Huwebes, Abril 20, 2023

SERMON 1. Higit pa sa Inaasahan. Third Sunday of Easter (April 23, 2023). Luke 24:13-35

 

SERMON 1. Higit pa sa Inaasahan.

Third Sunday of Easter (April 23, 2023).  Luke 24:13-35

 Panimula:

May inaasahan ka ba na hindi natupad? Kaya masama ang loob mo? Bitter ka?  At hindi mo na mapigilan ang iyong ngitngit at galit?  At sino-sino na ang iyong sinisisi?   Hmm…teka kapatid.  Gusto kitang imbitahan na makinig ng Salita ng Diyos for this morning.  Tungkol sa sermon na : “Higit pa sa Inaasahan.”

May kwento tungkol sa isang college graduate student na umaasang ibibili siya ng bagong kotse ng kanyang daddy, kung ito ay makakapasa sa Bar Exam.  Mayaman ang pamilya at Malaki ang tiwala ng ama sa anak. Pumasa naman ang binata at umaasa na matatanggap niya ang bagong kotse sa Thanksgiving Service ng pamilya.

Sa Thanksgiving Service, isang Bible ang ibinigay na regalo sa binata.  Sumama ang kanyang loob.  Lubha siyang nalungkot. “Biblia?” Sabay ibinalibag ang Bible. Sa pagtilapon ng Bible, tumilapon din ang dalawang susi  na nakaipit dito. Isa para sa bagong kotse. Ang pangalawang susi ay susi ng motorsiklo na hindi inaasahan ng binata.

Sa ating Bible Story, mapapansin sa mga dialogues na;

A.     A. ang mga alagad ay may inasahan, na hindi natupad.

Ayon sa verse 17, sila ay malungkot at nag-uusap tungkol “ sa mga nangyari”.

Ayon sa dalawang alagad na patungo sa Emmaus, (vv. 19-21),

“Anong pangyayari?” tanong ni Jesus. (Hindi nila nakikilala si Jesus).  Sumagot sila, “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa salita at gawa maging sa harap ng Diyos at ng mga tao. 20Isinakdal siya ng aming mga punong pari at mga pinuno ng bayan upang mahatulang mamatay, at siya'y ipinako sa krus. 21Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel.

 Ano ang pakiramdam natin, tuwing tayo ay disappointed? Umasa, nabibigo…nag-ngingitngit.

·       -  We may feel betrayed. Feeling na nadaya dahil umasa.

·     -    Disappointed kaya umuwi nalang sa Emmaus. May mga Bible scholars na nagsasabi, na ang dalawang alagad ay maaring mag-asawa o magkapatid, dahil nakatira sila sa parehong tahanan. They share the same disappointment. May mga taong ganyan, kapag sila ay may sama ng loob, pumupunta sila sa isang lugar para magpalipas ng oras, para ma-relax, at para ayusin ang kanilang damdamin.

B.      Naglakbay si Jesus Kasama ang Dalawang Alagad.

Ang totoo, lahat ng mga alagad ay may sakit ng kalooban dahil nakita nilang namatay si Jesus. Sila ay kasamang naglibing kay Jesus, paano sila aasa na siya ay mabubuhay pa?

Ngunit buhay ang Panginoon! Nagtagumpay si Jesus sa kamatayan! At ngayon, siya ay kasama nila sa kanilang paglalakbay pauwi sa Emmaus.

Oo, sila ay disappointed. 

Oo, masama ang kanilang kalooban.

Oo, bigo po sila sa kanilang inaasahan!  

Ngunit naroon si Jesus para sa samahan sila. Siya ay buhay!

There were three encounters with the risen Lord:

-Remember the women who came to anoint the body of Jesus, they felt uncertain, but Jesus removed their uncertainty.

-When the eleven disciples were afraid, sila ay nagtago, dumating si Jesus para sa kanila.

-Now these two disciples, when they were disappointed, Jesus came for them, para sabihin ng Panginoon…anak higit pa sa inasaahan mo, ibibigay ko sa iyo.

Who are the Two Disciples?

Wala tayong alam tungkol sa kanila, basta ang isa, Cleopas ang pangalan.  Ang Emmaus, hindi rin natin alam kung saan ito. Hindi sila kasali sa eleven.  Maaring sila ay “ordinary” followers of Jesus.

May mga church goers tulad ng dalawa, na hindi man kilala.  Hindi officer sa Church Council, hindi rin nakikita sa Choir, hindi lay preacher. Kasama sa mga “simba-uwi” group.

Nung atin problema king church, ding miembrung deni, simple la solusyun, agad dang sabian – “Tara muli tana.” (Kung may problema sa church, ang ganitong mga miembro, lagging may madaling solusyo…sinasabi nila, “Tara uwi na tayo.”)

 Para kay Jesus, ang ganitong ordinaryong alagad ay mahalaga.  Dapat sila katagpuin.

C.      C. Karanasan na Higit pa sa Inaasahan.  

Naranasan ng dalawang  alagad ang higit sa kanilang inaasahan.  Una, binuksan ng Panginoong ang kanilang kaisipan upang maunawan ang nasasaad sa Bible tungkol sa Messias.  Sa loob ng 11 kilometrong paglalakbay, tinuruan sila ng Panginoon.

At pagdating sa bahay nila, nakisalo ang Panginoong Jesus sa kanila. Sa hapag, kinuha ni Jesus ang tinapay, siya ay nagpasalamat at hinati niya ang tinapay.

On this part of the story, we must reflect on how they recognize Jesus.  Sa palagay ko po, nakilala nila si Jesus sa ginawa nito sa tinapay. Kilala nila si Jesus sa kanyang mga ginagawa.  Ito ang tatak ng isang alagad. Hindi man nila nakilala ang Panginoon sa physikal na anyo.  Ngunit nakilala nila ang Panginoon sa kanyang mga gawain. Sila ay mga tunay na alagad-dahil na nakaka-alam kung sino ang Panginoong Jesus. 

At realize nila na, nakasama nila ang muling nabuhay na Panginoon! Kaya kahit gabi na, muli silang bumalik sa Jerusalem, upang ibalita na nakatagpo nila ang muling nabuhay na Jesus.

Conclusion:

Kung ang bawat kaanib ng simbahan,  ay maging alagad na nakatagpo, at ganap na nakakilala sa Panginoon, ay titindig upang magpatotoo tungkol sa Panginoong Jesus…

·         - Makapangyarihan ang kanilang patotoo at halimbawa sa buhay.

·        - Magagamit sila ng Diyos tulad ng mga apostol, at mga babaeng unang nakasaksi sa muling nabuhay na Jesus.

Lahat tayo ay mahalaga sa gawain ng Diyos.  Katagpuin nawa tayo ng Panginoon.  At ating ibalita na natalo ng Panginoon ang kasalanan at kamatayan. At ang sinumang maniniwala at mananalig ay maliligtas. Amen.

 

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...