Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos
Hebrews 13:1-8, 15-16
May kwento tungkol sa isang aqueduct, ito ay daluyan ng tubig na gawa sa mga bato at semento na itinayo noong AD 108 sa Segovia, Spain. Sa loob ng mahigit isang libong taon, naging daluyan ito ng malamig at malinis na tubig mula sa bundok patungo sa bayan ng Segovia.
Minsan, naisip ng mga engineers ng Spain na i-preserve na lamang ang aqueduct para makita ito ng mga susunod na generation. Kaya ang daluyan ng tubig ay pinalitan ng mga modernong tubo. Ang aqueduct ay hindi na ginamit.
Hindi man umabot ng ilang taon, napansin nila na ang aqueduct ay natuyo sa init ng araw, at ito ay unti-unting nadudurog. Napatunayan nila na habang ito ay ginagamit, ito ay lalong tumitibay. Ngunit kapag hindi na ito ginagamit, ito ay nagiging mahina at nasisira.
Ang bawat Kristiano ay tinawag upang maglingkod sa Diyos at sa kapwa. At habang tayo ay naglilingkod, lalo lamang tumitibay ang ating pananampalataya. Patuloy sana tayo sa paglilingkod, at ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tibay na tatagal ng mahabang panahon.
Paano Tayo Maglilingkod?
1. Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo (v.1). Tayo ay hindi lamang miembro ng isang sekta, kundi pa naman, tayo ay miembro ng pamilya ng Diyos. Ang utos ng Panginoon ay ang mahalin natin ang isa’t-isa bilang patunay na tayo ay alagad ng Panginoon.
2. Maging bukas ang ating pinto sa ibang tao (hospitable) at damayan ang mga nahihirapan. Tungkulin natin bilang simbahan ang tumulong sa;
a. mga mahihirap at maysakit. Sa talatang 16, sinasabi rin na, “ At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.”
b. mga balo - sa Santiago 1:27, ganito ang sabi, “Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.”
3. Dapat igalang ng lahat ang pagsasama ng mag-asawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya. Ang pinakamahalagang paglilingkod na maari nating gawin para sa ating pamilya ay ang pagiging tapat sa ating asawa. Sa ganitong paraan, hindi natin sasaktan ang kalooban ng ating mga anak, at mananatiling matatag ang pamilya.
Note para sa Youth: Maging ang mga kabataan na single pa, kung mananatili kayong “sexually pure” (no to pre-marital sex), iginagalang na ninyo at iniingatan na ngayon pa lang ang kapakanan ng inyong magiging mga anak at magiging asawa sa future.
4. Huwag kayong magmukhang salapi (v.5)
Sa Diyos tayo nagtitiwala at hindi sa pera. Ang ating pananampalataya ang nagbibigay sa atin ng kahulugan ng buhay at hindi ang salapi. Inaakala ng marami na kapag may marami kang pera, nasa iyo na ang lahat. Ngunit hindi ito totoo! Sa katunayan, marami pa ring mayayaman ang nagpapakamatay dahil wasak ang kanilang relasyon sa pamilya at sira ang kanilang buhay espiritual.
5. Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos. (v.7).
Ang pagiging Kristiano ay buhay na ligtas mula sa kasalanan. At naligtas tayo dahil may mga taong naglilingkod sa Diyos na nagpahayag ng Salita ng Diyos sa atin. Huwag sana nating kalilimutan ang mga taong iyon na naglingkod sa atin upang tayo ay maligtas.
6. Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. (v.15).
Ang pinakamahalagang paglilingkod na ating magagawa para sa Diyos ay ang pagsamba. Ngunit madalas din itong mabalewala ng marami. May iba naman na nagpapasalamat sa Diyos sa paraang gusto nila. Ngunit may paraang hinihingi ang Diyos, at ito ay ang magpunta tayo sa simbahan, sumamba at magkaloob sa kanya ng alay. Hindi tama na tayo ang gagawa ng sarili nating paraan para purihin at pasalamatan ang Diyos.
Mga Tanong:
1. Ano sa palagay ninyo ang mga paraan upang magkaroon ng “impact” ang ating simbahan sa ating komunidad? Aling ministeryo ang dapat nating bigyan ng pansin?
2. Maliban sa trabaho, bakit mahalagang paglilingkod sa pamilya ang maging tapat sa asawa?
3. Sinu-sino ang dapat nating paglingkuran ayon sa ating aralin? (Sagot: Kasama sa pananampalataya, kapwa, pamilya, at ang Diyos)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento