Tunay na Relihiyon
Colossians 1:15-28
Ang iglesia ay dapat mamuhay ayon sa katotohanang nasasaad sa Biblia. Ang saligan ng iglesia ng Diyos ay ang katotohanang ayon sa Salita ng Diyos. Dahil dito, mahalaga na ang mga kaanib ng isang tunay na iglesia ng Panginoon ay naka-aalam ng kanyang mga doktrinang naayon sa Biblia.
Dahil ang mga taga-Colosas ay nabitag ng maling doktrina na nagsasabing dapat daw sambahin ang mga espiritu, maliban sa tunay na Diyos, sila ngayon ay itinuwid ni Pablo. May tatlong mahalagang doktrinang binanggit si Pablo na batayan ng tunay na relihiyon; wastong doktrina tungkol kay Cristo, tamang doktrina ng kaligtasan at tamang doktrina ng paglilingkod.
1. Wastong Doktrina Tungkol Kay Cristo
Ayon sa v. 19-20, Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak, at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya; pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus.
a. Ang Panginoong Jesus ay ang iisang Diyos (v. 19) - ang larawan ng Diyos na hindi nakikita. Sapat na ang mga katagang ito upang patunayan na siya ang Diyos na dapat sambahin.
b. Siya ang tanging Tagapagligtas (v.20).Basahin din ang Gawa 4:12.
Sa tamang doktrina tungkol kay Cristo nakikilala ang tunay na relihiyon. Malinaw itong ipinapahayag ng Biblia ayon 1 Timoteo 3:16. “ Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon: Siya'y nahayag nang maging tao, pinatunayang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan.”
Sabi pa ng Gal. 2:9, “Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya'y nagkatawang-tao.”
Kapag sinasabi ng ibang turo na si Jesus ay tao lamang, at ikinakaila nila na siya ay hindi naging tao, ang relihiyong ito ay huwad. Ang tunay na relihiyon ay kumikilala na ang Anak at Ama ay iisa (Jn10:30).
2. Tamang Doktrina sa Kaligtasan
22 Ngunit sa pamamagitan ng pagkamatay ni Cristo, kayo ay ginawang kaibigan ng Diyos, nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis. 23 Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig.
Naliligtas ang lahat ng tao sa pamamagitan lamang ng pananalig sa Panginoong Jesus. Dahil sa pananalig, binibihisan tayo ng Diyos ng bagong buhay na walang kapintasan (pinatawad) at may kabanalan.
Ngunit ito ay may kasamang babala sa talatang 23. Na, “ kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag pabayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na inyong narinig.”
Tulad ng talatang ito, sinasabi ng apostol na maaring mawala ang kaligtasang nakamit kapag ang isang Kristiano ay nagpabaya at muling nahulog sa buhay makasalanan. Sa turo ng Panginoon sa Juan 15:2, “Kahit ang mga sangang nakakabit sa puno na hindi nagbubunga ay inaalis ng Diyos, at ihahagis sa apoy.”
Kahit sa ating panahon, dapat pa rin tayong mag-ingat sa pagsusuri sa mga doktrina ng mga nagsasabing “ang kaligtasan ay hindi nawawala, na sila lang ang maliligtas, na sila ang tunay na simbahang Kristiano na itinatag ni Cristo ngunit ayaw nilang kilalang Diyos ang Panginoong Jesus, at wala raw kaligtasan sa labas ng kanilang iglesia”. Ang ganitong turo ay mula sa mga huwad na relihiyon.
3. Tamang Doktrina sa Paglilingkod
25 “Ako'y naging lingkod nito nang piliin ako ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang kanyang salita,”
Ang buhay Kristiano ay paglilingkod sa kapwa alang-alang sa Diyos. Inilalagay ng tunay na naglilingkod ang kapangyarihan sa kamay ng Diyos. Ang maaring maging kabaligtaran nito ay huwad na paglilingkod, ang paghanap ng pansariling kapangyarihan, salapi at papuri ng tao para sa sariling kapakanan. Sa huwad na paglilingkod, inilalagay ng tao ang kapangyarihan sa kanyang sariling kamay.
Ang buong iglesia ay dapat mamuhay sa tunay na paglilingkod sa Diyos. At kung hindi, ang iglesia ay magiging talamak sa maling paggamit ng kapangyarihan, at salapi. Hindi ito ang layunin ng Panginoon sa pagtatatag ng iglesia.
Ang tamang modelo ng paglilingkod ay ang halimbawa ng Panginoong Jesus na tinularan ni Pablo at ng iba pang mga apostol. Ang sabi ng Biblia, bagamat siya ay Diyos, hindi siya nanatiling kapantay ng Diyos, kundi namuhay siya bilang alipin (Filipos 2:1-10).
Ang pagiging tunay na Kristiano ay sukatan ng pagpapakababa sa paglilingkod at hindi pataasan ng posisyon para magkamit ng kapangyarihan. Sa ganitong paraan natin napapatunayan na tayo ay nasa tunay na iglesia ng Diyos. Aralin natin ang mga sinasabi ng Biblia;
a. ang tunay na relihiyong Kristiano ay nakikilala sa pagtulong sa mga mahihirap, ulila at mga balo - Santiago 1:27
b. ang tunay na relihiyon ay kalayaan upang maglingkod - Galacia 5:13, “Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.”
Tanong sa Talakayan
1. Bakit mahalaga ang pagkilala sa Panginoong Jesus bilang Diyos na naging tao para maging isang tunay na relihiyong Kristiano? Ano ang nakasulat sa Juan 8:24b, “Kung hindi kayo maniniwalang Ako'y Ako Nga, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan.”
2. Dahil ang tunay na relihiyong Kristiano ay may tamang doktrina ng kaligtasan, paano mo naranasan ang kasiguruhan ng kaligtasan? Paano natatamo ang kaligtasan ayon sa Gawa 16:31 at Roma 10:9?
3. Bakit mahalaga ang paglilingkod bilang batayan ng tunay na relihiyong Kristiano ayon sa Santiago 1:27? Bakit hindi sasapat ang pagsamba lamang para maging ganap na Kristiano?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento