Pablo at Timoteo sa Pagdisipulo
2 Timothy 1:1-14
Ice Breaker Question: “Sino ang nag-akay sa iyo upang makilala mo ang Tagapagligtas at paano ka naturuan upang maglingkod sa iglesia ng Panginoon?”
Ang pangunahing gawain ng bawat Kristiano ay ang “Ibahagi ang Mabuting Balita at gawing alagad ni Cristo ang lahat ng tao”. Kung ito ay ating tutuparin, hindi lamang tayo basta miembro ng simbahan (members), kundi tayo ay magiging totoong alagad ni Cristo (true disciples). At kapag tayo ay namumuhay bilang tunay na alagad, nagiging natural sa atin ang paggawa ng iba pang alagad (making disciples).
Paul: the Disciple of Christ (v.1)
Ganito ang pagkadisipulo ni Pablo.
1. Siya ay isang taong tunay na binago ng Panginoon.
Lubos ang pagbabagong buhay ni Pablo mula ng makilala niya ang Panginoong Jesus. Nagbago ang kanyang ugali, at ang layunin niya sa buhay.
2. Siya naging lingkod ng Panginoon. Naging gawain niya ang magbahagi ng kaligtasang mula sa Panginoon. Ipinagpatuloy niya ang misyon ni Cristo.
3. Nagsanay siya ng iba pang disipulo. Hindi lamang siya nagtuturo sa marami - nagtuturo din siya at nagsasanay ng ilang alagad na makakasama niya sa gawain.
Paul: the Disciple-Maker
Ang pagsasanay ng ibang alagad ay mahalagang gawaing Kristiano. Tulad ng pagpapalaki ng isang magulang sa anak, hindi sapat na pinapakain lamang siya at inaalagaan. Ang bata ay kailangan ding sanayin upang magkaroon siya ng mabunga at matagumpay na buhay. Kailangan siyang matutong magtrabaho, at maging pakinabang para sa marami.
Ang isa sa sinanay ni Pablo ay si Timoteo na kanyang sinusulatan sa ating aralin. At makikita natin ang paraan ni Pablo sa paggawa ng iba pang alagad.
1. Siya ay tumayo bilang ama sa pananampalataya (discipler). Mababasa sa talatang 2 na itinuring niyang “anak” si Timoteo. Mababakas din sa sulat na ito kung gaano kalapit ang kalooban ni Pablo kay Timoteo. Laging idinadalangin ni Pablo si Timoteo.
2. Si Pablo ay nagsilbi bilang tagapag-sanay ni Timoteo (trainor). Mula pagkabata, tinuruan na si Timoteo ng kanyang nanay at lola sa pananampalataya (v. 5). Pinili siya ni Pablo dahil kinakitaan siya ng mga kaloob (Spiritual Gifts). Ang mga kaloob na ito ay mga biyayang mula sa Diyos na palatandaan ng mga pinili upang maging tagapaglingkod sa iglesia.
3. Si Pablo ay nanatiling nagpapalakas at nagbibigay inspirasyon kay Timoteo (encourager).
Si Timoteo: Ang Batang Disipulo
Bilang alagad, dumaan si Timoteo sa proseso ng pagiging tunay na alagad ni Cristo at hindi lamang siya basta isang kaanib sa iglesia. Ang kaganapan ng pagiging alagad ni Timoteo ay bunga ng pagsusumikap ni Pablo:
1. ibinahagi ni Pablo ang pananampalataya at Salita ng Diyos kay Timoteo, at sa kanyang pamilya.
2. ibinilang ni Timoteo, ang kanyang mga magulang at lola ay naging aktibong kaanib ng iglesia.
3. sinanay si Timoteo bilang alagad.
4. sinugo si Timoteo upang magmisyon at manguna sa gawain ng iglesia.
Mga Payo ni Pablo sa Batang Disipulo
1. Huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon (v.8).
2. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos (v.8b-10).
3. Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo (v.13a).
4. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus (v.13b).
5. Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang lahat ng magagandang bagay na ipinagkatiwala sa iyo (v.14)
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Sino ang iyong modelo o mentor sa iyong paglilingkod sa Diyos? Gaano kalalim ang impluensya ng taong ito sa iyong buhay espiritual?
2. Ano ang pagkakaiba ng miembro lamang sa tunay na alagad ni Cristo? “Ang miembro ay tagapakinig lamang, subalit ang alagad ay nakikinig at sumusunod. Ang miembro ay pinaglilingkuran, ang alagad ay naglilingkod. Ang miembro ay nagsisimba kapag gusto niya, ang alagad ay nakatalaga sa paglilingkod sa iglesia.”
3. Ano sa palagay mo ang pagkakaiba ng iglesiang may "discipleship training program" sa isang iglesiang nangangalaga lamang ng mga miembro (maintenance)?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento