Miyerkules, Oktubre 24, 2018

Himnario ng Nagkaisang Iglesia Metodista Tagalog (Mga Bagong Salin)

Ang mga bagong liriko ng mga Himno sa ibaba ay salin ni Ptr. Jess Alvarado.

WE GATHER TOGETHER

Tayo'y nagkatipon upang papurihan, 
Ang D'yos na ating Gabay at Tanggulan, 
At kung mayr'ong hapis, sakit at kamatayan, 
Sa tulong ng Diyos, ay may kaligtasan. 

Ang Diyos ay Patnubay, ating kaagapay
Kahit sa lupa, naghaharing tunay, 
Sa mga pagsubok, lakas ay ating taglay;
Sa tulong ng Diyos, ganap ang tagumpay.

Itataas namin, banal mong pangalan,
At ang dalangin ay dinggin mong tunay,
Ang buong daigdig, nasa kapahamakan,
Iligtas mo O Diyos. Sa banal Mong Ngalan. Amen.




 Ama Naming Sumasalangit 
        (Our Father, Tune: Malotte)

Ama naming sumasalangit, ngalan Mo’y sambahin
Kaharian Mo’y dumating, kalooban Mo ay sundin.
Bawat araw, bigyang pagkain,
at patawarin kami, iba’y patatawarin.
sa tukso ay ilayo mo, at iligtas sa Tuso,
Sa’ Yo ang kaharian, kalakasan, luwalhati kailanman. Amen.

________________________
Papuring Awit, Paglilingkod
(We Are an Offering)

Papuring awit, at pagsamba, aming buhay sa Iyo ay aming kaloob,
Kami’y aawit, maglilingkod, aming buhay sa Iyo ay aming kaloob.

Kayamanan, aming lakas, lahat sa buhay ay aming alay,
Tanging sa ‘Yo.

Ang aming awit, at pagsamba.
Buhay namin ay handog sa ‘Yo Panginoon.  Sa ‘Yo Panginoon.
_____________________________________

Humayo at Maglingkod 
(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)

Humayo at maglingkod, at gawing alagad,
Sa buong daigdigan balita’y ihayag,
Luhod sa panalangin, sa Dios ay dumulog;
Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.

Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,
Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,
Ama, Anak  at Banal, Espiritung mahal;
At turuang sumunod sa banal na aral.

Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,
Atin silang akayin patungo kay Cristo,
Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,
Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.

Halina at humayo, sumunod sa tawag
Ng ating Panginoon at Tagapagligtas,
Maglingkod sa gawain habang mayr’ong lakas;
Sa wakas ay masabing tayo ay tumupad.


_____________________________ 

Katulad ng Usa 
     (As The Deer)

Katulad ng usa  ako’y uhaw sa ‘yo Panginoon,
Hanap ko ay ikaw, at nais kong sambahin kang lubos.

Koro:
Ikaw ang tanging lakas ko, laging hanap ng aking puso,
Hangad ko ay ikaw lamang  at nais kong sambahin ka.

Ikaw ang tangi kong karamay kung ako’y nalulumbay,
Tangi kong kaibigan, kapiling lagi sa aking buhay.

Higit ka sa ginto, o pilak kung aking ihahambing,
Ligaya ka sa buhay, kay inam Mo sa paningin.


__________________

Gawing Biyaya
   (Make Me A Blessing)

Sa anomang larangan ng buhay, may taong napapagal,
Ang kabigatan na pinapasan, sa puso ay may lumbay.

Koro:
Gawing biyaya, gawing biyaya,
daluyan ng pagpapala,
Gawing biyaya ang aming buhay,
Maging daluyan ng pagmamahal. Amen.

Ipakilala si Cristong mahal, kaloob N’ya ay buhay,
Ang manalig sa Kanya ng tunay, patawad ay kakamtan.

Magkaloob ka ng buong puso, umibig nang taimtim,
Maging lakas ka sa nanghihina , tumupad sa tungkulin.

__________________


O Lingkod ng Dios
(Ye Servants of God, UMH 181)

O lingkod ng Dios, inyong itanghal,
bigyang parangal Kanyang pangalan
Ang pangalang Jesus, inyong awitan.
Siya’y maghahari na walang hanggan.

Sya'y Dios ng langit, at Nagliligtas. 
Ating kapiling at ating lakas,
Sy,a’y ating purihin, laging sambahin. 
Tanging Manunubos, ang Hari natin.

Ang kaligtasan ng Panginoon.
Ating itanghal,  umaga’t hapon,
Awit ng papuri, pagsambang alay. 
Buong puso at isip, at  buong buhay.

Lahat sumamba, tayo’y umawit.
Sa Panginoon, Dios ng pag-ibig,
Kasama ng langit at mga angel. 
Ating papurihan ang Emmanuel!

_________________


Nais Kong Ibalita
 (I Love to Tell the Story of Unseen Things Above)

Nais kong ibalita ang tungkol sa langit
Kay Jesus na dakila at kanyang pag-ibig,
Nais kong ibalita dahil ito’y tunay,
At aking isasaysay habang  ako'y buhay.

Koro:
Nais kong ibalita, hanggang kaitaasan,
Ang tungkol sa biyaya  ng Dios nating mahal. Amen.

O kay inam awitin at muling sambitin,
Na si Jesus ay akin, at ako’y kanya  na rin,
At nais kong ulitin, upang iparinig
Sa ‘di pa tumatanggap sa kanyang pag-ibig.

O kay sarap ulitin ang balitang taglay
Sa mga nauuhaw, sa mga naliligaw,
Upang sila’y akayin, patungo kay Jesus;
Hanggang sila’y sumapit sa paanan ng krus.

________________________--


Dakilang Dios ng Biyaya
 (God of Grace and God of Glory)

Dakilang Diyos ng biyaya, iglesia Mo’y tulungan
Espiritu Mo ay igawad, bigyang kapangyarihan.
Igawad ang katapangan ng kami’y magtagumpay;
Sa mga hamon ng buhay.

Kasamaan at pagsubok, lumiligid sa amin,
Bigyang laya ang nasusukol sa kasalanang madilim.
Igawad ang kalakasan, nang hindi manlupaypay,
Sa buhay habang naglalakbay.

Supilin ang mga pag-aaway, kami ay bigkisin mo,
Kapakumbabaan ay itanyag, kayabanga’y ibagsak,
Igawad ang karunungan upang aming makamtan;
Pagkaka-isa at tagumpay.

Bigyang tatag sa pagsubok, baluti ay isuot,
Sa labanan ay ibalot sa pag-ibig ng Diyos
Igawad mo ang biyaya, kung kami ay mahina,
Tanging sa ‘Yo lang umaasa. Amen.

________________-

 Halina’t Papurihan! Alleluyah! Amen!
(Come Christians Join to Sing)

Halina’t mag-awitan! Alleluyah! Amen!
Ang Dios ay papurihan! Alleluyah! Amen!
Dakila  Siyang tunay.  Sa lupa at langit man.
Sambahin ang pangalan! Alleluyah! Amen!

Ibigay ang luwalhati!Alleluyah! Amen!
Sa Diyos nati’t Hari! Alleluyah! Amen!
S’ya’y ating patnubay, tunay na kaibigan!
Tapat at Walang Hanggan. Alleluyah! Amen!

Si Jesus ay purihin! Alleluyah! Amen!
Ang Nagligtas sa atin! Alleluyah! Amen!
Langit ay makakamit, sa biyaya’t pag-ibig,
na kaloob ng langit! Alleluyah! Amen!


_________________________ 

Lumalapit Jesus
(Jesus I Come Today)

Noong ako ay nasa dilim, Jesus ako ay lumapit,
At ako ay iyong sinagip, lumalapit Jesus.
Lugmok ako sa kasalanan, sa tulong mo, lumayang tunay,
Pagtawag mo ako’y lumapit. Lumalapit Jesus.

Nahihiya akong lumapit, ngunit ako ay tinawag ,
Biyaya mo ay nagtagumpay sa buhay kong taglay.
Aking luha ay pinahiran, bawat sugat ay nilunasan,
Lungkot ay naging pagdiriwang. Sa tulong Mo Jesus.

Sa gitna ng kabalisahan,  sayo’y may kapayapaan,
Buhay sa ‘Yo aking nakamtan, pinagpalang tunay,
Kabiguan naging tagumpay, kasawian naging kat’waan,
Sa piling mo ako’y lalapit.  Lumalapit Jesus.

Sa takot man sa kamatayan, Jesus ako’y lumalapit.
Sa hangganan ng aking buhay, lumalapit Jesus.
Ang tagumpay ay makakamit, kung sa langit ako’y sasapit;
Sa piling mo ako’y kakapit, lumalapit Jesus.

_________________________

Papurihan ang Diyos!
(Rejoice the  Lord is King)

Papurihan ang Diyos, haring walang hanggan!
Buong galak, umawit,  pasalamatan!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!

Naghahari Siya sa buong daigdig! 
Dios ng katotohanan at ng pag-ibig!   
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!

Paghahari ng Dios, walang katapusan!
Langit at lupa ay nasa kanyang kamay!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!

Magalak na lubos, naghahari ang Diyos!
Ligtas sa panganib lahat ng tinubos!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!


________________________

Ang Dios ay Purihin
(Tune: Magtanim ay ‘Di Biro)

Ang Diyos ay purihin, ating pasalamatan
Sa buhay nating taglay na bigay ng Maykapal,
Halina’t purihin, umawit at sumamba
Laging dumalangin, iwaksi ang masama.

Kay Jesus ay sumunod, sa kapwa ay maglingkod
Tayo ay magkaloob sa mga nagdaraop
Mahirap tulungan, malungkot ay samahan
Mahalin ang kapwa , at maging pagpapala.

Mamuhay ng payapa, kapiling ang pamilya,
At sa tulong ng kapwa, ay maging masagana,
Magsikap, magtanim, upang may aanihin,
Buhay na masaya ay makakamit natin.

___________________________

Walang Kaibigang Tulad ni Jesus
        (No Not One)

Walang kaibigang tulad ni Jesus, siya’y tunay na tapat.
Ginamot niya ang lahat kong sugat, siya’y tunay na tapat.

Koro:
Alam niya ang lahat sa akin. Lakas niya ay aking angkin.
Walang ibang katulad si Jesus, siya’y tunay na tapat. Amen.

Walang banal na tulad ni Jesus, dalisay na tunay.
Ngunit maamo bilang kaibigan, siya’y tapat na tunay.

Kasama ko sa lahat ng oras, siya’y tunay na tapat.
Kung gabi ay may dalang liwanag, si Jesus ay tapat.

__________________________________

 Kung Mahirap ay Tutulong
(When the Poor Ones, UMH # 434, Tune Name: El Camino)

Kung mahirap ang tutulong sa mahirap,
Kung pulubi ang siyang magbibigay;
Kung mahina ang magbabahagi ng lakas.

Koro:
Alam nating Dios ay ating kasama.
Alam nating Dios ay ating kasama.  Amen.

Kung ang mga naghihirap, payapa,
May pag-asa ang walang kinabukasan,
Kung pag-ibig sa halip na kalupitan.

Kung ating tahanan ay pinagpala
Sa halip na digmaan ay payapa
Ang salat ay ating natutulungan.



_________________ 

Tayo ay Humayo
(Tune: Bringing in the Sheaves)

Tayo ay humayo, magtanim sa puso ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita, tayo ng umani ng gintong bunga.

Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.

Tayo nang umani sa bawat umaga,
ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya,
tayo na’t anihin ang gintong bunga.

Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa na sa tamang oras ay aani ka,
Ngayo’y may pagtangis, bukas may pagtawa,
bawat kalungkutan, magiging saya.

________________

Ang Landas Kong Binabagtas 
(I’m Pressing On the Upward Way, Tune Name: Higher Ground)

Ang landas kong binabagtas ay patungo sa itaas,
Sa aking bawat paglakad tungo sa Tagapagligtas.
Koro:
Panginoon, dalhin ako, doon sa ligtas na dako.
Panginoon, itindig  mo ako sa buhay na bato.  Amen.

Tanging nais ng loob ko ay manatili sa Iyo,
Ang dalangin ng puso ko ang itaas maabot ko.

Kailingan ko’y mabuhay hindi sa mundong ibabaw,
Dahil nais kong makamtan ang marating ang kaita’san.

Langit nais kong marating, ito ang aking hangarin,
Kapahingaa’y lasapin at kay Jesus makapiling. _____________________________________ 

Halina O Emmanuel
(O Come O Come Emmanuel, UMH 211)

Halina O Emmanuel, at iligtas ang Israel
Sa labis na dusa’t sakit.  Hanggang Anak ng Dios ay sumapit.

Koro:
Magdiwang ka, Emmanuel! Iligtas mo ang Israel!

Halina O aming pag-asa. Kagalakan ang makapiling ka.
Hawiin mo kami sa dusa. Bigyang lakas at pag-asa.

Bumaba ka’t lisanin ang langit.  Kamay ng Diyos sa ami’y ilapit.
Nais namin ay mabuhay, sa diwa ng Iyong pagmamahal.

Lumapit ka, Ika’y inaasam ng daigidig na ‘Yong minamahal,
Ang Iyong kapayapaan, igawad Mo, kami’y naghihintay.
____________________________________

Lahat ng Tungkol Kay Jesus
(More About Jesus Would I Know)

Lahat ng tungkol kay Jesus, nais kong malamang lubos
Ang pag-ibig N’yang tumubos, kung bakit namatay sa krus.

Koro:
Patungkol kay Jesus, patungkol kay Jesus,
Nais kong malamang lubos, lahat ng tungkol kay Jesus.  Amen.

Nais kong matutong lubos sa kabanalan ng Diyos
Sa biyaya Niyang handog, ang kaligtasang kaloob.

Tungkol sa Kan’yang Salita, lahat nais kong mabasa,
Ang tungkol sa pag-ibig Niya, ligtas ako sa biyaya.

Nais ko S’yang makilala, dahil ako ay mahal N’ya,
Para sa’kin ay nagdusa, tinanggap N’ya ang parusa.

____________________________________

Awit Ko ay Para sa Nagmamahal
(I Sing the Song of the Saints of God, UMH#712)

Awit ko ay para sa nagmamahal sa Dios ng buong puso.
Na naglilingkod, at humahayo sa diwa ng pagsuyo;
Ilan ay doktor, at mayayaman, at mayro’ng yagit ngunit marangal,
Sila’y lingkod ng Diyos sa pamayanan. Nais kong mapabilang.

Mahal nila ang Panginoon, wagas na naglilingkod
Tapat sila na sumusunod, kay Jesus  Anak ng Dios;
May mga sundalo at mga pastor,  ang iba’y namatay, buhay ang alay,
Mahirap ngunit, para kay Jesus. Nais ko ring sumunod

Mula pa noon, hanggang sa ngayon, mayro’ng alagad ang Dios
Sila ay ilaw na tumatanglaw,  sa mundong naliligaw,
May mga guro, at magsasaka, may naglalakad lang sa kalsada
Mga lingkod ng Dios,  ako’y  kasama, sana’y mapabilang ka. 

__________

Humayo at Maglingkod 
(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)

Humayo at maglingkod, at gawing alagad,
Sa buong daigdigan balita’y ihayag,
Luhod sa panalangin, sa Diyos ay dumulog;
Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.

Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,
Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,
Ama, Anak  at Banal, EspIritung mahal;
At turuang sumunod sa banal na aral.

Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,
Atin silang akayin patungo kay Cristo,
Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,
Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.

Halina at humayo, sumunod sa tawag
Nang ating Panginoon at Tagapagligtas,
Maglingkod sa gawain habang mayr’ong lakas;
Sa wakas ay masabing tayo ay tumupad.

_______

Ang Iglesiang Hinirang ay Nagkakaisa
(O Church of God United, UMH 547, Tune Ellacombe / Aurelia) 

Ang iglesiang hinirang ay nagkakaisa, 
Binigkis ng pag-ibig ng Dios ng pagsinta,
Lahat ay humahayo sa sandaigdigan;
Tunay na kaligtasan ihayag sa tanan. 

Nagkaisang iglesia, tatak ay pag-ibig 
Mula sa mga bansa ng buong daigdig, 
Si Jesus ang pangulo, tayo ay katawan
Tinawag na magsilbi at Dios paglingkuran. 

Sa iglesiang hinirang ay walang banyaga, 
Kahit sa pangungusap, sari-sari’ng wika,
Sa pananampalataya naman ay iisa,
Naglilingkod sa tanging banal na Ngalan Niya.

Tayo ay dumalangin sa ating Dios Ama, 
Iglesia’y manatili sa pagkaka-isa, 
Sa bigkis ng pag-ibig tayo’y tumatag pa,
Mapuspos ang iglesia sa kabanalan Niya. 

---------------------------
Halina, Jesus na Mahal
(Come, Thou long-expected Jesus, UMH#196)

Halina Jesus na mahal, bayan mo’y naghihintay
Sa iyong kapanganakan, pag-asa’y makakamtan. 
O lakas ng Israel, pag-asa ng daigdig;
Bawat bansa’y umaasa, sa banal mong pagsinta. 

Dakilang handog ng langit, sanggol na anak ng Diyos
Maghari ka na sa amin, at gawin kaming lingkod
Sa Diwa ng kabanalan, buhay nami’y bihisan;
Sa tunay na kaligtasan, kami ay biyayaan.  

Halina O Panginoon, dumating ka na ngayon, 
Kami’y iyong saklolohan, upang ‘di maparool,
Ang liwanag mo’y itanglaw sa taong naligaw,
At ang dungis ay hugasan sa iyong dugong mahal. Amen. 


-------------------------  


1. Kayo’y Butil 
(You are the Seed, UMH # 583, Tune Name: Id Y Ensenad)

Kayo’y binhi na puno ng buhay,
mga bagong ani ng palay,
Kayo’y umaga ng bagong araw,
o ilaw na tumatanglaw,
Kayo’y asin na lasa’y maalat,
o sinag sa mandaragat
Kayo’y kamay na dala’y pag-ibig,
sinusugo ko sa daigdig.


Koro 1:
Humayo ka kaibigan, Diwa ko ang gabay,
Ihayag ang pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan,
Saksi ka kaibigan ko, muli akong nabuhay.
At ako ay kasama mo,  magpakailanman. Amen.

Kayo’y liwanag sa karimlan, tumatanglaw sa sanlibutan
Kayo'y apoy na may dalang init, sa taong nanlalamig,
Mga kamay na magpapagaling sa mga may karamdaman.
Mga pastol na dala ay gabay sa mga naliligaw.

Kayo'y buhay na mag-aaruga sa halaman at kabukiran,
Mangangalaga sa kalikasan, maglilinis ng karagatan,
Kayo'y tinapay sa nagugutom, kayo'y tubig sa nauuhaw
Kabutihan ay inyong itanyag, katuwiran ay ipatupad.

2. Bagong Araw, Bagong Umaga
(This the Day of New Beginning, UMH #)

Bagong araw, bagong umaga; taos pusong sumasamba
Puso'y  galak, puno ng pag-ibig, tanging sa Diyos nananalig.

Bagong buhay mula kay Cristo, pag-ibig na buhat sa Diyos;
Gabay ng Espiritu Santo, pag-asa ng buong mundo.
  
Tanggapin mo ang bagong buhay, na kaloob ng Maykapal;
Kasalanan ng ating kahapon, talikuran at itapon.

Sa iglesia tayo'y tinipon, ng Diyos Amang Panginoon,
Mag-kaisa sa kanyang pag-ibig, sa pag-asa't pananalig.

Bagong araw, bagong pag-asa, umawit ng buong saya;
Lumilikha ang Panginoon, ng panibagong panahon.
__________________________

3. Maging Tunay
(I Would Be True)

Maging tunay, mayro’ng nagtitiwala
Maging wagas, mayro’ng nagmamasid;
Magpalakas, may maraming pasanin,
Maging matapang sa susuhungin;
Buong tatag, sama’y sagupain.

Maging maamo sa lahat ng tao,
Magkaloob tapat na pagsuyo,
Magpakumbaba, at huwag maging palalo,
Maglingkod sa Diyos ng buong puso;
Buong galak, tayo ay humayo.

Maging ilaw tayo sa daigdigan,
Nasa dilim ay ating tanglawan;
Kabutihan ang ating isabuhay,
At si Jesus ay ating itanghal,
Papurihan ang Dios nating mahal.
______________________________

4. Si Jesus Ang Nais
  (I’d Rather Have Jesus)

Si Jesus ang nais, higit sa lahat, kahit na yagit, sa yaman ay salat;
Mas nanaisin ko ang maligtas, kay Jesus buhay ko’y ganap.

Koro:
Yaman ng mundo ito ma’y akin, kung ang Dios ‘di kapiling;
Mas pipiliin ko si Jesus, katiyakan ay akin. Amen.

Higit si Jesus kung umibig.  Pagmamahal N’yay ‘di nagmamaliw
Ang daigdig ma’y mapang-aliw, ito ay may wakas din.

Mas nanaisin ko si Jesus,  higit sa katanyagan,
Ang kasikatan, may hangganan. Si Jesus ay walang hanggan!


________________________

 5. Kami’y Naghahandog sa Diyos ng Pasalamat
 (Now Thank We All Our God, UMH 102)

Kami’y naghahandog sa Diyos ng pasalamat,
Sa kanyang kaloob, pala na walang sukat;
Mula sa pagsilang, Diyos ang nag-iingat,
Pag-ibig N’ya’y wagas para sa ‘ting lahat.

Awit ng papuri, sa Diyos ating ialay,
Ating ipagbunyi, banal Niyang pangalan;
At dahil kay Jesus, naligtas ang tanan,
Kasalanan natin kanyang binayaran.

Bigyan ng parangal, ang Diyos na pumatnubay,
Sa lahat ng banal sa sama’y nagtagumpay;
Lahat ay magpuri, Dios ay papurihan,
S’yang kahapon, ngayon, at magpakailan paman. Amen.


_______________________


6.  Anong Ligaya ang Makakamit
 (And Can It Be That I Should Gain? UMH363)

Anong ligaya ang makakamit kung ang dugong banal ang maglilinis!
Kasalanan ba’y lilinis? Ang karumihan ba’y maalis?
Dakilang pag-ibig ni Jesus! Ang a-king Diyos ay- nabayubay sa krus!
Dakilang pag-ibig ng Diyos! Nabayubay ang Manunubos.

Diyos na banal, ay nakipamuhay sa taong nalugmok sa kasalanan,
Ang buhay ay ini-alay, sa kanyang nilikhang namamanglaw;
Kaawaan ng Diyos na marangal, ang nag-ligtas- sa nanlu-paypay,
Dakilang biyaya ng Diyos!  Sa kasalanan ay tinubos.

Kusang iniwan ang kalangitan, at kusang hinubad kanyang kadiosan,
Doon sa krus ay namatay, ang dugo at buhay ini-alay;
Dakilang biyaya ang kaloob! Ang buhay at dugo kusang inihandog!
Dakilang biyaya ng Diyos!  Iniligtas ako ni Jesus!

Ako’y wala na sa parusa, inalis ni Jesus lahat ng sala,
Ako ngayon ay sa kanya, sakop ng pag-ibig n’ya’t pagsinta,
Buhay ko ay aking ihahandog. Sa namatay at nabuhay na Manunubos!
Dakila ka aking Jesus! Tagapagligtas ko at Diyos!
__________________________

 7. Tanging Pangitain K Diyos ay Ikaw
 (Be Thou My Vision, UMH 451, Slane)

Tanging pangitain ko Diyos ay ikaw,
Ang aking buhay ay may saysay,
Kung ikaw ang aking kapiling;
Kapayapaan ay aking angkin.

Ang kaloob mong karunungan,
Sa Salita mo mananangan,
Sa aking isip at kalooban;
Ikaw ang aking kayamanan.

Dakilang Dios ng langit, aking tagumpay
Ika’y makapiling sa walang hanggan,
Hangad na aking kalooban;
Manatili kang aking kaakbay.

_______________________


8.  Ang Diyos ay Tumatawag
(The Voice of God is Calling, UMH 436)

Ang Diyos ay tumatawag, tinig N’ya’y nahayag,
“Sino ang susuguin sa bayang nalinsad?
Sino ang magsasabi at magpapahayag?
Sa bayan kong nalugmok sa sakit at hirap?”

“Bayan ko’y inalipin at pinahirapan,
Ang hapdi ng damdamin, aking naramdaman.
Mamamayan kong mahal, nasa kadiliman;
Sino ang susuguin nang sila’y tanglawan?”

Tinig mo ay narinig, at kami’y hahayo,
Lingkod mo ay suguin sa nasisiphayo,
Hininga ay lilipas, buhay magwawakas
Kami ngayo’y gamitin habang mayro’ng lakas.

Kami ngayo’y iligtas sa pagmamataas,
Puso nami’y linisin sa maling pangarap,
Pabanalin mong tunay sa buhay na ganap;
O Diyos kayo’y mangusap, pagdinig ko’y bukas.
_______________________

9. Bagong Umaga
(Morning Has Broken, UMH145C)

Bagong umaga, dala’y pag-asa, ang bawat puso sumisigla!
Tayo’y umawit, sa lupa’t langit, lahat magpuri sa Lumikha.

May bagong araw, dala ay buhay sa kalupaang anong ganda,
Ibon sa langit ay umaawit ng pagpupuring walang humpay.

O kay ligaya, Diyos ay kasama.  Tayo’y magpuri sa twi-twina,
Tayo’y lumapit, lahat umawit sa Panginoon nating Ama.

O ang liwanag ay sumisikat.  Ang kagandahan ay kay tindag!
Ang sangnilikha ay umaawit at nagpupuri Lumikha.

_____________________

10. Sa Sangang Namumulaklak
(Hymn of Promise, UMH# 707)

Sa sangang namumulaklak, bukas bunga’y darating
Sa mga binhing may buhay, halaman uusbong din.
Lingid man sa nakikita ng matang naninimdim,
Sa huling yugto ng buhay pag-asa ay darating.

Sa bawat katahimikan, sisibol ang awitin
Sa dilim magliliwanag, malungkot,  aaliwin;
Kahapon ay mayro’ng bukas na ating haharapin,
Ating Dios ay kumikilos, pag-asa ay kakamtin.

Kahit na sa kamatayan, buhay ay makakamit
Sa mundo tayo’y lilisan, sasapitin ang langit;
Pagpanaw may bagong buhay at  ganap ang tagumpay!
Himalang hindi malirip, Dios ang nakababatid.

Ang buhay sa daigdigan ay mayroong hangganan,
Ngunit sa patutunguhan, buhay ay walang hanggan,
Ang tunay nating tahanan, hindi ang sanglibutan
Sa piling ng Diyos sa langit, buhay ay  makakamit.



__________________________________________

11. Tayo ay Humayo
(Sowing in the Morning / Bringing In the Sheaves)

Tayo ay humayo, magtanim sa puso ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita, tayo ng umani ng gintong bunga.

Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.

Tayo nang umani sa bawat umaga, ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya, tayo na’t anihin ang gintong bunga.

Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa na sa tamang oras ay aani ka,
Ngayo’y may pagtangis, bukas may pagtawa, bawat kalungkutan, magiging saya.


___________________

12. Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin
(Many Gifts One Spirit)

Diyos ng pagbabago, kami'y akayin.  Sa aming lakbayin lakas ka namin;
Tanggulan kang matatag, magbago man ang lahat.

Koro:
Aming Diyos, Di-wa ng pag-ibig at biyaya,
Balon ka ng pagpapala, O banal na Lumikha,
Ikaw ang ngayon, bukas, kahapon
Salitang Mahal at Diyos na Banal. Salamat sa kaloob, "Purihin"!

Diyos ng mga lahi, bayan at bansa, nagpapasalamat, iyong nilikha
Kanlungan kang matatag, pag-asa ka ng lahat.

Sa bawat umaga, laging sagana, ang iyong pag-ibig at pagpapala,
Kaloob mo sa amin, sa 'yo'y iaalay din.

_________________________________


13. Narito Ako
(Here I Am Lord)

Ako ang Diyos na lumikha nitong langit at lupa;
bayan kong nasa dilim, liwanagin.
Mga bit’win at buwan, sa buong kalangitan,
bayan ko’y naninimdim, bigyang pansin.
Koro:
Narito ako, suguin mo, narinig ko, Diyos ang tawag mo.
Susundin ko ang utos Mo. bayan mo’y mahal sa puso ko. Amen.

Ako na Diyos ng panahon, bayan ko’y iaahon,
sa hapis at sa lagim, sila’y akin.
Sila man ay lumayo, babaguhin ang puso.
Sino ang susuguin? Ako’y dinggin.

Diyos ako ng sinuman, alay Ko’y kaligtasan,
kayo ay mahal sa’kin, ako’y dinggin.
Nais ko ngang abutin, sa hirap ay sagipin,
lahat ay iaalay, maging buhay.

_________________________

14. Bubuhos ang Pagpapala
(There Shall Be Showers of Blessing)

Bubuhos ang pagpapala, ayon sa pangako N'ya,
May darating na biyaya, galing sa 'ting Lumikha.

Koro:
May pagpapala, uulan ng biyaya!
Bubuhos na sagana, kaloob ng Lumikha. Amen.

Bubuhos ang pagpapala sa mga taong aba,
Tanging sa Dios umaasa, pala ay sasagana.

Ibuhos ang pagpapala, O Panginoong Dakila,
Ang iglesia'y dumalangin, saganang pala’y kamtin.

Saganang pala’y darating nawa ngayon sa atin,
Kay Jesus ay manalangin at ng tayo ay dinggin. 

_______________


15. Ang Tinatahak Kong Landas
(Hymn at Tune Name: Higher Ground)

Ang tinatahak kong landas ay patungo sa itaas,
Sa aking bawat paglakad,  tungo sa Tagapagligtas.

Koro:
Panginoon, dalhin ako, doon sa ligtas na dako.
Panginoon, itindig mo ako sa buhay na bato. Amen.

Tanging nais ng loob ko ay manatili sa Iyo,
Ang dalangin ng puso ko, ang itaas maabot ko.

Kailingan ko’y mabuhay hindi sa mundong ibabaw,
Dahil nais kong makamtan, ang marating ang kaita’san.

Langit nais kong marating, ito ang aking hangarin,
Nang si Jesus makapiling, sa ligayang ‘di ma'hambing.
_________________________________________

16. Pag-ibig Mo Ang Yumayakap
(O Love That Wilt Not Let Me Go,  UMH 480, Tune: St. Margaret)

Pag-ibig mo ang yumayakap, sa puso kong nalulumbay,
Buhay ko ay sa Iyo lamang.  Sabay sa agos ng ilog patungo sa Iyo.

O liwanag sa aking daan, Ikaw ang tangi kong tanglaw
Kalul’wa ko’y nananawagan, liwanag mo ang tanging kong pag-asa sa buhay.

Ligaya ka sa kalungkutan, lakas kung may kabigatan,
Bahaghari ka sa tag-ulan, pangako mo’y tutuparin sa ‘kin lamang.

O krus na umako sa sala kailan ma’y hindi lalayo
sa ‘yo hanggang sa kamatayan
hanggang ako’y babalik doon sa piling Mo.

______________________ 

17. Kung Mahirap ay Tutulong
(When the Poor Ones, UMH # 434, Tune Name: El Camino)

Kung mahirap ang tutulong sa mahirap,
Kung pulubi ang siyang magbibigay;
Kung mahina ang magbabahagi ng lakas.

Koro:
Alam nating Dios ay ating kasama.
Alam nating Dios ay ating kasama.  Amen.

Kung ang mga naghihirap, payapa,
May pag-asa ang walang kinabukasan,
Kung pag-ibig sa halip na kalupitan.

Kung ang ating tahanan ay pinagpala
Sa halip na digmaan ay payapa
Ang salat ay ating natutulungan.



______________________________________


18. Jesus, Jesus
(Jesu, Jesu, MH #432, Tune Name: Chereponi)

Refrain:
Jesus, Jesus, puspusin kami ng ‘yong pag-ibig,
Kami ay maglilingkod. Amen.

Lumuhod sa paanan ng iyong kaibigan,
Paa ay hinugasang lahat.

Kapwa man ay mahirap, o kahit na mayaman
Sila ay dapat paglingkuran.

Mahalin aming kapwa, kaibigan o kaaway,
Utos Mo ay susunding tunay.

Luluhod sa paanan, paa ay huhugasan
Aming kapwa ay paglingkuran.
_________________________________

19. Kung Salita Ko Ma’y Ganap
(The Gift of Love, MH#408, Tune Name: Gift of Love)

Kung salita ko ma’y ganap, maging bantog na mangusap
Kung puso ay hindi wagas, sa pag-ibig na ma’y salat.

Kahit buhay ko’y ibigay, kung kulang sa pagmamahal;
Ako’y walang kabuluhan, buhay ko ay hungkag naman.

Kahit talino ma'y akin, kung pag-ibig ay 'di angkin,
Aking dunong, pawang walang halaga sa 'king Lumikha.

Halika Esp’ritung Banal, at kami ay pagharian,
Puspusin ng pagmamahal ang buhay namin sa ‘yo lamang.

Sa aming Dios ng pag-irog, tanggapin aming kaloob,
Papuri at pasalamat, pagsambang sa Iyo’y handog.

__________________________

20. Sa Mumunting Siklab
(Pass It On)

Sa mumunting siklab, apoy ay magniningas
At sa ilang iglap, makikita’y liwanag.
Katulad ng pag-ibig ng Dios na nagliligtas,
Tanggapin S’ya sa buhay mo, pag-ibig N’yay wagas.

Kay ganda ng hardin, luntian ang tanawin;
Halama’t bulaklak, ibon ay may awitin
Katulad ng pag-ibig Niya, kung iyong tanggapin
Sa puso ay may awitin,  ang Diyos ay purihin.

Dalangin ko sa Diyos, ikaw aking kaibigan
Ang maranasan mo, tunay na kaligtasan;
Sabay nating isisigaw, ang Diyos papurihan,
Pag-ibig Niya ang nagligtas, sabihin sa lahat.

Mga anak ng Diyos, sabay-sabay sa awit,
Sa iisang tinig, sabihin sa daigdig;
Ang tanging Dios na dakila, nagkatawang kusa,
Pagliligtas N’ya’y tanggapin. Sabihin sa lahat.

___________________________________

21. Salamat sa Lumikha
(Come Ye Thankful People Come)

Salamat sa Lumikha sa anihang sagana
Mga punong sisidlan, umaapaw na kaban;
Sa Dios na nagkaloob papurihan na lubos,
Pasalamat ihandog sa Dios nating mairog.

Ang buong daigdigan, puno ng halamanan,
Nilikhang may’rong buhay,  pagpapala ngang tunay;
Tumubong mga palay, mga bunga at gulay
Anihan ay dumatal, Dios ay pasalamatan.

Si Jesus ay darating, tayo ay aanihin,
Sa daigidig kukunin,  sa langit ay dadalhin,
Masama’y itatapon sa apoy na linggatong,
Bunga ay titipunin, ng lalo’ng pagyamanin.

Jesus, nawa’y dumating ka ngayon sa ‘ming piling
Kami ay 'Yong linisin, at kami ay anihin;
Mabubuti ngang gawa kaloob ng iglesia,
Handog namin sa Ama, papuri at pagsamba.

__________________________________________

22. Tindig Anak ng Diyos
(Rise Up O Men of God)

Tindig anak ng Diyos, humayo’t maglingkod,
Buong puso mo at lakas, sa Diyos mo ihandog.

Tindig anak ng Diyos, tungkulin gampanan,
Mahalin mga kapatid, madla’y paglingkuran.

Ang krus ay itaas, iglesia’y itanyag,
Dakilang ngalan ni Jesus ating ipahayag.

Buhay ay ihandog sa Panginoong Jesus,
Humayo ka at maglingkod, tindig anak ng Diyos!.

________________________________________

23. “Kaya Mo Ba ang Mabuhay Para sa Akin Lamang?” 
(“Are Ye Able?” Said the Master)

“Kaya mo ba ang mabuhay para sa akin lamang?”
Panginoon ang tugon ko, “Buhay ko ay sa'Yo lang.”

Koro:
Ang aking buhay, sa Iyo lamang.
Ako’y hubugin, gamiting tunay,
Ang Iyong tanglaw ng pagmamahal
Ang liwanag at gabay sa ‘king daan. Amen.

“Iyo bang naaalala, ang napakong salarin?
Siya ay sumamp’lataya, at s’ya ay naligtas din?”

“Kaya mo bang magpatuloy sa iyong paglilingkod?
Bagama’t mayroong pagsubok, ikaw ba ay susunod?”

“Susunod ka ba sa akin kung puno ng pasanin?”
"Susunod ako O Jesus, hanggang ako ay kunin!"

_____________________________ 


24. Tulad Mo ay Isang Ibon
(Like the Murmur of the Dove’s Song, UMH#544, Tune Name: Bridegroom)

Tulad mo ay isang ibon na mayroong awitin,
Hangin kang dala ay buhay na di kayang supilin,
Halina Espiritu.

Sa iglesia mong tinawag, kami ay itinatag
Sa lupa ay magpahayag, buong tapat at lakas
Halina Espiritu.

Sa diwa ng ‘yong pag-ibig, kami ay ‘yong binigkis
Sa timyas ng Iyong tinig sa iyo ay umanib.
Halina Espiritu.

Kami ngayo’y maglilingkod, sa nais Mo’y susunod,
Hahayo ng buong lugod sa mundong iniirog.
Halina Espiritu.

______________________

25. Kay Jesus Ka Lumapit
(Turn Your Eyes Upon Jesus)

Ikaw ba’y pagod at balisa?  Dilim ang s’yang nakikita?   
Mayro’ng liwanag at pag-asa, kung si Jesus ang  kasama.

Refrain:
Kay Jesus ka lumapit, sa banal N’yang mukha tumitig,
Dilim ng mundo ay madadaig, sa tanglaw ng kanyang pag-ibig.

S’ya ay namatay at nabuhay, nagapi n’ya ang libingan
Kasalana’y wala ng tagumpay, tayo ay wagi ngang tunay.

Salita N’ya ay ‘di nagbabago, pangako n’ya’y ‘di nagmamaliw,
Kahit na ang mundo’y magdilim, pagliligtas N’yay  t’yak pa rin.



______________________

26. Ang Kapayapaan Kung sa 'Ki'y Dumating
(A Peace Like a River / It is Well)

Ang kapayapaan kung sa 'ki'y dumating, lungkot kusang lilipas din,
Ano mang pagsubok, payapang lubos. Puso ko'y panatag sa Diyos.

Koro:
Panatag na lubos, diwa ko'y payapa sa Diyos. Amen.

At kung may panganib, masama'y may badya, sa Diyos ako'y may tiwala.
Dahil si Jesus ang sa'ki'y tumubos buhay ko'y panatag na lubos.

Kasalanan ko ay tunay na nilinis, ganap, lahat ay naalis
Doon sa kalbaryo, buhay ko'y binago, purihin ang Dios kalul'wa ko.

Panginoon ko sa iyo'y maghihintay sa muli mong pagdating
Doon sa langit ako'y salubungin, nang kapayapaan ay kamtin.


_____________________

27. Ako’y Sumayaw at Umi-indak
(Lord of the Dance)

Ako’y sumayaw at umi-indak, sa paglikha ko puso ko ay nagalak,
Kasabay ng tala at ng bulaklak, doon sa belen ng ipanganak.

Koro:
Indak, sumabay, sumayaw, buong galak - kayo’y sumigaw,
Umawit lahat at pumalakpak, sumabay sa awit na may pag-indak.

Awit ko’y tumawag sa marami, tinig ko’y di pansin at para silang bingi,
Mangingisda nama’y ‘di tumanggi, nakisayaw sila sa akin.

Ako’y sumayaw sa pagsamba, mga pilay pinagaling ko pa,
Relihiyoso ay nagalit na, kaya tinanggap ko ay parusa.

Sa krus na kahoy, ako’y pinatay, ako’y ipinako at doon binayubay
Ngunit kailanman ako'y buhay. Sa aking sayaw, kayo’y sumabay.


________________________

28. Ayon sa Kasulatan (Tagumpay Ko Ay Tunay)
(Oh Victory in Jesus)

Ayon sa kasaysayan, nasaad sa kasulatan
Si Cristo’y nakipamuhay sa sangkatauhan;
Buhay ay inihandog, at sa atin ay kaloob,
Ang mananalig kay Jesus, tagumpay ay lubos!

Koro:
Tagumpay ko ay tunay, naligtas aking buhay
Panginoon kong si Jesus, aking Manunubos;
Sa krus ay nabayubay, buhay ko’y dinalisay,     
Ako’y nanalig kay Jesus, tagumpay ko’y lubos.

Narinig kong salaysay, bulag, mata’y nabuksan,
At lumakad mga pilay, O himalang tunay!
Ako ay dumalangin, ng sa sala hanguin,
Samo ko’y tinugon ng Diyos, tagumpay ko’y lubos.

May Mabuting Balita sa dakilang biyaya,
May tahanan na kay ganda sa kaharian Niya;
Doon ako’y aawit ng tinig makalangit,
Kasama ng mga angel papuri ang sambit.

________________________


29. Buhay na Pananalig
(Faith of Our Fathers Living Still)

Buhay na pananalig, sa amin ay ipinamana
Puso namin ay masayang maglilingkod at sasamba.
Pananalig namin sa Diyos! Habang buhay maglilingkod.

Ninuno natin ay nanalig, sa gitna man ng panganib,
Dugo’t sarili ang kaloob, sa Dios buhay ay inihandog.
Pananalig namin sa Diyos! Buhay namin ihahandog.

Pananalig na tinanggap ay siya naming ihahayag,
Maglilingkod na buong tapat, ng kaligtasa’y lumaganap.
Pananalig namin sa Diyos! Magtatapat kaming lubos.

Pananalig ay mamahalin, habang buhay na tangkilikin
Kapwa’t kaaway ay iibigin, utos ng Dios na mairugin;
Pananalig namin sa Diyos!  Kay Jesus ay maglilingkod. Amen!

__________________________________

30. Dakilang Biyaya ng Diyos
(Amazing Grace)

Dakilang biyaya ng Diyos sa akin ay nagligtas!
Ako ay naligaw, at Kanyang hinanap. Dilim naging liwanag.

Biyaya’ng sa ‘ki’y nag-alis sa takot at hapis,
Saganang biyaya, mula sa Lumikha mula ng manalig.

Ang pangako ng Pangino’n, ay may pag-asang angkin,
Aking Manunubos, tiwala ay lubos, na ako'y lilingapin.

At kung dulo man ay abutin, at ako'y kukunin,
Sa langit na mahal aking pupurihin, Dios ay luwalhatiin.

____________________________________



31. Buhay ang Panginoon
(He Lives)

Buhay ang Panginoon, at Siya ay narito,
Kasama ko sa buhay sa alin mang dako;
Ako’y magpapatunay na Siya ay buhay,
Siya’y aking kapiling,  sa 'king buhay.

Koro:
Buhay! Buhay! Si Jesus ay buhay!
Kapiling ko’t kasama ko, sa ‘king paglalakbay.
Buhay! Buhay! Si Jesus ay buhay!
Siya ay nasa puso ko. Alam kong Siya’y buhay!

Nadarama kong tunay ang kanyang pag-ibig,
At maging sa panganib, tulong Niya’y ‘di lingid;
Siya ang nangunguna, at pumapatnubay,
Buhay ay kay ligaya sa piling Niya!

Tayong mga Kristiano ay magpuri twina,
Sama-samang umawit sa Diyos, Halleluyah!
Naghahari si Jesus sa langit at lupa,
Siya ay ating sambahin, purihin Siya!


_________________

32. Ang Kapurihan Tanging Kay Cristo Lang
(Thine Be the Glory / Tune: Judas Maccabeus, MH #308)

Ang kapurihan tanging kay Cristo lang,
Ang nagtagumpay sa kamatayan;
Ikaw ay buhay magpakailanman.
Kaluwalhatian Mo’y walang hanggan.

Koro:
Ang kapurihan Cristo sa ‘Yo lang,
Tiyak ang tagumpay sa kamatayan. Amen.

O Panginoon, kami’y pakinggan,
Alisin ang lumbay at ang takot man.
Nang ang iglesia ay magtagumpay
Ang ‘yong biyaya sa ‘mi’y ibigay.

Diyos ng buhay, sami’y ibigay
Ang Iyong biyaya ay walang hanggan;
Ganap na tagumpay ang Iyong alay,
Hanggang masapit ang ‘Yong kaharian.


_________________


33. Ang Diyos ni Abraham,  Ating Papurihan
(The God of Abraham Praise)

Ang Diyos ni Abraham, ating papurihan
Panginoong walang hanggan, tanging banal.
Dakilang Maylikha ng langit at lupa,
kaming lahat ay sasamba sa Ngalan niya.

Sa pangako niya, ako ay tiwala
ang lakas ko'y sa agila, kaloob niya.
Aking makikita, mukha niyang kayganda,
sa langit ay pupurihin siya sa t'wina.

Ako ay hahayo sa banal na dako
lupa ng kapayapaan ay sagana,
Ang pulot at gatas ay umaapaw
halaman di natutuyo sa tag-araw.

Naghahari ang Diyos, sa buong daigdig,
banal, banal, banal na Diyos ng pag-ibig
Ngayon at kahapon, s'ya ang Panginoon,
Diyos ng bukas at sa lahat ng panahon.

_____________________________

34. Ang Pag-ibig Niyang Dalisay
(The Love Of God is Greater Far)

Ang pag-ibig niyang dalisay, higit sa kayang isaysay,
Mas mataas sa kalawakan malalim sa karagatan.
Ang katibaya’y makikita, sa kanyang pagsinta
Nang ibigay ang Anak  Niya, pantubos sa sala.

Koro:
Pag-ibig N’yang kay dakila,  ganap, walang hanggan!
Ang dakilang pagmamahal mula sa Maykapal.  Amen.

Kung panahon man ay lumipas, at daigdig ay magwakas,
Ang tumanggi sa Manunubos, ay hindi makakaligtas.
Ang pagsinta ng Diyos Ama, ang tanging pag-asa,
Ang manalig sa Anak Niya, maliligtas sa sala.

Hindi kaya kung ipinta, lawak ng Kanyang pagsinta,
Ang dagat man, ay aapaw pa, sa daloy ng pag-ibig Niya,
Pagmamahal ng Diyos Ama, labis na pagsinta,
Nang ibigay ang Anak  Niya, pantubos sa sala. 


Linggo, Hunyo 10, 2018

June 2018 Revised Common Lectionary

June 2, 2018
Ang Panginoon ng Sabbath
Second Sunday After Pentecost
Mark 2:23-3:6
Nagtitipon tayo ngayon upang sumamba at magpasalamat sa Diyos. Napakabuti ng Panginoon kaya dapat siyang pasalamatan.
Ang araw na ito ay "date" ng Panginoon sa atin. Ito ang araw na kanyang itinalaga para sumamba tayo at magpasalamat sa kanya.
Sa araw na ito, excited ang Diyos na makita tayo. Tayong mga magulang excited tayo na makita at makasama ang ating mga anak. Gayundin ang ating Amang Diyos. Nagagalak siya na makita tayo sa kanyang simbahan.
Ang Sabbath ay ang ika-apat na utos ng Diyos (Sa Sampung Utos). Ang Sabbath ay paraan ng pagpapakilala ng Diyos, dahil siya ang Panginoon ng Sabbath.
a. nais ng Diyos na makapahinga ang lahat ( Deut.5:12)
b. upang kilalanin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay (5:14)
c. upang maunawaan ng mga Israelita na sila ay iniligtas ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Egypt at ngayon sila ay malaya na.
Mga Pagtatalo Tungkol sa Sabbath
May dalawang kontrobersiya sa mga kwento na ating tutunghayan. Ang una ay nang pumitas at kumain ang mga alagad ng Panginoong Jesus ng uhay ng trigo. Ayon sa interpretasyon ng mga Pariseo sa kautusan, ito ay labag sa batas ng Pamamahinga o ng Sabbath.
Pinaalala ng Panginoon sa mga Pariseo ang tungkol sa ginawa ni Haring David noong sila ay hinahabol ng mga tauhan ni Saul. Nagutom sila at kinain nila ang tinapay ng templo na pari lamang ang may karapatang kumain. Sinasabi ni Jesus na ang tugon sa gutom ng isang tao ay higit na mahalaga kaysa batas na nagpapahirap sa taong nangangailangan. Ang Sabbath ay para sa ikabubuti ng tao. Hindi ito dapat maging batas na magpapahirap pa lalo sa isang nahihirapan na.
Muli, pinaalala ng Panginoon ang kahulugan ng Sabbath ayon sa Deut. 5:12-15. Ito ay araw ng pamamahinga, ito ay nag-papaalala sa kabutihan ng paglikha ng Diyos at ng paglayang mula sa Diyos.
Ang pangalawang kontrobersiya ay tungkol sa pagpapagaling na ginawa ng Panginoon sa araw ng Sabbath. Muli, ito ay tinutulan ng mga Pariseo.
Ngunit lalong uminit ang ulo ng Panginoon sa mg aPariseo.
Bago pinagaling ang maysakit, nagtanong ang Panginoon ng ganito sa mga Pariseo,
“Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” - Mark 3:4
Mababasa natin na ang insidente ay naganap sa sinagoga, at sa Araw ng Sabbath, sa banal na lugar at banal na araw. Pinalitaw ng mga Pariseo na pagpapagaling o paggawa ay labag sa batas ng banal na araw tulad ng Sabbath. Ngunit ang tanong ng Panginoon ay tungkol sa “paggawa ng mabuti” sa banal na araw ng Sabbath.
Walang naisagot ang mga Pariseo. Sa halip, sila ay lalong nag-isip ng mas masama. Binalak nilang patayin si Jesus.
Para saan ang Sabbath?
Ang Sabbath ay utos ng Diyos para sa kapakanan ng tao. Ang magpahinga, ang maging mapagpasalamat sa kabutihan ng Diyos bilang Lumikha at upang alalahanin ang ginawang pagpapalaya ng Diyos sa Israel.
Para sa Panginoong Jesus, mali ang interpretasyon ng mga Pariseo sa kanilang pakakahulugan sa Sabbath. Pinagbabawal nila ang magtrabaho tuwing Sabbath, at lampas dito, pinababawal nila ang gumawa ng mabuti sa Sabbath. Mali para sa kanila ang kumain o ang magpagaling ng maysakit sa araw na ito. Naging makitid ang kanilang pakahulugan.
Ang buhay ang pangunahin sa Panginoon at hindi ang batas. Ang batas ay dapat na magsilbi para sa ikabubuti ng tao.
Sino ang Ating Diyos?
Siya ang Diyos ng Sabbath. Wika ng Panginoong Jesus sa Marcos 2:28,
”Ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
Ang Diyos ay Panginoon ng kabutihan at hindi ng mga nagpapahirap na kautusan. Siya ay Diyos na nagpapalaya. Ngayon tayo ay tagasunod na ni Cristo, hindi na tayo dapat makulong sa mga batas. Malaya na tayo upang gumawa ng mabuti.

June 10, 2018

Si Jesus at si Beelzebul
Marcos 3:20-35
Patuloy ang ating pag-aaral kung sino ang Diyos na ating sinasamba. Sa ating aralin, patuloy nating kikilalalnin ang Panginoong Jesus.
May mga kaaway ang Panginoong Jesus, at upang tuligsain siya, sinasabi nila na siya ay sinasapian ng Diablo o ni Beelzebul. Sinasabi rin nila na nasisiraan siya ng bait (3:20). Madalas magpalayas ng emonyo ang Panginoon.
Ang pangalang Beelzebul ay nangangahulugang “panginoon ng mga langaw” (lord of the flies) o kaya ay lord of the dung o panginoon ng dumi o tai. Maari din na ang zebhul (na ibig sabihin ay bahay o house), ang tinutukoy sa Marcos ay “panginoon ng bahay”.
Ganito ang kanilang sinasabi laban kay Jesus sa Marcos 3:22,
Sinasabi naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasapian siya ni Beelzebul. Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!”
Sa sagot ng Panginoon, ipinakilala niya na hindi tama ang kanilang bintang,
1. dahil hindi maaring magkabaha-bahagi si Satanas laban sa sariling pangkat at hindi siya maaring manghimagsik laban sa sarili.
2. isa pa, napasok na ni Jesus at napaalis si Satanas sa kanyang sinasapian o bahay. Bagamat madalas gumagamit ng mga panalangin upang talian si Satanas, nagapi ng Panginoong Jesus ang kasamaan sa pamamagitan din ng kabutihan (moral victory) ayon sa Marcos 1:13. At nauutusan niyang umalis ang mga demonyo para lubusang lumayas (Marcos 1:25).
Kasalanang Walang Kapatawaran
Mabigat na salita ang kasunod na sinabi ng Panginoong Jesus;
28Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan, v29ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat ito ay walang hanggang kasalanan.” v30Sinabi ito ni Jesus sapagkat sinasabi ng mga tao na siya’y sinasapian ng masamang espiritu.”
Ang paglapastangan sa Espiritu, na walang kapatawaran ay;
a. Ang hindi pagkilala sa pagiging Messias ni Cristo, kasabay pa ng pagsasabing siya ay sa demonyo.
b. ang kawalan ng pag-sisisi dahil sa katigasan ng puso
Isang katumbas nito ay mababasa sa Juan 8:23-24,
v23Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kayo’y mula dito sa ibaba, ako’y mula sa itaas. Kayo’y taga-sanlibutang ito, ngunit ako’y hindi, v24kaya sinabi ko sa inyong mamamatay kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y Ako Nga’, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan.”
Ang hindi pagkilala sa pagka-diyos ni Cristo ay kasalanang walang kapatawaran! Ang ganitong pagkakasala sa Diyos Anak ay may kapatawaran kung pagsisisiha. Ngunit kung walang pagsisisi, ito ay kasalanan sa Espiritu Santo at parurusahan.
Mga Ina at Kapatid ni Jesus
Dumating ang pamilya (kapatid at ina) ng Panginoon na nagmamasakit dahil sa pagpaparatang ng marami ng tao kay Jesus. Nang sabihin nila na sinasapian siya ng demonyo, ito maaring maging resulta ng pag-alipusta ng mga tao sa kanya. Ibig sabihin, ang pagpunta nila kay Jesus ay bunga ng kanilang malasakit. Muli, ang kasagutan ng Panginoon ay isang palaisipan. Wika niyasa Marcos 3:33-35,
"Sino ang aking ina at mga kapatid?” tanong naman ni Jesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot at sinabi, “Sila ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay siyang aking ina at mga kapatid.”
Sa mga panahon ng pag-uusig tulad nito, ang pagsunod ng tapat sa Panginoon ay ang tanging batayan ng ating kaugnayan sa kanya. Ang tsgpong ito ay ginamit ng Panginoon upang hamunin ang bawat tagapakinig na unawain kung alin ang tunay na nag-uugnay sa Panginoong Jesus at ang mga alagad- ito ang pagsunod sa kalooban ng Diyos kahit may pagsubok.
Ang katapatan sa Panginoon ay maaring maparatangan at maging dahilan pa ng pagsubok. Si Apostol Pedro man ay nagsabi ng ganito,
“Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito’y di pangkaraniwan. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kadakilaan. Mapalad kayo kung kayo’y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.” (1 Pedro 4:12-14)

Buod ng Aralin:

Natutunan natin ang mga sumusunod sa ating aralin;
1. Si Jesus ay sa Diyos, at hindi sa diablo. Si Jesus ay dumating upang labanan sa kasamaan at kasalanan. Ang idawit ang tungkol sa Diyos sa kasamaan ay malaking kasalanan.
2. Nagapi na ni Cristo ang kasamaan. Ang pagsunod kay Jesus ating pakiki-isa natin sa paglaban sa kasalanan at pagtatagumpay ng Diyos para sa kabutihan.
3. Ang pagsunod sa Panginoong Jesus ay pananatiling tapat sa ating kaugnayan sa kanya bilang pamilya ng Diyos (ina at kapatid) na sumusunod sa kabila ng mga pag-uusig at mga pagsubok.


June 17, 2018
Parables of the Kingdom
Mark 4:26-34
Ang mga parabola ay mga kwento ng paghahalintulad ng isang bagay na mahirap unawain, sa isang karaniwang bagay para madaling maunawaan ng mga tao. Ang ganitong paraan ng pagtuturo ay epektibo sa panahon ng Panginoon, at gayun din sa ating panahon.
Sa unang bahagi ng ating aralin, ang nais ituro ng Panginoong Jesus ay tungkol sa kaharian ng Diyos. At ito inihalintulad niya sa pagtatanim ng isang maghahasik ng binhi sa kanyang bukirin. Ang paghahari ng Diyos ay inilarawan ng Panginoong Jesus gamit ang karaniwang bagay na makikita sa kapaligiran ng Galilea.
Sa kwento, ipinakita ng Panginoon na hindi lamang ang kakayanan ng magsasaka ang bumubuhay sa halaman. Ang binhi mismo ay may sariling buhay. At pagdapo nito sa lupa, ang buhay ng binhi ay uusbong, lalaki at mamumunga. Dahil ang halaman ay tumutubo at lumalaki na hindi namamalayan ng magsasaka. Ang nagpapalago sa halaman ay ang lupa.
Madaling maunawaan ito ng mga karaniwang tao sa panahon ng Panginoon. Ginamit niya ang binhi upang ipaliwanag ang kaharian ng Diyos.
1. Ang kaharian ng Diyos ay tulad ngnbinhi na may dalang buhay. Dahil ito ay kaloob ng Diyos sa atin. Ito ay isang regalong mula sa Diyos.
2. Ang Diyos ang tunay na magsasaka at tayo ay mga katulong lamang ng Diyos. Hindi nakadepende ang Diyos sa atin, sa halip, tayo ang umaasa sa Diyos na nagpapatubo at nagpapalaki ng kaharian.
3. Sa panahon ng pag-aani, kasama natin ang Diyos sa pagdiriwang dahil sa maraming bunga na aanihin.
Kung hindi natin nauunawaan na ang Diyos ang unang naghahasik, at siya ring nagpapatubo, maari tayong magmalaki dahil sa ating mga ginawa para sa ikalalaganap ng kaharian ng Diyos. Ang pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa pamamagitan ng kanyang paghahari ang tunay na humuhubog sa kasaysayan.
Sa pangalawang kwento, ang kaharian ng Diyos ay inihalintulad sa binhi ng mustasa. Ang mustasa sa Israel ay maliit na puno, na mula sa pinong binhi. Paglaki nito, maari itong pamugaran ng mga maliliit na ibon.
Tulad ng maliit na binhi ng mustasa, ang kaharian ng Diyos ay nagsisimula bilang maliit na mensahe na inihasik. Sa unang tingin, inakala ng mga tao na wala itong kabuluhan, ngunit ito ay may kakayanang lumaki!
Ang kaharian ng Diyos ay nagsimula sa munting pangangaral ng Panginoong Jesus sa Galilea. Inakala ng mga pumatay sa kanya na mapipigil nila ang pagkalat ng kanyang impluensya sa Israel. Ngunit ang binhi ng kanyang mga salita ay naihasik na. Hindi alam ng mga pumatay sa Panginoon na ang binhi na naihasik, ang pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos ay kakalat sa buong mundo. Ang kaharian ng Diyos ay nagsisimula na maliit, halos hindi makita, ngunit lumaki at naging puno.
Ang paghahari ng Diyos ay tunay na nagaganap sa kasaysayan at ito ay may malaking impluensya sa buhay ng bawat tao. Sa ating paghahasik ng Salita ng Diyos, huwag nating kalilimutan ang malaking maihahambag ng pangangaral sa buhay ng ating mga tagapakinig.

June 24, 2018
Ang Panginoon ng Kalikasan
Marcos 4:35-41
Patuloy nating kilalanin ang Panginoon. Sa tagpong ito, ipinapakilala ni San Marcos ang Panginoon sa kanyang kapangyarihan sa kalikasan.
Unawain natin na:
1.Sa tradisyong Judio, ang naghahari sa kalikasan ay ang Diyos na Lumikha nito. Ayon sa Awit 107:29,
“Ang bagyong malakas,
pinayapa niya’t kanyang pinatigil,
pati mga alon,
na naglalakihan ay tumahimik din.”
Masasabi natin na ang pagtataka ng mga alagad ay hindi dahil napatigil ng Panginoon ang alon at hangin. Sila ay nagtataka kung sino ang taong ito na kasama nila. (Sino ito? -v. 41).
2. Ang pag-hidlip ng Panginoon sa banka ay katibayan ng tahimik na pananampalataya. Mababasa sa Awit 4:8 ang ganito:
8Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,
pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
O kaya sa Kawikaan 19:23,
23Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito’y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.
Ang ating aralin ngayon ay nagpapakilala kung sino ang Panginoon na tumawag sa atin. Tayo tinawag upang maglingkod sa kahariang hindi natitinag. Napag-aralan natin na ang kanyang paghahari ay tulad ng trigo, na siguradong tutubo at magbubunga. Hindi ito gawa ng tao, kung kaya, ito ay tunay na magtatagumpay sa wakas.
Dahil dito, kailangan tayong magtiwala sa Panginoong Jesus kahit may mga bagyo na darating sa ating buhay at ministeryo.
Tatag ng Pagiging Kristiano
Ang ating tatag ay bunga ng ating pananampalataya sa kanya na tumawag sa atin. Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa biyaya ng Diyos na hindi nagkukulang. Sa ating aralin, sinasabi ng Panginoon na ang takot ay katumbas ng kawalan ng pananampalataya. Mababasa ang sinabi ng Panginoon sa Marcos 4:40,
“Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya?”
Ang matakot habang nasa kalagayan ng panganib ay normal na mararamdaman, ngunit ang matakot habang kasama ang Diyos ay kawalan ng pananampalataya. Bilang Kristiano, ang pagkakaroon ng pananampalataya ay mapapatunayan sa pagkawala ng takot. Sa pananalig, nawawala ang takot.
Tamang Pagkilala sa Panginoon
Ang pananampalataya ay bunga ng tamang pagkilala sa Panginoon. Habang lumalalim ang ating pagkilala sa Panginoon, lalong lumalalim ang ating pananampalataya sa kanya.
Maglakbay Kasama si Jesus
Ang ating natunghayan sa kwento ay mga alagad na naglakbay kasama ang Panginoon. Sila ay mga tumugon sa tawag upang maging alagad ni Cristo. Sila ang mga alagad na sumunod upang sanayin at upang suguin.
Kung tunay tayong sumusunod sa Panginoon, tayo rin ay sinasanay ng Panginoon upang magkaroon ng matibay na pana-nampalataya. Dahil sa ating pagsunod sa Panginoon, makakaranas din tayo ng mga unos s buhay at kailangan tayong maging matatag. At magiging matatag lamang tayo kung buo ang ating pananampalataya sa Panginoon na ating sandigan.

Miyerkules, Hunyo 6, 2018

June 2018 Lectionary

June 2, 2018

Ang Panginoon ng Sabbath
Second Sunday After Pentecost
Mark 2:23-3:6

Nagtitipon tayo ngayon upang sumamba at magpasalamat sa Diyos. Napakabuti ng Panginoon kaya dapat siyang pasalamatan.

Ang araw na ito ay "date" ng Panginoon sa atin. Ito ang araw na kanyang itinalaga para sumamba tayo at magpasalamat sa kanya.

Sa araw na ito, excited ang Diyos na makita tayo. Tayong mga magulang excited tayo na makita at makasama ang ating mga anak. Gayundin ang ating Amang Diyos. Nagagalak siya na makita tayo sa kanyang simbahan.

Ang Sabbath ay ang ika-apat na utos ng Diyos (Sa Sampung Utos).  Ang Sabbath ay paraan ng pagpapakilala ng Diyos, dahil siya ang Panginoon ng Sabbath.

 a. nais ng Diyos na makapahinga ang lahat ( Deut.5:12)
 b. upang kilalanin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay (5:14)
 c. upang maunawaan ng mga Israelita na sila ay iniligtas ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Egypt at ngayon sila ay malaya na.

Mga Pagtatalo Tungkol sa Sabbath

May dalawang kontrobersiya sa mga kwento na ating tutunghayan.  Ang una ay nang pumitas at kumain ang mga alagad ng Panginoong Jesus ng uhay ng trigo.  Ayon sa interpretasyon ng mga Pariseo sa kautusan, ito ay labag sa batas ng Pamamahinga o ng Sabbath.

Pinaalala ng Panginoon sa mga Pariseo ang tungkol sa ginawa ni Haring David noong sila ay hinahabol ng mga tauhan ni Saul. Nagutom sila at kinain nila ang tinapay ng templo na pari lamang ang may karapatang kumain.  Sinasabi ni Jesus na ang  tugon sa gutom ng isang tao ay higit na mahalaga kaysa batas na nagpapahirap sa taong nangangailangan.  Ang Sabbath ay para sa ikabubuti ng tao.  Hindi ito dapat maging batas na magpapahirap pa lalo sa isang nahihirapan na.

Muli, pinaalala ng Panginoon ang kahulugan ng Sabbath ayon sa Deut. 5:12-15.   Ito ay araw ng pamamahinga, ito ay nag-papaalala sa kabutihan ng paglikha ng Diyos at ng paglayang mula sa Diyos.

Panginoon ng Sabbath - Mark 3:4
June  2, 2018

Ang pangalawang kontrobersiya ay tungkol sa pagpapagaling na ginawa ng Panginoon sa araw ng Sabbath.  Muli, ito ay tinutulan ng mga Pariseo.
Ngunit lalong uminit ang ulo ng Panginoon sa mg aPariseo.  

Bago pinagaling ang maysakit, nagtanong ang Panginoon ng ganito sa mga Pariseo,

“Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” - Mark 3:4

Mababasa natin na ang insidente ay naganap sa sinagoga, at sa Araw ng Sabbath, sa banal na lugar at banal na araw.  Pinalitaw ng mga Pariseo na pagpapagaling o paggawa ay labag sa batas ng banal na araw tulad ng Sabbath.  Ngunit ang tanong ng Panginoon ay tungkol sa “paggawa ng mabuti” sa banal na araw ng Sabbath.

Walang naisagot ang mga Pariseo.  Sa halip, sila ay lalong nag-isip ng mas masama.  Binalak nilang patayin si Jesus.

Para saan ang Sabbath?

Ang Sabbath ay utos ng Diyos para sa kapakanan ng tao.  Ang magpahinga, ang maging mapagpasalamat sa kabutihan ng Diyos bilang Lumikha at  upang alalahanin ang ginawang pagpapalaya ng Diyos sa Israel.

Para sa Panginoong Jesus, mali ang interpretasyon ng mga Pariseo sa kanilang pakakahulugan sa Sabbath.   Pinagbabawal nila ang magtrabaho tuwing Sabbath, at lampas dito, pinababawal nila ang gumawa ng mabuti sa Sabbath.  Mali para sa kanila ang kumain o ang magpagaling ng maysakit sa araw na ito.  Naging makitid ang kanilang pakahulugan.

Ang buhay ang pangunahin sa Panginoon at hindi ang batas.   Ang batas ay dapat na magsilbi para sa ikabubuti ng tao.
Sino ang Ating Diyos?

Siya ang Diyos ng Sabbath. Wika ng Panginoong Jesus sa Marcos 2:28,

     ”Ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”

Ang Diyos ay Panginoon ng kabutihan at hindi ng mga nagpapahirap na kautusan. Siya ay Diyos na nagpapalaya.  Ngayon tayo ay tagasunod na ni Cristo, hindi na tayo dapat makulong sa mga batas.  Malaya na tayo upang gumawa ng mabuti.

Mga Tanong sa Talakayan:

1.  Ang Sabbath ay para sa ating ikabubuti.  Inuutusan tayo ng Diyos upang magpahinga.  Ano ang halaga nito para sa ating kalusugan at espiritual na kaugnayan sa Diyos?

2. Paano naging makitid ang pakahulugan ng mga Pariseo sa interpretasyon nila sa Sabbath?  Ano ang nais ipabatid ng Panginoon sa tanong niyang, ““Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” - Mark 3:4

3. Paano nating igagalang ang araw ng Pamamahinga sa paraan ng pagsamba at pamamahinga na  hindi naman tayo magiging katulad ng mga Pariseo sa panahon ng Panginoong Jesus?


Miyerkules, Pebrero 14, 2018

Pag-ibig

Luke 10:25-28
Ang mga utos ng Panginoong Diyos ay sakop ng iisang kahulugan, ang pag-ibig. Ang Diyos ay pag-ibig - ito ang katangian ng Diyos (1 Juan 4:8). Ito ang utos ng Diyos dahil nais ng Panginoon na maging katulad natin siya. Bilang mga anak ng Diyos, nararapat lamang na siya ay ating tularan at sundin.
1. Pag-ibig sa Diyos
Ang pag-ibig sa Diyos ay isang ganap na pag-ibig ng tao para sa kanyang Lumikha. Hindi tayo maaring maging perfecto, ngunit ang ating pag-ibig sa Diyos ay maaring maging ganap (Mateo 5:48).
"Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal."
Sinasabi ni John Wesley na ito ang nais ng Diyos tungkol sa pagiging sakdal o perfecto sa kabanalan. Sa ating puso, maari tayong maging tunay na umiibig sa Diyos.
a. ang pag-ibig na ito ay higit sa ating pag-ibig sa sarili at sa kapwa. Ito ang pinaka-mataas na uri ng pag-ibig na dapat nasa atin (Luke 14:26). Kailangan itong humigit sa pagmamahal sa sarili at kapwa tao.
b. ang pag-ibig sa Diyos ay napapatunayan sa pamamagitan ng ating pagbibigay priority sa mga bagay ukol sa Diyos. Ang unahin ang Panginoon sa ating oras, at yaman. Huwag ibibigay sa Diyos yung tira-tira lamang.
2. Pag-ibig sa sarili
Ang pagmamahal sa sarili ay hindi masama. Nagiging masama ito kapag higit ang pagmamahal natin sa sarili kaysa sa Diyos. Ang pagmamahal sa sarili ay napapatunayan sa;
a. Pagmamahal sa ating katawang pisikal.
Ang pag-ibig sa sarili ay kailangan dahil ang ating buhay ay iisa. Ang ating katawan ay maaring magkasakit, kaya dapat itong ingatan. Ang pag-abuso sa katawan sa pamamagitan ng mga bisyo ay kawalan ng pagmamahal sa sarili.
b. Pagmamahal sa ating emotional na buhay.
Dapat nating ingatan ang ating damdamin at hindi ito dapat abusuhin. Ingatan na huwag manatiling negatibo ang kalagayang emosyonal ng ating kalooban.
c. Pagmamahal sa ating buhay Espiritual.
Dapat bigyang pansin ng bawat tao ang kanyang buhay espiritual. Ito ay tungkol sa ating kaugnayan sa Diyos na ating sinasanay sa mga gawain sa iglesia at pananampalataya.
3. Pag-ibig sa Kapwa
Kung paanong minamahal natin ang ating sarili, gayun din dapat ang ating pagmamahal sa kapwa (gaya ng ating sarili).
a. huwag pahigitin ang pagmamahal sa sarili kaysa kapwa (gaya dapat). Tulad ng sabi ng Panginoon, “Gawin mo sa kapwa ang nais mong gawin nila sa iyo.” Kapantay natin ang ating kapwa.
b. Huwag din naman mahalin ang kapwa ng higit sa sarili.
c. Mahalin kahit ang mga kaaway (Mateo 5:44)
Ang ating Patotoong Kristiano
Ang ating pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa mg akapwa Kristiano ay ang ating testimony sa ibang hindi kasapi ng ating iglesia.
Juan 13:14, “Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.”
Sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos ay magiging ganap tayo.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...