Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

Christ the King Sunday: Ang Kaharian ni Jesus na Panginoon

Ang Kaharian ni Jesus na Panginoon
John 18:33-37

Isa sa maaring ituring na pinaka-magandang piyesa ng musika ay ang “The Messiah” ni Friedrich Handel.  Sinasabi na isinulat lamang niya ito sa loob ng tatlong  Linggo.  Kahit ang mga modernong music writers ay hindi nila makopya ang piyesa (kung sulat kamay) sa loob ng tatlong Linggo.  Naisulat ni Handel ang piyesa sa inspirasyon ng Diyos.

Nang ito ay itanghal, napatayo maging si King George I, ang hari ng England.  Pagpapahiwatig ito na kinikilala ng hari si Jesus bilang Panginoon.  Alam natin na ang Halleluya Chorus ay nagpapahayag na si Jesus ay “King of kings and Lord of lords.” Siya ang Panginoon at inaasahan na ang lahat sa atin ay magpapakumbaba sa Kanyang paanan.

Ang araw na ito ay pagpaparangal sa Panginoong Jesus bilang Hari ng sansinukob.  Subalit anong uri ng kaharian ang kaharian ng ating Panginoon?

1. It is not of this world (v.36)
Ang laman ng mensahe ng Panginoong Jesus ay tungkol sa Kaharian ng Diyos.  At ang hari ng kanyang kaharian ay ang Diyos mismo.  Hindi ito kailanman tulad ng kaharian ng tao na naghahari base sa kapangyarihan ng posisyon o kayamanan.  Hindi ito pagmamanipula sa mga mahihirap. Ang pahahari ng Diyos ay tungkol sa pag-ibig ng ating Panginoon sa kanyang nasasakupan. Hindi ito katulad ng mga naghahari-harian sa mundo na gumagamit ng dahas at  kapangyarihan na gumagamit sa kapwa upang makakuha ng pansariling pakinabang.

2.  A Kingdom of Service and not of Domination.

Ng tanungin ni Pilato ang Panginoon, si Pilato ang tinanong ni Jesus.  Ibig sabihin, hindi natigatig ang Panginoon sa taglay na kapangyarihan ni Pilato.  Higit na makapangyarihan si Jesus. Ang nililitis sa tagpong ito ay hindi si Jesus kundi si Pilato.  Ang sinumang humaharap kay Jesus ay dumadaan sa paglilitis ng Diyos.

3. A Kingdom of Truth

Nakita ni Pilato  ang dahilan kung bakit naroon si Jesus ay dahil sa mga maling paratang ng mga Judio sa Panginoon.  Ayon sa Lucas 23:2 si Jesus “daw” ay;
a. naguturo na hindi dapat magbayad ng buwis ang mga    tao sa pamahalaan ng Roma.
b. sinasabi daw ni Jesus na siya ang Hari ng mga Judio
c. nangunguna daw si Jesus sa pag-aalsa laban sa    Emperyo ng Roma

Tatlong beses na paglilitis ang ginanap, alam ni Pilato na walang katotohanan ang mga paratang sa Panginoon.  Subalit sa halip na manindigan sa katotohanan, nagyabang pa itong si Pilato  tungkol sa kanyang katungkulan.  Kumbinsido na siya na si Jesus ay hari (v. 37),bagama’t iba ang kanyang kaharian.  .

Sinasabi ni Jesus na ang dumating siya upang magpatotoo para sa katotohanan.

Ano ang Katotohanan?

Sa aking pananaw, bagama’t alam na ni Pilato ang katotohanan, ayaw pa rin niyang kumilos ayon dito dahil,

1. Para sa kanya, higit na mahalaga ang kapangyarihan na nagmumula sa kanyang posisyon kaysa magpakatotoo.  Maraming tao ang nakikipag-compromise para manatili lamang sa posisyon na kanilang tinatamasa bilang isang uri ng “tagumpay”, ngunit sa katotohanan, ito ay pamumuhay sa kasinungalingan.

2. para sa kanya, mas mabuti ang iligtas niya ang sarili upang manatili sa tungkulin kaysa iligtas ang isang walang kasalanan na napagbibintangan ng kasinungalingan.  Sabi sa James 4:17

“Anyone, then, who knows the good he ought to do and doesn't do it, sins.”

Nagkasala siya dahil hindi niya ginawa ang tama.

3. Para sa kanya, mas mabuting takasan na lamang niya ng usapin at sa mga tao ibato ang desisyon. “Sino ang gusto ninyong palayain ko, si Jesus o si Barabas?”  Alam ng mga tao na si Barabas ang tunay na rebelde laban sa Roma at hindi si Jesus.  Alam din ito si Pilato.  Alam natin na si Barabas pa rin ang pinili ng mga tao at sinunod sila ni Pilato bagamat makaikatlong beses na sinabi ni Pilato na wala siyang nakitang kasalanan sa Panginoong Jesus.

Ang mga ginawang ito ni Pilato at mga mamamayan ay pagbabalatkayo. Hindi sila tumindig sa katotohanan.

Samantalang ang Panginoon ay biktima ng kawalan ng katarunagan, ngunit nanatili siya sa katotohanan.  Hindi niya binaluktot ang katotohanan bagamat lumasap siya ng parusa.  Hindi kailanman nagbago ang kanyang paninindigan para lang iligtas ang sarili.


Jesus Our  King is Offering Us His Kingdom

Ang alok niya ay isang kaharian ng pag-ibig, paglilingkod, na ayon sa katotohanan.

Ang pagkukunwari ay hadlang sa paghahari ng Diyos, maging sa ating personal na buhay.  Ang sabi ng Panginoon, sa John 18:37,

“Jesus answered, "You are right in saying I am a king. In fact, for this reason I was born, and for this I came into the world, to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me."

Listening to the truth simply means, we try to hear with sincerity, we try to understand what is being said to us, then we do what we ought to do.

Nais ng Panginoon na siya ang maging hari ng ating buhay.  Ano mang hadlang mayroon ngayon sa ating buhay, kung mayroon man, na humahadlang upang hindi natin siya tanggapin...alisin natin ang mga ito.

Gawin mo siyang hari ng iyong buhay ngayon. Ito ang mabuting gawin, ito ang nararapat gawin.

Magpasakop ka sa Kanya ngayon. Amen.

Lunes, Nobyembre 9, 2015

ADVENT UMC-DOC CAREGROUP RESOURCES



Week 1
GATHERING                   Kumusta ka na?
GLORIFYING.                 Umawit tayo ng papuri sa Diyos.
Prayer
Ice breaker.          
          Naranasan mo na bang tumulong sa isang balo, o ikaw ang natulungan niya? 
          Ano ang pakiramdam ng tumutulong o natulungan? 

GROWING.             Mark 12:38-44

1. Nais ng Diyos ang makatulong tayo ng kusang loob sa iba.
2. Ikinasisiya ng Panginoong Jesus ang pagbibigay tulong ng taos sa puso.
3. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang halaga ng ating maitutulong. 
     Ang mahalaga, ito ay kaligayahan ng Diyos na nakakakita sa ating mabuting motibo. 
4. Ano ang kaya mong ibigay sa Panginoon?

GLOWING.          Magdalanginan tayo. 
GOING.               May naiisip ka bang tao na nangangailangan ng tulong o panalangin?


GATHERING.     Kumusta ka na?
GLORIFYING.    Umawit tayo ng papuri sa Diyos. 
     PRAYER
     ICE BREAKER.  
            Ano na ang pinaka malubhang kalamidad na naranasan mo? Ano ang naging pakiramdam mo  
            noong mapanood mo ang bagsik ng bagyong Yolanda o Lando?

GROWING.            Mark 13:1-8

1. Ayaw ng Panginoon na tayo ay malinlang ng mga bulaang Messias. 
2. Maging maingat tayo upang hindi tayo makuha ng mga maling katuruan. 
3. Ang mga kalamidad, digmaan at pag-uusig ay simula lamang ng kawakasan. 
4. Mayroong lilitaw na mga magpapanggapj bilang si Jesus. 

GLOWING.    Magdalanginan tayo. 
GOING.          Sino ang nais mong idalangin upang maisama sa ating iglesia 
                       at ipakilala ang Tagapagligtas sa kanya? 



GATHERING.                          Kumusta ka na?
GLORIFYING GOD.                Umawit tayo ng papuri sa Diyos. 
PRAYER
ICE BREAKER.             Ano ang masasabi mo sa mga turo ni Apollo Quiboloy na siya raw 
                                     ang bagong Anak ng Diyos?

GROWING .                             John 18:33-37. Christ the King

1. Ang Panginoong Jesus ay isang hari. 
2. Hindi siya tinanggap ng mga Judio bilang hari ng Israel. 
3. Hindi dito sa lupa ang kaharian ng Panginoong Jesus. 
4. Dumating ang Panginoon upang isiwalat sa atin ang katotohanang mula sa Diyos. 
5. Nais pagharian ng Panginoon ang ating buhay. 

GLOWING.       Magdalanginan tayo. 
GOING.             Sa paanong paraan mo pinapakita ang paghahari ng Panginoon sa buhay mo?


GATHERING.            Kumusta ka na?
GLORIFYING.           Umawit tayo ng papuri sa Diyos. 
    PRAYER
    ICEBREAKER.       Kapag dumarating na ang pasko, o kung may dumarating na miembro ng pamilya 
                                  mula abroad, ang karaniwang paghahanda ang ginagawa sa inyong tahanan? 

GROWING.                Advent 1 Luke 21:25-36

1. Muling darating ang Panginoong Jesus. 
2. Makakaranas ang mga tao ng kalagiman, 
     habang ang mga Kristiano naman ay sasalubong sa Tagapagligtas. 
3. Magkakaroon ng matinding kahirapan at gutom.
4. Dapat manatiling nagbabantay at nananalangin ang mga Kristiano.

GLOWING.      Magdalanginan tayo.
GOING.           Paano mo ibinabahagi ang Panginoong Jesu-Cristo sa iba 
                        para sa kanilang kaligtasan?


GATHERING.          Kumusta ka na?
GLORIFYING.         Umawit tayo ng papuri sa Diyos
     PRAYER
      ICE BREAKER.  Ano ang damdamin mo kapag may ipinangako sa iyong regalo at ito ipagkakaloob na sa iyo?

GROWING               Luke 1:68-79 Advent 2

1. Dumating ang Diyos sa pagkakatawang tao ng Panginoong Jesus.
2. Ang Pasko ay para ikaliligtas ng lahat ng tao mula sa kanilang mga kasalanan. 
3. Si Juan ay ipinagkaloob ng Diyos upang ihanda ang daraanan ng Panginoong Jesus. 
4. Ang kaligtasan ay ipinangako ng Diyos noon pang una sa mga propeta.  At ang pangako niya ay natupad sa   
    kapanganakan ni Juan at ng Panginoong Jesus. 

GLOWING.       Magdalanginan tayo. 
GOING.             May ipanangako ka ba sa Diyos na nais tuparin?



GATHERING.             Kumusta ka na? 
GLORIFYING.            Umawit tayo ng papuri sa Diyos. 
         PRAYER
          ICE BREAKER. Kailan natin nasasabi na ang isang tao ay talagang nagbago na?

GROWING.                Luke 3:7-18.  Advent 

1. Layunin ng Diyos na tayo ay maligtas mula sa kapahamakang dulot ng kasalanan. 
2. Ang anumang pagkukunwari ay magpapahamak lamang sa atin, lalo kung hindi ito magbubunga 
    ng tunay na pagbabagong buhay. 
3. Gumawa ng kabutihan at iwaksi ang anumang gawaing masama. 
4.  Pagdating ng Panginoong Jesus, ipagkakaloob niya ang kanyang Banal na Espiritu sa mga 
     mananampalataya at dadalisayin niya tayo sa apoy. 

GLOWING.    Magdalanginan tayo. 
GOING.         Tumukoy ng isang tao o pamilya na tutulungan mo ngayon. 

Week 7

GATHERING                   Kumusta ka na?
GLORIFYING GOD.        Umawit tayo ng papuri sa Diyos. 
            PRAYER
             ICE BREAKER. 

GROWING.                       Luke 1:47-55.  Advent 4 

1. Pinapansin ng Diyos ang kalagayan ng mga mahihirap. 
2. Itinataas ng Diyos ang nasa abang kalagayan, at ibinabagsak niya ang mga nagmamataas. 
3. Nagpupuri si Maria sa Diyos dahil gumawa ng dakilang bagay ang Diyos sa kanyang buhay.
4. Tinupad ng Diyos ang kanyang pangako noon pang una, sa mga ninuno ng Israel at kay Abraham. 
GLOWING.              Magdalanginan po tayo.
GOING.                    Ano ang nais mong ipagpasalamat sa Diyos? 

-----------------------------------------------

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Kaligayahan ng Pagkakaloob sa Diyos

Experiencing the Joy of Giving to God
Mark 12:41-44

Sa isang social experiment sa internet, napatunayan na ang mga mahihirap ang mas may kaya sa pagbibigay. Samantalang napatunayan din na mas maraming mayayaman ang kuripot. Mas madaling magbigay ang mga mahirap sa kapwa nila mahirap. Mas nauunawaan ng mahirap ang katulad niyang nangangailangan.

Kahit sa Biblia, ang mga dukhang balo ay makikitang mabuting pagdating sa pagkakaloob sa Diyos.

Sa ating pagbasa ng Biblia, napansin natin ang pagpuri ng Panginoong Jesus sa paghahandog na ginawa ng isang babaeng balo.

Ang bawat pagsamba ay may sangkap ng pagpupuri, pananalangin, pakikinig at pagkakaloob.

Ang pagkakaloob ay mahalagang bahagi ng pagsamba. Ito ay pagbibigay sa Diyos ng pasasalamat.
Hindi ito kabayaran sa mga kaloob ng Diyos, ito ay pasasalamat sa kabutihan ng Panginoon.

Nais ko kayong anyayahang makinig, dalangin ko na mangusap nawa ang Diyos sa mensaheng mula sa kanyang salita.

Ang babeng balo ay nagkaloob ng higit kaysa mga nakasama niyang nagkaloob sa Diyos. Maliit na halaga lamang ang salaping kanyang ibinigay, ngunit ayon sa Panginoong Jesus, nagkaloob siya ng mas malaki kaysa iba.

1. She gave out her love for God.

Giving when done without love, it becomes a burden, an obligation.

But giving when is done out love for God, it becomes a source of joy.

Kapag mahal mo, magaan sa iyo ang pagkakaloob.

Kung pakiramdam mo kapatid, kung ang pagkakaloob sa Diyos ay pabigat sa iyo, maganda yatang tanungin mo muna ang srili mo, "Gaano ko ba kamahal ang SM?"

Bakit ba kapag SM Mall na yung pinag-uusapan, napakadaling gumastos?
Bakit ba doon, napakadaling bumunot ng 500, 1000, 100, at 50?

May kwento ako. Nagkita-kita ang mga pera at nagtanungan kung saan na sila nakarating.

Sabi ng 1000. "Hmm, pinakamalayo ang nararating ko. Mga malls, high class hotels, at at mga luxury recreations."

Pahumble na sabi ni 500, "Malls lang ako palage. Sine, palabas-labasat mga gimik."

Tugon ni 100, "buti pa kayo, ako hanggang 7-11 lang."

At nakita nilang tahimik sina 50 at 20 pesos. Kaya tanong ng ibang pera, " Beinte (20) at singkwenta (50) kayo, saan kayo palagi?" Sagot ng dalawa, "E di sa mga simbahan! Kami kasi yung laging laman ng mga offering plates. Kami nga yung tinagurihang, MGA KRISTIANONG BARYA! Mga beinte at singkwenta!"

Natatawa kayo, pero mga kapatid, kailan ba ninyo gagawing Kristiano ang mga 500 at 1000 ninyo?

Subukan mong palakihin ang pag-ibig mo sa Diyos at magagawa mo ito sa halaga ng iyong kaloob sa Panginoon.

2. She gave to God out of trusts in God.

Secondly, she learned to trust God whenever she gives.

May isang member na nagreklamo kung bakit daw ang dami ng mga singilan, at pagkakaloob sa ating iglesia. Dahil siya ay isang farmer, nataon na binisita siya ng kanyang pastor habang nagtatanim.  Nag-aasik ng binhi ang miembro, habang papadating ang pastor.

Sabi ng pastor, "Ang dami naman po ng inyong iniasik! Hindi po kayo nanghihinayan sa mga binhing inyong isinaboy sa bukirin?"

"Bah! E Pastor, ang lahat ng aking iniaasik na binhi ay ibinabalik ng aking bukirin bilang ani! Alam ko pong magbubunga ang anumang aking itinatanim."

Wika ng pastor, "kapatid, gayun din po sa Diyos tuwing tayo ay nagkakaloob. Ibinabalik din ng Diyos ng liglig, siksik at umaapaw ang ating mga kaloob sa Kanya."

Noon naunawaan ng magsasaka, na ang anumang ibibigay sa Panginoong Diyos ay hindi nawawalang pananim, kundi, tulad ng binhing itinanim, ito ay babalik sa kanya bilang mga bungang aanihin.

Ang pagpapala ng Diyos ay nakapagpapabago ng buhay.

Maraming tao ang hindi natututong magbigay sa Diyos at sa iglesia  dahil natatakot silang mawalan.

Ngunit mga kapatid, nakita natin na kapag tayo ay marunong magtiwala sa Diyos, anumang ating ibibigay sa Diyos ay nagiging pagpapala.

Ang pagiging tapat sa Diyos sa pagkakaloob ay lalo lamang magpaparanas sa atin ng mas malaking katapatan ng Diyos.

Being faithful to God will bring more of God's faithfulness. Maging tapat ka sa Panginoon, at makikita mong lalo ang katapatan ng Diyos.

May kwentong pulpito, tungkol sa isang lalaki na nagpautang sa kanyang kumpare. Dahil wala ito pera, isinanla ng lalaki ang kanyang wedding ring, at ibinigay nito ang pera sa nagangailangan niya kaibigan.

Nalaman ng asawa niya ang pagsasanla ng kanyang wedding ring. Nagalit ang babae, ngunit nagpaliwanag ang lalaki,

"Sweetheart, ang umutang na kumpare natin ang tumulong sa atin noong magkasakit ang anak mo. Noong walang-wala tayo, tumulong siya ng napakalaki sa pinambayad natin sa hospital. Ngayong siya yung nangangailangan, nais kong tumulong sa kanya.

Tapat siyang kaibigan, nais kong maging tapat ding kaibigan sa kanya.

Naunawaan ng babae ang kanyang kabiyak. Dahil ang pagiging tapat ay sinusuklian ng katapatan.

Tapat po ang Diyos. Hindi siya naging maramot sa atin kailanman.

The only way to respond to God's faithfulness is to be faithful to God.

3. Number three, she gave to God that much due to her appreciation to God.
She simply wants to give thanks.

Appreciation is best expressed not only through words, but with gifts.

Offerings are not payments but are gifts to God, in response as a thanksgiving. Because we can never repay God for His goodness. Sino ba dito ang makapagbabayad sa Diyos sa kanyang ibinigay. Lahat tayo ay ipinanganak na hubad. At tignan mo ngayon kung paano ka pinagpapala ng Diyos.

Mababayaran mo ba ang buhay mo sa Panginoon?

Ang tanging magagawa mo ngayon, ay isang bagay lamang...magpasalamat.

Kung magbibigay ka sa Diyos, yung pinaka-mainam na kaloob, saliksikin mo ang iyong puso..
Bunga ba ito ng pagmamahal sa Diyos?
Nagtitiwala ka bang tunay sa kabutihan ng Diyos?
Ito ba ay bunga ng iyong pasasalamat?
















Martes, Nobyembre 3, 2015

House Blessing Sermon (Pilipino)

Kapag ang Diyos ang Nagtayo ng Tahanan
Scripture: Psalm 127

Lesson:
Napakabuti ng Diyos na nagtatayo ng ating mga tahanan. Ang tanging nais ng Diyos ay ang pagpalain tayo sa loob ng ating sambahayan.

Ngunit maraming tao ang nagtatayo ng kanilang tahanan na hindi kasama ang Diyos. Dahil dito, hindi nila nakakamit ang ganap na pagpapalang kaloob ng Panginoon.

Narito ang mga kaloob ng Diyos sa sambahayang kanyang itinayo:

1. PAGPAPALA SA PANGANGAILANGAN.
Mabunga ang pagpapagal sa trabaho ng miembro ng pamilyaNg makadiyos. Walang nasasayang sa kanilang paggawa dahil ito ay pinagpapala ng Diyos (v. 2). Sila ay nakakatulog pa ng maimbing pagdating ng takipsilim.

Sa kabilang banda, sa tahanang hindi ang Diyos ang nagtayo; ang kanilang kapaguran ay walang saysay. Pagod sila ngunit hindi nagbubunga ang kanilang pagsisikap. At wala sila ni masarap na tulog man lang.

2. PAGPAPALA NG MGA SUPLING.
Mabungang pagdami ng mga supling (v.3). Ang pag-lago ng pamilyang pinagpapala ng Diyos ay pagdami ng mga anak na magpapatuloy sa pananampalataya ng pamilya.

Ang mga bata ay pagpapala ng Diyos. Sila ang bukas ng kasaysayan. Sila ang magpapatuloy sa anumang nasimulan.

Mayroon akong kaibigang mag-asawa na walang biological children. Ngunit sa kanilang ministeryo, pinagkalooban sila ng maraming anak ng Diyos. Naging mabunga pa rin ang pagdami ng kanilang mga anak.

3. PAGPAPALA NG KALIGAYAHAN.
Ang pangatlong pagpapala ay pagkakaroon ng masayang tahanan. Ang damdamin ng kapayapaan ay kaligayahan ay hindi matutumbasan ng anumang kayamanan. Ito ay ipinagkakaloob ng Panginoon kung siya ang tagapagtayo ng ating sambahayan.

Pinagpala sa pangangailangan, sa mga supling at kaligayahan. Wala ka ng mahihiling pa!

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...