MGA HIMNONG PAMASKO
___________________________________
Kapayapaan sa Inyo, (salin ni Jestril Alvarado)
(God Rest You Merry Gentlemen)
Kapayapaan sa inyo, takot wakasan na,
Dahil sa araw na ito, Jesus sumilang S’ya,
Dakilang Panginoong Diyos, ating Manunubos.
Koro:
O balita ng kaligtasang buhat sa Diyos,
May balitang tungkol kay Jesus. Amen.
Mula sa kalangitan, angel nanawagan,
Sa mga pastol sa parang sila’y nag-awitan,
“Sa Bethlehem nakahimlay sanggol sa sabsaban.”
Huwag magulumihanan, awit ay pakinggan,
Si Jesus na Panginoon doon nakahimlay
Sa munting bayang Bethlehem, ay may abang belen.
Magpuri tayo ng lubos, lahat ng tinubos,
Binigkis tayo ni Jesus, sa pamilya ng Diyos
Upang ating ibalita, pag-ibig ng Ama.
____________________________
Sa Bethlehem ay Dumatal (salin ni Jestril Alvarado)
(In Bethlehem ‘Neath Starlit Skies)
Sa Bethlehem ay dumatal, Allelujah! Allelujah!
Sanggol nasa sabsaban, Allelujah! Allelujah!
Walang hihigan na tahanan, kay Jose at kay Mariang mahal,
Walang bukas na tuluyan, Allelujah! Allelujah!
May mga awit at panawagan, Allelujah! Allelujah!
Walang tumugon ga munti man, Allelujah! Allelujah!
Tanging mga hayop sa belen ang sumulyap sa abang sanggol,
Tatlong Hari ay dumating, Allelujah! Allelujah!
Mga kaibigan sa Panginoon, Allelujah! Allelujah!
May panawagan sa atin ngayon, Allelujah! Allelujah!
Kumakatok sa buhay mo ang Diyos na si Jesus-Cristo;
Puso ay buksan mo na ngayon, Allelujah! Allelujah!
_________________________________________________
IT CAME UPON THE MIDNIGHT CLEAR
Noon, gabi ay tahimik, nang dinggin ang awit;
Sa mga anghel na sulit, Alpha ay kasalit.
“Sa mundo’y kapayapaan, buhat sa kalangitan.”
Humimpil ka, kalupaan; awit ay pakinggan.
Magbangon ka sa hinagpis, ang luha mo’y pahid;
Ngayon sa ‘yo ay malapit, si Cristong marikit.
Sa kalangitan nagbuhat na taglay ang galak.
At ang awit ay pagliyag sa mundong naghirap.
Buhay mo'y mabibihisan sa pighating pasan,
Siya ang aakay sa daan na may pagmamahal;
Masdan oras ng ligya, ay dumarating na,
O tanging pagpapahinga ay kakamtan twina.
Ito ang araw na takda na ayon sa hula,
Sa pagsilang ng dakilang sasakop sa madla;
T'wa ay kakalat lupa, sa kaniyang paglaya,
At ang mundo sa biyaya ay mananagana. Amen.
_________________________
SILENT NIGHT, HOLY NIGHT
Mapayapa ang paligid ang simoy ay malamig
Tala’y biglang gumuhit sa langit
Narinig ang malambing na awit, “Sanggol ay naiidlip” (2x)
Oh, kay ganda at dakila kaligtasan ng madla
Sa anghel na hatid ay balita
Galing sa Dios na sa ‘ti’y lumikha, masaganang biyaya. (2x)
Maliwanag at maningning, ang langit sa pagdating,
Ni Jesus na umiibig sa atin
Ang mukha Niya’y maamo’t magiliw, pagliligtas sa atin. (2x)
______________
THERE’S A SONG IN THE AIR
Mayroong awitan, tala ay sumilang; may inang tiwasay batang nahihimlay,
At patuloy ang ningning at ang awitan pagkat sa sabsaban Hari’y nakahimlay.
Malaki ang galak nang Siya’y dumatal, ang batang marangal na guro ng tanan;
At patuloy ang ningning at ang awitan, pagkat sa sabsaban hari’y nakahimlay.
Sa ningning ng tala panaho’y naghintay at yaong awitan sa mundo’y umapaw;
Sa kala’y may ningas tana’y may awitan sa mga tahanang pinaghaharian.
Tayo’y nagagalak dahil sa liwanag awit sa itaas ating ibulalas
Atin ngang isigaw ang balitang taglay, sambahin si Cristo doon sa sabsaban.
______________
JOY TO THE WORLD
Sanglibuta’y may kat’waan sa Haring pagdatal
Puso nati’y tatahanan mundo’y mag-awitan. (3x)
Si Jesus ay ipagdiwang tana’y mag-awitan
Bukid, burol, kapatagan galak ay isaysay. (3x)
Kasalana’y naparam na kalungkuta’t dusa
Naparito’t dala Niya pala at ginhawa. (3x)
Mundo ay paghaharian ng katotohanan
Ang biyayang kaligtasan kakamtan ng Bayan. (3x)
______________
HARK THE HERALD ANGELS SING
Sa langit ay may awitan dapat nating pakinggan
“Puri sa Dios sa kaitaasan sa lupa’y kapayapaan.”
Langit ay ating samahan, lualhatii’t papurihan;
Ang Haring walang hanggan, si Jesus na ating buhay,
Tayo ay mag-awitan, “Puri sa Dios sa kaita’san.”
Ang Hari ng kalangitan, ang sinugo na hirang;
Ang sa sala’y kaligtasan nasa Birheng kandungan.
Hayo’t ating ipagdiwang ang Verbong naging laman,
Sa Israel na Banal Emmanuel ang ngalan,
Tayo ay mag-awitan, “Puri sa Dios sa kaita’san.”
Batis ng kapayapaan, sa ‘Yo ang karangalan
Oh Jesus, tunay na hirang na nagbibigay buhay.
Ang lwalhati’y ‘Yong iniwan, at sa ami’y nakipisan
Tinanggap Mong mamatay upang kami ay mabuhay;
Tayo ay mag-awitan “Puri sa Dios sa kaita’san”. Amen.
_______________________
RING THE BELLS OF HEAVEN
Matamis na awit ay sambitlain, sa Panginoon ay ihain,
Tulad ng inawit ng mga anghel may kagalakang walang maliw.
Koro:
L’walhati sa Dios sa kaita’san! Magpuri na may kagalakan.
Awit sa Belen noo’y napakinggan magalak na ipag-awitan. AMEN.
Humayo sa parang at mga bundok pagsinta’y ikalat, isabog;
Israel magdiwang, mundo’y malugod at mapapawi na ang lungkot.
Ang sangkatauhan na may siphayo magalak ngayon, yamang tanto;
Pag-ibig ng Dios, sa ati’y sinugo ang Anak N’yang ating pintuho.
Ilakip sa puso ang pagkilala kay Cristong nagligtas sa sala,
Huwaran natin ang pastol ng una nagpuri sila’t nagsisamba.
______________________
ANGELS FROM THE REALMS OF GLORY
Angheles sa kalangitan hayo sa sanglibutan,
Sa mundo’y inyong isaysay ang Mesias ay sumilang;
Lapit na at dalanginan ang Haring bagong silang.
Ang mga pastol sa parang nagbabantay ng kawan,
Nang Dios sa tao’y pumisan at ilaw N’ya’y kuminang;
Lapit na at dalanginan ang Haring bagong silang.
Mga pantas hayo’t sundan talang may tanging tanglaw;
Paghanapin ninyong tunay ang Ilaw, Daa’t, Buhay.
Lapit na at dalanginan ang haring bagong silang.
Paluhod na naghihintay lipon ng mga banal,
Panginoo’y nang mamasdan nagpuring may kat’waan;
Lapit na at dalanginan ang Haring bagong silang.
________________________
O COME ALL YE FAITHFUL
Lahat ng tapat ngayo’y mangagdiwang, humayo sa Bethlehem na bayan;
Lapit at masdan Haring bagong silang.
Koro:
Atin Siyang lapitan handugan at igalang,
Siya’y sambahing Hari ng tanan. Amen.
O anghel sa langit, hayo’t mag-awitan, purihin ang Hari na dumatal;
L’walhati sa Dios sa kaitaasan.
Binabati namin Haring bagong silang, Jesus, Iyo ang kal’walhatian;
Nagkatawang tao’t nakipamuhay.
______________________
AWAY IN A MANGER
Doon sa sabsaban, dukhang sumilang,
Ang sanggol na buhay ng sanglibutan;
Tuyong kumpay ang ginawang hihigan,
Tulad sa dukha, ngunit Dios ng tanan,
Manginginain doo’y mga hayop,
At ang sanggol ay gising at di takot;
Gayon din, Jesus, sa aking pagtulog,
Iyagapay Mo ang iyong pagkupkop.
Sa aking naman ay hwag kang mawalay,
O Cristo na Panginoon ko’t buhay;
At ang landas sa Iyo’y mangahimlay,
Handa sa langit na kasama’y Ikaw.
____________________________
O LITTLE TOWN OF BETHLEHEM
Munting bayan ng Bethlehem, payapang nahimlay;
Sa iyong pagkagupiling, bitwi’y naglalakbay;
Sa daa’y nagniningning, walang hanggang tanglaw;
Pananabik at panimdim ngayon ay naparam.
Nang si Jesus ay isinilang, nagalak ang langit
Samantalang nahihimlay ang boong daigdig;
Ang tala’y nagsasaysay ng batang marikit;
Sa awit isinisigaw, lupa’y manahimik.
Nang ang kaloob nakamit lubhang matahimik;
Puso ng tao’y umawit biyaya ng langit,
Wala ng makaisip ng kanyang pagsapit,
Pusong masala at pinid tanggap ang pag-ibig.
Batang banal ng Bethlehem, kami’y pagpalain;
Ang sala nami’y linisi’t sa puso’y humimpil;
Waring dinig pa namin ang awit ng anghel,
Manirahan Ka sa amin, Dios na mahabagin. AMEN.
salamat sa inyo pagpalain kayo ng Panginoon
TumugonBurahin