Pamagat ng Sermon: Paano Maging Alagad ni Cristo?
(Ang Kwento Pagka-alagad ni Felipe at Nathanael)
Enero 14, 2024, Ikalawang Linggo ng Efifanio
1 Samuel 3:1-10, (11-20) • Psalm 139:1-6, 13-18 • 1 Corinthians 6:12-20 • John 1:43-51
May tanong sa isang Kristianong pastor ang isang Muslim, “Ano ang pinagkaiba ng aking relihiyon sa Kristianismo?”
Sagot ng pastor, “Sa iyong relihiyon, hinahanap ninyo ang Diyos. Gumagawa kayo ng mabuti upang maligtas. Sa aming Kristiano, naniniwala kami na lahat ay mahal ng Diyos at hinahanap tayo ng Diyos, upang makilala natin siya sa kanyang pagkakatawang tao, matapos makilala, sumusunod kami sa kanya bilang alagad ni Cristo, upang makapaglingkod sa sanlibutan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa lahat ng tao.”
Sabi sa Isaias 65:1, “Sumagot ang Panginoon, “Nagpakilala ako sa mga taong hindi nagtatanong tungkol sa akin. Natagpuan nila ako kahit na hindi nila ako hinahanap. Ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila kahit na hindi sila tumatawag sa akin.”
Ngunit kailangang maging malinaw sa ating lahat kung bakit nais ng Diyos na magpakilala sa akin at sa iyo. Ang pagpapakilala po ng Diyos ay hindi isang socialization lamang. May mga tao na nagpapakilala upang magkaroon lang sila ng kausap, o kaya kaibigan. Ang Diyos ay nagpapakilala upang siya ay tanggaping Panginoon at Tagapagligtas ng mga tao. Sabi nga ng isang Christian motto, “We want to know Christ and make Him known.”
Ang Diyos ay nagpapakilala sa atin, upang siya rin ay ipakilala natin sa iba. Kapag nakilala natin ang Panginoon, nagkakaroon tayo ng tamang relasyon sa kanya. Ngunit kung ipinapakilala natin ang Panginoon sa iba, tayo ay nagiging ganap na alagad ni Cristo. Kung kilala mo na si Cristo, dahil tinanggap mo siya bilang Panginoon at Tagapagligtas, mabuti yan. Pero masama yan, kung hindi mo siya ipakikilala sa iba. Ang pagiging alagad ni Cristo ay hindi pansarili. Ito ay dapat ibahagi sa iba.
Kaya tumatawag ang Panginoon ng mga tao upang maglingkod sa kanya bilang alagad niya. Tulad ng mababasa sa ating kwento ngayong umaga, “Kinabukasan, nagpasya si Jesus na pumunta sa Galilea. Pagdating niya roon, nakita niya si Felipe at sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.” (v. 43).
PAANO NAGIGING ALAGAD NI CRISTO ANG ISANG TAO?
Sabi ng Panginoong Jesus sa Juan 15:16, “Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, para humayo kayo at mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo.”
May mahalagang dahilan ang Diyos sa pagpili sa atin.
Sabi sa 1 Peter 2:9, “Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.”
Kaya po tayo nandito ay dahil pinili tayo ng Diyos. Kaya naging kaanib po tayo ng simbahang ito, ay dahil pinili po tayo ng Diyos. Hindi po ikaw o ako ang nagpanukala ng ating kaligtasan. Ito ay desisyon ng Diyos tawagin tayo. Ito ay gawa po ng Diyos. Hindi po tayo ang pumili sa Diyos! Ang Diyos ang pumili sa atin!
Sa ating pagsunod kay Cristo, tayo ay nagiging kaisa ni Cristo. When we follow Christ, we become one with Christ. But our association with Christ, it produces transformation! Kapag ang isang tao ay hindi nakakaranas ng pagbabago, hindi iyan totoong nakipag-isa kay Cristo.
Ang sabi kasi ng Panginoong Jesus sa mga alagad na kanyang tinatawag, “Come follow me, and I will make you…fishers of men.” (Mateo 4:19). If you follow Christ, Christ will change you! Ang mga unang alagad, mula sa pagiging fishers of fish, sila ay ginawang fishers of people. Ito po ay malaking pagbabago. Malinaw sa 2 Corinthians 5:17, “Ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.”
Ang pakikipag-isa kay Cristo ay nagbubunga po:
Ito ang karanasan ng mga nakipag-isa kay Cristo. Sila ay nakakaranas ng patuloy na pagbabago hanggang maging ganap ang pagbabago tungo sa wangis ni Cristo.
Tayo ay tinawag upang magsanay sa mga gawaing Kristiano. Dahil ang pagiging alagad ay isang aktual na pagsasanay o “training” upang ipakilala si Cristo sa iba. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng:
Tayo ay dapat maturuan upang tayo rin ay magtuturo. Tayo ay dapat matutong makinig ng aral, upang tayo rin ay makapangaral. Bilang paalala ni Apostol Pablo kay Timoteo, “Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.” (2Tim.2:2).
Sa paglagong Kristiano, ang mga nakikinig sa aral ay nagiging mangangaral sa katagalan. Pakinggan po ninyo ang hugot ng sumulat sa mga Hebreong Kristiano,
Ang isang alagad ay dapat maging taga-akay sa iba, tagapagturo / tagapangaral at nagbabahagi. Ang bawat isa sa atin ay tinawag upang maging kagamit-gamit para sa gawain ng Diyos.
Ang bawat alagad ay sinusugo ng Panginoon sa mundo. Utos ng Panginoong Jesus sa lahat ng mga alagad bago siya umakyat sa langit ay ganito, “Humayo kayo sa sanlibutan at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.”
At makikita natin sa ating kwento mula sa Biblia ngayong umaga na, ang bagong alagad na si Felipe, ay nagsimulang ipakilala si Jesus kay Nathanael. Nagsimula na po siya sa pagtugon, pagbabago, pagsasanay at paghayo.
Si Nathanael naman, ay nakasaksi sa Panginoon. Bilang isang bagong alagad, nakilala niya ng mas malaliman ang Panginoong Jesus. Nakita niya na bago pa siya kinausap ni Felipe, “nakita na siya ng Panginoon sa ilalim ng higos”. Siya ay pinagmamasdan at sinisiyasat na ng Panginoon tulad ng sabi sa Awit 139:1-2, “Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala. 2Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.”
Sina Felipe at Nathanael ay tinawag ng Diyos na sumunod tulad ni Samuel sa Lumang Tipan. Tulad natin, ang mga lingkod ng Diyos ay nakatalaga sa banal na gawain. Sabi sa 1 Cor. 6:19-20, dahil tinubos na tayo ni Cristo, ang ating katawan ay hindi na sa atin kundi templo na ng Espiritu Santo. Gamitin natin ang ating katawan sa kapurihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging alagad na naglilingkod.
May mga pag-aaral sa mga simbahan na mabilis lumalago at hindi lumalago. Sa mga hindi lumalago, ang pastor ay nag-iisang naglilingkod sa lahat ng mga miembro. Mula kapanganakan hanggang sa libingan, sila ay pinaglilingkuran ni pastor. Samantala, sa mga mabilis lumagong iglesia, ang mga miembro ay tumutugon, binabago ng Diyos, nagsasanay bilang mga alagad, at humahayo. Sa pangunguna ni pastor, ang mga miembro ay mga sundalo na sinusugo ng Diyos. Anong iglesia po kaya tayo? Hinihikayat ko ang bawat isa na maging disipulo, at samahan po ninyo ako na inyong pastor sa paglilingkod. Ikaw kapatid, kailan ka magsisimula na maglingkod bilang alagad ni Cristo?