Biyernes, Agosto 28, 2015

Notes on August 30, 2015 Sermon

Doers of the Word

Mark 7:1-8, 14-15, 21-23
James 1:17-27

Ang ating pagiging Kristiano ay nasusukat mula sa ating pakikinig ng Salita ng Diyos, sa pag-usbong ng ating pananalig at sa mga gawa na ibinubunga ng ating pananampalataya sa Diyos. Ang pakikinig na walang pananalig at gawa ay nagiging kaalamang walang saysay. May mga tao ang marami ang nalalaman sa Salita ng Diyos ngunit hindi ito nagbubunga ng pananampalataya at mabuting gawa. 

May mga tao rin naman na marunong makinig at nagiging relihiyoso ngunit kulang sa mabuting gawa. Tulad nila ay mga Pariseo ng sinaunang panahon. Marami ang alam nila sa Biblia, palasimba at madasalin pa, ngunit nananatiling palamura at kulang sa mabuting gawa. 

Kung mayroon tayong dapat idalangin ay ito; "Huwag nawang maituring na huwad Panginoon ang aming pananampalataya, lalo sa iyong paningin O Panginoon. Bilang mga Kristianong Metodista, nawa ay makita sa amin ang tunay na pananampalataya."

Marka ng Tunay na Pananampalataya

May mga katibayan na dapat makita sa ating pananampalataya bilang tunay na relihiyong Kristiano; 

1. Nilinis na Kalooban, 2. Katapatan sa Diyos, 3. Gawang kabutihan na walang makasariling paghahangad. 


1. Nilinis na kalooban. 

Alam ng isang tunay na Kristiano na siya ay nilinis na nang Diyos. Nararamdaman niya ito sa kanyang sariling kalooban. Alam niya na mayroon na siyang kauhawan sa kabanalan at nakadarama siya ng kalungkutan sa kasalanan. Ang tanging nais niya ay maluwalhati ang Diyos. Ayaw niyang palungkutin ang Banal na Espiritu. Ang pinakamamahal niya ay ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.

Ang pag-ibig niyang ito sa Diyos ang dahilan kung bakit sa kanyang isip, salita at gawa, wala siya ninanais kundi ang maparangalan ang Diyos.

Sa kanyang kalooban ngayon ay bumabalong sa pag-ibig para sa kapwa.

2. Katapatan sa Diyos

Walang puwang ang anumang pagkukunwari sa tunay na relihiyon. Dahil ito ay awareness sa sariling kalooban. Kaya ito ay nagdudulot ng katapatan sa sarili at sa Diyos.

3. Bunga ng dalisay na relihiyon ay ang tapat na paglilingkod o paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Napapalitan ang sariling paghahangad at nagiging paghahangad na malingkod.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...