Lunes, Enero 14, 2019

Sunday School Lesson 2019

Ang mga sumusunod na aralin ay hango sa Epistle Readings ng  Lectionaryo Cycle C 2019.

Kasalukuyan pa pong ginagawa.  Matatapos itothis week...wait lang po...

Bible Study 2019

January

6       Epiphany of the Lord    Ephesians 3:1-12
13     Baptism of the Lord    Acts 8:14-17
20     Second Sunday after the Epiphany :
         Spiritual Gifts 1 Corinthians 12:1-11
27     Third Sunday after the Epiphany
         One Body -  1 Corinthians 12:12-31a   

February

3        Fourth Sunday of Epiphany: Love      1 Corinthians 13:1-13
10     Fifth Sunday of Epiphany :           1 Corinthians 15:1-11
17     Sixth Sunday After Epiphany :         1 Corinthians 15:12-20
24     Seventh Sunday After Epiphany:  1 Corinthians 15:35-38, 42-50

March

3        Transfiguration        2 Corinthians 3:12-4:2
10      First Sunday of Lent    Romans 10:8b-13
17      Second Sunday of Lent  Philippians 3:17-4:1
24     Third Sunday of Lent      1 Corinthians 10:1-13

__________________________ 

January 6, 2019

Mga Hakbang sa Pananampalataya
Efeso 3:1-12

Sa panahong ito, marahil ang salitang "hiwaga" (mystery sa English) ay halos wala ng kahulugan, dahil sa makabagong kaalaman ng ao sa siyensya. Subalit ang ating aralin ngayon ay nagsasalita tungkol sa "hiwaga ng Diyos".

Ang hiwagang tinutukoy dito ay isang gawa ng Diyos na hindi kayang unawain ng tao sa kanyang sarili, ngunit inihayag ito ng Diyos sa tao (divine revelation). Mahiwaga ito dahil ang ipinahayag ng Diyos ay ang kanyang sarili. Nakalulungkot na maraming tao ang hindi na namamangha sa Diyos at madalang na rin silang magsimba dahil wala na silang nararamdamang hiwaga ng Diyos. Subalit ang Diyos ay para pa ring dagat at ang tao ay parang patak parin ng tubig kung ikukumpara. Dapat pa rin nating sambahin at paglingkuran ang Diyos na may pagkamangha. Tulad ng sinasabi ng awiting "You are Beautiful Beyond Description"
You are beautiful beyond description
Too marvelous for words
Too wonderful for comprehension
Like nothing ever seen or heard
Who can grasp Your infinite wisdom
Who can fathom the depths of Your love
You are beautiful beyond description
Majesty, enthroned above
*And I stand, I stand in awe of You
I stand, I stand in awe of You
Holy God to whom all praise is due
I stand in awe of You

Bagamat kamangha-mangha, ipinahayag pa rin ng Diyos ang kanyang sarili sa atin.  Ang ating aralin ay pagtunghay sa landas ng pananampalataya sa karanasan ni Pablo kung paano niya nakilala ang Diyos at kung paano niya naunawaan ang mga hiwagang ipinahayag sa kanya.

1. (Ang Kapahayagan ng Hiwaga ng Diyos, read v. 3)

Ang unang hakbang ay ang pagpapakilala ng Diyos kay Pablo. Hindi natin makikilala ang Diyos kung hindi siya magpapakilala sa atin.
Ang dahilan kung bakit tumalima sa Diyos si Pablo ay dahil sa hiwagang ipinahayag sa kanya. Naging apostol siya hindi dahil agad niyang naunawaan ang layunin ng Diyos, kundi dahil naranasan niya ang presensya ni Jesus na hindi niya maaring itatwa bagamat hindi niya ito lubusang maunawaan.

Maaring ihalintulad ang pagpapakilala ng Diyos kay Moises o kay  Abraham sa tagpong ito. Ang nagpakilala sa kanila ay isang Diyos na hindi nila naunawaan. Isang Diyos na makapangyarihan na nakikipag-ugnayan sa mga taong hindi man karapat-dapat sa Kanyang kabanalan at kadakilaan. Isang Diyos na hindi maabot ng kanyang mga nilikha, ngunit umaabot sa atin. Diyos na hindi natin minahal, ngunit nagmahal sa atin.

Tandaan na lumaki si Pablo bilang Judio, marami siyang nalalaman tungkol sa Diyos, subalit wala siyang tunay na pananampalataya sa Panginoon (understanding without true faith, is mere head knowledge). Ang Jesus na nakitagpo sa kanya sa daan ng Damasco ay hindi niya kilala. Ang tunay na pananampalataya ay isang hiwaga na hindi lubusang nasasaklaw ng ating pagkaunawa (understanding). Kung kaya may mga bagay tungkol sa Diyos na dapat nating sampalatayanan bagamat hindi natin ito lubusang nauunawaan. Tandaan na ang Diyos na ating sinasamba ay walang hanggan, at tayo ay may hangganan. Alam natin na siya ay mabuti at banal, ngunit hindi natin saklaw ang kanyang mga pamamaraan. Kung kaya sa hiwaga ng kanyang kabanalan, patuloy tayong hinahamon ng ating pananampalataya na magtiwala sa Kanya.

Ang unang hakbang kung gayon, ay karanasan sa Diyos na bagamat hindi lubos naunawaan ng karunungan ng tao, ay tinatanggap na may pananampalataya, dahil ito ay karanasang hindi naikakaila. Ito ang dahilan kung bakit puno ng hiwaga ang pakikitungo sa Diyos.

2. Ang Hiwaga ni Cristo, (read v.4)

Ang pangalawang hakbang ay paghahanap ng kaunawaan ng tao, upang mabatid kung sino ang Diyos. Gayun man, bagamat hindi maunawaan ni Pablo ang lahat, sinisikap niyang unawain ang mga bagay tungkol kay Cristo. Ito ang sistema ng theolohiya, ang Diyos na nagpakilala at sinisikap nating kilalanin. Ito ay upang maipahayag natin ang Diyos sa iba.

Hindi mabuti kung tayo ay bulag na tagasunod ng Diyos. Bagamat sumasampalataya tayo, hindi tama na basta-basta na lamang sumusunod sa mga turo tungkol sa Panginoon. Kahit ang Biblia a 1 Juan 4:1 ang nagsasabi ng ganito,

"Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito."

Ang tamang pananampalataya ay may tamang pagkaunawa sa Diyos. Nabalitaan na ba ninyo ang naglitawang relihiyon na pumapatay ng kapwa tao, at ito raw ay para sa Diyos? O ang relihiyon ng mga nagpapakamatay para daw makatiyak sila sa langit ang punta? Ito ang panganib ng bulag na pananampalataya.

3. Ang Lihim ng Hiwaga (read v. 6)

May kwento tungkol sa isang seminary class, na nagtatalo kung ano ang pagkakaiba ng Kristianismo sa ibang relihiyon. Ang sabi ng iba ay kakaiba ito dahil sa pagkakatawang tao ng Diyos, ang Holy Trinity at iba pa. Nang dumating si C.S. Lewis, isang dating atheist na sumampalataya, sabi niya, "The difference is about the grace of God." Ang biyaya ng Diyos na nagmahal sa mga makasalanan, at tumanggap sa mga Hentil (hindi naniniwala sa Diyos) at namatay si Kristo para sa mga makasalanan.

4. Pagtalima sa Nais Mangyari ng Diyos, (read v.7)

Dahil naging malinaw na kay Pablo ang lahat, nakita niya ang layunin ng Diyos sa likod ng hiwagang kanyang naranasan. Bilang dating kaaway ni Cristo, tinawag siya upang maglingkod sa panig ng Panginoon. Nagkaroon siya ng malinaw na pagkakilala sa sarili bilang apostol ni Cristo.

Naging malinaw ang kanyang tungkulin, ang ipahayag sa mga Hentil ang mabuting balita. Sa ganito ring paraan, dapat nating maranasan ang hiwagang ito, tungkol sa "hindi maunawaang pag-ibig ng Diyos". At umasa tayo na kung mararanasan natin ito, mauunawaan natin ito, at bandang huli ibabahagi natin sa iba.


Tanong sa Talakayan.

1. Paano nararanasan ang hiwaga ng Diyos? Nakaranas ka na ba ng himalang sagot ng Diyos sa iyong panalangin?

2. Sa paanong paraan naging misteryoso ang kaugnayan mo sa Diyos?

3. Ngayong kilala mo na ang Diyos bilang Tagapagligtas at Panginoon na sinusunod mo sa iyon buhay, paano mo binabalak na ibahagi siya sa iba?


__________________________

January 13, 2019
Baptism of the Lord     Acts 8:14-17

v14Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. v15Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo, v16sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. v17Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo.












1 komento:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...