Lunes, Disyembre 7, 2015

House Blessing Sermon- Psalm 127:1

Kapag ang Diyos ang Nagtayo ng Tahanan
Scripture: Psalm 127

Lesson:
Napakabuti ng Diyos na nagtatayo ng ating mga tahanan. Ang tanging nais ng Diyos ay ang pagpalain tayo sa loob ng ating sambahayan.

Ngunit maraming tao ang nagtatayo ng kanilang tahanan na hindi kasama ang Diyos. Dahil dito, hindi nila nakakamit ang ganap na pagpapalang kaloob ng Panginoon.

Narito ang mga kaloob ng Diyos sa sambahayang kanyang itinayo:

1. PAGPAPALA SA PANGANGAILANGAN.
Mabunga ang pagpapagal sa trabaho ng miembro ng pamilyaNg makadiyos. Walang nasasayang sa kanilang paggawa dahil ito ay pinagpapala ng Diyos (v. 2). Sila ay nakakatulog pa ng maimbing pagdating ng takipsilim.

Sa kabilang banda, sa tahanang hindi ang Diyos ang nagtayo; ang kanilang kapaguran ay walang saysay. Pagod sila ngunit hindi nagbubunga ang kanilang pagsisikap. At wala sila ni masarap na tulog man lang.

2. PAGPAPALA NG MGA SUPLING.
Mabungang pagdami ng mga supling (v.3). Ang pag-lago ng pamilyang pinagpapala ng Diyos ay pagdami ng mga anak na magpapatuloy sa pananampalataya ng pamilya.

Ang mga bata ay pagpapala ng Diyos. Sila ang bukas ng kasaysayan. Sila ang magpapatuloy sa anumang nasimulan.

Mayroon akong kaibigang mag-asawa na walang biological children. Ngunit sa kanilang ministeryo, pinagkalooban sila ng maraming anak ng Diyos. Naging mabunga pa rin ang pagdami ng kanilang mga anak.

3. PAGPAPALA NG KALIGAYAHAN.
Ang pangatlong pagpapala ay pagkakaroon ng masayang tahanan. Ang damdamin ng kapayapaan ay kaligayahan ay hindi matutumbasan ng anumang kayamanan. Ito ay ipinagkakaloob ng Panginoon kung siya ang tagapagtayo ng ating sambahayan.

Pinagpala sa pangangailangan, sa mga supling at kaligayahan. Wala ka ng mahihiling pa!

Application:
Ang Panginoon ang arkitekto, inhinyero at aluwage ng aking tahanan. Siya ang nais kong magtayo ng aking sambahayan.

Prayer:
Naranasan napo namin Panginoon ang magtayo gamit ang aming sariling sikap at kaalaman. Bumagsak lamang po ang aming itinayo.  Sa aming muling pagtayo, samahan mo po kami O Aming Diyos.

Linggo, Disyembre 6, 2015

Youth Sermon (Gig Night) Luke 15:13

SEEKING  FREEDOM, and IDENTITY Without Damaging Life
Youth Gig Sermon: Prodigal Son - Luke 15:13

Verse 13 "Not long after that, the younger son got together all he had, set off for a distant country and there squandered his wealth in wild living.

Introduction

Maraming kabataan sa ating panahon ang hindi nagtatagumpay sa buhay. Ayon sa mga survey, sa bawat 100 na batang maliit na pumapasok sa pre-school, ang magtatapos sa mga ito sa kolehiyo ay wala mang 20, at ang makapagtatrabaho sa kanila ay mg lima lamang. 

Kung ganito ang patuloy na mangyayari sa ating mga kabataan, ito ay malaking trahedya. 

Ito ang inyong panahon. Sa ayaw sa gusto ninyo, maiiwan sa inyong balikat ang kahihinatnan ng bukas. Kung kaya, anumang desisyon na gagawin ninyo, aralin ninyo itong mabuti. 

Tulungan nawa tayo ng Panginoon, mga kabataan. Mga kabataang Kristiano, kailangan kayo ng Diyos, upang maging instrumento ng tunay na pagbabago. Tinatawag tayo ng Diyos upang makalikha siya ng magandang bukas, para sa inyo at para sa susunod pang henerasyon. 

Hanapin niyo ang inyong sarili. Mabuting bagay kung madiskubre mo kung kung sino ka, at 
mapatunayan mo ang iyong galing. Pillin mo rin ang maging malaya. Mabuti ito, dahil hindi ka dapat
 maging alipin ng anumang bagay. Pinalaya na tayo ng Diyos. 

Mayroon magandang aral na makukuha sa buhay. 

Isang batang limang taon, ang nagtanong sa mga magulang niya habang kumakain. Tanong niya, "Bakit kayong matatanda, marami kayong nalalaman?"  Nag-isip ang kanyang nanay ng maisasagot. Kumuha ng pitsel si Misis, at ibinuhos ang kaunting tubig sa baso, at sabi niya, "Limang taon ka pa lamang, at maaring ganito pa lamang ang iyong nalalaman."  At ibinuhos ng nanay ang mas maraming tubig, na halos higit sa kalahati sa baso.  At sabi niya, "Ito naman ang aming nalalaman."

"Paano po kayo natuto?" Dagdag na tanong ng bata. Sagot ng tatay, "Sa mga tama at mali na aming 
nagawa sa buhay anak." 

May dalawang paraan ng pagkatuto sa buhay. We may learn positively and we may learn negatively.

a. Ang pagkatuto sa positibong paraan bilang pag-aaral sa buhay. 

Matuto kayong makinig sa nakakatanda sa inyo, magbasa kayo ng aklat, mag-aral mabuti sa paaralan. Punuin ninyo ng kaalaman ang sarili. At kapag marami ka nang alam, marami kang magagawa tungo sa iyong pag-unlad. 

b. Ang matuto ng negatibo. Ito yung pag-aaral sa maling paraan. Yung magkakamali ka muna para magtanda ka dahil sa consequence, o mapait na ibubunga ng iyong maling ginawa. 

Aralin nating ngayon ang Prodigal Son story, para matuto tayo. Ready na ba kayo?

Ang bawat kabataan ay naghahanap ng kalayaan upang makita niya ang sarili. Naghahanap ang mga kabataan ng kalayaan gawin ang kanilang nais, at nang sa gayun ay may mapatunayan sa sarili at sa iba. Hindi ito masama. Go and search for your identity and find your freedom. Ipakita mo ang iyong galing at hanapin mo ang iyong sarili. 

At ito yung ginawa ng kabataan ito. He started to discover who he was. He started to live with absolute freedom. 


1. Una, naghanap siya ng kalayaan, sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinagbabawal.  Nilabag niya ang mga  BAWAL.  Inakala niya na ito yung magpapalaya sa kanya. 

-  Una, hiningi niya ang kanyang mana ng wala sa panahon. 
- Pangalawa, inubos niya ang kanyang kayamanan sa maling paraan. 

Ang paggawa ng kamalian, ay hindi kalayaan. Ito ay pagsira sa sarili. Kapag binabawalan kayo, ito ay positive learning. Makinig lang kayo at matututo kayo. Pagmasdan ninyo ang Sampung Utos, puro mga BAWAL! Bawal ito, bawal iyon...ang mga ito ay paraan ng pagtuturo ng Duyos sa atin upang hindi tayo mapahamak.  Kaya nagbabawal ang mga magulang, hindi ito dahil wala silang tiwala sa inyo. Nalalaman nila ang mga nakatagong panganib, kaya nagbibigay sila ng maagang babala. (Yung asawa ni Babalu.)

2. Pangalawa, hinanap niya ang kanyang kalayaan, sa pamamagitan ng pagtalikod sa kanyang pamilya. 

"Wow! Malaya na ako, wala nang pakialam ang tatay ko sa buhay ko! Magagawa ko na ang lahat ng  gusto kong gawin!" 

He sought freedom by disregarding and leaving his family behind. 

Do not do this. Ipinagpalit niya ng pera ang tunay niyang kayamanan.  Ang ating pamilya ang ating tunay na kayamanan. Walang maipapalit sa ating ama at ina. Walang maitutumbas sa pagmamahal ng tunay 
na kapatid. Huwag ninyo silang ipagpapalit. 

Ang kabataang ito, ipinagpalit niya at tinalikuran ang kanyang pamilya para sa inaasam niyang kalayaan, at bandang huli, hindi na siya malaya, dahil naging alipin na siya ng kanyang kalagayan. 

Isang kabataan ang naghanap ng kalayaan. "Huwag ninyo akong pakialaman, buhay ko'to!" 

Gusto niyang maging malaya, kaya sunod sa parkada, bisyo dito bisyo doon. Hanggang siya makulong. Bandang huli, ang kalayaan na hinahanap niya at pagka-alipin pala. Alipin na siya ng droga. 

Huwag ninyo babalewalain ang inyong pamilya. Mahal nila kayo, pakamahalin ninyo sila. 

3. Naghanap siya ng kalayaan at itinapon niya ang kanyang bukas. 

Sa sobrang kaligayahan nakalimutan niyang paghandaan ang kanyang kinabukasan. 

Kuya, hindi ka lang ngayon mabubuhay. May bukas pang darating! At ang tagumpay ng bukas mo ay nakasalalay sa paghahandang gagawin mo ngayon!  May isang Praise and Worship Team member sa aming iglesia ang may testimony na ganito, 

"Nagkaroon ako ng opportunity na mag-aral sa Maynila. Marami ang padalang allowances sa akin. Inuubos ko ito sa inom, droga at babae. Ngayong tumatanda na ako, dahil hindi ako natapos sa 
kolehiyo, napapansin iyong mga kaedad ko na nagtatagumpay, maganda ang kalagayan, may magandang trabaho, naiisip ko, sayang iyong sinira kong panahon sa aking kabataan.  Akala ko dahil masaya iyong ginagawa noon, ay mananatiling ganon na lang. Kaya eto, nagsisisi ako.  Salamat na alang at nakilala ko ang Diyos at alam ko may isa pang pagkakataon na nakalaan sa akin. This time, hindi ko na palalampasin ang ibibigay na opportunity ng Diyos." 

He sought his freedom and identity by disregarding the future.     He lived reclessly.

4. Finally, hinanap niya ang kanyang kalayaan na nakawalay sa Diyos. 

Sasabihin ko sa inyo ng tuwiran mga kabataan, hindi natin kailanman mararanasan ang tunay na kalayaan kung hiwalay tayo sa Diyos. Ang tunay na kalayaan ay makikita lamang sa Panginoon. 

Akala ng kabataang ito, ang paggawa ng kasalanan ay kalayaan. At sinira niya, winasak niya ang kanyang sarili. Sinira niya ang kanya kinabukasan. Sinira niya ang relasyon niya sa kanyang pamilya. 

Then he came to his senses. Buti na lang at siya ay nakapag-isip. Nakita niya yung kanyang kamalian. Siya ay nagsisi at nagdesisyong bumalik sa kanyang ama. 

Kung titimbangin mo ang mga nagawa mo sa buhay, alin ang mas marami, ang mga tamang ginawa mo, o mas marami yung mga mali? 

Anumang kamalian, 
kung manunumbalik ka sa Diyos, 
bibigyan ka niya ng isa pang pagkakataon. 
Kung pinalampas mo noon yung ibinigay sa iyong pagkakataon, 
Ngayon bumalik ka sa Diyos - tanggapin mo ang isa pa...isa pang pagkakataon..

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...