(James 5:13-20)
Open hearts, open minds, open doors. Ito ang isa sa mga motto ng ating iglesia. Ang pagiging bukas upang tanggapin ang mga makasalanang nagbabalik loob sa Diyos, ang mga tao na naghahanap sa Diyos. Marahil nararapat na pag-aralang mabuti ng iglesia ang tamang paraan upang makita ng mga tao sa paligid na tayo nga ay katawan ni Cristo na nananalangin, naglilingkod, sumasamba, at umaabot sa kanila.
Kung halimbawang aaralin natin ang pananaw ng mga tao sa paligid ng iglesia; kung anong uri ng simbahan ang kanilang hinahanap, marahil maari nating gamitin ang sumusunod na survey;
A Community Survey Questions:
1. Are you an active member of a nearby church?
2. What do you think is the greatest need in this community?
3. Why do you think most people don't attend church?
4. If you were looking for a church in the area, what kinds of things would you look for?
5. What advice would you give me as the pastor of a new church?
6. Are you interested in getting more information about the United Methodist Church?
And consider this survey conclusion; that says 90% of new members will stay in the church if:
1. they can articulate their faith (implies need for
membership confirmation and evangelism classes),
2. They belong to subgroups (i.e. choir, Bible Studies, Sunday School classes, etc.),
3. They have 4-8 close friendships within the church.
Ang ating aralin ay may paraan ding tinuturo upang manatiling masigla, matatag at lumago ang iglesia;
A. Nananalangin. Sa James 5:13 ang sabi ay, "Are any among you suffering? They should pray. Are any cheerful? They should sing songs of praise."
Are any among you suffering? Ibig sabihin, natural na nagkaka-problema sa iglesia, personal mang problema ng miembro o problema ng buong iglesia. Ang tanong ay: "Nagkakaisa ba ang ating iglesia sa pagdulog sa Diyos sa pananalangin?" This verse is talking about a united church, who feels the suffering of anyone, and is praying as one. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.
At mayroon ding sinasabi ang ating aralin, kung anong uri ang panalangin na dapat nating gawin upang makamit natin ang pag-asa na tayo ay diringgin ng Diyos tungo sa paglago ng ating iglesia;
a. a prayer for the sick (v.14) - kapahayagan ng ating pagmamahal at malasakit
b. a prayer of faith (v.15) - kapahayagan ng ating pananampalataya
c. a prayer of confession (v.16) - kapahayagan ng ating pagpapakumbaba at sincerity. This will further heal the spiritual sicknesses of both the person and the whole church.
d. fervent prayer like that of Elijah (v. 17) - madalas tayong magkulang nito. Madalas ang ating panalangin ay hindi "marubdob" at mababaw. Sinasabi na si John Wesley ay nananalangin ng ilang oras bago mangaral, ang mga dakilang alipin ng Diyos ay nag-aayuno ng ilang araw bago gumawa para sa Panginoon. Ang kanilang mga panalangin ay may sangkap na malalim na damdamin ng pagmamakaawa sa Diyos.
2. Naglilingkod. Sabi sa 5:14 "Are any among you sick? They should call for the elders of the church and have them pray over them, anointing them with oil in the name of the Lord."
Nakatutuwang isipin na ang tawag natin sa ating pagsamba ay "service". Ang ating iglesia ay naglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Minsang sinabi ng evangelist na si Dwight Moody,
"Show me a church where there is love, and I will show you a church that is a power in the community."
3. Sumasamba. Sa verse 13b, ang sabi ay, "Are any cheerful? They should sing songs of praise." Ang masiglang pagsamba at maayos na simbahan ay magnet sa mga taong uhaw sa paglapit sa Panginoon. Ang ating pagsamba ay dapat na kapahayagan ng ating kagalakan at pasasalamat sa Diyos.
4. Pag-abot sa mga tao sa labas ng iglesia. Sa verse 19-20, binabanggit naman ang gawain ng panghihikayat. Ang sabi ay ganito, "My brothers and sisters, if anyone among you wanders from the truth and is brought back by another, you should know that whoever brings back a sinner from wandering will save the sinner's soul from death and will cover a multitude of sins."
Ayon sa Focus on the Family, matapos ang survey sa 10,000 people, “The Institute for American Church Growth concluded that 79 percent began attending church after receiving such an invitation. Only 6% were attracted by the pastor, 5% by the Sunday school and 0.5% by an evangelistic crusade.”
Ang sabi sa verse 19, "if anyone among you wanders from the truth and is brought back by another", ito po yung mga nabibisita at maiimbitahang dumalo sa iglesia. Malinaw kahit sa Biblia na ang ating trabaho ay "paghahanap sa mga nawawala." Sabi ni John Wesley, "Our task is nothing but to save souls."
Pag-isipan din natin ang lumabas sa survey na ito, na bagamat doon sila sa America ginawa, naniniwala ako na mayroon silang katotohanan maging sa ating kalagayan sa mga iglesia sa Pilipinas.
Consider the six needs discovered in his survey: Ganito raw po ang hanap ng mga tao sa iglesia;
1. To believe life is meaningful and has a purpose.
2. To have sense of community and deeper relationships.
3. To be appreciated and respected.
4. To be listened to--and heard.
5. To feel that one is growing in the faith.
6. To have practical help in developing a mature faith.
Taimtim na pananalangin sa Diyos, masayang pag-samba, masigasig na paglilingkod at evangelismo, pagbibisita at panghihikayat. Mga bagay na dapat nating isaalang-alang kung nais nating lumago ang ating iglesia.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento