Sabado, Marso 12, 2016

Kaloob ng Isang Nagpapasalamat (John 12:1-8 / 5th Sunday Lent 2016)

Kaloob ng Isang Nagpapasalamat
John 12:1-8

May isang missionary na nagpatayo ng maraming simbahan. Sa totoo lang, ang lahat ng kanyang ari-arian ay ginagamit niya sa paglilingkod sa Panginoon. Kapag tinatanong kung bakit ginagawa niya ito, lagi niyang sinasabi, "Ito ang pagkakataon ko upang magpasalamat sa Diyos."

Ang kwento sa ating pagbasa ngayon ay ang pagbabalik ng Panginoon sa Betania, mula ng buhayin niyang muli si Lazaro, ang kuya ni Maria at Martha. Ibig sabihin, mainit-init pa ang balita tungkol sa ginawa ng Panginoong Jesus tungkol kay Lazaro.

Hindi natin alam kung paano nagpasalamat si Maria kay Jesus noong buhayin ng Panginoon si Lazaro. Ngunit ngayong bumalik na si Jesus sa kanilang tahanan, malinaw na ang nasa puso parin ni Maria ay kung paano niya patuloy na pasasalamatan ang Panginoon.

Ang mga taong marunong tumanaw ng utang na loob ay ganyan. Kung nakagawa tayo ng kabutihan sa kanila, makikita mo silang mababalisa kapag bumisita ka sa kanilang bahay. Ito ay tanda na nais nilang magpasalamat.

Ang Laki ng Pasalamat ni Maria 

Isa sa mga awit ni Matt Redman, ang "I Will Offer Up My Life" ay may ganitong lyrics,

Jesus what can I give, what can I bring
To so faithful a friend, to so loving a King
Savior what can be said what can be sung
As a praise for your name, for the things you have done,
Oh my words could not tell, not even in part,
Of the debt of love that is owed,
By this thankful heart.

Marahil katulad ni Maria, ang sinumang tumanggap ng malaking pagpapala mula sa Diyos ay maghahanap ng malaking bagay na ipagkakaloob sa Diyos bilang tugon sa kabutihan ng Panginoon. The size of our thanksgiving reflects the size of blessings that we received from God.

Why That Much? 

Isa pang Papuri song ang aking paborito, ay ang "Paggising sa Umaga", at sabi ng awitin, "Lahat, lahat ay aking ibibigay,ibibigay pati aking buhay,upang purihin siya."

Ang pabango na binuhos ni Maria kay Jesus ay imported perfume from India noong time na iyon. Nagkakahalaga ito ng 15,000 dollars sa ating panahon!

But why would Mary offered so much to the Lord? This is the reason why Mary offered a costly offering, because she received a costly blessing from God. She was so blessed to be among the first witness of that resurrection miracle. She was so blessed to have his brother once again.

Mga kapatid, kaya nga ba nating bayaran ang Diyos sa mga kabutihan niya sa atin?

So if you will count your blessings from God today, how many will they be? And with a desire to thank God, how much are you willing to give to God in response?

A good friend of mine, once blessed me so much, and he came to visit me, so we went to relax in a spa and I immediately paid. He argued that he will pay. So here is a very generous friend, who is not even bothered to do great things for me when I needed his support. And now it is my opportunity to thank him. So I insisted to pay, and promised to do more good things for him, not to repay him but as my humble way of saying "thank you" to him for what he did for me.

1. Giving to God is our humble way of saying "thank you" to the Lord Almighty. 

How much Mary gave looks costly. But in exchange of his brother's life, that perfume costs nothing! There is no such amount that may suffice in exchange to the life of a beloved brother. Our gifts if to be compared to God's gift for us, our gifts costs nothing.

After Jesus gave his life for us, everything that we intend to give to him, I am sorry to tell all of you, our gifts costs nothing if it will be compared to what God has given us! Ang lahat ng ating kaloob, ikapu at maaring mga pangako, ay pawang pasasalamat lamang sa kabutihan ng Diyos. Hindi natin matatalo ang Diyos pagdating sa pagkakaloob. Laging mas marami ang kaloob ng Diyos para sa atin, kaysa kaloob natin para sa Kanya.

So if you really what to thank God in response to his generosity, better give God your whole life, and serve him only. St. Paul, is reminding us that, "We ought to offer ourselves as a living sacrifice to God, holy and acceptable to God." This is the right way to offer sacrifice whenever you worship God. (Romans 12:1)

2. Mary grabbed her greatest opportunity to offer the best to Christ. 

Sa tagpong ito, nagreklamo si Judas at ang sabi niya, "Sayang ang pabango." Pero sayang nga po ba? Sabi ng Panginoon, "Hindi ito sayang! Ito ay isang napapanahong pagkakaloob!", dahil si Jesus ay hindi nila makakasama sa lahat ng pagkakataon.

There are times when opportunity knocks at our doors, and one of this big opportunity that may come before us is to give God the best that we can give. May kakilala akong pastor, at noong ipinatatayo nila ang kanilang simbahan, hinamon niya ang mga miembro na magkaloob na sila ng malaki-laki. Sabi niya, "Mga kapatid, pagkakataon na ninyo ito upang magbigay! Ang hindi magbibigay, ay hindi magiging kabahagi ng makasaysayang pagtatayo ng templo ng Diyos. So do not miss this opportunity."

Kaya mga kapatid, kapag mayroon kayong maibibigay na malaki-laki naman sa Diyos, habang may maibibigay kayo, samantalahin ninyo ang pagkakataon. Baka po kung kailan simot na yung laman ng ating pitaka doon tayo umaasam na magbigay ng malaki, kung kailan wala tayong ibibigay.

May kwento tungkol sa isang lalaki na may maliit na kinikita. Dati nagbibigay po siya ng tithe, na 50 pesos a week sa kinikita niyang 500. Sa kanyang katapatan, pinanalangin siya ng kanyang pastor na kumita ng mas malaki. Pinapagpala po siya ngayon ng Panginoon. Sa kinikita niya ngayon, dapat ay 5,000 pesos a week na ang kanyang tithe! Dahil kumikita na kasi siya ng 50,000 pesos a week! Pero ngayon, ayaw na niyang mag-tithe, malaki na raw kasi ang halaga ng 5k. Nahirapan siya ngayon kaya humingi siya ng payo sa kanyang pastor. "Pastor, nabibigatan napo akong magbigay ng tithe. Malaki na kasi ang halaga nito, mabuti papo noong maliit lang ang aking kita." Sabi ngayon ng pastor, " O sige idadalangin ko Diyos na lumiit nawa ang kinikita mo kapatid."

So if you find an opportunity to offer the most to God, grab the opportunity.

3. To Bless God is our Christian duty.

Bless the Lord Oh my soul and all that is within me, bless his holy name!

How should we bless God? The Bible sets an example, "all that is within me!" Not a part of me, not a part of what I have! But ALL that I am, ALL that I have. Because God is entitled to receive the best offering that we can give.

Judas was complaining because he was seeking for things that he can get out of that offering. That is the problem with Judas. He is always looking for what he can get, and not on what he can give.

That is the reason why he was not blessed all his life. Because he failed to listen to Jesus when the Lord says, "It is blessed to give than to receive." True blessedness comes from giving, not from receiving - especially, giving to God!

So listen to Jesus' comment about the offering from Mary, "She will be remembered for what she did for me." So dear friends, let us leave a mark in history. I would like to challenge everyone, let us leave a mark in our churches, let us give our best service offering to God while we still possess that gift.

So let us check the way we offer to God. Pabigat pa ba sa inyo ang pagkakaloob sa Diyos?   Nahihirapan pa ba kayo sa pagbibigay ng ikapu o mga pangako sa Diyos?

Let us give the best offering to the Master.   Sa Diyos na nagbigay ng ating buhay.  Sa Diyos na nagbigay ng kanyang buhay para sa atin.

Biyernes, Marso 11, 2016

Kwento ng Dalawang Anak (Lucas 15:11-32)

Madalas kong tanungin ang aming anak noong maliit pa siya.

Tanong ko, "Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa ng nanay mo?"   Sabi niya, "Pareho po."

Sa ibang mga bata, ang sagot ng iba ay ang kanilang nanay, ang iba ay tatay naman.

Sa Linggong ito, pinapaalala sa atin na tayo ang mga minamahal na anak ng Diyos.  Tayo ay kabilang sa pamilya ng Diyos.  Tayo magkakapatid.  Maari mo bang sabihin sa katabi mo, "Kapatid kita sa Panginoon at mahal kita?"

Ito ang bunga ng ating pagkaligtas, nagkaroon tayo ng bagong pamilya sa Diyos bukod sa ating pamilya sa dugo at laman.

At dahil mahal tayo ng Diyos, nararapat lamang na mahalin din natin ang Diyos - dahil siya ang ating Ama.  At ang Diyos ay napakabuting Ama.  Ipinagkakaloob niya ang lahat ng ating kailangan.  Hindi niya tayo iniwan.  Hindi siya nagkukulang.

Mahal mo ba ang ating Ama? Dapat lang na pasalamatan natin siya sa araw na ito.

1. Ang Bunsong Anak

Magsimula po tayo sa ating pagbubuklay sa bunsong anak. Sa ating binasang kwento ng Prodigal Son, ang mahal ng bunsong anak ay ang pera ng kanyang tatay. Marami ang katulad ng batang ito, madalas silang lumapit sa kanilang ama upang humingi ng pera. Naalala nilang tawagan ang kanilang magulang kapag kailangan nila ng pera.

At nagkukulang sila sa pagmamahal sa kanilang magulang.  Mga kabataan, pakamahalin ninyo ang inyong mga magulang.  Ang kanilang pagmamahal sa inyo ay walang katumbas.

Ang pangit sa bunsong anak ay ang kanyang pagmamahal sa maaring ibigay ng kanyang ama.  Ang kanyang mana ay kanyang kinuha at pagkatapos, siya ay umalis.

Ang kabataang ito, ay katulad ng ilang kabataang hinubog ng kasalukuyang  panahon.

pinaniwala sila na ang tagumpay sa buhay ay ang sundin mo ang iyong pangarap....at hindi ang pangarap ng Diyos para sa iyo.

pinaniwala sila na ang pinakamahalga ay ang magkamal ng yaman,....

na ang pinakamahalaga ay ang makuha mo ang gusto mo at magawa mo ang lahat ng nais mo.

Ngunit pagmasdan po ninyo kung saan siya nasadlak.

Siya ay nagdalita, hanggang makipagtrabaho.  Pag-aalaga ng baboy ang kaya niyang gawin, kaya ito ang kanyang naging buhay.  Halatang hindi siya nag-aral.

Ano ang mensahe nito sa atin?

a. . Ang bunsong anak ay sumisimbolo sa mga napapariwarang tao na naghahanap ng "magandang " buhay na hiwalay sa Diyos.  Pansamantalang kaligayahan ang kanilang natatamo.

b. Siya ay lumayo sa kanyang ama (sumisimbolo sa Diyos).  Ang pagyakap sa kayamanan, at paglimot sa Diyos ay magbubunga ng tiyak na kapahamakan.

Pakinggan ninyo ang sabi ng Banal na Kasulatan, "Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang."

Wika ng Panginoon, "Dumating ako upang bigyan ko kayo ng buhay  na sagana at kasiya-siya."

Yumakap siya sa nauubos na biyaya.  Ang kanyang seguridad ay nakasalalay sa tangan niyang salapi. Ngunit ang salapi, gaano man karami ay nauubos.

Ngunit ang Diyos na pinaggagalingan ng biyaya ay hindi nauubusan mga kapatid.

c.  Siya ay nakaisip na bumalik sa Ama at nagsisi.  SIya ay tinaggap, dahil walang mapapahiya sa sinumang lalapit at magbabalik loob sa Diyos.

May mga tao na katulad niya, minsang lumayo at lumimot sa Diyos, ngunit nagbalik loob.  Maaring may mga katulad siya sa mga nandito.  At kung ikaw ay isang dating lumayo sa Panginoon, at ngayon ay bumabalik,  sinasabi ko sa iyo na napasaya mo ang Panginoon sa araw na ito.

2. Ang Panganay na Anak

Sa pagbabalik ng bunso, nabalitaan ng panganay na mayroong party sa kanilang bahay. May sayawan at kainan.  Nabalitaan din niya na bumalik ang kanyang kapatid.  At siya ay nalungkot at nagalit.

Ano naman ang mensahe nito sa atin?  Sino ang katulad niya sa mga tao sa ating panahon?

Ang panganay ay sumisimbolo sa mg amabubuting tao, mga tao na ang tingin nila ay higit silang mabuti kaysa iba, dahil wala silang nagawang karumal-dumal na kasalanan.

Ano ang mensahe nito sa atin?

a. Huwag mong hahatulan ang mga kapatid na minsang lumayo at nagkasala.
Tanggapin mo sila sa kanilang pagbabalik sa Diyos.

Wala tayo karapatan  humatol, lalo sa mga kapatid sa pananampalataya.

Hindi tayo "mas mabuti sa kaninu pa man."  Tayo ang mga makasalalang, nangangailangan din ng pagsisisi at pagpapatawad ng Diyos.



 



Lectionary Sunday School (March 13, 2016)

Hangaring Makilala Si Cristo
Filipos 3:4-14

"Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi ng mga kabataang "na in-love at first sight". Pero ang ating aralin ay hindi tungkol sa mga kabataang nagkaroon ng crush. Ito ay pahayag ni St. Paul tungkol sa kanyang layuning makilala si Jesus, kahit ano pa ang maging kapalit.

Ang Mahalaga Kay Pablo Noon

May mga bagay na unang minahal si Pablo noon bago si Jesus.
1. Mas mahal niya ang kanyang relihiyon. Kailangan ang relihiyon at mahalaga ito sa ating relasyon sa Panginoon (1 Tim. 3:16). Ngunit sa kalagayan ni Pablo bilang Judio, mas ipinagyabang niya ang kanyang pagiging Judio, o ang kanyang pagiging relihiyoso. Hanggang nakita niya na may mas mahalaga pa pala kaysa dito.

2. Nahulog siya sa maling akala, na ang panlabas na seremonya ng relihiyon ay ang pinaka-mahalaga, subalit hindi pala ito ang pinaka mahalaga. Maaring ang isang tao ay magyabang tungkol sa kanilang sariling relihiyon. Ngunit hindi ito sapat upang maging matatag ang relasyon ng isang tao sa Diyos.

3. Inakala rin ni Pablo na higit na mahalaga ang kanyang lahi bilang angkan ni Benjamin, na nagpapatunay na siya ay tunay na Hebreo. Ngunit hindi ito ang pinakamahalaga.

4. Siya ay Pariseo, kung baga, nakapagtapos siya sa pinakamataas na pag-aaral. Mataas ang natapos ni Pablo bilang dalubhasa sa batas.

Kaya kung payabangan lamang ang pag-uusapan, mayroong ipagyayabang si Pablo. Ngunit hindi ang mga ito ang nagbigay sa kanya ng tunay na kahulugan ng buhay.

At Nakilala Niya si Jesus

"Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon." - v. 7

Ang karanasan ni Pablo sa Panginoong Jesus ay parang isang love story ng dalawang dating mag-kaaway na naging magkasintahan. Dati, dahil sa sobrang pag-ibig ni Pablo sa kanyang relihiyon, inisip niyang wasakin ang Kristianismo. Subalit nakilala niya si Cristo, na mas higit pa sa kanyang relihiyon, dahil si Cristo ang larawan ng Diyos na hindi nakikita. Si Jesus ang ipinangakong Tagapagligtas ng Lumang Tipan ng mga Judio.

At mula noon, si Jesus na ang naging sentro ng buhay at pananampalataya ni Pablo.

Kaya ang hangarin niya ngayon ay;

1. Talikuran ang lahat ng bagay na dating pinapahalagahan niya, alang-alang kay Cristo. "Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan, makamtan ko lamang si Cristo." -v. 8b.

2. Magbago ng pamantayan kung paano magiging matuwid at magiging katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos. Wika niya, "Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo." -  (talatang 9).

3. Ang makilala si Jesus at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay.

Sa ganitong paraan masasabi natin na nahulog na nga si Pablo sa kanyang pag-ibig kay Cristo Jesus. Sa pagsunod niya kay Cristo, naranasan niya ang pagpapatawad at pagtanggap ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya. Naunawaan niya na ang kaligtasan ay hindi pinagpapaguran kun’di tinatanggap. Dati, sinisikap ni Pablo na makuha ang kaligtasan sa pamamagitan ng mabuting gawa. Ngunit nakita rin niya na ang tao ay makasalanan at hindi kailanman makaka-abot sa pamantayan ng Diyos (Roma 3:23). At sa kabila ng kahinaang ito ng tao, mahal pa rin tayo ng Diyos at ibinigay ng Diyos si Cristo para sa ating kaligtasan.

True Love na 'To!
Alam ni Pablo, na bagamat naging tapat siya sa kanyang relihiyon bilang Judio, hindi siya naging karapat-dapat sa Diyos. Naging karapat-dapat siya dahil minahal siya ng Diyos. Ang kanyang pag-ibig sa Diyos ngayon ay isang tugon sa ipinakitang kabutihan ng Diyos sa kanya. Ngayon iisa na lamang ang layunin ng kanyang buhay; ang mahalin si Cristo na nagmahal sa kanya. Paano niya ito ginawa?

1. nais niya makibahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Siya ay namuhay bilang tunay na alagad ni Cristo na gumagawa para katuparan ng misyon ng Panginoon.

2. Nais niyang mabuhay at mamatay para sa Diyos.

3. Nais niyang kamtan ang tunay na kaligtasan, ang muling pagkabuhay.

4. Nililimot niya ang nakaraan upang pagtagumpayan ang laban ng buhay. Sabi niya, "Nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan."

Ang Pag-ibig ng Diyos

Wala na ngang papantay sa pagmamahal ng Diyos para sa atin. Ang ating misyon ngayon ay unawain, isabuhay at ibahagi sa iba. Ito ang kahulugan ng pagiging totoong Kristiano. Ang patunayan natin na wala nang mas mahalaga pa sa buhay natin kun’di si Jesus.

Sabado, Pebrero 27, 2016

Tunay na Pagsisisi - Lucas 13:1-10

Maraming kwento ng pamamaril sa America, sa mga paaralan, mga simbahan at iba pang lugar.  May mga pangyayari na - bigla na lamang magpapapaputok ng baril ang isang kabataan at basta na lamang niyang papatayin ang sinumang makita niya.

*May nangyaring ganito sa Colorado Spring, USA.  Si Matthew Murray, 24 years old ay isang kabataan na pumasok na isang Youth with a Mission Headquarters at pinatay niya ang ilang mga tao soon. Pagkatapos ay pumunta siya sa isang simbahan at napatay niya ang dalawang kabataan sa simbahan.

Siya ay napatay ng security guard.

Pagkatapos ng mga pangyayari, sinubukang imbitahan ng pastor ang mga Murray upang magsimba sa church na iyon.  Nagatubili sila, ngunit bandang huli ay nagsimba rin ang mga magulang ni Matthew sa simbahan kung saan nakapatay at namatay ang kanilang anak.

Ang pangyayari sa office ng pastor ay kakaiba. Nagkita ang mga magulang ng mga napatay ni Matthew, at ang magulang ng pumatay. Nagkita rin ang security guard at ang magulang ni Matthew.  Sa office, nagyakapan sila, humingi ng tawad, nagpatawaran sila, at nanalangin.

(*http://www.foxnews.com/story/2007/12/10/colorado-church-gunman-had-grudge-against-christian-group-cops-say.html)

Ang Kwaresma ay imbitasyon sa atin upang magsisisi.

Ano ang pagsisisi? 

1. Ang pagsisisi ay kalungkutang ipinapahayag sa Diyos, dahil sa ating mga kasalanan.
2. Ang pagsisisi ay paghingi ng kapatawaran sa Diyos.
3. Ito ay pagkilala sa kabutihang loob ng Diyos.

Maling Pakahulugan ng Pagsisisi

1. Pagbabayad ng ating mga kasalanan gamit ang sarili nating mabuting gawa, tulad ng penitensya.  Dahil hindi natin maaring bayaran ang Diyos sa kanyang pagpapatawad.

Ang nagawang kasalanan ay hindi maaring takpan ng kabutihan. May nakita na ba kayong nagwalis na sa halip na alisin ang sukal, ay tinakpan lang ito ng ilang magagandang bagay.  Alam natin na ang dumi ay kusang babaho - dahil ito ay bulok na kusang mangangamoy bandang huli.

2. Pagsisisi sa salita lamang, na walang pagbabagong buhay.

Ano ang Pumipigil sa ating upang magsisisi? 

1. Pagkukumpara sa sarili sa kasalanan ng iba.
2. Spiritual superiority - ang paniniwalang mabuting tayong tao, at hindi na natin kailangan ang pagpapatawad ng Diyos.

Paano Magsisisi?

1. Kilalanin ang kamalian sa harap ng Diyos.
2. Tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos.
3. Sumamapalataya sa ginawang pagbayad ni Cristo sa ating mga kasalanan.
4. Magbagong buhay.

Sabado, Pebrero 20, 2016

Paul - Timothy: A Model in Disciple-making

Pablo at Timoteo sa Pagdisipulo
2 Timothy 1:1-14

Ice Breaker Question: “Sino ang nag-akay sa iyo upang makilala mo ang Tagapagligtas at paano ka naturuan upang maglingkod sa iglesia ng Panginoon?”

Ang pangunahing gawain ng bawat Kristiano ay ang “Ibahagi ang Mabuting Balita at gawing alagad ni Cristo ang lahat ng tao”.   Kung ito ay ating tutuparin, hindi lamang tayo basta miembro ng simbahan (members), kundi tayo ay magiging totoong alagad ni Cristo (true disciples).  At kapag tayo ay namumuhay bilang tunay na alagad, nagiging natural sa atin ang paggawa ng iba pang alagad (making disciples).

Paul: the Disciple of Christ (v.1)

Ganito ang pagkadisipulo ni Pablo.

1. Siya ay isang taong tunay na binago ng Panginoon.
Lubos ang pagbabagong buhay ni Pablo mula ng makilala niya ang Panginoong Jesus.  Nagbago ang kanyang ugali, at ang layunin niya sa buhay.

2. Siya naging lingkod ng Panginoon.  Naging gawain niya ang magbahagi ng kaligtasang mula sa Panginoon. Ipinagpatuloy niya ang misyon ni Cristo.

3. Nagsanay siya ng iba pang disipulo.  Hindi lamang siya nagtuturo sa marami - nagtuturo din siya at nagsasanay ng ilang alagad na makakasama niya sa gawain.

Paul: the Disciple-Maker 

Ang pagsasanay ng ibang alagad ay mahalagang gawaing Kristiano.  Tulad ng pagpapalaki ng isang magulang sa anak, hindi sapat na pinapakain lamang siya at inaalagaan.  Ang bata ay kailangan ding sanayin upang magkaroon siya ng mabunga at matagumpay na buhay.   Kailangan siyang matutong magtrabaho, at maging pakinabang para sa marami.

Ang isa sa sinanay ni Pablo ay si Timoteo na kanyang sinusulatan sa ating aralin.  At makikita natin ang paraan ni Pablo sa paggawa ng iba pang alagad.

1. Siya ay tumayo bilang ama sa pananampalataya (discipler). Mababasa sa talatang 2 na itinuring niyang “anak” si Timoteo. Mababakas din sa sulat na ito kung gaano kalapit ang kalooban ni Pablo kay Timoteo. Laging idinadalangin ni Pablo si Timoteo.

2.  Si Pablo ay nagsilbi bilang tagapag-sanay ni Timoteo (trainor). Mula pagkabata, tinuruan na si Timoteo ng kanyang nanay at lola sa pananampalataya (v. 5).   Pinili siya ni Pablo dahil kinakitaan siya ng mga kaloob (Spiritual Gifts).  Ang mga kaloob na ito ay mga biyayang mula sa Diyos na palatandaan ng mga pinili upang maging tagapaglingkod sa iglesia.

3. Si Pablo ay nanatiling nagpapalakas at nagbibigay inspirasyon kay Timoteo (encourager).

Si Timoteo: Ang Batang Disipulo

Bilang alagad, dumaan si Timoteo sa proseso ng pagiging tunay na alagad ni Cristo at hindi lamang siya basta isang kaanib sa iglesia.  Ang kaganapan ng pagiging alagad ni Timoteo ay bunga ng pagsusumikap ni Pablo:

1. ibinahagi ni Pablo ang pananampalataya at Salita ng Diyos kay Timoteo, at sa kanyang pamilya.
2. ibinilang ni Timoteo, ang kanyang mga magulang at lola ay naging aktibong kaanib ng iglesia.
3. sinanay si Timoteo bilang alagad.
4. sinugo si Timoteo upang magmisyon at manguna sa gawain ng iglesia.

Mga Payo ni Pablo sa Batang Disipulo

1. Huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon (v.8).
2. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos (v.8b-10).
3.  Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo (v.13a).
4. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus (v.13b).
5. Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang lahat ng magagandang bagay na ipinagkatiwala sa iyo (v.14)

Mga Tanong sa Talakayan:

1. Sino ang iyong modelo o mentor sa iyong paglilingkod sa Diyos? Gaano kalalim ang impluensya ng taong ito sa iyong buhay espiritual?

2. Ano ang pagkakaiba ng miembro lamang sa tunay na alagad ni Cristo? “Ang miembro ay tagapakinig lamang, subalit ang alagad ay nakikinig at sumusunod.  Ang miembro ay pinaglilingkuran, ang alagad ay naglilingkod. Ang miembro ay nagsisimba kapag gusto niya, ang alagad ay nakatalaga sa paglilingkod sa iglesia.”

3. Ano sa palagay mo ang pagkakaiba ng iglesiang may "discipleship training program" sa isang iglesiang nangangalaga lamang ng mga miembro (maintenance)?






Ang Pag-ibig ng Diyos - Lucas 13:31-35, Filipos 3:17-4:1; Genesis 15:1-12

May kwento tungkol sa isang sundalo sa Vietnam na nai-love sa isang dalagang Vietnamese.  Pagkatapos ng digmaan, bago umalis ang American soldier, nangako ito na babalikan niya ang dalaga para isama sa America.  Ang daan patungo sa tahanan ng dalaga ay isang ilog. Kung gagamit ng bangka ang sundalo balik sa village ng dalaga, siya ay madaling makikita ng mga sundalong Vietnamese ay madali siyang mapapatay.

Ang ginawa ng sundalo, nilakbay niya ang "ilalim ng ilog" gamit ang mga oxygen tanks, gumawa siya ng paraan para makalakad siya sa ilalim ng tubig hanggang marating niya ang tirahan ng dalaga.

Naglakbay din sila pabalik sa kampo ng mga Amerikano gamit ang mga oxygen tanks sa ilalim ng tubig, hanggang sila ay nakaalis ng ligtas.

Ahhh- O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok ka sa puso ninuman, gagawin ang lahat, makamit ka lamang!

Ang lundo ng paglalakbay ng Panginoong Jesus ay patungong Jerusalem.

Sa isang banda ang Jerusalem ay ang tahanan ng pananampalatayang Judio. Ito ay itinuturing na banal na lugar, sa paniniwalang ito ang tahanan ng Diyos.

Ito rin ang sentro ng kapangyarihang politikal ng mga Judio. Dito nagpupulong sanhedrin at naninirahan ang mga pinuno ng bayan.

Sa kabilang banda, ito ang Jerusalem na pumapatay ng mga propeta ng Diyos. Na dahil sa kabanalan ng lugar, inaakalan ng mga nasa lugar na ito na sila ay mga mas banal na tao, lalo at sila ay nasa kapangyarihan din sa lipunan.

Ito ang uri ng lugar na pupuntahan ng Panginoon. At makikita sa mga talatang ito ang

KATAPATAN
SAKRIPISYO at
DETERMINASYON

ng Panginoon upang tupdin ang layunin ng kanyang pagmamahal.

Ang bayan ng Jerusalem ay binigyan ng pagpapahalaga ng Diyos ng higit sa alinmang bayan. Ngunit ang mga pinuno ng templo at mga nasa politikal na kapangyarihan ay naging mapagmataas at nalunod sa kapangyarihan.

Dahil dito, hindi na nila naunawaan ng lubos ang layunin ng Diyos. Sa halip ang pansarili nilang layunin at kapakanan ang kanilang pinatutupad.  Isang halimbawa si Herodes, ang gobernador ng bayan, ay naging palalo at nakita niya ang mga katulad ni Juan Bautista at ang Panginoong Jesus bilang mga "threat" o panganib sa kanyang political career.

Kaya noong bigyan si Jesus ng babala na papatayin siya ni Herodes, sinabi niya na hindi siya titigil sa kanyang misyon.

Magbulay tayo sumandali.

1. Una, ang pag-ibig ng Diyos ay makikita sa katapatan ng Diyos sa kanyang pagtupad sa kanyang
Tipan at Pangako

Sa Lumang Tipan nabasa natin ang pagmamahal ng Diyos na kanyang ipinamalas sa kanyang
katapatan kay Abraham.

Si Abraham ay may espesyal na kaugnayan sa Diyos. Siya ay maituturing na kaibigan ng Diyos. What binds them is a covenant, isang tipan na pinatibay sa isa't isa.

May tatlong bahagi ang tipan ng Diyos kay Abraham:

PAGTAWAG
PANGAKO
PAGTUPAD.

a. Tinawag ng Diyos si Abraham upang maging kabahagi siya sa proyekto ng Diyos na magtatag ng isang piniling bansa.  Tumugon si Abraham upang magkaroon ito ng katuparan.

b. Nangako ang Diyos na pagpapalain niya si Abraham at magkakaroon ng anak si Abraham bulang simula ng isang lahi.

c. Tinupad ng Diyos ang kanyang pangako ayon sa kanilang tipan.

Tandaan na ang alinmang tipan ay walang silbi

kung wala itong pagtugon sa tawag ng Diyos

At ang bawat pagtugon ay pinatitibay ng mga pangako,

At ang mga pangako ay walang halaga kung hindi sila tutuparin.


Sinasabi ng Aklat ng Genesis na noong makita ni Abraham ang katapatan ng Diyos,

"naniwala si Abraham sa sinabi ni Yahweh". (Genesis 15:6).

2. Pangalawa, ang Pag-ibig ng Diyos ay makikita sa kanyang Kahandaang Isakripisyo ang Sarili Para ating Kapakanan.

(Illustration)

May isang Bible School student na nakikinig sa kanyang guro tungkol sa katapatan ng pag-ibig ng Diyos. Sabi ng teacher, naglakbay ang Diyos mula langit hanggang lupa, upang ipaabot niya ang kanyang pag-ibig sa atin."

Binago ng Diyos ang kabataang pastor, at nabuo sa isip niya ang pasalamatan ang kanyang teacher sa araw ng kanilang graduation. Isang Linggo bago ang pagtatapos, nagpa-alam ang kabataan.

After a week, dumating ang kabataan dala ang mga magagandang perlas at mga kabibe.

Sa araw ng graduation sa Bible School, malugod niya itong iniregalo sa kanyang mahal na guro.

Nang tanungin kung saan niya ito kinuha, paliwanag ng kabataan,

naglakad siya ng dalawang araw papunta at dalawang araw pabalik;
Sumisid siya ng buong araw at gabi sa ilalim ng dagat para makuha ang mga perlas at mga kabibe.

Sacrifice is God's proof of love for us.

Mababasa sa ating Epistle Reading na ang pag-ibig na ito ay naranasan ng mga Kristiano sa halimbawa ni Apostol Pablo;

a. Pangangaral na may kasamang pagluha - v. 18
b. Katapatan sa pagsalunga sa mga kaaway ng krus v. 18
c. Pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos, vv. 20-21

3. Panghuli, ang pag-ibig ng Diyos ay pinatunayan niya sa determinasyon ng ating Panginoon na ituloy ang kanyang misyon kahit ano pa ang mangyari.  Sa simula pa lamang ng kanyang pagyapak sa Jerusalem, tinapos na ni Jesus sa kanyang puso ang kanyang gagawin. At alam niyang wala ng makakapigil sa kanyang hangarin.

Alam ng Panginoon na hindi siya tanggap ng Jerusalem. Loving  despite of rejection is very hard.  Gayun man, hindi napigilan ng pagtanggi ng Jerusalem ang pag-ibig ni Cristo.

Aking kapatid, kung hindi mo pa alam, in-love sa iyo ang Diyos.

Maaring sabihin mo na desperado ang Diyos na mahalin  ka.

Pag-ibig ng buong

katapatan.
sakripisyo
at
determinasyon.

Sabado, Pebrero 13, 2016

Mga Hirit ng Diablo - First Sunday Lent - Luke 4:1-13

Mga Hirit ng Diablo
First Sunday in Lent :
Luke 4:1-13

Ayon kay Lukas, bago pa nagsimula si Jesus sa kanyang misyon, humihirit na ang Diablo upang sirain ang misyon ni Jesus at ang gamit niya ay mapandayang panunukso.  Banal na gawain ang pag-aayuno. Ito ay oras ng pananalangin sa Diyos Ama, pagsisiyasat sa sarili at pagtatanong tungkol sa layunin ng Diyos sa buhay ng nag-aayuno. Pagkakataon ito upang mapalapit sa Diyos, pero hindi pa rin ito pinalampas ni Satanas.  Ginamit din niya ang pagkakataong ito upang tuksuhin si Jesus.

Ayon sa 1 Peter 5:8,

“Be careful! Watch out for attacks from the Devil, your great enemy. He prowls around like a roaring lion, looking for some victim to devour.”

Sinasabi ng Biblia na ang Diablo ay masipag sa paghahanap ng biktima.  Maging si Jesus ay hindi niya tinantanan.  Ang mga lider simbahan ay madalas din  niyang inuusig at tinutukso. Ang nais niya ay masira ang buhay at ministeryo ng iglesia. Salamat na lamang at hindi nagkukulang  ang Diyos sa pagpapaalala sa atin sa gimik na ito ng Diablo.

Isa pang katangian ng Diablo ay ang kanyang pagiging matiyaga.  Sinasabi ng Kasulatan na pagkatapos niyang tuksuhin si Jesus, bagamat hindi siya nagtagumpay - "naghintay siya ng ibang pagkakataon" upang tuksuhin si Jesus.  Marunong siyang maghintay at matiyaga siyang naghahanap ng ibang pagkakataon upang masilo ang mga Kristiano.

Ayy Tukso!

Nagiging tukso maging ang masama kapag ito ay ‘evil in disguise’.  Ito ay masama sa anyong mabuti o nakakaakit. Kung mayroon man itong idudulot na mabuti, ito ay pansamantala lamang.  Pagkatapos ng saglit na mabuti, mapapahamak ang biktima nito. Nahuhulog sa bitag ng Diablo ang mga tao sa tukso dahil sa maling desisyon, mahinang pananampalataya at kakulangan sa kaalaman sa Salita ng Diyos.

Unang Hirit ng Diablo: Gawing Tinapay ang Bato

Sa biglang tingin wala namang masama sa tinapay. Kung gagawin ito ni Jesus, madali niyang maaakit ang mga tao sa kanyang ministeryo.  Sa kabilang banda, ang nais ipagawa ng Diablo kay Jesus ay paggamit ng kapangyarihan upang madaliin ang panghihikayat ng mga tao.   Sumagot si Jesus,

“But Jesus told him, “No! The Scriptures say, ‘People need more than bread for their life.” (v. 4, NLT)

Ang katagang ito ay galing sa Deuteronomy 8:3, na ang sabi ay ganito:

“Yes, he humbled you by letting you go hungry and then feeding you with manna, a food previously unknown to you and your ancestors. He did it to teach you that people need more than bread for their life; real life comes by feeding on every word of the LORD.”
Ano nga ba ang bumubuo sa buhay? Tinapay lamang ba?  Ang dala ni Jesus ay buhay na sagana at kasiya-siya.  Sapat na ba ang tinapay upang maipagkaloob niya sa mga tao ang tunay na kahulugan ng buhay na sagana? Ang sagot ni Jesus ay hindi!

Ang tunay na buhay ay makakamit ayon sa Deuteronomio 8:1-4 sa pamamagitan ng hindi paglimot sa kabutihan ng Diyos, at sa pagsunod sa kanyang mga Salita.  

Kung sumunod si Jesus sa tuksong ito, mabibigyang prioridad ang hindi gaanong mahalagang bagay at maisasantabi ang mas na mahalaga.  Mabibigyang pansin ang mababaw na pangangailangan at makalilinutan ang tunay na pakay ni Jesus.    

Pangalawang Hirit

 Ang pangalawang tukso ay tungkol sa pagkamit ng kapangyarihan upang mapasunod ang mga tao.  Wala ring masama sa kapangyarihang ito.  Hindi masama ang kapangyarihan.  Subalit kung manggagaling ito kay Satanas at maisasanla ang sariling kaluluwa upang makamit ang kapangyarihang ito, ito ay isa ng masamang patibong. Hindi na ito magbibigy kaluwalhatian sa Diyos!

Ang sagot ni Jesus ay ganito, mula rin sa Deuteronomio (6:13);
You must fear the LORD your God and serve him. When you take an oath, you must use only his name.

Ang nilalaman ng Deut. 6 ay tungkol sa Covenant o kasunduan ng Diyos at Israel. Na kapag nagtanong ang mga bata sa mga matatanda, “Bakit tayo chosen people? Bakit tayo sumasamba? Bakit tayo susunod sa Utos ng Diyos? Etc. (vv. 6:20-25)” At sasabihin ng mga matatanda na sila ay may pangako sa Diyos dahil sa kabutihan ng Panginoon sa kanilang mga ninuno. Pinili ng Diyos ang Israel at ginawang panganay hindi upang magkamit ng kapangyarihan, kundi upang maglingkod!

For we are righteous when we obey all the commands the LORD our God has given us.’. (Deut. 6:25)
Ang nais ng Diablo ay ang tumanggap ng kapangyarihan mula sa kanya si Jesus at sasamba si Jesus sa kanya! Para kay Jesus, ang pananatiling tapat sa Diyos ay higit sa pagkakaroon ng kapangyarihang galing sa Diablo.

Pangatlong Hirit

Ang susunod na tukso ay ang pagsubok sa malasakit ng Diyos kay Jesus. Kung makita ng mga tao na lumundag si Jesus mula sa tuktok nito at hindi magalusan, siguradong patok siya sa masa!  Subalit ito ay panunubok na sa kapangyarihan ng Diyos!  Iingatan nga ba siya ng Diyos? Hindi nga ba siya magagalusan?   Sa madaling salita, tinuturuan ng Diablo na magduda si Jesus sa Ama.  Parang ang kasabihang “Subukan pamu ban abalu!”  Isang pagkakamali kung susubukan natin ang Diyos para lamang malaman natin kung totoong mahal niya tayo!

Ang sagot ni Jesus ay mula sa Deuteronomio 6:16, ng subukin ng mga Israelita ang Diyos sa pagrereklamo kay Moises.

Moses named the place Massah—”the place of testing”—and Meribah—”the place of arguing”—because the people of Israel argued with Moses and tested the LORD by saying, “Is the LORD going to take care of us or not?” –Exodus 17:7

 Alam nila na may Diyos. Pero duda sila kung totoong nagmamalasakit ang Diyos.

Pagbubulay

Marami sa ating panahon ang mga kabataan na pinalalaki sa luho ng material na bagay (tinapay) at nawawala na ang kaugnayan at relasyon sa Diyos.  Para sa iba, ang kahulugan ng buhay ay ang  pagkakaroon ng kapangyarihan upang kilalanin sa komunidad, at ang iba naman ay sinusubok ang Diyos para lang makuha ang pansariling hangarin.  Ang tatlong ito ang tukso ng Diablo kay Jesus at siya ring tukso ngayon sa marami.

Sa paghanap natin ng layunin sa buhay, sumunod tayo sa mga panuntunan ni Jesus. Saan nga ba tayo nakatayo? Ano ang ating mga paninindigan sa buhay?   Una, tandaan na mayroon pang hihigit sa tinapay o material na bagay upang maging makahulugan ang buhay. Pangalawa, sikaping maging tapat sa iyong pangako sa Diyos, at huwag ka isasanl ang sariling kaluluwa magkamit ng kapangyarihan. At pangatlo, huwag magdududa sa kabutihan ng Diyos.  Magtiwala tayo sa kanya at huwag na siyang susubukin.  

Sermons August 2026

AUGUST SERMONS and SUNDAY SCHOOL LESSONS BASED ON LECTIONARY READINGS  ___________________ Sermon 1: Feeding Ministry ni Jesus          ...