Ingatan ang Dangal ng Pamilya
Exodo 20:14
May mga warning signs sa mga delikadong palikong daan na nagsasaad ng “NO OVERTAKING”. Ang pagsuway sa ganitong batas ay nakamamatay.
Ang paglalagay ng warning signs ay para sa kaligtasan ng lahat.
Ang Diyos ang nagbigay ng mga utos, bilang “warning signs” upang iligtas tayo sa kapahamakan. Ang mga utos ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang ikapitong utos ay “Huwag kayong mangangalunya.”
Ang utos na ito ay “protection plan” ng Diyos para sa pamilya at personal na buhay. Ang ating aralin ngayon ay maaring magdulot ng sakit ng kalooban sa iba sa atin, dahil ito ay sensitibo. Pero ang layunin natin ay hindi upang makasakit, at lalong ayaw nating mapahiya ang sinuman. Kung nagkasala tayo sa nakaraan, humingi tayo ng tawad sa Diyos, at hindi na tayo dapat mahiya.
Ang ‘guilt feelings” na nararamdaman ng isang nagsisi na ay hindi po mula sa Diyos kundi sa diablo. Huwag tayong papayag na pahirapan pa tayo ni Satanas sa mga kasalanang pinatawad na ng Diyos.
Hindi naman po tayo binabawalan ng Diyos sa paggamit ng sex. Ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang maling paggamit nito. Tulad ng pag-gamit ng tubig, mabuti ito kung nagagamit ng tama, ngunit kung sobra na, ito ay nakakalunod. Ang apoy din ay mabuti, ngunit kung nagagamit sa maling paraan, ito ay nakakasunog. Gayun din ang sex, ang maling paggamit nito ay masisira sa buhay ng tao.
Sinasabi ng Biblia ang ganito tungkol sa mga-asawa, “Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakiki-apid at mga nangangalunya.”
Madali ang mag-asawa, ngunit mahirap ang magpamilya. Dahil sa kaluwagan ng mga paniniwala at paninindigan sa ating panahon, ang sex ay parang pwede kahit saan at kahit paano at kahit kailan. Halimbawa, sa mga patalastas sa TV, alak man, o kotse, at maging sa pagkain minsan, ang mga komersyal ay may sexual connotations. Sa isang survey ng Reader’s Digest, lumilitaw na 50% sa mga lalaki at 35% sa mga babae ang nahuhulog sa ganitong uri ng tukso. At kahit sa mga Kristiano, marami rin ang nahuhulog dito.
Ang tungkulin natin ngayon ay ang ingatan ang malinis na buhay na kaloob ng Diyos, bilang mga pinatawad na.
Dala natin ngayon ang isang bagong buhay na kaloob ng Diyos sa atin.
Mga Paraan ng Pagsunod sa Ikapitong Utos
1. Sundin ang mga Pamantayan ng Diyos. Anuman ang ating nakalipas at nagawang pagkakamali, dapat tayong manindigan ngayon, na hindi na tayo susuway at susunod na tayo sa mga pamantayan ng Diyos (standards of God). Ang sex ay para sa mag-asawa. Hindi para sa bago mag-asawa at hindi rin sa labas ng pag-aasawa. Sabi ng Awit 119: 9, “Paano iingatang maging wagas yaong buhay ng isang tao ang kanyang kabataan? Ang sagot ay , “Sumunod siya sa banal mong kautusan.”
Si Joseph sa Aklat ng Genesis ay isang mabuting halimbawa. Ibinenta siya ng kanyang mga kapatid at tinukso, ngunit hindi nahulog sa pagkakasala dahil may takot siya sa Diyos. Kailangan tayong sumunod sa Diyos, kahit hindi tayo nasisiyahan sa ibang nangyayari sa ating buhay. Kailangan tayong manatiling sexually pure bilang Kristiano.
2. Huwag pababayahang sirain tayo ng mga Kasalanang Seksual. Maraming tao ang nakalilimot sa halaga ng dangal. Ang mga sexual sins ay nag-iiwan ng malalim na bakas sa emotional at espiritual na buhay ng tao. Sikapin nating mapanatiling malinis ang ating buhay para sa Diyos, lalo na’t ang ating katawan ay templo ng Diyos. Parurusahan lamang ng Diyos ang wawasak sa kanyang templo (1 Cor. 3:16-17). Sabi rin sa Kawikaan 6:29, “Ang sisiping sa asawa ng kapwa, tiyak siyang magdurusa dahi ito ay masama.”
3. Pangalagaan natin ang ating relasyon sa pamilya. Dahil sa paggalang at pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t isa, nagiging karapat-dapat ang mga anak sa Diyos (1 Cor. 7:14) Kapag maayos ang relasyon ng mag-asawa, ito ay nagiging inspirasyon at mabuting halimbawa sa mga anak.
Dapat ding ibigay ng mag-asawa ang pangangailangan emotional at sexual ng isa’t isa. Ang pangangailangan ng bawat isa ay kakaiba, kaya kailangang gawin lahat na may pag-ibig ang lahat upang pagyamanin ang relasyon ng mag-asawa. Ayon kay Dr. Willard Harley, sa aklat niyang His Needs, Her Needs,
Kailangan ng Lalaki Kailangan ng Babae
Sexual Fulfillment Affection
Recreational Companion Conversation
Attractive Spouse Honesty and Openness
Domestic Support Financial Support
Admiration Family Committment
4. Panatilihing Malinis ang Isipan Pagdating sa Sex.
Ang anumang kasalanan ay nagsisimula sa isipan. Kailangan tayong umiwas sa mga malalaswang usapan at panoorin.
5. Mag-ingat upang hindi mahulog sa tukso.
a. Huwag makikinig sa marital problems ng ibang tao mula sa opposite sex. Ang sympathy ay maaring maging dahilan ng tukso dahil sa awa.
b. Mga babae, huwag maghahanap ng “sexually colored compliments” mula sa hindi mo asawa.
c. Mag-ingat sa mga “nadedevelop na emotional relation ships” sa sobrang titig at touches sa opposite sex.
d. Kung makaramdam ng tukso, umiwas habang maaga.
Lunes, Hunyo 29, 2015
Sermon - 8th Commandment
Pagpapayaman sa Tamang Paraan
Exodo 20:15
Nais nating yumaman, subalit bilang Kristiano, ito ay may nararapat na paraan. Ang utos ng Diyos ay, “Huwag kayong magnanakaw.”
Ang pagnanakaw ay may ibat-ibang anyo na hindi dapat ginagawa ng mga Kristiano.
Ibat-ibang Anyo ng Pagnanakaw
1. Sabi sa Amos 8:5, “Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.”
Kasama na dito ang mga unnecessary tests ng doctor, o hindi naman kailangang repair, ngunit pinapabayad sa customers.
2. Pagnanakaw sa mga amo o employers.
Hindi lamang ang pag-uuwi ng gamit mula sa kumpanya ang kabilang dito. Ang hindi pagpasok sa tamang oras, ang sobrang break time o lunch time, kung kailan binabayaran ka sa oras ng iyong trabaho, ngunit hindi nagagamit sa produktibong paraan.
3. Hindi pagbabayad ng pagkakautang. Kabilang dito ang mga bayarin sa electric, at water bills, charges at iba pang pagkakautang na ipinangako natin sa kapwa. Ang hindi pagtupad sa mga pangakong babayarin na walang paghingin ng paumanhin ay pagpapahirap sa pinag-utangan. Ang hindi pagpapasweldo ng tama ay isa ring pandaraya.
4. Hindi pagsasauli ng bagay na hiniram. Baka mayroon tayong gamit na hiniram ngunit hindi naibabalik, minsan wala namang masamang motibo, sadyang nakalimutan lang talaga. Nakakahiya mang ibali, pero mas mainam na po na haharap tayo sa Diyos na may malinis na budhi.
5. Pandaraya sa mga babayarin sa pamahalaan. Ang gobyerno ay naglilingkod sa mamamayan. Ang bayarin sa mga taxes ay dapat wasto. Kung hindi, wala na rin tayong pinag-kaiba sa mg acorrupt na tao sa gobyerno na nagnanakaw ng pera ng taong bayan.
6. Hindi pagkakaloob ng ikapu. Mali ang angkinin natin ang pag-aari ng Diyos. Malinaw sa Malakias 3:8,
“Maari bang pagnakawan ng tao ang Diyos? “Pinagnanakawan ninyo ako,” wika ng Panginoon. Sa paanong paraan? tanong ninyo. Sa pamamagitan ng hindi ninyo pagbibigay ng ikapu at ng mga handog sa Diyos.”
Ang ikapu (10%) ay tamang tugon sa kabutihan ng Diyos.
Bakit Kailangan Tayong Maging Tapat?
1. Pinagmamasdan po tayo ng Diyos. Ayon sa Job 34:21-22, “Bawat kilos ng tao'y tinitingnan niya, ang bawat hakbang nito'y di lingid sa kanya. Walang sapat na kadiliman ang mapagtataguan ng mga makasalanan.”
2. Pinagmamasdan tayo ng mga hindi natin kasama sa pananampalataya. Malinaw ang paalala ng 1 Juan 1:5-6, “Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya. Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan.”
3. Aanihin natin ang anumang ating itanim.
Ayon sa Galacia 6:4-5, “Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.”
Mga Maaring Pag-ugatan ng Kawalan ng Katapatan
1. Kasakiman. Sabi sa 1 Tim. 6:10, “Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”
2. Katamaran. Ito ay dapat alisin sa buhay at ugali ng mga Kristiano. Ayon sa Hebreo 6:12, “Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.”
3. Pride. Para lang makapagyabang, kahit ill-gotten wealth ay pinangangalandakan. Ayon sa Kawikaan 15:27, “Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan,
ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal.”
Mga Paraan Upang Makaiwas
sa Mga Problemang Financial
1. Magsipag. Sabi nga ni John Wesley, “Work all you can.” Ang kasipagan ay ugaling Kristiano. Sabi Pablo sa 2 Tesalonica 3:10, “Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, "Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho."
Palaguin natin ang ating salapi, mag-invest po tayo para umunlad (Lucas 19: 17)
2. Pagkasyahin ang kinikita. Mag-budget lamang ng ayon sa iyong kita at huwag mangungutang liban lamang kung nanganganib ang buhay ng miembro ng pamilya. Alisin ang mga luho at mamuhay ng simple, basta’t marangal.
3. Mag-impok. Sa Lucas 19:23, ang pag-iimpok ay itinuring na matalinong paghawak ng salapi bilang katiwala ng Panginoon.
4. Magbigay ka sa Diyos ng ikapu at mga kaloob Sa Diyos. Ito ay daluyan ng mga pagpapala na hindi mo dapat palampasin. Ang pagkakaloob sa Diyos ay hindi pagsasayang kundi paraan ng pagpapalago ng mga pagpapala.

Sermon - 9th Commandment
Pagsasabi ng Katotohanan
Exodo 20:16
Si Dr. Leonard Keeler, ang nakaimbento ng lie detector test machine at sinubukan niya ito sa 25,000 katao. At napatunayan niya na mas marami ang nagsisinungaling kaysa nagsasabi ng katotohanan. Sa isang pag-aaral na ginawa, sa malawak na gawain sa buhay, mula politika hanggang karaniwang buhay, napatunayan na ang pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa ng maraming tao.
May isang bata ang minsang nagsinungaling, at sabi ng kanyang tatay, “Anak, hindi tatanggapin sa heaven ang mga sinungaling!” Nag-isip ang bata at nagtanong sa kanyang ama, “Daddy, ikaw ba nagsinungaling ka na rin?” “Oo naman.” wika ng ama. Sabi ng bata, “Ibig sabihin daddy, pareho tayong hindi papapasukin sa heaven?”
Bilang Kristiano, kailangan tayong matutong magsabi ng katotohanan, at pawang katotohanan lamang. Paano natin ito gagawin?
1. Ipahayag ang katotohanan sa mahinahon na paraan.
Akala ng iba, ang pagsasabi ng katotohanan ay dapat na maging matalas at nakakasakit. Maari nating sabihan ang isang tao ng katotohanan na hindi natin siya inaaway. Mahalaga ito sa mag-asawa, kapatid o ibang tao. Sabi sa Kawikaan 16:23, “Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin.”
Magplano kung gayon kapag may sasabihing katotohanan at huwag magmamadali. Siguraduhing makakatulong ang sasabihin, gawin ito sa tamang pagkakataon, at gawin ito sa tamang paraan. Hindi po tayo kailangang maging brutal para lang makapagsabi tayo ng katotohanan. Hindi rin kailangan na makasira pa tayo ng reputasyon o buhay ng ibang tao para lang mag-tsismis ng katotohanan. Paalala ng Biblia sa Efeso 4:15,
“Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.”
2. Sabihin ang katotohanan ng walang dagdag at bawas.
Ano mang intensyon na iligaw ang kausap sa pamamagitan ng pagsasabi ng binawasan o dinadagdagang katotohanan ay paraan ng pagsisinungaling. Ayon sa Kawikaan 28:23,
“Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.”
3. Laging isapuso ang pagsasabi ng tapat.
Laging magsimula sa pagiging totoo sa sarili. Ayon sa Kawikaan 11:3, “Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.” Ang kasinungalingan ay balakid sa tagumpay. Ang anumang relasyon o samahan ay tumatatag sa lumalagong tiwala sa isa’t isa. Kung mawawala ang tiwala, mawawala ang pag-kakaisa.
Pagsasabi ng Katotohanan sa Diwa ng Pag-ibig
Sakaling nais nating makatulong upang magbago ang isang tao, tandaan na magsasalita lang tayo na puno ng malasakit. Isaalang-alang ang mga sumusunod;
1. ang taong sinasabihan na may pag-ibig ay siyang nakikinig sa pagtutuwid.
2. ang taong sinasabihan na walang pag-ibig ay nakakaramdam ng pag-atake sa kanyang pagkatao (character attack). Siguradong lalaban siya at ipagtatanggol ang sarili.
Sabi ng isang kasabihan, “Kung kailangan mong tumudla ng pana ng katotohanan, ibabad mo muna sa pulot ang palaso. Upang malasahan ng tatamaan ang tamis nito.”
Maging maingat sa ganitong gawain kahit nais pa nating makatulong. At kung talagang hindi naman makatutulong ang ating sasabihin, piliin na manahimik na lamang po tayo kaysa makasira pa tayo ng buhay at dangal ng ibang tao.
Pero bakit nga ba tayo nagsisinungaling?
1. Ito ay bunga kadalasan ng takot. Sa ganitong paraan nais nating ingatan ang ating sarili mula sa ating sariling kahinaan. Gamit ang pagsisinungaling, napagtatakpan natin ang ating mga insecurities, fears and weaknesses.
2. Maaring sinasadya o hindi, ito ay isang defensive mechanism natin, upang makaganti o makasakit tayo ng ibang tao na inaakala nating mananakit sa atin. Inuunahan natin sila gamit ang mga exagerated words, o hindi totoong paratang laban sa kanila.
3. Para magyabang, at para magustuhan tayo ng iba, maari nating dagdagan ang mga kwento o salita. Sa ganitong paraan maaring nais nating itaas ang ating bangko, upang hanggaan tayo.
4. Kapag gusto natin mag-manipulate ng ibang tao, tulad ng pambobola sa kapwa, halimbawa dito ang mga hindi naman totoong pangako ng isang politiko na naghahanp ng boto ng mga tao.
5. Minsan, ang pagsisinungaling ay mas madaling gawin kaysa pagsasabi ng katotohanan. Maraming katotohanan ang mahirap ilahad lalo kapag ang isang tao ay takot at ayaw mapahamak. May mga tao na mas pipiliin talaga nila ang maggsinungaling para lang iligtas ang sariling kapakanan kahit iapahamak pa ng iba.
Bilang Kristiano, kailangan tayong mamuhay sa katotohanan at magsalita ng katotohanan. Ayon sa Utos ng Diyos, “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa kapwa.”

Sermon - Tenth Commandment: Maging Kuntento sa Buhay
Maging Kuntento sa Buhay
Exodo 20:17
Kapansin-pansin na dumadagsa ang mga tao kapag panahon ng mga “Mall Sales” at inaabot ng ilang oras ang pila bago makapagbayad. Ang ganitong karanasan ay tanda minsan ng ating maling paghahangad na makamit ang isang bagay na “bago” at “uso.” Hindi natin maikakaila na ang mga patalastas sa TV ay nagtuturo sa atin na maging mabilis upang mamili, maging sa mga bagay na hindi naman natin kailangan, o mga pagkain na hindi naman totoong masustansya.
Ang salitang “covetousness” sa English ay tumutukoy sa walang control na paghahangad para makuha ang gusto. Hindi tuwirang masama ang maghangad. Nais ng Diyos na gumanda ang ating buhay, at makakain tayo ng masarap dahil mahal niya tayo. Ngunit ang maghangad ng sobra ng walang pagpipigil sa sarili, ay madalas magresulta ng kapahamakan sa halip na pakinabang. Anumang wala sa control ay mapanganib.
May ilang masasamang binubunga ang maling paghahangad;
1. Kapaguran. Sa panahong ito, marami ang nagmamadali upang yumaman. Kaya ang marami ay pagod at nawawalan ng oras ng pahinga. Kahit ang Biblia ay may paalala sa Kawikaan 23:4-5, “Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.”
Maraming tao ang naghahanap-buhay at sinasakripisyo ang kalusugan, nasisira ang sariling katawan, at pagkatapos ay nauubos din ang kinita sa pagamutan.
2. Pagkabaon sa Utang. Sabi ng Mangangaral 5:11, “Kung kailan dumarami ang iyong pera, gayun din dumarami ang pagnanais na gumasta.”
Sa pagnanais na magmukhang mayaman, maraming tao ang nababaon sa utang, kahit hindi kailangan. Tandaan kahit gaano karami ang hawak na pera, kung ito ay inutang, ito ay pananagutan na iyong babayaran at hindi mo ito kayamanan. Ang paghawak ng pera na hindi naman sa iyo ay nagbibigay ng “hindi makatotohanang damdamin” na “feeling mo rich ka.”
3. Nagbubunga ito ng pag-aaway. Maraming mag-asawa, magkapatid at magkaibigan na ang mga nag-away dahil sa sobrang paghahangad. Kaya sa ng Biblia, sa Santiago 4:1,
“Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban?”
4. Pagkabalisa. Magulong isip at buhay ang dala ng hindi pagiging kuntento sa buhay. Ang taong naghahangad ng labis ay kadalasang ma “unrealistic perception in life”. Niyayakap niya ang hindi niya kayang yakapin. Dahil dito nawawala ang kapayapaan ng isip at nagkukulang siya ng pahinga ng katawan.
5. Hindi makuntento. Ang kawalan ng satisfaction, ay nagdudulot ng sakit ng kalooban. Hindi ka makukuntento kung ang nais mo ay labis na kayamanan. Kahit yumaman pa ang isang tao, makikita niya na may kulang lagi sa kanyang buhay. Maalas ito ay nagreresulta rin ng kalungkutan.
Paano natin pipigilan ang maling paghahangad?
1. Maging kuntento, huwag ikukumpara ang sarili sa iba. Hindi mo kailangang magselos dahil higit na tinatangkilik ang iba kaysa sa iyo. Ituon mo ang isip sa mga pagpapalang pangwalang hanggan na kaloob ng Diyos. Higit silang mahalaga kaysa material na bagay tulad ng salapi.
2. Maging mapagpasalamat, at matuwa kung ano mayroon ka. Ang paghahangad na maangkin ang hindi atin, na ugaling sakim, ay magreresulta lamang ng kapahamakan.
3. Gamitin ang sariling pera sa matalinong paraan at matutong mag-ipon at magbudget. Ang pagyaman ay bunga ng sipag, tiyaga at pag-iipon ng kinikita. Kung mas malaki ang ating gastos kaysa ating kinikita, ito ay magbubunga ng hindi balanseng buhay. Kahit malaki ang iyong kinikita, kung hindi ka naman nag-iipon, ay hindi ka rin yayaman.
Sundin ang payo ni John Wesley, “Work all you can, save all you can, give all you can.”
4. Tumulong din sa kapwa at magkaloob sa Diyos ng pasasalamat. Ang pagpapala pa rin ng Diyos ang ating sandigan sa buhay.
Ang tunay na sukatan ng buhay ay wala sa yaman kundi sa kalidad ng buhay. Ang tunay na kapayapaan at kaligayahan ay hindi nabibili ng salapi. Ang pera ay isa lamang sa maraming aspeto ng buhay.
Sa simula ng Sampung Utos, nababasa na ang sinabi ni Yahweh sa mga Israelita ay tungkol sa kaugnayan ng ng bayan sa Diyos. Wika ng Panginoon, “Ako ang Diyos na naglabas sa inyo mula sa pagka-alipin.” Makakamit natin kung gayon ang katuparan ng mga utos na ito, kung wasto ang ating kaugnayan sa Diyos. Ang mga panuntunang ito ay malinaw na ipinagkaloob ng Diyos upang mapabuti ang ating kalagayan sa buhay. Hindi sila utos na mabigat tupdin, kundi mga paraan ng Diyos upang ingatan tayo at gabayan tungo sa buhay na sagana at kasiya-siya.

Sermon on Christian Commitment
On Our Christian Commitments
Luke 14:25-33
Sa ating panahon ang nais ng maraming tao ay buhay na walang commitments. Ayaw na sa pangako ng marami sa ngayon.
Kaya may kwento tungkol sa isang ikakasal na ayaw gumawa ng "vows". Sa oras ng counselling kinausap ng lalaki ang pastor ng sekreto. "Rev, pwede bang sa aming kasal, alisin ninyo yung bahagi na, "Ikaw lalaki, nangangako ka ba na hindi ka na titingin sa ibang babae? Nangangako ka ba na sa hirap o ginhawa, mananatili kang tapat sa iyong asawa?"
"Pastor, ayaw kong mangako. Eto ang 5 thousand pesos, ikasal ninyo kami, pero wala aking "promises" na gagawin." Tahimik na tinanggap ng pastor ang pera.
Sa kasal, nagsimula ang ritual. Sabi ng pastor, "Ikaw lalaki, nangangako ka ba na hindi ka na titingin sa ibang babae? Nangangako ka ba na ang babaeng ito ang tanging iyong pakamamahalin, sa hirap man o ginhawa, sa tuwa man o kalungkutan, sa sakit o karamdaman, hanggang paghiwalayin kayo ng kamatayan?" Napalunok ang lalaki, at kahit masama ang loob, nagsabi siya ng mapait na "OPO!"
Pagkatapos ng kasal, kinausap ng lalaki ang pastor. "Pastor, bakit hindi ka yata tumupad sa usapan?"
Ibinalik ng pastor ang pera at sabi ng pastor, "MAS MALAKI ANG HALAGANG IBINIGAY NG MISIS MO!" Ha! Ha! Ha!
Marami ang ayaw sa mga pangako, commitments at sa mga vows. Marami na ngayon ang gusto sa relasyon na walang kasamang pangako. Kapag gusto pa, nagsasama. Kapag ayaw na, eh di hiwalay! Kahit sa church ganyan din ngayon, ang nais ng marami, membership without commitment!
Mahilig na kasi sa disposable ang mga tao ngayon. Disposable plate, disposable spoon and fork, disposable wife & husband, at DISPOSABLE CHURCH! Kapag gusto sa isang church, a-attend. Kapag ayaw na sa isang church, papalitan! Marami nga namang churches kahit saan. Kahit ang Panginoon ngayon, ginagawa na ring disposable! Kapag gustong manalangin, nananalangin, kapag ayaw, e di ayaw! Kapag gustong magsimba, nagsisimba - kapag ayaw...e di ayaw na. Naglilingkod - depende sa "mood".
Ang hinahanap ng mga tao ngayon at kung saan masaya. Kaya ayaw na sa mga pangako, at ayaw na nilang magtalaga ng sarili sa mga habangbuhay na relasyon. Nawawala na ang mga habangbuhay na relasyon pati sa pamilya, sa simbahan, at nakakalungkot - pati sa Diyos.
Habang-buhay na Pagkatalaga
Ang relasyon sa Diyos ay may kaakibat na pangako. Ang imbitasyon ng Panginoon ay panghabangbuhay na kaugnayan. Hindi po tayo maaring maging Kristiano kung hindi tayo papasok sa panghabangbuhay na relasyon sa Diyos. Ito ay panghabangbuhay na paglilingkod bilang tagasunod ng Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Ating mga Pagtatalaga sa Diyos
1. Commitment to Put God First
Ayon sa talatang 26 "Whoever comes to me and does not hate father and mother, wife and children, brothers and sisters, yes, and even life itself, cannot be my disciple.”
Tinatawagan po tayo ng Panginoon na unahin Siya, bago ang anupamang bagay. Maging ang ating pamilya o ang sarili. Above any relationship, unahin po natin ang Diyos. Kung hindi natin ito ipapangako at kung hindi natin ito gagawin, hindi po tayo magiging alagad ni Cristo.
Ayaw ng Panginoon na magkaroon siya ng karibal sa ating buhay.
Ayaw ng Panginoon na nahuhuli siya sa ating buhay.
Italaga natin ang ating sarili sa Diyos. Mangako tayo na pakamamahalin natin ang Panginoon. Sa ganitong paraan lamang tayo magiging totoong Kristiano mga kapatid. Ang hinihingi ng Panginoon ay ang ating buong pagmamahal, buong puso, buong isp, buong lakas at buong kaluluwa.
2. A Commitment to the Cross
14:27 Whoever does not carry the cross and follow me cannot be my disciple.
May mga nagnanais sumunod sa Panginoon, ngunit ayaw nilang magpasan ng krus. Kaya maraming simbahan ang nagiging mahina. Kapag may responsibilidad na sa simbahan, marami ang nagsisi-alisan.
Marami ang gumagamit sa krus ngayon bilang palamuti. Krus na kwintas sa leeg. Krus na borloloy, dekorasyon lamang ito ngayon. Ngunit, magiging totoo lamang tayong Kristiano - magiging alagad lamang tayo ni Cristo kung papasanin po natin ang ating mga krus. Ang ating krus ay ang ating ministeryo. Mayroon na ba kayo nito? Ano ang ministeryo ninyo para sa Panginoon?
Ano po ba ang pangako ninyo sa Diyos? Nakatalaga po ba tayo sa Diyos upang gawin ang isang ministeryo sa iglesia. Naaalala ko ang Commitment Service na ating ginawa noong nakaraang ilang buwan. Nangako ang ating mga Choir, na aawit sila para sa Panginoon habang sila ay nabubuhay. Nangako ang mga Band members, at tayong lahat.
At pinapatibay ng ating mga pangako ang ating relasyon sa Panginoon. Ngunit anumang pagsira sa pangakong ito, ay susugat sa puso ng ating Diyos.
3. A Commitment to Finish What We Have Started
14:28 For which of you, intending to build a tower, does not first sit down and estimate the cost, to see whether he has enough to complete it? Otherwise, when he has laid a foundation and is not able to finish, all who see it will begin to ridicule him, saying, 'This fellow began to build and was not able to finish.'
Napansin ko sa ating iglesia, marami ang nagpapabautismo, pero, hindi naman nagpapatuloy sa pananampalataya.
Bato-bato sa langit, ang tamaan - buti nga!
Pero huwag po tayong magagalit, dahil ang sabi ng Panginoon, ang sinimulan natin, kailangan - tatapusin natin. Tayong mga Metodista, mahilig tayong nagsisimula ng bagay na hindi natin natatapos.
Kapag nakakakita tayo ng simbahang maganda, maayos, nakapintura at agad natatapos ang pagpapatayo - aminin natin - ito ay marahil, INC o kaya ay simbahan ng mga Mormons. May pagkilanlan sa mga ito.
Ngunit, biro ng isang kapatid natin, "Pastor agad ko ring nakikilala ang isang simbahang Metodista, na walang karatula!"
"Paano mo nalalamang ito ay simbahang Metodista?" tanong ko po. Sabi niya, "Kapag sinimulang itayo at nakatiwangwang ---hindi tapos - Methodist church po iyon!" Ngiii!!!
Upang maging tunay na alagad ni Cristo, kailangan po nating italaga ang ating sarili sa pagtapos sa anumang ating sinimulan.
Kayong mga nagsimula ng magsimba, sana mangako kayo na panghabangbuhay na po iyan.
Kayong mga nagsimula na sa family devotion sa inyong pamilya, mangako kayo, alang-alang sa kaligtasan ng inyong sambahayan, magpatuloy po kayo ay huwag titigil.
Kayong mga nagsimula na sa Small Group Ministries - magpatuloy po tayo at huwag titigil. Huwag kayong tutulad sa isang eroplano na mabilis pumaitaas sa himpapawid. Nang nasa ere na - bigla itong tumigil. Bagsak. Patay ang mga nakasakay. Sayang!
Kayong mga magulang nagpapabautismo ng mga sanggol - huwag naman ninyong ibabalik sa simbahan ang inyong anak kapag ikakasal na. Nangako kayo sa Panginoon na tuturuan ninyo silang magsimba - Linggo-linggo.
Nangako kayo na tuturuan ninyo silang manalangin at magbasa ng Biblia. Nagsimula na po ba kayo? - pero, ipangako ninyo - TAPUSIN NINYO ANG INYONG SINIMULAN.
4. A Commitment to Fully Surrender to God
14:31 Or what king, going out to wage war against another king, will not sit down first and consider whether he is able with ten thousand to oppose the one who comes against him with twenty thousand? If he cannot, then, while the other is still far away, he sends a delegation and asks for the terms of peace.
14:33 So therefore, none of you can become my disciple if you do not give up all your possessions.
Alam na ng haring ito na matatalo siya. Siya ay isang taong nag-iisip. Inaaral niya ang kanyang magiging kalagayan kung patuloy siyang lalaban sa kaaway, hindi siya magwawagi. Kaya susuko na lamang siya at nakikipagbati sa kalabang hari.
Magiging alagad lamang tayo ng Panginoong Jesus - KUNG ISUSUKO NATIN SA DIYOS ANG ATING BUHAY. Dahil kung patuloy tayong susuway sa Panginoon, hindi tayo magtatagumpay.
Naranasan na nating lahat ang magkasala. Naranasan na po natin ang sumuway sa Diyos. Dati - dahil sa ating kasalanan, tayo po ay naging kaaway ng Diyos. At ano nga ba ang ating naging pakinabang sa ating pagsuway sa Diyos? Wala, di po ba?
Bakit hindi mo lamang italaga ang iyong sarili at isuko ito sa Diyos?
Ang buhay na hindi isinuko sa Panginoon ay isang sayang na buhay.
Ang buhay na wala sa kamay ng Diyos ay isang ligaw na wasak na buhay. Tulad hari sa kwento, dapat tayong mag-isip. Ano ang mangyayari sa iyo kung magpapatuloy ka sa kasalanan? Ang kasalanan ay maaring magbibigay sa atin ng pansamantalang kaligayahan, ngunit hahantong ito sa walang hanggang kaparusahan.
Kung isusuko mo ang iyong buhay sa Diyos, ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan at buhay at buhay na walang hanggan. Kung gagawin mo ang pangakong ito, at sasabihin mo, "Isinusuko ko ang lahat sa iyo Panginoon. Ang aking mga kasalanan, ang aking mga kahinaan, ipaglilingkod ko sa iyo ang aking kalakasan, at ako ay nangangako na maglilingkod ako sa Iyo habang buhay."
Ikaw ay magiging tunay na alagad ni Cristo.
Mangako ka, uunahin mo ang Diyos bago ang sinuman.
Mangako ka, papasanin mo ang iyong krus at susunod ka sa Panginoon.
Mangako ka, tatapusin mo ang iyong sinimulan para sa Panginoon.
At mangako ka, na isusuko mo ang iyong buhay sa Diyos - at bilang isang alagad ni Cristo - ikaw ay magwawagi. AMEN.

Birthday Sermon
Happy Birthday!
Psalm 137:13
May kwento tungkol isang bata, ang pangalan niya ay Gian, siya ay grade 6 at may kaibigan siyang pastor.
Minsan pumunta si Gian sa kapilya upang imbitahan ang pastor sa kanyang laro na marathon. Bago ang paligsahan, wika ng bata sa pastor, “Pastor, nakikita po ba ninyo yung relo na naka-display doon sa salamin? Yun po yung premyo sa mananalo sa palarong ito. Mananalo po ako at magiging akin yun!” “Sige manonood ako. Give your best shot Gian.” sabi ng pastor.
Nagsimula ang palaro at ang resulta...third place lamang si Gian. Umuwi sila na walang himik, hanggang dumating ang araw ng Linggo.
Sa oras ng pagsamba malungkot pa rin si Gian. bagamat ang araw na iyon ay birthday niya. Pagkatapos ng pagsamba, nagmano si Gian sa kaibigan niyang pastor, at masaya namang ibinigay ng pastor ang kanyang kamay sa bata.
Pagkatapos magmano, dinukot ng pastor ang kanyang nakahandang regalo sa birthday ng kanyang kaibigan. Kinuha ng bata ang regalo at masiglang binuksan niya ito. At nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita! Isang relo na katulad ng premyo sa palaro! halos maiyak ang bata sa kanyang regalong tinanggap.
Kaya sinabi ng pastor, “Anak, ang relong iyan ay regalo ko sa iyong kaarawan, hindi mo iyan, pinagpaguran, hindi ka kailangang tumakbo upang makuha iyan.”
Tulad ng relong iyon, ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay, sa totoo lang ay hindi natin binili o pinagpaguran. Sila ay pawang regalo gn Diyos sa atin.
Pagmasdan ninyo ang mga regalong ito.
1. Ang regalo ng buhay.
Ang ating buhay ay regalong mula sa Diyos. Ito ang pinaka-mahalagang regalo na tinanggap natin mula sa Diyos. Hindi ito binili o pinagpaguran, kusa itong pinagkaloob ng Diyos sa atin. Sa araw ng ating unang kapanganakan, pinagkalooban tayo ng Diyos ng buhay.
Ang ating buhay ay regalo ng Diyos sa atin at ibang tao. Regalo tayo para sa ating pamilya. Para sa ating mga kapatid.
2. Ang regalo ng mga taon (patuloy na buhay).
Ang bawat birthday celebration ay regalo ng Diyos. Ang totoo, bawat umaga na gigising tayo na may buhay ito ay regalo ng Diyos! Hindi ko maaring kalimutan ang karanasan namin sa pamilya. Noong maliit ako at pitong tao pa lamang, magkatabi kaming natulog ng aking ama. pagka-umaga - nagising ako at ang aking ama ay hindi na nagising. Iyon na ang oras ng kanyang pagpanaw, kinuha na siya ng Diyos.
Kaya mula noon, ang bawat paggising para sa akin ay tanda ng patuloy na biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos araw-araw. Ang bawat segundo, minuto at oras ng ating buhay ay regalo ng Diyos! Lalo ang mga tao na lumalakad, mga mahabang taon ng buhay na tanging ang Diyos ang makapagkakaloob. Salamat po Panginoon sa aming buhay.
3. Ang regalo ng isa pang pagkakataon.
Tuwing nakikita nating binibigyan tayo ng Diyos ng dagdag na taon sa ating buhay, pinagkakalooban din tayo ng Diyos ng mga sumusunod;
a. isa pang pagkakataon upang maituwid natin ang ating pagkakamali. May mga tao na kailangan nilang ituwid ang kanilang buhay, ang kanilang mga pagkakamali sa nakalipas.
b. isa pang pagkakataon upang matapos natin ang mga bagay na dapat nating tapusin sa ating buhay habang nandito pa tayo sa mundo. Baka may pangako ka na hindi mo pa natutupad sa iyong pamilya o sa Diyos? Ang bawat birthday ay isa pang pagkakataon upang magawa mo ito.
c. (isa pang) pagkakataon upang magkaroon tayo ng pagkakataong maligtas (kung hindi pa). Isipin nating muli yung bata sa ating kwento. Pinilit niyang makuha ang relo sa pamamagitan ng kanyang lakas, ensayo at bilis. Ngunit bigo siya. Gayun man, ang relo ay ibinigay sa kanya bilang regalo. Gayun din ang kaligtasan, ang pinaka mahalagang regalo ng Diyos para sa iyo kapatid na nag-cecelebrate. Sabi ng Biblia, maliligtas tayo sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng ating mga gawa.
Ang pinakamahalagang regalo ay nasa harapan nating lahat ngayon. Sa iyo kapatid, at para sa lahat ng naririto. Nawa’y tanggapin ninyo ang pinakamahalagang regalo ng Panginoon, ang ating kaligtasan. Buksan ninyo ang iyong mga puso at tanggapin Siya sa ating buhay.

Biyernes, Hunyo 26, 2015
Surprise Sermon ni Jesus
Surprise Sermon ng Panginoong Jesus
4th Epiphany: Luke 4:21-30
Sa isang kapilya, laging nagrereklamo ang mga miembro sa haba ng sermon ng pastor. Ayaw nilang makinig sa sermon ng pastor sa mga paalala upang alisin na nila ang mga bisyong sugal at paglalasing. Isang Linggo, naghanda ng isang surpresang sermon ang pastor. Wika niya sa sermon, “Maigsi lamang po ang message natin ngayon.” Siya ay sumandaling yumuko para manalangin. Pagtaas ng kanyang ulo ay nagpatuloy siya, “Mga kapatid…” sabay sumigaw ng malakas sa mikropono, “MAGBAGONG BUHAY NA KAYO!!!” At saka siya umupo. Noon ding araw na iyon, pinatanggal ng mga miembro ang nasabing pastor.
Noong makaranas ng Spiritual Revival si John Wesley, ayaw tanggapin ng ibang paring Anglicano ang kanyang pangangaral. Ang mga bagong himno na likha ng kanyang kapatid na si Charles ay itinuring na ‘wordly’ o makamundo. Ang pangangaral nila sa open fields, sa mga palengke at bilangguan ay hindi naging katanggap-tanggap na pagbabago para sa mga taga-simbahan. Naging malaking surpresa ang Methodist Revival para sa tradisyonal na Anglican Church!
Alam po ba ninyo na ang dakilang pastor na si Jonathan Edwards ay nakaranas din ng rejection sa kanyang church assignment? Siya ay pina-alis ng mga miembro ng kanyang iglesia dahil sa paraan ng kanyang pangangaral at hindi siya palagiang nagbibisita sa mga kaanib. Dahil dito, napilitan siyang umalis at nagmisyon sa United States. Sa ganitong paraan, ginamit siya ng Panginoon upang magkaroon ng Revival sa United States at sa Europa.
Surpresa ni Jesus
Bagama’t naghihintay ang mga Judio sa pagsilang ng Mesiyas, dumating si Jesus sa paraang hindi nila inaasahan, ipinanganak si Jesus sa sabsaban at hindi sa simbahan. (Ito ang dahilan kung bakit hindi na-impress ang High Priest o ang mga Escriba kay Jesus.) Una siyang nakilala ng mga paganong pantas (o Wise Men) at mga mahihirap na pastol! Nagsimula ang kanyang ministeryo sa isang bahay sa Cana at hindi sa sinagoga (Juan 2:1-11). Ang pinakamalaking surpresa ng Diyos ay ang hindi niya pag-sangayon sa iniisip at tradisyon ng mga nasa templo! naging radical sa halip na tradisyunal ang dating ng Panginoong. Ito ang dahilan kung bakit offensive si Jesus sa mga religious people katulad ng mga Pariseo.
Sa ating lesson sa araw na ito, tandaan na tayo mismong mga taong simbahan ay may maaring mahulog sa ganitong pagkakamali. Idalangin natin na hindi po tayo maging biktima ng pagkabulag na espiritual, na nangyari sa mga Pariseo ng panahon ng Panginoong Jesus.
Ang maling pananaw sa religion ang dahilan ng spiritual blindness. Sa ganitong paraan nahulog ang mga Pariseo. Maaring mag-aakala ako na napakalapit ko sa Diyos, yun pala napakalayo ko sa Kanya! Maaring itinuturing kong banal ang aking sarili, yun pala ang tingin sa akin ng Panginoong Jesus, isa akong madungis sa kanyang harapan! At kung itutuwid ako ng Panginoon, maaring maging malaking surpresa ito sa akin.
Jesus’ Surprise Sermon
Ang surpresa sa mensahe ng Panginoon ay nasa pangalawang bahagi. Sa unang bahagi, nagustuhan nila ang sinabi ng Panginoon. Ngunit sa pangalawang bahagi, nag-alab ang kanilang damdamin laban sa Panginoon.
Sa sukatan ng mabuting sermon, marahil ito na ang isang ‘pinakapangit’ na sermon sa pulpito. Dahil matapos magsalita ng preacher, lahat ay nagalit! Lahat gustong patayin ang preacher. Parang si Jesus iyong pastor na hinabol ng mga miembro. Hindi para manatili sa destino! Nais nilang patayin ang Panginoon!
Bakit Ginawa Iyon ni Jesus?
1. Alam ng Panginoon ang nilalaman ng puso ng mga taong nagsisimba.
Totoo na pinuri siya ng mga tao sa unang bahagi ng mensahe(v. 22), subalit hindi ito tunay na papuri. Idinugtong agad nila ang tanong na, “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?” Marahil kilala nga nila si Jesus, at ang kanyang "family background".
Ang layunin ng pagsamba ay ang itaas si Jesus! Anumang maruming motibo at makasariling hangarin ay alam ni Jesus.
2. Alam ng Panginoong Jesus na hindi sila nararapat pagpalain.
Interesado sila sa maaring gawin ni Jesus, tulad ng pagpapagaling sa Capernaum, subali’t alam niya na wala silang pinagkaiba sa mga unang Israelita na hindi tumanggap ng kagalingan mula sa Diyos noong panahon ni Elijah. Ayon kay Jesus, mas karapat-dapat pang pagpalain ang balong pagano na taga-Serepta sa Sidon at si Naaman na taga-Syria!
Para bang sinasabi ni Jesus, mas karapat-dapat pang pagpalain ang mga nasa labas ng simbahan kaysa doon sa mga nasa loob nito.
Galit na galit ang mga tao sa sermong iyon ng Panginoon. Tama nga si Jesus, dumating sila roon para sa sarili nilang kapakanan at hindi upang makinig ng salita ng Diyos. Ikinagalit nila ng matindi ang pagwawasto ni Jesus sa kanilang pananaw sa relihiyon at sa Diyos.
Tandaan, the poor worship of a repentant sinner is far more acceptable than an excellent worship of a pretending saint.
Sa bawat pagsamba, nais tayong katagpuin ng Panginoon upang tayo ay pagpalain. Ang bawat pagsamba ay pagkakataon natin upang mapapurihan natin ang Diyos. Naway mapangiti natin ang Panginoon sa araw na ito.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Sermons August 2026
AUGUST SERMONS and SUNDAY SCHOOL LESSONS BASED ON LECTIONARY READINGS ___________________ Sermon 1: Feeding Ministry ni Jesus ...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...