Biyernes, Agosto 23, 2019

Sermons September 2019

Real Humbleness, True Blessedness  (Sept. 1, 2019)
Luke 14:1, 7-14

Isang pambihirang sekreto ng buhay Kristiano ang sinabi Pablo, “Iam crucified with Christ and therefore I no longer live.”(Gal.2:20).

Ito ang tunay na kapakumbabaan.  Ang maitaas si Cristo at hindi ang sarili kapakanan. Mahalagang turo ng Panginoon ang pagtalikod sa sarili at unahin ang sa Diyos.

May kwento tungkol kay dakilang mangangaral na si Dwight Moody.  Sa isang preaching conference, naka-ugalian ng mga guest ang iwan nila ang kanilang sapatos sa labas ng kwarto ng hotel upang pakintabin ng mga naglilingkod sa hotel.  Kaya iniwan nga ng mga pastor ang mga sapatos nila sa hallways. Ngunit walang hotel attendants na nag-shine sa mga sapatos nila. Napansin ito ni Ptr. Moody, kung kaya siya na mismo ang nag-shine sa mga sapatos ng  kanyang mga bisita.

Pagka-morning, hangang-hanga ang mga bisita sa kintab ng kanilang mga sapatos. Gustong  bigyan ng ng mga pastors ng tip ang mga hotel attendants.  Pero sabi ng lecturer na si Ptr. Moody, siya na ang bahalang magpapasalamat sa nag-shine ng sapatos.

Ito ay halimbawa ng kapakumbabaan.  Isang taos pusong paglilingkod.

Ganito ang turo ng Panginoon.

1. Huwag maghangad ng parangal ng tao.

Dahil, ang nagmamataas ay ibababa, ngunit ang nagpapakumbaba ay itataas.

May kwento tungkol sa isang kapitan ng mga sundalo ang nagnanais magpaturo  sa isang master.

“Master, turuan mo po ako tungkol sa impierno at langit.”
Sabi ng master, “Isa kang ulol! Wala kang alam! Umalis ka dito!”
Tumaas ang pride ng kapitan.  Gigil na gigil, sumabog ang galit ng kapitan. Binunot nito ang kanyang espada at handang tagain ang master.  Tumitig ang master sa kapitan at sinabi, “Iyan ang impierno.”

Natigilan ang kapitan. Ibinaba ang kanyang espada at yumuko sa master.

Tinitigan siya ulit ng master at sinabi, “Iyan ang langit.”

HUMBLENESS

Maraming tao ang bigo sa buhay dahil ayaw nilang magpakumbaba.

1. ang humble - mas madaling turuan, mas madaling matuto

2. ang humble - masayang naglilingkod
3. ang humble - kinikilala ang sariling kamalian
4. ang humble - inuuna ang iba bago ang sarili
ang humbleness ay pagiging maka-diyos.  Ito ay bunga ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya.

5. ang mga humble ay may matibay na pagkatao - para silang matandang kawayan.  Nakakayuko pero hindi sila nababali.

6. ang mga humble - sila ay itinataas ng Diyos.

BLESSEDNESS

Isa pang katangian na nais ng Panginoon para sa atin ay ang pagiging pagpapala sa iba.

1. Huwag maghahangad ng bayad o kapalit kapag gumagawa ng kabutihan.
2. gumawa ng mabuti para sa kapurihan ng Diyos.

Kapag sumunod k kay Jesus, magbabago ang pagkatao mo. Ugali, pananalita at gawa. Mawawala ang kagaspangan ng ugali.

Nagbubunga ng mabuting pagkatao ang pagsunod sa Diyos. Kapakumbabaan at pagiging pagpapala sa iba. 

_______________________________________ 

All the good that we may do for GOD  (Sept.8, 2019)
Deuteronomy 30:15-20; Luke 14:25-33

Kapansin-pansin na ang mga hayop tulad ng aso ay may loyalty o katapatan. Ngunit di tulad ng tao, gaano man katapat ang isang hayop sa kanyang amo, hindi pa rin marunong mangako ang hayop upang gumawa ng pagtatalaga o committment.

Ang promises o pangako ay nagagawa lamang ng tao.

4Ito ay pagtatalaga sa sarili sa mga tungkulin (committment to service), o kaya ay sa 4pagkatalaga sa kaugnayan (commitment to relationship), tulad ng asawa, at pamilya.
4pagtatalaga sa Diyos na sinasampalatayanan (commitment of faith to God)

Ang anomang commitment na ginagawa ng tao ay bunsod ng isang desisyon upang italaga ang sarili sa nais niyang tuparing tungkulin.

Ang Pinakamabuting Magagawa Natin Para sa Diyos

1.  Piliin ang Diyos Upang Paglingkuran
      (Deut. 3:15-20)

Sa ating pagbasa sa Lumang Tipan, mapapansin natin na nanawagan ang Diyos upang siya ang piliin ng Israel at paglingkuran. Hindi sapat na ang Diyos ay pinaniniwalaan. Dahil maaring maniwala ang isang tao sa Diyos, ngunit ayaw naman niyang piliin ang Diyos upang paglingkuran.

Nais ng Diyos na siya ay piliin natin. Kung ito ay gagawin ng Israel at natin, pansinin ang mga pangako ng Diyos sa atin. Tayo ay mabubuhay ng matiwasay at pagpapalain.

2. Piliin ang Diyos Upang Pakamahalin Higit Kaninuman.  (Lucas 14:26)

Hinihiling ng Diyos na huwag tayong magmamahal ng sinuman o anuman ng higit sa kanya.  Nais ng Diyos na siya ang maging pangunahin sa ating puso.

Ayaw ng Diyos ng karibal sa ating buhay.
Nais niyang masolo ang ating committment.
Tandaan na anomang pinaka-mahalaga sa ating buhay ay ginagawa nating diyos. Kung kaya dapat mauna ang Diyos pagdating sa ating pagmamahal. Pangalawa lamang ang pamilya at sarili.

3. Pangatlo sa ating talaan, ay ang pagpili upang pasanin ang ating krus (Lucas 14:27).

Bilang Kristiano, tayo ay pinili ng Diyos upang maging responsible at maging useful. Habang sinasabi ng mga evolution scientists na ang pangunahing characteristic at purpose ng buhay ay “survival” at “self-protection”, tayong mga sumusunod kay Jesus ay nakahandang magbuwis ng buhay para sa Diyos, para sa iglesia at para sa mga mahal natin sa buhay.

Hindi pagpapahalaga sa sarili ang ating layunin. Kundi pa naman, pagpapahalaga sa nais ipagawang kabutihan ng Diyos kahit ito magbunga ng paghihirap at sakripisyo sa atin.

4. Pang-apat ay ang pagpili upang sumunod kay Jesus (Lucas 14:27b).

Kapag pinili mo si Jesus, hindi ka lamang niniwala sa kanya, kundi ibinibigay mo ang buo mong buhay sa kanyang kamay.

Kapag pinili mo ang Panginoon, ikaw ay magiging lingkod niya, at mabubuhay ka lamang para sa kanya. Hindi mo na susundin yung gusto mo, kundi yung gusto niya.

Madalas natin sundin ang gusto natin.  Pero hindi na gagawin ito ng isang pumili kay Jesus bilang Panginoon.

Sa ating pagsamba ngayon, tinatawagan tayo ng Diyos upang piliin siya, mahalin siya, paglingkura at sundin. Ano ang pasya mo?


________________________________ 

Jesus: Tagapamagitan Natin sa Diyos  (Saturday, Sept. 14, 2019)
Numbers 21:4b-9; 1 Corinthians 1:18-24; John 3:13-17 (Feast of the Holy Cross)

Ang salitang tagapamagitan ay mahalaga sa ating mga Pilipino. Mahilig tayo sa mga patron o mga tagapamagitan. Gumagamit tayo ng mga tao upang makalapit sa mga nakatataas ang tungkulin upang makuha natin ang ating nais o interest.

Madalas gawin ito kahit sa relasyon sa Diyos.  Hindi man tayo nagdarasal sa mga santo, marami pa rin sa mga Metodista ang nakadepende sa pastor upang sila ay ipanalangin. Ang pastor ay nagsisilbing tagapamagitan.  Na para bang hindi tayo makalapit sa Diyos kung walang pastor. Totoo na tungkulin ng pastor ang manguna sa pagsamba at pananalangin sa hayagang paglilingkod sa Diyos, ngunit tungkulin natin sa personal na pakiki-ugnay sa Panginoon ang ilapit ng personal ang ating sarili sa Diyos.

Tagapamagitan sa Biblia

1. Ang unang halimbawa natin ay si Moises, bilang tagapamagitan. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises kaya sila pinarusahan.

Habang natutuklaw ang mga tao ng mga ahas, nanalangin si Moises upang iligtas ang mga Israelita. Sa pamamagitan ng isang tansong ahas na ipinagawa ng Diyos, naligtas ang mga tao.

Ang nagligtas dito ay ang pananalig ng mga tao sa Diyos.  Sa pamamagitan ng pagtitig nila sa ahas ay  dumaloy ang kapangyarihan ng Diyos upang magligtas. Si Moises ay nagsilbing tagapamagitan sa pagliligtas na ito ng Diyos dahil sa kanyang panalangin.

2. Ang pangalawang halimbawa natin na tagapamagitan ay ang Panginoong Jesus. Tulad ng ahas na tanso, si Jesus ay itinaas sa krus upang ang sinumang mananalig sa kanya ay maliligtas.

Ngunit ang paraan ni Jesus upang maging Tagapamagitan ay hindi lamang panalangin tulad ni Moises.  Ang ginamit ng Panginoong Jesus ay ang pagbubuwis ng kanyang sariling buhay para sa ikaliligtas ng lahat ng tao. Kung kaya sinasabi ng 1 Timoteo 2:5,6,

For there is one God and one mediator between God and men, the man Christ Jesus, who gave himself as a ransom for all men — the testimony given in its proper time. (NIV)

Ang Pagiging Tagapamagitan ni Cristo ay May Bunga

1. Ito ay nagbubunga ng buhay na walang hanggan.  Kung ikukumpara ito sa ginawa ni Moises, pansamantalang buhay ang ibinunga ng tansong ahas.

Kaya nga ang tansong ahas ay simbolo ng medisina ngayon. Ibig sabihin, kapag napagaling ka ng medisina, magpapatuloy ang pansamantalang buhay mo.

Pero kapag nanalig ka sa Panginoong Jesus, buhay na walang hanggan ang tatanggapin mo.

2. Isa pa, ito ay magbubunga ng kaligtasan mula sa kapahamakan o kaparusahan.  Madalas ay napapahamak po tayo dahil din sa sarili nating kagagawan. Minsan, dahil din sa kagagawan ng iba.

Ang pagiging Tagapamagitan ni Cristo ay nagbubunga ng walang hanggang pag-iingat ng Diyos sa ating buhay mula sa kapahakan.  Kaya kumpait ka lang sa Diyos at protektado ka.

3. Dahil sa pamamagitan ng Panginoong Jesus hindi na tayo hahatulan.

There is no condemnation for those who are in Christ Jesus (Romans 8:1)

Si Cristo ngayon ang tanging patron natin, na namamagitan sa atin at sa Diyos.  Hindi na natin kailangan ang ibang tagapamagitan, kundi siya lamang.  Si Jesus ay sapat na.  Sa kanya lamang tayo manalangin at magtiwala, at tutulungan niya tayo.



______________________________ 


Pagliligtas ng Diyos sa  Kabila ng Kamalian ng Tao
Exodus 32:7-14; 1 Timothy 1:12-17; Luke 15:1-10

May kasabihan tayo: “No one is perfect.  Everybody may commit mistakes.”  Ngunit kapag alam mo na ang isang bagay, ay ulit-ulit pa natin itong nagagawa, ito ay matatawag ng kamang-mangan o foolishness.

Masakit na aminin ang salitang kamang-mangan.   Ito ay nagaganap kapag alam na natin ang ibubunga ng masamang gawa ngunit patuloy pa natin itong ginagawa.  Alam na natin na mali, ngunit patuloy pa rin tayo, na para bang walang masamang mangyayari. Yung alam na, pero sasabihin pa rin na hindi alam. Yung halata na, pero sasabihing hindi napansin. Obvious na, pero hindi nakita.  Ganyan ang kamangmangan.

May isang kabataan na inutusan gsindihan ang stove.  Kumuha ng posporo ang kabataan, sinindihan ang isang kandila, na pinansindi niya sa stove. Sumindi ang stove.  At ito pala at automatic na sumisindi.

Ang Kamangmangan ng Pagsamba sa Gawa ng Tao

Wika ng Panginoong Yahweh kay Moises, “Bumaba ka agad.  Gumawa ng gintong guya ang mga Israelita...” Ito ang kamangmangang ginawa ng mga Israelita ng ipagpalit nila ang Diyos sa isang bagay.

Dapat sambahin ng tao ang Diyos dahil ang Diyos ang gumawa sa tao. Samantalang ang mga imahen ay gawa ng tao na kanyang sinasamba.

May dahilan ang tao na sumasamba sa imahen na gawa niya.  Upang sambahin ang “gawa” niya. Ang pagsamba sa imahen ay pagsamba sa gawa ng tao. Ito ay larawan ng pagpaparangal sa sarili.  Itinataas ng tao ang sarili bilang lumikha sa kanyang diyos-diyusan.

Kaya sahalip na sambahin ang Diyos na Lumikha sa tao, ang nilikha ng tao ang kanyang sinasamba at ginagawang diyos.
Sabi Roma 1:22-23,

“Although they claimed to be wise, they became fools and exchanged the glory of the immortal God for images made to look like mortal man and birds and animals and reptiles.”

Ang Kamangmangan ni Pablo Noong Una

Inamin ni Pablo ang naging pagkakamali niya noong una.  Lumaban siya sa Diyos ng usigin niya si Jesus at ang mga alagad ni Cristo.

Ito ay ginawa niya sa ngalan ng kanyang relihiyong Judio.

Ang Kamangmangan ng mga Pariseo

Ang pagkakamali ni Pablo noong una ay siya ring kamaliang nagawa ng mga Pariseo. Binatikos nila ang gawain ni Jesus na makisalamuha sa mga makasalanan.  Hindi nila naunawaan ang biyaya at malasakit ng Diyos sa mga taong nagkakasala.  Inisip nila na sila ay mabuti at wala silang ginawa upang tulungan ang mga nalayo sa Diyos. Alam nila ang mali ng iba, ngunit hindi nila namamalayan na hindi nila nagagawa ang tama sa mata ng Diyos.

Matalinong Gawa

Ang paghatol o pang-huhusga sa gawang kamalian ng tao ay kulang kung wala itong pagwawasto.  Pagmasdan ang gawang mabuti sa ating pagbasa;

1. Una, idinalangin ni Moises ang mga nagkasalang Israelita upang sila ay hindi parusahan ng Diyos (Exodo 32:11-14).

2. Kinilala ni Pablo ang biyaya ng Diyos sa kabila ng kanyang kamangmangan ng labanan niya ang Panginoong Jesus.

3. Hinanap ng pastol ang nawawalang tupa.  Hinanap ng ginang ang kanyang nawawalang salapi.

Ang mga nawawala ang hinahanap. Ang napapahamak ay inililigtas.



____________________________

MATALINONG PASYA
Jeremiah 8:18-9:1; 1 Timothy 2:1-7; Luke 16:1-13

Kung mayroong mabuting bagay na nagagawa ang panalangin, ito ay ang proteksyon na ibinibigay ng Diyos sa atin upang sa buong araw, hindi tayo makagagawa ng maling pasya.  Nakakapanlumo kapag nagkamali tayo, at wala na tayong magagawa upang iwasto ang nangyari na.

Ganito ang panlulumo ng Propeta Jeremias ng makita niyang nagkasala ang Israel.  Dahil sa kamaliang ito, nasakop ang bayan at binusabos ng mga dayuhan. Ito ay maling desisyon na hindi na maitutuwid pa. Huli na ang pagsisisi.

May tatlong bagay akong nais ibahagi sa inyo kung ano ang tamang pasya kapag tayo ay nagkamali;

1. Ang Pasya Upang Iiyak sa Diyos ang Ating Damdamin

Lahat tayo ay nagkakamali at alam natin kung gaano kapait ang ibinubunga ng ating kamalian.  Minsan nga, sapat na yung iiyak na lamang tayo dahil wala na tayong magagawa pa.

Ang pag-iyak sa Diyos ay ginawa ni Propeta Jeremias.  Kaya tinawag siyang “Crying Prophet”.  Alam niya na kung nasasaktan tayo, nasasaktan din ang Diyos dahil sa ating gawang kamalian. Wala siyang sinabing panalangin. Ang alam lamang niya ay ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata.

Ang malungkot na awiting “What a Friend We Have in Jesus’ ay sinulat ni Joseph Scriven sa panahon ng kasawian dahil pumanaw ang babaeng mapapangasawa niya bago sila ikinasal. Sa awitin, ibinuhos ng sumulat ang kanyang lungkot sa pagtitiwalang mabuting kaibigan si Jesus, sa gitna ng kanyang nararamdaman.

2. Pangalawa ay ang pasya upang Dumalangin sa Diyos.  Ito ang payo ni Pablo sa Sulat niya kay Timoteo.

Sa panahon ng pangangailangan, ang panalanign ay mabuting gawain.  Totoo na may limitasyon tayo.  May mga bagay na hindi natin magagawa.  Ngunit ang Diyos ay walang limitasyon, at magagawa niya ang lahat ng bagay.

Idulog natin sa Diyos ang ating pangangailangan. May mga apat na bagay na maari nating idalangain sa Diyos.

a. Pamanhik o supplications, - ito ay ang mga gusto natin o mga paki-usap natin sa Diyos.  At iniiwan natin sa Diyos ang pagpapasya.

b. Panalangin o prayers - ang mga ito ay mga kalooban ng Diyos na hinihiling nating matupad. Ito ang nasasakop sa panalanging “Mangyari nawa ang kalooban mo.”

c. Panalangin ng pamamagitan o intercessions, ito ay mga panalangin para sa ibang tao.

d. Panalangin ng Pasasalamat o thanksgivings.  Naniniwala tayo na mabuti ang Diyos. At tuwing nakikita natin ito, ang tanging nasasabi natin ay “Salamat po Panginoon.”

3. Ang Pangatlong Magagawa Natin Kapag May Pagkakamali ay ang Ituwid ang Ating Sarili
(Gospel - Luke 16:19-31)

Sa Ebanghelyong nabasa, ang katiwala ay nagkamali.  Nawalan ng tiwala ang kanyang amo sa kanya.  Ngunit ginawa niya ang dapat gawin;

a. Una, inako niya ang kanyang pagkakamali.
Tinanggap niya ang kanyang responsibilidadd sa nangyari. 
Wala siyang sinising ibang tao.

b. Pangalawa, siya ay nagmuni-muni.  Inaral niya ang kanyang sariling kalagayan at maaring mangyari.

c. Pangatlo, ginawa niyang ituwid ang sariling pagkakamali.

- pinuntahan niya ang mga umutang sa kanyang amo, upang magbayad ang mga ito kasama ang discount.
- sa ginawa niyang ito, napanatili niya ang mga suki ng kanyang amo, na bibili ulit sa kanilang produkto.

-natulungan niya ang kanyang amo upang hindi ito lubusang malugi.

Ito ay larawan ng pagsisi.

Kung may kamalian tayo ay may panahon pa para ituwid natin ang ating pagkakamali, gawin po natin ito.

Sa atin buhay espiritual, kung nagkasala man tayo, hindi to huli. May panahon pa para maligtas.  May panahon pa para magbalik loob sa Diyos.

























Biyernes, Agosto 2, 2019

Lectionary Sermons for August 2019

YEAR C

 August 4, Sunday - Luke 12:13-21; Psalm 107:1-9; Colossians 3:1-11
Pamagat: Tamang Pananaw sa Buhay at Kayamanan

“Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.””‭‭(Lucas‬ ‭12:21‬ ‭MBB05‬)

Ang buhay ng tao ay may maraming bahagi.  May bahaging material at pisikal.  Ito rin ay may bahaging espiritual.  Ang tao ay may kaugnayan sa kanyang Lumikha, ang Diyos.

Ngunit madalaas mabaling ang tao sa pagpapayaman. Madaling makuha ng kamunduhan ang kanyang pansin. Marahil, dahil narito pa tayo sa lupa. Ang kamunduhan at ang hilig ng laman, ang kumukuha sa atensyon ng tao.

Gusto Kong Yumaman

May kasabihan na: Ang pera ay mabuting alipin ngunit masamang panginoon.

Kaya sinasabi rin ng Panginoong Jesus, "Hindi maaring maging panginoon ng sabay ang Diyos at ang kayamanan." (Matt.6:24).

Ang kayamanan ay maaring maging panginoon ng isang tao. Ang labis na pag-ibig sa salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan (1Tim. 6:10)

Gayunman, ang pag-ibig sa salapi ay hindi makapagbibigay ng kasiyahan sa tao. Ang maibibigay nito ay pansamatalang kasiyahan.

Ayon din sa Mangangaral 5:10, "“Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.”

Ang mensahe ngayon ng Diyos sa mga iglesia ay tungkol sa "Tamang Pananaw sa Buhay at Kayamanan".

Dahil kung mali ang ating pananaw sa buhay at kayamanan, maari tayong maging alipin ng pagpapayaman at kayamanan mismo.

Maari tayong mapalayo sa Diyos dahil lamang sa pera.

Ang ating panahon at ang kamunduhan ay nagsasabi na ang tagumpay ay nasusukat sa kayamanang nakakamit ng isang tao. Ang buhay ay sinusukat ng marami ayon sa laki ng kinikita. Nasa laki ng sweldo yan! Tama po ba?

Tapatang pag-uusap lang po.
Siyempre, gusto natin ang malaking kita.
Gusto nating yumaman.
At ito ay gusto ng Diyos para sa ating lahat.

Sabi ng Panginoong Jesus, sa Juan 10:10b,
"Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.”
Kaya nga sabi ni John Wesley, ang founder ng Iglesia Metodista, "Work all you can, and save all you can."

Gusto ng Diyos yumaman ka.
Kaya magsikap ka!
Mag-impok ka! Magkayaman ka.
Huwag kang maging batugan.

Nais ng Diyos ang pagpalain ka. 

Nais ng Diyos na magkaroon ka ng magandang buhay.
Sabihin mo sa sarili mo, "Mahal ako ng Diyos. Pagpapalain niya ako. Yayaman ako. Kaya mula ngayon magsisikap ako at magpapakasipag. Dahil yayaman ako."

Palakpakan natin ang Panginoon.

Sa ating kwento, may isang magsasaka na yumaman. Sa Pilipinas, madalang yung magsasaka na yumayaman. Ang mga karaniwang magsasaka ay nababaon sa utang.

Ang ating magsasaka sa kwento ay pinalad sa pagtatanim at yumaman.
Kung ito ang nais ng Diyos, ano ang naging problema?

1. Una, nakalimot siya sa Diyos sa kanyang pagyaman.

Ni minsan, hindi niya nabanggit ang Diyos.

May panalanging mababasa Kawikaan 30:9a,
“Panginoon, huwag mo po akong payamanin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan."

Ang kayamanan ay mabuti, ngunit kung ito naman ang maglalayo sa iyo sa Diyos. Huwag na lang.

Kung ito pa yung magiging dahilan
para makalimot ka sa Diyos,
Mabuti pang huwag ka na lang yumaman.

Pakinggan ninyo ang sinasabi pa ng Biblia,

“Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”‭‭(1 Timoteo‬ ‭6:9-10‬)

Ang gusto ng Diyos, yumaman ka at gumanda ang buhay mo, para lalo kang mapalapit sa Kanya. Kaya ngayon pa lang, mahirap ka man o mayaman; maging malapit ka nawa sa Diyos.

Hindi man lang nagpasalamat sa Diyos ang taong ito. Inisip niya na ang kanyang kayamanan ay gawa ng kanyang "sariling" pagsisikap. Pagmasdan ang mga salitang "ako" ay maraming beses na nasabi sa kwentong ito, ngunit hindi nabanggit ang Diyos.

2. Pangalawa, sa kanyang pagyaman, nakalimot siya sa kanyang tungkulin sa kapwa.

Ang pagyaman ay hindi ang ating layunin o goal natin sa buhay. Ito ay paraan (means) sa buhay para magampanan natin ang ating tungkulin sa Diyos at kapwa. Ang layunin natin ay ang mapapurihan at mapaglingkuran ang Diyos at kapwa.

Pakinggan natin ang sinasabi ng Biblia,

“Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.”
‭‭(1 Juan‬ ‭3:17-18‬).

Ang pangalawang pagkakamali ng mayamang ito ay ang paglimot niya sa kapwa.

3. Pangatlo, nakalimot siya sa espiritual na pangangailangan ng kanyang sarili.

Ang buhay sa lupa ay pansamantala at may hangganan. Hindi po tayo permanente dito sa lupa. Kung yayaman ka man dito sa lupa, mabuti yun.

Pero kung iniisip mong dito na lahat sa lupa ang magiging buhay mo, nagkakamali ka.
Ang kahulugan ng buhay ay hindi base sa kayamanan. Mayroon din tayong buhay espiritual na dapat pangalagaan.

Ang Kristianong pag-iimpok ay dalawa. Pagpapayaman sa lupa at doon sa langit.
Wika ng Panginoong Jesus,

“Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.” (Mateo‬ ‭6:20‬)

Conclusion
Ang iniisip ng magsasakang yumaman upang mabuo ang kanyang buhay gamit ang kayamanan at nagresulta sa pagkasira ng kanyang buong buhay. Nauwi ang lahat sa wala.  Nghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. 

Dalangin ko po na magkaroon po tayo lahat ng magandang buhay. Dagdag pa rito, magkaroon din nawa tayo ng malusog na buhay espiritual. Upang sa pagwawakas ng ating buhay, masumpungan din natin ang walang hanggang buhay sa piling Diyos at masabi natin na tayo ay naging matagumpay. Dito sa lupa hanggang sa langit.

Panghuli, pinapa-alala sa atin ng pagbasa sa Colosas na napakabuti ng Diyos sa atin at naligtas tayo dahil sa biyayang kaloob ni Cristo Jesus. Kaya dapat nating isipin, hindi lamang ang mga kamundong bagay.  Kundi pa naman ang  mga maka-langit na bagay.  Mga bagay na magbibigay sa atin ng tunay na kahulugan ng buhay.

At ito ay mangyayari kung isusuot natin ang bagong pagkatao na kalarawan ni Cristo.

________________________________________________________________________   


Year C

SERMON TITLE: TRUE FAITH 
August 11, 2019
REFERENCES : Isaiah 1:1, 10-20; Psalm 33:12-22; Hebrews 11:1-3, 8-16; Luke 12:32-40


Ang ating panahon ay kakaiba. Noong bata kami, walang cellphone at internet.  Sulat lang ang paraan ng pakikipagtalastasan, at TV.  At hindi lamang ito!  Ngayon ikinakasal na ang lalaki sa kapwa lalaki!  Ngayon lantaran ang mga malalaswang panoorin sa web!
Ito na yata ang panahon na 'palabo ng palabo"  ang kalagayan ng daigdig.  
Ang mga dating katotohanan na alam natin ay pinabubulahanan na ng iba.  Nagbago na rin ang paniniwala natin sa mga dating mali na ngayon ay tama na.  At ano nga ba ang batayan ng katotohanan? 
Mababasa sa 1 Tim. 4:1-3 ang ganito tungkol sa paglayo ng iba sa tunay na pananampalataya: 
Now xthe Spirit expressly says that yin later times some will depart from the faith by devoting themselves to zdeceitful spirits and teachings of demons, through the insincerity of aliars whose consciences are seared, bwho forbid marriage and crequire abstinence from foods dthat God created eto be received with thanksgiving by those who believe and know the truth.
Sa mga pagbabagong ito, apektado ang simbahan.  
Ano nga ba ang tunay na pananampalataya sa Diyos? 

Ang Maling Pananampalataya (False Faith)


Minsan na ring nalito ang mga Isrealita tungkol sa kanilang pakikitungo sa Diyos.  Nanatili silang sumasamba sa Diyos habang namumuhay sa  maling katuruan at makasalanang gawain.  Ito ang relihiyon ng Sodoma at Gomorah! 


Kaya kung ikaw ay tapat na nagsisimba, ngunit namumuhay ng taliwas sa kalooban ng Diyos.  Iba ang relihiyon mo kapatid! Hindi ka miembro ng Iglesia Metodista!  Malamang ang relihiyon  mo ay Sodom and Gomorrah Fellowship! 


Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”
 at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan. 

(Ang Relihiyon ng Sodoma at Gomorrah)


Ganito ang sama ng loob ng Diyos sa kanila; 

12Sinong nag-utos sa inyo na maghandog sa harap ko?Huwag na ninyong lapastanganin ang aking templo.13Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga;nasusuklam ako sa usok ng insenso.Nababagot na ako sa inyong mga pagtitipon,kung Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga;ang mga ito'y walang saysay dahil sa inyong mga kasalanan.(Isaias 1:12-13)


Ang tunay na pananampalataya ay madaling ilarawan.  Ang pagiging tunay na Kristiano ay buhay ng isang makasalanang nagnanais umalis sa kasalanan. Kung kaya, seryoso siyang nagsisisi.  Lahat ay gagawin ng taong ito upang makamit niya ang pagpapatawad ng Diyos. Siya ay magpapakumbaba sa Diyos. Mananalig na tanging ang habag ng Diyos ang kanyang pag-asa. Pagkatapos ay sa tulong Espiritu Santo, ang taong ito ay nagbabagong buhay, dahil sa kanyang pakikipag-isa kay Cristo. Alam niyang hindi niya kayang baguhin ang kanyang sarili.  Ngunit naniniwala siyang kaya siyang baguhin ng Diyos.   Kaya tinatanggap niya ang pagbabagong buhay na mula sa Diyos. 

Ngayong anak na siya ng Diyos, dahil sumasampalataya na siya kay Cristo, siya ngayon ay nagsisikap umunlad sa kabanalan. 

Sa mga tunay na Kristiano, ang ganitong karanasan ay walang halong kaplastikan. Walang halong pagkukunwari sa buhay ng isang taong tunay na naghahanap sa Diyos,

Ang problema ng mga Israelita, gusto nila ng relihiyon, pero ayaw nila sa totoong pagsisisi at pagbabagong buhay. 

Kaya nagsawa ang Diyos sa kanilang pakunwaring pagpupuri at pagsamba. 

Sabi ng Diyos, "TAMA NA!" Mantakin mo kapatid, nagsisimba pero ayaw magbagong buhay? Wow!
Nanalangin pero nagmumura. Wow!
Nagbubukas ng Biblia, pero magaling din sa baraha. Wow!

Magkahalong kabanalan at kasalanan.  Dumi, kanin at ulam, sa isang pinggan? Wow!

Ang gusto ni Lord, kung marumi, marumi, kung malinis, e di malinis.  Pero huwag paghaluin ng dumi at malinis. 


"A true Methodist desires God and holiness to be saved."  Inaawit natin, "Nothing but the blood of Jesus."

Ngayon po, gusto ko kayong anyayahang magbukas ng Biblia sa Lucas 12:32-40 at dadako po tayo sa mga Tatak ng Tunay na Pananampalataya. 


1. Una ang tatak ng tunay na pananampalataya ay Kasiguruhan ng Kaligtasan. 

“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 

Ito ay pangako ng kasiguruhan.  
Sinumang mananalig  ay maliligtas. 
Siya ay pag-haharian ng Diyos. 
Siya ay may buhay na walang hanggan. 

Hindi ito dahil sa inyong mga gawa.  Ito ay biyaya ng Diyos. 
Ito ay tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya. 

 Ang tunay na mananampalataya, ang kanyang kayamanan ay ang kanyang kaligtasan. 

Narinig na ba ninyo yung interview kay Paquiao? 
Tanong sa kanya, "What do you consider to be your greatest accomplishment in life?" 
Sagot ni Manny, "My greatest accomplishment in life is: I was able to know Jesus."

Kaya sabi ng Panginoon, "34
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”

Sa buwan na ito ng Agosto, inaalala ng buong daigdig ang Hiroshima Bombing.  Ang unang pagbagsak ng atomic bomb noong 1945. Dahil sa pangyayaring ito, marami ang natakot sa maaring mangyari kung isa pa , o dalawang atomic ang sasabog sa ibang panig ng mundo. 

Hindi maikakaila na natakot din ang mga taong binabanggit sa Hebreo 11.  Si Abraham ay naglakbay na walang kaalaman kung saan siya dinadala ng Panginoon.  Si Rahab ay naniwala na siya ay tatanggapin ng mga Isrealita ayon sa pangakong binitawan ni Joshua. 


Ngunit, dahil sa pananalig sa Diyos, ang kanilang takot ay nabalutan ng pagtitiwala na hindi sila pababayaan ng Diyos. Ganito ang pananampalatayang nakapagliligtas. 


2. Pangalawang katangian ng tunay na pananampalataya ay ang pagiging handa sa muling pagdating ng Panginoon. 

v.3a“Maging handa kayong lagi


Ang pagiging handa ay katibayan ng pananampalataya.  Sa panalanging "Ama Namin"  nasasaad doon ang salitang "dumating nawa ang kaharian Mo".   Ito ay paghihintay sa pagdating ng paghahari ng Diyos. Ang pagdating ng Messias ay ating hinihintay ngunit hindi pa naman nagaganap.  Ano ito?


Ang kahulugan nito mga kapatid ay paniniwala na si Jesus ay muling darating ngunit dapat tayong maghintay. 

Ngunit hindi po ito, paghihintay na walang ginagawa o idle waiting. Ang mga Judio ay naniniwalang darating ang Messias.  Kaya sila ay aktibong gumagawa habang naghihintay. Ito rin ang paniniwalang Kristiano. Habang naghihintay tayo sa muling pagdating ng Panginoong Jesus, tayo kumikilos, gumagawa ng kabutihan bilang paglilingkod sa Panginoon. 

Hindi po tayo naghihintay habang nagtatamad-tamaran. Hindi po gawaing Kristiano ang katamaran.


Dahil alam natin si Jesus ay muling darating, at ang kanyang paghahari ay tiyak na magaganap, tayo ngayon ay dapat mamuhay sa pagpapalaganap ng katiyakang ito.  Mamumuhay tayo sa pananampalataya.  Na kahit wala pa ang kaharian ng langit sa lupa, namumuhay na tayo sa paghahari ng Diyos. 


At kung nabubuhay na tayo sa paghahari ng Diyos, handa na tayo sa literal na pagdating nito.



3. Pangatlong katangian ay ang pagiging ilaw, upang magliwanag ang ating ilaw. 

v. 35b
Bilang mga manampalataya, nakikila tayo sa ating ilaw. Sa mabuting paraan ng ating pamumuhay.
Kapag ang ating pananampalataya at gawa magka-ugnay, at hindi magka-salungat.

Kung nais ninyo ang maligtas at talagang gusto nating maging tunay na Kristiano, maglingkod na tayo sa Diyos at talikuran na ang mga bisyo, maruruming pananalita at maling gawa.

Paliwanagin natin ang ating ilaw.

Marami ang nagtatanong, "Bakit hindi yata dumarami ang mga Kristiano sa ating lugar?"

Ibang ilaw yata ang dumarami.

Sa aming lugar, kapag gabi po, dumarami ang mga ilaw na patay-sindi!  Dumarami ang kasalanan.  Dumarami ang nasisirang tahanan.  Dumarami ang nagkaka sakit dahil sa mga prostitutes.

Hindi po ito ang ilaw na sinasabi ng Panginoon na paliwanagin natin.

May kwento tungkol sa nasunog na bahay sa harap ng isang kapilyang Kristiano. 

Nagdiwang ang kapilya ng kanilang anibersaryo at nagkaroon ng handaan.  Napansin ng guest speaker na mayroong mga miembro na kumukuha ng pagkain. Ibinabalot nila ang pagkain, pagkatapos ay aalis.  

Dahil inaakala ng guet speaker na ini-uuwi ng mga miembro ang pagkain, nasabi niya sa sarili, "Sobra naman ang mga kaanib na ito! Matatakaw!"

Napansin ng pastor sa iglesia ang guest speaker kaya nagpaliwanag. 

"Pastor, ang mga pagkaing ibinalot ng mga kaanib ay para po sa mga nasunugan.  Hindi po nila makain ang handa, dahil alam nila na may nagugutom sa mga nasunugan." 

Naliwanagan ang guest speaker. 
Naunawaan ng pastor na ang mga miembro sa iglesiang iyon ay nagdadala ng kanilang liwanag sa kanilang kapwa. 

Ipakita ninyo ang inyong ilaw mga kapatid. 
Darami ang maliliwanagan. 
Darami ang aanib sa ating iglesia. 

Ipamuhay natin ang ating pananampalataya. 


_________________________________________________________________________



Year C

SERMON TITLE:  

August 18, 2019
Luke 12:49-53

49 "I have come to bring fire on the earth, and how I wish it were already kindled! 50 But I have a baptism to undergo, and how distressed I am until it is completed! 51 Do you think I came to bring peace on earth? No, I tell you, but division. 52 From now on there will be five in one family divided against each other, three against two and two against three. 53 They will be divided, father against son and son against father, mother against daughter and daughter against mother, mother-in-law against daughter-in-law and daughter-in-law against mother-in-law." 

Ang pananampalatayang Kristiano ay para sa pagkakaisa. Ganito ang sabi ng Panginoong Jesus, "Mapalad ang gumagawa para sa kapayapaan, sila ay tatawaging mga anak ng Diyos."

Kahit ang mga Kristiano mismo ay inuutusan ng Panginoon upang mag-kaisa, "Malalaman nilang kayo ay mga alagad ko kung kayo ay nag-iibigan."


____________________________   

Touch of Christ
Luke 13:10-17

August 25, 2019


18 years.  Marami na ang mababago after 18 years. Yung dating walang bahay at establisimiento, ngayon, puno na ng mga gusali. 

Ngunit sa babaeng ito, walang nabago sa kanyang kalagayan.  Dati na siyang ukot, baluktot ang likod.   Sa kabila ng kanyang kalagayan, siya ay palagi pa ring nagsisimba, ngunit walang nagbabago sa kanyang kalagayan.

Ganun ka rin ba? 

Sana may nagbabago naman sa iyo...na habag nagsisimba ka, nawa’y umunlad ang iyong pananampalataya.  Sana, nagbabago ang relasyon mo sa Panginoon.  Sana, umuunlad din ang paglilingkod mo sa Diyos. 

Ang babae ay nagsisimba ngunit nananatili siyang “nakatali” sa kanyang kalagayan. 

Madalas siyag magsimba, ngunit sa araw na iyon ay may guest speaker.  Pagkatapos ng sermon, biglang tumawag ng altar call ang speaker at pinalapit ang mga gustong magamot.  Pinalapit ang mga maysakit. 

Nahihiyang lumapit ang babae, ngunit sinubukan niyang pumunta sa harap.  Inawakan siya ng guest speaker at siya’y gumaling.  Iba ang araw na iyon.  Yung 18 years na nakaraan ay biglang nagbago. Magaling na siya. 

Ang mga nagsisimba ay sari-sari.  Iba-iba ang dahilan ng ma tao kung bakit sila nagpupunta sa simbahan. 

1. yung iba, nakasanayan lang. 
2. yung iba, obligasyon lang.
3. pero yung iba, may kailangan lang sa Diyos. 

Maaring ang babae ay kabilang sa mga nabanggit. O maari nating sabihin na may kailangan siya sa Panginoon, pero hindi siya sigurado, baka sakaling gagaling siya. 

Ngunit iba yung araw na iyon. 
Dahil gumaling siya. 
Dahil may kakaibang nangyari sa kanyang katawan. 
Ang ukot niya sa likod ay gumaling. 
Ano ang nangyari?
1. Una, si Jesus ang guest speaker sa araw na iyon. 

Ang pagsamba na makakatagpo kay Jesus ay iba sa nagsisimba na hindi nakakaranas ng presensya ng Dios. 

Marami ang mga nagsisimba na walang inaasahang kakaiba. Marami ang hindi naman interesado sa Panginoon.  Maaring inaantabayanan nila ang magandang sermon o awit ng choir, pero hindi si Jesus. 

Pero ito ang makikita natin sa kwento.  Ang babaing ukot ay nakaranas ng kakaibang karanasan dahil naroon si Jesus. 

Kahit ngayon sa ating pagsamba, kung bukas sana ang ating mga puso para sa presensya ng Diyos, naniniwala ako na may kakaibang mangyayari sa ating pagsamba ngayong araw na ito. 

2. Tinawag siya ng Panginoong Jesus. 

Kapag ang Panginoon ay present, may kakaibang nagyayari dahil dumarating si Jesus hindi para sa sarili. Lagi siyang gumagawa para ikabubuti ng iba. 

Kung kailangan mo ng bagay na ikabubuti mo, ikagagaling mo, ikasasaya mo...pumunta ka kay Jesus. 

3. Lumapit siya at pinabayaan niyang kumilos si Jesus para sa kanyang kagalingan. 

Pinabayaan siyang hawakan ni Jesus ang kanyang kapansanan. Sabi ng Panginoon sa Pahayag 3:20, “ako’y kumakatok sa pintuan ng inyong puso.”

Kahit ang mga bulag ay nagsabing, “Nais naming makakita Panginoon.” At sila ay nakakita.

Maging ang mga ketongin ay nagsabing, “Maawa ka sa amin.” Bago sila pinagaling. 

Nais din ng Diyos na lumapit tayo sa kanya.

Narito ang Panginoon.
Tinatawag ka niya. 
Lumapit ka.
Pabayaan mong hawakan niya ang buhay mo. 
May mabuting mangyayari sa buhay mo ngayon. 













Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...