Scriptures say, ‘People need more than bread for their life.” (v. 4, NLT)

Ang katagang ito ay galing sa Deuteronomy 8:3, na ang sabi ay ganito:

“Yes, he humbled you by letting you go hungry and then feeding you with manna, a food previously unknown to you and your ancestors. He did it to teach you that people need more than bread for their life; real life comes by feeding on every word of the LORD.”
Ano nga ba ang bumubuo sa buhay? Tinapay lamang ba?  Ang dala ni Jesus ay buhay na sagana at kasiya-siya.  Sapat na ba ang tinapay upang maipagkaloob niya sa mga tao ang tunay na kahulugan ng buhay na sagana? Ang sagot ni Jesus ay hindi!

Ang tunay na buhay ay makakamit ayon sa Deuteronomio 8:1-4 sa pamamagitan ng hindi paglimot sa kabutihan ng Diyos, at sa pagsunod sa kanyang mga Salita.  

Kung sumunod si Jesus sa tuksong ito, mabibigyang prioridad ang hindi gaanong mahalagang bagay at maisasantabi ang mas na mahalaga.  Mabibigyang pansin ang mababaw na pangangailangan at makalilinutan ang tunay na pakay ni Jesus.    

Pangalawang Hirit

 Ang pangalawang tukso ay tungkol sa pagkamit ng kapangyarihan upang mapasunod ang mga tao.  Wala ring masama sa kapangyarihang ito.  Hindi masama ang kapangyarihan.  Subalit kung manggagaling ito kay Satanas at maisasanla ang sariling kaluluwa upang makamit ang kapangyarihang ito, ito ay isa ng masamang patibong. Hindi na ito magbibigy kaluwalhatian sa Diyos!

Ang sagot ni Jesus ay ganito, mula rin sa Deuteronomio (6:13);
You must fear the LORD your God and serve him. When you take an oath, you must use only his name.

Ang nilalaman ng Deut. 6 ay tungkol sa Covenant o kasunduan ng Diyos at Israel. Na kapag nagtanong ang mga bata sa mga matatanda, “Bakit tayo chosen people? Bakit tayo sumasamba? Bakit tayo susunod sa Utos ng Diyos? Etc. (vv. 6:20-25)” At sasabihin ng mga matatanda na sila ay may pangako sa Diyos dahil sa kabutihan ng Panginoon sa kanilang mga ninuno. Pinili ng Diyos ang Israel at ginawang panganay hindi upang magkamit ng kapangyarihan, kundi upang maglingkod!

For we are righteous when we obey all the commands the LORD our God has given us.’. (Deut. 6:25)
Ang nais ng Diablo ay ang tumanggap ng kapangyarihan mula sa kanya si Jesus at sasamba si Jesus sa kanya! Para kay Jesus, ang pananatiling tapat sa Diyos ay higit sa pagkakaroon ng kapangyarihang galing sa Diablo.

Pangatlong Hirit

Ang susunod na tukso ay ang pagsubok sa malasakit ng Diyos kay Jesus. Kung makita ng mga tao na lumundag si Jesus mula sa tuktok nito at hindi magalusan, siguradong patok siya sa masa!  Subalit ito ay panunubok na sa kapangyarihan ng Diyos!  Iingatan nga ba siya ng Diyos? Hindi nga ba siya magagalusan?   Sa madaling salita, tinuturuan ng Diablo na magduda si Jesus sa Ama.  Parang ang kasabihang “Subukan pamu ban abalu!”  Isang pagkakamali kung susubukan natin ang Diyos para lamang malaman natin kung totoong mahal niya tayo!

Ang sagot ni Jesus ay mula sa Deuteronomio 6:16, ng subukin ng mga Israelita ang Diyos sa pagrereklamo kay Moises.

Moses named the place Massah—”the place of testing”—and Meribah—”the place of arguing”—because the people of Israel argued with Moses and tested the LORD by saying, “Is the LORD going to take care of us or not?” –Exodus 17:7

 Alam nila na may Diyos. Pero duda sila kung totoong nagmamalasakit ang Diyos.

Pagbubulay

Marami sa ating panahon ang mga kabataan na pinalalaki sa luho ng material na bagay (tinapay) at nawawala na ang kaugnayan at relasyon sa Diyos.  Para sa iba, ang kahulugan ng buhay ay ang  pagkakaroon ng kapangyarihan upang kilalanin sa komunidad, at ang iba naman ay sinusubok ang Diyos para lang makuha ang pansariling hangarin.  Ang tatlong ito ang tukso ng Diablo kay Jesus at siya ring tukso ngayon sa marami.

Sa paghanap natin ng layunin sa buhay, sumunod tayo sa mga panuntunan ni Jesus. Saan nga ba tayo nakatayo? Ano ang ating mga paninindigan sa buhay?   Una, tandaan na mayroon pang hihigit sa tinapay o material na bagay upang maging makahulugan ang buhay. Pangalawa, sikaping maging tapat sa iyong pangako sa Diyos, at huwag ka isasanl ang sariling kaluluwa magkamit ng kapangyarihan. At pangatlo, huwag magdududa sa kabutihan ng Diyos.  Magtiwala tayo sa kanya at huwag na siyang susubukin.  

Lectionary Sunday School: Feb 14, 2016 (Roma 10:8-13)

Simpleng Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Roma 10:8-13

May isang pastor na nagsasalita ng biglang nagtaas ng kamay ang isang miembro at nagtanong sa pastor, “Paano po ako mananalangin?” At sabi ng pastor, “Kausapin mo lang ang Diyos at sabihin mo sa kanya ng kailangan mo.”

Sa matagal ng panahon, naniniwala ang marami na komplikado ang maging Kristiano, naniniwala sila na mahirap unawain ang Biblia at akala nila mahirap  ang manalangin. Kaya marami rin ang nag-iisip na mahirap para sa isang tao ang maligtas.  Subalit hindi nila alam na napaka-simple ng kaligtasan.

Ang Pandaraya ng Diablo

Ang lahat ng ito ay gawa ng kaaway.  Pinaniwala niya ang marami na mahirap magpaka-Kristiano, samantalang napakadali nito. Nagiging madali ang magpaka-Kristiano hindi dahil sa kakayanan ng tao, kundi sa tulong ng Diyos. Ayon sa Juan 14: 26, ang mga Kristiano  ay gagabayan ng Espiritu ng Diyos,

“Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Ang Pinakasimpleng Paglalahad ng Kaligtasan

Ang pagbabahagi ng Mabuting Balita ay isa pang simpleng bagay na magagawa ng lahat ng Kristiano. Gayunman, napaniwala rin ang marami na ito ay mahirap. Kung kaya, maraming Kristnao ang hindi nagbabahagi ng kanilang pananampalataya sa iba.

Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa simpleng pagbabahagi ng Mabuting Balita sa iba.

1. Magkaroon ng Pagnanais na Maligtas

Gusto mo nga bang maligtas?  Handa ka bang gawin ang lahat, upang tanggapin ang alok ng Diyos? Ang kailangan mong gawin ay taos-pusong paglapit sa Panginoon.  Magtiwala ka na hindi ka niya itataboy sa kanyang harapan.

Ayon sa v. 12 ng ating aralin,  “Kaya't  walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa  ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya.”

Ang Diyos ay walang pinipili.  Ang totoo, nais maligtas ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa 1 Timoteo 2:4,

“Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.”

Maging si John Wesley noong una ay nag-akala na mahirap ang maligtas. Wika niya, “Tinulungan kong maligtas ang iba, ngunit paano ako maliligtas?”  Inakala niya, na para siya maligtas, kailangan muna siyang maging perfecto.  Ngunit noong May 24, 1738, siya ay nanalig sa Panginoong Jesus at naligtas.  Mula noon, ipinahayag niya ang Ebanghelyo, at ang sabi niya, “I want to share a plain truth to plain people.”

Malinaw kung gayon na ang kaligtasan ay para sa lahat. Bukas ang puso ng Diyos upang tanggapin niya ang sinumang nagnanais maligtas.  Ang kailangan lamang ay lumapit sa Kanya at hilingin ang ganap na pagpapatawad ng Diyos.

2.  Sumampalataya Kay Jesus ng Buong Puso

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay higit sa paniniwala na may Diyos.  Si Satanas ay naniniwala na may Diyos ngunit hindi siya sumasampalataya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya naligtas.

Paano ang Pagsampalataya?

Ito ay buong pusong pananalig na si Jesu-Kristo ay namatay at muling binuhay para sa kaligtasan ng mga makasalanan. Ibig sabihin, ang kaligtasan ay wala sa gawa ng tao kundi sa pananampalataya sa ginawa ni Kristo sa krus. Ang kaligtasan ay ginawa ng Diyos para sa atin, at ang kailangan lamang nating gawin ay tanggapin ito, at paniwalaan na bayad na ang ating mga kasalanan.

May kwento tungkol sa isang tao na may maraming utang. Hindi na niya mabayaran ang kanyang inutang ng biglang dumating ang kanyang kaibigan at binayaran nito ang buong halaga.  Halos hindi makapaniwala ang umutang ng pera, at nais pa niyang bayaran ang kanyang kaibigan kapag siya ay nagkapera.  Subalit sabi ng kaibigang nagbayad, “Maniwala ka lamang na bayad na ang utang mo, at manatili kang kaibigan ko.”

Manalig ka lamang sa ginawa na ng Diyos, dahil bayad na  ang kasalanan natin.

3. Ipahayag Mo sa Iba ang Iyong Pagsampalataya

Ang isa pang simpleng hakbang para maligtas ay ang pangungumpisal sa pamamagitan ng salita.  Ang pagtanggap sa Panginoong Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ay dapat ipahayag sa maraming tao at hindi ito dapat ikahiya.  Dahil wika ng Panginoon, sa Mateo 10:32-33,  “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33 Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit."

Sabi rin ng 1 Tim. 6:12,

“Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.“  

Tatlong simpleng hakbang para maligtas, parang ABC lang sabi nga ng iba, A-ask, B- believe, C-Confess.

Ask and Accept o Hilingin sa Diyos ang kanyang pagpapatawad at pagliligtas, at angkinin ito na may pananampalataya

Believe - manamaplataya ka ng buong puso

Confess - ipahayag mo sa buong iglesia na sumamapalataya ka na at nakahanda ng tanggapin ang isang bagong buhay na mula sa Diyos.










Biyernes, Pebrero 5, 2016

Lectionary Bible Study 2 Cor. 3;12-4:2

Ang Kaluwalhatian ng Diyos sa Ating Mga Kristiano
Batayan:  2Cor. 3:12- 4:2

Memory Verse: 2 Cor. 3:18

Ang pagiging tunay na Kristiano ay pag-alis sa dilim  ng kasalanan tungo sa liwanag ng Diyos. Ang pagbabagong buhay na ito ay mahalaga upang maabot natin ang kalooban ng Diyos na maging kawangis tayo ni Cristo sa kanyang kabanalan.  Ang pag-unlad na ito sa buhay maka-diyos ay pag-unlad sa kaluwalhatiang nasa atin mula sa Diyos.

Ang kaluwalhatiang ito ay nakukuha sa ating patuloy na pakikipag-tagpo sa Diyos.  Sa ating patuloy na pamumuhay sa presensya ng Diyos, ang liwanag ng Panginoon ay nagliliwanag sa ating buhay.

Ganyan din ang karanasan ni Moises, kung kaya nagtatalukbong siya ng belo sa harapan ng mga tao, dahil nagliliwanag ang kanyang mukha matapos makitagpo sa Diyos.  At ganyan din ang karanasan natin, tuwing nakikitagpo tayo sa Panginoon, pinaliliwanag ng Diyos ang ating buhay maging sa harapan ng ibang tao.

Ang Sinisimbulo ng Talukbong
Ang talukbong ay nagtatago ng mukha ng isang tao.  Tinatakpan nito ang isang tao upang hindi siya makilala at hindi makita ang nangyayari sa kanyang buhay.

Bilang isang Kristiano na binago na ni Cristo, ang ating bagong buhay ay dapat maging lantad na patotoo sa iba.  Dapat makita ang liwanang ng Diyos sa atin.

1. ang talukbong ay maaring magsimbulo sa takot na magpatotoo.  May mga Kristianong takot magpatotoo para sa Panginoon at nananahimik.

2.  ang talukbong ay maaring magsimbulo sa mga patuloy na kasalanan na ayaw nating alisin sa ating buhay. Mga alitan  marahil o mga kasalanan ng bisyo  na sumisira sa ating patotoo.

3.  ang talukbong ay maaring magsimbulo sa mga batas o patakaran ng relihiyon na humahadlang sa ating paglagong espiritual.  Umu-unlad ang ating buhay espiritual sa biyaya ng Diyos at sa ating pagsunod sa Diyos.  Ang mga batas na gawa lamang ng tao para sa relihiyon ay wala ng saysay. Halimbawa sa mga batas naito ay: “Hindi ka maaring mangaral kung hindi ka pa pastor.” “Hindi maaring maging pastor ang babae. Kasalanan ang kumain ng karne tuwing Holy Week.”

Ang Ating Kalayaan
Ayon sa verse17 ng ating aralin, “Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan.”

Ang bawat Kristiano ay malaya na sa kanyang nakalipas, sa mga kasalanang nagawa niya, o sa mga kahinaan na hindi niya dating napagtatagumpayan.

1.  Ang tunay na Kristiano ay wala ng itinatago.

Bukas ang ating buhay dahil nakikita sa atin ang mga pagkilos ng Diyos. Hindi tayo takot dahil tanging ang Diyos ang nakikita sa atin. Ayons a Galacia 2:20,
“Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.”

2. Ang tunay na Kristiano ay malayang gumagawa ng mabuti. Ayon sa 1 Pedro 3:14,
 “At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila.”

Dahil hindi natin ikinahihiya ang ginagawa ng Diyos sa ating buhay, nawawala ngayon ang ating takot sa  maaring sabihin ng mga tao sa atin. Hindi na tayo inuusig ng ating sariling budhi o ng diabloman.  Pinalaya na tayo ng Diyos.

Ang Ating Paglagong Kristiano
Ang isang tunay na Kristiano ay nagtataglay ng lauwalhatian (glory) ng Diyos. Ang antas ng kabanalang ito ay lumalago.  Patuloy tayong binabago ng Espiritu ng Diyos na nasa atin hanggang lubusan na tayong maging katulad ni Cristo.

“At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.”

Tanong sa Talakayan:

1. Bakit may mga Kristianong takot magpatotoo sa iba tungkol sa ginagawa ng Diyos sa kanilang buhay?
2. Sa paanong paraan tayo naging malaya sa ating mga kasalanan sa nakaraan dahil kay Cristo Jesus?
3. Ano ang mga talukbong na maaring tumatakip sa patotoo ng ating iglesia? Paano aalisin ito?







Transfiguration (Tagalog) Lucas 9:28-36

Transfiguration Sunday
Lucas 9:28-36

Ang transfiguration ay hindi lamang pagbabagong anyo ni Jesus. Ito ay pansamantalang pagpapakita ni Jesus ng tunay niyang anyo!

Siya ang Diyos na nagkatawang tao!
Siya ang Diyos ng langit at Panginoon ng mga banal na tao! katulad ni Moises at Elias!
Siya ang banal na Panginoon na dapat luhuran!
Sambahin!
at papurihan!
Sa langit man o sa lupa! (John 10:33).

Umakyat Sila sa Bundok Upang Manalangin

Sa pag-aanyong tao ng Diyos, si Jesu-Cristo ay ay nagpakababa ( Filipos 2:6). Ito ang dahilan kung bakit siya nananalangin sa Ama. Sapagkat ang kanyang paglilingkod sa lupa ay nakasalalay sa kanyang kaugnayan sa Diyos Ama At Espiritu Santo. Sa pananalangin, napapatunayan ang kanyang pakikiisa sa Ama.

Nalalapit na ang kanyang pagbubuwis ng buhay sa krus sa tagpong ito. Ang kamatayan ay napagtatagumpayan lamang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay!

Dahil ang kamatayan ay paglalakbay sa kadiliman ng buhay. Lalo na para sa ating mga karaniwang tao, ito ay paglalakbay sa kalagayang hindi natin maipaliwanag. Ang ginamit na paraan ng pagpaslang sa Panginoong Jesus ay parusa para isang kriminal sa pamamagitan ng pagpako sa ibabaw ng krus. Alam natin na wala siyang kasalanan. Pinaslang siya hindi dahil siya ay makasalanan. Siya ay namatay, dahil siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.

Ang tagumpay sa dadaanan niyang pagsubok ay possible lamang kung siya ay mananalangin sa Ama. Dahil nasa kamay ng Diyos ang tagumpay ng gawain ni Jesus. Diyos din ang nagpapasya sa tagumpay ng ating buhay at kamatayan.

Si Elias at Moises

Ang biglang paglitaw ng dalawang lalaking sina Moises at Elias ay may dalang kapahayagan mula sa langit. Sina Moises at Elias ay ang kumakatawan sa mga Kautusan at mga Propeta. Sila ang instrumento ng pagpapakilala ng Diyos sa Israel noong una. Sila ay mga taong ginamit ng Diyos sa pagbabago ng lipunan ng Israel. At ngayon, kausap nila ang Panginoong Jesus. Dahil tulad ni Moises at Elias, ang Panginoong Jesus ay magpapasimula ng malaking pagbabago sa puso ng mga tao, na babago sa mga lipunan ng buong mundo. Dahil si Jesus ay ang kaganapan ng lahat ng sinabi ng Kautusan at mga propeta! Siya ang katuparan ng lahat ng mga layunin ng Diyos, hindi lamang para sa Israel, kundi para sa kaligtasan ng sanlibutan. Kaya sinabi ni Jesus sa mga alagad;

“Don’t misunderstand why I have come. I did not come to abolish the law of Moses or the writings of the prophets. No, I came to fulfill them. -Matthew 5:17

Kung kumilos ang Diyos noong sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod, ngayon, siya na mismo, ang Diyos ang kumikilos sa pamamagitan ni Jesus at ng Banal na Espiritu. Katulad ng sinasabi ng hula ni propeta Isaias;

In all their suffering he also suffered, and he personally rescued them. In his love and mercy he redeemed them. He lifted them up and carried them through all the years. (Isaiah 63:9)

Ang Reaksyon ng mga Alagad

Marahil, bunga ng sobrang pagkamangha kaya hindi na malaman ng mga alagad ang sasabihin. Gayun paman, kahit hindi nila alam ang sasabihin, nagsalita parin sila. (Maraming tao ang katulad nila, nagsasalita kahit hindi alam ang sinasabi.) Sabi nila, “Panginoon, dumito na lamang tayo.” Ganyan ang reaksyon ng mga alagad sa nakita nilang “spectacular” o kamangha-mangha. Ayaw na nilang bumalik sa kapatagan upang magmisyon.

Pagbubulay

Sa ating panahon, marami paring “spectacular things” ginagawa ang Diyos sa buhay ng maraming tao. Inilalagay sila ng Diyos sa mataas na posisyon, magandang kabuhayan, magandang trabaho. May mga tao na nagiging biglang yaman. Ang delikado dito ay ang “ayaw na nilang bumaba”. At ayaw na rin nilang gumawa para as misyon ng kanilang pagiging alagad ng Diyos na nag-anyong tao. Mapanganib din ang mabighani sa mga “kamangha-manghang bagay” at makalimutan natin ang nais ipagawa ng Diyos sa atin.

Pangalawa, ang panalangin ay ating paraan ng pakiki-ugnay sa Diyos at siya na ring paraan ng Diyos upang tayo ay bigyan niya ng lakas at kapangyarihan upang maging epektibo sa ating misyon. Ang ating misyon ay gawing alagad ni Cristo ang mga tao. Hindi natin ito magagampanan na nag-iisa. Kailangan natin ang patnubay ng Diyos. Tayo ang nanghihikayat at nangangaral – pero tandaan, Diyos lamang ang maaring bumago sa puso ng mga tao.

May tatlong uri ng mga tao na aking napapansin sa ating lipunan ngayon.

Una, may mga tao na nais nilang baguhin ang ating ipunan. Naghahangad sila ng social transformation at tapat sila sa layuning ito. Pero pilit nilang ginagawa ito sa sariling pamamaraan na walang kinalaman sa Diyos. At siyempre, hindi sila nanalangin, dahil hindi sila naniniwala sa Diyos. Naniniwala ako na dahil hindi makadiyos ang paraan, walang basbas ng Diyos ang ganitong pagkilos.

Ang pangalawang grupo, ay mga tao naman na nanalangin pero ayaw nilang maging intrumento ng pagbabago sa lipunan. Sila ay nananalangin para sa sarili, para sa simbahan pero ayaw nilang makibahagi sa pagbabago ng lipunan. Pilit nilang inilalayo ang sarili sa normal na takbo ng buhay ng mga tao sa pamayanan.

Si Jesus ay hindi kailanman naging katulad ng dalawang uring ito. Nais niyang magbago ang mga tao, pero hindi sa sariling paraan, kaya siya umaakyat sa bundok upang manalangin.

Pero hindi siya nananatili lamang bundok, bumababa rin siya upang gawin ang utos ng Ama. Ang mga alagad ni Cristo ay nabibilang sa ikatlong pangkat na aking tinutukoy. Sila ay uma-akyat sa bundok upang manalangin, ngunit bumababa sila sa mga tao upang magmisyon, upang maging instrumento ng pagbabago sa lipunan, baon ang pamamaraan ng Diyos.

Pansamantalang nakita ng mga alagad ang tunay na anyo ni Jesus doon sa bundok. Nasilayan nila ang dakilang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang pag-aanyong tao.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...