Biyernes, Mayo 19, 2023

Sermon Outline: Prayer and Our Methodist Heritage (John 17:1-11)

 Ang Panalangin at ang Ating Pamana ng Pananampalataya Bilang mga Metodista

John 17:1-11 (Methodist Heritage Sunday, May 21, 2023)

 

Ang panalangin, ay kakaiba sa ibang pakikipag-usap, dahil ito ay pakikipag-usap sa Diyos.

Ang ating mga panalangin ay may malaking kaugnayan sa ating mga minimithi, gawain at kalagayan.

Sabi sa Mangangaral 5:2,

 “Huwag kang pabigla-bigla sa panalangin.  Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya sapagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa.  Mag-ingat ka sa pagsasalita.”


There are Dangerous Prayers

 May aklat na ang title ay “Dangerous Prayers”. Halimbawa, si Jeptha sa Book of Judges, ay padalos-dalos sa pananalangin.  Pagkatapos ng matagumpay na pakikipaglaban, sinabi niya sa panalangin, “Panginoon, ang una kong makikita pag-uwi ay aking ihahandog sa iyo.”  Sinalubong siya ng kanyang dalagang anak.  Ang panalangin ni Jeptha ay isang dangerous prayer.  Panalangin na sinasabi sa Diyos na hindi pinag-iisipan.  Mapanganib po talaga kapag ang ating bibig ay mabilis pa kaysa sa ating isip.

 May kwento tungkol sa isang binata, na tumatanda na at wala pa siyang girlfriend. Desperado siyang nag-pray, “Panginoon, gusto ko na pong makapag-asawa.  Itulot mo Lord, na ang unang dalaga na masasalubong ko sa church, ay ang aking mapapangasawa.”   Isang napaka-pangit na matandang dalaga gn lumabas sa church.  Dangerous prayer po iyan.

 

There are Useless Prayers (Visionless and Missionless Prayers)

Minsan may mga messages na hindi nakakarating sa sinusulatan.  O minsan may binili ako sa Lazada, hindi na deliver. Mayroon ding panalangin na hindi tinutugon ng Diyos. Ayon sa James 1:6-7, ang panalangin na walang pananalig at galing sa isang pabago-bago ang isip ay hindi tinutugon.  Gayun ang panalangin na may maling motibo (James 4:3). O ang panalangin na may pagyayabang o pag-aalipusta sa kapwa (Luke 18:11).

 

Example of Powerful Prayer for the Success of Christian Mission

 Sa kabilang banda, ayon sa James 5:16, “Malaki ang panalangin ng taong matuwid.”   

Ang panalangin ng isang faithful, sincere at talagang may takot kay Lord – ang kanilang prayers, truly, they can move mountains.

 Ang panalangin ay may malaking kinalaman sa ating mga United Methodist.  John Wesley was a man of prayer.  Isang professor sa seminary, ang nanguna sa isang Lakbay Aral, sa England, at binisita ng mga seminarians ang bahay ni John Wesley. Doon, sinabi kung saan ang higaan ni Wesley, at ang kanyang mga aklat at kagamitan.  Isang luhuran ang naroon, kung saan lumuluhod si Wesley sa panalangin umaga at gabi.  Dumating ang oras ng pag-alis ng mga seminarians, ngunit may isang nawawala. Hinanap ang nawawalang seminarian, at Nakita siya na nakaluhod kung saan nanalangin si John Wesley.  Dalangin ng seminarista, “Do it again Lord. Lord do it again. Send revival to us today.”

 Si Charles Spurgeon ay matagumpay pagdating sa church growth.  Ang sekreto niya, mayroon siyang maraming prayer warriors sa iglesia.  

Ang Halimbawang Prayer ni Jesus

 Ganito ang background ng ating teksto – “Pagkatapos sabihin ni Jesus ang pananalitang ito. Siya ay nanalangin...”

Pananalitang tulad ng sa Chapter 16: 32, “Magkakawatak-watak kayo..” Sa verse 33, ang sabi “Sinasabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin.  Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” Pagkatapos ay nanalangin ang Panginoong Jesus.

 Sa panalangin ng Panginoon, mapapansin ang ilang mga bagay na gusto nating ibahagi sa ating reflection. 

 1.      The prayer of Jesus reveals his deep sense of God. He prayed with a dire need for God.

a.      God is his God and Father, v.1.

b.      God is the source of his power, v.2.

 

2.      His prayer shows an awareness of self.

a.      Awareness of who he was, and on what to accomplish.  Siya ay sugo ng Ama, v. 3, “Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”

b.      Awareness of his unity and divinity with the Father, v.11. While we must be aware of our sinfulness, Jesus in contrast is aware of his being the Messiah.

“"Men and women feel more sinful the closer they come to Christ in day-by-day sanctification. One who openly claims sinlessness and perfection needs a new vision of calvary. Sad to say, wherever we find people claiming sinless perfection, there we find excesses and fanatical extremism. " – (Harry William Lowe, 1968)

 

3.      Deep sense of time. Nanalangin ang Panginoong Jesus na may kabatiran sa oras. 

Alam niya kung ano ang mangyayari at nais mangyari ng Dios Ama.

 

a.      Pararangalan siya ng Ama (v.1).

b.      Bibigyan siya ng kapangyarihan, upang bigyan ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay ng Ama, (v. 2).

c.       May paghihirap na darating, ngunit siya ay nagtagumpay na.  We are in a battle that has already been won by Christ.

 

4.      He is certain in praying for His Disciples and his mission.

Sa v.9, “Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo.”

 

a.      Idinalangin niya ang mga alagad, siya ay nagturo sa mga alagad, v. 8.

b.      Misyon upang ihayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa lupa, v.4.

c.       Misyon upang ipinakilala niya ang Ama, v.6.

Conclusion: 

Mahalaga ang panalangin.  Hindi maaring ihiwalay ang panalangin sa ministeryo. Kakakambal ng mission ang panalangin.  Hindi rin nagtatagumpay ang iglesia kung walang wastong pananalangin. Ang panalangin para sa Panginoong Jesus ay tanda ng isang buhay na kasama ang Diyos sa bawat sandali.  Ito ay isang banal na tagpo ng pakikipag-usap sa Diyos, ito ay oras ng pagpapalakas ng buhay espiritual, at pagkakataon ito upang tanggapin natin ang lakas n amula sa Espiritu Santo.

 A prayerful church is a powerful church. Likewise, men and women of God must learn how to kneel before God to be effective in the ministry. Prayer is our moment of enhancing our spiritual vitality.

Isang kabataang pastor ang first time na nadestino sa isang malaking church bilang assistant pastor. Lumipat ang pastor, dala ang marami niyang mga damit at kagamitan.  Sinalubong siya ng kanyang senior pastor, at sabi ng matandang pastor, “Anak, mukhang naghanda ka ng maraming kagamitan, pero, ang kailangan mo dito ay…maraming panalangin.  Take this advice, for you to become an effective pastor, you need to pray, pray and pray more. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...