LINGGO NG
SANTA TRINIDAD
June 11, 2017 • 2
Corinthians 13:11-13 • Mateo 28:19
Layunin: Upang maunawaan kung ano ang mga persona o
pagpapahayag ng iisang Diyos bilang Ama, Anak at Espiritu Santo ayon sa Biblia
at pagtunghay sa kasaysayan at tradisyong Kristiano.
Aralin: Ang Tatlong Persona ng Diyos
Ang Trinity ay madalas pinagtatalunan, mula noon hangga
ngayon. May mga Kristiano na nagtuturo
na iisa lamang ang persona ng Diyos, sila ay tinatawag na Unitarians. May mga hindi kumikilala sa pagka-diyos ni
Jesu-Cristo.
Pag-araalan natin ang
sinasabi ng Biblia.
Ang Diyos ay iisa.
Mababasa sa maraming talata sa Biblia na iisa lamang ang
Diyos. Halimbawa, sa Isaias 44:6,
“Ang sabi ni Yahweh, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel,
ang Makapangyarihan sa lahat: “Ako ang simula at ang wakas; walang ibang diyos
maliban sa akin.
Ang Diyos ay walang katulad.
Siya ay nag-iisa ayon sa Deut. 6:4,
“Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang
tanging Yahweh.”
Tulad din ng nasasaad sa Juan 17:3, “ Ito ang buhay na
walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang
makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”
Ang doktrina ng paniniwala sa iisang Diyos ay tinatawag na
monotheismo (mono - sa Latin, ibig
sabihin ay isa). May tatlong relihiyon
na nagpapahayag nito, ang Kristianismo, mga Judio at ang Islam. Ngunit Kristianismo lamang ang nagsasabing
may Tatlong Persona ang iisang Diyos.
Ang Trinity
- o Tatlong Persona ng Diyos
Ang Diyos ay may isang sangkap ng pagka-diyos (English
essence, Greek ousia)) subalit may tatlong pagpapakilala o persona (hypostasis
sa Griego). Bilang Ama, Anak at Espiritu
Santo. Ang pahayag ng Biblia na angAma ay Diyos, si Jesus ay Diyos at ang
Espiritu ay Diyos, siyang ang pangunahing batayan ng Trinity. Dahil ang Ama,
Espiritu at Anak ay isang Diyos ngunit magka-iba ng persona.
Maingat itong inaral at binalangkas ng iglesia sa
Nicaea. Ang Nicene Creed ay sinulat
noong taong 325, sa pagpupulong ng mga Obispo ng iglesia sa pangunguna ni
Alexander, upang salungatin ang turo ni Arius, na nagsabing ang Ama at Anak ay
hindi pantay sa pagka-Diyos.
May mga talata na bumabanggit sa Trinity, halimbawa;
a. Mateo 28:19, binabanggit ang
tatlong persona ng isang Diyos.
b. 2 Cor. 1:21-22
c. Efeso 4:4-6
Patuloy nating aralin natin ito ayon sa Biblia;
1. Ang Diyos ay
tinawag ni Jesus na Ama.
a.
Juan 14:16,
“Dadalangin ako sa Ama, upang
kayo’y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo
magpakailanman.”
b. Mateo 6:9,
Ganito kayo mananalangin,”Ama
naming nasa langit,sambahin nawa ang iyong pangalan.”
Ang Diyos ay Ama, dahil siya ang Lumikha, at ang lahat ng
buhay ay sa kanya nanggaling. Ito ay malinaw sa Biblia at sa balangkas ng
Pananampalatayang Nicea (Nicene Creed),
“Sumasampalataya ako sa iisang Diyos, ang Amang
makapangyarihan, Lumikha ng langit at lupa, at lahat ng bagay na nakikita at
hindi nakikita.” (I believe in one God, the Father Almighty, Maker of heaven
and earth, and of all things visible and invisible.)
2. Ang Anak ay Diyos.
Dito madalas sumalungat ang mga bulaang relihiyon na
nagsasabing hindi raw Diyos si Cristo Jesus, dahil ayon daw sa Juan 17:3, ang
Diyos ay iisa, at si Jesus ay ang sinugo ng Diyos. Ang sinugo at Diyos ay
mag-kaiba. Ngunit ano pa nga ba ang sinasabi ng Biblia?
a. Colosas 1:15, “Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita.” at sa Col. 1:19,
“Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak.”
b. Juan 8:24 at 28.
24kaya
sinabi ko sa inyong mamamatay kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga
kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y Ako Nga’, mamamatay nga kayo
nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan.”
v28Kaya’t
sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong
‘Ako’y Ako Nga.’ Wala akong ginagawa batay sa sarili kong kapangyarihan. Ang
ipinapasabi lamang ng Ama ang siya kong sinasabi,
Ang pangalang :Ako ay Ako Nga” ay pangalan ng
Diyos ayon sa Exodo 3:v14Sinabi ng Diyos, “Ako’y si Ako Nga.b Sabihin mo sa mga
Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’.”
Ito ang dahilan kung bakit nasabi ng mga Judio na
nagpapanggap na Diyos si Jesus,
“33Sumagot ang mga pinuno ng mga Judio, “Hindi dahil sa
mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa
Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos, bagama’t tao ka lamang.”
c. Malinaw na sinasabi ng biblia na dapat sambahin si Jesus.
Samantalang walang dapat sambahin
kundi ang Diyos lamang. ayon sa Exodo 20:3.
Pangalawa, hindi binabahagi ng
Diyos sa iba ang kanyang karangalan. Mababasa ito sa Isaias 42:8,
“Ako si Yahweh; ‘yan ang aking
pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri’y sa akin, hindi
sa diyus-diyosan.”
Samantala, malinaw na sinasabi sa Filipos 2:10, v10Sa gayon,
sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa
lupa, at nasa ilalim ng lupa.”
d. Paano naging Diyos si Cristo, samantalang siya ay tao?
Patuloy pa ng Filipos 2:10, “Kahit siya’y likas at tunay na
Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. vSa halip, kusa
niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang
alipin.”
Ayon pa sa Juan 1:14, “Ang Salita ay naging tao at nanirahan
sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang
kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.”
Malinaw na si Jesus ay ang persona ng Diyos, na nagkatawang
tao. Sinasabi pa ng Panginoong Jesus tungkol sa kanyang sarili,
• Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.”
• Juan 1:18, “Kailanma’y wala pang taong
nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na
minamahal ng Ama”.
• Juan 14:9, “Sumagot si Jesus, “Felipe,
kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo’y hindi mo pa ako kilala? Ang
nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin
ang Ama’?
3. Ang Espiritu Santo
ay Diyos
Ang pangatlong persona o ay ang Espiritu Santo. Bago umakyat ang Panginoong Jesus sa langit
pabalik sa Ama, nangako siya na susuguin niya ang Espiritu Santo. Sino siya?
a.
Siya ang Espiritu ng Panginoong Jesus.
Ayon sa 2 Corinto 8:6, “Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu,
at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan.”
b. Siya ang Espiritu ng Ama, at ng
Anak ayon sa Roma 8:9, ‘ ‘
“Ngunit hindi na kayo namumuhay
ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sa katunayan, nananatili na sa inyo ang
Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay
Cristo ang taong iyon.”
c. Siya ay walanghanggan (Heb.
9:14), nasa lahat ng dako (Awit 139:7-10), at sinasamba (Juan 4:24).
Iisang Diyos sa Tatlong
Persona. Siya ang tunay na Diyos na
sinasamba at hinahandugan ng pagsamba at buhay.
Pangwakawas, mula sa 2Cor.14:13, “Nawa’y sumainyong lahat
ang pagpapala ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang
pakikisama ng Espiritu Santo.”
Ang Trinity ay katotohanan tungkol sa pagliligtas ng Diyos.
a. Upang maligtas tayo mula sa kasalanan, nakihalubilo ang Diyos sa kalagayan ng tao. Siya ay naging "kasama natin". Hindi nanatiling hiwalay ang Diyos sa tao.
b. Pangalawa, ang Diyos ay patuloy na nagbibigay ng sarili. Sa simula, pinagkaloob ng Diyos ang kanyang hininga, upang ang tao ay magkaroon ng buhay. Pangalawa, pinagkaloob ng Diyos ang kanyang buhay bilang Anak, para sa ating katubusan. Pangatlo, ibinigay niya ang kanyang Espiritu, upang maging tatak ng ating kaligtasan. Purihin ang Diyos!
Ang Trinity ay katotohanan tungkol sa pagliligtas ng Diyos.
a. Upang maligtas tayo mula sa kasalanan, nakihalubilo ang Diyos sa kalagayan ng tao. Siya ay naging "kasama natin". Hindi nanatiling hiwalay ang Diyos sa tao.
b. Pangalawa, ang Diyos ay patuloy na nagbibigay ng sarili. Sa simula, pinagkaloob ng Diyos ang kanyang hininga, upang ang tao ay magkaroon ng buhay. Pangalawa, pinagkaloob ng Diyos ang kanyang buhay bilang Anak, para sa ating katubusan. Pangatlo, ibinigay niya ang kanyang Espiritu, upang maging tatak ng ating kaligtasan. Purihin ang Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento