Miyerkules, Disyembre 4, 2019

Simbang Gabi 2019 (9 Nights Sermons)

Theme: "Pasko: Biyaya ng Diyos Para sa Lahat"

1. Ang Biyaya ng Diyos sa Mga Mahihirap
       Luke 2:8-17 - Ang Mga Pastol

Mahirap ang maging mahirap.

Minsan galing ako sa jail ministry. Pagkatapos kong ipanalangin ang isang nakulong matapos paratangan ng pagnanakaw ng isang  pares ng tsinelas.  Siya ay nakulong ng higit sa dalawang taon.  Hindi umuusad ang kanyang kaso. Wala siyang pambayad ng abogado.  Wala akong nagawa kundi ipanalangin siya. Malungkot akong umuwi pabalik ng simbahan na nagtatanong sa Diyos  kung bakit.

May mga mahirap na hindi kayang ipaglaban ang sarili kahit agawan sila ng karapatan, lupa o  kung maparatangan, kahit  walang ginawang kasalanan. Kung mayroong higit na nangangailangan sa biyaya ng Diyos, sila ang mga mahihirap sa lipunan.

Ang mga pastol sa parang na nagbabantay magdamagan ay maitutulad sa mga security guard na nagbabantay sa gabi.  BInabantayan nila ang ibang gusali o banko, o bahay ng may bahay.  Ngunit wala sila sa sariling tahanan upang mabantayan ang sariling pamilya.  Habang tulog ang marami, sila ay gising na naghahanapbuhay.  Subukan mong silipin sa gabi ang mga nangunguha ng basura upang ibenta ito para gawing pera.

Habang hinahanap natin kung ano ang nasa puso ng Diyos para sa mga mahihirap,  gusto ko kayong anyayahan na magbulay ngayong Pasko sa kalagayan ng mga pastol.  Tara, dalhin natin ang ang Mabuting Balita ng Biyaya ng Diyos sa kanila tulad ng ginawa ng mga angel.

Ang mga Pastol sa Parang

Ang mga pastol dahil mahirap, kadalasan silang  napagbibintangang magnanakaw noong panahon na iyon.  Sa panahong ipanganak si Jesus may dalawang uri lamang ng tao.  Mahirap at mayaman.   Walang middle class noon.   75% ay mahirap, at 25% ay mayaman.    Ang mayayaman ay mga Romanong may mataas na tungkulin.  Mga politiko at makapangyarihan sa militar.  Sila rin ang kadalasang may-ari ng lupa.
Habang ang mga karaniwang tao ay kadalasang nagtatabraho sa bukid ng mga mayayaman.  May mga sumusweldong tulad ng mga karpintero, mga bayarang katulong (payed servants) at magagaling sa mga paggawa ng mga gusali (artisans).  Kabilang sa mga mahirap ang mga bayarang pastol. Kung wala silang makitang trabaho sa isang araw, at wala silang sahod. Pinakamahirap ang mga namamalimos, dahil sa kapansanan, mga prostitutes (may mga balo na nagbebenta ng sarili upang may ipakain sa pamilya, at mga magnanakaw).

Ang Mabuting Balita Para sa Mahirap

Ano nga ba ang mabuting balita sa mahirap? Para sa pulubi, kung may magbibigay ng limos, ito ay mabuting balita.  Ang libreng relief goods, pakain, o medical mission ay mabuting balita sa nagdarahop.

Sa biglang tingin, ang kapanganakan ng Panginoon ay parang “hindi” mabuting balita.   Dahil wala itong libreng pakain, o libreng gamot o limos!  Ngunit mayroong higit pang pakinabang ang Mabuting Balitang ito tungkol sa pagdating ng Tagapagligtas.

1. Una, mabuting balita sa mga pastol ang balita tungkol kay Jesus dahil ito ay nagpapa-alala ng pag-angat sa buhay ng pastol na si David (v.11).  Ang Cristong Panginoon ay isinilang sa bayan ni David.  Si Haring David ay hari na nagmula sa angkan ng mga pastol. Ang panawagan sa mga pastol ay pagkilala sa magagawa ng Diyos sa kanilang buhay, tulad ng ginawa ng Diyos sa buhay ng ninuno nilang si David.

Ang iglesia ay tinatawagan ng Diyos upang magbigay ng ganitong pag-asa sa mahihirap.  Ibalita sa kanila ang maaring gawin ng Diyos upang buksan ang pagkakataon ng pag-angat sa buhay.  At ito ay totoong Mabuting Balita.

2. Pangalawa, mabuting balita sa mga pastol na si Jesus ay ipinanganak sa kanilang kalagayan. Ang Cristong Panginoon ay makikita sa isang tanda, siya ay nakahiga sa sabsaban.  Ang sabsaban ay gamit ng pastol upang pakainin ang mga hayop.  Nakita nila ang Tagapagligtas sa kanilang piling.  Naroon ang Diyos sa kanilang abang kalagayan!  Nakapiling nila ang Diyos sa kanilang pagiging pastol. Ito ay mabuting balita!   Ngunit paano dadalhin ng iglesia ang Mabuting Balita sa mga mahihirap? Ang sagot ay makikita natin kung paano nagsagawa ng misyon ang mga unang Kristiano.
Misyong Kristiano: Mahirap Para sa Mahihirap

Karamihan sa mga sinaunang Kristiano ay mahihirap.  Ngunit sa kanilang offerings, sila ay tumulong sa mga balo, (1 Timoteo 5:3) , upang hindi na mamalimos, o magnakaw o ibenta ang  sarili para lang makakain.

Ang pagtulong ng iglesia ay naging laganap sa gitna ng kahirapan ng maraming mamamayan.   Halimbawa dito ang pahayag ni Pablo, sa 2 Corinto 8:2,  “Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay.”

Makikita na ang naging susi sa tagumpay ng Kristianismo ay ang pagtutulungan ng mga Kristiano sa gitna ng kahirapan.  Sa ganitong paraan nila naramdaman ang pag-ibig at presensya ng Diyos sa iglesia.

Ang Tagumpay ng Kanilang Misyon

Ayon sa   Gawa 4:32-33, “ Nagkaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33 Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.[d] At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat.”

Ayon sa patotoo ni Pablo, sa 2 Corinto 8:9, 
“Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha.”

May Pag-asang Dala ang  Pasko kung  totoong mabuting balita ang dala ng mga Kristianong tulad mo.

Kaya nagwakas ang ating talata sa ganito, “ Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.” (Lk. 2:20).  Halina, magdala tayo ng totoong mabuting balita sa mahihirap.

_____________________ 

2.  Ang Biyaya ng Diyos sa mga Maykapangyarihan at Mayayaman - Mateo 2:7-8

 “Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”
_____________________

Dumarating ang Mabuting Balita sa kahit sa mayayaman at maykapangyarihan.  Ang kwento ni Cornelio sa Gawa 10 ay isang halimbawa.  Dumating si Jesus para kay Zaqueo, na isa ring mayaman. Ang pagliligtas ng Diyos ay para sa lahat.  Ang mga mayayaman ay nanganganib na mapamahal sa kanilang salapi.  Sabi sa 1 Timoteo 6:10,

“Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”

Maaring ang mga mayayaman ay malungkot sa kalooban.  Dahil walang taong nagiging kuntento sa kayamanan.  Ang tunay na kaligayahan ay wala sa kayamanan.  Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa Diyos na nagbibigay ng tunay na kapayapaan. Ang pinakamahalagang kayamanan sa buhay, tulad ng kapayapaan, masarap na pagtulog, kaligayahan sa pamilya ay hindi natutumbasan ng salapi.

Kailangan ng Mayayaman at Makapangyarihan ang Biyaya ng Diyos

Maaring ang isang mayaman ay hungkag ang buhay.  Ang dami ng salapi ay maaring magdulot ng takot, at pangamba.  Maraming makapangyarihang politiko ang takot na ipapatay ng kaaway sa politika. Maraming mayaman ang nangangailangan ng kapayapaan mula sa Diyos.

Dumating ang Mabuting Balita Kay Herodes

Hindi aksidente ang pangyayaring ito.  Lahat ng kwento sa Biblia ay kwento ng pakikitagpo ng Diyos sa ibat-ibang uri ng tao. Nais katagpuin ng Diyos si Herodes.  Ang pagkakataon ng kaligtasang espiritual ay pinagkakaloob  ng Diyos sa lahat ng tao, masama man o mabuti.  Ayon sa 1 Timothy 2:4,
“Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.”

1. Kailangan ng mga mayayaman ang kapayapaan mula sa Panginoon.  Ito ang naranasan ni Zaqueo.  Ito ang anyaya ng Panginoon sa mayamang kabataan sa Lucas 18:18-30.  Utos ng Panginoon na ibenta ng mayaman ang kanyang kayamanan, ipamigay ito sa mahihirapa t sumunod siya kay Jesus.

2. Kailangan ng mga mayayaman ang mas makahulugang buhay.  Nagiging makahulugan ang buhay kung ang tao ay may misyon.  Ang pagyaman ay  hindi misyon. Ang misyon ay ang paggamit sa kayamanan sa pagtulong sa iba. Ang  mga Kristianong mayayaman ay may malaking maitutulong sa ministeryo ng Panginoon.  Sabi ni Pablo tungkol sa mayayaman sa 1Timoteo 6:18,

“Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa.”

3. At ang pinakamahalaga, kailangan din nila ang pagliligtas ng Diyos.  Hindi maililigtas ng kayamanan ang kaluluwa ng tao.

Mahalagang maipakilala ng iglesia ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas ng lahat.  Kailangang makita ng mga mayayaman at makapangyarihan  ang pangangailangan nila sa Diyos.

Ang Tugon ni Herodes

Nagkaroon ng malaking interes si Herodes sa Panginoong Jesus.  Sa isang banda mabuti ito.  Kailangan nating gawing  “interesting” sa mayayaman ang ministeryo ng iglesia.  Kailangang makita ng mga mayayaman ang mabuting ibubunga ng kanilang paglahok sa mninisteryo ng Panginoon sa iglesia.

Kaya pinatawag niya ang mga Pantas upang alamin kung saan makikita si Jesus.

Tanungin po natin ang ating sarili:

May gawain ba tayo ng pagpapakilala sa Panginoong Jesus sa mga mayayaman?
Minsan, madali sa atin ang makipag-kaibigan sa mayayaman, nakikita rin ba natin ang ating misyon upang tulungan silang maligtas sa kasalanan?

Ang Ginawa ng Mga Pantas

1. Hindi ikinaila ng mga Pantas ang kanilang paghahanap sa Tagapagligtas.  Sinabi nila na ay naghahanap sa Panginoong ipinanganak upang sambahin ang Messias.  Maraming Kristiano, ikinahihiya nila ang pagbabahagi ng Mabuting Balita kaya hindi dumadaloy ang biyaya ng Diyos sa buhay ng iba.

2.  Hindi natakot ang mga Pantas.  Si Herodes ay kilalang masamang tao.  May panganib sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.  Maari kang pagtawanan o pahirapan.  Sa iglesia sa Iran, Middle East, maraming kwento ng mga babaeng pastor ang pinagsasamantalahan upang itigil na nila ang pangangaral ng Salita ng Diyos.  Sa isang interview ng isang pastora na pinagsamantalahan, wika niya,

“Kung ito ang paraan upang maihandog ko ang aking katawan sa Diyos,isa itong karangalan.”

Conclusion:

Alam natin na hindi tunay na sumampalataya si Herodes sa Panginoong Jesus. Huwad ang kanyang pagsasabi na sasambahin niya ang Tagapagligtas. Ngunit huwag nawang tumigil ang iglesia sa pagdadala ng Mabuting Balita ng kaligtasan.  Dahil kailangan ng mga taong mayayaman ang biyaya ng Diyos upang sila ay maligtas. Marami pang Herodes, o Pilato at Zaqueo ang nais katagpuin ng Panginoon.

___________________________ 

3. 3. Biyaya ng Diyos Kay Simeon
Lucas 2:25-35  -  (Biyaya Para sa mga Senior Citizens)

Maganda at kapuri-puri ang ministeryo ng ibang iglesia sa mga Senior Citizens.  Salamat din sa gobyerno na  nagbibigay tulong sa mga Seniors ng bayan.  Mabuti kung ang iglesia lokal ay magkakaroon ng konkretong ministeryo para sa mga Senior Citizens.

May ilang pangamba ang mga Senior o mga tumatanda;

1. Pangamba na mawalan ng silbi.  Habang tumatanda ang isang tao, mas marami na ang hindi niya nagagawa.  Kaya nagbibigay ito ng damdamin ng insecurities.

2. Pangamba ng pag-iisa.  May pamilya na ang mga anak, kaya madalas mag-isa ang mga matatanda. Maraming matatanda ang nakakaranas ng depression.

3. Pangamba na nagiging pabigat  na sila sa mga anak at apo nila. Feeling of uselessness.

4. Takot sa kamatayan.  Alam nila na palapit na ang kamatayan.  Dumadami ang sakit nila, at ramdam nila ang pagkatok ng kamatayan sa kanilang buhay.

May ministeryo po tayo sa mga matatanda.  At ito ang ating tatalakayin sa ating mensahe sa Simbang Gabing ito.  Huwag nating kalilimutan ang ating mga magulang na tumatanda na.  Inalagaan nila tayo noong bata pa tayo, alagaan natin sila ngayon matanda na sila.

May kwento tungkol sa isang matanda na nagpunta sa gumagawa ng cell phone.  Reklamo niya, “May sira ang aking cellphone.  Paki-ayos mo anak.”

Tinignan ng cellphone repairman ang Nokia ng matanda.  “Wala pong sira lolo.  Maayos po ang cellphone niyo.”
Sagot ng matanda, “E  bakit hindi tumatawag ang mga anak ko sa akin? “Sagot ng repairman, “Lolo, ang mga anak ninyo ang may sira.”
Mababasa sa Lucas 2:28, “kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Diyos”.
Sa ibang salin, Niyakap ni Simeon ang sanggol, at siya ay nagpuri sa Diyos.”

Maraming Matatanda ang Nagnanais Yumakap sa Panginoon

1. Maraming magulang naghahanap ng puwang sa iglesia upang patuloy na maglingkod. May mga retired teachers na matapos magtrabaho, at saka sila nagpastor. May dahilan ang iba,  sabi ng isa, “Nais kong ipaglingkod sa Diyos ang nalalabi kong buhay.”   Ang ganitong magandang halimbawa ay dapat bigyang puwang sa iglesia.

2. Marami ring magulang ang naglingkod noon, at retired na ngayon sa ministeryo.  Maraming sundalo ang Panginoon na nagbuwis ng kanilang lakas sa pagmimisyon noong kalakasan nila.  At ngayong matanda na sila, mahalagang pagpalain natin sila.

3. Marami rin ang matatanda sa labas ng iglesia na nangangailangan ng attention ng simbahan. Hindi po kilala nina Jose at Maria si Simeon. Ngunit biglang kinuha at kinalong ng matanda ang sanggol. (Mabuti at hindi pa uso noon ang ngunguha ng bata. Kundi napagkamalan si SImeon.)

Ngunit isang malaking kamalian kapag ang iglesia ay naglilingkod lamang sa kanyang miembrong nasasakupan.  Sa bawat baranggay ay may maraming matatanda na dapat abutin ng iglesia.   Mga hindi kaanib ng iglesia na naghahangad na yumakap sa Tagapagligtas!

Naranasan ko po ang magbahagi ng Salita ng Diyos sa isang matanda na naka-wheel chair.   PInanalangin ko siya at palaging dinadalaw, kahit hindi siya miembro ng aking destino.   Kinatatakutan pala ang matanda ito dahil dati siyang “killer” o “hitman for hire”.  Ngunit bago siya pumanaw, tumanggap siya sa Panginoon at humingi ng tawad sa Diyos sa lahat ng kanyang kasalanang nagawa.
May mga matatanda na naghihintay sa pagliligtas ng Diyos.
May mga matatanda na nakagawa ng mga kasalanan noong malakas pa sila.
Ang Panalangin ng Matandang Simeon

Masasalamin ang inaasam ng mga katulad ni matandang Simeon sa panalanging ito;

1. Panalangin ng payapang paglisan sa mundong ito.  Mababasa  sa  v. 29
     “Ngayon, Panginoon ko, ayon sa inyong ipinangako, mapayapa mo       nang kunin ang iyong alipin.” 

2.  Panalangin ng kasiguruhan ng kaligtasan para sa mga Simeon sa ating paligid.  Sabi  v. 30, “Sapagkat namalas na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,”.

Ang pagliligtas ng Diyos ay kailangan ng lahat, bata man o matanda.  Ngunit nagmamadali ang pangangailangang maligtas ng mga matatanda.  Dahil kaunti na lamang ang kanilang nalalabing panahon.

Malaking pagkukulang kapag ang iglesia ay hindi marunong mag-ebanghelismo sa mga tao.  Maraming tao ang namamatay na hindi tumatanggap sa Panginoong bilang Tagapagligtas.  Kailangan nilang makilala ang Panginoong Jesus upang patawarin sila at bigyan ng buhay na walanghanggan.

3. Panalangin upang ibahagi ang  Kaligtasan sa iba.  Nais ding maranasan ng mga seniors ang magbahagi ng Salita ng Diyos.  Sabi sa  verse 32,  ang sanggol ay “Isang ilaw ng pagpapahayag sa mga Hentil”.

Ang isang naligtas ay may pagnanais na magbahagi sa kanyang tinanggap.
Isang matanda ang nakakilala sa Panginoon. Ayon sa kanya, “Pastor, ang aking misyon ay ang maipakilala sa aking buong pamilya ang Panginoon. Bago man ako pumanaw, dalangin ko na mailapit ko sa Diyos ang aking pamilya sa ating iglesia.”

4. Nais ng mga Senior na maging pagpapala din sa iba, v. 34.

Umabot po tayo sa mga matatanda ng ating lugar.  Misyunan po natin sila at bigyang bahagi sa misyon ng iglesia.

 ______________________________________

4. 4. Ang Biyaya ng Diyos sa Buhay ni Ana
     Lucas 2:36-38

36 Naroon din si Ana, isang propetang babae na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Napakatanda na niya. Pitong taon niyang nakapiling ang kanyang asawa matapos maikasal. 37 Ngayon ay isa na siyang balo sa edad na walumpu't apat. Hindi niya nililisan ang templo kundi araw at gabi siyang nag-aayuno at nananalangin doon. 38 Pagdating niya nang mga oras na iyon, nagpuri siya sa Diyos at nagsimulang magsalita tungkol sa sanggol sa lahat ng mga naghihintay ng katubusan ng Israel.

Sa kwento ng Metodismo, hindi maikakaila kung paano ginamit ng Diyos ang mga babaeng Kristiano sa paglago ng pananampalataya. Si Susana Wesley na ina ni John Wesley ay isang halimbawa.  Si Ptra. Paz Macaspac, ang pinaka-unang babaeng ordinadong pastor sa Pilipinas ay hindi nag-asawa.  Hanggang sa kanyang kamatayan, siya ay nanatiling naglingkod sa mga Aeta ng kabundukan ng Zambales, Bataan, Pampanga at Tarlac, at nanguna sa pagkatatag ng Immanuel Bible School para sa mga katutubo.

Hindi matatawaran ang nagawa ng mga kababaihan para sa iglesia ng Panginoon.

Ang gabing ito ay maituturing na pagpupugay sa mga kababaihang Kristiano bilang mga pinagpala ng Diyos.  At hindi lamang sila pinagpala, dahil sila ay malaking pagpapala sa buhay ng iglesia.  Hindi magiging kumpleto ang iglesia kung wala sila.

Ang Biyaya ng Diyos sa Buhay ni Anna

1. Si Anna ay isang propetisa - siya ang tanging babaeng tuwirang tinawag na propetisa sa buong Bagong TIpan.

2. Siya ay purong Israelita.  Ang mga Israelita ay kinikilala sa kanilang lineage o patunay ng kanilang salinlahi.  ALam nila kung kaninong tribu sila kabilang.    Isang taong kilala ang kanyang ama (Phenuel - mukha ng Diyos) at ang kanyang tribu ay Asher (pinagpala).
Pagkilala sa Biyaya ng Pamilya at Buhay

Maraming tao sa ngayon ang despressed.  Mas napapansin nila ang negatibong  bahagi ng kanilang buhay.  Hindi maiaalis ang mga pangit na karanasan sa buhay.  Ngunit maari nating tignan ang mga positibo, sa halip na mag sentro sa mga hindi maganda.

Ang ating pananampalataya ay nag-aanyaya upang bilangin natin ang mga pagpapala ng Diyos sa kanilang buhay at pamilya.  Si Anna ay maaring nag-asawa tulad ng karaniwang babae noon.  Sa edad  halimbawa na 14, nag-aasawa ang  mga kabataan sa panahon na iyon.  Pagkatapos ng  7 taon,  siya ay nabalo.  Kung siya ay balo sa loob ng  84 na taon, siya ay  nasa edad  na  (84 + 7 + 14) 105! Sa panahon na iyon, kawawa ang  mga balo.  Sa halip na mag-asawa ulit, pinili ni Anna ang maglingkod sa Diyos.

Ang edad na ito ay ikinukumpara sa katapatan ni Judith sa Diyos, ang babaeng bayani ng Israel sa Lumang Tipan (sa Apocrypha).

Sa ganitong edad niya nakatagpo ang Panginoong Jesus.  Tunghayan natin ang  mga pagpapala sa buhay ni Anna.

1. Una ang pagpapala ng  pamilya - ito ay  mahalaga kay Anna.  Pinakilala siya ayon pangalan ng kanyang ama at kinibibilangang tribu sa Israel.   Sa mga Judio, tinututuring nilang pagpapala ang kanilang kinabibilangang pamilya at lahi.

2. Pangalawa,  ang kadalisayan ng kaniyang pananampalataya  (purity of  faith) ay kanyang iningatan. Sa lumang kaugalian ng mga Judio, ang isang balo na hindi nag-asawa ay tanda ng kanyang pagtitiwala sa Diyos, na hindi siya pababayaan ng Panginoon.

Ang dalawang mabuting halimbawang ito ay ipinapakilala sa buhay ni Anna.  At bilang tugon niya sa biyaya sa kanya ng Diyos, si Anna ay naglingkod  sa Panginoon hanggang sa kanyang pagtanda bilang isang propeta.  Siya ay naging tagapag-salita ng Diyos sa kanyang bayan.  Siya ay nagbigay ng pag-asa sa mg anaghihintay sa Tagapagligtas.
Ang Inihandog na Buhay sa Diyos

Ang halimbawa ni Anna ay buhay na inihandog sa Diyos.  Sa gipit niyang kalagayan bilang isang balo, mas pinili niya ang magtiwala at maglingkod sa Panginoon.    Ayon sa Roma 12:1-2,

“Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos, ipinapakiusap ko sa inyo na ialay ninyo ang inyong mga katawan bilang handog na buháy, banal, at kalugud-lugod sa Kanya. Ito ang inyong karapat-dapat na pagsamba.”

1. Si Anna ay nabuhay na nagtitiwala sa biyaya ng Panginoon.   Ang mga balo ay walang asawang lalaki na magbibigay proteksyon para sa kanila.  Karaniwan din na ang lalaki ang maghahanapbuhay, habang ang asawang babai ay magtatrabaho sa bahay at nagpapalaki ng mga anak.  Bilang balo, maaring si Anna ay namuhay na mag-isa.  Hindi natin alam kung may anak siya.  May anak man siya o wala, itinaguyod niya ang sarili (o pamilya) na mag-isa sa biyaya ng Diyos.

2. Si Anna ay nabuhay na naglilingkod sa Diyos, hanggang pagtanda. Ang pagiging propeta ay hindi madali. Maaring magalit ang mga tao sa propeta lalo kung may dapat ituwid na kamalian sa gobyerno, sa templo o sa malng gawain ng mga tao.

Si Anna ay dapat pamarisan.

a. sa tamang pagkilala niya sa mga pagpapala ng Diyos - pamilya, at lahi.
b. sa pagpapanatili ng kadalisayan ng pagkatao bilang lingkod ng Diyos.
c. sa pagtitiwala sa katapatan ng Diyos sa isang tulad niyang balo.
d. sa buhay na naglilingkod habang nabubuhay.

Purihin ang Diyos sa kanyang biyaya sa mga taong nagtitiwala sa Kanya!

__________________________

5. Ang Biyaya ng Diyos sa mga Mago
Matthew 2:1-12

Kahit ang  mga matatalinong tao ay nangangailangan ng biyaya ng Diyos.   May mga  taong magagaling, mataas ang pinag-aralan, ngunit kailangan pa rin nila ang Diyos. Sino mang magsasabing walang Diyos ay mangmang, gaano man siya katalino sa kanyang tingin.

“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Mababasa ito sa Awit 14:1.

May mga matatalino, ngunit ginagamit nila ang talino sa domination o pag control sa iba.  May mga matatalino na ang hangarin lamang sa buhay ay magpayaman.  May mga matatalino na gumagamit ng kanilang kaalaman sa maling paraan. Sila ay nagsasamantala, umaabuso, at nananakit ng kapwa.

May matatalino  naman na yumayaman dahil sa kanilang galing, at tumutulong sa kapwa.  Sila ay gumagawa ng paraan upang mapabuti ang kalagayan ng buhay sa daigdig.

Ang Mga Mago

Ang mga mago ay matatalinong tao.  Maaring sila ay mga scientists, mathematicians, magicians, priests, o mga principe.  Mga leader sa mga probinsya o bayan. Sila ay mga elite ng lipunan.  Mayaman at matatalino. Sila ay maaring nagmula sa  Iran o Iraq. 

Ang kanilang paghahanap sa Messias ay tanda ng pangangailangan ng sinumang tao sa Diyos.  Kahit ang mga pagano (hindi Judio) na tulad nila, ay umaasam sa pagliligtas ng Diyos.  Ramdam nila na mayroong pang higit sa talino ng tao na kailangan upang mailigtas ang sanlibutan.   Ngayong alam na nila na hindi kakayanin ng tao na mabuhay sa sariling kakayahan, hinahanap nila ang Diyos na magbibigay sa kanila ng mas lalong malalaim na kahulugan sa buhay.

Ang Biyaya ng Tala

Sa interpretasyon ng mga Mago o matatalinong tao,  ang Diyos ay nangungusap sa kalikasan at sa kalawakan. Ang tala na simbolo ng hari ng Israel, ayon sa kanilang nauunawaan, ito ay panawagan ng Diyos upang kanilang hanapin ang Tagapagligtas ng sanlibutan.

Naranasan mo ba na mangusap ang Diyos sa iyo sa mga nangyayari sa iyong paligid? SaBiblia, nangusap ang Diyos kay Gideon sa kalikasan sa mga basang tela.

Sa iglesia, mayroong isang kabataang nagmamasid  sa Sunday School. Walang gurong magtuturo ng Biblia sa mga bata.  Bigla niyang nanaramdaman na siya ay tinatawag ng Diyos upang maglingkod. Nagsimulang magng seryoso ang kabataan sa pag-aaral ng Biblia hanggang siya ay naging pastor.

Maraming pagkakataon, ang Diyos tumatawag sa mga tao ayon sa nakikita at naririnig nila sa paligid. Laging nagbibigay ng senyales ang Diyos sa kanyang panawagan upang ilapit niya ang mga tao sa kanya.

Kung may matalinong tao sa inyong igesia, na hindi pa nakikilahok sa ministeryo ng Panginoon.  Maari pong idalangain sila at anyayahan din na maglingkod sa Panginoon.  Maaring ang mga taong ito ay hindi tumanggap sa pagliligtas ng Diyos.  Maging tala ka sana para sa kanila kapatid.  Ilapit natin sila sa Diyos at maging biyaya sa kanila.

Ang Biyaya ng Talino

Ang mga mago ay biniyayaan ng talino upang ipaliwanag ang mga bagay-bagay at mga pangyayari.  Ang Diyos ay nagbibigay ng mga kaloob (gifts)  ng galing at husay sa ibat-ibang bagay.  Ang iba ay binigyan niya ng kakayahang mangaral, magturo, gumawa, at magpagaling.  Ang gamit ng talino sa Biblia ay hindi upang magpayaman o magpasikat ang isang tao. Ito ay para sa paglilingkod sa Diyos at sa kanyang iglesia.  Ang nais ng Diyos ay magamit ang kakayahan ng mga tao para sa ikalalago ng iglesia.
Ang Kanilang Tugon

Maaring nagsimulang sundan ng mga mago ang tala, out of curiousity.  Katagalan, maaring natutunan nila na ito ay tala ng hari ng Israel.  Hanggang malaman nila na ito ay umaakay sa kanila patungo sa Tagapagligtas.

May mga naging miembro sa iglesia na sa una ay curious lamang, nis lamang nilang makita ang simbahan o isang kaibigan sa church.  Ngunit sa kakapakinig ng salita ng Diyos ay tmanggap sa Panginoon at naging miembrong ating simbahan.  Yung iba nga, nakikain lang sa feeding program.  Dahil may libreng pagkain, laging bumabalik. Sa kakapakinig ng Salita ng Diyos, ay tumanggap sa Panginoon! Naging Pastor pa ngayon. At malakas pa rin siyang kumain hanggang ngayong pastor na siya!  Pero tapat namang naglilingkod sa Diyos mga kapatid. Malakas nga lang kumain si Pastor.

Ang paglalakbay ng  tatlong Pantas, lalo nilang nakilala ang  Messias.  Sa bawat hakbang nila sa paglalakbay, lalo silang napapalapit sa Tagapagligtas.   At eto ang kanilang naging tugon ng matagpuan nila si Jesus:

1. Nagkaloob sila ng  makahulugang handog.   Ginto, tanda ng paghahari ni Cristo. Kamanyang  (insenso) - tanda ng pagiging punong saserdote ni Cristo, at mira- (pabango), tanda na ihahandog ni Cristo ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Kapag naghahandog po kayo, huwag yung tira-tirang barya.  Huwag po kayong maghahandog sa Diyos ng walang kabuluhang handog. Gawin po ninyong makahulugan ang inyong kaloob. 

a. Magkaloob bilang  isang nagpapasakop  sa paghahari ng Diyos -
      (offering under the Lordship of Jesus Christ) sinisimbolo ng ginto.
b. Magkaloob na may malalim na pagkatalaga o committment -  na          sinisimbolo ng pagpapailalaim natin sa pagka-saserdote ng     Panginoong Jesus (offering under the priesthood of Christ)
c. Magkaloob sa Panginoon na nagkaloob ng kanyang sarili  sa iyo.
2. Sumunod sa Halituntunin ng Diyos

Ang pangalawang tugon nila sa biyaya ng Diyos ay ang maingat na pagsunod nila sa mga halituntunin ng Diyos. Kinausap sila ng Panginoon at sila ay sumusunod. Maraming tao ang kinakausap ng Diyos pero sarili nila  ang kanilang sinusunod.

Wika ng Panginoon, “If you love me keep my commandments.” 
Ang tunay na karunungan ay nasa pagsunod.

Sa training ng mga navy sa malaking barko. Ang unang halituntutunin ay “Obey first before you complain.”  Habang nakatayo ang maraming navy sa barko, biglang sumigaw ang platoon leader, “DAPA!”  Lahat ay dumapa.

“WISSSH!” Isang mahabang kable ang naputols a barko.  At sinumang hindi dumapa ay siguradong pugot ang ulo sa lakas ng hampas ng kableng bakal.

Matatalino ang mga Mago dahil marnong silang
magkaloob ng makahulugang handog
at marunong silang sumunod sa Diyos.

Gawin natin silang halimbawa;

1. Unawain natin ang nais ipabatid ng Diyos sa atin, makinig, magmasid,
2. Gamitin ang mga kaloob sa atin ng Diyos sa paglilingkod sa iglesia
3. Abuting ang mga matatalino upang sila man ay makakilala sa pagliligtas ng Diyos.
4. Maghandog ng makahulugang handog.
5. Maging masunurin sa kalooban ng Panginoon.

 ______________________________ 

6.     Ang Biyaya ng Diyos Kay Zechariah at Elizabeth
       Lucas 1:5-24

Ang Pasko ay kadalasang pagtitipon ng pamilya  upang magpasalamat sa Diyos.   Sa tahanang  Pilipino, sa ating kultura, lagi nating inuuna ang pamilya bago ang sarili.  Kaya lagi nating tinutulungan ang bawat isa.  Ang umaasenso at umangat ay laging  sumasaklolo sa kapatid na nangangailangan.   Ang pamilya ay ang pinaka-mahalagang biyaya ng Diyos sa atin.

Ang Pamilya ni Zacarias

Ang mag-asawang Zacarias at Elizabeth ay walang anak.  Ang pagkakaroon ng anak ay pagpapala.  Kayong mga kabataan, ibinigay kayo ng Diyos sa inyong mga magulang upang maging pagpapala. Huwag kayong maging sakit ng ulo, o sama ng kalooban para sa inyong mga magulang.

Sina Zacarias at Elizabeth ay malungkot dahil matanda na sila. Sino ang mag-aalaga sa kanila?  Sino ang magpapatuloy ng kanilang paglilingkod sa Diyos?

Sinasabi na sila ay angkan ni Abijah, isang dakilang pari sa templo, at si Elizabeth ay lahi ni Aaron, ang unang pinakapunong pari ng Israel.  Pinagpatuloy nila ng pagka-pari ng kanilang ninuno.  Sino ang magpapatuloy sa kanilang paglilingkod?

Pagpapala ng Anak at Paglilingkod

1. Dumalangin si Zacarias sa Diyos ng anak, at ibinigay sa kanya ang katuparan ng kanyang kahilingan (v.13).  Ang Diyos ay nagpapala sa pamamagitan ng panalangin.  Ang mga anak ay pagpapala ng Diyos.

“Humingi kayo at kayo ay bibigyan.”  ito ang wika ng Panginoon.

Mahalagang makita ng mga kabataan na sila kaloob ng Diyos sa kanilang mga magulang.  At dapat ding mahalin ng bawat magulang ang kanilang mga anak.
2. Ang pagpapala ng paglilingkod.  Sina Zacarias at Elizabeth ay mga naglilingkod sa templo. Wala silang ibang hanapbuhay, kundi ang tumanggap ng kaloob ng mga taong nagsisimba sa templo.

At ito ay pagpapala.
Hindi lahat ay tinawag sa ganitong gawain.

Ang mga lahi ni Aaron at Abijah, hanggang sa kanilang mga anak at apo ay  maglilingkod sa templo. Ito ang kanilang magiging buhay.

a. Una, ang paglilingkod sa simbahan, para sa mga tinawag ng Diyos ay isang pribilehiyo.  Sa biglang tingin, ito ay mabigat na responsibilidad.  Ngunit napatunayan ng lahat ng naglingkod sa simbahan na ito ay malaking pagpapala sa kanila, maging sa kanilang mga kapatid at pamilya.

b. Pangalawa, ito ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay ng mga tinawag.  Kung hindi nila ito gagawin, ito ay mabigat na dalahin sa kanilang buhay.

Sabi ni Pablo,
“Kawawa ako kung hindi ko ipapangaral ang Ebanghelyo -1 Cor. 9:16.

Ito ang panalangin ni Zacarias, ang magkaroon siya ng anak, upang hindi mapatid ang paglilingkod ng kanyang pamilya sa Diyos.

Ang Ministeryo ni Juan Bautista

Mga kabataan, makinig po kayo.  Eto ang gawin ninyong ministry ng buhay ninyo, para maging pagpapala kayo:

1. Maging kaligayahan  kayo  ng inyong  mga  magulang at pagpapala sa      maraming tao (v. 14).
2. Magiging kagalakan kayo sa Diyos (v.15)
3. Gagabayan ninyo pabalik sa Diyos  ang mga tao (v.16)
4. Pagkakasunduin niya ang mga ama at anak (v.17a) - katuparan ito ng    Malakias 4:5-6.  Ang tinutukoy na pagkakasundo  ay  pakiki-isa ninyo sa inyong mga magulang sa pagsunod sa nais ng Diyos .  Maging modelo kayo sa pakikiisa sa mga magulang ninyo sapaglilingkod.
Maging Pamilya ng Pagpapala

Ang pamilya ni Zacarias ay hindi lamang pinagpala.  Sila mismo ay naging pagpapala sa iba. Katulad sila ng pamilya ni Abraham.  Wika ng Panginoon kay Abraham, “Pagpapalain kita ... at gagawin kitang pagpapala .” (Gen. 12:2).

"I will make you into a great nation and I will bless you;
I will make your name great, and you will be a blessing.”

Ngayong Pasko, upang dumaloy ang pagpapala sa loob ng ating pamilya,

1. Mga magulang, magdalanginan kayong mag-asawa.  Baka may problema ang asawa ninyo, at wala kayong kalam-alam sa bigat ng problema niya.

2. Idalangin din ninyo mga magulang ang inyong mga anak. Bigyan ninyo sila ng  emotional at spiritual support.  Huwag lang puro pera at material  na bagay.

3. Mga anak, makinig po kayo, be a blessing to your parents. Mag-aral kayong mabuti at alagaan sina mama at papa sa kanilang pagtanda.

4. Mag-kaisa kayo sa pamilya sa paglilingkod sa Diyos. Magka-sundo kayong mag-ama sa paglilingkod sa Panginoon.  Kahit magkaiba kayo ng music - yung tatay at nanay - lumang himno at ang mga anak ay Christian ROck, basta magtulungan kayo at magka-isa sa paglilingkod sa iisang Diyos. 

5. Maging pagpapala sa iba.

Tapusin po natin ang sermon na ito  sa isang panalangin para sa pamilya.

___________________________

7. 7.  Ang Biyayang Dala ng mga Angel
      Luke 2:1-20

Ang awiting “Hark the Herald Angels Sing” ay sinulat ni Charles Wesley, isa sa mga ama ng Metodismo.  Siya ay nakababatang kapatid ni John Wesley.  Ang nilalaman ng awit ay paggunita sa ating pagbasa sa Biblia.

Habang nagbabantay ang mga pastol sa parang, dumating ang mga angel at sila umawit.  Milyong mga angel ng kalangitan - umaawit!

Maraming korista sa mga simbahan ang nagpapa-alala sa mga katangian ng mga angel.  Mga korista, praise and worship team na may pusong umaawit ng papuri sa Diyos.  Sila ay mga Levita ng ating panahon.

Ang Ministeryo ng Pag-awit sa Diyos

Ang unang mga temple stewards, korista at musicians sa Bible ay mga Levita sa Lumang Tipan.  Sila ay pinili dahil sa kanilang pusong maka-diyos. Dapat, ganyan ang mga choir members, mga Praise and Worship Teams, hindi lang maganda ang boses - dapat maka-diyos.

Mababasa sa Exodo 32:26, “ So he (Moses) stood at the entrance to the camp and said, "Whoever is for the Lord, come to me." And all the Levites rallied to him.

Eto yung pangyayari na takot lumapit sa Diyos ang marami dahil sa pagsamba sa gintong guya.  Subalit, ang mga Levita, pinatunayan nila na sila ay sa panig ng Diyos. May mensahe ang buhay nila.

Isa pa, laging sinasabi ng Diyos na “ang  mga Levita ay akin” (Bilang 3:12;45).  Sila ay nilinis at itinalaga sa banal na gawain (Bilang 8:6).  Sila ay umaawit upang dalhin ang presensya ng Diyos sa gitna ng mga taong nagsisimba. Sila rin ang may tungkuling  mag-ingat at maglinis ng mga banal na kagamitan ng templo. Kaya kayong members ng choir, mga PAW, sinasabi ng Panginoon, tinuturo kayo, “Akin yan!”  Huwag kayong lilipat sa partido ni Satanas.  Sa Diyos kayo mga anak.
Mensahe at Awit ng Mga Angel

Ang mga Levita, mga choir and praise team, ay katulad ng mga angel, may mensaheng dala ang buhay nila, at mayroon silang awitin para sa Panginoon.

Eto ang mensahe ng angel;

1. Pinanganak ang Messias.  Ito ay katuparan ng sinabi ni Isaias (9:6).  Ipanganganak ang sanggol na lalaki, at siya ang  Prinsipe ng kapayapaan, ang Makapangyarihang Ama..

Narinig nila ang pinakamabuting Balita na maaring marinig ng isang tao.  Dumating na ang inyong Tagapagligtas!

2. Pangalawang mensahe niya ay, “Makikita ninyo siya.”

Oo nga naman, kung ipinanganak si Jesus, pero kung hindi mo naman siya makikita - eh wala rin. Kaya sabi ng angel, “You find the baby...” Maraming nag-cecelebrate ng Christmas but, they do not find the baby. Sayang di po bah?

Panalangin ko, ngayong pasko, makatagpo mo si Jesus kapatid.

3. Pangatlo, there will be a sign.  Makikita ninyo siya na nakabalot ng lampin sa sabsaban.  Makikita ninyo ang Diyos ng kaitaasan, sa nakalulunos na kalagayan, sa sabsaban. Ang Diyos ng kalangitan, nasa kalagayan ng pinakadukhang - katulad ninyo.

Dumating siya para sa inyo.
At kayo ang unang binalitaan sa kanyang pagdating.

Kung mauunawaan lamang natin ang laki ng biyaya ng Diyos para sa atin- wala ng magpapakamatay na tao.  Tulad ng panalangin ni Pablo sa mga Taga Efeso, “Nawa’y maunawaan ninyo ang lalim at lawak ng pag-ibig ng Diyos para sa inyo...”
Ang Awit ng mga Angel

Sabi sa verse 13-14,  “Suddenly a great company of the heavenly host appeared with the angel, praising God and saying,   "Glory to God in the highest, and on earth peace to men on whom his favor rests."

Ganito ang  nilalaman ng kanilang awit,

a. Una, awit ito tungkol sa gloria  o karangalan ng Diyos sa kaitaasan.  Ito ay patotoo ng awiting papuri sa Diyos. Ang Diyos ay dakila! Ang Diyos ay banal! Ang Diyos ay papurihan sa kaitaasan!

Napaka-dakila po ng Diyos! Ito  po ba ang lumabas sa bibig ninyo kapag kayo ay nagpupuri?  Ito po ba ang ibig ng inyong pagpalakpak sa Panginoon?   Glory to God!

Pinakita ng pag-awit mga angel kung paano ang tamang pagpupuri sa Diyos.  At ang awitin nila ay umalingawngaw sa buong universe.  Sabi ni John Wesley, “Kapag umaawit kayo, huwag kayong parang umaawit sa libing.”   Kasi po, buhay ang Diyos na inaawitan natin, hindi patay.

b. Pangalawa, naglalaman ang awitin ng ganitong lyrics, “Peace on earth and goodwill to men.”  Ang awitin nila ay nagdadala ng pag-asa ng kapayapaan sa mundong ito.  CHOIR. Huwag po kayong aawit ng sintunado sa simbahan. Mag practice po kayong mabuti.  Baka po sa kakapakinig sa inyo ng mga nagsisimba, mawalan sila ng pag-asa.

Ganito yung awit na may mensahe.  Nagdadala ito ng pag-asa, ng kapayapaan, ang kagalakan sa mga tao.

c. Pangatlo, pinagdugtong ng awitin ng mga angel ang langit at lupa.

Dahil ito ang Pasko - nagtagpo ang Diyos at tao.
Nagkita ang kadakilaan ng Diyos at ang dukhang kalagayan ng tao.
Nagsanib ang kalangitan at sangdaigdigan.
At naranasan ng mga pastol na kasama nila ang Diyos.
Ang Tugon  ng Mga Pastol sa Mensahe at Awit

Wika ng mga pastol, “Tara pumunta tayo sa Bethlehem.”

Ang Bethlehem ay halos walong kilometro mula sa kinaroroonan ng mga pastol.  Gumawa sila ng desisyon, upang hanapin ang bagong silang na Tagapagligtas.

Mahalaga ang paghahanap.

May mga naghahanap ng mga bagay na walang kabuluhan.
May naghahanap - yung mga KSP, kulang sa pansin, naghahanp sila ng pagpansin.
Ok lang na hanapin natin yung kulang sa ating buhay.

Pero ang mensahe ng angel, “Ipinanganak si Jesus para sa iyo - hanapin mo rin siya.”

  ________________________ 

8. 8. Biyaya Para kay Jose
     Mateo 1:18-25

Mabilis sumikat sa youtube ang awiting “Blessing” ni Laura Story.

'Cause what if your blessings come through raindrops
What if Your healing comes through tears
What if a thousand sleepless nights
are what it takes to know You're near
What if trials of this life are Your mercies in disguise

Tama ang awiting ito. May pagpapala ang Diyos na dumarating sa maskara (disguise) ng pagsubok, pero sila ay pagpapala.

Mercies in Disguise
Ang pagdating ng biyaya sa buhay ni Joseph ay halimbawa ng “mercies in disguise”.  Bago dumating ang kanilang kasal ni Mary, buntis si Mary, at hindi ito anak ni Joseph!

Sabi nga ng isang pastor, “Palabiro din ang Diyos.”  Halimbawa, noong ibalita ng mga angel na magkaka-anak si Sarah at Abraham, masyadong matanda na sila.  Kaya natawa si Sarah sa balita - “Ano ito? JOKE? Paano ako magkaka-anak sa tanda kong ito?”  At ang biyaya ng Diyos ay naranasan ng matandang Sarah, at siya ay nagka-anak.

TInatawag nating Mabuting Balita ang kapanganakan ng Panginoong Jesus, pero kay Joseph, ito ay dumating na masamang balita.  Hindi ito katanggap-tanggap na balita.

Sabi nga ng isang lalaking pinagtaksilan ng asawa, “Anak ng tokwa, ba’t ako pa!” Dahil inakala ni Joseph na taksil si Maria.

But God turned this bad news into good news for Joseph.

Alam ko na nakakaranas po tayo ng maraming badnews sa buhay. Pero, wait lang, manalangin po tayo. Naniniwala po ako na may magagandang bagay na ginagawa ng Diyos sa buhay natin.
Ang Biyaya ng Diyos Kay Joseph

Ang pagdating ng Diyos sa buhay ng sinumang tao ay blessing. Kahit ito pa ay sa anyo malaking responsibilidad.  Kahit ito ay sa anyo ng krus, ng pagsubok.  Kung ito ay panawagan ng Diyos upang tanggapin mo siya at paglingkuran.  Kung ito ang maglalapit sa iyo sa Diyos - kapatid, tanggapin mo ito!

Ang Documentary Film sa youtube, na “Sheep Among Wolves” ay kwento ng mga Kristiano sa bansang Iran.  SIla ay pinangungunahan ng mga babaeng pastor. Karamihan sa mga pastor ay pinagsasamantalahan upang masira ang kanilang loob at tumigil na sa pangangaral ng Slita ng Diyos sa mga Muslim.  Sa isang interview, tinanong ang isang pastora,

“Noong ikaw ay pagsamantalahan, ano ang sinabi mo sa Diyos?”

Sagot niya, “Panginoon, kung ito ang paraan upang maihandog ko ang aking sarili sa iyo, karangalan para sa akin ang maihandog ko ang sarili sa iyo.”

Lumalago ang iglesia sa Iran, at China at Russia, dahil sa pananatiling tapat ng mga Kristiano sa gitna ng mga pasakit.  Nakikita ng mga hindi Kristiano, na ang mga Kristiano sa kanilang bansa ay tunay na nagmamahal sa Panginoong Jesus. Pahirapan man sila o patayin, sila ay tapat sa Diyos. Ang pasya ni Joseph na tanggapin si Jesus ay kahihiyan sa mata ng iba, ngunit ito ay karangalan sa Diyos.

May mga naglilingkod sa Diyos na minamaliit at pinagtatawanan ng iba, ngunit ang mga ito ay krus na nagbibigay karangalan sa Panginoon.  Ang anumang sakrispisyo para sa Panginoon ay magbubunga ng tagumpay sa ministeryo ng Panginoon.

At ang Diyos ay makatuwiran.  Puputungan niya ng korona ang tagumpay ang mga dumanas ng kapighatian.  SIla ay pararangalan sa kaharian ng Diyos. Sabi ng Panginoon sa Revelatio 2:10, “Be faithful, even to the point of death, and I will give you the crown of life. “

Dahil sa pagtanggap ni Joseph sa Panginoong Jesus, tumanggap siya ng pagpapala na hindi naranasan ng iba;

1. Pinagpala si  Jose, dahil binigyan siya ng karangalang magbigay pangalan sa Diyos na nagkatawang tao. Siya ang binigyang karapatan ng Diyos  upang magbigay pangalan sa Panginoong Jesus.  Dahil dito, kinilala ang Panginoong Jesus, bilang anak ni David, ayon sa salinlahi ni Joseph (Mateo 1). Sabi sa Kawikaan 21:21, “He  who pursues righteousness and love finds life, prosperity and honor.“

2. Pinagpala si Jose, dahil naging instrumento siya sa pagpapalaki sa batang si Jesus.  Sa ganitong paraan, naging  instrumento siya  sa pagliligtas ng Diyos.  Naging kabahagi siya sa mga plano ng Diyos.

Maraming misyonero, pastor, deaconesa at laiko ang dumaranas ng mga pagsubok at kahirapan sa paglilingkod.  Ngunit dahil alam nilang sila ay ginagamit na instrumento ng Diyos sa kanyang pagliligtas, sila ay patuloy lamang sa pagsunod.  Ito ay isang pagpapala sa kanila.

3.  Pinagpala rin si Joseph dahil tinanggap niya si Maria bilang asawa. Pagpapala ang magkaroon ng asawang  masunurin sa Panginoon at may takot sa Diyos. Kaya kayong mga kabataan, manligaw kayo sa mga kapwa Metodista natin.  Maganda nga, hindi naman mananampalataya - sakit ng ulo yan.  Ikaw din, baka yang maganda na yan pa ang maglayo sa iyo sa Panginoon.  Humanap ka na lang Kristiano.

Pero sa totoo lang , malaking blessing kapag ang kasama mo sa buhay ay kasama mo rin sa paglilingkod sa Diyos.

Alam po ninyo, si John Wesey ay hindi naging masaya sa kanyang buhay  may-asawa.  Maliban sa  hindi sila nagka-anak ng asawa niya, ang asawa niya ay balakid sa kanyang  misyon.  Problema niya ang kanyang asawa sa paglilingkod sa Diyos.

Sa ating buhay, huwag sana nating palampasin ang mga pagpapalang ito.  Kung tayo ay tinatawagan ng Diyos na maglingkod sa kanya, kahit mahirap, sumunod po tayo. Siguradong pagpapala iyan kapatid.
Pagpapala Para sa Atin

Tlularn natin si Joseph upang tayo rin ay pagpalain ng Panginoon.  Gawin natin ang mga sumusnod:

1. Maging Faithful Katulad ni Joseph.

Mahirap man, kung ito ay malinaw na kalooban ng Diyos, maging tapat po tayo sa Panginoon.  Hindi po madali ang sumunod sa kalooban g Diyos.   Ang Panginoong Jesus mismo ang nagsabi,

“And anyone who does not carry his cross and follow me cannot be my disciple.” -  Luke 14:27

Tandaan, ang mga tawag ng Diyos ay dumarating sa anyo ng krus.

2. Second, maging Obedient katulad ni Joseph.

Kung faith without works is dead, obedience is the ebidence of faithfulness to God.  Sabi ng Panginoon Jesus, “If you love me, obey my commandments.”

3. Tanggapin natin si Jesus sa ating buhay.

Para matuloy ang Pasko sa buhay mo kapatid, siguraduhin mong tinanggap mo si Jesus.  Christmas without Christ is not Christmas.  Sabi ng ating talata,

24 When Joseph woke up, he did what the angel of the Lord had commanded him and took Mary home as his wife. 25 But he had no union with her until she gave birth to a son. And he gave him the name Jesus.
(Matt 1:24-25)


__________________________________


9. Biyaya Para kay Maria
     Lucas 1:26-38

Sa lahat ng tao sa lupa, tanging si Maria ang lubos na pinagpala.  Walang ibang taong pinarangalan ng Diyos ng higit kay Maria.  Ngunit, hindi ibig sabihin na dapat manalangin kay Maria o sa kanino pa mang santo.  Pinaparangalan natin si Maria bilang ina ng ating Panginoong Jesus, ngunit huwag tayong maging devoto sa kanya.  Huwag tayong yuyuko sa kanya.  Hindi siya kapantay ng Diyos.  Kahit ang mga angel ay tatanggi kung yuyukuran. Hindi sila papayag.   Sa Pahayag 22:8-9

“I, John, am the one who heard and saw these things. And when I had heard and seen them, I fell down to worship at the feet of the angel who had been showing them to me. 9 But he said to me, "Do not do it! I am a fellow servant with you and with your brothers the prophets and of all who keep the words of this book. Worship God!"

Kahit sa mga Sampung Utos, malinaw ang sabi, “Huwag kayong gagawa ng anumang larawang dinukit.  Huwag ninyo silang paglilingkuran o yuyukuran...”

Gayunman, ang halimbawa ni Maria ay ang pinakamabuting halimbawa ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Ang pagtango niya sa angel Gabriel upang ipagbuntis ang Messias, ay kahandaan upang harapin ang kamatayan alang-alang sa kalooban ng Panginoon.  Sa kanyang pagbubuntis, maari siyang patayin ng sarili niyang pamilya. Ganito ang batas  nila ayon sa  nasusulat sa  Deut.17:7.

1. Pinagpala si Maria Dahil ang Diyos ay nasa kanya.

Hail Mary, full  of grace, the Lord is with you.

Dumadaloy ang biyaya ng Diyos sa mga taong  “sumasakanila ang Diyos”.   Si Elizabeth ay napuno sa Espiritu ng Diyos.  Ang mga alagad ay napuno ng Espiritu Santo (Gawa 2:4) gayun din si Pablo (Gawa 13:9), at iba pa.
Maging ang  mga alagad ay sinabihan ng Panginoonna maghintay upang mapuspos sila ng Banal na Espiritu (Gawa 1:8).  Dahil, “ang pinapatnubayan ng Banal na Espiritu ay mga anak ng Diyos” (Roma 8:14).

2. Pinagpala si Maria Dahil Instrumento Siya ng Diyos

Ang kanyang pagka-babae ay naging pagpapala ng maging ina siya ng Panginoong Jesus. Ang ating “usefulness” sa Diyos ay mahalaga pagdating sa paglilingkod sa ministeryo. Kapag nagagamit po tayo ng Diyos, nagiging pagpapala tayo habang tayo rin ay pinagpapala. Kahit biro lang po, kapag nasa misyon, ayaw kong kasama yung ayaw magpagamit sa Diyos. Nakakarami lang  sila at nakakasikip ng sasakyan. Tapos, malakas pang kumain sa meryenda.   Kung gusto mong maglingkod kapatid, magpagamit ka sa Diyos.

3. Pinagpala si Maria Naging Ina Siya ng Panginoong Jesus
   There is blessing in motherhood.

Hindi natin sinasabi na si Maria ay ina ng Diyos. Dahil hindi naman naging Diyos ang Panginoong Jesus dahil kay Maria. SIya ay naging tao  dahil sa pagbubuntis ni Maria.  Kaya si Maria ay ina ni Jesus sa pagkatao, at hindi sa pagka-diyos.

Ang pagiging ina ni Maria ay pagpapala sa kanya.  Kaya siya ay lubos na pinagpala sa lahat ng mga babae. Si Maria ay modelo ng Kristianong pananampalataya.  Siya ay ulirang babae, at ulirang ina.  SIya ang pinakamabuting halimbawa na mababasa Biblia kung paano maging masunurin sa Diyos, sapamamagitan ng paghahandog ng sarili sa Panginoon.

Tularan natin si Maria

1. Hilinging mapuspos tayo ng kadiyosan.  Hilingin ang Banal na Espiritu ang pupuspos sa atin (Luke 11:13)
2. Ihandog natin ang sarili, upang magamit ng Diyos.

Biyernes, Nobyembre 29, 2019

C.I. Materials 2019. Tagalog, Lessons for Freshmen and Juniors

CHRISTMAS INSTITUTE 2019 | BS MATERIAL | FRESHMEN LEVEL


LESSON 1: RUN ON

MOTIVATION
Ang unang prinsipyo ng pagtuturo ay ang “Kilalanin ng guro ang mga mag-aaral.”   Ang kaunting pagkilala sa bawat isa ay makatutulong hindi lamang sa mga delegado kundi pa naman sa leader.

 ACTIVITY: Poster Makers

Hatiin ang grupo sa dalawa o higit pa.  Ang mga grupo ay magtitipon sa magkakahiwalay na lugar.   Maari nilang gamitin ang pangalan ng ciudad (cities), bansa (countries), provinces, o kahit ano, basta’t kilalang lugar.  Pipili ng pangalan ng lugar ang bawat grupo, at sila ay gagawa ng  patalastas (advertisement) ng napili nilang lugar, kasama ang pangalan, katangian ng lugar at ang mga bagay o produkto sa nasabing lugar. 

Mabuting kung ang BS leader ay magbibigay ng art materials para gawing posters. Ang Grupo na may pinakamaganda, malinaw, at malikhaing poster ang itatanghal na panalo.  Maganda rin kung may premyo din ang ibang grupo. 

Guide Questions for Activity:

1.       What did you enjoy about the activity? What didn’t you enjoy?
2.       What made it easy? What made it hard?
3.       What was your goal personally? As a group?
4.       What did you learn from the activity?

SCRIPTURE

Magpatuloy Tungo sa Hangganan
12Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus. 13Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan. 14Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.-Philippians 3:12-14

Tinatanya na sinulat ni Pablo ang Sulat Para sa mga taga Filipos, tatlongpung taon (30Years) pagkatapos ng pag-akyat ni Jesus sa langit, at sampung taon (10 years) matapos mangaral si Pedro sa lugar na ito.  Ang Kristianismo sa panahong iyon ay nagsisimula pa lamang at bago pa.    Ang buhay ng mga Kristiano ay patuloy na umuusbong at nagbabago.  

Dahil ditto, mahalaga na tandaan nila kung saan sila patungo, kung ano ang kanilang layunin , ang kanilang vision o pangitain, upang hindi sila maligaw.

Ang talata ay may tatlong (3) puntos – ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.  Sinabi ni Paul na:  anuman ang nakaraan, ang kanyang accomplishments at failures, ang mga ito ay hindi na gaanong mahalaga kung ikukumpara sa “future”.  Ang layunin ni Paul’s ay hindi pa naabot, ito ay sa future pa.  At sa kasalukuyan, siya ay nagsisikap, at ibinibigay ang buong lakas niya upang makamit ang kanyang minimithi.  Malinaw ang  kanyang pangitain, at lahat ay inuhubog ng kanyang vision, upang matupad ang kanyang inaasahang hiraya. 

TRADITION

Si John Wesley ay may vision – upang siya ay maging instrument, hindi lamang upang palaganapin ang Mabuting Balita, kundi pa naman upang maranasan ng mga tao ang Mabuting Balita sa kanilang buhay.   Siya ay focused dito at sinakripisyo niya ang marming bagay para makamit niya ito.  Tinalikuran siya ng  traditional na simbahan , kung kaya nasabi niya : “The world is my parish.”

Sinasabi na noong pumanaw si John Wesley, ang natitira niyang salapi ay kakaunti.  Ang pangitain ni  John Wesley ay mapakalinaw sa kanyang isipan, at ito ay kanyang ibnabot hanggang kamatayan. 

KIlala ang mga Filipinos sa kanilang tatag.  Kinakaya natin ang maraming pagsubok. Nakakatawa tayo sa gitna man ng bagyo.  Marami na tayong pinagdaanan bilang bansa, ngunit pilit tayong bumabangon at nagpapatuloy.  Maaring ito ay dahil tayo ay naka-focused sa future.  Malayo man ito o malapit ng mangyari.  Tayo ay may kakayahang mangarap ng isang maliwanag na bukas, anuman ang mangyari. 

REASON

Kapag tayo ay may gimik kasama ang barkada, minsan hindi natin alam kung saan ang  meeting place, o kaya, mas matindi, hindi natin alam kung saan tayo pupunta – sigurado na wala tayong mararating.  Laslong hindi tayo maaring magtanong sa ibang tao kung saan ang tamang daan. 

Totoo na maari tayong magtanong sa iba, sakaling kailangan natin ang kanilang tulong.  Ngunit hindi nating batid kung tinuturo nila sa ating ang tamang daan, o baka inililigaw nila tayo.  Hindi tama na wala tayong alam.

Mahirap nang maligaw.  Ito ay mapanganib at nakakatakot sa mga panahon na ito.  Hindi natin alam kung ano ang maaring mangyari sa ating kapaligiran.  Isang paraan upang maingatan natin an gating sarili ay dapat nating alamin ng malinaw an gating layunin (sa buhay), ang ating nais marating, at ang direksyon na ating tatahakin.  Kung hindi natin gagawin itong tatlo, maaring mapahamak tayo. 

Tulad ng ating activity simula ng ating aralin, kailangan natin ang tamang kaalaman sa lugar na ating kinalalagyan.  Hindi tayo makagagawa ng tamang advertisments kung wala tayong alam tungkol sa lugar na ating ipakikilala.  Kung wala tayong focus o kung hindi tayo interesado dito.   Ganito rin ang tungkol sa ating vision.

May isang magkapareho kina Paul, John Wesley, at ang mga Pinoy: ito ay ang pagkakaroon nila ng malinaw na larawan ng kanilang nais, bagamat ito ay nakikita lamang sa isipan.  Mahalaga na malaman natin kung ano ang ating nais marating, kung anao ang nais nating maabot, o ang nais nating maging tayo sa hinaharap.  Magbibigay ito ng malinaw na direksyon sa iyong patutunguhan, at kung paano ka makakarating doon. 

Madali ang lumikha ng pangitain, ngunit mahirap bumalangkas ng mission at kung paano ito isasakatuparan. Kailangan ang matinding sakrispisyo. Ang matuto at magpanibago ng kaalaman. Tulad ng sabi ng awitin, “Nobody said it was easy.” It is not easy, pero pwede itong magawa.

Marami sa atin ay pamilyar sa kwento ni San Pablo.  Ang kanyang buhay ay hindi madali. Siya ay dating Pariseo, at nagging Kristiano. Hindi ko lubos maisip kung paano niya tinalikuran ang dati niyang nalalaman at iwan dati niyang buhay. 

Gayun din si John Wesley. Humarap siya sa matinding kabi-kabilang pagsalansang, ngunit nanatili ang kanyang malinaw na pangitain, kung kaya hindi siya natinag kahit na marami ang ayaw umunawa at ayaw magbago.  Ngayon, tayo ay nagging bunga ng kanyang pangitain at misyon.

Ang mga Filipino ay dumaan sa maraming pagsubok, at hindi tayo mananatiling metatag, at mananatiling nakangiti, kung nawalan na tayo ng pag-asa tungo sa maliwanag at mas magandang  hinaharap, dahil sa pangitain, ang pangarap, ang pag-asa na nagbibigay lakas na magsabi ng “hindi” (kung kinakailangan), upang tutulan ang mga tao, sitwasyon, at kapangyarihan na nag-aalis ng ating pag-asa.  Ito ang gumagabay sa atin upang magpunyagi na magpatuloy sa paghakbang, upang makamit an gating layunin at pangarap. 

At tignan natin kung paano namuhay ang Panginoong Jesus ditto sa lupa. At makikita din natin na siya ay mayroon ding malinaw na pangitain at misyon sa buhay.  Ang lahat ng galit, batikos, at panlalait, ng mga tao ay naranasan niya, ngunit hindi ito nagging dahilan upang itigil niya ang kanyang layunin at misyon. 

Dala niya ang malinaw na pangitaing mula sa Diyos.  Alam niya ang nararapat para sa kanya, kung saan patungo ang kanyang buhay, at mayroon siyang pananampalataya kung ano ang layunin ng Diyos, upang pagdating ng tamang sandali, ay maipagkaloob niya ang kanyang buhay, upang iligtas tayong lahat mula sa kasalanan. 

Lahat sila, lalo na ang Panginoong Jesus, ay may malinaw na pangitain sa buhay.  Sila ay naniwala na matatamo nila ang kanilang minimithi.  Alam nilang ang kanilang sakripisyo at pagsisikap ay magbubunga ng tagumpay.   


EXPERIENCE

Kumuha ng papel at panulat ang mga delegates at gumawa ng sulat sa sarili, at sabihin sa sulat kung ano ang nakikita nilang kalagayan ng sarili sampung taon mula ngayon.  Isama sa sulat ang paglalahad ng sariling pangitain para sa sarili at iglesia.  Sabihin kung ano ang sa akala mon a dapat gawin upang marating ang iyong pangitain.   Gamitin ang sulat bilang paalala sa iyong pangarap, kung bakit ito ang nais mong makamit, bilang gabay lalo sa panahong ng mga pagsubok. 



_________________________  


LESSON 2: READY

MOTIVATION

Bago ang simula ng Bible Study, maghanda ng placards o strips of paper na may salitang may patlang (space), na mababasa lamang ay una at huling letra.   Hatiin ang klase sa dalawang grupo.  Pumili ng card, bayaang basahin ng grupo.  Ang unang grupo na makabuo sa nawawalang letra ng salita, at makapagbigay ng limang bagay na dapat dalhin kung sila ay pupunta sa lugar na iyon. 

The first group to guess correctly and successfully enumerate five things to bring in five seconds would get the point. Here are some suggested places:

1.       M _ _ _ _ t (Market)
2.       S _ _ _ _ l (School)
3.       P _ _ _ a (Plaza)
4.       C _ _ _ _ h (Church)
5.       R _ _ _ _ _ _ _ _ t (Restaurant)

Guide Questions for Discussion:

1.       Ano ang nagustuhan mo at hindi nagustuhan sa  game?
2.       Why do you think it was necessary to remove some letters from the words?
3.       Ano ang natutunan mo sa laro at sa iyong mga kasama sa laro?   

SCRIPTURE

So that Christ may dwell in your hearts through faith. And I pray that you, being rooted and established in love, may have power, together with all the Lord’s holy people, to grasp how wide and long and high and deep is the love of Christ,
-Ephesians 3:17-18 (NIV)

Ang Ephesus ay mayaman at malawak na city , dahil sa kanyang mga pantalan (piers).  Buhay ang mga kalakalan at kultura at gayun din ang mga paniniwlang pangrelihiyon.  Kung kaya, masasabi natin na ang iglesia doon ay humaharap sa maraming pagsubok araw-araw.  Hindi lamang ito, may pagsubok sin mula sa mga bulahang mangangaral, at mga taong nagdudulot ng problema, pagkakahati, at pagwasak sa iglesia. 

Dahil ditto, nauuwaan natin ang pakiusap ni Pablo sa iglesia ng Ephesians. Una, binanggit ang paghahari ni Cristo sa kanilang mga puso. Mahalaga ito sa buhay Kristiano.  Ito ay nagaganap lamang sa may tunay  na pananalig.  Nagpatuloy siya sa paggamit ng salitang, “nag-uugat” at “nakatayo” o kaya ay “nakasalig”. 

Ginagamit ang mga salitang ito kapag naiisip ang mga puno, at mga buildings. Ang malalim na ugat ay nagbibigay tatag. Bumabaon ang mga ugat at mahirap bunutin.  Ang malalim na pundasyon ay simula ng paggawa ng buildings.  Walang gumagawang pundasyon, at pagkatapos ay titigil sa paggawa.  Kapag may gumagawa ng pundasyon, maasahan na may itatayong gusali.

Isa pang maaring bigyan ng pansin sa talatang ito ang bahaging “…together with all the Lord’s holy people…” mahalaga sa mga  Ephesians, na matanto nila na sila ay hindi nag-iisa.  Kapansin-pansin kung paano ang dulo ng talata,  . “…to grasp how wide and long and high and deep is the love of Christ.” Ang lahat ng tungkol sap ag-ibig ng Diyos ay dapat unawain.

Maliwanag kung gayun, upang maunawaan natin ang pag-ibig ni Cristo ay kamangha-mangha.  At ito ang tunay na kailangan ng mga Ephesians, upang magtagumpay sa mga pagsubok hanggang makamit nila ang kanilang layunin. 

TRADITION

Ang salitang “Methodists” ay unang ginamit bilang pagtuya kina John and Charles Wesley at sa lahat ng kasma nila sa grupo. Sila ay nilait, dahil sa maingat nilang pamamaraan sa pananalangin, marubdob na pag=aaral ng Biblia, pagbisita sa mga nasa bilangguan at paglilingkod sa mga mahihirap. 

Ang salitang Methodist ay ginamit laban sa kanila, ngunti ang kanilang gawa at pag-uugali ay nagpapatunay ng kanilang malinaw na hangarin, kung ano ang dapat gawin, upang mangyari ang nararapat.  Kung kaya marahil, sa halip na masaktan sila, niyakap nila ang salitang Methodist at ginamit nila ito bilang marangal na pangalan. 

Sinikap nila na sila ay nag-ugat at nakasalig sa salita ng Diyos, at sa pag-ibig ni Cristo, na siyang nagbunsod sa kanila upang makatulong sa iba, gamit ang kanilang pangangaral at gawang kabutihan.

May kasabihan tayong mga Filipino, “Libre lang mangarap.” Totoo ito. Ngunit ang pagtupad ng pangarap ay hindi libre.   Kalangan ang sacrifices, oras at tiyaga upang makamit ang minimithi.  Isa pang kasabihan natin, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Totoo rin naman ito.  May bahagi tayo sa katuparan ng ating panalangin.

REASON

Ang game natin sa simula ng aralin, ay pagpapatibay sa ating unang aralin, tungkol sa pagkakaroon ng malinaw na pangitain, at layunin.  Binibigyang diin nito ang pagiging handa at mahusay bago tayo hahayo. 

Humarap ang mga Ephesians sa mga kabi-kabilang pagsubok.  Kailangan nila si Cristo sa kanilang puso. Kailangang silang mag-ugat kay Cristo, at manatili sa Panginoon.  Kailangan nila ang isa’t isa, at kailangan ilang unawain ng lubos ang pagmamahal ni Cristo. 

Dalangin ni Pablo na ito ang makamit nila. Batid ng mga Pilipino kung ano ang kanilang adhikain.  Alam nating madalai ang bumalangkas ng pangarap.  Ngunit hindi ditto natatapos ang lahat.  Nagsisimula ang lahat kapag nagsimula na rin tayong kumilos. 

Madaling piliin ang simpleng paraan. Mangarap lamang, pero hindi ito sapat. Hindi ganito lang an gating pagkatawag.  Tinawag tayo upang sundin ang pangarap na inilagay ng Diyos sa ating mga puso. Ito ang pangarap ng Diyos para sa atin.  Tinawag tayo upang makamit ang pangarap ng Diyos – ito ay nangangailangan ng sipag at tiyaga.   

Ang panalangin ni Pablo para sa mga taga-Efeso ay mahalaga.  Kailangan natin si Cristo sa ating mga puso, mahalaga ang pag-uugat at pagsalig sa kanyang pag-ibig.   Kailangan din natin ang bawat isa, upang padaluyin ang pag-ibig sa iba tulad sa Efeso, kay John Wesley, at ng mga unang Metodista.  Bayaan nating ang pag-ibig ni Cristo, ang magbunsod sa atin upang kumilos tayo para maging handa tayo sa ating paglalakbay.

EXPERIENCE: DRESS UP!

Ang bawat isa ay bibigyan ng kalayaan upang pumili ng kagamitan.  Hatiin ang klase ng dalawa o higit pa. Ang teacher ng grupo ay magbibigay ng pangalan ng pook at magdadamit ang grupo ayon sa pananamit ng nasabing lugar.  Ang nagdamit ayon sa lugar ay lalakad na parang nasa “cat walk” at ang iba sa grupo ay magpapaliwanag tungkol sa kasuotan.  Maghand aang bawat grupo. 

__________________________________

LESSON 3: GET SET

MOTIVATION

Magtanong , “Ano ang bagay, tao o kalagayan  ang pumugil na sa inyo bilang magkakaibigan?” Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa upang makasagot.

SCRIPTURE

We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed.
-2 Corinthians 4:8-9 NIV

Kung babasahin ang Book of Acts, at ang mga Epistles of Paul, kailangan natin maunawaan ang kalagayan ng mga Kristiano noon. SIla ay dumanas ng paghihirap. Sila ay kinukulong at pinapatay sa brutal na paraan. 

Nakaranas din ng ganitong kalupitan si Pablo. SIya ay pinagmalupitan, pinahirapan, at dinuro.  Dumanas siya ng pahirap na hindi karaniwan. Ang totoo, sinulat niya ang mga Epistles habang dumaranas siya ng paghihirap.

TInataya na sinulat ni Pablo ang Sulat Para sa Mga taga-Corinto habang ang nasabing iglesia ay galit na sumasalungat sa kanyang Unang Sulat.  Sa panahon ding ito, nahuhulog ang iglesia sa Efeso sa maling katuruan.  Nakaligtas si Pablo sa langkay ng taong nagnanais patayin ang apostol sa Efeso, at sa panahon ding ito maaring si Pablo ay nagkasakit ng malubha.  Maraming hirap ang naranasan ni Pablo sa panahon na iyon, at naisulat niya ang magandang talatang ito, “We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed.”

Hindi niya sinabing, “Hindi na tayo maghihirap.” Ano man ang ginawa nila sa kanya, siya ay nanatiling matatag sa kabila ng lahat ng ito, hindi nawasak ang lahat, at hindi ito kalagayan ng kawalan ng pag-asa. 

Totoo, na may pagsubok sa lahat ng dako, maaring may mga taong sumasalungat  at nais nilang patigili ang pagbabahagi ng Ebanghelyo, ngunit hindi sila nawasak.   Maaring nagulumihanan sila sa mg apangyayari, pero hindi sila nawalan ng pag-asa. 

Sila ay pinahirapan, ngunti hindi sila pinabayaan ng Diyos. Maaring sila ay nadapa ngunit sila ay nagpatuloy. Maraming bagay ang pumipigil sa Kristianismo, upang maglingkod sa Panginoon, ngunit ito ay nagpapatuloy.  

TRADITION

Sina John Wesley ay dumanas din ng mga pagsubok sa kanyang buhay, bago niya naabot ang layunin makapaglingkod sa maraming tao, maipa-abot lamang ang pag-ibig ng Diyos.   Siya ay ginipit, pinahirapan at ibinagsak.  Ngunit ang pahirap na naranasan niya ay hindi ang mga pahirap mula sa iba, kundi ang pahirap mula sa sariling kalooban. 

Kilala si John Wesley sa kanyang mga sulat sa mga kaibigan niya tungkol sa kawalan niya ng pananampalataya.  Kaya siya sinabihan, “Preach it ‘til you have it. Then when you have it, preach it.” Gaano man kahirap ang kanyang naranasan, siya ay nagpatuloy. 

Ang Philippines ay sinakop, at pinahirapan ng mga tao mananakop ng maraming beses. Ang mga Pilipino ay inabuso sa maraming paraan.  Ito ang masasabi nating kasamaan, na nagbubunsod sa atin upang magpumiglas tungo sa kalayaan, upang makamit an gating pangarap na lumaya.

Kaya nga patuloy pa rin tayong nakikibaka upang marating natin an gating minimithi – ang magandang bukas, maging maunlad na bansa, at ang magandang kinabukasanpara sa lahat.  Ginagawa natin ito sa kabila ng mga kasiraan ng loob, at ng mga salungain.  Nanatili tayong lumalaban dahil sa ating pananampalataya. 

REASON

Mababasa sa kasaysayan ang kwento ng mga taong naghirap, nakibaka at nagtagumpay.  Sa mga novella, at pelikula, o mga talambuhay, makikita natin ang isang pattern.

Ganito kasi ang kwento ng ating buhay.  May kahirapan, at dumadaan tayo sa mga labanan sa buhay, ngunti patuloy lamang tayo.  Sa ganitong paraan, nagtatagumpay tayo, bagamat natatalo minsan.  Minsan din, ayaw na natin at parang sumusuko na tayo, per – sige lang at laban tayo ulit.

Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang malinaw na vision, at mission sa buhay.   Sa gitna kasi ng mabigat na pagsubok, ang patuloy na pag-abot sa minimithing goals, ay nakatutulong para magpatuloy ang isang tao. Ito kasi ay nagbibigay ng kahulugan at layunin.  Nagbibigay ito ng kaayusan sa ating mga ginagawa at mga plano.

Kapag may pagsubok, tayo ay may dalawang pagpipilian.  Maaring maniwala na hindi natin kaya.  Kung ganito ang pipiliin, talo kana kaagad dahil sa sarili mi\o palang, naniwala kana na talo ka na.   Ang ganitong attitude, ay maagang pagsuko, at nagbubunga ng maagang pagkatalo.

Pero, may isa pang pagpipilian. Maaring piliin ang lumaban tulad ng Panginoong Jesus. Maari tayong magtiwala sa Diyos na siyang tumawag sa atin.  At hindi naman niya tayo iiwan ni pababayaan. 

Hindi naman kasi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Panginoong Jesus, ang ilaw na tatanglaw sa atin sa gitna ng dilim.  Si Paul at ang unang iglesia, ay dumanas ng pahirap, ngunti nakakita sila dahilan at kahulugan sa gitna ng mga pahirap – dahil alam nila na ang kanilang ginagawa ay ayon sa kanilang pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.


_______________________________


LESSON 4: GO

MOTIVATION: BON VOYAGE!

Hatiin ang klase sa dalawa o higit pa. ibigay sa grupo ang mga papel at tape (used, if possible).   Gumawa ng  miniature ship gamit ang mga materiales.  Maaring gumamit ng mga materials na makikita rin sa paligid. 

Pangalanan ang ginawang barko.  Magtalaga rin ng mga pangalan at Gawain ng mga tripulante ng barko (Halimbawa: Kapitan Joe Bert, etc.) at gumawa ng kasaysayn ng barko – paano ito ginawa, ano ang mga materiales nito, saan na ito nakarating, at iba pa. Maging malikhain.

SCRIPTURE

Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.
-Matthew 28:19-21 NIV

Ito ay kilalang talata sa Biblia dahil din sa ating church’s quadrennial theme. Ito ay kwento sa pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus o ascension. Oras na upang bumalik sa Ama ang Panginoon.  At iiwan niya ang mga alagad sa tulong ng Espiritu Santo, na magpatuloy sa Gawain na kanyang sinimulan, at upang ipamuhay nila ang kanyang mga turo.

Ang focus ng mga talata ay sa paggawa ng mga disipulo. Ang paghayo, pagtuturo, at bautismo aynabanggit bilang pamamaraan ng paggawa ng mga disipulo. Hindi magkakahiwlay na Gawain ang mga ito.   Ang lahat ay mahalagang proseso ng paghubog ng disipulo ni Cristo. 

Ang buhay ng mga disipulo ay nagbabago.  Susuhong sila sa bagong panahon.  Oo, alam natin na sila ay pambihira, magagaling at buo ang loob, dagdag pa ang katatagan nila sa paghubog ng mga alagad ni Cristo. Ngunit sa oras na iyon, alam nilang kulang ang kanilang kaalaman. 

Ang tanging alam nila, si Jesus ay namatay, at dapat silang magtago, at inakala nilang tapos na ang lahat.  Subalit may kakaibang binabanggit sa verse 17. “When they saw him, they worshipped him; but some doubted.”

Ang maikling talatang ito ay may mahalagang sinasabi. Nagdududa ang iba sa kanila. PAgkatapos ng lahat ng nangyari at kanilang nasaksihan, duda pa rin sila. Gayunman, kahit sila nagduda, naroon pa rin sila, at kasali sa mga pinagpala, dahil kabilang sila sa mga pinili upang gumawa ng mga alagad. 

TRADITION

Ang mga Methodists ay kilala sa mga “going habits.” Mula kay John Wesley at ang Holy Club, hanggang sa ating panahon, mahalaga sa atin ang paghayo at paggawa ng mga alagad. At hindi lamang iyon, mayroon tayong malasakit sa mundong ating mimisyunan. 

Sinikap ng mga unang Methodists, na gawin mas mabuti at mas maganda ang mundong ito.  Naunawaan nila ng katuturan ng kanilang pagkatawag.  Ang panawagan ng Diyos ay hindi lamang para magpatotoo at magbahagi ng Mabuting Balita, kundi upang gumawa ng disipulo. At hindi tayo maaring gumawa ng disipulo kung wala tayong kaugnayan sa mga taong ating minimisyunan. 

Ang pagtatatag ng kaugnayan ay nangangailangan ng malasakit.  Wala tayong malasakit kapag tayo ay payapa ngunit ang iba ay nahihirapan, at hindi sila masaya at walang kapayapaan.  Ang paggawa ng mg dispulo ay higit pa sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos.  Ito ay actual na paggawa – at ito ang pangunahing Gawain ng mga unang Methodists.

Maingat nilang ginampanan ang gawaing iniatang sa kanilang balikat. Humayo sila, nagturo, nagbautismo, tumulong, nagtayo, nakilaban, at masasabi natin na sila ay nagtagumpay. 

REASON

Ang makamit ang minimithi, ay higit pa sa pagnanais na makarating ka lamang sa nais mong marating. Ang magawa ang isang pangitain ay nangangailangan ng ng maraming pagsisikap. Minsan, kakailanganin ang bukas na isipan (maturity), ang kahandaan upang matuto, ang iwan ang dating kaalaman (to unlearn things), at ang unahin ang iba bago ang sarili.   

Sa kabilang banda, masasabi natin na nakarating na tayo sa dapat nating patunguhan, hindi lamang dahil nakapaglakbay na tayo, kundi kapag nakikita na natin ang mga pagbabago sa ating sarili.  Mangyayari ang ating mga pangitain kapag nakikita na antin ang pagbabago sa kasalukuyan.  Sa katotohanan, hindi na tayo mangangarap pa, kung kuntento na tayo sa mga kasalukuyang nagaganap. 

Kapag nais nating magbago ang kasalukuyan, tungo sa ating pangitain (our vision), tayo ay nagbabago rin.   Kahit ang Panginoong Jesus, ang kanyang mga alagad, ang mga unang Methodists, lahat sila ay bumago sa kanilang kalagayan, sa pagnanais nilang Makita ang kalooban ng Diyos. 

Sa una nating activity, sa simula ng aralin, pinagawa tayo ng munting barko, kasama ang kwento nito.  Kung ang barko ay hindi naglayag, siguro, walang dating ang kwento nito.  Pero, kung ang barko ay naglayag sa malayong karagatan, palagay ko, napakagandang pakinggan ang kanyang kwento na kanyang pinagdaanan.

Tulad ng barko, kung hindi tayo naglakbay, mananatili na lamang tayo sa ating kinalalagyan, at hind natin makikitang nagaganap ang ating pangitain.  Mahalaga ang magkaroon ng malinaw na pangitain, at ang malaman ang tamang hakbang upang ito ay maisakatuparan.  Mahalaga ang pagiging handa sa anumang masasalubong natin.   

Mahalaga rin, kung tayo ay magpupumilit at tandaan ang tunay na dahilan kung bakit natin ito ginagawa – si Jesus.  Ang Panginoong Jesus ay bumaba ditto sa lupa, na may malinaw na pangitain para sa sarili at para sa sangkatauhan.  Malinaw ang kanyang pamamaraan, namuhay siya ayon sa kalooban ng Diyos, at hindi siya sumablay sa pagsasakatuparan ng kanyang pangitain. 

Humayo siya at nagsanay ng mga alagad, habang nagbabahagi ng Mabuting Balita.  SIya ang pinakamakapangyarihang tao na nabuhay sa kasaysayan, ngunit kahit napapagod, siya ay may panahon upang manalangin para sa iba, at magpagaling, makipag-ugnayan, magpa-kain, magturo at magkwento sa mga tao. 
Kung may nais kang matutunan kung paano gumawa at magsanay ng mga alagad, aralin mo kung paano namuhay ang Panginoong Jesus.  Hindi lamang niya ibinahagi ang kadakilaan at katapatan ng Diyos, kundi ipinakita niya ito sa kanyang mga gawa.

Ngayon, pagkakataon na natin upang maglingkod at manguna tulad ng Panginoong Jesus!

Therefore, Go. Padayon!

EXPERIENCE

Isulat ang most memorable lesson na natutunan mo sa ating Bible Study, sa isang papel.  You may or may not sign it.  Pagkatapos, ibigay mo ito sa isang complete stranger (talagang hindi mo kakilala) sa loob ng Christmas  Institute 2019.  You may choose a fellow instituter or someone else. This is a way of affirming the lessons and our companions, and this is also a way of sharing the dream. Padayon!


____________________________


CHRISTMAS INSTITUTE 2019 | BS MATERIAL | JUNIOR LEVEL
LESSON 1:  RUN ON

Spark Up!

Pagkatapos ng limang taon, ano sa palagay mo ang iyong kinalalagyan? Sino ka na pagkatapos ng sampung taon? 

Usap Tayo !

Ang bawat isa sa atin ay may inaasahang bukas na haharapin.   Matatawag natin itong pangarap, pag-asa, pangitain, adhikain, o malalim na hiraya para sa sarili.   Ito yung umuudyok sa atin para magsikap tayo sa kasalukuyan. Nakakalungkot lang, kasi hindi lahat ng pinapangarap natin ay nakukuha natin.   Alam mo kung bakit? Kasi nawawala tayo sa focus. 

Basahin natin ang talata, at kung ano ang sinasabi nito tungkol sa pagtupad ng ating mga pangarap.

12 Not that I have already obtained all this, or have already arrived at my goal, but I press on to take hold of that for which Christ Jesus took hold of me. 13 Brothers and sisters, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, 14 I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.” - Philippians 3:12-14 NIV

Activity 1.   “Blow ‘Em” (Note: unclear instruction: Need more clarifications how to do this)

Hatiin ang klase sa dalawa o higit pang grupo. Gumawa ng limang  bilog (circles) – piliin ang isang perfect circle bilang “perfect ring”. Make the circles tight and close to one another to make it more challenging. Each members will be given two or three cotton balls which they need to place in the perfect ring (by blowing?).

SCRIPTURE: Know where you belong

 Sa ating laro, alam natin kung alin ang tamang bilog na dapat puntahan ng bulak.   Tulad ni Pablo, alam niya kung ano ang nais niyang marating, na pinagsisikapan niyang makamit, bilang kanyang nais isakatuparan (goal).   Tandaan na si Apostol Pablo, ay hindi naghahangad ng bagay na pansarili, kundi nais niyang makamit ang kalooban ng Panginoong Jesus para sa kanya.  Alam niya na siya ay sa Panginoong Jesus, at may plano ang Panginoon sa kanyang buhay. 

Magbulay. Kanino ka? Saan ka kabilang? Do we belong to;

a. the brotherhood called fraternity or sisterhood called sorority?
b. to an elite group of scholars or nerds?
c. a gang?
d. a group of nobody
e.  Do you belong to Christ?

Kung kabilang o pag-aari tayo ng iba, at hindi kay Cristo, aralin natin ang layunin natin sa buhay.  Makasarili ba ito? Pansamantala o pangmatagalan?   Saan kaya ito patungo ngayon at sa hinaharap?   Madalas, ang ating layunin sa buhay (goal in life) ay depende sa mga taong nakakasama natin. Apektado kasi tayo sa mga taong nakakasama natin.   At kapag wala na sila, nalilito na tayo. 

Pero kung ikaw ay sa Panginoon, magkakaroon ka ng malinaw na  HIRAYA” – sa pangitain at layunin kung saan ka nais dalhin ng Diyos.    Ang nangyayari sa iyo (to be) ay tumutukoy ngayon kung paano umuunlad sa iyong kalooban, at kung paano ka binabago upang maging katulad ni Cristo.  At ang pangitaing ito, ay nananatili dahil alam natin na hindi tayo nag-iisa, kahit ano pa ang mangyari.  Nariyan ang Diyos, upang gabayan tayo, upang ihanda an gating daraanan, at upang bigyan tayo ng tamang landas, ng mga taong tutulong sa atin at kakayahan upang magawa ang kanyang kalooban. 

Why don’t we refresh ourselves on our hiraya?


FOR OURSELF
OUR CHURCH
SOCIETY

HIRAYA (Vision)





TRADITION AND REASON: Moving On or Padayon

Sa ating talata, si Apostle Paul ay gumamit ng tatlong kataga.  Ang mga ito ay paglimot (forgetting), sinisikap (straining) at nagpapatuloy (press on).  Ang mga ito ay pawing “action words”, na ibig sabihin, nangangailangan sila ng pagkilos.  An gating pangitain o hiraya ay mananatiling mababaw na pangarap lamang, kung hindi tayo magsisikap para maisakatuparan ito.  Ngayong Christmas Institute ang theme natin ay “Padayon”, ibig sabihin ay “magpatuloy, sige humayo ka, move on, carry on.  o  go ahead.”  Tinawag tayo upang kumilos , at humakbang.  Ngunit kailangan nating aralin ang ating lakbayin ng panahon sa buhay (timeline of life) tulad ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap (past, the present and the future).

Ang nakalipas ay mg nangyari na.  Maaring maganda sila, o baka pangit. Yung maganda, maaring magbigay ito ng inspirasyon sa atin, para magpatuloy pa tayo.  Pero yung mga pangit na karanasan, pwede yang makapanghina o makatulong.  Depende kung – ituturing natin silang kabiguan o mga  lessons na magtuturo sa ating pagpapatuloy.   Para kay Pablo, hindi niya binayaang hadlangan siya ng kanyang nakaraan. Tulad ng sabi niya sa vs. 13b, “forgetting what lies behind and straining toward what is ahead.”  Paano? Pababayaan ba nating hadlangan tayo ng ating nakalipas o kikilos tayo pasulong sa hinaharap?
Ang kasalukuyan naman – heto yung nangyayari ngayon. Yung laro natin sa mga bilog at bulak, tumutukoy ito sa ating pangitain sa kasalukuyan.  Sa paghipan natin sa bulak, naka-focus tayo sa ating gusto nating marating.  Di ba, hindi natin agad alam kung saan natin gustong dalhin an gating mga bulak.  Parang walang mararating an gating paghipan ng mga bulak.  Kaya mahalaga talaga kung saan an gating goal, patungo sa ating perfect ring.  Kung manatili kaya tayo sa isang lugar, at huwag kikilos? Yung wala kang gagawing accomplishments mo.  Kaya upang marating natin ang ating pangarap, kailangan nating manatili sa ating goal, at magsikap na marating ito.  Tinawag ni Apostle Paul ito na  “straining forward and pressing on”.  Nagsisikap k aba at nagpapatuloy hanggang magtagumpay?

EXPERIENCE

Sukatin mo ngayon ang sarili sa iyong pangitain para sa sarili, Church at sa pamayanan.


Recap

Bilang anak ng Diyos, tayo ay sa Panginoon at mayroon siyang plano para sa atin. Tinatawagan tayo ng Diyos upang makibahagi sa pagpapalaganap ng kanyang kaharian sa lupa. Susunod ka ba?  Padayon? Tinatanong mo ba ang sarili kung susunod  ka na? O Padayon! Opo, susunod na ako!

Closing Song:                                                    “No Turning Back”
                                                                                       Brandon Heath

(Verse1)
I have decided
I called out his name
I'm following Jesus now and
He knows the way
I made up my mind
I leave it behind

[Chorus]
No turning back
No turning back
I'm moving on
Not looking back
I'm giving him
All that I have
No turning back
No turning back

[Verse 2]
Though I may wander
I am not lost
So many distractions
But I, I look to the cross
I made up my mind
I leave it behind
I have decided

Closing Prayer


_____________________



LESSON 2:  READY
Text: Ephesians 3:17-18

Spark Up! (5 minutes)
Ano yung mga paghahandang ginawa mo para makapunta ka dito sa C.I.?

Let’s Talk

Ngayong hinamon tayo upang magpatuloy para makamit natin ang ating minimithing pangitain,  ang tanong sa atin ngayon ay : “Ano ang susunod nating hakbang?”  Tulad ng pagpunta natin dito sa C.I. may ginawa tayong paghahanda. Siguro, nag-ipon ka ng pang regs, binasa mo marahil yung program, para malaman kung ano ang dadalhing gamit, at para alam mo kung ano aasahan.   Tayo rin ay kailangang maghanda sa lakbayin natin habang sumusunod tayo sa tawag ng Diyos.  Tandaan na sa bawat paglalakbay, kailangan, handa tayo.  Ano ang dapat ihanda?  Siyempre, tanyahin mo kung magkano ang pamasahe, pagkain, at tirahan. At iba pang gastusin.   Physically, kailangan handa Karin. You need to be physically fit and prepared by having with you your hygiene and medical kit (if needed). These are some samples that we need to prepare.

Ang paglalakbay natin sa pagtupad ng ating “hiraya” o pangitain, kailangan nating pangalagaan an gating sarili, para magpatuloy. Paano?

Tignan at aralin ang talatang sinulat ni Apostle Paul sa panalangin sa Ephesians chapter 3:17-18, na ang sabi, “So that Christ may dwell in your heart through faith. And I pray that you, being rooted and established in love, may have power, together with all the Lord’s holy people, to grasp how wide and long and high and deep is the love of Christ”

SCRIPTURE: Christ may dwell in your heart through faith.

Kabilang sa mga resources na available sa ating paghahanda, si Christ ang pinaka-importante.  Eto yung presensya ni Jesus sa ating mga puso.  Kapag kasama si Jesus, magagawa natin ang lahat ng bagay, ayon sa  Philippians 4:13.    Sa nakalipas nating aralin, nalamn natin na tayo ay kay Cristo, at dapat nating ihanda ang ating mga puso para siya tanggapin. 

Malalaman nating si Jesus ay nasa ating puso kapag an gating pananampalataya ay pinamumuhay na natin.   Ang pananalig ang nagbubukas ng pinto upang tanggapin si Jesus; at magpasakop din sa kanyang kalooban.  Sa pananalig, nagiging kaisa tayo ni Cristo, at nagiging interesado tayo kay Cristo.[1]  Habang sumasaating puso ang Panginoon, inaalagaan natin an gating kaugnayan sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang Salita – ang Biblia.  Sa mga Kasulatan, lalo nating nakikilala si Jesus. Pati ang kanyang kalooban, para sa kanyang mga nilikha. Ang Kasulatan ay parang mapa o kopya ng plano (blueprint) para makilala natin ang Diyos at ang kanyang layuunin.  Nandiyan lamang ang Biblia at naghihintay na gamitin natin ito. 

Questions:

1. Do we get to read our Bible as we begin our preparation for the day?
2. How does this map of life help you in your darkest moments?
3.  When someone questions you about your faith, how ready are you to answer them? How about your beliefs?


TRADITION AND REASON: Rooted and established in love.

Para saan ang mga ugat ng puno?

a. Ang mga ugat ay mahalagang bahagi ng puno.  Sumisipsip sila ng tubig at sustansya para mabuhay ang puno.  Ano ang kailangan nating susutansya para mabuhay?

b.  Ang ugat ay nagpapatatag sa puno para hindi ito mabuwal.  Nakakatayo ang puno sa lupa dahil sa mga ugat nito.  Saan tayo nag-uugat? Nakatindig ba tayo sa tamang saligan, upang hindi tayo bumagsak kapag may bagyo?

c. Ang salitang “Established” ay tumutukoy sa paglago (growing or flourishing).  Ibig sabihin, habang si Apostle Paul, ay dumadalangin para sa mga Ephesians, upang sila ay mag-ugata at lumago  sa pag-ibig -  kailangan silang mamuhay ayon sa pag-ibig ng Diyos (I John 4:8b).  Tandaan, na dahil sa pag-ibig ng Diyos, ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang tayo ay maligtas (John 3:16).  Dahil ito sa pag-ibig  kaya tayo nagging Kristiano.  Kailangan nating ipamuhay ang pag-ibig ni Cristo – ng sa gayun, an gating vision, goal at mga pangarap, ay hind lamang para sariling kapakanan kundi para sa ikabubuti ng lahat, at sa sangnilikha.  Mayroon pang higit sa ating nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan, o nahahawakan.   We may go beyond borders to reach out in love, for the love of God is wide and long and high and deep (vs. 18b).  Ang Methodismo ay lumago dahil sa pagnanais na magkaroon ng kabanalan, bunga ng pag-ibig ng Diyos.   

Nagsimula ito kay John Wesley, ang kapatid niyang si Charles, at kaibigan nilang si William Morgan at sa buong grupo ng mga estudyanteng sumali sa Holy Club, na uhaw sa Salita ng Diyos at sa kabanalan.   Pinamuhay nila ang pananampalataya, noong si Morgan ay nag-anyaya na sila ay bumisita sa  Castle prison, labas ng bayan.  Pagkatapos ng unang pagbisita, nangako si John at Charles, na babalik sila linggo-linggo, upang tulungan ang mga may utang, at ang mga bilanggo doon.[2]  Gumawa rin sila ng mga ministeryo sa mga bata, pagbisita sa mga matatanda, at tulong sa mga nagdarahop.  Ang ginawang halimbawa nina John Wesley at ang dalawang kasama niya ay tradisyong Methodist na maari paring tularan ngayon. 

EXPERIENCE

Tunghayan ang buhay ni Cristo at sabihin kung paano niya pinakita ang pag-ibig ng Diyo sa sa mga: 

a. lepers
b. prostitutes
c. tax collectors
d. demon possessed
e. blind, deaf and lame
f. thief
g. sinners

Ano ang karanasan mo sa pagtulong sa mga taong katulad nila? Paano mo pinakita ang pag-ibig ng Diyos para sa kanila?
Panghuli, ano sa palagay mo ang mga current issues sa ating lipunan, at iglesia at paano natin ipapakita ang pag-ibig ng Diyos sa gitna ng mga pangyayaring ito?

In Closing

Sa ating paghakbang upang makamtan ang ating pangitain, dapat tayong maging handa.  Yamang tayo ay kay Cristo, kailangan si Jesus ang may hawak sa ating buhay.  Higit nating makikilala si Jesus gamit ang pananampalataya, sa pag-aaral ng Biblia, paglinang ng ating karanasan, at pagsaksi sa ating  pag-unlad sa pananampalataya at pananatili sa ating mga Kristianong tradisyon, at patuloy na paglinang ng ating kaisipan.  Eto ang mga kagamitan na gagabay sa atin sa mg asusunod na hakbang na ating tatahakin.  
Ready!


________________________________



LESSON 3: GET SET
Text: 2 Corinthians 4:8-9

Spark Up!
Solve this puzzle in 30 seconds

A is B’s sister
C is B’s mother
D is C’s father
E is D’s mother
How is A related to D?
How do you fare? Did you solve it?

Ang mga Puzzles, problems, difficulties, glitches and pressures ay pawing bahagi ng buhay. Sa ating paghakbang, makakaranas tayo ng balakid o hadlang habang nagpapatuloy.  Gaano ka man kahanda, may maari pa ring mangyaring hindi inaasahan na maaring magdulot ng panlulumo. O maaring pagdududa sa plano ng Diyos. 

Let’s Read
We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed.
2 Corinthians 4:8-9
SCRIPTURE

Ang pakiki-isa at pananatili kay Cristo ay hindi garantiya na wala na tayong magiging problema sa buhay at mga suliranin. Ang totoo, sa ating paglapit sa Panginoon, mas lalo tayong makakaranas ng mga hadlang. Alam nyo kung bakit?  Dahil kailangan nating pamarisan si Jesus: kung paano mamuhay sa liwanag.   Ngunit ang pamumuhay kasama si Cristo ay nangangahulugan na hindi tayo nag-iisa sa pagharap sa mga pagsubok.  Kasama natin ang Diyos.  Kung kaya ayon kay Apostol Pablo, ang buhay ng Kristiano  ay puno ng kabalintunaan (paradoxes), dahil bagamat tayo ay dumaranas ng paghihirap, hindi tayo nawawalan ng pag-asa. 

a. Pressed but not Crushed

Bilang kabataan, ano ang mga pressures na hinaharap mo sa personal mong buhay, sa pamilya, mga barkada, sa boyfriend, girlfriend, crush, sa iglesia at lipunan? May karanasan ka ban a para kang ginigipit sa ibat-ibang direksyon ng iyong buhay? Saan ka kumukuha ng lakas upang magpatuloy at para hindi ka lubusang mawasak?   

b. perplexed but not in despair – perplexed may mean confused, puzzled, bewildered or does not understood.
Naranasan mo na ba ang ma-confused, na parang naliligaw ka na ng landas? Ano ang nagbigay sa iyo ng pag-asa para magpatuloy?  Paano ka nakabawi?

c. Persecuted but not abandoned
Ano ang pakiramdam ng pinagtatawanan at binabatikos dahil sa pananampalataya? Nakaramdam ka ba ng pag-iisa?

d. struck down but not destroyed
Anong bahagi ng buhay mo na naramdaman mong ikaw ay natalo at at parang walang naniniwala sa iyo? Paano ka nakabangon ulit? 

EXPERIENCE

Ang mga ganitong kabalintunaan, at naranasan din ni Apostol Pablo.  Siya ay pinagtawanan, inusisa, sinaktan, kinulong, at pinagtabuyan dahil sa Ebanghelyo.   Pero hindi siya sumuko. Ang kanyang paghihirap, ay bunga ng marubdob na katangian ng Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya.Sa mga pinagdaanan niya, nailigtas siya at dahil sa paniniwala niyang pansamantala lamang ang mga paghihirap at higit ang tatanggapin nating gantimpala na naghihintay sa atin (vs. 17).  Kung kaya, hindi tayo dapat manlupaypay kung sakaling may masalubong tayong pagsubok.  Kasama natin ang Diyos at ang kanyang biyaya ay kumikilos upang bigyan tayo ng lakas, upang tayo ay maligtas.  Kaya, tara na!

Closing Song                                            You are My Hiding Place

You are my hiding place
You always fill my heart
With songs of deliverance
Whenever I am afraid
I will trust in You

I will trust in You
Let the weak say I am strong
In the strength of the Lord

You are my hiding place
You always fill my heart
With songs of deliverance
Whenever I am afraid
I will trust in You

I will trust in You
Let the weak say I am strong
In the strength of the Lord
I will trust in You

You are my hiding place
You always fill my heart
With songs of deliverance
Whenever I am afraid
I will trust in You

I will trust in You
Let the weak say I am strong
In the strength of the Lord
I will trust in You

You are my hiding place (I will trust in You)
You always fill my heart (Let the weak say I am strong)
With songs of deliverance (In the strength of the Lord)
Whenever I am afraid
I will trust in You

Closing Prayer

____________________________________ 


LESSON 4: GO

Text: Matthew 28:19-21 NIV

Spark Up!
Ibahagi ang iyong kaisipan tungkol a kasabihang ito ng karunungan. 

“Starting your day in gratitude will give you the right attitude for the rest of your day.” - Sumit Gautam

Ang pagkilala sa kabutihan (grateful) ay ang pagkakaroon ng masiglang damdamin at pagkilala sa mga biyayang tinatanggap.

Magbigay ng tatlong (3) bagay na grateful ka ngayong panahon ng Pasko:
1.
2.
3.

Bakit ka grateful sa mga bagay na ito?
Paano napapaganda ng pagiging appreciative ang pananaw mo sa buhay? 
Paano ka nagpapahayag ng pasasalamat?

Let’s Talk!
Ang gratefulness ay pagkilala sa kabutihan, sa mga bagay na mayroon tayo, lalo na sa mga biyaya o kabaitan na ating tinatanggap sa paglakad ng mga panahon. Ito ay pagtugon sa kabutihang tinatanggap.  Kung tutuusin, ang gratefulness ay may kaunting pagkakaiba sa pagiging mapagpasalamat.  Habang ang gratefulness ay pagkilala at pagpuri sa gawang mabuti, ang pagpapasalamat ay ginagamit sa pangkalahatang pagtugon sa kabutihang tinanggap at hindi lamang sa tao.  Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa namang tungkulin upang suklian ang gawang mabuti, at minsan ay paraan din kung paano makalaya sa isang tumulong, samantalang ang pagkilala sa kabutihan (gratitude) ay pagiging malapit sa tumulong, upang magkaroon ng malapit na kaugnayan.  Pagmasdan ang mga listahan:   

1. Ikaw ba ay kumikilala sa kabutihan ng tao o parang may utang ka ng loob?
2. Are you grateful because of the things you received? Or because you experienced something good that you felt you don’t deserve?
3.  Is God in your list? 
4. Are there any more you are grateful to God? What are they?
5. Being grateful to God, how does it affect your relationship with him? Your view in life and his vision for you?

Being grateful and living a life in gratitude makes a difference in how we treat and view life:

a. Kapag grateful tayo, natututo tayong maging masaya at nakakaramdam tayo na sapat ang ating buhay. Kung sapat ang lahat sa ating buhay, natututo tayong maging mapagpasalamat sa mga biyaya na ating natatanggap mula sa mga tao sa ating paligid, at nawawala na ang malabis na paghahangad, sa mga bagay na mayroon ang iba.  Ayon kay Melody Beattie, sa kanyang paliwanag: “Gratitude unlocks the fullness of life.  It turns what we have into enough, and more.  It turns denial into acceptance, chaos to order, confusion to clarity.  It can turn a meal into a feast, a stranger into a friend.”

b. Ang gratefulness, ginagawa nitong positibo at magaan ang pananaw natin sa buhay.  Ano man ang mga pangyayari, kung grateful tayo, makakakita tayo ng paraan upang makakita ng liwanag sa kabiila ng ulap.  Halimbawa, sa harap ng kabiguan, maari tayong maging grateful sa mga aral ng buhay na pwedeng matutunan, na tutulong sa atin upang lumago at maging mas mahusay. 

c. Ang gratefulness aty nakatutulong magpalakas sa ating personalna pagkatao at sa mga kaugnayan natin sa iba.  Sa pagkilala s kabutihan, nakikita natin ang halaga ng ibang tao.  Maari mo silang tratuhin na may kabaitan at paggalang at bigyan sila ng pagpapahalaga.    

d. Sa pagiging grateful, naibabalik natin ang kabutihang ginawa sa atin.   Halimbawa, kinilala moa ng ginawang kabutihan ng iyong kaklase na tumulong sa iyo sa inyong assignment. Susuklian mom o ang ginawang kabutihan kahit na hindi na ito tungkol sa assignment.  Ito ay ibabalik mo sa oras na siya ay nangangailangan ng iyong tulong.   

e. Ang pagiging grateful, ay nakakahawa.  Kapag nakaramdam ka ng kaligayahan dahil tinulungan ka, gayun din, ibabahagi moa ng damdaming ito sa iba na nagangailangan ng iyong tulong. 

Katotohanan, na kapag nabubuhay ka sa gratefulness, magbubunga ito ng mabuting pagkakaiba sa iyong buhay. 
Ang “Padayon” ay tumatawag upang magpatuloy tayo sa pagkilala sa kabutihan ng Diyos, sa lahat ng ginawa niya sa ating buhay. Lahat  ng ating tinatangkilik ay mula sa Diyos, at kung sino tayo ay dahil lahat sa Kanya.

At dahil sa Panginoon tayo, binigyan nioya tayo ng pangitain, kung ano ang ating magagawa para sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos. Binigbigyan tayo ng kakayanan, at inihahanda tayo sa mga Gawain, at pinalalakas tayo upang mapagtagumpayan natin ang mga hamon na maaring makasalubong natin.  Ngayon, tayo ay handa na – upang tumupad sa sa mga utos ng Diyos.  At ito ay ang “Humayo at gawing alagad ang mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng AMa, Anak at Espiritu Santo, turuan sila na sumunod sa lahat ng aking pinaguutos sa inyo. “(Matthew 28:19-20a).

Ang tungkulin ay nasa ating mga kamay bilang kanyang mga alagad.  Paano natin ito gagawin? Magagawa natin ito bilang ating tungkulin na may pagkilala sa kabutihan ng Diyos na puno ng pag-ibig. 

Halimbawang ikaw ay nangunguna sa isang youth Bible Study.  Isa sa mga kasapi ng grupo ay absent ng ilang beses. Ano ang gagawin mo? Tatanungin mon a lamang ba siya kung bakit at tatanggapin na lamang ang kanyang sagot? O bibisitahin mo ba siya, at pakikinggan siya at palalakasin ang kanyang loob?  Tandaan, ito ay magdudulot ng malaking pagkakaiba. Di bah?

Application
Gumawa ng tatlong grupo.  Mag usap at isulat ang mg aparaan kung paano gagawin ang mga susmusunod na may gratitude.

Task
With gratitude
Go and Make disciple of Jesus Christ









Baptizing them in the name of the Father and the Son and the Holy Spirit.






Teaching them to obey everything I have commanded you.










God’s vision is for us to use it to serve him and others.  Now we are challenged to continue forward - “Padayon”  - with gratitude that makes a difference in our life and the life of others.  Surely, in all of these, he promised to be with us even to the ends of the age (vs.20b). Why stop then?  Padayon!

Closing Thought
Be Thankful
Be thankful that you don’t already have everything you desire,

If you did, what would there be to look forward to?
Be thankful when you don’t know something
For it gives you the opportunity to learn.
Be thankful for the difficult times.
During those times you grow.
Be thankful for your limitations
Because they give you opportunities for improvement.
Be thankful for each new challenge
Because it will build your strength and character.
Be thankful for your mistakes
They will teach you valuable lessons.
Be thankful when you’re tired and weary
Because it means you’ve made a difference.
It is easy to be thankful for the good things.
A life of rich fulfillment comes to those who are
also thankful for the setbacks.
GRATITUDE can turn a negative into a positive.
Find a way to be thankful for your troubles
and they can become your blessings.
~ Author Unknown ~

Closing Prayer


_____________________________________   
CHRISTMAS INSTITUTE 2019 | BS MATERIAL | SENIOR LEVEL

LESSON 1: RUN ON
Gathering & Getting to Know Each Other
Opening Prayer
Objective: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga delegado ay magiging buo ang loob na magpatuloy hanggang makamit ang minimithi ng Panginoong Jesus para sa buong sangnilikha   – ang kaganapan ng buhay (fullness of life).

SCRIPTURE: Filipos 3:12-14 (MBB)

12 Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan, 14 nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.

Ang Apostol Pablo ay masipag na misyonero, na nagtatag sa unang  pamayanang Kristiano. Sinulat niya ang Sulat sa mga Taga-Filipos, habang siya ay nasa bilangguan ng mga Romano sa Efeso, upang ibahagi ang kanyang kagalakan at hirap bilang isang tapat na lingkod ni Cristo Jesus. 

Sa Filipos 3:12-14, si Pablo ay nakatitiyak na nakamtan na niya ang kanyang layunin  – nakamit niya si Cristo sa kanyang buhay.  Ngunit nais niya ang higit pa sa tanggapin lamang si Cristo.  Nais niyang tularan si Cristo upang makita ng iba si Cristo sa kanya at nais din niyang makamit ang kabanalang mula sa Diyos.  Kung kaya sa kabila ng mga pahirap, insulto at ibang babala sa kanya, buo parin ang kanyang loob na isiwalat ang Ebanghelyo at patuloy na maglingkod sa mga dukha at inaabuso.   Binigya niya ng diin kung paano siya magiging katulad ni Cristo.  Hinikayat niya ang iglesia sa FIlipos upang magpursigi tulad niya, na isabuhay ang kanilang natutunan, narinig at nasaksihan sa kanya hanggang malubos ang paghahari ng Diyos, makamit ang kabuoan ng buhay at maranasan ang paghahari ng Diyos sa buong sangnilikha. 

1.     Ano sa palaga mo ang mga katangian ni Pablo na dapat makita sa bawat Kristiano?

TRADITION: Kabanalan (Sanctification)  at Pagiging Ganap (Perfection)

Kapag tayo ay nagsisi, at tinaggap si Jesu-Cristo, bilang Tagapagligtas, patatawarin niya tayo sa ating mga nakalipas na kasalanan at bibihisan niya tayo ng bagong pagkatao.  Tayo ay magiging bagong nilikha kay Cristo. Ang biyayang nagpapabanal ng Diyos (sanctifying grace of God) ay patuloy na sasaatin, sa ating pagpapatuloy tungo sa pagbabago, at paglago hanggang maabot natin ang kaganapang Kristiano (Christian perfection). Paliwanag ni  John Wesley na ang Christian perfection, kapag ang puso “patuloy na napupuno ng pag-ibig sa Diyos at kapwa” at  “nagiging katulad ng kaisipan ni Cristo, na pamumuhay kung paano namuhay si Jesus".  

Sa tulong ng Banal na Espiritu, nakakaya nating maging mapagmahal, matuwid at banal sa ating pakikitungo sa kapwa at sa lahat ng nilkha ng Diyos, at iba pa.  Magagawa nating hadlangan ang lahat ng uri ng kasamaan, kawalan ng katarungan at pang-aalipit. 

Kaya nga, matpos tanggapin si Cristo, hindi lamang natin binabasa ang Biblia, at manalangin araw-araw at magsimba tuwing Linggo. Tulad ni Pablo, sinisikap nating makita si Cristo sa ating buhay.  Ang pagiging Kristiano, ay hindi titulong tinanggap natin upang ipagyabang, kundi ito ay tawag sa atin upang umibig tayo na walang pagka-makasarili.  Ang maging Kristiano ay pagiging tunay na tagasunod ni Cristo Jesus, at pakikilahok upang makamit ang pangitain ni Cristo na buhay na ganap. 

1. Sa palagay mo, paano nakatulong ang nagpapabanal na biyaya ng Diyos, upang magpatuloy si Pablo? 

2.  Ano ang nakikita mong kaugnayan ng kabanalang Kristiano (Christian perfection) sa hiraya (vision) ng Panginoong Jesus?



EXPERIENCE: #mySTEPS

Alam natin na ang hiraya ng Panginoong Jesus para sa lahat ng nilikha at buhay na ganap (fullness of life).  Ito ay buhay na may dangal at labis-labis para sa mga mahihirap at ina-abuso.  Ito ang katapusan ng gutom, karahasan, at kawalang katarungan.  Ito ay pagbabago sa lipunang ating ginagalawan.   Ito ay ang paghahari ng Diyos sa lupa.  At bilang tunay na tagasunod ni Cristo sa ating panahon, tayo ay tinawag at isinusugo upang makibahagi tayo sa pagtupad sa kalooban ng Diyos para sa sanlibutan.  

1.      Ano ang iyong mga ginagawang hakbang upang makamit ang hangarin ng Panginoong Jesus para sa sangnilikha?

REASON: Mahalagang Pagtakbo sa Kalagayan ng Pagbabago ng Klima 
(Running on is Imperative in the Context of Climate Change)

Ang hiraya ni Cristo, ang buhay na ganap, ay mukhang malayo pa sa katotohanan para sa maraming mahihirap na Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na dinadagukan ng human-induced climate change o masamang pagbabago ng klima dahil sa kagagawan ng tao.  Ang hagupit ng masasamang panahon, tulad ng bagyo ay kumikitil ng maraming buhay, mga hayop, kabuhayan, at kalikasan. Sumisira ito ng mga kabahayan at maraming ari-arian.  At ang madalas tamaan ay mga mahihirap.  Ang pangunahing kailangan nila tulad ng tubig, pagkain, tirahan, lupa at hangin ay kinukulang.  

Sinisira ng Climate change, lalo na ang magandang nilikha ng Diyos, at winawasak nito ang hangarin na magkaroon ng buhay na ganap lalo para sa sa mga dukha.  Winawasak din nito ang pangarap at pag-asa ng maraming bata at kabataan, na tulad mo at tulad ko. 

Ang Climate change, ay usaping social justice, na dapat harapin ng iglesia at ng lipunan.  Marami na ang mga naghihirap na pamayanan, ang mga dukha na nagkukulang sa sapat na kabuhayan.  Samantalang ang mga mayayaman at makapangyarihan at patuloy sa pagtipon ng mga salapi, sa pamamagitan ng paglinang sa mga non-renewable resources ng kalikasan, na siya namang bumubuga ng ng nakakalasong gas na sumisira sa kalikasan.  

At ngayon, tungkol sa context of climate change, dito sa Philippines, at bilang mga disipulo ni Cristo sa ating panahon, 

1.       Gaano kahalaga ang pagsisikap upang maranasan natin ang buhay na ganap sa ating panahon? (How is “running or pressing on” towards the fullness of life imperative today?)
2.       What specific actions would you intentionally take and run on as champions of climate justice? (You may list your personal and shared actions and or create an action plan)

Closing Prayer


_______________________________________

LESSON 2: READY
Gathering
Opening Prayer
Objective: At the end of the lesson, the delegates are expected to understand that being rooted in the love of Christ, they should always be ready to choose to love especially those who need God the most.

SCRIPTURE: Ephesians 3:17-18(NRSV)

…and that Christ may dwell in your hearts through faith, as you are being rooted and grounded in love. I pray that you may have the power to comprehend, with all the saints, what is the breadth and length and height and depth (of the love of Christ).

Ang mga talatang ito ay bahagi ng panalangin ni Pablo para sa kanyang magbabasa ng sulat, mga Judio at Gentile  Christians. Panalangin ito upang ang mga Kristiano ay mag-ugat sa pag-ibig ni Cristo. 

Sa panalangin, hinihingi ni Pablo sa Diyos na "palakasin nawa ng Diyos ang puso  at isip ng mga nagbabasa, upang maging handa sila sa pagtanggap kay Cristo sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pananalig.  Habang nananahan si Cristo sa kanila, nararanasan nila ang pagbabago, at nag-uugat ang kanilang pag-ibig kay Cristo.  Ang pag-uugat sa pag-ibig ni Cristo, sila ay umuunlad sa aktibong pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga mas nangangailangan sa Diyos.  At nagpapatuloy sila sa pag-ibig sa isa't isa, lalo nilang nauunawaan ang kamangha-manghang bumabagong pag-ibig na kaloob ng Diyos para sa kanila.   Kpag ito ay naganap, ang nilikha ng Diyos ay napupuno ng katuwiran ng Diyos at kabanalan.

          Paano mo inilalarawan / ipinapaliwanag ang pag-ibig ni Cristo?

TRADITION: Social Holiness

Ang pag-uugat sa pag-ibig ni Cristo, ay paglago bilang Kristiano.  Ang kabanalan ay katibayan g ating paglago.
Sa ating Wesleyan tradition, ang kabanalan ay panlipunan, dahil ng Diyos na may Tatlong Persona, ay samahan o kalipunan.  Ang mga tao ay mga "social beings" dahil nilikha tayo sa wangis ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang lipunan , kung saan ang mga nilikha ay may ugnayan, sa isa't isa at sa Diyos.  Anuman ang iyong ginagawa, sa sarili o sa iba, ito ay may kaugnayan sa lahat ng nilikha.   Kaya anuman ang ating ginagawa, ito ay may kaugnayan sa Diyos. Binigyang diin ni John Wesley na ang kabanalan ay dapat maramdaman sa lipunan.  Sabi niya, “The gospel of Christ knows of no religion, but social; no holiness but social holiness. ‘Faith working by love’ is the length and breadth and depth and height of Christian perfection.” Kaya ang kabanalan ay parehong  personal at panlipunan (social). Tayo ay banal tulad ng Diyos, kapag tayo ay umiibig, gumagawa para sa hustisya, at katuwiran para sa sarili, sa kapwa, para lupa, karagatan, sa Diyos at sa buong nilikha.

1.       In your own words, what is social holiness?
2.       How does being rooted in Christ’s love help a person to be holy?

EXPERIENCE:  #theNEWme

Sumasampalataya tayo na sa biyaya ng Diyos, tayo ay nakapagsisisi, habang nagtitiwala kay Cristo ,a at umuunlad tayo sa kalooban ng Diyos, binabago kay Cristo.  Ang prosesong ito ng pagiging matuwid (justification) at bagong kapanganakan (new birth) ay tinatawagan na conversion. At ang bawat Kristiano ay may kanya-kanyang karanasan ng pagbabagong buhay.  Maaring bingao tayo ng biglaan o matagalan.  Gayunman, ang ating pagbabago o conversion ay simula lamang ng isang patuloy na proseso.  Habang si Cristo ay nasa ating puso, makakaranas tayo ng paglago at pagbabago.   At ang bawat isa ay may ibat-ibang karanasan.  

1.       
.       Paano binago ni Cristo ang iyong buhay? 
n    Paano mo ipinapakita ang pagbabago ng iyong buhay? (Concrete Actions)

REASON: Rooted in Christ’s Love: Always Choose to Love Those Who Need God the Most

Ang pag-ibig ni Cristo ay bumabago.  Pinaghihilom nito ang ating mga sugat.  Ginagawa niya tayong lalaong mapag-mahal at mapag-kalinga. Inaayos nito ang ating kaugnayan sa Diyos, sa iba, at sa kalikasan.  At inaakay tayo nito tungo sa katuwirang panlipunan (social justice) at kabanalan, lalo para sa ngangailangan sa pagkalinga ng Diyos.  

Ang mga taong may HIV at AIDS (PLWHA) ay namamatay at nagdurusa dahil sa discrimination, bashing, shame, and condemnation. At lalong nakakalungkot kapag ang mga taong simbahan pa ang gumagawa nito. Nakakalungkot kapag amy simbahan na nagpapalawig ng galit, walang pakialam sa halip magmahal, gumawa para sa ikapagkakasundo.

Bilang United Methodists, kinikilala natin na ang mga may HIV at AIDS ay dapat tratuhin na may dangal at paggalang. Sinusuportahan natin sila sa trabaho, medikasyon, at pakikilahok sa public education, at lalo na sa simbahan.  Ang National Council of Churches in the Philippines, sa programa nitong  #PreventionNOTCondemnation HIV program, tinuturuan natin ang mga taong simbahan, makilahok upang wakasan ang HIV at AIDS,  at paghilumin din ang mga sugat na dala nito tulad pagdidiri at  panlalait. Kaya, piliin natin ang umibig at magpagaling.
  
Ngayon, habang tinatawag mong Kristiano ang sarili, na nag-uugat sa pag-ibi gni Cristo,  

1.       Ano ang nais mong gawin, bilang ambag sa iglesia upang ito ay maging mapagmahal at magmalasakit sa mga may karamadaman tulad ng HIV?
2.       Anong specific programs or activities ang nais mong gawin upang makiisa at tumulong sa mga may may karamdaman?  (You may list your personal and shared actions and or create an action plan)

Closing Prayer



LESSON 3: GET SET
Gathering
Opening Prayer
Objective: At the end of the lesson, the delegates are expected to recognize the strength from Christ to endure uncertain times.

SCRIPTURE: 2 Corinthians 4:8-9 (NRSV)
We are afflicted in every way, but not crushed; perplexed, but not driven to despair; persecuted, but not forsaken; struck, but not destroyed;

Bilang tagasunod ni Cristo, naranasan ni Pablo ang hirap,  tulad ng pagtakwil, pagkakulong, latigo, pagbugbog, pambabato, pananakot, gutom, sakit at takot.  At madalas siyang kamuntik ng mamatay.(11:16-12:10). Sa kbila ng lahat ng ito, nagpatuloy si Pablo sa pagsunod kay Cristo, dahil may roon siyang kasiguruhan ng kaligtasan.  Alam niya, na ang muling nabuhay na Cristo ang magpapalakas sa kanya upang siya ay magtagumpay.  Alam niya na hindi siya pababayaan at ang biyaya ng Diyos ay sapat sa mga tapat na sumusunod kay Jesu-Cristo. 

 Sino o ano, sa palagay mo ang dahilan ng paghihirap ni Pablo? 
2.       Sino o ano, sa palagay mo ang tumulong kay Pablo upang magtagumpay sa mga pagsubok? 

TRADITION: Banal na Tapang (Holy Boldness)

Tualad ni Pablo, si John Wesley ay nakaranas din ng mga pahirap, tulad ng persecutions, at bullying sa pagsunod niya kay Jesus Christ. Naranasan niya ang discrimination at bashing mula sa mga kaklase at ibang estudyante sa Oxford dahil sa pagiging religious and methodological. Ang Church of England banned him from preaching because he disregarded its regulations concerning parish boundaries ay binawalan siya na mangaral. Kaya ngaral siya sa labas ng simbahan.  Habang palipat-lipat ng lugar upang mangaral, may pagkakataon na siya ay sinugod ng mgatao at pinagbabato. sa kabila nito, Nagpatuloy si  John Wesley, at bunog tapang  na ibinahagi niya ang katotohanan tungkol kay Jesus-Cristo sa kanila. 

Tuld ng Panginoong Jesus, naging matapang si John Wesley na magsalita laban sa kawalan ng katarungan, at hinamon niya ang hindi tama sa lipunan.  Ito ang tinatawag na  holy boldness, sa pamamagitan ng  pagsasalita ng malinaw na pagpanig sa tama at katuwiran alang-alang sa Ebanghelyo.  

1.       Sa paanong paraan magkatulad, ang dinanas na persecutions ni Wesley kung itutulad kay Pablo?
2.      Paano nakatulong ang banal na katapangan (holy boldness) kay Wesley upang mapagtagumpayan ang pang-iinsulto (bashings)?



EXPERIENCE: #METOO

Naranasan nina Pablo at John Wesley ang bashing, bullying, at discrimination, mula sa mga kaibigan , kaklase, simbahan, at lipunan.  Ginawa sa kanila ang ganito dahil sa kanilang paniniwala, pinangangaral, at mga ginawa alang-alang sa Ebanghelyo.  Pareho silang naging matatag dahil sa biyaya ng Diyos, nanagpalakas ng kanilang pananalig sa muling nabuhay na Cristo. Ang kanilang pamilya sa pananampalataya, at mga kaibigan ay nagpalakas ng loob nila upang magpatuloy sa paghahanap ng hustisya, at patuloy na ibahagi ang Ebanghelyo,a t abutin ang  mga mahihirap sa lipunan.  

1.       How do you deal with someone who is bullied, bashed, or discriminated?
2.       What do you do to resist against bullying, bashing, and discrimination?

REASON: Pananampalataya sa Gitna ng Panganib (Faith amidst Threats)

Ang ating paglalakbay para marating ang pangitain ng Panginoong Jesus, na buhay na ganap, ay hindi madali.  Ang kahirapang dinanas nina Pablo at Wesley, ang parusa't kamatayan na dinanas ng Panginoong Jesus ay nagpapa-alala na ang ating paghahanap ng ganap na buhay, ay maaring maging mitsa ng panganib o kaya ay kamatayan.  

Lalo sa panahon natin, ang mga tagasunod ni Cristo ay naninindigan para sa buhay, katotohanan at katarungan, ay nakakaranas ng kalupitan at kamatayan.  May mga Human rights advocates at mga nagtatanggol sa mga kinakamkam na lupain at mga environmental defenders, na pinaparatangang mga kriminal, terrorista, hinihiya at kinukulong, tinatakot at binibilanggo.  

Ayon sa report ng  Global Witness noong July 30, 2019, may higit sa tatlong (3) tao ang pinapatay kada isang Linggo noong 2018, hindi mabilang na pinagbintangang kriminal, dahil sa pagtatanggol sa kanilang lupain, at sa kalikasan.  Ang Pilipinas ay may pinakamataas na bilang ng pinapatay sa buong mundo, na may halos 30 defenders na pinatay. Ang mga ito ay karaniwang tao, na nagmamalasakit na ipagtanggol ang kanilang mga tahanan, at kabuhayan, ang kanilang lupaing minana sa mga ninuno.  At iba ay mga nagtatanggol sa lupa upang hindi sirain ng mga minahan,  dams, illegal logging, at mga malalaking korporasyon na nakakasira ng kalikasan.  

Kaya bilang tagasunod ni Cristo sa ating panahon,  

1.    Paano natin papatunayan ang ating pananampalataya kay Cristo upang magpatuloy tayo sa paghahayag ng katotohanan, sa paghahanap ng katarungan,  at sa pagmamahal sa mga mahihirap, at inaabuso kahit may panganib?

2.       Paano makakatulong ang iglesia upang ingatan ang buhay at karapatan ng mga nagtatanggol sa mga ninunong lupain at kalikasan?

Closing Prayer


______________________________ 


LESSON 4: GO
Gathering
Opening Prayer
Objective: At the end of the lesson, the delegates are expected to show gratitude to God by committing their lives in a continuous service of God and of God’s whole creation.

SCRIPTURE: Matthew 28:19-20 (NRSV)
Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything that I have commanded you. And remember, I am with you always, to the end of the age.”

The central theme of the Gospel according to Matthew is the coming of the kingdom of God here on earth. Jesus has announced it, and then He inaugurated it by His death and resurrection, and sent His disciples to preach it in the world. The kingdom of God is the reign of God’s righteousness, justice, and peace among God’s creation.
In Matthew 28:19-20, the risen Jesus Christ, before his ascension, handed over to his disciples the mission that he has started in their company. Jesus sent his eleven disciples to go to all nations and make disciples. The eleven disciples, trained and prepared by Jesus himself, were now ready to continue his work in realizing the reign of God among all God’s creation. They were sent to proclaim the gospel, to become witnesses to God’s redeeming and reconciling love by loving their neighbors, and to become teachers and agents of transformation of the world.
The missional journey of the eleven would never be easy. So Jesus reassured them that he, Emmanuel, would always be with them, journey with them, and would always be ahead of them, waiting for them in places where people and creation need God the most.
1.       How do you think is Jesus’ reassurance of his presence important to his disciples?
2.       If you are one of the eleven disciples, how would you respond to this commissioning?

TRADITION: Gratitude and Benevolence
In Wesleyan tradition, gratitude and benevolence are inseparable. Gratitude expresses the love for God and benevolence expresses the love for neighbors. We love God by loving our neighbors.

Our love for God springs from a grateful heart. We are thankful to God for loving us so much, for giving us life, and for sustaining us. And our gratitude for such an amazing love is also expressed in our love for God and for God’s whole creation. We love what God creates because we know that God loves God’s creation.
And our love to God’s creation is shown by our benevolence. We do good, we do no harm, and we put ourselves in the service of God’s whole creation. And these are acts of gratitude to God.
1.       How can a grateful heart help us to respond to the call of Christ for servant ministry?

EXPERIENCE: #AttitudeOfGRATITUDE
Each day is an opportunity to experience God’s love, likewise, to give God our thanks. We give thanks to God for our lives, for the love of our families and friends, for the daily provisions, for our good health, and for many more wonderful things we receive and experience each day. We know that all the wonderful things or blessings we receive come from God out of God’s love. And God’s blessings are wonderful even when they seem to be ordinary to us, like breathing and waking up.

1.       How has God blessed you today? (List as much as you can. Share 1 only to the group.)

REASON: Therefore, Continue Going with a Grateful Heart and Serve!
We cannot ignore the reality that each day, there are millions of people who experience and suffer injustice, discrimination and oppression. Farmers, land and environmental defenders and human rights advocates experience harassment, intimidation, and killings. Indigenous people experience threats, abuse, and militarization. PLWHA experience stigma and discrimination; women and children become victims of physical and sexual abuse; members of the LGBTQI+ communities suffer from discrimination and condemnation. Members of the labor workforce suffer from contractualization, abuse, and violence. More than 80 Filipino children die due to malnutrition and hunger. Young people suffer from depression. Truly, each day there are victims of injustices, discrimination, and oppression and more often than not, they are those who are poor. And so, how can we really give thanks to God if we have neighbors who tremendously suffer each day?

In a world with so many injustices, so much apathy, so much greed, and so many oppressions, the best way to demonstrate our gratitude to God is to be just, to be more loving, to generously give, and to faithfully serve especially with the poor and the oppressed.  Therefore, we should follow Jesus each day to the places where we do not want to go; to be with people who, for us, are difficult to love and understand; and to the communities where people and creation need God the most. And with them, let us demonstrate our gratitude to God.
As our way of thanking God for God’s transforming love, we continue carrying out the mission of our church “to make disciples of Jesus Christ for the transformation of the world” until the fullness of life is completely realized here on earth. Therefore, we continue going with a grateful heart and serve God and God’s whole creation.
Team work: Make a covenant about your commitment and participation in fulfilling Jesus’ vision of fullness of life. All members should sign it. Recite it together. And make sure that everyone has a copy of it. Set a day and or time for a synchronized covenant reading. Keep connected!
CLOSING PRAYER

References:
1.  UMC Book of Discipline 2016
2.  Wesley Study Bible NRSV
3.  How to Read the New Testament by Etienne Charpentier




Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...