Biyernes, Oktubre 30, 2015

Bakit at Paano Mag-evangelize?

Why Evangelize?

Sinabi ni John Wesley, ang dahilan kung bakit nandito tayo sa mundo ay  upang tulungang ang mga makasalanan na maligtas.
Sabi niya, “Our task is nothing but to Save Souls”

1. Hindi natutuwa ang Diyos sa kamatayan ng isang makasalanan mapapahamak sa kaparusahan.
1 Say to them, 'As surely as I live, declares the Sovereign Lord, I take no pleasure in the death of the wicked, but rather that they turn from their ways and live. Turn! Turn from your evil ways! Why will you die, O house of Israel?'   (Ezekiel 33:11, NIV)

2. Mahalaga sa Diyos ang bawat tao.
"For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. (John 3:16, NIV)

3. Nais ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao.
This is good, and pleases God our Savior, 4 who wants all men to be saved and to come to a knowledge of the truth.    (1 Tim 2:3-4, NIV)

For God did not appoint us to suffer wrath but to receive salvation through our Lord Jesus Christ. (1 Thessalonians  5:9, NIV)

4. Sinusugo tayo ng Panginoon upang sumampalataya ang mga tao sa Tagapagligtas.
Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age." (Matt 28:19-20, NIV)

Mga Paraan ng Ebanghelismo

Ang ministeryong Kristiano ay pagmamalasakit para sa kabuoang kaligtasan (emosyonal, espiritual at pisikal) ng tao.  Kaya may NOW ministries sa ating iglesia.  Nurture para sa pangangalaga ng mga kaanib, Outreach para sa pag-abot sa pisikal na tulong sa nasa labas ng iglesia, at  Witness, para sa gawaing ebanghelismo ng buong iglesia.

Ang pangangailangan para sa unang pagtanggap ng tao para sa kanyang  kaligtasan ay tinatawag nating Ebanghelismo. Ang kaligtasan ay isang proseso, tulad ng buhay.  Ang isang ebanghelista  ay maikukumpara sa isang midwife, na umaalalay sa kapanganakang espiritual ng isang tao.

a. ang Espiritu Santo ang nagbibigay buhay para sa kaligtasan ng isang tao.  Ngunit ebanghelista ang nagtatanim ng binhi.  Ang binhi ay ang Salita ng Diyos (Lucas 8:11).

Sabi nga ni Apostol Pablo, “I planted the seed, Apollos watered it, but God made it grow.” (1 Cor 3:6, NIV).

b. malalaman nating buhay ang Salita ng Diyos sa puso ng nakikinig dahil nagkakaroon ng pagnanais na maligtas ang ating binabahaginan.

Invitation Evangelism 

Ang pinaka-epektibong pagpapalago ng isang iglesia ay ang pag-imbita ng mga kaibigan, kamag-anak at iba pang mga kakilala.

May kwento tungkol sa isang napariwara dahil namumuhay siya sa pagkakasala.  Mayroong kaibigang Kristiano ang binatang ito at iinimbitahan siya sa kapilya.  Nagsimba ang binata alang-alang sa pakikisama niya sa kaibigan.  Ngunit habang nakikinig ng sermon, bumaon sa puso ng binata ang mensahe ng Diyos.  Lumabas siya ng halos maluha sa kawawa niyang kalagayan bilang isang makasalanan.  Pagkatapos ng pagsamba, nag-meryenda  ang magkaibigan.  Wika ng binata sa kanyang kaibigang nag-anyaya sa kanya, “Pare, kawawa ako... kawawa ang aking kaluluwa.”  At sagot naman ng Kristianong binata, “Natutuwa ako pare, buti nga sa iyo.”

Nabigla ang binata sa sagot ng Kristianong kaibigan niya.  “Pare, huwag kang magbiro.  Alam kong pupunta ako ng impierno dahil sa mga kasalanan ko.”

Sagot ulit ng Kristiano, “Oo nga pare, buti nga sa iyo. Hindi kita inaasar pare.  Pakinggan mo ang sabi ng Panginoong Jesus sa Biblia - “I came to seek and save the lost”, ibig sabihin pare, dumating si Cristo para iligtas ang mga nagsisising  tulad mo at umaamin ng kasalanan. Nakahanda ang Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan pare.”

Sa halip na maasar, napangiti ang kabataan, at tinanggap niya  ang Panginoon bilang kanyang Tagapagligtas.”

Ugaliing mag-imbita ng isang kakilala sa pananambahan.

Daanan sila papuntang iglesia.  Sunduin sila sa bahay kung kinakailangan.

Kapag nasgsimba ang isang kakilala o kaibigan sa iglesia, i-text siya sa loob ng 72 hours at pasalamatan sa kanyang pagdalo sa iglesia.  Anyayahan siyang muli sa darating na Linggo.

Bisitahin siya sa loob ng unang dalawang Linggong darating.

Kaibiganin siya ng dalawa o higit pang miembro ng iglesia.

Isali siya sa small group ministry o isang age level ministry.


Balangkas ng Pagbabahagi

1. Introduction - develop  raport
2. Ibahagi ang Ebanghelyo
3. Magtanong tungkol sa pagnanais Maligtas
4. Panalangin ng Pagtanggap / sinners prayer


Mga Paraan ng Pagbabahagi ng Ebanghelyo

1. Prayer of Three and One Verse Evangelism:

PRAYER OF THREE – It starts with the prayer of the pastor together with two other persons who have a sincere desire and passion to win new believers for Christ. Each one will pray for 3 persons. Joining together, these 3 persons will pray for 9 persons in all. It’s a daily prayer of the 3 persons for 30 days for those persons to encounter Christ and be saved on the process.

First week – pray intensely for those persons in your list.
Second week – continue in your prayer and start connecting with them through text messages telling them: “how they are doing” or giving some inspiring messages. Third week – continue in your prayer, texting and ask permission for you to visit them in their home or inviting them for a dinner in your house or any place that they would agree.
Fourth week – pray, text, visit and share them your testimony and through the guidance of the Holy Spirit share to them “One Verse Evangelism.”

USING the Pattern of ONE VERSE EVANGELISM

a. We need to understand:OURSELVES – we don’t need to be PERFECT to share the Gospel; we just need to be AUTHENTIC.

“CONNECTION”
2 Corinthians 4:8-10
8 We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; 9 persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed. 10 We always carry around in our body the death of Jesus, so that the life of Jesus may also be revealed in our body. 

b. ·We need to understand OTHER PEOPLE – no two people are alike. God wants us to share the Gospel in a way that people understand “COMMUNICATION”

1 Corinthians 9:22
22 To the weak I became weak, to win the weak. I have become all things to all people so that by all possible means I might save some.]

c. We need to understand THE MESSAGE – the METHOD may change but the MESSAGE will always be the same. “CHALLENGE”

 “One Verse Evangelism”
· Simple
· Clear - you only use one verse. There is less to memorize
· Short – you can share the Gospel in 10-15 minutes
· Natural - One Verse Evangelism is interactive

The Verse - Romans 6:23
For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.  
(Write this verse on a sheet of paper.)

How to Share One Verse Evangelism
· 1st Part: Bad news – talk about the problem
· 2nd Part: Good news – Talk about the Solution
· 3rd Part: The source – Who is the Solution
· You need a written copy of the verse
a. From a Bible
b. From a tract
c. Write it on a sheet of paper or on a tissue paper.

Note: Do NOT tell – Ask! You want to enter into dialogue

Focus on the key words of Romans 6:23

Key Words - Making One Verse Evangelism Presentation
Ask the person what s/he thinks about the key words and what they mean.  Go one key word at a time, beginning with “wages”
After they have shared what they think the word means, help them clarify what they said.

I n t r o d u c t i o n

Key Question                                                          
The Bible is a big thick book. Would you be interested if I could sum up the message of the Bible in only one verse?
Write down Romans 6:23

Key Word “wages”
·      What do you think the word “wages” means?  (bayad o sweldo)
· “It is something that you earn or deserve”.
· If you work 40 hours at P40 an hour, you earn P1600.

Key Word “sin”
· What do you think the word “sin” means?
· “Sin is more of an attitude than an action – it can be a hostile or apathetic response to God”.
· Have you ever sinned? I have too…

Key Word “death”
· What do you think the word “death” means?
· “Death actually means separation.”
· So when the Bible says that “the wages of sin is death”, what do you think it is saying?
·“What we earn by sinning is death or separation from God.”

Key Word “but”
· What do you think the word “but” means?
· “There is hope! Even though our sin separates us from the perfect God, He loved us so much and wants to be with us that He has made a way for us to be together with Him!”

Key Word “gift”
· What do you think the word “gift” means?
· Can you actually earn a gift?  NO

“A gift is given to  someone, out of  love, not because of what they do.
If it is earned, it is no longer a gift but a wage.”

Key Word “God”
· Who is GOD?
· The giver of the gift

“God wants to give you a gift. I can’t give it to you; a church can’t give it to you; no one can give you this gift but God alone. Why do you think God would want to give you a gift?”

Key Word “eternal life”

What do you think “eternal life” mean? Eternal life would be…
“Experiencing life forever with God”

If the word “death” means separation, then life must mean “together”. Eternal life would be experiencing life forever with God. Life is being in a community with God.

Key Word “Christ Jesus”
· Who is Christ Jesus?
· The only Son of God
Jesus Christ is the only Son of God. We have eternal life when we believe in Jesus. God takes the wages of our sin, and puts them on Jesus instead of us.

Key Word “LORD”
· What do you think the word “lord” means?
· He is in control
Nowadays, we might use the term “boss” or “leader”. It means that we have given control over to someone else. Jesus is Lord of our life, He is in control

CONFESSION AND SURRENDER:
CONFESSING – means to agree with God.
SURRENDER – means to allow Christ to be the final authority in our lives.
Prayer:
“Dear Lord, I confess that I have sinned and don’t deserve to be with you in heaven. I believe that Jesus died to pay the price of my sins. Please forgive me, come into my heart, be the Lord of my life and help me to live for You from now on. In Jesus’ name I pray. Amen.”____________________________

2. John 3:16 - One Verse Evangelism
a. Mahal ka ng Diyos
b. Kaya ibinigay niya si Jesus upang bayaran niya ang mga     kasalanan natin
c. kung sasampalataya, tayo ay maliligtas
d. panalangin ng pagtanggap

3. Roman Road

Roma 3:23 - Ang lahat ay nagkasala
Roma 6:23 - ang bayad ng kasalanan ay kamatayan.  Ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Roma 10:9 - sumampalataya upang maligtas

Tanungin ang binabahaginan kung nais niyang tanggapin ang kaligtasang kaloob ng Diyos at gabayan siya sa panalangin ng pagtanggap.

34. Evangelistic Bracelet  / Wordless Book

Si Christian ang nagbabahagi ng Ebanghelyo at si Friend ang binabahaginan.

Friend:       Hoy ano ba yang bracelet na yan na lagi mong suot-suot?
Christian:   Ah ‘to ba? May mga kahulugan ito na bumago ng buhay ko.  Gusto mo bang malaman ang kahulugan nito?

Friend:        Aba, misteryoso pala ang bracelet na yan. Sige nga!
Christian:   Itong GOLD, ay sumisimbulo sa isang buhay  na  masaya,  walang sakit, walang pagluha, walang gutom, at walang kamatayan. Ito ay ang langit na nais ibigay ng Diyos sa  ating lahat.  

Friend:       Bestfriend, mayroon bang ganun?  Gusto ko yatang pumunta do’n.

Christian:   May isang problema na humahadlang sa ating pagpasok sa   langit.  Ito ay ang BLACK, na sumisimbulo sa kasalanan.  Lahat tayo ay nagkasala at walang karapat-dapat sa Diyos.
Friend:        Paano ako makakapasok sa gold?
Christian:   Ang kailangan nating lahat ay ang RED.  Ito ay sumisimbulo sa  dugo ni Jesus.  Kung tatanggapin natin si Jesus bilang  Tagapagligtas at ating Panginoon,  makakapasok tayo sa langit.

Christian:   Kung tatanggapin mo si Jesus, ang BLACK ay gagawin niyang  WHITE.  Magkakaroon ka ng bagong buhay na malinis.   Patatawarin ka na sa mga kasalanan.

Christian:   Itong GREEN ay sumisimbulo sa isang bagong buhay - isang buhay na walang hanggan.  Sabi ni Jesus, “Ang sinumang  mananalig sa kanya ay magkakaroon ng buhay na walang    hanggan.”  Gusto mo bang tanggapin si Jesus sa iyong puso?

Friend: Oo naman.  Bestfriend tulungan mo naman akong manalangin.

5.   Airplane Paper Folding

Step 1: Gawin ang airplane paper

“Sa palagay ninyo, hanggang saan nakakarating ang isang eroplano? Pero saan ito lalapag? Ah oo, sa ulap ito makakarating pero sa lupa rin ang lapag nito”.

“Kung gusto nating makarating sa ibang planet o sa buwan, makakarating ba ang airplane natin?  Hindi!”

Step 2:  Pupunitin ang airplane at gagawing  jet.

“Oo, Space Shuttle ang kailangan para makarating sa outer space. Tanong ulit, madadala ba tayo ng jet sa langit ng Diyos? Hindi di bah!”

“Ano ba ang makapagdadala sa atin sa langit ng Diyos?”

Step 3:  Buksan ang papel at ipakita ang krus, at sabihin...

Sabi ni Jesus, “Ako ang daan, ang katoohanan at ang buhay.  Hindi kayo makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Si Jesus ay napako sa krus upang iligtas tayo sa kasalanan at upang bigyan tayo ng buhay na walang hanggan doon sa langit.

Sino sa inyo ang nagnanais maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan?

6. Evangelistic Bible Study

Pumili ng mga talata o kwento tungkol sa kaligtasan at pagbabagong buhay.

Halimbawa:

a. kwento ni Zakeo - Lucas 19:1-9
Sa pagtatapos ng aralin, sabihin na dumating ang kaligtasan sa tahanan ni Zakeo.  Tanungin ang mga kasama sa pag-aaral kung nais nilang tanggapin ang kaligtasang kaloob ng Diyos at gabayan sila sa panalangin ng pagtanggap.

b. Kwento ng Isang Sundalong Naligtas - Gawa 16:25-34
Sa pagtatapos ng aralin, maari mong itanong sa mga mag-aaral,
“Nagtanong ang sundalo kung paano maligtas.  At nagkaroon ng katugunan ang kanyang tanong.  Siya ay naligtas.

Itinatanong mo rin ba kung paano ka maliligtas?
Ganito ang gawin mo.  Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus.  Siya ay namatay at muling nabuhay upang bayaran ang iyong kasalanan....”
Gabayan sa panalangin ng pagtanggap ang mga nagbubukas ng puso para sa Panginoong Jesus.

c. Gamitin ang Simpleng Inductive Bible Study.
Observe, Interpret, Apply gamit ang mga tanong sa mga mag-aaral.

Topic: Kaligtasan, Teksto: Efeso 2:1-10
Layunin: Upang gabayan ang mga mag-aaral tungo sa kaligtasan mula sa kasalanan.

(Kumustahan, Umawit at Manalangin)
Introduction: ang ating topic ngayon ay....

Tanong1:  Ano ang mga sanhi ng pagkakasala?
Sagot:       Pamumuhay sa kasalanan, pagsunod sa layaw ng laman at pagpapailalim sa prinsipe ng kasamaan.
Tanong 2: Ano ang dulot ng kasalanan?
Sagot:     kamatayan sa harapan ng Diyos. Parusang walanghanggan.
Tanong 3: Sino ang unang gumawa ng paraan para maligtas tayo sa pagkakasala? Diyos ba o tao? Sagot: Ang Diyos. Talakayin kung bakit unang kumilos ang Diyos tungo sa ating ikaliligtas.
Tanong 4: Bakit hindi natin maaring iligtas ang sarili gamit ang sariling  kabutihan?  Dahil tayo ay makasalanan.
Tanong 5: Paano ba ang maligtas? Sagot: Pananalig kay Cristo lamang.  






Sino ang Banal na Espiritu

Who is The Holy Spirit?
Acts 8:14-17

Since we are praying for us to be baptized by Jesus with the Holy Spirit, we must know who the Holy Spirit is.  Without the Holy Spirit, we can never testify as a true Christian.

The Holy Spirit is a Person of God in the Trinity

Matthew 28:19, Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, (NIV)

Ang Banal na Espiritu ay persona sa Trinity, iisa ang Diyos na may tatlong persona ng pagpapakilala. Ang mga sumusunod na talata mula sa Biblia ay nagpapakilala kung sino ang Banal na Espiritu.

John 14:16-17, And I (the Son) will ask the Father, and he will give you another Counselor to be with you forever-- the Spirit of truth. The world cannot accept him, because it neither sees him nor knows him. But you know him, for he lives with you and will be in you. (NIV)

2 Corinthians 13:14, May the grace of the Lord Jesus Christ, and the love of God, and the fellowship of the Holy Spirit be with you all. (NIV)

Acts 2:32-33, God has raised this Jesus to life, and we are all witnesses of the fact. Exalted to the right hand of God, he has received from the Father the promised Holy Spirit and has poured out what you now see and hear. (NIV)

Sa pamamagitan ng mga taltang ito, makikita na ang Diyos ay kumikilos bilang tatlong persona, nagkakaisa ang Ama, Anak at Espiritu Santo sa paggawa sa buhay ng bawat Kristiano.

The Holy Spirit has the Characteristics of Personality:
Ang Espiritu Santo ay may personal na katangian.  Mayroon siyang damdamin, ugali, at kalooban.  Siya ay gumagawa ayon sa kalooban ng Ama.

• The Holy Spirit has a Mind:  Romans 8:27
And he who searches our hearts knows the mind of the Spirit, because the Spirit intercedes for the saints in accordance with God's will. (NIV)

• The Holy Spirit has a Will: 1 Corinthians 12:11
But one and the same Spirit works all these things, distributing to each one individually just as He wills. (NASB)

• The Holy Spirit has Emotions: The Holy Spirit grieves:

And do not grieve the Holy Spirit of God, with whom you were sealed for the day of redemption. (NIV) Ephesians 4:30

The Holy Spirit Shared in Creation: Genesis 1:2-3
The earth was empty, a formless mass cloaked in darkness. And the Spirit of God was hovering over its surface. Then God said, "Let there be light," and there was light. (NLT)

The Holy Spirit Raised Jesus from the Dead

Romans 8:11 The Spirit of God, who raised Jesus from the dead, lives in you. And just as he raised Christ from the dead, he will give life to your mortal body by this same Spirit living within you. (NLT)

The Holy Spirit Places Believers into Christ's Body

1 Corinthians 12:13, For we were all baptized by one Spirit into one body--whether Jews or Greeks, slave or free--and we were all given the one Spirit to drink. (NIV)

John 3:5, Jesus answered, "I tell you the truth, no one can enter the kingdom of God unless he is born of water and the Spirit." (NIV)

The Holy Spirit Proceeds from the Father

John 15:26, [Jesus Speaking] When the Counselor comes, whom I will send to you from the Father, the Spirit of truth who goes out from the Father, he will testify about me. (NIV)

The Holy Spirit Proceeds from Christ

John 16:7, [Jesus Speaking] But I tell you the truth: It is for your good that I am going away. Unless I go away, the Counselor will not come to you; but if I go, I will send him to you. (NIV)

Works of the Holy Spirit
Kapag ang Espiritu Santo na ang nangunguna sa ating buhay, siya na ang nagtutuwid, umaakay at nangungusap sa ating buhay.

• He Teaches:John 14:26
But the Counselor, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, will teach you all things and will remind you of everything I have said to you. 
(NIV)

• He Testifies of Christ: John 15:26
When the Counselor comes, whom I will send to you from the Father, the Spirit of truth who goes out from the Father, he will testify about me. 
(NIV)

• He Convicts: John 16:8
When he comes, he will convict the world of guilt [Or will expose the guilt of the world] in regard to sin and righteousness and judgment: 
(NIV)

• He Leads: Romans 8:14
Because those who are led by the Spirit of God are sons of God. 
(NIV)

• He Reveals Truth:John 16:13
But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come. 
(NIV)

• He Strengthens and Encourages: Acts 9:31
Then the church throughout Judea, Galilee and Samaria enjoyed a time of peace. It was strengthened; and encouraged by the Holy Spirit, it grew in numbers, living in the fear of the Lord.
(NIV)

• He Comforts: John 14:16
And I will pray the Father, and he shall give you another Comforter, that he may abide with you forever. 

• He Helps Us in our Weakness: Romans 8:26
In the same way, the Spirit helps us in our weakness. We do not know what we ought to pray for, but the Spirit himself intercedes for us with groans that words cannot express. 
(NIV)

• He Intercedes: Romans 8:26
In the same way, the Spirit helps us in our weakness. We do not know what we ought to pray for, but the Spirit himself intercedes for us with groans that words cannot express. 
(NIV)

• He Searches the Deep Things of God: 1 Corinthians 2:11
The Spirit searches all things, even the deep things of God. For who among men knows the thoughts of a man except the man's spirit within him? In the same way no one knows the thoughts of God except the Spirit of God. 
(NIV)

• He Sanctifies: Romans 15:16
To be a minister of Christ Jesus to the Gentiles with the priestly duty of proclaiming the gospel of God, so that the Gentiles might become an offering acceptable to God, sanctified by the Holy Spirit.
(NIV)

• He Bears Witness or Testifies:Romans 8:16
The Spirit itself beareth witness with our spirit, that we are the children of God: 
(KJV)
The Spirit himself testifies with our spirit that we are God's children. (NIV)

• He Forbids: Acts 16:6-7
Paul and his companions traveled throughout the region of Phrygia and Galatia, having been kept by the Holy Spirit from preaching the word in the province of Asia. When they came to the border of Mysia, they tried to enter Bithynia, but the Spirit of Jesus would not allow them to. 
(NIV)

• He Can be Lied to: Acts 5:3
Then Peter said, "Ananias, how is it that Satan has so filled your heart that you have lied to the Holy Spirit and have kept for yourself some of the money you received for the land? 
(NIV)

• He Can be Resisted: Acts 7:51
"You stiff-necked people, with uncircumcised hearts and ears! You are just like your fathers: You always resist the Holy Spirit!" 
(NIV)

The Holy Spirit Gives Divine Gifts: 1 Corinthians 12:7-11 

Now to each one the manifestation of the Spirit is given for the common good. To one there is given through the Spirit the message of wisdom, to another the message of knowledge by means of the same Spirit, to another faith by the same Spirit, to another gifts of healing by that one Spirit, to another miraculous powers, to another prophecy, to another distinguishing between spirits, to another speaking in different kinds of tongues, and to still another the interpretation of tongues. All these are the work of one and the same Spirit, and he gives them to each one, just as he determines. (NIV)


Ang bawat Kristiano ay dapat manalangin upang  bautismuhan siya ni Jesus sa Banal na Espiritu. Hanggat hindi ito nagganap ang isang Kristiano ay walang lakas upang magpahayag. 
Ito ang dahilan kung bakit maramign Krisitnao ang nagiging mahina at lumalayo sa Diyos bandang huli.
Mga bagay na dapat gawin:

1.       Manalangin  ng taimtim at may pananampalataya upang tanggapin ang Banal na Espiritu (Lucas 11:13)
2.     Patuloy na kilalanin ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, pananalangin  at pagsamba 
3.         Hanapin sa sarili ang mga bunga ng Espiritu (Galatia 5:22).

4.       4.        Patuloy na maglingkod at magpagamit sa Diyos sa mga ministeryo ng pagtuturo, at  paglilingkod.


Huwebes, Oktubre 29, 2015

Tapat na Pagkakaloob

Ang Mabuting Halimbawa ng mga Balo
Ruth 3:1-5; 4:13-17 / 1 Kings 17:8-16
Mark 12:38-44

Ang mga balo o widows ay espesyal sa mata ng Diyos. Mahal sila ng Panginoon. May magandang plano ang Diyos para sa isang pamilyang nabalo ng ama. Ang mga salitang ito ay lagi kong naririnig noon pa mula sa aking ina. Maagang pumanaw ang aking ama, ako po ay pitong taong gulang pa lamang noon ng yumao ang aking ama. Ito ang pinaghawakang katotohanan ng aking ina habang kami ay lumalaki. At kailan man, hindi namin siya nakitang pinanghinaan ng loob sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.

Sabi sa Ex 22:22-24, "Do not take advantage of a widow or an orphan. If you do and they cry out to me, I will certainly hear their cry. My anger will be aroused, and I will kill you with the sword; your wives will become widows and your children fatherless.” (NIV)

Ang ating mga teksto sa Linggong ito ay kwento ng mga balo, si Ruth at Naomi, ang balo ng Zarepath, at isang balo sa Marcos 12:38-44.

Tunay nga na sinasabi sa Biblia, na may malalim na malasakit ang Diyos sa mga balo at ulila (Deut. 10:18). Pero bakit kaya?

1. Kung wala ng ama ang isang pamilya, wala silang tagapagtanggol,    lalo sa kalagayan na may digmaan.
2. Kaunti ang kanilang kabuhayan.
3. Walang magpapatuloy sa paglinang ng lupa para magamit ng    pamilya, lalo kapag ang mga batang naulila ay mga bata pa.
4. Ang inang nabalo ay tatayong ina at ama ng pamilya. Ang pasanin    ng pamilya ay mag-isa niyang tutugunin.

Tatlo lamang ito sa mga dahilan kung bakit espesyal sa puso ng Diyos ang kalagayan ng mga ulila at balo. Dahil dito, ang Diyos ay may nakahandang tugon para sila pamangalagaan.

1. Ang Diyos mismo ang tagapagtanggol ng mga naulilang pamilya o ng asawang balo (Deut. 10:18).
2. Sa kultura ng Israel, iniutos ng Diyos na dapat pangalagaan ng isang kamag-anak ang ari-arian ng mga ulila, at kung may kapatid ang namatay, kukunin siya ng kanyang bayaw at ituturing na asawa, upang may mangalaga sa mga ulila at sa balo (Ruth 4:10; Mark 12:19).
3. Sa Deut 26:12, kabilang mga ulila at balo sa mga tutulungan mula sa kaloob sa pananalapi ng templo (mga ikapu) upang hindi maghikaos ang mga ay ulila.

Kahit sa Bagong Tipan, ang mga ulila at balo ay kasama sa ministeryo ng iglesia; sa James 1:27, ganito ang sinasabi,
“Religion that God our Father accepts as pure and fault less is this: to look after orphans and widows in their distress and to keep oneself from being polluted by the world.”

Ang Mabuting Halimbawa ng Mga Balo
Mahirap man ang kalagayan ng mga balo, maraming halimbawa ang Biblia sa mga balo, na dapat pamarisan. Katulad ng teksto sa Marcos 12:38.

1. Katapatan sa pagkakaloob. Ang katapatan ng isang mahirap sa pagkakaloob ay higit na kagalakan sa puso ng Diyos, kaysa kaloob ng isang mayaman na nagbibigay ng sobra lamang sa kanyang kayamanan. May kasabihan na “pay till it hurts”. Ang ginawang pagkakaloob ng balo ay pagbibigay ng lahat ng salapi niya.

2. Katapatan sa Pananampalataya. Sa 1 Tim 5:5-6, sinasabi,
“ The widow who is really in need and left all alone puts her hope in God and continues night and day to pray and to ask God for help.” Ang mga balo sa ating aralin ay may pagtitiwala sa Diyos.

Alam natin na ang karanasan ng kahirapan ay maaaring mag-udyok sa isang tao para gumawa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagkapit sa patalim. Ngunit ang mga balo sa ating kwento ay nagpakita ng pagkapit sa Diyos at hindi sa kasalanan. Gaano man kahirap ang kalagayan natin sa buhay, huwag sana tayong mag-iisip na yumakap sa kasamaan. Huwag sana nating gawing katuwiran na dahil mahirap tayo, maari tayong magnakaw o mandaya.

3. Katapatan sa Pagsunod sa Diyos. Minsang sinabi ni John Wesley sa Liturhiya ng Covenant Service, “ang pagsunod sa Diyos ay minsan magaan, at kung minsan ay mabigat, may ipinagagawa ang Diyos sa mga naglilingkod sa kanya ng mga bagay na madaling gawin, at may mga bagay na mangangailangan ng sakrispisyo”. Sa sakripisyo napapatunayan ang katapatan. Ang katapatan ng babaeng balo ay sakripisyo para sa Diyos, dahil siya nagkaloob ng lahat niya para sa Panginoon. Ang hamon ng propeta sa balo ng Zarepath ay hindi simpleng hamon. Ngunit tumugon siya sa utos ng propeta ng Diyos. Gaano man kaliit ang ating kinikita, kung tapat tayo sa ating pagsunod at pagmamahal sa Panginoon, dapat tayong makibahagi sa pasanin ng simbahan. Huwag po sana tayong manghihinayang sa ibinibigay natin sa Diyos, dahil hindi po sila kawalan.

4. Pagtitiwala sa mga Paraan ng Diyos.   Ang mga balo sa ating kwento ay nagpakita ng pagtitiwala sa paraan ng Diyos. Si Naomi at Ruth ay naging tapat sa panuntunan ng Diyos Si Ruth ay sumunod sa paraan ng Kautusan bagamt siya ay isang Moabita at maaring hindi sanay sa kaugaliang Judio. Ngunit siya ay nagtiwala sa paraan ng Diyos . Sa ganitong paraan nagka-anak siya, at naging apo siya si Haring David, at ang Panginoong Jesus. May mga pagkakataon nahindi natin maunawaan ang paraan na nais ng Diyos. Gayun man, dapat tayong sumunod sa paraan ng Diyos.

Ang ginawang paghingi ni propeta Elias sa balo ay maaring ituring kalabisan o pang-aabuso. Ngunit basahing mabuti ang 1Hari 17:14. ginawa ito ng propeta hindi para kumain siya kundi dahil ito ang utos ng Diyos. Ito ang paraan ng Diyos para pagpalain niya ang mahirap na balo. May paraan ang Diyos para pagpalain niya ang mga mahihirap, pero iniuutos ba natin ito sa mga miembro natin? Sinasabi ba natin sa kanila ang ipinagagawa ng Panginoon?

May pastor na minsang nagsabi, “Ayaw kong mangaral tungkol sa ikapu, dahil mahihirap ang aking mga miembro.” At sabi ng isa pang pastor, “Ayaw kong ma-offend ang mga miembro ko, hindi ako nangangaral tungkol sa pagkakaloob.”

Ang ginawa ni Propeta Elias ay pagsunod sa Diyos para pagpalain ang balo. Kung hindi natin ituturo ang mga pamamaraan ng Diyos sa mga tao, inaalisan natin sila ng pagpapala mula sa Diyos. Sabi sa Awit 127:1, “Maliban na ang Diyos ang nagtayo ng bahay, ang ginawa ng nagtayo ay walang kabuluhan.” Dapat tayong magtiwala sa paraan ng Diyos at hindi sa ating sariling paraan.  Ang pag-iikapu ay paraan na turo ng Biblia, ito ay malinaw na paraan ng Diyos.

Pagkakaloob ng Ikapu sa Panginoon.


Ang pag-iikapu ay tungkuling Kristiano na itinuturo ng Luma at Bagong Tipan. Ito ay mahalagang paraan upang matugunan ang pangangailangan ng iglesia at ng kanyang misyon. Ang pagtupad sa tungkuling ito ay pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Ang Prinsipyo ng Pag-iikapu Mula sa Old Testament

Ang pag-iikapu ay turo mula sa Lumang Tipan, ito ay  pagkakaloob sa Diyos ng handog na 10% mula sa kinikita ng mga Israelita sa templo (Leviticus 27:30; Numbers 18:26; Deuteronomy 14:24; 2 Chronicles 31:5).  Utos ito ng Diyos para mapunan ang pangangailangan ng templo at tulong sa nangangailangan.

Pag-iikapu sa Bagong Tipan

Apat na beses lamang binabanggit ang pag-iikapu sa Bagong Tipan (Luke 18:12, Matt. 23:23; Heb. 7:1-10 at Luke 11:42).  Mababasa natin na binabatikos ng Panginoon ang gawain ng mga Pariseo, dahil mas binibigyan nila ang pagpapahalaga ang ikapu at naisasantabi nila ang hustisya, habag at katapatan. Sa Hebreo 7:1-10, binabanggit naman ang ginawang pag-iikapu ni Abraham.  Maliban dito, wala ng pagbanggit tungkol sa pag-iikapu sa Bagong Tipan.

Ang prinsipyo ng pag-iikapu sa Lumang Tipan ay pagbibigay sa Diyos ng pasasalamat at hindi dahil ito ay requirement lamang.  Ang prinsipyong ito ay may lugar pa rin sa Bagong Tipan, bagama’t hindi tuwirang iniuutos ito ng mga apostol.

Mababasa sa Mateo 23:23 ang nag-iisang turo ng Panginoong Jesus tungkol sa pag-iikapu.

 "Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! 
Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng naaani ninyong yerbabuena, ruda, linga, ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Huwag ninyong kaligtaang gawin ang mga ito kahit na tamang gawin ninyo ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ani."

Sa turo ng Panginoong Jesus sa Bagong Tipan ay malinaw na dapat pa ring ipatupad ang pag-iikapu. 

Pagkakaloob sa Ating Panahon.

Una tandaan na ang pag-ibig sa Diyos ay dapat maging  pangunahin sa ating buhay.  Sabi ng Panginoon sa Mateo 6:21, "Where your treasure is, there your heart will be also.” Isa pa, ang salapi ay mapanganib kapag pinapanginoon (Lucas 16:13).  Ang salapi ay dapat magamit sa paglilingkod sa Diyos (Lucas 18:22). Ang prinsipyo ng pagkakaloob ay hindi batas kundi kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos na nagpapala sa atin.

Pangalawa, tulad ng pananaw sa Lumang Tipan, may pangangailangan din sa simbahan sa ating panahon.  Tulad ng tungkulin ng iglesia sa mga manggagawa (Lucas 10:7; 1Corinto 9:7).  Ang gastusin sa ministeryo ng pagtulong sa mahihirap (2Cor. 9:11) at ang pag-sasaayos ng simbahan (Ageo 1:14).

Ang usapin ng pagkakaloob ay dapat suriin ng bawat Kristiano kung paano natin mapapalago ang ating mga gawain at misyon para sa Diyos, upang hindi mapabayaan ang mga simbahan ng Diyos, at mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng mga ito.

Generous Giving

Sa Lucas 12:33, inuutusan tayo ng Diyos na mag-impok sa langit.  Ang isang halimbawang pinuri ng Panginoon sa saganang pagkakaloob ay ang pagbibigay ng balo sa Lucas 21:4.    Gayun din ang pagpuri  ni Pablo sa mga taga-Macedonia sa pagkakaloob nila ng tulong sa Jerusalem ng “higit pa sa kanilang kaya” (2 Cor. 8:3).  Ang pagkakaloob ng sagana ay katibayan ng ating pagmamahal sa Diyos. Maipapahayag natin ang pag-ibig na ito sa ating pagkakaloob ng ikapu.

Paano Mag-ikapu?

Ang ating iglesia ay nagmumungkahi na gamitin natin ang sistema ng tithing, hindi bilang batas kundi bilang kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos at suporta sa mga gawain ng iglesia. May mga mungkahing paraan para gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Kung hindi mo pa tinanggap si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, unahin mo ang muna ang mga bagay na nais ipagkaloob sa iyo ng Panginoon.  Nais ng Panginoon na  patawarin ka sa lahat ng iyong mga kasalanan, nais ka niyang maligtas at gawing anak niya.  Maari mong tanggapin ang kaloob na ito sa pamamagitan ng panalanging may pananalig kay Cristo Jesus na tumubos sa iyong mga kasalanan.

2.  Bilang tunay na mananampalataya, maging tapat ka nawa sa pagkakaloob ng iyong ikapu sa ating iglesia. Hindi man ito requirement sa Bagong Tipan, requirement pa rin ito ng Lumang Tipan at kailangan pa rin ng iglesia ang kaloob ng mga tao para sa Panginoon.

3. Kung hindi mo pa nasusubukan ang hamon ng Diyos tungkol sa ikapu ayon sa Malakias 3:10, bakit hindi mo subukan ang Diyos sa loob ng 90days? Magkaloob ka ng ikapu sa loob ng tatlong buwan.  Ibigay mo ang 10% ng iyong kinikita sa ating iglesia at pagmasdan kung tunay ngang pagpapalain ka ng Diyos.  Kung hindi, huwag kang magpatuloy.

4. Kung kayo ay mag-asawa, pag-usapan ninyo kung paano kayo magkakaloob ng inyong ikapu sa iglesia. Gumawa ng record para sa inyong finances.  Ayusin ang inyong budget at gamitin ang payong ito sa paggastos.  Sweldo (100%) - tithes (10%) - savings (10%+) = 80% Budget sa Paggastos.

5. Kung hindi ka pa sigurado kung 10% net income o gross income ang iyong ipagkakaloob,  idalangin mo sa Panginoon ang iyong desisyon.  Maaring subukan mo muna ang iyong tithing base sa iyong net income, at pagmasdan kung paano ka pagpapalin ng Diyos ayon sa kanyang Salita.

6. Turuan ang mga bata na magkaloob sa Panginoon.  Maari itong manggaling sa kanilang mga allowances, regalong tinatanggap, o extrang pera mula sa magulang.

7. Aralin ang takbo ng finances sa loob ng tahanan.  Pagmasdan kung paano dumadaloy ang mga pagpapala ayon sa mga pangako ng Diyos.  Hilingin na pagpalain ng Panginoon ang iyong sambahayan upang lalo tayong makatulong sa mga gawain ng iglesia.

Nakadepende ang iglesia sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng mga kaloob ng mga taong nagmamahal sa Panginoon.  Hindi man sapilitan ang ikapu, maganda pa rin itong batayan ng pagkakaloob sa simbahan upang magkaroon ng sapat na gastusin para sa pangangailangan ng iglesia, sa paglago, at ng sa gayun, lalawig ang gawain ng Panginoon.

Susi sa Paglago ng Iglesia

Susi sa Paglago ng Iglesia
(James 5:13-20)

Open hearts, open minds, open doors. Ito ang isa sa mga motto ng ating iglesia. Ang pagiging bukas upang tanggapin ang mga makasalanang nagbabalik loob sa Diyos, ang mga tao na naghahanap sa Diyos. Marahil nararapat na pag-aralang mabuti ng iglesia ang tamang paraan upang makita ng mga tao sa paligid na tayo nga ay katawan ni Cristo na nananalangin, naglilingkod, sumasamba, at umaabot sa kanila.

Kung halimbawang aaralin natin ang pananaw ng mga tao sa paligid ng iglesia; kung anong uri ng simbahan ang kanilang hinahanap, marahil maari nating gamitin ang sumusunod na survey;

A Community Survey Questions:

1.  Are you an active member of a nearby church?
2. What do you think is the greatest need in this community?
3. Why do you think most people don't attend church?
4. If you were looking for a church in the area, what kinds of things would you look for?
5. What advice would you give me as the pastor of a new church?
6. Are you interested in getting more information about the United Methodist Church?

And consider this survey conclusion; that says 90% of new members will stay in the church if:

1. they can articulate their faith (implies need for
    membership confirmation and evangelism classes),
2. They belong to subgroups (i.e. choir, Bible Studies, Sunday School classes, etc.),
3. They have 4-8 close friendships within the church.
   
Ang ating aralin ay may paraan ding tinuturo upang manatiling masigla, matatag at lumago ang iglesia;

A. Nananalangin. Sa James 5:13 ang sabi ay, "Are any among you suffering? They should pray.  Are any cheerful? They should sing songs of praise."

Are any among you suffering? Ibig sabihin, natural na nagkaka-problema sa iglesia, personal mang problema ng miembro o problema ng buong iglesia. Ang tanong ay: "Nagkakaisa ba ang ating iglesia sa pagdulog sa Diyos sa pananalangin?" This verse is talking about a united church, who feels the suffering of anyone, and is praying as one. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.

At mayroon ding sinasabi ang ating aralin, kung anong uri ang panalangin na dapat nating gawin upang makamit natin ang pag-asa na tayo ay diringgin ng Diyos tungo sa paglago ng ating iglesia;

a. a prayer for the sick (v.14) - kapahayagan ng ating pagmamahal at malasakit

b. a prayer of faith (v.15) - kapahayagan ng ating pananampalataya

c. a prayer of confession (v.16) - kapahayagan ng ating pagpapakumbaba at sincerity. This will further heal the spiritual sicknesses of both the person and the whole church.

d. fervent prayer like that of Elijah (v. 17) - madalas  tayong magkulang nito. Madalas ang ating panalangin ay hindi "marubdob" at mababaw. Sinasabi na si John Wesley ay nananalangin ng ilang oras bago mangaral, ang mga dakilang alipin ng Diyos ay nag-aayuno ng ilang araw bago gumawa para sa Panginoon. Ang kanilang mga panalangin ay may sangkap na malalim na damdamin ng pagmamakaawa sa Diyos.

2. Naglilingkod. Sabi sa 5:14 "Are any among you sick? They should call for the elders of the church and have them pray over them, anointing them with oil in the name of the Lord."

Nakatutuwang isipin na ang tawag natin sa ating pagsamba ay "service".  Ang ating iglesia ay naglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Minsang sinabi ng evangelist na si Dwight Moody,

"Show me a church where there is love, and I will show you a church that is a power in the community."

3. Sumasamba. Sa verse 13b, ang sabi ay, "Are any cheerful? They should sing songs of praise." Ang masiglang pagsamba at maayos na simbahan ay magnet sa mga taong uhaw sa paglapit sa Panginoon. Ang ating pagsamba ay dapat na kapahayagan ng ating kagalakan at pasasalamat sa Diyos.

4. Pag-abot sa mga tao sa labas ng iglesia. Sa verse 19-20, binabanggit naman ang gawain ng panghihikayat. Ang sabi ay ganito, "My brothers and sisters, if anyone among you wanders from the truth and is brought back by another, you should know that whoever brings back a sinner from wandering will save the sinner's soul from death and will cover a multitude of sins."

Ayon sa Focus on the Family, matapos ang survey sa 10,000 people,  “The Institute for American Church Growth concluded that 79 percent began attending church after receiving such an invitation. Only 6% were attracted by the pastor, 5% by the Sunday school and 0.5% by an evangelistic crusade.”

Ang sabi sa verse 19, "if anyone among you wanders from the truth and is brought back by another", ito po yung mga nabibisita at maiimbitahang dumalo sa iglesia. Malinaw kahit sa Biblia na ang ating trabaho ay "paghahanap sa mga nawawala." Sabi ni John Wesley, "Our task is nothing but to save souls."

Pag-isipan din natin ang lumabas sa survey na ito, na bagamat doon sila sa America ginawa, naniniwala ako na mayroon silang katotohanan maging sa ating kalagayan sa mga iglesia sa Pilipinas.

Consider the six needs discovered in his survey: Ganito raw  po ang hanap ng mga tao sa iglesia;

1. To believe life is meaningful and has a purpose.
2. To have sense of community and deeper relationships.
3. To be appreciated and respected.
4. To be listened to--and heard.
5. To feel that one is growing in the faith.
6. To have practical help in developing a mature faith.

Taimtim na pananalangin sa Diyos, masayang pag-samba, masigasig na paglilingkod at evangelismo, pagbibisita at panghihikayat. Mga bagay na dapat nating isaalang-alang kung nais nating lumago ang ating iglesia.

Biyernes, Oktubre 23, 2015

Filipino Lectionary Octobre 25, 2015

Pinagpala
Mark 10:46-52; Hebrews 7:23-28; Job 42:1-6, 10-17

Ang ating mga pagbasa sa Biblia ay tumutukoy lahat sa isang salita: Pagpapala o Blessings. 

Ang buhay na nakadugtong sa Diyos ayon sa Panginoong Jesus, sa Juan 15:8, 

 "This is to my Father's glory, that you bear much fruit, showing yourselves to be my disciples."

Ito ay buhay na pinagpala. Ito ay buhay na sagana.

1. Sa buhay ni Job, tumanggap siya ng isang mahalagang blessing- ito ay ang blessing of being restored.  Siya ay bumagsak, siya ay nagkasakit, nawalan siya ng mga anak at kabuhayan.

Ngunit sa ganap na pagpapakilala ng Diyos kay Job, nakilala ni Job ang Diyos sa kanyang kapangyarihan at kabutihan. Dahil dito, siya ay nagsisi at nagpakumbaba sa harapan ng Diyos.

Kung kaya, ibinalik ng Diyos ang nawala sa kay Job.

What we need from God is restoration, for once or many times, we have destroyed ourselves by committing sins. Maraming tao ang nasisira ang buhay dahil sa sariling kagagawan.

However, meeting does not lead to our condemnation. Sa tunay na pananampalatayang Kristiano,  hindi po tayo maaring hatulan ninuman, kapag tayo ay nakiisa na kay Cristo.

"There is no condemnation for those who are in Christ Jesus."

Through Jesus Christ we were forgiven. We were saved. We are restored.

2. Pangalawang blessing ayon sa ating pagbasa, ayon sa Awit 34:4, ay deliverance,

" I sought the LORD, and he answered me, and delivered me from all my fears." 

Some people are unaware of their being slaves by sins, and worse, some are slaves of the devil. 

Marami ang nag-aakala na sila ay malaya. Hindi nila namamalayan na aktibong gumagawa ang diablo sa kanilang buhay. Pakinggan natin ang pagkabasa ng Efeso 2:1-2,  

"As for you, you were dead in your transgressions and sins, in which you used to live when you 
followed the ways of this world and of the ruler of the kingdom of the air, the spirit who is now at work in those who are disobedient."

Malinaw na sinasabi dito na ang mga wala pa kay Cristo ay sakop pa ng demonyo. 

Kapag tayo po ay nagsuko ng ating buhay sa Panginoong Jesus, tayo po pinalalaya ng ating Panginoon mula sa kamay  ng kaaway, upang tayo ay manatiling malaya kailan paman. 

Maraming tao ang nangangailangan ng deliverance. May iba ba namumuhay sa takot. 
May iba na gusto nilang makaalis sa bisyo pero, hindi sila makalaya, alipin na sila ng bisyong ito. 
At madalas ang ganitong bisyo ay may halo ng pagkilos ng diablo sa ating buhay.  

May iba na namumuhay sa kasalanan nilang hindi pa pinagsisihan. 
Mayniba naman, nagsisi na pero takot pa rin na nalaman ng iba yung kanilang kasalanan. Na parang hindi pa sila totoong pinatawad. 

May mga nakakulong pa rin sa kanilang nakalipas.

Pakinggan po ninyo, ang Diyos ay nagpapalaya sa bihag ng kasalanan at ng nakalipas. 

3. Ang pangatlong blessing ay nababasa sa ating Gospel Reading. Ito ay ang blessing ng kagalingan. Si Bartimeo ay bulag. Ngunit siya ay nakakitang muli. 

Ang Diyos ay nagkakaloob ng pagpapala ng kagalingan, lalo sa mga may pananampalataya. 












Biyernes, Oktubre 2, 2015

Lectionary Sermon Tagalog Mark 10:2-16

LECTIONARY SERMON FOR OCTOBER 4, 2015

Ang Kristianong Pamilya
Mark 10:2-16

Ang Kristianismo ay nakadisenyo upang maging pananampalataya ng pamilya at pamayanan. Hindi ito pansariling relihiyon lamang sa pagitan ng isang tao at ng Diyos.

Ito ang dahilan kung bakit pinalalakas ng mga apostol ang Kristianong tahanan dahil, sa loob ng sambahayan umuunlad ang pananampalatayang Kristiano.

Ang pananampalataya ay pampamilya. Pagmasdan ang sinabi ni Pablo sa Gawa 16:31, "Sumampalataya ka at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."

Gayun din sa mga sulat niya sa Efeso, Colosas at iba pa, tungkol sa ugnayan sa loob ng pamilya na nagpapakita ng pananampalataya. Laging mababasa sa mga sulat na ito ang gabay sa mga mag-asawa at sa tamang pagpapalaki sa mga anak.

Ang Diyos ang nagtakda ng pamilya bilang pundasyon ng pamayanan. Ito rin ang lakas ng pananampalatayang Kristiano. Kapag ang pamilya ay nagsisimula ng magkawatak-watak, ang lipunan ay nagiging mahina, ang mga values ng mga tao ay nawawalang halaga, at ang simbahan ay nawawalan ng miembro.

Ang matatag na pamilya ay nagpapalakas ng lipunan at nagpapatibay sa simbahan. Ang mahinang ugnayan sa pamilya ay kalimitang pinapasok ng kasalanan, mga bisyo at awayan.

Ano nga ba ang sinasabi ng Marcos 10:2-16 tungkol sa matatag na pamilyang Kristiano.

A. Matatag na samahan ng mag-asawa.

Naaalala ko ang sinabi ng pastor na nagkasal sa amin ng aking kabiyak, "Mangako kayo, for better or for worse, magmahalan kayo."

After 20 years of being an husband, nakita ko na marami nga yung worse experiences sa buhay na dapat naming pagtagumpayan to keep our marriage strong. And we reliazed that our strength is brought by our ability to stick together whenever trouble comes.

Ang tanong kay Jesus ng mga Pariseo ay; kung pinapayagan ng batas ang paghihiwalay sa pagitan ng mag-asawa.

Ang sagot ng Panginoon ay nagpapalinaw sa layunin ng Diyos na mapanatili ang ugnayan ng mag-asawa habang sila ay nabubuhay. Ngunit, dahil sa katigasan ng ulo, may mag-asawa na naghihiwalay.

Ang sagot ng Panginoon sa kanilang tanong ay maaring ipaliwag sa ganitong paraan: "Oo, maari ang paghihiwalay ayon sa batas ng Lumang Tipan, ngunit hindi masaya ang Diyos kapag ito ay nangyayari. Dahil, nangyayari ang paghihiwalay, hindi dahil kalooban ito ng Diyos kundi bunga ito ng katigasan ng ulo ng isa o ng parehong mag-asawa.

Ang layunin ng Diyos ay obvious, nais niyang manatili ang samahan ng mag-asawa kahit anong mangyari. Upang matupad ito, mahalaga ang mga sumusunod;

1. Gawing pang-habang buhay na committment ang pag-ibig ng mag-asawa sa isa't isa sa harapan ng Diyos. Pabayaang mamagitan palagi ang Diyos sa dalawa.

2. Manatiling nag-kakaisa ang mag-asawa, sa pagharap sa mga pagsubok.

3. Kailangang manatiling matatag sa pananampalataya sa Diyos ang mag-asawa, at kung sakaling magiging mahina ang isa sa kanila, mananatiling malakas ang isa  at hindi babagsak ang kabuoan ng pamilya.

Sa ganitong paraan, kung sakaling magkamali o magkasala ang isa, dahil sa matatag na pananampalataya, ang pagpapatawad at pagtanggap ay posible paring mangyari, at mananatiling matibay ang pamilya.

B. Pangalawang paraan sa matatag na pamilya ay ang tamang paghubog ng mga anak sa pananampalataya.

Ang ating teksto ay nagpapalinaw kung paano ito gagawin;

1. Una, pabayaang lumapit ang mga bata sa Panginoon sila ay mababasbasan at ng maranasan nila ang yakap ng Panginoon.

Maraming bata ang nag-iisip na walang nagmamahal sa kanila.

Walang perpektong magulang, kung kaya may mga batang nag-aakalang hindi sila mahal ng kanilang magulang. May mga magulang na nagkukulang naman talaga sa kanilang mga anak. Ngunit ang susi dito ay ang pag-ibig ng Diyos, bilang lakas ng isang bata sa paglaban sa mga pagsubok.

Dahil kapag naranasan ng isang bata ang pag-ibig ng Diyos, makakaya niyang salungain ang mga pagsubok sa buhay kasama ang Diyos.

2. Pangalawa, ituro na ang pananampalataya sa bata habang sila ay nasa murang edad pa.

Ituro sa bata ang dapat niyang malaman, upang sa kaniyang pagtanda, hindi niya ito makalimutan.

Ang regular na pagsasanay sa pananampalataya ay lubhang mahalaga sa paghubog ng isang bata sa maka-diyos na buhay.

Ito ay dapat na sinasadya. Ibig  sabihin, ito ay ginagawa sa pamamagitan ng,

a. Teaching by example. Pagiging modelo ng mga magulang sa kanilang mga anak.

b. Teaching by giving regular instructions. Patuloy pagbibigay paalala sa mga anak.

c. Teaching by association. Isama ang mga bata sa iglesia at mabubuting kaibigan upang mahubog sila kasama ng ibang bata sa pananampalataya. Ang Sunday School, children's choir at fellowship ay mabisang paraan upang matuto sa Diyos ang mga bata.

Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating pamilya. Lagi nating idalangin ang ating mga desisyon, na may malaking epekto sa ating relasyon bilang mag-asawa at sa buhay ng ating mga anak.

Tandaan, mahal ng Diyos ang ating pamilya. Ingatan natin ito at pakamahalin.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...