UMYF Materials. 2019
Sinulat ni Rev. Jestril Alvarado
District Superintendent, West Pampanga District
__________________________________
Sinulat ni Rev. Jestril Alvarado
District Superintendent, West Pampanga District
__________________________________
Lesson 1: Lakbay
Batayan: Juan 3:16
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.“
May kwento tungkol sa mag-ama na naglalakbay. Ang tatay ay kasunod ng kanyang anak, habang tinatahak nila ang isang mapanganib na kagubatan. Kabisado ng tatay ang lugar, habang ang bata naman ay noon pa lamang dumaan sa lugar na iyon.
Paalala ng tatay, “Mag-ingat ka anak sa bawat hakbang mo.”
Paalala ng tatay, “Mag-ingat ka anak sa bawat hakbang mo.”
Sagot ng anak, “Opo tatay, at para siguradong hindi ako mapapahamak, aapak po ako sa mga bakas ninyo.”
Ang paglalakbay Kristiano ay pag-apak sa mga bakas ni Cristo. Sa ganitong paraan, hindi tayo maliligaw sa ating paglalakbay sa buhay.
PAGLALAKBAY SA PANANAMPALATAYA
Ang paglalakbay natin sa buhay bilang mga Kristiano ay nagsisimula sa ating pananalig. Naniniwala tayo sa pangako ng Diyos na kapag sumampalataya tayo sa Anak Niya, tayo ay maliligtas. Ang biyaya ng Diyos ay sapat upang makaya natin ang mga sasagupaing pagsubok sa paglalakbay.
Ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala sa isip, ito rin ay tumutukoy sa paraan ng ating pamumuhay. Kaya sa ating aralin, tatalakayin natin kung ano ang sinasabi ng Biblia kung paano tayo lalakad bilang mga mananampalataya.
Ang pananampalataya ay hindi lamang paniniwala sa isip, ito rin ay tumutukoy sa paraan ng ating pamumuhay. Kaya sa ating aralin, tatalakayin natin kung ano ang sinasabi ng Biblia kung paano tayo lalakad bilang mga mananampalataya.
1. Ang Ating Paglakad sa Liwanag ng Diyos
“Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak.” (1 Juan 1:7)
Sa ating paglalakbay bilang mga tagasunod ni Cristo, hindi na tayo nararapat mamuhay sa kadiliman ng kasalanan.
a. Nilinis na tayo ng dugo ni Cristo kung kaya hindi tayo nararapat manatili sa pagkakasala.
b. Namumuhay tayo sa pag-kakaisa. Wika ng Panginoong Jesus, "Magmahalan kayo. Sa ganitong ay malalaman ng iba na kayo ay mga lagad ko."
2. Ang Ating Paglakad sa Pasunod
Ang ating paglalakbay kasama si Jesus ay bunga ng ating pagsunod. Hindi tayo maaring maging alagad ni Cristo kung sarili nating damdamin at hangarin ang ating sinusunod.
“Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay.” (Lucas 14:33).
Ang dapat nating sundin ay ang kalooban ng Diyos at hindi ang ating sarili. Tanging pagtalikod lamang sa sarili ang paraan ng pagsunod sa Diyos.
3. Ang Ating Paglakad Sa Kabanalan at Katarungan.
Dapat tayong lumakad sa kabanalan at katuwiran dahil;
a. ang Diyos ay banal.
“Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa,” (1 Pedro 1:15).
b. ang Diyos ay makatarungan.
“Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.” (Mikas 6:8)
Ang Diyos ay namumuhi sa pang-aapi at pang-aabuso (Amos 5:15). Ang Diyos ay nagtatanggol sa mga ulila at balo (Levitico 19).
4. Ang Ating Paggawa Bilang Katibayan ng Ating Pananamplataya
Sa paglakad natin sa pananampalataya, kailangan tayo gumawa ng kabutihan bilang katibayan na tayo ay nananalig sa Panginoong Jesus.
Tandaan na ang pananampalatayang walang gawa ay patay (Santiago 2:26).
“Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa.” (Santiago 2:22)
Ganito ang sinasabi ng Biblia kung paano tayo lalakad sa pananampalataya kay Cristo.
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Bakit hindi maaring matawag na Kristiano ang isang tao na namumuhay pa sa dilim ng kasalanan? Paano ang mamuhay sa liwanag ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi? Basahin ang 1 Juan 1:5-10.
2. Ano ang halimbawa ng kawalan ng katarungan? Bakit kailangan nating tutulan ang kawalan ng katarungan bilang mga Kristiano? Ano ang nauunawaan mo tungkol sa sinasabi ng Biblia na kabanalan at katarungan ng Diyos? Magbahagi.
3. Ano ang mabubuting gawa na dapat makita sa atin bilang mananampalataya kay Jesus?
___________________________
Summer Institute 2019.
Lesson 2. Akbay
Batayan: Efeso 4:7-16.
Batayan: Efeso 4:7-16.
Sa ating paglalakbay, hindi tayo nag-iisa dahil may kasama tayo.
Una, kasama natin ang Panginoong Jesus. Nangako siya na hindi niya tayo iiwan, ni pababayaan man.
Pangalawa, kasama natin ang mga kapatid sa pananamplataya.
a. Kaakbay Natin ang Diyos
Ang presensya ng Diyos ay hindi lamang simbolikong salita. Ang Diyos ay totoo at ang kanyang presensya ay isang katotohanan o realidad. Hindi isang "imaginary" friend ang Diyos.
Ang katibayan na ang Diyos ay totoo at ating kasama ay napatutunayan sa kanyang nilikha.
a1. Pinapatunayan ng science na ang lahat ay may simula. Kung may simula, mayroong Nagsimula ng lahat.
a2. Ang universe ay may design sa kaayusan at pagkilos. Ibig sabihin, may nag-ayos nito.
a3. Pangatlo, naniniwala tayo sa Diyos na may layunin (purpose) kung bakit nandito tayo sa daigdig. Kung walang Diyos, lumilitaw na walang kabuluhan ang buhay at ang ating existence.
Pinapatunayan din ng ating karanasan na ang Panginoong Jesus at ang Espiritu Santo ay kasama natin. iisa ang Diyos, ngunit nararanasan natin siya sa tatlong paraan, na tinatawag nating Holy Trinity.
Ang tunay na Diyos ay hindi lamang nananatili sa langit. Siya ay kasama natin sa daigdig. Kaakbay natin sa lahat ng panahon.
b. Kasama Natin ang Ibang Mananampalataya
Ang iglesia ay pamilya ng Diyos. Ang ibang miembro ay kapatid natin sa Panginoon. Sabi ni Apostol Pablo,
“Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.” (Galacia 6:2).
Sa loob ng iglesia, tayo isang pamilya ng Diyos. Ang ating fellowship ay nagpapatunay ng ating pag-ibig sa mga kapatid, at pagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
Si John Wesley man ay nagtuturo na dapat nating tulungan sa hanapbuhay ang mga kapatid. Bumili sa tindahan ng mga kaanib sa iglesia. Sumuporta at tumangkilik sa business ng kapwa miembro ng iglesia.
TAYO AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO
Dahil kaakbay natin ang Diyos at ibang mananampalataya, tayo ngayon ay bumubuo ng Kristianong komunidad na nagbabahagi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos. Ang paghahari ng Diyos sa mundo ay ating pinatutupad.
1. May lakas sa pagkakaisa.
Nakikiisa tayo sa Diyos at nagkakaisa tayo bilang magkakapatid - tayo malakas na iglesiang gagamitin ng Diyos upang itatag ang kanyang kaharian dito sa lupa.
2. Makakamit natin ang tagumpay dahil kaakbay natin ang Diyos at ang nagkakaisang iglesia. Ang tagumpay ay ipinangako na ng Diyos sa atin. Basta't manatili tayo Panginoon (Juan 15:7) at mahalin natin ang isa't isa.
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Ang Banal na Espiritu ang presensya ng Diyos na patnubay sa ating buhay Kristiano. Paano tinatanggap ang Banal na Espiritu ayon sa Lucas 11:13?
2. Kung kasama natin ang Panginoong Jesus sa ating buhay, ano ang epekto nito sa ating panalangin ayon sa Juan 15:7?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaisang Kristiano para sa tagumpay ng ating misyon sa mundo?
__________________________
Lesson 3: Akbayan
Batayan: Efeso 4:7-16
Batayan: Efeso 4:7-16
“Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.” (Mga Taga-Efeso 4:16)
Panimula:
Paborito kong kwento ang tungkol sa kamay at mga daliri.
Ang pamilya kamay ay binubuo ng limang magkakapatid na daliri. Minsan daw, si hinlalaki ay nagtampo at ayaw nang makipag-usap sa kanyang mga kapatid. Nagseselos si hinlalaki dahil laging magkakasama sina hinliliit, hinlalato, palasingsingan at hintutturo, samantalang nakahiwalay si hinlalaki.
Dagdag pa dito, inaakala ni hinlalaki na hindi siya tunay na kapatid ng apat. Dahil bukod sa nakahiwalay, iba ang kanyang hugis at haba. Kaya ayaw makipagtulungan ni hinlalaki. Ang resulta, walang nagawa ang magkakapatid. Hirap silang makadala ng anuman dahil tumulong ni hinlalaki.
Kaya, niyakap ng apat na daliri si hinlalaki, at sinabing mahal nila ito. Niyakap din ni hinlalaki ang kanyang mga kapatid at nakabuo sila ng matatag na kamao. Sa kanilang pagkakaisa, naging matatag ang pamilya kamay.
Sa ating aralin, sinasabi ni Apostol Pablo ang kahalagahan ng pakikibahagi ng bawat Kristiano sa gawain ng Diyos.
Ang layunin ng Diyos para sa iglesia ay ang patuloy na paglago nito sa kalidad at bilang.
Upang maganap ang layunin ng Diyos, may binanggit ang apostol tungkol sa sama-samang paglilingkod ng mga Kristiano upang magtagumpay ang layunin ng Diyos.
1. Ihanda sa paglilingkod (sanayin) ang mga Kristiano sa paglilingkod (v. 12)
May limang ministeryo na tinutukoy si Pablo, sa mga Kristiano,
“At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro.” (Mga Taga-Efeso 4:11)
Ang Diyos ay may malinaw na layunin at pamamaraan kung paano lalago ang iglesia. Sa ganitong paraan, ang pagpapalaganap sa kaharian ng Diyos sa lupa ay matutupad.
Maaga pa, dapat sanayin ang mga kabataan sa gawain ng pangangaral at pagtuturo ng Biblia upang ibahagi ang Salita ng Diyos sa iba. Mahalaga ring sanayin ang mga kabataan dahil, kayo (UMYF) ang mga susunod na mga pastor, deaconesa at mga leader ng iglesia.
2. Gamitin ng mga Kristiano ang kanilang kaloob na kakayahan.
“Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu.” (1 Mga Taga-Corinto 12:7)
Lahat tayo ay dapat matutuo bilang alagad. Hindi tayo tinawag upang manood at pumuna. Mahalaga ang ating pakikibahagi sa gawain ng iglesia. Ang dahilan ay pagkakaloob sa atin ng Diyos ng mga kaloob na kakayanan. Mayroon tayong mga talento na maaring ipaglingkod sa Diyos.
3. Magkaisa ang mga kaanib ng iglesia sa diwa ng pag-ibig.
“Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran.” (1 Juan 3:16)
May lakas sa pagkaka-isa. Kapag ginagamit natin ang lakas na ito, nagagawa natin ng madalai at maayos ang ating tungkulin sa Diyos.
Walang nag-iisa sa iglesia. Tayong lahat ay nag-kakaisa at hindi kanya-kanya.
4. Pagkilos ng bawat bahagi upang makamit ang minimithing pag-unlad ng iglesia.
“Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.” (Mga Taga-Efeso 4:16)
Ang gawain ng iglesia ay hindi lamang para sa pastor at deaconesa. Ito ay gawain ng lahat ng mananampalataya. Subukan mong kumuha ng bahagi sa gawaing ito at makikita mo na marami ka palang maiaambag sa gain ng Diyos.
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Bakit kaya "katawan" ang kahalintulad ng iglesia? Paano mo ipapaliwanag ang coordination ng katawan sa kanyang mga bahagi?
2. Ano ang dapat nating gawin upang manatiling nag-kakaisa ang iglesia ayon sa layunin at paraan ng Diyos? Ano ang tamang pagkaka-isa na nais ng Diyos para sa atin bilang iglesia?
3. MAgbigay ng mga halimbawa na maaring maitulong ng mga kabataan sa paglago ng iglesia? Ipaliwanag.
_______________________________
Lesson 4: Bayan
Batayan: Mateo 25:31-40
v. 40 And the King will answer them, ‘Truly, I say to you, as you did it to one of the least of these my brothers,[a] you did it to me.’
Sa ating huling aralin makikita natin ang dalawang mahalagang bagay sa pagiging Kristiano. a.) Ang ating pagkilala sa sarili at b.) ang ating tungkulin bilang bayan ng Diyos.
Aralin natin ang mga ito:
1. Ating Pagkilala sa Sarili: Tayo ay ang Bayan ng Diyos
Kailangan natin ang tamang pagkilalan sa ating sarili bilang iglesia.
"Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan." (1Peter 2:9)
a. Kapag nakikilala ng isang tao ang sarili, umaasal siya at kumikilos ayon sa kanyang identity. Halimbawa, ang hari ay kumikilos at umaasal bilang marangal dahil siya ay hari. Ang mahirap ay umaasal mahirap dahil sa pananaw niya sa kanyang sarili.
Sinasabi ni Apostol Pedro na tayo ay lahing pinili, maharlika at bayan ng Diyos. Ito ang dapat nating pananaw sa ating sarili bilang mga Kristiano. Hindi makabubuti kapag ang tingin natin sa sarili natin ay mababa.
b. Unawain natin ang ating pagkatawag. Tayo ay tinawag mula sa kadiliman tungo sa liwanag. Tayo ang mga taong inalis ng Diyos mula sa kasalanan tungo sa kabanalan. Nilinis na tayo ng dugo ni Cristo, at wala ng dahilan para bumalik pa tayo sa pagkakasala.
Ang ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin ang siyang bumago sa ating pagkatao. Inalis na tayo ng Diyos mula sa ting maruming pinaggalingan.
Dahil dito, tayo ay nating mga bagong nilalang:
2 Corinto 5:17 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.
2. Ang Ating Tungkulin
Matapos nating makilala ang sarili bilang bayan ng Diyos, tungkulin natin ngayon na alamin kung bakit tayo tinawag at binago.
Sabi ni Apostol Pedro, tayo ay "pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya (ng Diyos)."
1. Una, may tungkulin tayo na dapat gampanan. Kaya sa Mateo 25, sinasabi sa atin na dapat tayo magpakain ng mga nagugutom, dumalaw sa maysakit, at nakabilanggo.
2. Pangalawa, may tungkulin tayo na ipahayag ang "dakilang gawa ng Diyos". At ito ay walang iba kundi ang panghihikayat sa iba upang sumali sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng ating iglesia.
Mabuting Patotoo
Isang kwento ang aking narinig tungkol sa dalawang mag-room mate sa isang dormitory. Ang dalawang kabataan at limang taong magkasama sa dorm. Magkasamang kumakain, sa gimik, sa mall, sa sine, at nag-aaral. Naging matalik silang magkaibigan.
Dumating ang graduation. Inimbitahan ng isa ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay sa probinsya. At sa thanksgiving worship service para sa graduation, nalaman ng isa na yung kasama pala niya sa dorm ng limang taon ay isang Methodist.
Kaya tanong ng isa, "Pare, ibig mong sabihin, Methodist ka?"
Sagot ng nag-invite, "Oo naman. Ikaw din ba Methodist?"
Sa loob ng limang taon na nagkasmaa sila, hindi nakita sa kanila ang kanilang pananampalataya. Hindi nila ipinamumuhay ang kanilang pagiging Methodist. Hindi man nila nalamn na magkapatid sila sa pananampalataya.
Hindi ganito ang mabuting patotoo. Kristiano ka ba? Ipakita mo sa buhay mo ang iyong patotoo.
Para magawa natin ito:
a. mag-imbita tayo ng mga kakilala sa ating iglesia.
b. Tumulong at makibahagi sa gawain ng Outreach Ministries sa pagpapakain, pagbibigay at paglilingkod, tulad ng Medical Mission at iba pa.
3. Pangatlo, mag-aral na mag-evangelize. Ibahagi ang pagliligtas ng Panginoong Jesus sa kapwa kabataan na hindi pa nagsusuko ng buhay sa Diyos.
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Bakit mahalaga ang tamang pagkilala sa sarili, bilang mga kabataang Kristiano (na tayo ay mga anak ng Diyos, tayo ay mga tinawag at pinili ng Diyos)? Ano ang pinag-kaiba ng taong nagsuko na ng buhay sa Panginoon, sa taong namumuhay pa sa kasalanan?
2. Ano ang ibig sabihin ng "tinawag mula sa kadiliman tungo sa liwanag"? Ipaliwanag ang sagot.
3. Bakit tungkulin natin ang gawaing mabuti, tulad ng tumulong sa iba? ANo ang kinalaman nito sa ating bagong pagkatao bilang Kristiano?
4. Upang maibahagi ang Mabuting Balita tungkol sa pagliligtas ng Diyos, bakit mahalaga ang panalangin at mabuting patotoo ng ating buhay?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento