Martes, Nobyembre 3, 2015

House Blessing Sermon (Pilipino)

Kapag ang Diyos ang Nagtayo ng Tahanan
Scripture: Psalm 127

Lesson:
Napakabuti ng Diyos na nagtatayo ng ating mga tahanan. Ang tanging nais ng Diyos ay ang pagpalain tayo sa loob ng ating sambahayan.

Ngunit maraming tao ang nagtatayo ng kanilang tahanan na hindi kasama ang Diyos. Dahil dito, hindi nila nakakamit ang ganap na pagpapalang kaloob ng Panginoon.

Narito ang mga kaloob ng Diyos sa sambahayang kanyang itinayo:

1. PAGPAPALA SA PANGANGAILANGAN.
Mabunga ang pagpapagal sa trabaho ng miembro ng pamilyaNg makadiyos. Walang nasasayang sa kanilang paggawa dahil ito ay pinagpapala ng Diyos (v. 2). Sila ay nakakatulog pa ng maimbing pagdating ng takipsilim.

Sa kabilang banda, sa tahanang hindi ang Diyos ang nagtayo; ang kanilang kapaguran ay walang saysay. Pagod sila ngunit hindi nagbubunga ang kanilang pagsisikap. At wala sila ni masarap na tulog man lang.

2. PAGPAPALA NG MGA SUPLING.
Mabungang pagdami ng mga supling (v.3). Ang pag-lago ng pamilyang pinagpapala ng Diyos ay pagdami ng mga anak na magpapatuloy sa pananampalataya ng pamilya.

Ang mga bata ay pagpapala ng Diyos. Sila ang bukas ng kasaysayan. Sila ang magpapatuloy sa anumang nasimulan.

Mayroon akong kaibigang mag-asawa na walang biological children. Ngunit sa kanilang ministeryo, pinagkalooban sila ng maraming anak ng Diyos. Naging mabunga pa rin ang pagdami ng kanilang mga anak.

3. PAGPAPALA NG KALIGAYAHAN.
Ang pangatlong pagpapala ay pagkakaroon ng masayang tahanan. Ang damdamin ng kapayapaan ay kaligayahan ay hindi matutumbasan ng anumang kayamanan. Ito ay ipinagkakaloob ng Panginoon kung siya ang tagapagtayo ng ating sambahayan.

Pinagpala sa pangangailangan, sa mga supling at kaligayahan. Wala ka ng mahihiling pa!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...